Mesolitiko – nagsisilbing isang transisyon ng panahon sa
kulturang neolitiko. Nagsimula ang pagtunaw ng glacier
umusbong ang mga kagubatan at mga ilog at dagat. Nanirahan
ang mga taong mesolitiko sa mga pangpang. At nadagdagan ng
mga pagkain.
Nagsimula ang panahong mesolithic o pangitnang panahon ng
bato (middle stone age) noong bandang 8000 B.K at tumatagal
nang libu-libong taon. Kasamng namatay ng panahong
paleolithic ang mga hayop na nagsisilbing pagkain ng mga tao, at
napalitan ng mga hayop na nakikita natin sa kasalukuyan.
Natunaw na rin ang mga makakapal na yelo sa pagtatapos ng
panahong pleistocene kaya’t lalong lumawak ang mga lupang
maaring panahan ng mga tao. Bagama’t nanatiling bato ang mga
kasangkapang gamit ng mga tao noong panahong mesolithic
lumiit naman ang mga ito at naging mas pino.