Sino si Ferdinand Marcos?
Si Ferdinand Marcos ay ang
ika-sampung Pangulo ng
Pilipinas. Nanilbihan siya bilang
pangulo mula 1965 hanggang
1986. Siya ang natatanging
pangulo ng Pilipinas na nagsilbi
sa kanyang tanggapan ng
mahigit sa dalawampung taon.
Dalawang beses siya ng
tumakbo at nagwagi bilang
pangulo ng bansa bago ang
pagdedeklara ng Batas Militar
noong 1972. Ang malawakang
protesta na kilala sa tawag na
“1986 People Power Revolution”
ang pwersang humila sa kanya
na bumaba sa pwesto noong
1986.
• Ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula
30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986.
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
(11 Setyembre 1917 – 28 Setyembre 1989)
• Isang Abogado at nagsilbing kasapi ng
Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas
mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng
Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965
bago naging Pangulo ng Pilipinas noong 1965
para sa apat na taong termino..
Mga Programa ni Marcos
Maraming mga patubig, daan, tulay, health center,
at eskwela ang naipatayo noong administrasyong
Marcos. Kabilang dito ang Maharlika Highway,
Marcos highway at San Juanico Bridge. Dahil dito,
tinawag siya bilang “The Architect of the New
Society”
Ipinatupad din ang Green Revolution na
humikayat sa maraming mag-anak na magtanim sa
mga bakanteng lote at mag alaga ng mga hayop
upang madagdagan ang kanilang kita.
Proyektong Imprastruktura
Green Revolution
Sa tulong ng programang Masagana 99 at
pagtatanim ng miracle rice, dumami ang
produksyon ng bigas. Nakapagluwas ng bigas ang
Pilipinas pagkaraan ng maraming taon. Nakatulong
din sa mataas na produksyon ng bigas ang
pagkakaroon ng irigasyon,mas mahuhusay na
binhi ng palay at paggamit ng pataba.
Masagana 99
Ikalawang Termino ay nagmula sa panlilinlang
sa kanyang 1969 kampanya at talamak sa korupsiyon
sa pamahalaan. Pangkalahatang kawalang kasiyahan
ng mga mamamayan dahil ang populasyon ay
patuloy na mabilis sa lumalago kesa sa ekonomiya na
nagsanhi ng mas mataas na kahirapan at karahasan.
Mga Mahahalagang Pangyayari
NPA ay nabuo noong 1969 at ng MNLF ay
nakipaglaban para sa paghihiwalay sa Pilipinas ng
Muslim Mindanao.
Pagproprotestang mga manggagawa at mga
estudyante at pagbobomba sa sa iba’t ibang lugar
sabansa upang lumikha ng isang kapaligiran ng krisis
at takotna kanyang kalaunang ginamit upang
pangatwiranan ang kanyang pag papataw ng Batas
Militar o Martial Law.
Mga Mahahalagang Pangyayari
Ang Pagbomba sa Liwasang Miranda
Nagdaos ang oposisyong Partido Liberal ng rally ng
pangangampanya sa Palaza Miranda sa Quiapo,
Maynila noong 21 Agosto 1971 na dinaluhan ng mga
4,000katao upang ipakilala ang mga kandidato ng
Partido Liberal para sa Senado at mga kandidato para
sa Maynila mula Punong Lungsod Hanggang sa
konsehal.
Ang Pagbomba sa Liwasang Miranda
Mag-iika-9:00 ng gabi ang dalawang granada ay
inihagis sa entablado at magkasunod na sumabog.
Malubhang nasugatan sina Jovito Salonga, Sergio Osmena
Jr, John Henry Osmena, Senador Eva Estrada Kalaw, at iba
pa. Siyam na katao ang nasawi kabilang ang potograpo
ng pahayagang Manila Times na si Ben Roxas at 95 na
katao ang nasugatan.
Sa simula, ang Pangulong Marcos ang itinuturong
siyang may pakana nito ngunit makalipas ang ilan taon ay
idiniin ni Major General Victor Corpus si Jose Maria Sison
at sa pinamumunuan niyang kilusan na Partido Komunista
ng Pilipinas bilang Utak nito ngunit ito ay itinatanggi ni
Sison. Sinisi rin ni Marcos and mga komunista sa balak na
pagpapahina ng kanyang pamahalaan at ilang oras
pagkaraan ng pagsabog ay ipinalabas ng Pangulong
Marcos ang Proklamasyon Bilang 889 na sumisuspindi sa
pribelihiyo ng Writ of Habeas Corpus. Noong Enero 1972
ganap na binawi ni Pangulong Marcos ang kautusang
nagsususpindi sa pribelihiyo ng writ of habeas corpus.
Mga Mahahalagang Pangyayari
Isang sistema ng mga patakaran
na nagkaroon ng bisa kapag ang
mga militar ang nag kontrol sa
karaniwang pamamahala ng
katarungan. Sa Pilipinas,
nagkaroon ng batas militar nang
ititnatag ni Pangulong Marcos ito
noong Septyembre 21,1972.
Binuwag ang Kongreso ng
Pilipinas na nagaalis ng tungkulin
sa mga senador at kinatawan. Sa
ilalaim ng Batas Militar,
nagkakaroon ng kapangyarihan
lehislatibo o paggawa ng batas si
Marcos.
Batas Militar o Martial Law
• Isinagawang pagtatangkang pagpaslang sa kalihim ng
pagtatanggol ni Marcos na si Juan Ponce Enrile ang isang
dahilang ibinigay ni Marcos upang ipataw ang Martial
Law ngunit ito ay kalaunang inamin ni Enrile na peke.
• Upang iligtas ang Pilipinas sa kamay ng mga kaaway
nito.
• Upang magtatag ng isang bagong lipunan na
makapagdudulot ng kaunlaran,kapayapaan at seguridad
sa sambayanang Pilipino.
Itinatag ang Batas Militar o Martial Law
Ikatlong Termino (1981-1986)
Noong 16 Hunyo 1981 anim na buwan
pagkatapos na alisin ang martial law, ang unag
halalan sa pagkapangulo ay idinaos para sa isang
anim na taong termino.
Ang kalusugan ni Marcos ay mabilis na bumagsak
sanhi sakaramdaman sa bato na kadalasang
inilalarawan bilang lupus erythematous.
Maraming tao ang nagtatanong kung may
kakayahan pa siyang mamuno dahil sakanyang
malalang sakit at paapalaking kaguluhan sa
politika.
Layunin:
1. Pagsansala sa paglaganap ng terorismo mula sa
mga lalawigan hanggang sa pook ng Maynila.
2. Pagtatamo ng impormasyon tungkol sa
organisasyon ng mga komunista, misyon,
pinagmumulan ng pantustos, kagamitan, lihim na
tagakalap ng balita at mga bagong kasapi.
3. Pagdadakip sa ibang pinuno ng mga kilusang
makakaliwa.
Noong Enero 7,1972 ganap na binawi ni Marcos
ang kautusang nagsususpindi sa pribelehiyo ng
writ at Habeas Corpus.
Ang Pagsususpindi ng Pribelehiyo ng
“Writ of Habeas Corpus”
• Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino
(1983) ay ang kalaunang naging
katalista na humantong sa pagpapatalsik
kay Marcos
- nawalan ng pagtitiwala ang maraming
Pilipino sa administrasyon ni Marcos
• 1983 – hindi na sumuporta ang Estados
Unidos sa rehime ni Marcos kung kaya’t
naghanap sila ng paraan upang
mapatalsik si Marcos
• 1985 – nagpatawag si Marcos ng isang
Snap election kung saan tumakbo siya
laban kay Corazon Aquino
• Nanalo si Marcos sa halalan ngunit
marami ang hindi makapaniwala kaya
ang RAFM (Reform the Armed Forces
Movement) ay naglunsad ng isang coup
d’eta laban kay Marcos
Himagsikang People Power
Edsa Revolution
• Maraming tao, pari at madre ang
tumungo sa EDSA
• Ang pangunahing transmitter ng
mga pangyayari sa EDSA ay ang
Radio Veritas
• Ang ilang pangkat ang umaawit ng
Bayan Ko na antema ng oposisyon
• Ipinakita ng mga tao ang tandang
LABAN na may nabuong “L” gamit
ang kanilang mga daliri
• Nagkaroon ng inagurasyon si
Marcos ngunit maya’t maya ay
lumisan sila ng kaniyang pamilya
papuntang Hawaii na naging
patunay ng kanyang pagbitiw sa
posisyon
Kamatayan ni Marcos
Namatay si Marcos noong Setyembre 28,1989
sa Honolulu, Hawaii sa edad na 72 sa cardiac
arrest matapos ng matagal na pakikipaglaban sa
mga karamdaman ng bato, baga at puso. Ang
bangkay ni Marcos ay inuwi Pilipinas noong 1993
at nakatanghal sa isang mausoleo sa Batac,Ilocos
Norte.
Mga Tanong:
1. Kung ikaw ay si Marcos, idedeklara mo ba ang
“Martial Law”? Bakit?
2. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng mga
Senador at Kongresista sa ating pamahalaan?
3. Ano ang mahalagang contribution ang
naibigay ni Pangulong Ferdinand Marcos sa
ating bansa? Bakit ito ay mahalaga?