2. Ang Unang Digmaang Pandaigdig o Unang Pandaigdigang Digmaan
(Ingles:World War I / "WWI" o First World War)
Ay isang malawakang digmaang pandaigdig
na naganap noong mga taong 1914 hanggang 1918.
Sangkot sa digmaan ang mga nangungunang bansa ng mundo
na noo'y nabibilang sa dalawang magkalabang alyansa:
ang Alyadong Puwersa at Puwersang Sentral.
Mahigit sa 70 milyong sundalo ang lumahok sa digmaang ito
na pumatay ng tinatayang 9 milyong katao bunga
ng mabilisang pag-unlad ng teknolohiya sa pakikibaka.
Sa pangkalahatan, ang Unang Digmaang Pandaigdig ang
ikaanim na pinakamapinsalang digmaan sa kasaysayan.
3. Ang pagpatay noong 28 Hunyo 1914 kay
Artsiduke Franz Fernando, tagapagmana ng trono ng
Austria-Unggarya, ng isang nasyonalistang Serbiyan
ang pinakamalapit ng sanhi ng pagsisimula ng digmaan.
Ang naturang pangyayari'y nagtulak sa Austria-
Unggarya na magbanta sa Kaharian ng Serbiya na siya
namang nagbunsod sa mga alyansang namamagitan sa
mga bansa sa Europa na makibaka sa isa't isa. Sa mga
sumunod na linggo'y nasuong na sa digmaan ang mga
nangungunang bansa sa Europa, kasama ng kani-
kanilang mga kolonya, at ang tunggalia'y kagyat na
lumaganap sa buong mundo.
4. Nagsimula ang digmaan noong 28 Hulyo nang
salakayin ng Austria-Unggarya ang Serbiya. Sinundan ito
ng pananakop ng Alemanya sa Belhika, Luksemburgo at
Pransiya at ng pananalakay ng Sandatahang Ruso sa
Alemanya.
Matapos mapipilan ang pag-abante ng Sandatahang
Aleman patungong Paris, halos hindi na gumalaw ang linya
ng mga bambang ng Bunsurang Kanluran hanggang 1917
samantalang sa Silangan ay matagumpay na nalabanan ng
Sandatahang Ruso ang Sandatahang Austro-Unggaryo
ngunit napaatras bunga ng pananalakay ng Sandatahang
Aleman. Ilan pang bunsuran ang nagbukas matapos
sumama sa digmaan ang Imperyong Otomano noong 1914,
Kaharian ng Bulgarya't Italya noong 1915 at Rumanya
pagsapit ng 1916. Bumagsak naman ang Imperyong Ruso
noong 1917, at lumabas ang Rusya sa digmaan matapos ang
Himagsikang Oktubre noong taon ding iyon. Matapos ang
isang opensibang Aleman sa Bunsurang Kanluran noong
1918, pumasok ang Estados Unidos sa digmaan sa panig ng
Alyadong Puwersa na naglunsad ng mga matatagumpay na
opensiba laban sa Sandatahang Aleman. Pagsapit ng 11
Nobyembre ng taong iyon ay sumuko ang Alemanya, gayon
din ang kanyang mga kaalyado.
5. Sa pagtatapos ng digmaan ay apat ng
kapangyarihang imperyal ang nalusaw: ang mga
Imperyong Aleman, Ruso, Austro-Unggaryo at Otomano.
Ganap na nagwakas ang huling dalawang imperyong
nabanggit at umusbong naman muli sa labi ng Imperyong
Ruso ang Unyong Sobyet, samantalang lumitaw naman sa
Silangang Europa ang ilang mga bagong bansa. Nabuo ang
Liga ng mga Bansa sa pag-asang mapipipilan nito ang
anumang tunggaliang maaaring maganap sa mundo. Ang
kinahinatnan ng digmaan, gaya ng mga probisyong
itinadhana ng Tratado ng Versailles, ang mga nakalulunos
na ibinunga ng Dakilang Kapanglawan, ang nasyonalismo
sa Europa, at ang muling paglakas ng Alemanya ang
siyang naging dahilan upang muling sumiklab ang isa
pang pandaigdigang digmaan pagsapit nang 1939.
7. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay isa
sa pinakamapaminsalang digmaan sa
kasaysayan. Humigit-kumulang sa 65
milyong katao, kapwa sundalo at sibilyan,
ang nasawi bunga ng pag-unlad ng
teknolohiya, na kagyat namang iniaplay sa
digmaan. Nakaragdag pa sa malaking
bilang ng mga nasasawi at nasusugatang
sundalo ang pagpapairal
ng pakikidigmang
pambambang sa Bunsurang Kanluran na
nakapagpabagal sa pag-abante ng mga
sundalo. Pagsapit ng 1917, malawakan
nang gumagamit ang magkalabang panig,
ang Alyadong Puwersa at Puwersang
Sentral, ng mga armored
cars, awtomatikong riple, barkong
pandigma, eroplano, flamethrower, nakalala
song gas,naglalakihang
kanyon, submarino at tangke. Sa kabilang
banda, naging malaki ring pakinabang ang
paggamit telepono at komunikasyong
walang kable sa larangan ng
pakikipagtalastasan ng mga sundalo
8. Nagkaroon ng pagbabago sa pormasyon
ng impanterya kung saan pito hanggang
sampung sundalo na lamang, sa halip na
100, ang pangunahing yunit ng maneobra
laban sa mga kaaway. Dala nang palagiang
pambobomba sa mga pinaglalabanang
lugar, naimbento ng bawat nasyong
kalahok ang iba't ibang uri ng helmet
upang protektahan ang ulo ng bawat
sundalo. Ilan sa mga helmet na ito ay
ang Adrian (na ginagamit ng mga
Pranses), Brodie (ng mga Briton at kolonya
at maging ng mga Amerikano) at
ang Stahlhelm (ng mga Aleman).
Nanatiling namang pangunahing sandata
ng nakararaming sundalo
ang pistola, riple, bayoneta at granada. Sa
pagkakaimbento ngmasinggan, tulad
ng Vickers, at mga awtomatikong riple,
gaya ng BAR, Bergman MP18 at Lewis,
naging imposible na ang maramihang
harapang pagbabarilan para sa
magkalabang panig.
9. Noong 1914, ang mga kanyon ay
karaniwang nang nakalagak sa mga lugar
na pinaglalaban at pinapaputok ng
tuwiran sa anumang puntirya. Nang
sumunod na tatlong taon ay pinapaputok
na ang mga ito nang hindi tuwiran ayon sa
iba't ibang pamamaraan ng pagmamatyag.
Upang mabawasan ang pinsalang
naidudulot ng mga kanyon, naging
karaniwan na ang paghahanap sa mga ito,
ayon sa iba't ibang taktika, upang wasakin.
Bawat bansang sangkot sa digmaan ay
naimbento ng iba't ibang uri ng kanyon
gaya ng howitser, mortar at ang kanyong
daambakal. Naimbento naman ng mga
Aleman ang iba't ibang uri
ng Minenwerfer at ang Kanyong Paris na
ginamit upang bombahin ang Paris sa layo
ng 100 kilometro (60 milya).
10. Isa naman sa kagimbal-gimbal na
sandatang ginamit noong digmaan ay
ang nakalalasong gas na nagdudulot ng
masakit at mabagal na pagkamatay. Una
itong ginamit ng Sandatahang Aleman
sa Ikalawang Labanan ng Ypres noong
1915 at nang lumaon ay ng Alyadong
Puwersa bilang paglabag sa Kumbensyong
Hague nang 1907. Maraming uri ng
nakalalasong gas ang naimbento ng
magkalabang panig tulad ng
klorin, mustard at posdyin bagaman hindi
ito naging epektibo upang maipanalo ang
isang labanan.
11. Ang isa pa sa mga nakagigimbal na
sandatang ginamit noong digmaan ay
ang flamethrower, isang imbensyong
Aleman. Noon ay isang napakabigat na
sandata ang flamethrower, kaya't labis na
lantad sa mga kaaway ang mga nagdadala
nito. Ang isa pa ay ang tangke na may
kakayahang tumawid sa mga bambang at
alambreng bakod. Una itong ginamit ng
mga Briton sa Labanan ng Somme noong
1916 at malawakang ginamit sa Labanan
ng Cambrai nang sumunod na dalawang
taon.
12. Sa pagsiklab ng digmaan ay kaagad
namang ipinakalat ng Kaiserliche Marino,
Hukbong Pandagat ng Alemanya, ang
kanyang mga submarinong kung tawagin
ay U-boat upang lumpuhin ang ekonomiya
ng Gran Britanya sa pamamagitan ng
pagpapalubog ng mga barkong
pandigma't pangalakal nito. Bilang ganti
ay nagsagawa naman ng panggigipit
ang Maharlikang Hukbong Dagat ng Gran
Britanya sa Alemanya nang sa gayo'y hindi
makapasok dito ang suplay ng pagkain at
amunisyon. Dala ng nasabing panggigipit
ay kinailangan ng mga Aleman na maging
praktikal sa pagpapanatili ng sapat na
bilang ng amunisyon. Naging mailap
naman ang mga U-boat kaya't kinailangan
ng Gran Britanya na lumikha ng iba't ibang
sandata at pamamaraan matugis lamang
ang mga submarinong ito. Samantala
noong 1918 ay gumamit ang Gran Britanya
ng isang barkong panghatid-eroplano,
ang HMS Furious, laban sa mga Zeppelin sa
Tondern.
13. Nilinang din noong digmaan ang paglikha ng iba't ibang uri
ng mga eroplanong panlaba't pambomba. Sa pagsisimula ng
digman ay ginagamit lamang ang mga eroplano sa mga
misyong pagmamatyag hanggang sa makita ang kanilang
potensyal sa estratehikong pambobomba at pagpapabagsak
na rin ng kapwa eroplano. Naimbento
ng Pransiya ang Nieuport 15, ng Gran Britanya ang Sopwith
Camel, ng Alemanya ang Fokker Dr.I, ng Rusya ang Sikorsky
Ilya Muromets at iba pa. Ang mga Ruso ang nagsagawa ng
kauna-unahang malawakang pambobomba sa digmaan
gamit ang nasabi nilang eroplano. Ginamit naman ng mga
Aleman ang kanilang mgaZeppelin, isang malaking
sasakyang panghimpapawid, upang bombahin
ang London samantalang muling namang namalas ang
malaking pakinabang ng mga obserbasyong lobo nang
gampanan nila ang tungkulin sa mga misyong
pagmamatyag. Noong mga panahong iyon ay ipinagkait sa
mga piloto ang paggamit ng parakyada, liban na lamang sa
mga sakay ng obserbasyong lobo, sapagkat may paniniwala
noon na magbubunsod ito ng karuwagan sa panig ng mga
piloto.
14. Nagkaroon din ng pagbabago sa
disenyo't kalidad ng mga
daambakal at tren sapagkat dito
mabilis na naipapadala ang mga
sundalo, armas, amunisyon,
pagkain at tubig sa mga
pinaglalabanang lugar