2. Hindi naging epektibo ang kasunduang
Versailles upang mapanatili ang
kapayapaan matapos ang unang
digmaang pandaigdig.Ito ang
pinagmulan ng tensiyon na hahantong
sa ikalawang Digmaang Pandaigdig.
3. • Naging malaking kawalan naman para sa
League of Nations ang pag tanggi ng
makapangyarihan noong US na sumapi rito.
• Para sa US, ang hindi pagsapi sa liga ay paraan
upang makaiwas ito sa mga kaguluhan sa
Europe.
4. • Matapos ang digmaan, maraming bansang
sadlak sa kahirapan ang sumandig sa US.
• Subalit noong 1929, kasabay sa hiyawan ng
mga stock broker sa Wall Street, ay ang
pagbagsak ng ekonomiya ng US gayundin ng
ekonomiya ng maraming bansa sa Europe.Ang
Kaganapang ito ay ang tinawag na Great
Depression.
• Bunsod ng Great Depression, marami ang
nawalan ng hanap buhay at tirahan .
5. • Ang matatag na demokrasya ng US, Great
Britain, at France ay nakabangon sa krisis
noong dekada 1930.Subalit may ilang
demokrasyang bigong matugunan ang
naturang krisis ekonomiko
6. • Ang pasismo ay ang ideolohiya kung saan
itinuturing na higit na mahalaga ang
kapakanan ng pamahalaan kaysa sa
mamamayan.
• Dito pinaniniwalaang dapat maging tapat ang
mga mamamayan sa pamahalaan at sa bansa.
Ito ang tinutukoy na paraan upang makaahon
ang bansa mula sa kahirapan.
7. • Ang totalitaryanismo ay isang sistema kung
saan nagkakaroon ng ganap na
kapangyarihan ang pamahalaan sa lahat ng
aspekto ng pamumuhay ng mga mamamayan
• Tatlong diktador ang nakilala sa panahong
ito.Ito ay sina Adolf Hitler ng Germany,
Benito Mussolini ng Italy, at Joseph Stalin ng
USSR.
10. BAKIT
Kinamunihan ni Hitler ang mga jew na itinuring niyang
mababang uri tao.Ang mga jew ang iyunurong dahilan ni
Hitler para sa lahat ng mga suliranin sa Germany.Ninais ng
mga German na lipulin ang mababang uri ng lahi at
panatilihin ang kadalisayan ng lahing Aryan , o mga taong
Germanic.
PAANO
Sa simula tinanggalan ang mga jew ng mga karapatan.
Sumunod ay marahas silang itinaboy mula sa
Germany.Pagkatapos ay ipinatipon ni Hitler ang mga jew sa
mga ghetto.
Upang mapabilis ang paglipol sa mga jew, ipinatupad ni Hitler
ang Final Solution. Sa ilalim ng patakarang ito may mga jew na
agarang pinatay sa kanilang bayan may ilang dinala sa mga
concentration camp upang doon ay alipinin, pag
eksperimentuhan, at paslangin;at ang iba aya ipinadala sa
execution camps, kung saan maramihang pinapaslang ang mga
jew sa gas chambers gamit ang cyanide.
SAAN
Marami sa concentration camps ang itinatag sa Poland at
Germany.Sa kalaunan ay nakapagtatag din ang concentration
camps sa mga nasakop na bansa ng Germany.Ang
pinakamalaking extermination camp ay itinayo sa Auschwitz
EPEKTO Matapos ng ikalawang Digmaang pandaigdig,
tinatayang may anim na milyong katao ang namatay sa
holocaust.
11. MILITARISMO SA JAPAN
• Umabot hanggang Asya ang epekto ng Great Depression. Sa Japan
maraming mamamayan ang nawalan ng hanap buhay at naghirap.
• Upang lustasin ang pagkalugmok ng ekonomiya ang
Japan, iminungkahi ng mga pinunong militar nito ang
pananakop ng mga teritoryo sa Asya.
• Nilayon nilang magtatag ng imperyo sa Asya sa ilalim ng
pamumuno ng kanilang emperador na si Hirohito.Sa
ganitong paraan nila ipinamalas ang nasyonalismo.
12. • Taong 1931 nang sinakop ng hukbong
sandatahan ng Japan ang
Manchuria.Ipinagwalang-bahala nito ang
protesta ng League of Nations at sa halip ay
tumiwalag mula sa liga.Ito ang unang banta sa
bagong-kamit na kalayaan at ang una ring
pagkakataon na hinamon ng isang bansa ang
kapangyarihan ng League of Nations.
13.
14.
15. SETYEMBRE 1931 Sinakop ng Japan ang
Manchuria.
OKTUBRE 1935 Sinakop ng Italya ang Ethiopia .
MARSO 1936 Sinakop ng Germany ang Rhineland,
na buffer zone sa pagitan ng France at
Germany.
HULYO 1937 Sinakop ng Japan ang Beijing at iba
pang hilagang lungsod at Nanjing sa
China.
SETYEMBRE 1938 Sinakop ng Germany ang Sudetenland
MARSO 1939 Sinakop ng Germany ang
Czechoslovakia.
16. • Ipinatupad naman ng Great Britain at France
ang patakarang Appeasement , o pagpapanatili
ng kapayapaan, sa harap ng ga paglabag ng
Germany sa Kasunduan sa Versailles.
• Alinsunod din sa patakarang appeasement ang
pagganap ng Kumpernesiya sa Munich sa
pagita ng Germany, Great Britain,France at
Italy noong ika-29 ng Setyembre 1938,
napagkasunduang mananatili sa Germany ang
Sudetenland sa kondisyong ititigil na nito ang
pananakop ng mga bagong teritoryo.
• Samantala, upang patatagin lalo ang puwersa
laban sa Germany, nakipagkasundo ang France
at Great Britain kay Joseph Stalin ng USSR.
17. • Hindi tumupad ang Germany sa Kasunduan sa
Munich.Noong ika-isa ng Setyembre 1939,
sinalakay ng Germany ang Poland gamit ang
estratahiyang Blitzkrieg o “lightning war.”
• Mabilis at biglaang sinalakay ng Germany ang
Poland.Sa pagkakataong ito hindi na
pinalagpas ng Great Britain at France ang
Germany.
18. ABRIL 1940
• Nag lunsad ng blitzkrieg ng Germany
laban sa Denmark at Norway.
• Nagapi ang Denmar matapos lamang ng
apat na oras
MAYO 1940
• Napasakamay ng Germany ang
Netherlands, Luxembour at Belgium.
HUNYO 1940
• Pumanig ang Italy sa Germany.Nagdeklara
ng digmaan ang Italy laban sa France at
Great Britain.
• Pagsuko ng France sa Germany.
• Inilunsad ng Germany ang Operation Sea
Lion laban sa Great Britain.
1941
• Sa banta ng pananakop ng Germany,
sumapi ang Bulgaria,Romania, at
Hungary sa Axis Powers.
• Sinakop ng Germany ang Yugoslavia at
Grece, mga bansang kaalyado ng Great
Britain.
19. 10 MAYO
1941
• Sa harap ng matatag na
puwersa ng mga British,
inabandona ni Hitler ang
planong pananakop sa
Great Britain.
22 HUNYO
1941
• Inilunsa ni Hitler ang
Operation Barbarossa
upang sakupin ang dating
kaalyadong USSR
20. • Sa Asya-Pacific, ipinagpatuloy ng Japan ang
pagpapalawak nito ng imperyo sa ilalim ng
Propagandang The Great East Asia Co-Prosperity Sphere.
• Layunin ng Japan na sama-samang pag-unlad ng mga
bansa sa Asya sa ilalim ng pamumuno nito. Iginiit di nito
na ang “Asya ay para sa mga asyano “.
• Noong 1937 ay pormal na umanib ang Japan sa Axis
Powers.Dahil sa banta ng US sa ambisyon ng Japan sa
Asia-Pacific sinalakay ng hukbong Hapones ang baseng
Amerikano sa Hawaii.
• Ikapito ng Disyembre 1941 nang salakayin ng Japan ang
Pearl Harbor. Bunsod nito, nagdeklara ng digmaan ang
US sa Japan noong ikawalo ng Disyembre.
21. 1943
SETYEMBRE
•Sumuko ang Italya sa Allied Powers bagamat nagpatuloy
ang pakikidigma ng mga Italian hanggang sa pagsuko ng
Germany noong 1945.
1944
HUNYO
•Sa tinaguriang D-Day ginapi ng pinagsamang puwersa
ng British, Amerikano, French, at Canadian ang mga
German sa Normandy. Tagumpay ng mga itong palayain
ang France, Belgium,Luxembourg, at malaking bahagi ng
Netherlands.
22. 1941
HUNYO
• Sa South Africa, nagapi ng Allied Forces ang
kaalyadong Afrika Krops ng Germany.
1941
HUNYO
• Sa Russia, bigong salakayin ng hukbong German ang Moscow
dahil sa taglamig doon. Nag yelo ang mga kagamitang pandigma
ng mga German at mula sa kanilang hukbo ay nasawi ang may
500,000 sundalo.
1943
PEBRERO
• Sumuko ang mga German sa Stalingrad.
23. 1944
DISYEMBRE
•Natalo ng Allied Forces ang Germany sa
Battle of the Bulge.
1945
ABRIL
•Nagpakamatay si Hitler at asawang si Eva
Braun.
24. • Matapos ang pagpapasabog sa Hiroshima at
Nagasaki noong ikalawa ng Setyembre 1945 ay
pormal na sumuko ang Japan.
• Naganap ang seremonya sa barkong Missouri
sa pangunguna ni Heneral Douglas
MacArthur. Dito nagwakas ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig sa Asya-Pacific at sa
daigdig.
25. ABRIL
1942
• Sumuko ang Allied Forces sa Pilipinas sa hukbong
Hapones.
• Naganap ang Bataan Death March
HUNYO
1942
• Nagapi ng Allied Forces ang puwersa ng Japan sa Battle
of Midway.
PEBRERO
1943
• Nagapi ng Allied Forces ang mga Hapones sa Battle of
Guadalcanal.
OKTUBRE
1944
• Nagapi ng Allied Forces ang Japan sa Battle of Leyte Gulf.
• Muling nabawi ng US ang Pilipinas mula sa Japan.
AGOSTO 1945 • Sa pasya ni Pangulong Harry Truman ng US,
pinasabugan ng atomic bomb ang mga lungsod ng
Hiroshima at Nagsaki sa Japan.
26. Bago matapos ang opisyal na pagwawakas ng
digmaan ay ginanap ang dalawang
kumperensiyang nilayong talakayin ang kapalaran
ng Europe matapos ang Digmaan: ang
kumperensiya sa Yalta noong pebrero 1945 at ang
Kumperensiya sa Potsdam noong Hulyo 1945.
Ang unang kumperensiya ay dinaluhan nina
Stalin, Churchill, at Roosevelt. At ang ikalawa
naman nina Stalin,Churchill, at ng humalili sa
yumaong si Roosevelt na si Harry Truman. Sa
ilalim ng dalawang kumperensiya, napagpasyahan
ang:
27. • Tinanggap ng Allied Forces ang walang
kondisyong pagsuko mula sa hukbong militar
ng Germany noong ikapito ng Mayo 1945.
• Ikawalo ng Mayo nang opisyal na nilagdaan
ang pagsuko sa Berlin. Dito nagwakas ang
ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europe.
• Samantala napipinto na rin ang pagwawakas
ng ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya-
Pacific sa mga panahong iyon.
28. Demilitarisasyon ng Germany;
Paghahati ng Germany- sa kanlurang Germany
sa ilalim ng US at silangang Germany sa Ilalim
ng USSR;
Pagpapabayad sa Germany ng bayad-pinsala;
at
Pagbibigay ng mga nasakop na teritoryo ng
Japan-kabilang ang Sakhalin Island, Kurile
Island at Port Arthur- sa USSR.
29.
30. May 40 milyong Europeo ang nasawi sa digmaan.
May 2/3 ito ng kabuoang bilang ng mga nasawi
noong digmaan. Maraming lunsod ang nawasak
tulad ng London, Warsaw, Berlin, Hiroshima,
Nagasaki at Maynila.
31. Nilitis sa Nuremberg Trials ang mga paglabag sa
karapatang pantao noong Holocaust sa Germany.
Labindalawa sa 22 nasakdal na opisyal ng Nazi
ang pinatawan ng parusang
kamatayan.Pinagbayad ang Germany ng $20
bilyon sa bayad-pinsala. Nagbigay rin ng bayad-
pinsala ang Italy sa mga naging biktima ng
digmaan.
Sa Japan pinarusahan ng kamatayan ang pitong
opisyal na Hapones na sangkot sa digmaan,
kabilang si Punong Ministro Hideki Tojo.
32. Bunga rin ng Kumperensiya sa Yalta, itinatag
noong ika-24 ng Oktubre 1945 ang United
Nations. Ito ay isang samahang pandaigdig na
layuning protektahan ang mga kasapi nito
mula sa agresyon at panatilihin ang
kapayapaan. Binuo ito ng 50 kasapi sa
pagkakatatag nito.
33. Sandaling napasailalim ang Japan sa US. Sa
panahong ito, binago ng US ang konstitusyon
ng Japan at itinatag ang isang constitutional
monarchy. Pinaamin ang emperador ng Japan,
na noon ay itinuring na banal, na hindi siya
diyos.Ang emperador ang tumayong
monarong konstitusyonal,isang simbolo ng
Japan.
Samantala, itinatag ng USSR ang komunistang
pamahalaan sa poland, Czechoslovakia,
Hungary, Yugoslavia, Romania, at Bulgaria
34.
35. • Maraming hindi nalugod sa kinahahantungan
ng kasunduan sa Versailles.Nariyan na ang
Germany a nagkaroon ng matinding galit dahil
sa natanggap nitong parusa.
• Ang Japan at Italy na bigong makakuha ng mas
malawak na teritoryo na layunin nito na
mapabagsak sa digmaan at ang mga bansa sa
Asya at Africa.Na umasa na makakamit nila ang
kalayaan matapos ang digmaan subalit sa halip
ay ipinasailalim sa mandate system.
36.
37. Allies vs. Axis Powers
Allies
Great Britain
France
Soviet Union
(after June/1941)
U.S. (after
Dec./1941)
Plus many smaller
European nations
Axis Powers
Germany
Italy
Japan