SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  28
Télécharger pour lire hors ligne
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 16:
Ang Panlipunan at Pampolitikal
na Papel ng Pamilya
8
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 16: Ang Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng:
Department of Education - Caraga Region
Office Address: Teacher Development Center
J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600
Telefax No.: (085) 342-5969
Email Address: caraga@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Judith E. Ecoben
Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib
Tagasuri: Elizabeth M. Ysulan, Megenila C. Guillen, Imelda A. Grumo,
Michael C. Paso, Mark Lorenz C. Luib, John Rey C. Clarion, Jezzine
F. Salar, Rashiel Joy F. Lepaopao, Megie M. Lillo,
John Rey C. Clarion
Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit
Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas
Isidro M. Biol Jr.
Maripaz F. Magno
Josephine Chonie M. Obseňares
Lope C. Papeleras
Michael C. Paso
Juan Jr. L. Espina
8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan - Modyul 16:
Ang Panlipunan at Pampolitikal na
Papel ng Pamilya
ii
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 16 para sa Aralin 1 - Ang Panlipunan at
Pampolitikal na Papel ng Pamilya!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinagtatagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
iii
Para sa Mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 16 para sa Aralin 1 - Ang Panlipunan at
Pampolitikal na Papel ng Pamilya!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
iv
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutan lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutan ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1
Alamin
Bawat indibidwal ay may ginagampanang papel sa pamilya na naipalaganap.
Ang pamilya ay may tungkuling nararapat na magampanan sa lipunang
ginagalawan, binibigyan ng suportang praktikal, emosyonal at maging ang
pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya. Pinapahalagahan ng bawat
pamilya ang awtoridad ng politika at panlipunang seguridad.
Ang pagganap na ito ay may kaakibat na angkop na gawaing maaaring
panlipunan at pampulitikal. Paano nga ba natin magagampanan ang gawaing
panlipunan at pampolitikal? Kaibigan, sa modyul na ito masasagot mo ang mga
katanungang ito.
Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:
a. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikal na
papel ng pamilya. (ESP8PB-Ih-4.4)
2
Subukin
Maraming Pagpipilian
Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
1. Ano ang kailangang matutunan ng tao para sa mabisang pakikipag-ugnayan sa
lipunan?
A. pagkikipag-usap
B. pag-aaruga ng tao
C. pagmamahal sa tao
D. pakikipagkapuwa tao
2. Ano ang pinakamaliit na yunit ng lipunan na unang nagturo sa kahalagahan sa
pagganap ng mga responsibilidad ng isang mabuting mamamayan?
A. barangay
B. lungsod
C. organisasyon
D. pamilya
3. Anong tungkulin ang kailangang gampanan ng isang pamilya bilang bahagi ng
lipunan?
A. tungkuling bigyan ng kasiyahan ang bawat kasapi ng lipunan
B. tungkuling makiisa sa mga rally na isinasagawa laban sa gobyerno
C. tungkuling magbigay ng sampung porsyento (10%) sa kaniyang kinikita
D. tungkuling panatilihin at paunlarin ang lipunang kaniyang ginagalawan
4. Ano ang kailangang maranasan ng tao upang magkaroon ng isang pamilya?
A. magmahal, mahalin at iiwan
B. magmahal, mahalin at alagaan
C. magmahal, mahalin at pakasalan
D. magmahal, mahalin at pasasayahin
5. Ano ang kailangang gawin ng pamilya upang umunlad ang buhay?
A. magtatrabaho sa lahat ng oras
B. magsikap na makamit ang mga pangarap
C. makipag-ugnayan sa gobyerno at humingi ng tulong
D. makipag-ugnayan sa ibang pamilya at ibang sektor ng lipunan
3
6. Napagtapos ni Lea ang kaniyang sarili sa pag-aaral sa tulong ng scholarship
program ng kanilang barangay at isa na siyang ganap na doktor. Anong papel ang
dapat gampanan ni Lea sa lipunan?
A. tulungan ang mga kaibigan
B. tulungan ang mga kabarangay
C. tumulong lamang ang mga maykaya
D. ibalik ang tulong na nakuha niya sa pamamagitan ng kawang-gawa
7. Isa kang magaling na event organizer at batid mong nalalapit na ang kapistahan
sa inyong lugar. Bilang isang kasapi sa lipunan, ano ang nararapat mong gawin?
A. hintayin na may humingi ng tulong sa iyo
B. mag-alok ng tulong upang mapabilis ang paghahanda
C. pagsasawalang bahala sa gagawing paghahanda ng mga kabarangay
D. tumulong na may kapalit na bayad sapagkat hindi libre ang iyong
serbisyo
8. Napansin mong marumi ang inyong bakuran at nalalapit na ang Barangay Clean
and Green Program Evaluation. Ano ang nararapat mong gawin?
A. ipagkibit balikat mo na lamang ito
B. agad mo itong aasikasuhin nang bukal sa kalooban
C. tawagin ang nakababatang kapatid at utusan na linisin ito
D. hikayatin ang ibang kasapi ng pamilya na maglinis ng bakuran
9. Pinili ka ng iyong mga kaibigan na maging team leader nila sa pagsulong ng
programang pangkalikasan sapagkat nakikitaan ka ng pagmamahal sa kalikasan
at kakayahang manghikayat. Ano ang nararapat na gagawin?
A. makilahok at makiisa dahil ito ay makatutulong sa bayan
B. tatanggihan mo ito at magdadahilan na marami kang gagawin
C. makilahok ng may angas sa sarili dahil alam mo na magaling ka
D. humingi muna ng bayad mula sa mga kaibigan bago ka pumayag
10.Hindi mo nagustuhan ang amoy ng batang lansangan na lumapit sa iyo at
nanghingi ng pagkain dahil nakita nito na marami kang bitbit. Ano ang nararapat
mong gawin?
A. hindi mo ito papansinin
B. bigyan mo ito ng pagkain
C. hagisan mo ito ng pagkain
D. pagalitan ang bata at paalisin
4
11.Laganap ang pagtotroso sa inyong pook. Bilang tagapagtaguyod, ano ang
nararapat mong gawin?
A. magtanim ng panibagong mga puno
B. hulihin kung sino man ang nagkasala
C. gumawa ng programang pangkalikasan
D. kausapin ang mga nagtotroso hinggil sa kanilang ginawa
12.Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging bukas-palad?
A. pagpahayag si Irman ng kanyang sariling saloobin
B. pamilyang namimigay ng pera sa panahon ng eleksiyon
C. batang nagtitinda ng mga bulaklak sa gilid ng simbahan
D. ginang na nagpapakain ng mga batang hindi niya kaano-ano
13.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng gawaing pampolitikal?
A. paglilinis sa sariling tahanan
B. pag-akay sa matandang tumatawid
C. pagsumbong sa krimeng nasaksihan
D. tulung-tulong na paghahanda ng pagkain para sa kaarawan ni Aiza
14.Bakit kailangang maranasan ng tao ang magmahal at mahalin?
A. Upang maging ganap ang pagkatao
B. Upang maging ganap ang pagkalalaki
C. Upang maging ganap ang pagkababae
D. Upang ganap na maranasan ang pag-ibig
15.Ibinilin ng ina na bantayan ang bunsong kapatid, ngunit nalibang ka sa
panonood ng telebisyon kaya hindi mo napansin na nalaglag ito sa hagdan. Ano
ang nararapat mong gawin?
A. magtampo sa kapatid dahil napagalitan ka
B. ilihim sa ina ang nangyari upang hindi ka mapagalitan
C. ipagbigay-alam sa ina ang nangyari at humingi ng tawad
D. ipaghehele ang iyong kapatid upang tumigil na sa kaiiyak
5
Aralin
1
Ang Panlipunan at
Pampolitikal na Papel ng
Pamilya
“Magsama-sama at lalakas, magwatak-watak at babagsak”
-Anonymous
Balikan
Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang
tanda na may lubos kang pagkatuto sa nakaraang aralin. Alam kong kayang-kaya
mo ito kaibigan! Ngayon pa lang binabati na kita.
Gawain 1: Daan Ko, Sagot Ko!
Gamit ang graphic organizer, isulat ang gampaning panlipunan at pampolitikal
ng isang pamilya na batay sa kanilang madadaanan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Pamayanan
2. Batas trapiko
3. Kalikasan
4. Pamahalaan
6
Mga Tala para sa Guro
Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa
Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain.
Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.
7
Tuklasin
Gawain 2: Sarbey sa Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng
Pamilya
Panuto: Inihanda ang sarbey upang malaman mo kung nagampanan ng iyong
pamilya ang panlipunan at pampolitikal na papel nito. Isulat ang (√) sa
hanay na naisagawa o hindi naisagawa. Isulat ang sagot sa sagutang papel
at pagnilayan ang mga gabay na tanong.
Sarbey sa Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya
Pangalan: _________________ Edad: ______ Pang-ilang anak ng pamilya: _____
Katanungan Naisagawa Hindi
Naisagawa
1. Pumupunta sa mga pagpupulong hinggil sa
usaping pangkomunidad.
2. Tumutulong sa paglilinis sa mga kanal ng sariling
komunidad.
3. Paghiwa-hiwalay ng basura sa tamang lalagyan
bilang pagsunod sa Ecological Solid Waste
Management Act of 2000 (RA 9003).
4. Nagpaabot ng tulong sa taong nangangailangan
kahit hindi kakilala.
5. Pagiging volunteer sa Municipal Disaster Risk
Reduction Management (MDRRM), pagtayong lider
sa mga proyektong pangkomunidad.
6. Nananalangin ang bawat pamilya.
7. Napoprotektahan ang sarili/pamilya sa banta ng
mapanirang droga, pornograpiya, bisyo at iba pa.
8. Nagsilbing modelo ang magulang sa pagpapalaki
ng mga anak.
9. Ginagalang at inaalagaan ang matandang kasapi
ng pamilya.
10.Sumasali sa mga programang pambarangay.
Kabuuang Puntos na Nakuha
8
Interpretasyon sa Puntos na Nakuha
Puntos Mga Pansin
7-10 Kung nakakuha ka ng 7 hanggang 10 sa hanay na naisagawa ay
binabati kita dahil nagampanan ng iyong pamilya ang mga papel
panlipunan at pampolitika.
1-6 Kung nakakuha ka ng 1 hanggang 6 sa hanay na naisagawa ay hindi
niyo gaanong nagamapanan ang mga papel na panlipunan at
pampolitikal.
Gabay na Tanong:
1. Batay sa sarbey, nagampanan ba ng iyong pamilya ang kanilanag papel na
panlipunan at pampolitikal? Ipaliwanag ang implikasyon nito sa pamayanang
inyong tinitirhan.
2. Bakit mahalaga ang pagganap sa mga papel na panlipunan at pampolitikal
ng pamilya?
3. Batay sa resulta ng sarbey, ano-ano ang kakulangan ng iyong pamilya sa
pagsagawa sa gampaning panlipunan at pampolitikal?
9
Suriin
Napatunayan natin sa modyul 15 ang pananagutan ng pamilya sa pagbuo ng
mapagmahal na pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay sa
pamayanan at pagbabantay sa mga batas panlipunan. May mga salik na
nakaaapekto sa gawi at kilos ng tao hinggil sa isyung panlipunan at pampolitikal.
Sa araling ito, pag-aaralan natin ang mga gawaing angkop sa lipunan at politikal na
aspeto ng pamilya.
Kung babalikan ang bahaging Tuklasin ay natataya mo ang sariling pamilya
kung naisasagawa ba o hindi ang mga gampaning panlipunan at pampolitikal. Kung
7 hanggang 10 puntos iyong nakuha sa hanay na naisagawa ay pagsikapang
maipagpapatuloy pa ang pagganap sa mga papel na panlipunan at pampolitikal
samantala, kung 1 hanggang 6 na puntos naman ay hikayatin ang pamilya na lalo
pang magsumikap sa pagganap sa mga papel bilang mamamayan tulad nalang ng
mga sitwasyon sa sarbey na hindi naisagawa ng pamilya. Tulungan ang bawat
miyembro na makasusunod at magagampanan ang tungkuling panlipunan at
pampolitikal. Alalahanin na bawat indibidwal ay may pagkakataong maitama ang
kakulangan upang mas mapaayon ang pamumuhay sa lipunan.
Pinag-aralan natin ang mga tungkuling panlipunan at pampolitikal ng isang
pamilya sa pamamagitan ng pagtupad sa papel sa lipunan (pagiging bukas-palad,
pagsusulong ng bayanihan, at pangangalaga sa kaniyang kapaligiran) at papel
pampulitikal – (ang pagbabantay sa mga batas at mga institusyong panlipunan).
Ayon pa kay Esteban (1989), ang isang pamilya ay isang munting lipunan. Sa
loob ng bahay ay mayroong tagalikha ng batas na pamantayan at mayroon ding
tagasunod ng naturang batas. Halimbawa na lang sa magkakapatid, bawat isa ay
mayroong nakatakdang gawaing bahay na kung hindi nagawa ay maaaring
mapagalitan o maparusahan. Bukod sa pagiging ama, ina, o anak, may iba ring
tungkulin sa lipunan gaya ng pagiging responsableng mamayan, makatao,
makakalisan at maka-Diyos na may mahalagang kontribusyon sa kapuwa at
kaunlaran sa lipunan.
Nangangahulugang matagumpay na nagampanan ng pamilya ang kanyang
responsibilidad tulad ng pagpapakita ng malasakit at pagmamahal sa ibang tao sa
komunidad upang makalilikha ng isang responsible at mapagmahal na pamayanan.
Gaya ng ibang bagay, kailangang matutunan ng tao ang pakikipagkapuwa.
Maipakikita ang isang ugaling kanais-nais kung ito’y natutuhan sa loob ng iyong
pamilya at pamayanan. Kung kaya, nararapat lamang na akuin ng pamilya ang
paghubog sa isipan ng bawat kasapi na amging mapagmahal at responsableng
mamamayan.
10
Maliban sa paghubog ng pamilya, bawat indibidwal ay may kaniya-kaniyang
paraan na maisagawa ang gampaning panlipunan at pampolitikal upang panatilihin
at paunlarin ang lipunang kaniyang ginagalawan.
11
Pagyamanin
Gawain 3: Gawain Mo, Pusuan Mo!
Panuto: Lagyan ng kung ang sitwasyon ay angkop na gawaing panlipunan at
pampolitikal ng isang pamilya sa panahong ideneklara ang pagpapatupad
ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa bansang Pilipinas dahil sa
COVID-19 Pandemic. Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
Kung nakakuha ka ng 15 puntos, sigurado kang protektado ang iyong
pamilya sa banta ng COVID 19. Kung ang iyong mga napusuang mga gawain ay hindi
nakaabot sa 15 puntos, pagsikapang maisagawa ang lahat ng nabanggit sa pang-
araw-araw na gawain para mabigyan ng proteksyon ang iyong sariling pamilya at
maisakatuparan ang iyong pananagutang panlipunan at pampolitikal.
Pahayag Tugon
1. Hindi paglabas ng bahay sa oras ng 48hrs curfew.
2. Pagdaraos ng mga pagtitipon.
3. Ipagbigay-alam sa awtoridad ang mga taong may travel history
sa mga lugar na may kaso ng COVID-19.
4. Pagbibinta, pagbili at pag-inom ng alak sa kabila ng liquor ban.
5. Pamimigay ng tulong pinansyal at pagkain sa kapitbahay o
nangangailangan.
6. Pagpapakalat ng maling balita.
7. Pagdarasal ng isang pamilya para sa kaligtasan ng mga
frontliners at sa mga taong nagkasakit.
8. Pakikipag-away at pananakot sa mga frontliners.
9. Libreng panggagamot sa mga taong nagkasakit ng COVID.
10.Pamamasyal sa lugar na gustong puntahan.
11.Pagsuot ng face mask tuwing lumalabas ng bahay.
12.Pagsunod sa physical social distancing.
13.Pagdala ng ECQ Pass kapag lalabas ng bahay para bumili ng
pangangailangan.
14.Paggalang sa mga fronliners na nagbabantay sa mga
checkpoint.
15.Paglabas ng bahay para maglaro.
12
Gawain 4: Suri-Larawan!
Suriin ang mga larawan. Ilahad at ipaliwanag kung ano ang iyong magagawa
sa sitwasyong ipinapakita sa larawan ukol sa papel na panlipunan at pampolitikal.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
RUBRIKS SA PAGSUSURI NG LARAWAN
Pamantayan Napakahusay
(10 puntos)
Mahusay
(8 puntos)
Nangangailangan
ng Pag-unlad
(6 puntos)
Paglalahad at
nakapagpapali-
wanag sa
magagawang
kilos sa
ipinakitang
larawan ukol sa
papel
panlipunan at
pampolitikal.
Nakapaglalahad at
nakapagpapaliwa-
nag ng angkop na
kilos na maaaring
maisagawa sa
ipinakitang
larawan bilang
pagganap sa papel
panlipunan at
pampolitikal.
Nakapaglalahad ng
angkop na kilos na
maaaring
maisagawa sa
ipinakitang
larawan bilang
pagganap sa papel
panlipunan at
pampolitikal
bagaman hindi
masyadong
naipapaliwanag.
Nakapaglalahad at
nakapagpapaliwa-
nag ng hindi
angkop na kilos na
maaaring
maisagawa sa
ipinakitang
larawan bilang
pagganap sa papel
panlipunan at
pampolitikal.
13
Gawain 5: Sitwasyon Ko, Magagawa Mo!
Basahin at unawain ang sitwasyon sa kahon na nagpapakita ng isang gawaing
angkop sa lipunan at pampolitikal na papel ng pamilya. Pagkatapos, sagutin ang
mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang masasabi mo sa agarang aksiyon na ginawa ng kabarangay ni Jay na
pinangungunahan ng punong-barangay?
2. Kung ikaw si Jay, ano ang maaari mong gawin para makatulong sa iyong
komunidad para maiwasan ang pagkakasakit ng dengue? Pangatwiranan.
3. Bakit mahalagang makiisa sa panawagan ng Rural Health Unit na magsagawa
ng 4S? Pangatwiranan.
RUBRIKS SA PAGSAGOT NG MGA TANONG
Pamantayan Napakahusay
(15 puntos)
Mahusay
(10 puntos)
Nangangailangan
ng Pag-unlad
(5 puntos)
Nilalaman ng
Sagot
Nabigyan ng
angkop na sagot
ang lahat ng
tanong at malinaw
na
napangatwiranan.
Nabigyan ng angkop
na sagot ang lahat ng
tanong bagaman hindi
gaanong malinaw ang
pangangatwiran.
Hindi napupunan
ng angkop na
sagot ang lahat
ng tanong. Hindi
malinaw ang
pangangatwiran.
Nakababahala na ang pagdami ng nagkakalagnat sa barangay ni Jay. Ang
lalong nakatatakot ay may tatlo nang namatay sa mga ito. Napag-alamang dengue
ang dahilan. Para sa kanya malinis naman ang kanilang barangay dahil nasunod
naman ang paalala ng Rural Health Unit (RHU) na search and destroy, self-
protection measures, seek early consultation at say no to indiscriminate fogging o
(4S) ngunit may isang bakanteng lote na may mga basurang nakatiwangwang
gaya ng bote na may lamang tubig ang kanyang natuklasan. Tumungo agad si
Jay sa Barangay Hall para ibalita ang kanyang nakita. Agad namang tumugon
ang mga kabarangay sa paglilinis na pinangunahan ng punong-barangay kaya
napanatag na ang loob ni Jay.
14
Isaisip
Gawain 6: Dyornal !
Ibigay ang sariling repleksiyon sa mensaheng nakapaloob sa kasabihan ni John
F. Kennedy. Gawing batayan ang pamantayan sa pagmamarka. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
“Huwag mong isipin kung ano ang nagagawa ng pamahalaan para sa iyo. Bagkus,
isipin mo kung ano ang magagawa mo para sa pamahalaang kinabibilangan mo.”
RUBRIKS SA PAGSULAT NG DYORNAL
Pamantayan Higit na
inaasahan
10 puntos
Nakamit ang
inaasahan
8 puntos
Bahagyang
nakamit ang
inaasahan
6 puntos
Hindi
nakamit ang
inaasahan
4 puntos
Nilalaman Komprehensibo
ang nilalaman
ng teksto.
Wasto ang
lahat ng
impormasyon
Kumpleto ang
nilalaman ng
teksto. Wasto
ang lahat ng
impormasyon
May ilang
kakulangan
sa nilalaman
ng teksto.
May ilang
maling
impormasyon
Maraming
kakulangan
sa nilalaman
ng teksto.
Organisasyon
ng mga
kaisipan
Organisado at
may malinaw
na kaisahan
ang daloy ng
paglalahad ng
kaisipan sa
teksto.
Malinaw at
maayos ang
paglalahad ng
kaisipan sa
teksto.
Hindi
masyadong
maayos at
malinaw ang
paglalahad ng
kaisipan sa
teksto.
Hindi maayos
ang
pagkalahad
ng kaisipan
sa teksto.
Kabuuang
Puntos 20
15
Isagawa
Gawain 7: Isang Linggong Talaarawan
Punan ng sagot ang grapikong isang linggong talaarawan at sundin ang halimbawa
kung paano ito sagutan. Sundin ang health protocols sa pagganap ng mga papel sa
lipunan para palaging ligtas laban sa nakamamatay na COVID-19. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Isang Linggong Talaarawan
Petsa, Oras /
Araw
Naisagawang gawaing
panlipunan/
pampolitikal sa kapwa
tao
Sino / kaninong
pamilya
naisagawa ang
angkop na kilos?
Bakit isinagawa
ang kilos?
Hal.
Mayo 1, 2020
Lunes/3:00pm
Binigyan ng pagkain
ang matanda
Pulubi Nakakaawa at
kailangan niya
ng tulong
RUBRIKS SA PAGGAWA NG TALAARAWAN
Pamantayan Napakahusay
(10 puntos)
Mahusay
(8 puntos)
Nangangailangan
ng Pag-unlad
(6 puntos)
Nilalaman ng
Talaarawan
Napupunan ng
angkop na sagot
ang lahat ng hanay
sa talaarawan.
Malinaw na
napangatwiranan
ang ikaapat na
hanay.
Napupunan ng
angkop na sagot ang
lahat ng hanay sa
talaarawan bagaman
hindi gaanong
malinaw na
napangatwiranan ang
ikaapat na hanay.
Hindi napupunan
ng angkop na
sagot ang lahat
ng hanay sa
talaarawan.
16
Tayahin
Maraming Pagpipilian
Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
1. Laganap ang pagtotroso sa inyong pook. Bilang tagapagtaguyod, ano ang
nararapat gawin?
A. magtanim ng panibagong mga puno
B. hulihin kung sino man ang nagkasala
C. gumawa ng programang pangkalikasan
D. kausapin ang mga nagtotroso hinggil sa kanilang ginawa
2. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging bukas-palad?
A. pagpahayag si Irman ng kanyang sariling saloobin
B. pamilyang namimigay ng pera sa panahon ng eleksiyon
C. batang nagtitinda ng mga bulaklak sa gilid ng simbahan
D. ginang na nagpapakain ng mga batang hindi niya kaano-ano
3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng gawaing pampolitikal?
A. paglilinis sa sariling tahanan
B. pag-akay sa matandang tumatawid
C. pagsumbong sa krimeng nasaksihan
D. tulung-tulong na paghahanda ng pagkain para sa kaarawan ni Aiza
4. Bakit kailangang maranasan ng tao ang magmahal at mahalin?
A. upang maging ganap ang pagkatao
B. upang maging ganap ang pagkalalaki
C. upang maging ganap ang pagkababae
D. upang ganap na maranasan ang pag-ibig
5. Ibinilin ng ina na bantayan ang bunsong kapatid, ngunit nalibang ka sa
panonood ng telebisyon kaya hindi mo napansin na nalaglag ito sa hagdan. Ano
ang nararapat gawin?
A. magtampo sa kapatid dahil napagalitan ka
B. ilihim sa ina ang nangyari upang hindi ka mapagalitan
C. ipagbigay-alam sa ina ang nangyari at humingi ng tawad
D. ipaghehele ang iyong kapatid upang tumigil na sa kaiiyak
17
6. Ano ang kailangang matutunan ng tao para sa mabisang pakikipag-ugnayan sa
lipunan?
A. pagkikipag-usap
B. pag-aaruga ng tao
C. pagmamahal sa tao
D. pakikipagkapwa tao
7. Ano ang pinakamaliit na yunit ng lipunan na unang nagturo sa kahalagahan sa
pagganap ng mga responsibilidad ng isang mabuting mamamayan.
A. barangay
B. lungsod
C. organisasyon
D. pamilya
8. Anong tungkulin ang kailangang gampanan ng isang pamilya bilang bahagi ng
lipunan?
A. tungkuling bigyan ng kasiyahan ang bawat kasapi ng lipunan
B. tungkuling makiisa sa mga rally na isinasagawa laban sa gobyerno
C. tungkuling magbigay ng sampung porsyento (10%) sa kaniyang kinikita
D. tungkuling panatilihin at paunlarin ang lipunang kaniyang ginagalawan
9. Ano ang kailangang danasin ng tao upang magkaroon ng isang pamilya?
A. magmahal, mahalin at iiwan
B. magmahal, mahalin at alagaan
C. magmahal, mahalin at pakasalan
D. magmahal, mahalin at pasasayahin
10.Ano ang kailangang gawin ng pamilya upang umunlad ang buhay?
A. magtatrabaho sa lahat ng oras
B. magsikap na makamit ang mga pangarap
C. makipag-ugnayan sa gobyerno at humingi ng tulong
D. makipag-ugnayan sa ibang pamilya at ibang sektor ng lipunan
11.Napagtapos ni Lea ang kaniyang sarili sa pag-aaral sa tulong ng scholarship
program ng kanilang barangay at isa na siyang ganap na doktor. Anong papel
ang dapat gampanan ni Lea sa lipunan?
A. tulungan ang mga kaibigan
B. tulungan ang mga kabarangay
C. tumulong lamang ang mga may kaya
D. ibalik ang tulong na nakuha niya sa pamamagitan ng kawang-gawa
18
12.Isa kang magaling na event organizer at batid mong nalalapit na ang kapistahan
sa inyong lugar. Bilang isang kasapi sa lipunan, ano ang nararapat mong gawin?
A. hintayin na may humingi ng tulong sa iyo
B. mag-alok ng tulong upang mapabilis ang paghahanda
C. pagsasawalang bahala sa gagawing paghahanda ng mga kabarangay
D. tumulong na may kapalit na bayad sapagkat hindi libre ang iyong
serbisyo
13.Napansin mong marumi ang inyong bakuran at nalalapit na ang Barangay Clean
and Green Program Evaluation. Ano ang nararapat mong gawin?
A. ipagkibit balikat mo na lamang ito
B. agad mo itong aasikasuhin nang bukal sa kalooban
C. tawagin ang nakababatang kapatid at utusan na linisin ito
D. hikayatin ang ibang kasapi ng pamilya na maglinis ng bakuran
14.Pinili ka ng iyong mga kaibigan na maging team leader nila sa pagsulong ng
programang pangkalikasan sapagkat nakikitaan ka ng pagmamahal sa kalikasan
at kakayahang manghikayat. Ano ang nararapat na gagawin?
A. makilahok at makiisa dahil ito ay makatutulong sa bayan
B. tatanggihan mo ito at magdadahilan na marami kang gagawin
C. makilahok ng may angas sa sarili dahil alam mo na magaling ka
D. humingi muna ng bayad mula sa mga kaibigan bago ka pumayag
15.Hindi mo nagustuhan ang amoy ng batang lansangan na lumapit sa iyo at
nanghingi ng pagkain dahil nakita nito na marami kang bitbit. Ano ang nararapat
mong gawin?
A. hindi mo ito papansinin
B. bigyan mo ito ng pagkain
C. hagisan mo ito ng pagkain
D. pagalitan ang bata at paalisin
19
Karagdagang Gawain
Gawain 8: Iguhit Mo!
Gumawa ng poster at islogan na nagpapakita ng papel na panlipunan at
pampolitikal ng iyong pamilya.
Mga kagamitan:
Long size bond paper
Lapis
Pentel pen
Krayola/pastel
Ruler
RUBRIKS SA PAGGAWA NG POSTER AT ISLOGAN
Pamantayan Napakahusay
(10 puntos)
Mahusay
(8 puntos)
Nangangailangan
ng Pag-unlad
(5 puntos)
Kaangkupan ng
nilalaman sa
Tema
Napakahusay at
Angkop sa tema
ang desinyo at
islogan
Mahusay ngunit
hindi masyadong
angkop sa tema
ang desinyo at
islogan
Hindi angkop sa
tema ang desinyo
at islogan
Pagkamalikhain
at orihinalidad sa
pagguhit at
islogan
Napakamalikhain
at 100 % orihinal
ang iginuhit at
islogan
Malikhain at 75%
na orihinal ang
iginuhit at islogan
Hindi malikhain
at 50% na
orihinal ang
iginuhit at islogan
Malinaw na
naipahayag ang
mensahe sa
iginuhit
Napakalinaw ang
pagkalalahad ng
mensahe sa
iginuhit
Malinaw ang
pagkalahad ng
mensahe sa
iginuhit
Hindi malinaw
ang pagkalahad
ng mensahe sa
iginuhit
Kabuoan
30 puntos
20
Susi sa Pagwawasto
21
Sanggunian
Aklat
Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag-
aaral. 5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City.
Hanguang Elektroniko
Peligrino, Ani. academia.edu.
hhtp://www.academia.edu/34167705/Modyul_4_ANG_PAPEL_NA_PANLIPUNAN_A
T (accessed May 25, 2020).
officialgazette.gov.ph. Januray 26, 2001.
https://www.officialgazette.gov.ph/2001/01/26/republic-act-no-9003-s-2001/
(accessed May 29, 2020).
covid19.gov.ph. March 30, 2020. http://www.covid19.gov.ph/wp-
content/uploads/2020/03/Resolution-No.-16-Additional-Guidelines-for-ECQ.pdf
(accessed May 29, 2020).
jfklibrary.org. https://www.jfklibrary.org/sites/default/files/2018-
06/Ask_not_what_your_country_can_do_for_you.pdf (accessed May 29, 2020).
Arora, Paavani. voicesofyouth.org. April 9, 2020.
https://www.voicesofyouth.org/blog/covid-19-and-racism-united-we-stand-
divided-we-fall (accessed May 30, 2020).
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Contenu connexe

Tendances

Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalimEdukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalimSherlyn Tapales
 
Pagtuklas sa papel ng pamilya sa lipunan at lipunan
Pagtuklas sa papel ng pamilya sa lipunan at lipunanPagtuklas sa papel ng pamilya sa lipunan at lipunan
Pagtuklas sa papel ng pamilya sa lipunan at lipunanMartinGeraldine
 
ESP-8-Q1-kahalagahan-ng-komunikasyon-sa-pamilya.pptx
ESP-8-Q1-kahalagahan-ng-komunikasyon-sa-pamilya.pptxESP-8-Q1-kahalagahan-ng-komunikasyon-sa-pamilya.pptx
ESP-8-Q1-kahalagahan-ng-komunikasyon-sa-pamilya.pptxMaamGrace4
 
Es p 8 Module 14 Karahasan sa Paaralan
Es p 8 Module 14 Karahasan sa PaaralanEs p 8 Module 14 Karahasan sa Paaralan
Es p 8 Module 14 Karahasan sa PaaralanEdna Azarcon
 
EsP 7 MODYUL 4 Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan
EsP 7 MODYUL 4 Ang Aking Tungkulin Bilang KabataanEsP 7 MODYUL 4 Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan
EsP 7 MODYUL 4 Ang Aking Tungkulin Bilang KabataanLemuel Estrada
 
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...MaamAraJelene
 
Ang papel ng pamilya sa lipunan
Ang papel ng pamilya sa lipunanAng papel ng pamilya sa lipunan
Ang papel ng pamilya sa lipunanJames Malicay
 
EsP 7 M3 pagpapaunlad ng mga hilig
EsP 7 M3 pagpapaunlad ng mga hiligEsP 7 M3 pagpapaunlad ng mga hilig
EsP 7 M3 pagpapaunlad ng mga hiligLemuel Estrada
 
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copyEsp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copyLemuel Estrada
 
Pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng iba
Pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng ibaPagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng iba
Pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng ibaMartinGeraldine
 
EsP 8 modyul 12 katapatan sa salita at gawa
EsP 8 modyul 12 katapatan sa salita at gawaEsP 8 modyul 12 katapatan sa salita at gawa
EsP 8 modyul 12 katapatan sa salita at gawaveronicadhobalca
 

Tendances (20)

Emosyon esp 8
Emosyon esp 8Emosyon esp 8
Emosyon esp 8
 
ESP 8 Modyul 11
ESP 8 Modyul 11ESP 8 Modyul 11
ESP 8 Modyul 11
 
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalimEdukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
 
EsP 8 Modyul 3
EsP 8 Modyul 3EsP 8 Modyul 3
EsP 8 Modyul 3
 
ESP MODULE GRADE 8
ESP MODULE GRADE 8ESP MODULE GRADE 8
ESP MODULE GRADE 8
 
Pagtuklas sa papel ng pamilya sa lipunan at lipunan
Pagtuklas sa papel ng pamilya sa lipunan at lipunanPagtuklas sa papel ng pamilya sa lipunan at lipunan
Pagtuklas sa papel ng pamilya sa lipunan at lipunan
 
Modyul 4 EsP
Modyul 4 EsPModyul 4 EsP
Modyul 4 EsP
 
ESP-8-Q1-kahalagahan-ng-komunikasyon-sa-pamilya.pptx
ESP-8-Q1-kahalagahan-ng-komunikasyon-sa-pamilya.pptxESP-8-Q1-kahalagahan-ng-komunikasyon-sa-pamilya.pptx
ESP-8-Q1-kahalagahan-ng-komunikasyon-sa-pamilya.pptx
 
Module 5 pakikipagkapwa
Module 5 pakikipagkapwaModule 5 pakikipagkapwa
Module 5 pakikipagkapwa
 
M8 ppt
M8 pptM8 ppt
M8 ppt
 
Pamumuno at tagasunod
Pamumuno at tagasunodPamumuno at tagasunod
Pamumuno at tagasunod
 
Es p 8 Module 14 Karahasan sa Paaralan
Es p 8 Module 14 Karahasan sa PaaralanEs p 8 Module 14 Karahasan sa Paaralan
Es p 8 Module 14 Karahasan sa Paaralan
 
EsP 7 MODYUL 4 Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan
EsP 7 MODYUL 4 Ang Aking Tungkulin Bilang KabataanEsP 7 MODYUL 4 Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan
EsP 7 MODYUL 4 Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan
 
M7 ppt
M7 pptM7 ppt
M7 ppt
 
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
 
Ang papel ng pamilya sa lipunan
Ang papel ng pamilya sa lipunanAng papel ng pamilya sa lipunan
Ang papel ng pamilya sa lipunan
 
EsP 7 M3 pagpapaunlad ng mga hilig
EsP 7 M3 pagpapaunlad ng mga hiligEsP 7 M3 pagpapaunlad ng mga hilig
EsP 7 M3 pagpapaunlad ng mga hilig
 
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copyEsp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
 
Pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng iba
Pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng ibaPagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng iba
Pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng iba
 
EsP 8 modyul 12 katapatan sa salita at gawa
EsP 8 modyul 12 katapatan sa salita at gawaEsP 8 modyul 12 katapatan sa salita at gawa
EsP 8 modyul 12 katapatan sa salita at gawa
 

Similaire à esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL08082020.pdf

esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfjashemar1
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfRenzZapata1
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoMaeJhierecaSapicoPau
 
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfAP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfReinNalyn
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)OLIVERRAMOS29
 
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfKristineDelaCruz50
 
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdfAP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdfDianaRoseDelaCruz6
 
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdfap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdfWynxLegitimacy
 
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfDEALSPAMPIO
 
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdfESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdfnelietumpap1
 
ESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdfESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdfnelietumpap1
 
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfKPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptxrufinodelacruz3
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoLizellRagasa
 

Similaire à esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL08082020.pdf (20)

esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
 
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
 
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfAP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
 
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
 
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdfAP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
 
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdfap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
 
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
 
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdfESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
 
ESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdfESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdf
 
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfKPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
 
Clmd4 a espg7
Clmd4 a espg7Clmd4 a espg7
Clmd4 a espg7
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
 

Dernier

PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)JEANELLEBRUZA
 
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanCO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanJoannaJoyMercado
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxLeahArizala1
 
AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...
AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...
AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...RanjellAllainBayonaT
 
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at KuwentoAng Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwentolyzaamper93
 
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihanTula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihanMedizaTheresseTagana1
 
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values EducationMayAnnCorpuz2
 
G7 AP Q4 Week 6-7Nasyonalismo sa Timog At Kanlurang Asya.pptx
G7 AP Q4 Week 6-7Nasyonalismo sa Timog At Kanlurang Asya.pptxG7 AP Q4 Week 6-7Nasyonalismo sa Timog At Kanlurang Asya.pptx
G7 AP Q4 Week 6-7Nasyonalismo sa Timog At Kanlurang Asya.pptxSamuelAgnote
 
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxEpekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxJoyceAgrao
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10cathyrinebuhisan2
 
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Gerald129734
 
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangereKABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangeregeronimopaulyn69
 
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptxCOT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptxsagumjhenaicka
 
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptxaraling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptxJOHNNYGALLA2
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxMaryJaneCabides
 
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptx
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptxfilipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptx
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptxMarcChristianNicolas
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1JudyAnnTongol
 
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cotEPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cotOlinadLobatonAiMula
 
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyoNatatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyojovienatividad1
 
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptx
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptxIkalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptx
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptxMohminGumampo
 

Dernier (20)

PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
 
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanCO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
 
AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...
AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...
AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...
 
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at KuwentoAng Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
 
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihanTula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
 
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education
 
G7 AP Q4 Week 6-7Nasyonalismo sa Timog At Kanlurang Asya.pptx
G7 AP Q4 Week 6-7Nasyonalismo sa Timog At Kanlurang Asya.pptxG7 AP Q4 Week 6-7Nasyonalismo sa Timog At Kanlurang Asya.pptx
G7 AP Q4 Week 6-7Nasyonalismo sa Timog At Kanlurang Asya.pptx
 
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxEpekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
 
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
 
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangereKABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
 
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptxCOT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
 
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptxaraling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
 
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptx
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptxfilipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptx
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptx
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
 
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cotEPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
 
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyoNatatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
 
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptx
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptxIkalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptx
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptx
 

esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL08082020.pdf

  • 1. Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 16: Ang Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya 8
  • 2. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 16: Ang Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng: Department of Education - Caraga Region Office Address: Teacher Development Center J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 Email Address: caraga@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Judith E. Ecoben Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib Tagasuri: Elizabeth M. Ysulan, Megenila C. Guillen, Imelda A. Grumo, Michael C. Paso, Mark Lorenz C. Luib, John Rey C. Clarion, Jezzine F. Salar, Rashiel Joy F. Lepaopao, Megie M. Lillo, John Rey C. Clarion Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas Isidro M. Biol Jr. Maripaz F. Magno Josephine Chonie M. Obseňares Lope C. Papeleras Michael C. Paso Juan Jr. L. Espina
  • 3. 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan - Modyul 16: Ang Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya
  • 4. ii Paunang Salita Para sa Tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 16 para sa Aralin 1 - Ang Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinagtatagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
  • 5. iii Para sa Mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 16 para sa Aralin 1 - Ang Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
  • 6. iv Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutan lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutan ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
  • 7. 1 Alamin Bawat indibidwal ay may ginagampanang papel sa pamilya na naipalaganap. Ang pamilya ay may tungkuling nararapat na magampanan sa lipunang ginagalawan, binibigyan ng suportang praktikal, emosyonal at maging ang pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya. Pinapahalagahan ng bawat pamilya ang awtoridad ng politika at panlipunang seguridad. Ang pagganap na ito ay may kaakibat na angkop na gawaing maaaring panlipunan at pampulitikal. Paano nga ba natin magagampanan ang gawaing panlipunan at pampolitikal? Kaibigan, sa modyul na ito masasagot mo ang mga katanungang ito. Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na: a. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya. (ESP8PB-Ih-4.4)
  • 8. 2 Subukin Maraming Pagpipilian Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. 1. Ano ang kailangang matutunan ng tao para sa mabisang pakikipag-ugnayan sa lipunan? A. pagkikipag-usap B. pag-aaruga ng tao C. pagmamahal sa tao D. pakikipagkapuwa tao 2. Ano ang pinakamaliit na yunit ng lipunan na unang nagturo sa kahalagahan sa pagganap ng mga responsibilidad ng isang mabuting mamamayan? A. barangay B. lungsod C. organisasyon D. pamilya 3. Anong tungkulin ang kailangang gampanan ng isang pamilya bilang bahagi ng lipunan? A. tungkuling bigyan ng kasiyahan ang bawat kasapi ng lipunan B. tungkuling makiisa sa mga rally na isinasagawa laban sa gobyerno C. tungkuling magbigay ng sampung porsyento (10%) sa kaniyang kinikita D. tungkuling panatilihin at paunlarin ang lipunang kaniyang ginagalawan 4. Ano ang kailangang maranasan ng tao upang magkaroon ng isang pamilya? A. magmahal, mahalin at iiwan B. magmahal, mahalin at alagaan C. magmahal, mahalin at pakasalan D. magmahal, mahalin at pasasayahin 5. Ano ang kailangang gawin ng pamilya upang umunlad ang buhay? A. magtatrabaho sa lahat ng oras B. magsikap na makamit ang mga pangarap C. makipag-ugnayan sa gobyerno at humingi ng tulong D. makipag-ugnayan sa ibang pamilya at ibang sektor ng lipunan
  • 9. 3 6. Napagtapos ni Lea ang kaniyang sarili sa pag-aaral sa tulong ng scholarship program ng kanilang barangay at isa na siyang ganap na doktor. Anong papel ang dapat gampanan ni Lea sa lipunan? A. tulungan ang mga kaibigan B. tulungan ang mga kabarangay C. tumulong lamang ang mga maykaya D. ibalik ang tulong na nakuha niya sa pamamagitan ng kawang-gawa 7. Isa kang magaling na event organizer at batid mong nalalapit na ang kapistahan sa inyong lugar. Bilang isang kasapi sa lipunan, ano ang nararapat mong gawin? A. hintayin na may humingi ng tulong sa iyo B. mag-alok ng tulong upang mapabilis ang paghahanda C. pagsasawalang bahala sa gagawing paghahanda ng mga kabarangay D. tumulong na may kapalit na bayad sapagkat hindi libre ang iyong serbisyo 8. Napansin mong marumi ang inyong bakuran at nalalapit na ang Barangay Clean and Green Program Evaluation. Ano ang nararapat mong gawin? A. ipagkibit balikat mo na lamang ito B. agad mo itong aasikasuhin nang bukal sa kalooban C. tawagin ang nakababatang kapatid at utusan na linisin ito D. hikayatin ang ibang kasapi ng pamilya na maglinis ng bakuran 9. Pinili ka ng iyong mga kaibigan na maging team leader nila sa pagsulong ng programang pangkalikasan sapagkat nakikitaan ka ng pagmamahal sa kalikasan at kakayahang manghikayat. Ano ang nararapat na gagawin? A. makilahok at makiisa dahil ito ay makatutulong sa bayan B. tatanggihan mo ito at magdadahilan na marami kang gagawin C. makilahok ng may angas sa sarili dahil alam mo na magaling ka D. humingi muna ng bayad mula sa mga kaibigan bago ka pumayag 10.Hindi mo nagustuhan ang amoy ng batang lansangan na lumapit sa iyo at nanghingi ng pagkain dahil nakita nito na marami kang bitbit. Ano ang nararapat mong gawin? A. hindi mo ito papansinin B. bigyan mo ito ng pagkain C. hagisan mo ito ng pagkain D. pagalitan ang bata at paalisin
  • 10. 4 11.Laganap ang pagtotroso sa inyong pook. Bilang tagapagtaguyod, ano ang nararapat mong gawin? A. magtanim ng panibagong mga puno B. hulihin kung sino man ang nagkasala C. gumawa ng programang pangkalikasan D. kausapin ang mga nagtotroso hinggil sa kanilang ginawa 12.Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging bukas-palad? A. pagpahayag si Irman ng kanyang sariling saloobin B. pamilyang namimigay ng pera sa panahon ng eleksiyon C. batang nagtitinda ng mga bulaklak sa gilid ng simbahan D. ginang na nagpapakain ng mga batang hindi niya kaano-ano 13.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng gawaing pampolitikal? A. paglilinis sa sariling tahanan B. pag-akay sa matandang tumatawid C. pagsumbong sa krimeng nasaksihan D. tulung-tulong na paghahanda ng pagkain para sa kaarawan ni Aiza 14.Bakit kailangang maranasan ng tao ang magmahal at mahalin? A. Upang maging ganap ang pagkatao B. Upang maging ganap ang pagkalalaki C. Upang maging ganap ang pagkababae D. Upang ganap na maranasan ang pag-ibig 15.Ibinilin ng ina na bantayan ang bunsong kapatid, ngunit nalibang ka sa panonood ng telebisyon kaya hindi mo napansin na nalaglag ito sa hagdan. Ano ang nararapat mong gawin? A. magtampo sa kapatid dahil napagalitan ka B. ilihim sa ina ang nangyari upang hindi ka mapagalitan C. ipagbigay-alam sa ina ang nangyari at humingi ng tawad D. ipaghehele ang iyong kapatid upang tumigil na sa kaiiyak
  • 11. 5 Aralin 1 Ang Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya “Magsama-sama at lalakas, magwatak-watak at babagsak” -Anonymous Balikan Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang tanda na may lubos kang pagkatuto sa nakaraang aralin. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan! Ngayon pa lang binabati na kita. Gawain 1: Daan Ko, Sagot Ko! Gamit ang graphic organizer, isulat ang gampaning panlipunan at pampolitikal ng isang pamilya na batay sa kanilang madadaanan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Pamayanan 2. Batas trapiko 3. Kalikasan 4. Pamahalaan
  • 12. 6 Mga Tala para sa Guro Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain. Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.
  • 13. 7 Tuklasin Gawain 2: Sarbey sa Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya Panuto: Inihanda ang sarbey upang malaman mo kung nagampanan ng iyong pamilya ang panlipunan at pampolitikal na papel nito. Isulat ang (√) sa hanay na naisagawa o hindi naisagawa. Isulat ang sagot sa sagutang papel at pagnilayan ang mga gabay na tanong. Sarbey sa Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya Pangalan: _________________ Edad: ______ Pang-ilang anak ng pamilya: _____ Katanungan Naisagawa Hindi Naisagawa 1. Pumupunta sa mga pagpupulong hinggil sa usaping pangkomunidad. 2. Tumutulong sa paglilinis sa mga kanal ng sariling komunidad. 3. Paghiwa-hiwalay ng basura sa tamang lalagyan bilang pagsunod sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 (RA 9003). 4. Nagpaabot ng tulong sa taong nangangailangan kahit hindi kakilala. 5. Pagiging volunteer sa Municipal Disaster Risk Reduction Management (MDRRM), pagtayong lider sa mga proyektong pangkomunidad. 6. Nananalangin ang bawat pamilya. 7. Napoprotektahan ang sarili/pamilya sa banta ng mapanirang droga, pornograpiya, bisyo at iba pa. 8. Nagsilbing modelo ang magulang sa pagpapalaki ng mga anak. 9. Ginagalang at inaalagaan ang matandang kasapi ng pamilya. 10.Sumasali sa mga programang pambarangay. Kabuuang Puntos na Nakuha
  • 14. 8 Interpretasyon sa Puntos na Nakuha Puntos Mga Pansin 7-10 Kung nakakuha ka ng 7 hanggang 10 sa hanay na naisagawa ay binabati kita dahil nagampanan ng iyong pamilya ang mga papel panlipunan at pampolitika. 1-6 Kung nakakuha ka ng 1 hanggang 6 sa hanay na naisagawa ay hindi niyo gaanong nagamapanan ang mga papel na panlipunan at pampolitikal. Gabay na Tanong: 1. Batay sa sarbey, nagampanan ba ng iyong pamilya ang kanilanag papel na panlipunan at pampolitikal? Ipaliwanag ang implikasyon nito sa pamayanang inyong tinitirhan. 2. Bakit mahalaga ang pagganap sa mga papel na panlipunan at pampolitikal ng pamilya? 3. Batay sa resulta ng sarbey, ano-ano ang kakulangan ng iyong pamilya sa pagsagawa sa gampaning panlipunan at pampolitikal?
  • 15. 9 Suriin Napatunayan natin sa modyul 15 ang pananagutan ng pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay sa pamayanan at pagbabantay sa mga batas panlipunan. May mga salik na nakaaapekto sa gawi at kilos ng tao hinggil sa isyung panlipunan at pampolitikal. Sa araling ito, pag-aaralan natin ang mga gawaing angkop sa lipunan at politikal na aspeto ng pamilya. Kung babalikan ang bahaging Tuklasin ay natataya mo ang sariling pamilya kung naisasagawa ba o hindi ang mga gampaning panlipunan at pampolitikal. Kung 7 hanggang 10 puntos iyong nakuha sa hanay na naisagawa ay pagsikapang maipagpapatuloy pa ang pagganap sa mga papel na panlipunan at pampolitikal samantala, kung 1 hanggang 6 na puntos naman ay hikayatin ang pamilya na lalo pang magsumikap sa pagganap sa mga papel bilang mamamayan tulad nalang ng mga sitwasyon sa sarbey na hindi naisagawa ng pamilya. Tulungan ang bawat miyembro na makasusunod at magagampanan ang tungkuling panlipunan at pampolitikal. Alalahanin na bawat indibidwal ay may pagkakataong maitama ang kakulangan upang mas mapaayon ang pamumuhay sa lipunan. Pinag-aralan natin ang mga tungkuling panlipunan at pampolitikal ng isang pamilya sa pamamagitan ng pagtupad sa papel sa lipunan (pagiging bukas-palad, pagsusulong ng bayanihan, at pangangalaga sa kaniyang kapaligiran) at papel pampulitikal – (ang pagbabantay sa mga batas at mga institusyong panlipunan). Ayon pa kay Esteban (1989), ang isang pamilya ay isang munting lipunan. Sa loob ng bahay ay mayroong tagalikha ng batas na pamantayan at mayroon ding tagasunod ng naturang batas. Halimbawa na lang sa magkakapatid, bawat isa ay mayroong nakatakdang gawaing bahay na kung hindi nagawa ay maaaring mapagalitan o maparusahan. Bukod sa pagiging ama, ina, o anak, may iba ring tungkulin sa lipunan gaya ng pagiging responsableng mamayan, makatao, makakalisan at maka-Diyos na may mahalagang kontribusyon sa kapuwa at kaunlaran sa lipunan. Nangangahulugang matagumpay na nagampanan ng pamilya ang kanyang responsibilidad tulad ng pagpapakita ng malasakit at pagmamahal sa ibang tao sa komunidad upang makalilikha ng isang responsible at mapagmahal na pamayanan. Gaya ng ibang bagay, kailangang matutunan ng tao ang pakikipagkapuwa. Maipakikita ang isang ugaling kanais-nais kung ito’y natutuhan sa loob ng iyong pamilya at pamayanan. Kung kaya, nararapat lamang na akuin ng pamilya ang paghubog sa isipan ng bawat kasapi na amging mapagmahal at responsableng mamamayan.
  • 16. 10 Maliban sa paghubog ng pamilya, bawat indibidwal ay may kaniya-kaniyang paraan na maisagawa ang gampaning panlipunan at pampolitikal upang panatilihin at paunlarin ang lipunang kaniyang ginagalawan.
  • 17. 11 Pagyamanin Gawain 3: Gawain Mo, Pusuan Mo! Panuto: Lagyan ng kung ang sitwasyon ay angkop na gawaing panlipunan at pampolitikal ng isang pamilya sa panahong ideneklara ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa bansang Pilipinas dahil sa COVID-19 Pandemic. Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Kung nakakuha ka ng 15 puntos, sigurado kang protektado ang iyong pamilya sa banta ng COVID 19. Kung ang iyong mga napusuang mga gawain ay hindi nakaabot sa 15 puntos, pagsikapang maisagawa ang lahat ng nabanggit sa pang- araw-araw na gawain para mabigyan ng proteksyon ang iyong sariling pamilya at maisakatuparan ang iyong pananagutang panlipunan at pampolitikal. Pahayag Tugon 1. Hindi paglabas ng bahay sa oras ng 48hrs curfew. 2. Pagdaraos ng mga pagtitipon. 3. Ipagbigay-alam sa awtoridad ang mga taong may travel history sa mga lugar na may kaso ng COVID-19. 4. Pagbibinta, pagbili at pag-inom ng alak sa kabila ng liquor ban. 5. Pamimigay ng tulong pinansyal at pagkain sa kapitbahay o nangangailangan. 6. Pagpapakalat ng maling balita. 7. Pagdarasal ng isang pamilya para sa kaligtasan ng mga frontliners at sa mga taong nagkasakit. 8. Pakikipag-away at pananakot sa mga frontliners. 9. Libreng panggagamot sa mga taong nagkasakit ng COVID. 10.Pamamasyal sa lugar na gustong puntahan. 11.Pagsuot ng face mask tuwing lumalabas ng bahay. 12.Pagsunod sa physical social distancing. 13.Pagdala ng ECQ Pass kapag lalabas ng bahay para bumili ng pangangailangan. 14.Paggalang sa mga fronliners na nagbabantay sa mga checkpoint. 15.Paglabas ng bahay para maglaro.
  • 18. 12 Gawain 4: Suri-Larawan! Suriin ang mga larawan. Ilahad at ipaliwanag kung ano ang iyong magagawa sa sitwasyong ipinapakita sa larawan ukol sa papel na panlipunan at pampolitikal. Isulat ang sagot sa sagutang papel. RUBRIKS SA PAGSUSURI NG LARAWAN Pamantayan Napakahusay (10 puntos) Mahusay (8 puntos) Nangangailangan ng Pag-unlad (6 puntos) Paglalahad at nakapagpapali- wanag sa magagawang kilos sa ipinakitang larawan ukol sa papel panlipunan at pampolitikal. Nakapaglalahad at nakapagpapaliwa- nag ng angkop na kilos na maaaring maisagawa sa ipinakitang larawan bilang pagganap sa papel panlipunan at pampolitikal. Nakapaglalahad ng angkop na kilos na maaaring maisagawa sa ipinakitang larawan bilang pagganap sa papel panlipunan at pampolitikal bagaman hindi masyadong naipapaliwanag. Nakapaglalahad at nakapagpapaliwa- nag ng hindi angkop na kilos na maaaring maisagawa sa ipinakitang larawan bilang pagganap sa papel panlipunan at pampolitikal.
  • 19. 13 Gawain 5: Sitwasyon Ko, Magagawa Mo! Basahin at unawain ang sitwasyon sa kahon na nagpapakita ng isang gawaing angkop sa lipunan at pampolitikal na papel ng pamilya. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang masasabi mo sa agarang aksiyon na ginawa ng kabarangay ni Jay na pinangungunahan ng punong-barangay? 2. Kung ikaw si Jay, ano ang maaari mong gawin para makatulong sa iyong komunidad para maiwasan ang pagkakasakit ng dengue? Pangatwiranan. 3. Bakit mahalagang makiisa sa panawagan ng Rural Health Unit na magsagawa ng 4S? Pangatwiranan. RUBRIKS SA PAGSAGOT NG MGA TANONG Pamantayan Napakahusay (15 puntos) Mahusay (10 puntos) Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) Nilalaman ng Sagot Nabigyan ng angkop na sagot ang lahat ng tanong at malinaw na napangatwiranan. Nabigyan ng angkop na sagot ang lahat ng tanong bagaman hindi gaanong malinaw ang pangangatwiran. Hindi napupunan ng angkop na sagot ang lahat ng tanong. Hindi malinaw ang pangangatwiran. Nakababahala na ang pagdami ng nagkakalagnat sa barangay ni Jay. Ang lalong nakatatakot ay may tatlo nang namatay sa mga ito. Napag-alamang dengue ang dahilan. Para sa kanya malinis naman ang kanilang barangay dahil nasunod naman ang paalala ng Rural Health Unit (RHU) na search and destroy, self- protection measures, seek early consultation at say no to indiscriminate fogging o (4S) ngunit may isang bakanteng lote na may mga basurang nakatiwangwang gaya ng bote na may lamang tubig ang kanyang natuklasan. Tumungo agad si Jay sa Barangay Hall para ibalita ang kanyang nakita. Agad namang tumugon ang mga kabarangay sa paglilinis na pinangunahan ng punong-barangay kaya napanatag na ang loob ni Jay.
  • 20. 14 Isaisip Gawain 6: Dyornal ! Ibigay ang sariling repleksiyon sa mensaheng nakapaloob sa kasabihan ni John F. Kennedy. Gawing batayan ang pamantayan sa pagmamarka. Isulat ang sagot sa sagutang papel. “Huwag mong isipin kung ano ang nagagawa ng pamahalaan para sa iyo. Bagkus, isipin mo kung ano ang magagawa mo para sa pamahalaang kinabibilangan mo.” RUBRIKS SA PAGSULAT NG DYORNAL Pamantayan Higit na inaasahan 10 puntos Nakamit ang inaasahan 8 puntos Bahagyang nakamit ang inaasahan 6 puntos Hindi nakamit ang inaasahan 4 puntos Nilalaman Komprehensibo ang nilalaman ng teksto. Wasto ang lahat ng impormasyon Kumpleto ang nilalaman ng teksto. Wasto ang lahat ng impormasyon May ilang kakulangan sa nilalaman ng teksto. May ilang maling impormasyon Maraming kakulangan sa nilalaman ng teksto. Organisasyon ng mga kaisipan Organisado at may malinaw na kaisahan ang daloy ng paglalahad ng kaisipan sa teksto. Malinaw at maayos ang paglalahad ng kaisipan sa teksto. Hindi masyadong maayos at malinaw ang paglalahad ng kaisipan sa teksto. Hindi maayos ang pagkalahad ng kaisipan sa teksto. Kabuuang Puntos 20
  • 21. 15 Isagawa Gawain 7: Isang Linggong Talaarawan Punan ng sagot ang grapikong isang linggong talaarawan at sundin ang halimbawa kung paano ito sagutan. Sundin ang health protocols sa pagganap ng mga papel sa lipunan para palaging ligtas laban sa nakamamatay na COVID-19. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Isang Linggong Talaarawan Petsa, Oras / Araw Naisagawang gawaing panlipunan/ pampolitikal sa kapwa tao Sino / kaninong pamilya naisagawa ang angkop na kilos? Bakit isinagawa ang kilos? Hal. Mayo 1, 2020 Lunes/3:00pm Binigyan ng pagkain ang matanda Pulubi Nakakaawa at kailangan niya ng tulong RUBRIKS SA PAGGAWA NG TALAARAWAN Pamantayan Napakahusay (10 puntos) Mahusay (8 puntos) Nangangailangan ng Pag-unlad (6 puntos) Nilalaman ng Talaarawan Napupunan ng angkop na sagot ang lahat ng hanay sa talaarawan. Malinaw na napangatwiranan ang ikaapat na hanay. Napupunan ng angkop na sagot ang lahat ng hanay sa talaarawan bagaman hindi gaanong malinaw na napangatwiranan ang ikaapat na hanay. Hindi napupunan ng angkop na sagot ang lahat ng hanay sa talaarawan.
  • 22. 16 Tayahin Maraming Pagpipilian Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. 1. Laganap ang pagtotroso sa inyong pook. Bilang tagapagtaguyod, ano ang nararapat gawin? A. magtanim ng panibagong mga puno B. hulihin kung sino man ang nagkasala C. gumawa ng programang pangkalikasan D. kausapin ang mga nagtotroso hinggil sa kanilang ginawa 2. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging bukas-palad? A. pagpahayag si Irman ng kanyang sariling saloobin B. pamilyang namimigay ng pera sa panahon ng eleksiyon C. batang nagtitinda ng mga bulaklak sa gilid ng simbahan D. ginang na nagpapakain ng mga batang hindi niya kaano-ano 3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng gawaing pampolitikal? A. paglilinis sa sariling tahanan B. pag-akay sa matandang tumatawid C. pagsumbong sa krimeng nasaksihan D. tulung-tulong na paghahanda ng pagkain para sa kaarawan ni Aiza 4. Bakit kailangang maranasan ng tao ang magmahal at mahalin? A. upang maging ganap ang pagkatao B. upang maging ganap ang pagkalalaki C. upang maging ganap ang pagkababae D. upang ganap na maranasan ang pag-ibig 5. Ibinilin ng ina na bantayan ang bunsong kapatid, ngunit nalibang ka sa panonood ng telebisyon kaya hindi mo napansin na nalaglag ito sa hagdan. Ano ang nararapat gawin? A. magtampo sa kapatid dahil napagalitan ka B. ilihim sa ina ang nangyari upang hindi ka mapagalitan C. ipagbigay-alam sa ina ang nangyari at humingi ng tawad D. ipaghehele ang iyong kapatid upang tumigil na sa kaiiyak
  • 23. 17 6. Ano ang kailangang matutunan ng tao para sa mabisang pakikipag-ugnayan sa lipunan? A. pagkikipag-usap B. pag-aaruga ng tao C. pagmamahal sa tao D. pakikipagkapwa tao 7. Ano ang pinakamaliit na yunit ng lipunan na unang nagturo sa kahalagahan sa pagganap ng mga responsibilidad ng isang mabuting mamamayan. A. barangay B. lungsod C. organisasyon D. pamilya 8. Anong tungkulin ang kailangang gampanan ng isang pamilya bilang bahagi ng lipunan? A. tungkuling bigyan ng kasiyahan ang bawat kasapi ng lipunan B. tungkuling makiisa sa mga rally na isinasagawa laban sa gobyerno C. tungkuling magbigay ng sampung porsyento (10%) sa kaniyang kinikita D. tungkuling panatilihin at paunlarin ang lipunang kaniyang ginagalawan 9. Ano ang kailangang danasin ng tao upang magkaroon ng isang pamilya? A. magmahal, mahalin at iiwan B. magmahal, mahalin at alagaan C. magmahal, mahalin at pakasalan D. magmahal, mahalin at pasasayahin 10.Ano ang kailangang gawin ng pamilya upang umunlad ang buhay? A. magtatrabaho sa lahat ng oras B. magsikap na makamit ang mga pangarap C. makipag-ugnayan sa gobyerno at humingi ng tulong D. makipag-ugnayan sa ibang pamilya at ibang sektor ng lipunan 11.Napagtapos ni Lea ang kaniyang sarili sa pag-aaral sa tulong ng scholarship program ng kanilang barangay at isa na siyang ganap na doktor. Anong papel ang dapat gampanan ni Lea sa lipunan? A. tulungan ang mga kaibigan B. tulungan ang mga kabarangay C. tumulong lamang ang mga may kaya D. ibalik ang tulong na nakuha niya sa pamamagitan ng kawang-gawa
  • 24. 18 12.Isa kang magaling na event organizer at batid mong nalalapit na ang kapistahan sa inyong lugar. Bilang isang kasapi sa lipunan, ano ang nararapat mong gawin? A. hintayin na may humingi ng tulong sa iyo B. mag-alok ng tulong upang mapabilis ang paghahanda C. pagsasawalang bahala sa gagawing paghahanda ng mga kabarangay D. tumulong na may kapalit na bayad sapagkat hindi libre ang iyong serbisyo 13.Napansin mong marumi ang inyong bakuran at nalalapit na ang Barangay Clean and Green Program Evaluation. Ano ang nararapat mong gawin? A. ipagkibit balikat mo na lamang ito B. agad mo itong aasikasuhin nang bukal sa kalooban C. tawagin ang nakababatang kapatid at utusan na linisin ito D. hikayatin ang ibang kasapi ng pamilya na maglinis ng bakuran 14.Pinili ka ng iyong mga kaibigan na maging team leader nila sa pagsulong ng programang pangkalikasan sapagkat nakikitaan ka ng pagmamahal sa kalikasan at kakayahang manghikayat. Ano ang nararapat na gagawin? A. makilahok at makiisa dahil ito ay makatutulong sa bayan B. tatanggihan mo ito at magdadahilan na marami kang gagawin C. makilahok ng may angas sa sarili dahil alam mo na magaling ka D. humingi muna ng bayad mula sa mga kaibigan bago ka pumayag 15.Hindi mo nagustuhan ang amoy ng batang lansangan na lumapit sa iyo at nanghingi ng pagkain dahil nakita nito na marami kang bitbit. Ano ang nararapat mong gawin? A. hindi mo ito papansinin B. bigyan mo ito ng pagkain C. hagisan mo ito ng pagkain D. pagalitan ang bata at paalisin
  • 25. 19 Karagdagang Gawain Gawain 8: Iguhit Mo! Gumawa ng poster at islogan na nagpapakita ng papel na panlipunan at pampolitikal ng iyong pamilya. Mga kagamitan: Long size bond paper Lapis Pentel pen Krayola/pastel Ruler RUBRIKS SA PAGGAWA NG POSTER AT ISLOGAN Pamantayan Napakahusay (10 puntos) Mahusay (8 puntos) Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) Kaangkupan ng nilalaman sa Tema Napakahusay at Angkop sa tema ang desinyo at islogan Mahusay ngunit hindi masyadong angkop sa tema ang desinyo at islogan Hindi angkop sa tema ang desinyo at islogan Pagkamalikhain at orihinalidad sa pagguhit at islogan Napakamalikhain at 100 % orihinal ang iginuhit at islogan Malikhain at 75% na orihinal ang iginuhit at islogan Hindi malikhain at 50% na orihinal ang iginuhit at islogan Malinaw na naipahayag ang mensahe sa iginuhit Napakalinaw ang pagkalalahad ng mensahe sa iginuhit Malinaw ang pagkalahad ng mensahe sa iginuhit Hindi malinaw ang pagkalahad ng mensahe sa iginuhit Kabuoan 30 puntos
  • 27. 21 Sanggunian Aklat Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag- aaral. 5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City. Hanguang Elektroniko Peligrino, Ani. academia.edu. hhtp://www.academia.edu/34167705/Modyul_4_ANG_PAPEL_NA_PANLIPUNAN_A T (accessed May 25, 2020). officialgazette.gov.ph. Januray 26, 2001. https://www.officialgazette.gov.ph/2001/01/26/republic-act-no-9003-s-2001/ (accessed May 29, 2020). covid19.gov.ph. March 30, 2020. http://www.covid19.gov.ph/wp- content/uploads/2020/03/Resolution-No.-16-Additional-Guidelines-for-ECQ.pdf (accessed May 29, 2020). jfklibrary.org. https://www.jfklibrary.org/sites/default/files/2018- 06/Ask_not_what_your_country_can_do_for_you.pdf (accessed May 29, 2020). Arora, Paavani. voicesofyouth.org. April 9, 2020. https://www.voicesofyouth.org/blog/covid-19-and-racism-united-we-stand- divided-we-fall (accessed May 30, 2020).
  • 28. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph