Ce diaporama a bien été signalé.
Le téléchargement de votre SlideShare est en cours. ×

M4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptx

Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Prochain SlideShare
Komunikasyon modyul
Komunikasyon modyul
Chargement dans…3
×

Consultez-les par la suite

1 sur 18 Publicité

Plus De Contenu Connexe

Similaire à M4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptx (20)

Plus récents (20)

Publicité

M4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptx

  1. 1. IBA’T IBANG TEKNIK SA PAGPAPALAWAK NG NG PAKSA
  2. 2. WORDS OF THE DAY Balangkas Magkakaugnay Pagkakalahad Pagpapalawak Katuturan Depinisyon Paghahawig Pagsisiyasat Pangangalap Karapat-dapat Pagpapakahulugan
  3. 3. GAWAIN 1. Magkaugnay tayo Panuto: Gamitin ang iyong sariling kaalaman, ibigay ang mga bagay na maaari mong iugnay sa salitang pinag-uusapan sa ibaba.
  4. 4. Alam mo ba? Ang talata ay isang maikling kathang binuo ng mga pangungusap na magkakaugnay, may balangkas, may layunin, at may pag-unlad ang kaisipang nakasaad sa pinakapaksang pangungusap na maaaring lantad o di-lantad. Layunin ng isang talata ang makapaghatid ng isang ganap na kaisipan sa tulong ng mga pangungusap na magkakaugnay. Upang maging mabisa ang isang talata, dapat ito ay may isang paksang diwa, buong diwa, may kaisahan, maayos ang pagkakalahad, at may tamang pagkakaugnay at pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan. Sa pagsulat ng talata, mahalaga ring bigyang-pansin ang pagpapalawak ng paksa upang higit na maging mabisa at maliwanag ang pagsusulat o paglalahad.
  5. 5. May iba’t ibang paraan o teknik ang ginagamit sa pagpapalawak ng paksa, ilan sa mga ito ang sumusunod: 1. Pagbibigay-katuturan o depinisyon- -May mga salitang hindi agad-agad maintindihan kaya’t kailangang bigyan ng depinisyon. Ito’y mga bagay o kaisipang nangangailangan nang higit na masaklaw na pagpapaliwanag. Ang kaurian, kaantasan, at kaibahan ng mga salitang ito ay binibigyang diin sa pagbibigay ng depinisyon. Halimbawa: Ang pananaliksik ay isang mapanuri at makaagham na imbestigasyon o pagsisiyasat ng isang bagay, paksa, o kaalaman sa pamamagitan ng pangangalap, pagpapakahulugan, pagbubuo, at paguulat ng mga ideya nang obhetibo,matapat, at may kalinawan.
  6. 6. 2. Paghahawig o Pagtutulad- -May mga bagay na halos magkapareho o nasa kategoryang iisa. Samakatuwid, ang mga bagay na magkakatulad ay pinaghahambing upang mapalitaw ang kanilang mga tiyak na katangian. Halimbawa: Ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa ibabaw at minsan nasa ilalim. Ngunit gaano man kahirap ang buhay ay hindi dapat agad sumuko.
  7. 7. 3. Pagsusuri- - Ang pagsusuri ay nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuoan ng isang bagay kundi pati na rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa. Samakatuwid, dahil masaklaw ito, higit na madaling maintindihan ang kalikasan ng isang bagay sa pamamagitan ng pagsusuri. Halimbawa: Nang mamatay ang kanilang ama, ang kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali ang hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta sa mga ranggo. Nais nilang si Prinsipe Bantugan ang maging bagong hari. Kahit ang mga ordinaryong mamamayan ay nagsabing si Prinsipe Bantugan ang mas karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsipe.
  8. 8. GAWAIN 2. Piliin Mo Ako Panuto: Piliin ang titik ng pinakawastong sagot at isulat sa iyong sagutang papel. 1. Ano ang tawag sa kalipunan ng mga pangungusap na tumatalakay sa iisang paksa? A. Pangungusap B. Parirala C. Sugnay D. Talata 2. Ano ang tawag sa proseso ng paglalahad sa diwa ng isang paksa sa anyo ng isang talata? A. Pagpapalawak sa Idea C. Pagpapalawak sa Talasalitaan B. Pagpapalawak sa Paksa D. Pagpapalawak sa Talata
  9. 9. 3.Aling teknik sa pagpapalawak ng paksa ang ginamit sa talatang nagbibigay- katuturan sa isang bagay o salita? A. Pagbibigay- katuturan C. Pagsusuri B. Paglalahad D. Pagtutulad 4. Kung hinimay sa loob ng talata ang kaugnayan ng bawat bahagi ng paksang tinatalakay, anong teknik sa pagpapalawak ng paksa ang naisakatuparan? A. Pagbibigay- katuturan C. Pagsusuri B. Paglalahad D. Pagtutulad 5. Aling teknik sa pagpapalawak ng paksa ang naisakatuparan kung ang katangian ng paksa ay iniuugnay sa isa pang bagay sa loob ng isang talata? A. Pagbibigay- katuturan C. Pagsusuri B. Paglalahad D. Pagtutulad
  10. 10. GAWAIN 3: TIK! TAK! TOK! Panuto:Tukuyin ang mga ginamit na iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa. Isulat ang TAK kung ang ginamit ay pagbibigay-katuturan o depinisyon, TIK kung ang ito ay paghahawig o pagtutulad at TOK kung ito ay pagsusuri. _____1. Katulad ng isang agilang mataas lumipad, ang isang taong mataas ang pangarap sa buhay. Kahit anong balakid ang kanyang kahaharapin matibay ang kaniyang mga pakpak sa pag-abot ng mga bagay na gusto niyang makamit. _____2. Dahil sa pandemya naging matumal ang benta ngayon ng ilang produkto. Ang pariralang matumal ang benta ay kasingkahulugan ng pariralang mahina ang benta
  11. 11. _____3. ”Walang pagkakaiba ang pananaw ng Pangulo at programa ng department Nof education hinggil sa physical, face- to-face classes. Ayaw ni President,ayaw din ng Deped na ma- endanger ang mga bata” -Sec.Leonor Briones- _____4. Ayon sa kasalukuyang sitwasyon,may ilang variant ang corona virus na maaaring maipasa ng tao sa tao,(human-to- human transmission).Kadalasan na nangyayari ito sa malapitang pakikipagsalamuha sa iba ng taong mayroon nito, gaya sa bahay, trabaho o health facility. _____5. Ang edukasyon sa New Normal ay ang isang matinding hamon sa mga mamamayan. Ito ay walang “Face to face” na interaksyon sa pagitan ng mag-aaral at guro. Maaaring birtwal ang komunikasyon dahil iniiwasan ang pagtitipon-tipon sa isang lugar alinsunod sa health protocol na umiiral.
  12. 12. Gawain 5. Bakunado Panuto: Bumuo ng talata tungkol sa larawan na nasa ibaba. Gamitin ang mga teknik na natutuhan sa pagpapalawak ng paksa.
  13. 13. Sukatin I. Pagsuri at Pagtukoy Panuto: Suriin ang mga talata upang matukoy ang teknik sa pagpapalawak ng paksa na ginamit sa pagsulat. ( Pagbibigay- kahulugan, Paghahawig, Pagsusuri) _______1. Tinatawag na panlapi ang mga morpemang ikinakabit sa mga salitang-ugat, dahilan upang mabago ang kahulugan at panahunan nito. May tatlong uri ang panlapi sa wikang Filipino na kung tawagin ay unlapi, gitlapi, at hulapi. Unlapi ang tawag sa ikinakabit na panlapi sa unahang bahagi ng salitang- ugat, gitlapi sa gitna, at hulapi sa hulihan.
  14. 14. _______2. Lumaki si Clair na kinaiinggitan ang kaniyang kapatid na si Loraine. Sa kaniyang pananaw, higit kasi itong maganda, matalino at kinagigiliwan ng kanilang mga kakilala at magulang. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman, kinaiinggitan naman siya ni Loraine dahil sa taglay nitong lakas ng loob, pagkamaparaan, at angking talino.
  15. 15. II. Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Panuto: Sumulat ng tatlong talata gamit ang bawat teknik sa pagpapalawak ng paksa (1 Pagbibigay- katuturan, 1 paghahawig, 1 pagsusuri). Isulat ang nabuong mga talata sa iyong sagutang papel. Paksa sa bawat talata: 1. Blended learning bilang paraan ng pag- aaral (Kahulugan) 2. Blended learning at relasyon sa kaibigan (Pagtutulad) 3. Blended learning at ang dulot nito sa pagkatuto ng mag- aaral (Pagsusuri)
  16. 16. Thank You!

×