SlideShare a Scribd company logo
1 of 9
Download to read offline
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 12
I. TUNGUHIN
A. PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong
sulatin
B. PAMANTAYAN SA
PAGGANAP
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulatin
C. KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin - CS_FA11/12PU-0d-f-93
D. DETALYADONG
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
A. Naipaliliwanag ang halaga ng adyenda sa pagsasagawa ng
pulong
B. Nabibigyang halaga ang gamit ng iba’t ibang bahagi ng
adyenda ng pulong
C. Nakasusulat ng adyenda ng pulong batay sa isang memorandum
II. NILALAMAN
A. PAKSA Adyenda
•Mga Bahagi ng Adyenda
III. MGA KAGAMITAN
A. KAGAMITAN AT
SANGGUNIAN
laptop, projector, manila paper
Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
 Ailene Baisa-Julian at Nestor S. Lontoc
B. IBA PANG
SANGGUNIAN
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa
nakaraang aralin at/o
pagsisimula ng
bagong aralin
Magbabalik-aral ang klase hinggil sa tinalakay na paksa sa nakalipas na
aralin – ang Kahalagahan ng Adyenda. Tatawag ang guro ng mga piling
mag-aaral upang tukuyin at ipaliwanag ang gamit ng adyenda sa isang
pulong.
Mga Pagpipilian:
a. Nagsasaad ng mahahalagang impormasyon ukol sa pulong
b. Nagtatakda ng balangkas ng daloy ng pulong
c. Naglalahad ng mga napagdesisyunan sa pulong
d. Nagsisilbing talaan o tseklist ng pulong
Republic of the Philippines
National Capital Region
Schools Division Office
ANDRES BONIFACIO INTEGRATED SCHOOL
Addition Hills, Welfareville Compound, City of Mandaluyong
e. Nakatutulong sa paghahanda ng mga kasapi ng pulong
f. Nagpapanatili sa pokus ang usapin ng pulong
g. Naghahayag ng kautusan mula sa taong nakatataas sa
kompanya
B. Paghahabi ng
layunin
Ilalahad ng klase ang kaugnayan ng adyenda sa memorandum at
katitikan ng pulong sa tulong ng pigura sa ibaba.
Tanong ng Guro:
1. Ano ang ugnayan ng memorandum, adyenda at katitikan ng pulong sa
bawat isa?
C. Pag-uugnay ng
mga halimbawa sa
bagong aralin
Magpapabasa ng halimbawang memorandum at adyenda ang guro sa
mga mag-aaral; pagkaraan ay ipasusuri ng guro sa klase ang ugnayan ng
layunin ng memorandum sa halimbawang adyenda na ipinabasa.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Ailene Baisa-Julian at Nestor S. Lontoc
Memorandum
Adyenda
Katitikan ng
Pulong
Sanggunian: Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Ailene Baisa-Julian at Nestor S. Lontoc
Tanong ng Guro:
1. Mula sa halimbawang memorandum, suriin ang adyenda batay sa
nilalaman nito, masasabi bang ito ay may kaugnayan sa isa’t isa?
Patunayan.
D. Pagtalakay ng
bagong konsepto at
paglalahad ng
bagong kasanayan #1
ADYENDA
 Ayon kay Prof. Ma. Rovilla Sudprasert (2014), ang adyenda ang
nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa isang pulong.
 Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ang isa sa
mga susi ng matagumpay na pulong.
 Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa
mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong.
E. Pagtalakay ng
bagong konsepto at
paglalahad ng bgong
kasanayan #2
Muling babalikan ng klase ang halimbawang adyenda. Tatakalakayin ng
klase ang iba’t ibang bahagi ng adyenda at ang gamit o layunin nito sa
sulatin.
Tanong ng Guro:
1. Ano-ano ang iba’t ibang bahagi ng adyenda? Ibigay ang
pangunahing layunin ng bawat bahagi nito.
F. Paglinang sa
Kabisaan (Tungo sa
Formative Assessment)
Pangkatang Gawain
Magbibigay ang guro ng mga halimbawang memorandum hinggil sa
isasagawang pulong na nagmula sa iba’t ibang larangan. Mula sa
binasang memorandum, bubuo ang bawat pangkat ng halimbawang
adyenda na naaayon sa wastong pormat nito.
PAMANTAYAN sa PAGMAMARKA ng GAWAIN PUNTOS
1. Kawastuhan ng nilalaman ng bawat bahagi.
 Bantas
 Baybay
60
2. Kaayusan ng pormat ng sulatin. 30
3. Kalinisan sa paggawa ng sulatin. 10
Kabuuan 100
a. Presentasyon ng bawat pangkat
b. Pag-aanalisa sa nabuong gawain ng bawat grupo
G. Paglalapat ng aralin
sa pang-araw-araw na
buhay
Tanong ng Guro:
 Anong katangian bilang empleyado ang maaaring mahubog sa
iyo sa pagkaalam sa pagsulat ng adyenda ng isang pulong?
H. Paglalahat ng aralin Tanong ng Guro:
 Bakit mahalaga ang kaalaman sa pagsulat o pagbuo ng adyenda
sa isasagawang pulong?
 Ano-ano ang mahahalagang bahagi ng adyenda?
I. Pagtataya ng aralin Maikling Pagsusulit
Panuto: Tukuyin ang impormasyong inilalarawan sa bawat bilang.
1. Sa bahaging ito, nililista ang mga pangalan ng taong inaasahang
dadalo sa isang pulong. Mga Dadalo
2. Sa bahaging ito ng adyenda makikita ang layunin ng isasagawang
pulong. Sa paksa iikot ang daloy ng magaganap na pulong.
Paksa/Layunin ng Pulong
3. Sa bahaging ito, ipinakikilala ang tiyak na taong magtatalakay sa isa sa
mga paksa ng pulong. Taong Tatalakay ng Paksa
4. Ang pagtukoy sa tiyak na oras ang magsisilbing gabay sa mga dadalo
ng pulong kung gaano ang haba ng panahong magugugol sa pulong.
Oras ng Pulong
5. Ang bahaging ito ng adyenda ang nagsasaad ng pook na
pagdadausan ng pulong. Lugar/Pook ng Pulong
6. Tinutukoy sa bahaging ito ang araw ng pagsasagawa ng pulong. Petsa
ng Pulong
7. Ang bahaging ito ng adyenda ang magsisilbing gabay sa
tagapanayam o tagapagsalita kung gaano kahaba ang panahon ng
kanyang pagtalakay sa paksang iniatang sa kanya sa sa pagsasagawa
ng pulong. Oras ng Pagtalakay
8. Sa bahaging ito ng adyenda makikita ang paksang tatalakayin ng isang
tagapanayam o tagapagsalita sa isang pulong. Paksang Tatalakayin
9. Layunin ng kasulatang ito ang pagtatakda ng mga paksang tatalakayin
sa isang pulong. Adyenda
10. Ito ang kasulatang pinaghahanguan ng mga tala sa bubuoing
adyenda. Memorandum
J. Karagdagang
gawain para sa
takdang aralin at
remediation
Takdang Aralin
1. Magdala ng 2 piraso ng bond paper.
2. Magbalik-aral sa iba’t ibang bahagi ng adyenda at humanda sa
pagsulat ng ikatlong awtput sa Ikalawang Markahan.
Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc)  Christian George C. Francisco at
Mary Grace
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya _____
B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation _____
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-aaral na naka-
unawa sa aralin _____
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation _____
E. Alin sa mga istratehiya sa pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng
aking punungguro?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?
Inihanda:
MARVIN A. VALIENTE
Master Teacher I
Binigyang-puna:
CLARISSA P. TIBAR
ABIS LR Coordinator
Pinagtibay:
HENRY A. SABIDONG
Principal III
Mga Halimbawa ng Adyenda
BABAE AKO MOVEMENT
M.H. Del Pilar, Palatiw, Pasig City
______________________________________________________________________________
M E M O R A N D U M
Para sa: Mga Opisyales ng Babae Ako Movement
Mga Miyembro ng Babae Ako Movement
Mula kay: Maligaya Capulong
Pangulo ng Samahang BABAE AKO Movement
Petsa: Setyembre 25, 2018
Paksa: Pagpupulong Hinggil sa Kalagayan ng Maternity Leave Bill
1. Ipinagbibigay-alam sa lahat ang nakatakdang pulong ng Babae Ako Movement sa
darating na Setyembre 28, 2018, mula ika-1:00 ng hapon hanggang 5:00 ng hapon, sa
Artemio Hall ng ABM Hotel, sa Sta. Cruz, Maynila.
2. Pag-uusapan sa nasabing pulong ang kalagayan sa Mababang Kapulungan ng Maternity
Leave Bill na sinusuportahan ng samahan.
3. Kaugnay nito, magbibigay ng impormasyon sa nabanggit na panukala ang sumusunod na
tagapanayam upang talakayin ang iba’t ibang paksa hinggil rito:
Paksa Tagapanayam
Kalagayan ng panukala sa Kongreso Arlyn Brosas,
Kinatawan ng Gabriela
Benepisyo ng panukala sa mga
kababaihang manggagawa
Maligaya Capulong,
Pangulo ng Babae Ako Movement
Karapatan ng mga Kababaihang
Manggagawa
Atty. Norma Salazar,
Miyembro ng Babae Ako Movement
4. Inaasahan ang inyong pagdalo sa nabanggit na gawain.
Republic of the Philippines
National Capital Region
Schools Division Office
ANDRES BONIFACIO INTEGRATED SCHOOL
Addition Hills, Welfareville Compound, City of Mandaluyong
ABM Corporation
Dr. Pilapil St., San Miguel, Pasig City
______________________________________________________________________________
M E M O R A N D U M
Para sa: Mga Pangalawang Pangulo
Mga Superbisor
Mga Puno ng Kagawaran
Mula kay: Mariano Ponce
Pangulo ng ABM Corporation
Petsa: Setyembre 21, 2018
Paksa: Pagpupulong sa Pagsasapinal ng mga Aktibidades Kaugnay sa Pagdiriwang ng Ika-
50 Taong Anibersaryo ng ABM Corporation
1. Ipinababatid sa lahat ang isasagawang pulong ng mga opisyales/puno ng kompanya sa
darating na Setyembre 25, 2018, mula ika-9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, sa
Silid Pulungan ng Abados Building.
2. Bibigyang-tuon sa pulong ang pagsasapinal sa mga programa at aktibidades na
isasagawa ng kompanya sa pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo nito.
3. Magbibigay ng mga ulat ang sumusunod na kawani hinggil sa nabanggit na gawain.
Paksa Tagapagsalita
Pagpaparangal sa mga Tapat na
Manggagawa ng ABM Corporation
Lilibeth Monleon,
Puno ng HR Department
Pag-uulat sa daloy at pisikal na ayos ng
programa sa araw ng anibersaryo
Sally Niño,
Puno ng Layout and Design Department
Pagtalakay sa mga gastusin sa
pagdiriwang
Hilario Tambol,
Puno ng Accounting Department
4. Ang pagdalo ng lahat ay inaasahan.
Saint Anthony Academy
San Joaquin, Pasig City
______________________________________________________________________________
M E M O R A N D U M
Para sa: Pangalawang Punong Guro
Mga Puno ng Kagawaran
Mga Guro
Mula kay: Mariano Ponce
Punong Guro ng SAA
Petsa: Setyembre 21, 2018
Paksa: Pagpupulong Kaugnay sa Pakikiisa ng Paaralan sa Pagsasagawa ng National
Earthquake Drill
1. Ipinagbibigay-alam sa lahat ang pulong na isasagawa ng paaralan sa darating na
Pebrero 2, 2017, mula ika-8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, sa Silid Pulungan ng
CBJ Building.
2. Ang isasagawang pulong ay nauukol sa pakikibahagi ng paaalan sa isasagawang
Nationwide Earthquake Drill sa darating na Pebrero 15, 2017.
3. Nakatakdang talakayin ng sumusunod na pinuno ng paaralan ang mga paksang kaugnay
rito:
Paksa Tagapagsalita
Layunin ng National Earthquake Drill Oscar Pamintuan
Pangalawang Punong Guro
Plano ng Paaralan sa Pakikiisa sa
National Earhquake Drill
Thomas Aguilar
Puno ng School Risk Reduction
Committee
Pagtalakay sa mga Dapat at Hindi
Dapat Gawin Habang at Pagkatapos
ng Lindol
Joseph Santos
Miyembro ng School Risk Reduction
Committee
4. Inaasahan ang pakikiisa ng lahat sa nabanggit na gawain.
MARIANO HOLDINGS CORP.
San Jose, Mandaluyong City
______________________________________________________________________________
M E M O R A N D U M
Para sa: Mga Pangalawang Pangulo
Mga Superbisor
Mga Puno ng Kagawaran
Mula kay: Nicanor Buenaventura
Pangulo ng Mariano Holding Corp.
Petsa: Setyembre 25, 2018
Paksa: Pagpupulong Kaugnay Kalagayang Pinansyal ng Mariano Holdings Corp. sa
Ikatlong Kwarter ng 2018
1. Isinasangguni sa lahat isasagawang pulong ng kompanya ngayong Setyembre 28, 2018,
mula alas-8:00 ng umaga hanggang 11:00 ng umaga, sa Silid Pulungan ng Buenaventura
Building.
2. Pag-uusapan sa pulong ang kalagayang pinansyal ng kompanya sa pagtatapos ng
ikatlong kwarter ng taong 2018.
3. Tatalakayin ng sumusunod na pinuno ng kompanya ang sumusunod na paksa:
Paksa Tagapagsalita
Kita ng Kompanya sa Huling Dalawang
Kwarter ng Taon
Joselito Magbanua
Puno ng Kagawaran ng Pananalapi
Mga Suliranin Kinaharap at Solusyong
Isinagawa ng Kompanya
Thomas Aguilar
Puno ng Kalakalan ng MH Corp.
Plano ng Kompanya sa Pagpasok ng
Ikaapat na Kwarter ng 2018
Lynette Cruz
Pangalawang Pangulo ng MH Corp.
4. Inaasahan ang pakikiisa ng lahat sa nabanggit na gawain.

More Related Content

What's hot

Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)NicoleGala
 
Pagsulat11_Katitikan
Pagsulat11_KatitikanPagsulat11_Katitikan
Pagsulat11_KatitikanTine Lachica
 
Mga uri ng pananaliksik "filipino11"
Mga uri ng pananaliksik "filipino11"Mga uri ng pananaliksik "filipino11"
Mga uri ng pananaliksik "filipino11"majoydrew
 
Pagsulat11_Panukalang proyekto
Pagsulat11_Panukalang proyektoPagsulat11_Panukalang proyekto
Pagsulat11_Panukalang proyektoTine Lachica
 
Panukalang proyekto report
Panukalang proyekto reportPanukalang proyekto report
Panukalang proyekto reportGeromeSales1
 
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Mga Bahagi at Proseso ng PananaliksikMga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Mga Bahagi at Proseso ng PananaliksikHanna Elise
 
Ang konseptong papel
Ang konseptong papel Ang konseptong papel
Ang konseptong papel majoydrew
 
Heterogeneous at Homogeneous
Heterogeneous at HomogeneousHeterogeneous at Homogeneous
Heterogeneous at HomogeneousThomson Leopoldo
 
uri ng pagsulat
uri ng pagsulaturi ng pagsulat
uri ng pagsulatdrintotsky
 
Ang Pagbuo Ng Konseptong Papel
Ang Pagbuo Ng Konseptong PapelAng Pagbuo Ng Konseptong Papel
Ang Pagbuo Ng Konseptong Papelallan jake
 
Adyenda sa Pagpupulong
Adyenda sa PagpupulongAdyenda sa Pagpupulong
Adyenda sa Pagpupulongelayynnee
 

What's hot (20)

Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
 
Pagsulat11_Katitikan
Pagsulat11_KatitikanPagsulat11_Katitikan
Pagsulat11_Katitikan
 
Agenda
AgendaAgenda
Agenda
 
Kahalagahan ng Pananaliksik
Kahalagahan ng Pananaliksik Kahalagahan ng Pananaliksik
Kahalagahan ng Pananaliksik
 
Posisyong papel
Posisyong papelPosisyong papel
Posisyong papel
 
Mga uri ng pananaliksik "filipino11"
Mga uri ng pananaliksik "filipino11"Mga uri ng pananaliksik "filipino11"
Mga uri ng pananaliksik "filipino11"
 
Posisyong Papel Filipino
Posisyong Papel FilipinoPosisyong Papel Filipino
Posisyong Papel Filipino
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Pagsulat11_Panukalang proyekto
Pagsulat11_Panukalang proyektoPagsulat11_Panukalang proyekto
Pagsulat11_Panukalang proyekto
 
Akademikong pagsulat
Akademikong pagsulatAkademikong pagsulat
Akademikong pagsulat
 
Panukalang proyekto report
Panukalang proyekto reportPanukalang proyekto report
Panukalang proyekto report
 
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Mga Bahagi at Proseso ng PananaliksikMga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
 
Ang konseptong papel
Ang konseptong papel Ang konseptong papel
Ang konseptong papel
 
Pagsulat11_Agenda
Pagsulat11_AgendaPagsulat11_Agenda
Pagsulat11_Agenda
 
Posisyong papel
Posisyong papelPosisyong papel
Posisyong papel
 
Heterogeneous at Homogeneous
Heterogeneous at HomogeneousHeterogeneous at Homogeneous
Heterogeneous at Homogeneous
 
Tekstong Persweysiv
Tekstong PersweysivTekstong Persweysiv
Tekstong Persweysiv
 
uri ng pagsulat
uri ng pagsulaturi ng pagsulat
uri ng pagsulat
 
Ang Pagbuo Ng Konseptong Papel
Ang Pagbuo Ng Konseptong PapelAng Pagbuo Ng Konseptong Papel
Ang Pagbuo Ng Konseptong Papel
 
Adyenda sa Pagpupulong
Adyenda sa PagpupulongAdyenda sa Pagpupulong
Adyenda sa Pagpupulong
 

Similar to Adyenda

Filipino 9 DLL 3rd Quarter Week 5.docx
Filipino 9 DLL 3rd Quarter Week 5.docxFilipino 9 DLL 3rd Quarter Week 5.docx
Filipino 9 DLL 3rd Quarter Week 5.docxDCISGradeTen
 
dll sample.docx
dll sample.docxdll sample.docx
dll sample.docxjina42
 
8 PAUNAWA, BABALA AT ANUNSIYO.docx
8 PAUNAWA, BABALA AT ANUNSIYO.docx8 PAUNAWA, BABALA AT ANUNSIYO.docx
8 PAUNAWA, BABALA AT ANUNSIYO.docxGinaBarol1
 
DLL-Sa-Filipino (1).docx
DLL-Sa-Filipino (1).docxDLL-Sa-Filipino (1).docx
DLL-Sa-Filipino (1).docxBeaLocsin
 
DLL FILIPINO 10-Aralin 2.1.doc
DLL FILIPINO 10-Aralin 2.1.docDLL FILIPINO 10-Aralin 2.1.doc
DLL FILIPINO 10-Aralin 2.1.docraihaniekais
 
Methods of teaching of nomerto m, revilla jr.
Methods of teaching of nomerto m, revilla jr.Methods of teaching of nomerto m, revilla jr.
Methods of teaching of nomerto m, revilla jr.NomertoJohnRevilla
 
filipino 10_2nd quarter.docx
filipino 10_2nd quarter.docxfilipino 10_2nd quarter.docx
filipino 10_2nd quarter.docxjeffrielbuan3
 
Module 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoModule 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoNoel Tan
 
Daily Lesson Log 3rd Quarter_Ekonomiks 9
Daily Lesson Log 3rd Quarter_Ekonomiks 9Daily Lesson Log 3rd Quarter_Ekonomiks 9
Daily Lesson Log 3rd Quarter_Ekonomiks 9AnalisaObligadoSalce
 
Grade 4-1 q2 w3.docx
Grade 4-1 q2 w3.docxGrade 4-1 q2 w3.docx
Grade 4-1 q2 w3.docxssuserda25b51
 

Similar to Adyenda (20)

August 7 11
August 7 11August 7 11
August 7 11
 
SHS-DLL-Week-5.docx
SHS-DLL-Week-5.docxSHS-DLL-Week-5.docx
SHS-DLL-Week-5.docx
 
Filipino 9 DLL 3rd Quarter Week 5.docx
Filipino 9 DLL 3rd Quarter Week 5.docxFilipino 9 DLL 3rd Quarter Week 5.docx
Filipino 9 DLL 3rd Quarter Week 5.docx
 
SHS-DLL-Week-7.docx
SHS-DLL-Week-7.docxSHS-DLL-Week-7.docx
SHS-DLL-Week-7.docx
 
SHS-DLL-Week-6.docx
SHS-DLL-Week-6.docxSHS-DLL-Week-6.docx
SHS-DLL-Week-6.docx
 
SHS-DLL-Week-8.docx
SHS-DLL-Week-8.docxSHS-DLL-Week-8.docx
SHS-DLL-Week-8.docx
 
dll sample.docx
dll sample.docxdll sample.docx
dll sample.docx
 
8 PAUNAWA, BABALA AT ANUNSIYO.docx
8 PAUNAWA, BABALA AT ANUNSIYO.docx8 PAUNAWA, BABALA AT ANUNSIYO.docx
8 PAUNAWA, BABALA AT ANUNSIYO.docx
 
DLL-Sa-Filipino (1).docx
DLL-Sa-Filipino (1).docxDLL-Sa-Filipino (1).docx
DLL-Sa-Filipino (1).docx
 
SHS-DLL-Week-4.docx
SHS-DLL-Week-4.docxSHS-DLL-Week-4.docx
SHS-DLL-Week-4.docx
 
DLL FILIPINO 10-Aralin 2.1.doc
DLL FILIPINO 10-Aralin 2.1.docDLL FILIPINO 10-Aralin 2.1.doc
DLL FILIPINO 10-Aralin 2.1.doc
 
Methods of teaching of nomerto m, revilla jr.
Methods of teaching of nomerto m, revilla jr.Methods of teaching of nomerto m, revilla jr.
Methods of teaching of nomerto m, revilla jr.
 
filipino 10_2nd quarter.docx
filipino 10_2nd quarter.docxfilipino 10_2nd quarter.docx
filipino 10_2nd quarter.docx
 
Aralin 3.2 (1).docx
Aralin 3.2 (1).docxAralin 3.2 (1).docx
Aralin 3.2 (1).docx
 
Aralin 3.2.docx
Aralin 3.2.docxAralin 3.2.docx
Aralin 3.2.docx
 
Module 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoModule 6.2 filipino
Module 6.2 filipino
 
DLL-2ND QRT.2ND WEEK.doc
DLL-2ND QRT.2ND WEEK.docDLL-2ND QRT.2ND WEEK.doc
DLL-2ND QRT.2ND WEEK.doc
 
DLL-2022-2023.docx
DLL-2022-2023.docxDLL-2022-2023.docx
DLL-2022-2023.docx
 
Daily Lesson Log 3rd Quarter_Ekonomiks 9
Daily Lesson Log 3rd Quarter_Ekonomiks 9Daily Lesson Log 3rd Quarter_Ekonomiks 9
Daily Lesson Log 3rd Quarter_Ekonomiks 9
 
Grade 4-1 q2 w3.docx
Grade 4-1 q2 w3.docxGrade 4-1 q2 w3.docx
Grade 4-1 q2 w3.docx
 

Adyenda

  • 1. BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 12 I. TUNGUHIN A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin C. KASANAYANG PAMPAGKATUTO Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin - CS_FA11/12PU-0d-f-93 D. DETALYADONG KASANAYANG PAMPAGKATUTO Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod: A. Naipaliliwanag ang halaga ng adyenda sa pagsasagawa ng pulong B. Nabibigyang halaga ang gamit ng iba’t ibang bahagi ng adyenda ng pulong C. Nakasusulat ng adyenda ng pulong batay sa isang memorandum II. NILALAMAN A. PAKSA Adyenda •Mga Bahagi ng Adyenda III. MGA KAGAMITAN A. KAGAMITAN AT SANGGUNIAN laptop, projector, manila paper Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larangan (Akademik)  Ailene Baisa-Julian at Nestor S. Lontoc B. IBA PANG SANGGUNIAN IV. PAMAMARAAN A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin Magbabalik-aral ang klase hinggil sa tinalakay na paksa sa nakalipas na aralin – ang Kahalagahan ng Adyenda. Tatawag ang guro ng mga piling mag-aaral upang tukuyin at ipaliwanag ang gamit ng adyenda sa isang pulong. Mga Pagpipilian: a. Nagsasaad ng mahahalagang impormasyon ukol sa pulong b. Nagtatakda ng balangkas ng daloy ng pulong c. Naglalahad ng mga napagdesisyunan sa pulong d. Nagsisilbing talaan o tseklist ng pulong Republic of the Philippines National Capital Region Schools Division Office ANDRES BONIFACIO INTEGRATED SCHOOL Addition Hills, Welfareville Compound, City of Mandaluyong
  • 2. e. Nakatutulong sa paghahanda ng mga kasapi ng pulong f. Nagpapanatili sa pokus ang usapin ng pulong g. Naghahayag ng kautusan mula sa taong nakatataas sa kompanya B. Paghahabi ng layunin Ilalahad ng klase ang kaugnayan ng adyenda sa memorandum at katitikan ng pulong sa tulong ng pigura sa ibaba. Tanong ng Guro: 1. Ano ang ugnayan ng memorandum, adyenda at katitikan ng pulong sa bawat isa? C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Magpapabasa ng halimbawang memorandum at adyenda ang guro sa mga mag-aaral; pagkaraan ay ipasusuri ng guro sa klase ang ugnayan ng layunin ng memorandum sa halimbawang adyenda na ipinabasa. Sanggunian: Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Ailene Baisa-Julian at Nestor S. Lontoc Memorandum Adyenda Katitikan ng Pulong
  • 3. Sanggunian: Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Ailene Baisa-Julian at Nestor S. Lontoc Tanong ng Guro: 1. Mula sa halimbawang memorandum, suriin ang adyenda batay sa nilalaman nito, masasabi bang ito ay may kaugnayan sa isa’t isa? Patunayan. D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 ADYENDA  Ayon kay Prof. Ma. Rovilla Sudprasert (2014), ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa isang pulong.  Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ang isa sa mga susi ng matagumpay na pulong.  Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong. E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bgong kasanayan #2 Muling babalikan ng klase ang halimbawang adyenda. Tatakalakayin ng klase ang iba’t ibang bahagi ng adyenda at ang gamit o layunin nito sa sulatin.
  • 4. Tanong ng Guro: 1. Ano-ano ang iba’t ibang bahagi ng adyenda? Ibigay ang pangunahing layunin ng bawat bahagi nito. F. Paglinang sa Kabisaan (Tungo sa Formative Assessment) Pangkatang Gawain Magbibigay ang guro ng mga halimbawang memorandum hinggil sa isasagawang pulong na nagmula sa iba’t ibang larangan. Mula sa binasang memorandum, bubuo ang bawat pangkat ng halimbawang adyenda na naaayon sa wastong pormat nito. PAMANTAYAN sa PAGMAMARKA ng GAWAIN PUNTOS 1. Kawastuhan ng nilalaman ng bawat bahagi.  Bantas  Baybay 60 2. Kaayusan ng pormat ng sulatin. 30 3. Kalinisan sa paggawa ng sulatin. 10 Kabuuan 100 a. Presentasyon ng bawat pangkat b. Pag-aanalisa sa nabuong gawain ng bawat grupo G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay Tanong ng Guro:  Anong katangian bilang empleyado ang maaaring mahubog sa iyo sa pagkaalam sa pagsulat ng adyenda ng isang pulong? H. Paglalahat ng aralin Tanong ng Guro:  Bakit mahalaga ang kaalaman sa pagsulat o pagbuo ng adyenda sa isasagawang pulong?  Ano-ano ang mahahalagang bahagi ng adyenda? I. Pagtataya ng aralin Maikling Pagsusulit Panuto: Tukuyin ang impormasyong inilalarawan sa bawat bilang. 1. Sa bahaging ito, nililista ang mga pangalan ng taong inaasahang dadalo sa isang pulong. Mga Dadalo 2. Sa bahaging ito ng adyenda makikita ang layunin ng isasagawang pulong. Sa paksa iikot ang daloy ng magaganap na pulong. Paksa/Layunin ng Pulong 3. Sa bahaging ito, ipinakikilala ang tiyak na taong magtatalakay sa isa sa mga paksa ng pulong. Taong Tatalakay ng Paksa 4. Ang pagtukoy sa tiyak na oras ang magsisilbing gabay sa mga dadalo ng pulong kung gaano ang haba ng panahong magugugol sa pulong. Oras ng Pulong 5. Ang bahaging ito ng adyenda ang nagsasaad ng pook na pagdadausan ng pulong. Lugar/Pook ng Pulong 6. Tinutukoy sa bahaging ito ang araw ng pagsasagawa ng pulong. Petsa ng Pulong 7. Ang bahaging ito ng adyenda ang magsisilbing gabay sa tagapanayam o tagapagsalita kung gaano kahaba ang panahon ng kanyang pagtalakay sa paksang iniatang sa kanya sa sa pagsasagawa ng pulong. Oras ng Pagtalakay 8. Sa bahaging ito ng adyenda makikita ang paksang tatalakayin ng isang tagapanayam o tagapagsalita sa isang pulong. Paksang Tatalakayin 9. Layunin ng kasulatang ito ang pagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa isang pulong. Adyenda 10. Ito ang kasulatang pinaghahanguan ng mga tala sa bubuoing adyenda. Memorandum
  • 5. J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation Takdang Aralin 1. Magdala ng 2 piraso ng bond paper. 2. Magbalik-aral sa iba’t ibang bahagi ng adyenda at humanda sa pagsulat ng ikatlong awtput sa Ikalawang Markahan. Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc)  Christian George C. Francisco at Mary Grace V. MGA TALA VI. PAGNINILAY A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya _____ B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation _____ C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-aaral na naka- unawa sa aralin _____ D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation _____ E. Alin sa mga istratehiya sa pagtuturo ang nakatulong ng lubos? F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro? G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? Inihanda: MARVIN A. VALIENTE Master Teacher I Binigyang-puna: CLARISSA P. TIBAR ABIS LR Coordinator Pinagtibay: HENRY A. SABIDONG Principal III
  • 6. Mga Halimbawa ng Adyenda BABAE AKO MOVEMENT M.H. Del Pilar, Palatiw, Pasig City ______________________________________________________________________________ M E M O R A N D U M Para sa: Mga Opisyales ng Babae Ako Movement Mga Miyembro ng Babae Ako Movement Mula kay: Maligaya Capulong Pangulo ng Samahang BABAE AKO Movement Petsa: Setyembre 25, 2018 Paksa: Pagpupulong Hinggil sa Kalagayan ng Maternity Leave Bill 1. Ipinagbibigay-alam sa lahat ang nakatakdang pulong ng Babae Ako Movement sa darating na Setyembre 28, 2018, mula ika-1:00 ng hapon hanggang 5:00 ng hapon, sa Artemio Hall ng ABM Hotel, sa Sta. Cruz, Maynila. 2. Pag-uusapan sa nasabing pulong ang kalagayan sa Mababang Kapulungan ng Maternity Leave Bill na sinusuportahan ng samahan. 3. Kaugnay nito, magbibigay ng impormasyon sa nabanggit na panukala ang sumusunod na tagapanayam upang talakayin ang iba’t ibang paksa hinggil rito: Paksa Tagapanayam Kalagayan ng panukala sa Kongreso Arlyn Brosas, Kinatawan ng Gabriela Benepisyo ng panukala sa mga kababaihang manggagawa Maligaya Capulong, Pangulo ng Babae Ako Movement Karapatan ng mga Kababaihang Manggagawa Atty. Norma Salazar, Miyembro ng Babae Ako Movement 4. Inaasahan ang inyong pagdalo sa nabanggit na gawain. Republic of the Philippines National Capital Region Schools Division Office ANDRES BONIFACIO INTEGRATED SCHOOL Addition Hills, Welfareville Compound, City of Mandaluyong
  • 7. ABM Corporation Dr. Pilapil St., San Miguel, Pasig City ______________________________________________________________________________ M E M O R A N D U M Para sa: Mga Pangalawang Pangulo Mga Superbisor Mga Puno ng Kagawaran Mula kay: Mariano Ponce Pangulo ng ABM Corporation Petsa: Setyembre 21, 2018 Paksa: Pagpupulong sa Pagsasapinal ng mga Aktibidades Kaugnay sa Pagdiriwang ng Ika- 50 Taong Anibersaryo ng ABM Corporation 1. Ipinababatid sa lahat ang isasagawang pulong ng mga opisyales/puno ng kompanya sa darating na Setyembre 25, 2018, mula ika-9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, sa Silid Pulungan ng Abados Building. 2. Bibigyang-tuon sa pulong ang pagsasapinal sa mga programa at aktibidades na isasagawa ng kompanya sa pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo nito. 3. Magbibigay ng mga ulat ang sumusunod na kawani hinggil sa nabanggit na gawain. Paksa Tagapagsalita Pagpaparangal sa mga Tapat na Manggagawa ng ABM Corporation Lilibeth Monleon, Puno ng HR Department Pag-uulat sa daloy at pisikal na ayos ng programa sa araw ng anibersaryo Sally Niño, Puno ng Layout and Design Department Pagtalakay sa mga gastusin sa pagdiriwang Hilario Tambol, Puno ng Accounting Department 4. Ang pagdalo ng lahat ay inaasahan.
  • 8. Saint Anthony Academy San Joaquin, Pasig City ______________________________________________________________________________ M E M O R A N D U M Para sa: Pangalawang Punong Guro Mga Puno ng Kagawaran Mga Guro Mula kay: Mariano Ponce Punong Guro ng SAA Petsa: Setyembre 21, 2018 Paksa: Pagpupulong Kaugnay sa Pakikiisa ng Paaralan sa Pagsasagawa ng National Earthquake Drill 1. Ipinagbibigay-alam sa lahat ang pulong na isasagawa ng paaralan sa darating na Pebrero 2, 2017, mula ika-8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, sa Silid Pulungan ng CBJ Building. 2. Ang isasagawang pulong ay nauukol sa pakikibahagi ng paaalan sa isasagawang Nationwide Earthquake Drill sa darating na Pebrero 15, 2017. 3. Nakatakdang talakayin ng sumusunod na pinuno ng paaralan ang mga paksang kaugnay rito: Paksa Tagapagsalita Layunin ng National Earthquake Drill Oscar Pamintuan Pangalawang Punong Guro Plano ng Paaralan sa Pakikiisa sa National Earhquake Drill Thomas Aguilar Puno ng School Risk Reduction Committee Pagtalakay sa mga Dapat at Hindi Dapat Gawin Habang at Pagkatapos ng Lindol Joseph Santos Miyembro ng School Risk Reduction Committee 4. Inaasahan ang pakikiisa ng lahat sa nabanggit na gawain.
  • 9. MARIANO HOLDINGS CORP. San Jose, Mandaluyong City ______________________________________________________________________________ M E M O R A N D U M Para sa: Mga Pangalawang Pangulo Mga Superbisor Mga Puno ng Kagawaran Mula kay: Nicanor Buenaventura Pangulo ng Mariano Holding Corp. Petsa: Setyembre 25, 2018 Paksa: Pagpupulong Kaugnay Kalagayang Pinansyal ng Mariano Holdings Corp. sa Ikatlong Kwarter ng 2018 1. Isinasangguni sa lahat isasagawang pulong ng kompanya ngayong Setyembre 28, 2018, mula alas-8:00 ng umaga hanggang 11:00 ng umaga, sa Silid Pulungan ng Buenaventura Building. 2. Pag-uusapan sa pulong ang kalagayang pinansyal ng kompanya sa pagtatapos ng ikatlong kwarter ng taong 2018. 3. Tatalakayin ng sumusunod na pinuno ng kompanya ang sumusunod na paksa: Paksa Tagapagsalita Kita ng Kompanya sa Huling Dalawang Kwarter ng Taon Joselito Magbanua Puno ng Kagawaran ng Pananalapi Mga Suliranin Kinaharap at Solusyong Isinagawa ng Kompanya Thomas Aguilar Puno ng Kalakalan ng MH Corp. Plano ng Kompanya sa Pagpasok ng Ikaapat na Kwarter ng 2018 Lynette Cruz Pangalawang Pangulo ng MH Corp. 4. Inaasahan ang pakikiisa ng lahat sa nabanggit na gawain.