4. PAGTUKLAS NG APOY
Itinuturing na isa sa
pinakamahalagang tuklas ng
unang tao. Ayon sa isang teorya,
natuklasan ng unang tao ang
apoy sa pagtama ng kidlat sa
isang punong kahoy. Nagliyab ito
at nabuwal sa isang mabangis na
hayop. Nang matikman nila ang
lasa ng lutong karne ay
nagustuhan nila ito at
nagsimulang gumawa ng apoy sa
pamamagitan ng pagkiskis ng
bato. Kinalaunan ay natutuhan na
rin nilang gumawa ng apoy sa
pamamagitan ng pagkiskis ng
kahoy.
5. • Pag-aaral ng mga pangyayari
bago nakapagtago ng mga tala
sa kasaysayan
• Tinatawag na prehistoriko ang
panahong hindi pa nasusulat
ang kasaysayan.
• Nahahati ito sa mga
sumusunod na panahon:
• Panahong Paleolitiko
• Panahong Mesolitiko
• Panahong Neolitiko
7. • Inilalarawan ang panahong prehistory
bilang bahagi ng napakahabang nakaraan
ng sangkatauhan na nag-uugat halos 2.5
milyong taon na ang nakalilipas bago pa
man nalikha ang isang sistematikong
paraan ng pagsusulat.
8. • Mahalaga ang mga natutuklasang fossil o
mga organism sa nakaraan na naibaon sa
bato o nag-iwan ng labi o bakas sapagkat
nalalaman ng mga dalubhasa ang mga
unang anyo ng mga nilalang na may buhay
sa panahong prehistoriko.
Ilang halimbawa ng fossil ng mga nilalang noong prehistorikong panahon.
9. • Dalawang mahahalagang proseso ang dapat
pagtuonan ng pansin sa panahong prehistory:
1. Nauukol ito sa ebolusyon o ang mga pagbabagong
naganap sa aspektong bayolohikal ng tao. Umabot
ito sa pagkamit ng katalinuhang maghihiwalay sa
kaniya sa mga hayop. Tinatawag din itong
sapientization.
2. Nakapaloob dito ang pagkakaroon ng kasalukuyang
uri ng tao ng kakayahang gumawa at lumikha ng
mga kasangkapan upang makapamuhay sa araw-
araw.
12. ARCHAEOLOGICAL DIG
- Tawag ito sa mga lugar kung saan nakahahanap
ang mga arkeologo ng maraming kasangkapang
nagbuhat sa nakaraan.
13. • Mga instrumentong ginagamit upang matukoy
ang panahon ng isang bagay o mga pangyayari
sa malayong nakalipas:
1. Dokumentong historikal at mga kagamitang batid
ang panahon
2. Dendrochronology o tree-ring dating
3. Radiocarbon (14C) Dating
4. Potassium-Argon Dating
14. • Si Willard Libby, ang
nakaimbento ng radiocarbon
dating, ay nakatanggap ng
Noble Prize sa Chemistry
noong 1960.
• Ang radiocarbon dating,
sinusuri ang mga isotope
carbon 14 upang matukoy
ang edad ng mga materyales
na may carbon o
carbonaceous materials.
Sinusuri ang natirang isotope
carbon14 sa isang organic na
labi
15. • Sa tradisyonal na pag-
aaral, ginagamit ang
tinatawag na three-age
system upang hatiin sa
tatlong magkakaibang
yugto ng prehistory ng tao.
Pinasimulan ni Christian
Jurgensen Thomsen
(1788-1865) ang ganitong
pagpapanahon batay sa
kasangkapang ginamit ng
mga unang tao: Stone
Age, Bronze Age, at Iron
Age.
16. • Nahahati ang Panahon ng Bato (Stone Age):
1. Paleolitiko (Paleolithic)
2. Mesolitiko (Mesolithic)
3. Neolitiko (Neolitiko)
17. • (Old Stone Age) pinakamaagang panahon
kung saan mababanaag ang kaunlaran ng
sinaunang tao.
• Hango sa mga katagang Greek na ‘palaios’ o
‘matanda’ at ‘lithos’ o ‘bato.’
• pinakamahabang yugto ito sa kasaysayan ng
sangkatauhan.
• Pagitan ng 40,000 BP at 10,000 BP
• Nahahati sa tatlong mahahabang dibisyon:
Lower Paleolithic, Middle Paleolithic, at Upper
Paleolithic.
18.
19. Period Deskripsiyon
Lower Paleolithic
Period
Pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig
Nagtapos ito noong 120 000 BP
Middle Paleolithic
Sa Europe at Africa
Mula 120 000 BP hanggang 40 000 BP
Hominid, na mas kilala bilang Australopithecines, sila
sinasabing mga ninuno ng makabagong tao.
Kabilang si Lucy na natuklasan sa Ethiopia.
Homo habilis, mas mukhang tao kaysa sa nauna.
Homo erectus
Upper Paleolithic
Saklaw nito ang mga panahon mula 40 000 BP at 8500
BP
Pagiging artistiko ng mga tao
Paggamit ng simbolo at ritwal
Taong Cro-Magnon
20. • Tinatawag na Mesolitiko (Middle Stone Age)
ang sumunod na panahon matapos ang
Paleolitiko.
• Hango ito sa mga salitang Greek na ‘mesos’ na
nangangahulugang ‘gitna’ at ‘lithos’ o ‘bato.’
• Mainit na klima na naging paborable para sa
pagtatanim.
• Pagpapahusay at pagpipino sa mga
kagamitang ginamit ng mga sinaunang tao.
• Pag-aalaga ng hayop.
21.
22. • Tinatawag namang Neolitiko (New Stone Age)
ang huling bahagi ng Panahong Bato.
• Hango ito sa mga salitang Greek na ‘neos’ o
‘bago’ at ‘lithos’ o ‘bato.’
• Paggamit ng iba’t ibang mga kasangkapan,
pamumuhay ng to sa mga pamayanan,
pagtatanim, pag-aalaga ng hayop, at
pagkakaroon ng mga kaalamang tulad ng
pagpapalayok at paghahabi.
• Ang obsidian ay isang batong mula sa bulkan
na mistulang Kristal na ginamit bilang kutsilyo
noong panahon ng bato.
23.
24. • Tinatawag na pictographic
ang mga unang
sistematikong paraan ng
pagsusulat ng tao na
nakabatay sa mga
larawan. Una itong
umusbong mga 3500
BCE.
• Ang mga artesano ay mga indibidwal na mahusay
lumikha ng mga bagay gamit ang mga kamay.
25. Sagutan ang nakalaang gawain:
• Pagsasanay A at B pahina 34
• Pagsasanay E pahina 35
Asynchronous Activity
26. Alamin ninyo na
ang Panginoon ay siyang Dios;
siya ang lumalang sa atin, at
tayo'y kaniya: tayo'y kaniyang
bayan, at mga tupa ng kaniyang
pastulan.
Mga Awit 100:3