3. • Ito ay binubuo ng salitang-ugat
lamang, walang panlapi, hindi
inuulit at walang katambal na
salita.
Halimbawa:
Alay Kahoy Bango Araw
Dasal Dahon Lakad Gabi
1. PAYAK
4. 2. MAYLAPI
• Ito ay mga salitang binubuo ng
salitang-ugat na may kasamang
isa o higit pang panlapi.
Halimbawa:
Usigin pagsumikapan
Katapangan sumpa-sumpaan
5. Paglalapi
• Tumutukoy sa pagbuo ng
salita sa pamamagitan ng
pagsasama ng panlapi at
salitang-ugat.
Nagkakaroon ng iba’t ibang
anyo at kahulugan sa
pamamagitan ng paglalagay
ng iba’t ibang panlapi.
7. a. MGA URI NG PANLAPI
A. UNLAPI
Panlaping ikinakabit sa unahan
ng salitang ugat.
HALIMBAWA:
nag- ma- pa- um- mag-
pag- in- i- ka-
8. a. MGA URI NG PANLAPI
A. UNLAPI
HALIMBAWA:
um + asa = umasa
nag + lakad = naglakad
i + sukat = isukat
mag + laba = maglaba
9. a. MGA URI NG PANLAPI
B. GITLAPI
Panlaping nasa gitna ng salita.
Ito ay isinisingit (unahang
katinig at kasunod
na patinig).
Nagagamit lamang ito kung ang
salitang-ugat ay nagsisimula sa
katinig.
10. a. MGA URI NG PANLAPI
B. GITLAPI
HALIMBAWA:
-um- -in-
Karaniwang panlapi sa
Filipino.
11. a. MGA URI NG PANLAPI
B. GITLAPI
HALIMBAWA:
-um- + kain = kumain
-in- + sabi = sinabi
-um- + sayaw = sumayaw
12. a. MGA URI NG PANLAPI
C. HULAPI
Panlaping ikinakabit sa hulihan
ng salitang-ugat.
HALIMBAWA:
-an -han
-in -hin
13. a. MGA URI NG PANLAPI
D. KABILAAN
Panlaping ikinakabit sa sa
unahan at hulihan ng salita.
HALIMBAWA:
kabaitan kabatiran
patawarin kaunlaran
14. a. MGA URI NG PANLAPI
E. LAGUHAN
Panlaping ikinakabit sa
unahan, gitna, at hulihan ng
salita.
HALIMBAWA:
pinagsumikapan
magdinuguan
16. • Hulapi
-in + gamot = gamotin
-an + kamay = kamayan
-hin + sabi = sabihin
-han + sama = samahan
-in at -an
hinuhulapi sa mga
salitang
nagtatapos sa
katinig at impit na
tunog o tunog
glottal na
itinuturing din na
isang pomenang
katinig
-hin at -han
hinuhulapi sa mga
salitang
nagtatapos sa
patinig
17. b. Mga Paraan ng Paglalapi
(1) Pag-uunlapi
(2) Paggigitlapi
(3) Paghuhulapi
(4) Pag-uunlapi at paggigitlapi
(5) Pag-uunlapi at paghuhulapi o kabilaan
(6) Paggigitlapi at paghuhulapi
(7) Pag-uunlapi, paggigitlapi, at paghuhulapi o
laguhan
22. 3. INUULIT
• Ang buong salita ay inuulit o
kaya naman, ang isa, o higit
pang patinig ay inuulit.
• Mayroong dalawang uri:
a.) Pag-uulit na ganap
b.) Pag-uulit na di-ganap
23. A.) INUULIT NA GANAP
•Inuulit ang buong
salitang-ugat.
•May nababago ang diin
kapag inuulit at
mayroon namang
nananatili ang diin.
24. A.) INUULIT NA GANAP
HALIMBAWA:
Salitang-Ugat Pag-uulit
gabi gabi-gabi
araw araw-araw
iba iba-iba
25. B.) INUULIT NA PARSIYAL
• Isang pantig o bahagi
lamang ng salita ang inuulit.
Salitang Ugat Pag-uulit
inom iinom
sulat susulat
usok uusok
takbo tatakbo
Halimbawa:
26. C.) MAGKAHALONG GANAP AT
PARSIYAL
• Buong salita at isang bahagi
ng pantig ang inuulit.
Salitang Ugat Pag-uulit
ilan iilan-ilan
tulog tutulog-tulog
Halimbawa:
27. 4. TAMBALAN
• Ang kayarian ng salita kung ito
ay binubuo ng dalawang
salitang pinagsasama para
makabuo ng isang salita
lamang.
• Ito ay may dalawang uri.
Tambalang di ganap
Tambalang ganap
28. a.) Tambalang di-ganap
• Pinagsamang dalawang
salita na nananatili ang
kahulugan.
Halimbawa: Bahay-kubo
(ang ‘bahay’ ay tirahan ng tao
at ang ‘kubo’ ay maliit na
bahay).
29. 4. TAMBALAN
a. Tambalang di ganap- kapag
ang kahulugan ng salitang
pinagtambal ay nananatili.
HALIMBAWA:
bahay-kubo
kuwentong-bayan
tulay-bitin
30. b.) Tambalang ganap
• Ang ipinagtambal ay nagkakaroon
ng ikatlong kahulungang iba kaysa
isinasaad ng mga salitang
pinagsama:
• Halimbawa:
Bahag + hari bahaghari
Patay + gutom patay-gutom
31. 4. TAMBALAN
b. Tambalang ganap- kapag
nakabubuo ng ibang kahulugan
kaysa sa kahulugan ng dalawang
salitang pinagsama.
HALIMBAWA:
dalagambukid
bahaghari