Ang sanaysay ay isang uri ng
panitikang nasa anyong tuluyan na
nagpapahayag ng sariling kaisipan,
kurokuro, saloobin at damdaming
kapupulutan ng aral at aliw ng
mambabasa. Ginagamit ito upang
makapagbigay ng mahalagang
kaisipan tungkol sa paksang nais
nitong talakayin.
Ang mahalagang kaisipan sa
sanaysay ay tumutukoy sa
mahalagang impormasyong
ibinibigay nito sa mambabasa na
maaaring isulat nang pabalangkas.
Ang balangkas ay isang lohikal o
kaya’y kronolohikal at
pangkalahatang paglalarawan ng
paksang isusulat. Ito rin ay isang
panukalang buod ng komposisyon.
Ang talumpati ay isang
halimbawa ng sanaysay
na binibigkas sa harap
ng publiko.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla(AGA),
ang sanaysay ay “pagsasalaysay ng
isang sanay”. Isinilang ang sanaysay sa
Pransiya noong 1580 at si Michel de
Montaigne ang tinaguriang, “Ama ng
Sanaysay.” Ito ay tinatawag na essai sa
wikang Pranses na nangangahulugang
isang pagtatangka, isang pagtuklas,
isang pagsubok sa anyo ng pagsulat.
Ang likhang sanaysay ay
mga maiikling
komposisyong may tiyak na
paksa o tema, karaniwang
nasa prosa, analitiko, at
nagpapahayag ng
interpretasyon o opinyon ng
may-akda
Ang analohiya ay tumutukoy sa proseso ng pagsusuri
o pagkukumpara ng dalawang bagay, lugar, ideya o
katangiang magkaugnay o magkatumbas.
Dalawang uri ng analohiya
1. Magkasingkahulugan (Synonym)- ang pares ng
salitang pinagkukumpara ay magkalapit ang kahulugan.
Halimbawa:
matumal: madalang matalino: marunong
2. Magkasalungat (Antonym)- ang pares ng salitang
pinagkukumpara ay magkalayo ang kahulugan.
Halimbawa:
matayog: mababa maramot: mapagbigay