ESP4 Yunit2 ARALIN 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko.pptx
1. YUNIT II ARALIN 2
PUNA AT MUNGKAHI MO,
TANGGAP KO
Layunin
Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at
kilos ng kapuwa tulad ng pagtanggap ng puna ng kapuwa
nang maluwag sa kalooban
2. Walang perpektong tao sa mundong
ito. Lahat tayo ay may kahinaan at
kakayahan, subalit magkakaiba ang
pagtanggap ng tao sa kanilang mga
kahinaan.
Paano ba ang tamang pagtanggap
ng kahinaan lalo na kung maraming
natatanggap na mungkahi at puna sa
iyong kakayahan at kasanayan?
5. 1. Kumuha ng isang buong papel at
itupi ito nang sampu na parang
pamaypay. Isulat ang iyong
pangalan sa unang tupi.
2. Kapag narinig ang musika,
ipapasa ang iyong papel.
6. 3. Kapag huminto ang musika, susulatan
mo ang isang tupi ng papel na hawak mo
ng isang salitang naglalarawan sa may-ari
ng papel. Maaari mong ilarawan ang
pisikal na anyo at ang ugali ng may-ari ng
papel. Siguraduhin mo lamang na tama
ang paglalarawan mo sa kaniya. Huwag
mong isusulat ang iyong pangalan.
7. 4. Ipapasang muli ang papel kapag
tumugtog ang musika at uulitin ang
proseso nang siyam na beses
hanggang sa masulatan ang bawat
tiklop ng papel.
5. Kapag natapos ang musika,
kokolektahin ng guro ang mga papel
upang ibigay sa may-ari nito.
8. Basahin ang isinulat ng iyong kaklase. Gamit
ang iyong kuwaderno, gumuhit ng
dalawang kahon at isulat kung paano ka
inilarawan ng iyong mga kaklase.
Magandang Puna Hindi magandang Puna
1.
2.
3.
4.
5.
1.
2.
3.
4.
5.
9. Saan mas maraming
naisulat na puna ang
iyong kaklase? Sa iyong
palagay, bakit mas
marami ang nagbigay sa
iyo ng ganitong puna?
12. Isagawa Natin
Gawain 1 Tumalon ka sa tuwa nang sabihin
sa iyong nakapasa ka sa audition ng
“Birit Bulilit.”Puspusan kang nag-
ensayo upang makuha mo ang
magandang puna ng mga hurado
at magtaas ng pulang panyo tanda
ng paghanga.
13. Isagawa Natin
Gawain 1
Dumating ang oras ng iyong
pagtatanghal sa nasabing
paligsahan. Bumirit ka ng buong
husay subalit natapos ang iyong
awit na walang hurado ang nagtaas
ng pulang panyo. Sa halip na pula
ay asul ang kanilang itinaas tanda
ng iyong pagkabigo.
14. Isagawa Natin
Gawain 1
Sabi ng unang hurado na si Piolo
Valdez, kulang ka raw sa sigla. Ang
puna naman ng ikalawang hurado
na si Carmi Salcedo, may mga nota
na hindi mo naabot. Sinabi ng
ikatlong huradong si Kath Padilla,
kulang ka raw sa pagbibigay ng
damdamin sa awit.
15. 1. Ano ang iyong reaksiyon nang
marinig mo ang puna ng mga
hurado? Paano mo tinanggap
ang mga puna?
2. Bakit kaya sa palagay mo ay
negatibo ang natanggap mong
mga puna?
3. Sa iyong palagay, ano ang
iyong naging pagkukulang?
16. 4. Ano naman ang iyong gagawin
upang sa susunod na paligsahan ay
positibong puna ang iyong
matanggap?
5. Isa-isahin ang iyong maaaring
kakulangan na naging sanhi para hindi
ka manalo sa paligsahan. Ilagay ito sa
graphic organizer at ilagay mo rin ang
mga dapat gawin upang
makatanggap ng positibong puna.
18. Gawain 2
May inilunsad na patimpalak ang Supreme
Pupil Government o SPG sa inyong paaralan.
Ito ay tinawag nilang “Pagpapahalaga sa Class
Home Ko.”
Bubuo kayo ng apat na pangkat upang
makagawa ng plano kung paano ninyo
mapagaganda ang inyong silid-aralan para
manalo sa paligsahan. Layunin ng paligsahan
na maging sentro ng bawat silid-aralan ang
Pagpapahalaga o Values.
19. Gawain 2 Ang inyong plano ay maaaring iguhit sa kartolina.
Bibigyan kayo ng limang araw upang mapag-
usapang mabuti at mapaganda ang inyong plano.
Bawat pangkat ay bibigyan ng pagkakataon
upang maipaliwanag sa hurado ang nilalaman ng
plano. Ang hurado ay binubuo ng SPG, mga
Guidance Counselor, at kinatawan ng samahan ng
mga magulang. Bibigyan ng puna ang inyong
nagawang plano batay sa pamantayang ibibigay ng
guro. Isulat ninyo ang lahat ng magiging puna at
mungkahi na ibibigay ng bawat hurado.
20. Gawain 2
1. Ano ang inyong gagawin
kung hindi mapili ang
inyong ginawang plano
para sa inyong silid-aralan?
2. Paano ninyo tatanggapin
ang puna ng mga hurado?
22. Gawain 2
Magpasiya ka!
Suriin ang mga sitwasyon.
Pangarap mong maging modelo sa
iyong paglaki kung kaya’t sumasali ka sa
mga paligsahan sa inyong paaralan at
komunidad. Gayon pa man, madalas
mong marinig na may pumipintas sa iyo.
Ano ang iyong gagawin?
23. Gawain 2
May bago kang kaklase
galing sa malayong
probinsiya. Nalaman mong
pinipintasan ito ng mga
kaklase mo. Ano ang
sasabihin mo sa kanila?
24. Gawain 2
Napaunlad mo ang iyong
angking kakayahan sa
pagguhit. Marami ang
humahanga sa iyo sapagkat
madalas kang manalo sa mga
paligsahan. Ano ang iyong
sinasabi sa mga nagbibigay sa
iyo ng mga papuri?
25. Gawain 2
Madalas kang kumanta
sapagkat hilig mo rin ito.
Sinigawan ka ng inyong
kapitbahay. Hindi raw
maganda ang boses mo.
Mapipikon ka ba?
26. Gawain 2
Binabatikos ka dahil sa
isang pagkakamaling
nagawa mo. Paano mo
haharapin ang mga
pumupuna sa iyo?
27. Likas sa tao ang magbigay ng puna o papuri sa kilos,
ugali, at pisikal na anyo ng kaniyang kapuwa. May
mga pagkakataong hindi natin namamalayan na
nakasasakit na tayo ng damdamin ng ating kapuwa
dahil sa mga ibinibigay nating puna at pintas.
Paano ba tatanggapin ang mga puna nang maluwag
sa ating kalooban? May mga paraan na makatutulong
sa isang batang tulad mo upang higit na mapaunlad
ang sarili sa kabila ng maraming puna na iyong
natatanggap.
Tandaan Natin
28. Tandaan Natin
Ang isang tao ay maaaring matuto mula sa kaniyang
kapuwa. Samakatuwid, maaari mong ituring na
bagong impormasyon ang natanggap mong puna at
magagamit mo ito upang higit na mapagbuti ang
iyong mga gawain at kilos.
Ang sumusunod na pamaraan ay makatutulong sa iyo
upang higit na mapamahalaan mo ang iyong sarili at
makamit ang layunin sa buhay:
• Pakinggan ang sinasabi ng kapuwa mo, subalit
timbangin mo kung ano ang magiging bunga kung
ito ay iyong susundin o hindi.
29. Tandaan Natin
• Magkaroon ng positibong pananaw sa mga
bagay na nangyayari sa iyo at sa iyong paligid.
• Alamin kung ano-ano ang nais mo sa buhay at
dito ituon ang iyong pansin.
• Gawing inspirasyon sa iyong ginagawa ang
iyong pamilya, mga kaibigan at higit sa lahat
magkaroon ng matibay na paniniwala sa Diyos.
• Maging mabuting halimbawa sa iyong kapuwa
sa pagbibigay ng puna at papuri.
30. Tandaan Natin
• Sumali sa mga gawaing pampaaralan (extra-
curricular activities) upang magkaroon ng
maraming kaibigan at makakuha ng bagong
impormasyon.
• Isipin lagi na ang papuri at puna ay makatutulong
sa pagkilala natin sa ating sarili at upang
magkaroon ng pagbabago at pag-unlad sa iyong
mga ginagawa.
31. Tandaan Natin
Ang pagsusuri sa mga puna ay makatutulong
upang matanggap ang mga ito nang maluwag
sa kalooban at hindi maging sanhi ng kawalan
ng tiwala sa sariling kakayahan.
Sa iyong paglaki ay marami kang maririnig na
mga puna at papuri sa iyong ginagawa. Ang
mahinahong pagtanggap sa mga ito ay
makatutulong upang higit na maunawaan ang
damdamin ng kapuwa at higit na mapaunlad
ang sarili.
33. Bumuo ng apat na pangkat. Gamitin ang
inyong pagkamalikhain upang
makapagsadula ng isang bahagi ng buhay
ni Manuel L. Quezon, ang ama ng Wikang
Filipino. Bibigyan ang bawat pangkat ng
pagkakataong makapagbigay ng puna o
papuri sa presentasyon. Sundin ang gabay
sa ibaba sa pagbibigay ng puna at papuri.
34. A. Pagbibigay ng puna
Isulat ang inyong mga puna sa ikalawa at ikatlong
hanay. Gawin ito sa kuwaderno.
Pangkat na
nagtatanghal
Negatibong Puna Positibong Puna
1.
2.
3.
35. B. Pagtanggap ng puna
Ayon sa natanggap na puna ng inyong pangkat, paano
ninyo tatangapin ang mga ito? Gawin ito sa
kuwaderno.
Natanggap na Puna Paraan ng Pagtanggap sa
mga Puna
37. Lagyan ng masayang mukha ang patlang kung sa
palagay mo ay tama ang mga salitang ginamit sa
pagtanggap ng mga puna. Iguhit ang malungkot
na mukha kung hindi ka sang-ayon sa mga salitang ginamit
sa pagtanggap ng mga puna. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
___1. Salamat sa pagpuna mo,susundin ko ang iyong payo.
___2. Wala kang pakialam.
___3. Kunwari lang naman yan na tutulong para mapaganda
ang proyekto ko,alam ko naiinggit lang yan.
___4. Mabuti at napansin mong malaki sa ang damit ko.
___5. Ayos lang sa akin ang puna mo, mabuti nga at
mababago ko.
38. ___6. Alam kong para sa kabutihan ko ang puna mo.
____7. Magaling ako kaya di ko kailangan ang puna
mo.
____8. Basta ito ang gusto ko, kaya hindi ko pwedeng
baguhin.
____9. Mabuti na lang napuna mo ang mali bago ko
naipasa.
____10.Matagal ko na itong alam kaya hindi ko na
papansinin ang sinsabi mo.
39. Mas marami ang naiguhit kong
masayang mukha dahil _______.
Iginuhit ko ang malungkot na
mukha dahil __________.
40. Binabati kita! Ngayon ay
may positibo ka nang
pagtanggap sa mga
punang ibinibigay sa iyo
ng iyong kapuwa!