Ang Komposisyon
Ito ay itinuturing na pinakapayak na
paraan ng pagsulat.
Ang pagsulat ng mga natatanging
karanasan, pagbibigay interpretasyon sa mga
pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga
nabasang akda o napanood na pagtatanghal
ay nagagawa sa pamamagitan ng pagsulat ng
komposisyon.
Ang Teorya sa Pagsulat
Walang pag-aalinlangang masasabi na ang
pagsulat ay isang aktibong gawain. Hindi basta na
lamang nangyayari. Nasasangkot ito ng
marubdob na partisipasyon at imersyon na
proseso. Ang imersyong ito sa pagsulat ay
kadalasang:
1. Solitari at Kolaboratibo
2. Pisikal at Mental
3. Konsyus at Subkonsyus
• Ipinaliwanag ni W. Ross Winterowd (1985)
ang mga lebel na ito. Ayon sa kanya, ang proseso
ng pagsulat ay kinasasangkutan ng ilang lebel ng
gawain na nagaganap nang daglian at maaaring
kaugnay o kasalungat ng bawat isa.
• Ayon kay Donald Murray (2003) na ang
pagsulat ay isang eksplorasyon pagtuklas sa
kahulugan ,pagtuklas sa porma at ang manunulat
ay nagtatrabaho nang pabalik-balik, nagtutuon sa
isa sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon
nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang
isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag
nang episyente.
Idinagdag pa ni Murray na ang pagsulat ay
isang prosesong rekarsibo o paulit-ulit. Writing is
rewriting, wika niya.
Samantala , sinabi ni Ben Lucian Burman na I
am a demon on the subject of revision. I revise,
revise, revise, until every word is what I want.
Ang Talata
Ang komposisyon ay binubuo ng mga talata.
Mahalagang malaman, kung gayon, kung ano ang
talata at uri ng katangian nito para sa epektibong
pagsulat ng komposisyon.
Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o
lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang
bahagi ng buong pagkukuro, palagay o paksang-diwa.
Ang mga balita ay karaniwang isunusulat sa talatang
iisahing pangungusap. Makakatagpo rin ng mga
talatang iisahing pangungusap sa maikling kuwento.
Samantala, ang editoryal at mga sanaysay
ay karaniwang nagtataglay ng mga talatang
binubuo ng ilang mga pangungusap.
Ang isang talata ay mauuri ayon sa lokasyong
katatagpuan nito sa loob ng isang komposisyon.
Kung gayon, ang talata ay maaaring mauring
Panimulang Talata, Talatang Ganap, Talata ng
Paglilipat-diwa at Talatang Pabuod.
Para sa layunin ng epektibong pagsulat ng
komposisyon, balik-aralan natin ang kalikasan at
katangian ng bawat uri ng talata.
Panimulang Talata- Ito ang una at kung
minsan ay hanggang sa ikalawang talata ng
komposisyon. Layunin nito ang ilahad ang paksa
ng komposisyon. Sinasabi rito kung ano ang
ipinaliliwanag , ang isasalaysay, ang ilalarawan o
bibigyang katuwiran. Kung maikli ang
komposisyon ,ito’y isa lamang maikling talata
rin. Subalit kung mahaba ang akda, maaring ang
panimulang talata ay buuin ng mahigit isang
talata.
Talatang Ganap- Matatagpuan ito sa kalakhang
gitnang bahagi ng komposisyon. Tungkulin nito
ang idebelop ang pangunahing paksa. Binubuo
ito ng paksang pangungusap at mga
pangungusap na tumutulong upang matalakay
nang ganap ang bahagi ng pangunahing paksa
ng komposisyon na nililinaw ng talata.
Talata ng Paglilipat-diwa - Mahalaga ito
upang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ng
mga pahayag sa mga talataan ng komposisyon.
Ginagamit ang talatang ito upang pag-ugnayin
ang diwa ng dalawang magkasunod na talata.
Talatang Pabuod – Kadalasan, ito ang
pangwakas na talata o talata ng komposisyon.
Inilalagay rito ang mahahalagang kaisipan o
pahayayag na tinatalakay na gitna ng
komposisyon. Maari ring gamitin ang talatang ito
upang bigyan ng higit na linaw ang layunin ng
awtor ng isang komposisyon
Mga Katangian ng Mabuting Talata
1. May isang paksang-diwa- Masasabing may isang
paksang-diwa ang isang talata kapag ito ay
nagtataglay ng isa lamang paksang pangungusap.
Ang pangungusap ay pangungusap sa talata na
nagsasaad ng buod ng nilalaman niyon. Nagsisilbi
itong patnubay upang hindi malihis sa paksa ng talata
ang mga pangungusap na napakaloob sa talata at
nang sa gayo’y maiwasan ang pagpasok ng mga
bagay na hindi kailangan sa talata.
Maaaring makita ang paksang pangungusap sa
iba’t ibang bahagi ng talata .
Madalas, ito ang unang pangungusap ng
talata. Gayon din nilalagay rin ito sa huling
pangungusap ng talata at paminsan- minsan ay
sa gitna ng talata.
Ang anyo ng paksang pangungusap ay
maaaring patanong o paturol. Pangungusap ito
na maaaring nagbubuod o naglalahad ng diwa ng
talata.
2. May Kaisahan ng Diwa- Masasabing may
kaisahan ng diwa ang isang talata kapag ang
bawat pangungusap ay nauugnay sa paksang
pangungusap.
3. May Wastong paglilipat-diwa- Nagiging
malinaw ang mga pangungusap ng talata kapag
may wastong paglilipat-diwa. May mga salita at
pariralang ginagamit sa paglilipat-diwa.
Makakatulong ang mga ito upang maunawaan
ang tamang pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangungusap na bumubuo sa talata. Sa bawat
isipang ililipat, may angkop na salita o pariralang
ginagamit.
Pansinin ang mga kasunod na halimbawa:
a. Pagdaragdag- at, saka, gayon din
b. Pagsalungat- ngunit, subalit, datapwat,
bagaman, kahiman, sa kabilang dako
c. Paghahambing- katulad ng, kawangis ng,
animo’y, anaki’y
d. Pagbubuod- sa madaling sabi, kaya nga
e. Pagkokongklud- samakatuwid, kung gayon
Masasabing may kaisahan ng diwa ang isang
talata kapag ang bawat pangungusap niyon ay
tumutulong sa pagsulong ng diwa ng talata at
kapag ang bawat pangungusap ay nauugnay sa
paksang pangungusap niyon.
4.) May Kaayusan- Bagama’t walang tiyak na
panuntunang sinusunod ukol sa pagsasaayos ng
talaan, mabuting ayusin ang mga pangungusap sa
talata sa paraang papaunlad ang galaw ng mga
pangyayari o ang kaisipang tinatalakay.
Kumpletuhin muna ang kaisipan ng isang
talata bago lumipat o gumawa ng bagong talata.
a.) Ayusin nang kronolohikal ayon sa
pagkakahanap ng mga pangyayari. Karaniwan ang
ayos na ito sa mga komposisyong pasalaysay o
palahad.
b.) Ayusin ayon sa pananaw sa
bagay o pangyayari, gaya
halimbawa ng malapit-palayo o
kabalikan nito, mula sa loob-
palabas o kabalikan nito o mula
sa kanan-pakaliwa o kabalikan
nito.
c.) Iayos na mula sa masaklaw patungo sa
ispesipiko. Ito ang karaniwang ayos na ang
paksang pangungusap ang unang
pangungusap ng talata. Maari ring ayusin sa
kabalikan nito na mula sa mga pangungusap
na ispesipiko tungo na masaklaw na
pangungusap. Sa ganito, ang paksang
pangungusap ang huling pangungusap ng
talata.
Proseso ng Pagsulat
Ang pagsulat ay isang komplikadong gawain.
Hindi ito madaling mailarawan. Wala kasing tiyak na
pormula sa pagsulat. Wika nga, ang dami ng
pamamaraan o teknik sa pagsulat ay sinadami ng
bilang ng mga manunulat. Idagdag pa na ang
pamamaraan o teknik ng isang manunulat ay, ay
maaaring mag iba-iba depende sa mood, layunin,
genre, panahon at iba pang salik.
Pre-Writing Activities
Walang manunulat ang walang ano-ano’y bigla
na lamang na nagsusulat. Lahat ay may
kinapapalooban o kinakasangkutan gawain,
sinasadya man o hindi, bago siya magsulat. Ang
gawaing ito ang maaaring pinagmumulan ng
kanyang inspirasyon o motibasyon o di kaya’y
pinaghahanguan niya ng mga ideya o kaalaman
na nagsisilbing puwersa upang itulak siyang
magsulat at bigyang-direksyon ang kanyang
pagsusulat.
1. Pagsulat sa Dyornal- Ang dyornal ay talaan ng
mga ideya, ngunit ito ay mula sa araw-araw na
pangyayari ng pagsulat. Nagsisilbi rin itong
imbakan ng mga ideya para sa maraming
manunulat.
2. Brainstorming- Mabisa itong magagamit
pangangalap ng opinyon at katuwiran ng ibang
tao.
3. Questioning- Binabagsakan ng mga
tanong sa gawaing ito ang isang posibleng
paksa.Madalas gamitin dito ang limang W’s
4. Pagbabasa at Pananaliksik- Mabisa
itong ginagamit sa pagpapalawak ng isang
paksang isusulat at pangangalap ng mga kaugnay
na karagdagang kaalaman
5. Sounding –out Friends- Ito ay
isinasagawa sa pamamagitan ng isa-isang
paglapit sa mga
kasambabahay,kaibigan,kapitbahay o
kasama sa trabaho at pakikipagtalakayan sa
kanila hinggil sa isang paksa.
6. Pag-iinterbyu – Ito ay pakikipanayam sa isang
tao o pangkat ng mga tao sa ipinalalagay na
awtoridad hinggil sa isang paksa.
7. Pagsasarbey- Ito ay paraan ng panggalap ng
mga impormasyon hinggil sa ano mang paksa sa
pamamagitan ng pagpapasagot sa isang
talatanungan sa isang pangkat ng respondente.
8. Obserbasyon- Pagmamasid ito sa mga bagay-
bagay, tao o pangkat . Inaalam dito ang mga gawi at
distinksyon ng inoobserbahan paksa.
9.Imersyon- Ito ay sadyang pagpapaloob sa
isang karanasan o gawain upang makasulat
hinggil sa karanasan o gawaing iyon.
10. Pag-eeksperimento- Dito, sinusubukan
ang isang bagay bago sumulat ng tungkol
dito. Madalas itong gawin sa pagsusulat ng
mga sulating siyentipiko
Writing Stage
Kapag may paksa na at may mga datos o
ideya na ang mga manunulat, ang susunod
niyang lohikal na tanong ay ang mag sumusunod:
Paano ko sisimulan ang komposisyon? Paano ko
aayusin ang katawan? Paano ko wawakasan ang
komposisyon?
Narito ang ilang mungkahing kasagutan para sa
bawat katanungan:
Pagsisimula
Maraming nagpapalagay na sa simula ang
buhay ng ano mang komposisyon o akda. Sa
ganitong palagay, nararapat lamang na maging
maganda ang simula upang mapagpasyahan ng
mambabasa kung itutuloy o hindi ang
nasimulang pagbasa. Sa simula pa lamang dapat
nang makuha ang interes at kawilihan ng
mambabasa . May ilang paraan na maaring
gamitin sa pagsisismula ng paglalahad upang
makaakit ng atensyon.
1.Gumamit ng isang serye ng mga tanong retorikal.
2. Gumamit ng isang pangungusap na sukat
makatawag-pansin.
3. Gumamit ng pambungad na pagsasalaysay.
4. Gumamit ng salitaan.
5. Gumamit ng isang sipi.
6. Banggitin ang kasaysayan o mga pangyayaring nasa
likuran ng isang paksa.
7. Tahasang ipaliwanag ang suliraning ipapaliwanang.
8. Gumamit ng salawikain o kawikaan.
9. Gumamit ng pansaklaw o panlahat na pahayag.
10. Magsimula sa pamamagitan ng buod
11. Gumamit ng tuwirang sabi.
12. Maglarawan ng tao o pook
13. Gumamit analohiya
14. Gumamit ng isang salitang makatatawag ng
kuryosidad
Pagsasaayos ng Katawan
Sa pagbuo ng pinakakatawan ng komposisyon,
may iba’t ibang paraang maaaring gamitin sa
paghahanay ng mga kaisipan, alinsunod sa paksa,
layunin at sa pinag uukulan.
1. Iayos ang mga datos nang pakronolohikal
2. Iayos ang mga datos nang palayo o palapit, pataas
o pababa,papasok o palabas
3. Iayos ang mga datos nang pasahol
4. Iayos ang mga datos nang pasaklaw.
5. Paghambingin ang mga datos
6. Isa-isahin ang mga datos.
7.Suriin ang mga datos
Pagwawakas
Gaya rin naman ng simula, ang haba ng
wakas ay dapat ibagay sa haba ng buong
katha. Ang wakas ay maaaring isang
kabanata, isang talataan, isang pangungusap
o isa lamang “ pakiramdam sa pagsapit sa
katapusan ng akda” na nililikha ng mga
pangunahing salita. Ito’y magagawa sa iba’t
ibang paraan.
1. Ibuod ang paksa.
2. Mag-iwan ng isa o ilang tanong.
3. Mag-iwan ng hamon.
4. Bumuo ng Kongklusyon.
5. Gumawa ng prediksyon.
6. Magwakas sa angkop na sipi o kasabihan.
7. Sariwain ang suliraning binanggit sa simula.
8. Mag-iwan ng isang pahiwatig o simbolo.