SlideShare a Scribd company logo
1 of 13
FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO
DEPED DASMARINAS | PAHINA | 1
I. PAMAGAT NG ASIGNATURA: Filipino 7 (Unang Markahan): Mga Panitikan ng
Mindanao
II. INTRODUKSYON SA ASIGNATURA
A. Deskripyon ng Asignatura
Kumusta? Ito ang unang kurso para sa asignaturang Filipino 7. Matututuhan mo
rito ang mga panitikang nagmula sa Mindanao tulad ng kuwentong-bayan, pabula,
epiko, maikling kuwento, at dula sa paraang interdisiplinaryo at interaktibo. Ito ay
interdisiplinaryo dahil naiuugnay ito sa iba’t ibang asignatura at nasabi namang
interaktibo dahil maraming mga gawaing kinakailangan ng kolaborasyon at pangkatan.
Sa pagtatapos mo ng asignaturang ito, inaasahang matamo ang mga kailangang
kaalaman at malinang ang mga pangunahing makro-kasanayan: pakikinig, pagsasalita,
pagbasa, pagsulat, at panonood.
B. Pamantayang Pangnilalaman - Naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan ng Mindanao.
C. Pamantayan sa Pagganap - Naisasagawa ang video ng proyektong panturismo sa
Mindanao.
D. Mga Kasanayang Pampagkatuto -
Sa pagtatapos ng kabuuang aralin, ang sumusunod na layunin ay inaasahang
matamo:
Aralin Kompetensi Gawaing Pampagkatuto
1.1 Si Pilandok sa
Pulo ng Pawikan
1.2 Mga Pahayag sa
Pagbibigay ng
Patunay
Nahihinuha ang
kaugalian at
kalagayang
panlipunan ng lugar
na pinagmulan ng
kuwentong bayan
batay sa mga
pangyayari at usapan
ng mga tauhan.
Nagagamit nang
wasto ang mga
pahayag sa
pagbibigay ng mga
patunay.
 Naibibigay ang
kasingkahulugan
at kasalungat na
kahulugan ng
salita ayon sa
gamit sa
pangungusap.
(F7PT-Ia-b-1)
 Nasusuri gamit
ang graphic
organizer ang
ugnayan ng
tradisyon
at akdang
pampanitikan sa
Paglalarawan ng tauhan
batay sa kanilang ikinilos,
sinabi o naramdaman.
(Pasulat)
Pagtukoy sa pamamaraan ng
pamumuhay, kaugalian at
tradisyon ng Mindanao batay
sa ikinilos, sinabi at
naramdaman ng tauhan.
(Pasulat)
Pagsulat ng sanaysay gamit
ang mga pahayag na
nagpapatunay tungkol sa
paksang ang kuwentong-
bayan ay salamin ng kultura
ng pinagmulan nito.
FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO
DEPED DASMARINAS | PAHINA | 2
pamamagitan ng
pagtukoy sa
paraan ng
pamumuhay,
tradisyon,
paniniwala at
kaugalian batay
sa napanood na
kuwentong-
bayan.
(F7PD-Ia-b-1)
 Naisusulat ang
mga patunay na
ang kuwentong-
bayan ay salamin
ng tradisyon o
kaugalian ng
lugar na
pinagmulan nito.
(F7PU-Ia-b-1)
2.1 Natalo Rin Si
Pilandok
2.2 Mga Ekspresyong
Naghahayag ng
Posibilidad
Nahihinuha ang
kalalabasan ng mga
pangyayari batay sa
akdang napakinggan
 Nagagamit ang
mga ekspresyong
naghahayag ng
posibilidad (maaari,
baka, at iba pa)
(F7WG-I-cd-2)
 Natutukoy at
naipaliliwanag ang
mahahalagang
kaisipan sa
binasang akda
(F7PB-Ic-d-2)
 Naipahahayag
nang pasulat ang
damdamin at
saloobin tungkol sa
paggamit ng mga
hayop bilang mga
tauhang
nagsasalita at
kumikilos na parang
tao o vice versa.
(F7PU-Ic-d-2)
Pagbibigay-hinuha sa
kahihinatnan ng pangyayari
gamit ang Islogan (Pasulat)
3.1. Indarapatra at
Sulayman
3.2 Pang-ugnay na
Ginagamit sa Sanhi at
Bunga
Naisasalaysay nang
maayos at wasto ang
buod, pagkakasunod-
sunod ng mga
pangyayari sa
kuwento.
Pagsasalaysay ng buod ng
pangyayari batay sa mga
naging pagpapasya at
pakikipagsapalaran ng mga
tauhan gamit ang fishbone
teknik.
FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO
DEPED DASMARINAS | PAHINA | 3
Naipaliliwanag ang
sanhi at bunga ng
mga pangyayari
 Naipaliliwanag
ang kahulugan
ng mga
simbolong
ginamit sa akda
(F7PT-Id-e-3)
 Nakikilala ang
katangian ng
mga tauhan
batay sa tono at
paraan ng
kanilang
pananalita
(F7PN-Id-e-3)
 Nagagamit nang
wasto ang mga
pang-ugnay na
ginagamit sa
pagbibigay ng
sanhi at bunga
ng mga
pangyayari (
sapagkat, dahil,
kasi, at iba pa )
(F7WG-Id-e-3)
Pagpapaliwanag ng sanhi at
bunga ng isang suliraning
panlipunang kinakaharap ng
lider ng bansa gamit ang
graphic organizer.
4.1 Asocena
4.2 Mga Retorikal na
Pang-ugnay
Naisasalaysay ang
buod ng mga
pangyayari sa
kuwentong
napakinggan
Nagagamit nang
wasto ang mga
retorikal na pang-
ugnay na ginamit sa
akda (kung, kapag,
sakali, at iba pa), sa
paglalahad (una,
ikalawa, halimbawa, at
iba pa; isang araw,
samantala, at iba pa),
sa pagbuo ng
editoryal na
nanghihikayat
(totoo/tunay, talaga,
pero/ subalit, at iba pa
 Naiisa-isa ang
mga elemento ng
maikling kuwento
sa pamamagitan
ng
panonood ng
Video
Pagbubuod ng Kuwentong
Asocena gamit ang elemento
ng maikling kuwento.
Paggamit ng mga retorikal
na pang-ugnay sa pagsusulit
at aplikasyon.
FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO
DEPED DASMARINAS | PAHINA | 4
(F7PB-If-g-4)
 Naisusulat muli
ang wakas ng
isang akda sa
paraang binago
ang
katangian ng
ilang tauhan.
(F7PU-If-g-4)
 Naibibigay ang
kahulugan ng
isang salita bata
sa kontekstuwal
na pahiwatig sa
isang
pangungusap
(F7PT-Id-e-4)
5.1 Semento Boys
5.2 Mga
Pangungusap na
Walang Paksa
Nasusuri ang pagka-
makatotohanan ng
mga pangyayari batay
sa sariling
karanasan
Nagagamit ang mga
pangungusap na
walang tiyak na paksa
sa pagbuo ng
patalastas pahayag sa
pagbibigay ng mga
patunay.
 Nailalarawan ang
mga gawi at kilos
ng mga kalahok
sa napakinggang
dulang
panlansangang
“Semento Boys”.
(F7PK-Ih-i-5)
 Nagagamit sa
sariling
pangungusap
ang mga salitang
hiram na
nakapaloob sa
dula
(F7PT-Ih-i-5)
Pagsusuri sa pagka-
makatotohanan ng Pangyayari
sa Dula “Semento Boys”
Paggamit ng mga pangungusap
na walang paksa sa pagbuo ng
patalastas
III. DALOY NG MODYUL
A. Pamagat ng Aralin: MGA PANITIKAN NG MINDANAO
Aralin 1: Kuwentong Bayan
Panitikan : Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan
Wika at Gramatika : Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay
FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO
DEPED DASMARINAS | PAHINA | 5
B. Introduksyon sa Aralin
Ang bawat aralin ay may dalawang bahagi – Panitikan, at Wika at Gramatika. Sa
Aralin 1, malalaman mo ang kuwento ni Pilandok. Inaasahan sa araling ito na matukoy
mo ang mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat, katangian ng tauhan
batay sa kanilang usapan, pati na rin ang kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng mga tauhan sa kuwento. Matututuhan mo naman sa Gramatika ang
mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay-patunay at magamit ito nang wasto sa
pagpapatunay na ang kuwentong-bayan ay salamin ng tradisyon o kaugalian ng lugar
na pinagmulan nito.
Gawain: Panonood ng Video
Magandang araw! Ngayon ay sisimulan na natin ang ating pag-aaral at
paglalakbay sa kapuluan ng Mindanao. Handa ka na ba? Mahalagang maging
masikap at masipag sa pagbabasa at paggawa ng mga inihandang gawain.
Panuto:
1. Kopyahin sa iyong kwaderno ang sumusunod na mga tanong:
○ Anong lugar sa Pilipinas ang binibigyang-pansin ng awitin/video?
○ Ano ang mensahe ng awitin?
○ Ano ang mga magagandang lugar na nabanggit sa awit?
○ Ano-anong mga makukulay na pagdiriwang ang binanggit sa awitin?
2. Matapos makopya ang mga tanong, panoorin ang YouTube video na
pinamagatang “It’s More Fun in MINDANAO!”
3. Pagkatapos mapanood, sagutin ang mga tanong na kinopya.
Maaari mong itala sa iyong kwaderno ang sagot upang madali mo itong balikan kung
kailangan mo ang impormasyon.
Video link: https://www.youtube.com/watch?v=qrFm_uigD_8
C. Pagpapaunlad ng Aralin
Gawain: Paglinang ng Talasalitaan
Bago natin talakayin ang kuwento, mahalagang mataya muna natin ang
kaalaman mo sa mga salita sa pamamagitan ng gawaing ito. Narito ang ilang
mga di-pamilyar na salita na matatagpuan sa kuwentong ating pag-aaralan.
Panuto: Tukuyin kung kasingkahulugan o kasalungat na kahulugan ang mga
salitang may salungguhit sa bawat bilang batay sa pagkakagamit nito sa
pangungusap. Lagyan ng tsek(/) kung kasingkahulugan at ekis (X) naman
kung kasalungat.
Tala: ise-setup sa Moodle ang bahaging ito.
1. Sawa na si Datu Usman sa lahat ng pagkain.
( ) gusto
( ) uyam
2. Gusto niya ng naiibang pagkain.
( ) namumukod-tangi
( ) magkapareho
3. Matamlay na ikinarga ng mga kawal ang mga sisidlan sa kanilang paraw.
( ) masigla
( ) walang sigla
4. Binantayan niya ang Pulo ng Pawikan.
( ) tiningnan
( ) pinabayaan
5. Kailangang tupdin natin ang ating tungkulin sa pagbabantay sa masasama.
FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO
DEPED DASMARINAS | PAHINA | 6
( ) sundin
( ) suwayin
Wastong Sagot:
Salita Kasingkahulugan Kasalungat
sawa uyam Gusto
naiiba namumukod-tangi Magkapareho
matamlay walang sigla Masigla
bnantayan Tiningnan Pinabayaan
Tupdin Sundin Suwayin
Aralin 1.1 PANITIKAN: Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan
(Introduksyon) Bilang unang aralin sa asignatura, tutunghayan mo ang kuwentong-
bayang “Si Pilandok sa Puno ng Pawikan” mula sa Mindanao. Sa kuwentong ito,
makikilala mo ang mga tauhan at ang kanilang mga katangian. Bibigyang-pansin at
iuugnay mo rin ang mga usapan nila sa kultura ng Mindanao na pinagmulan ng
kuwento. Para mapatunayan mong salamin nga ng kultura ng Mindanao ang kuwento,
malaki ang maitutulong ng aralin sa gramatika na “Pahayag sa Pagbibigay-patunay”.
Tara na, oras na para simulan ng talakayan!
Gawain: Panonood ng Kuwento
Nakakita ka na ba ng pilandok? Alam mo ba ang katangian ng isang pilandok?
Maraming akda o kuwentong-bayan mula sa Mindanao ang may pangunahing tauhan
na pilandok at isa na nga rito ang panonoorin mong kuwento ngayon.
Basahin mong mabuti ang mga tuntunin o panuto bago manood upang maging
handang-handa ka sa pag-unawa rito.
Panuto:
➔ Panoorin ang YouTube video ng kuwentong “Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan”
(Narration).
➔ Habang nanonood, kilalaning mabuti ang mga tauhan at tandaan ang mga
mahahalagang pangyayaring magagamit mo sa susunod pang mga gawain sa
araling ito.
➔ Pagkatapos manood, sagutin ang mga gabay na tanong.
Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=0DsdcMcKH38&feature=youtu.be
File Link ng Kuwento:
Si Pilandok sa Pulo
ng Pawikan.docx
Tala: I-download ang word file template ng mga Gabay na tanong. Pangalanan ang
file sa anyong Apelyido-GabayNaTanong1. Pagkatapos, ipadala ito sa
Submission Bin.
File Link ng Gabay na Tanong:
Mga Gabay na
Tanong.docx
FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO
DEPED DASMARINAS | PAHINA | 7
Mga Gabay na Tanong:
1. Sino ang Datu na nagpapahanap ng itlog ng mga pawikan? Bakit kailangan
niya ng itlog?
2. Ano ang naging reaksiyon ni Pilandok nang marinig niya ang utos ng datu?
3. Paano ipinakita ni Pilandok ang pagmamalasakit niya sa Pulo ng Pawikan?
4. Ano ang nangyari sa mga lumba-lumba na kaibigan ni Pilandok nang dumating
sa pulo ang mga mandirigma ng datu?
5. Paano naging bato ang itlog ng mga pawikan?
6. Ano ang mensahe sa kabuoan ng kuwentong pinanood/binasa?
Gawain: Paglalarawan sa Tauhan
Matapos mong sagutin ang mga tanong tungkol sa napanood mong kuwento, subukin
naman natin kung nakilala mong mabuti ang mga tauhan batay sa panutong ibinigay sa
sinundang gawain. Muli, pinaaalalahanan kang basahing mabuti ang panuto para sa
tiyak at wastong pagsagot mo.
Panuto:
➔ Magbigay ng paglalarawan ng dalawang pangunahing tauhan ng kuwentong “Si
Pilandok sa Pulo ng Pawikan”.
➔ Tatlong paglalarawan ang ibibigay kada tauhan - batay sa sinabi, naramdaman at
ikinilos nito.
➔ Makikita mo rin sa template ang halimbawang paglalarawan upang maging gabay mo
sa pagsagot.
Tala: I-download ang word file template ng paglalarawan. Pangalanan ang file sa anyong
Apelyido-PaglalarawanNgTauhan1. Pagkatapos, ipadala ito sa Submission Bin.
File Link ng Kwento:
Paglalarawan ng
Tauhan.docx
Tala: Narito ang nilalaman ng word file template -
DATU USMAN PILANDOK
Gawain: Kahulugan ng Kuwentong-bayan
Ngayong nakilala mo na ang mga tauhan, gamitin mo naman ang oras na ito para
matutuhan ang kahulugan ng Kuwentong-bayan na siyang uri ng akdang napanood mo
FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO
DEPED DASMARINAS | PAHINA | 8
sa nakaraang video. Mahalagang maunawaan mo ang katangian nito dahil ito ay may
malaking kaugnayan sa mga susunod pang gawain sa pagkatuto.
Panuto:
➔ Matapos mong mapanood/mabasa at masagutan ang mga gabay na tanong at makilala
ang mga tauhan, alamin mo naman ang uri ng panitikan na kinabibilangan nito - ang
“Kuwentong Bayan”.
➔ Alamin ang kahulugan, katangian at uri nito.
➔ Maaaring panoorin ang maikling video o kaya’y basahin ang word file tungkol dito.
Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=1OeMPcyNqGs&t=216s
File Link ng Kuwento:
Kahulugan ng
Kuwentong Bayan.docx
Gawain: Kultura ng Mindanao
Mahusay ang pagkakalarawan mo sa mga tauhan ng Kuwentong-bayang “Si Pilandok
sa Pulo ng Pawikan” batay sa kanilang ikinilos, sinabi at naramdaman. Batay na rin sa
kahulugan ng kuwentong-bayan na iyong binasa sa nakaraang gawain, ito ay
nagpapakita ng kaugalian at tradisyon o kultura ng pinagmulan nitong lugar, at iyon nga
ay masasalamin sa mga salitaan ng mga tauhan sa bawat pangyayari. Para
maunawaan mo ang ugnayan ng mga ito, basahin mo ang file tungkol sa kultura ng
Mindanao na makikita sa bahaging ito. Pagkatapos, gawin mo ang nakatalagang
gawaing “Kultura ng Mindanao” sa ibaba.
Panuto:
➔ Pagkatapos mong sagutan ang gawain sa paglalarawan sa tauhan o character
sketch at matutuhan ang katangian ng kuwenton-bayan, gawin mong batayan
ang mga salitaan, damdamin at kilos ng mga tauhang natutuhan mo upang
malaman mo ang kulturang nakapaloob sa akdang “Si Pilandok sa Pulo ng
Pawikan”.
➔ Itala mo ang kasagutan sa loob ng talahanayan.
Tala: I-download ang template at doon sagutan ang bahaging ito. Ipadala sa
Submission Bin ang awtput na may file name na Apelyido-Kultura1-Mindanao.
File Link ng Kultura ng Mindanao:
Kultura ng
Mindanao.docx
Tala: Narito ang nilalaman ng word file template -
Paraan ng
pamumuhay
Paniniwala Tradisyon Kaugalian
Aralin 1.2 WIKA AT GRAMATIKA: Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagpapatunay
May mga salita o pahayag na ginagamit sa pagpapatunay upang maging kapani-
paniwala at katanggap-tanggap ang impormasyong inilalahad mo. Ito ay maaring
dugtungan o dagdagan ng mga datos o pisikal na ebidensya tulad ng larawan,
FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO
DEPED DASMARINAS | PAHINA | 9
babasahin, video, panayam, mga dokumento at marami pang iba na lalong
magpapatibay sa katotohanan o impormasyong iyong pinatutunayan.
Pag-aralang mabuti ang mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay sa isang
video. Maaari mo ring i-download ang word file nito. Pagkatapos, sagutan ang maikling
pagsusulit tungkol dito.
Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=Qt2w-ca8nAo&feature=youtu.be
(Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Mga Patunay By Sir Juan Malaya)
Word File Link:
Mga Pahayag sa
Pagbibigay ng mga Patunay.docx
Tala: Narito ang nilalaman ng word file link tungkol sa Mga Pahayag sa Pagbibigay
ng mga Patunay.
MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY
1. May Dokumentaryong Ebidensiya
➔ ito ay mga patunay na maaaring nakasulat, larawan o video.
Halimbawa: Pinatunayan ng “I-Witness” na sadyang maraming kabataan ang
nagsusumikap sa buhay makatapos lamang ng pag-aaral.
● “I-Witness” = ang tinutukoy na dokumentaryong ebidensya
● pinatunayan = ginamit sa pagpapatunay
● maraming kabataan ang nagsusumikap sa buhay makatapos lamang ng
pag-aaral. = ang pinatunayan sa pahayag
2. Kapani-paniwala
➔ sa paggamit ng salitang ito, ipinapakita na ang ebidensiya, patunay o datos ay
makatotohanan at maaaring makapagpatunay.
Halimbawa: Ayon sa mga nakalap na larawan, kapani-paniwala nga ang matinding
problema ng Mindanao na makaapekto sa ekonomiya nito.
● “nakalap na larawan” = naging batayan upang sabihing “kapani-paniwala”
ang pinatutunayan.
● “kapani-paniwala” = ginamit na salita upang pag-ugnayin ang patunay at
pinatutunayan.
● “problema sa Mindanao” = ang pinatutunayan sa pahayag
3. Taglay ang Matibay na Kongklusyon
➔ ang tawag sa katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba, o impormasyong
totoo.
Halimbawa: Taglay ang matibay na kongklusyon, hinatulan ng Korte Suprema ang
mga senador hinggil sa Pork Barrel Scam.
● Sa pahayag na ito, mapapansing hindi na binanggit ang mga ebidensyang
ginamit sa pagpapatunay, kinakatawan na lamang ito ng pahayag sa
pagpapatunay na “matibay na kongklusyon”.
● Ibig sabihin nito, may mga pinag-aralan at inilahad nang ebidensya at
isinagawang imbestigasyon ang Korte Suprema sa pagdinig ng kaso na
naghatid ng “matibay na kongklusyon” dito.
● Ang “Pork Barrel Scam” naman ang pinatunayang kinasangkutan ng mga
hinatulang senador.
4. Nagpapahiwatig
FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO
DEPED DASMARINAS | PAHINA | 10
➔ Ito ang tawag sa pahayag na hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo ang
ebidensiya ngunit sa pamamagitan nito ay masasalamin ang katotohanan.
Halimbawa: Ang pagtulong ng DIHS sa mga nasalanta ng bagyo ay
nagpapahiwatig ng pagiging mabuti nito.
● “pagtulong ng DIHS sa mga nasalanta ng bagyo” = patunay sa “pagiging
mabuti”
● “nagpapahiwatig” = nag-ugnay sa patunay at pinatutunayan
● “pagiging mabuti nito” = pinatutunayan sa pahayag
5. Nagpapakita
➔ salitang nagsasabi na ang isang kilos o pangyayari (na nakita o nasaksihan) ay
patunay sa isang katotohanan.
➔ Tingnan ang halimbawang pangungusap:
Halimbawa: Ang tulong mula sa iba't ibang bansa na umabot sa mahigit 14 bilyong
piso ang nagpapakita sa likas na kabuting-loob ng tao anuman ang
kulay ng balat at lahi mo.
● Ang pangyayari na “tulong mula sa iba’t ibang bansa” na higit pang
pinatibay ng halagang “14 bilyong piso” ay patunay ng “likas na
kabutihang loob” ng tao.
● Pinag-ugnay ang patunay at pinatutunayan gamit ang salitang
“nagpapakita”
6. Nagpapatunay/Katunayan/Patunay
➔ Ang salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinahahayag.
Halimbawa: Ang Pilipinas ay nakapaloob sa tinatawag na PacificTyphoon Belt na
nangangahulugang dinaraanan ito taon-taon ng maraming bagyo. Katunayan, sa bawat
taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR o Philippine Area of
Responsibility.
● Ang pahayag na nakasalungguhit ay pinatutunayan gamit ang datos o
tala na “sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa
ating PAR o Philippine Area of Responsibility”
● “katunayan” = ginamit na pang-ugnay sa pagpapatunay ng impormasyon.
7. Pinatutunayan ng mga Detalye
➔ Makikita mula sa mga detalye ang patunay ng isang pahayag. Mahalagang
masuri ang mga detalye para makita ang katotohanan sa pahayag.
Halimbawa: Pinatutunayan lamang ng mga nabanggit na detalye na ang DIHS ay
isang tunay na mabuting paaralan.
● Hindi na rin tinukoy kung ano ang “binanggit na detalye” ngunit nagsisilbi
itong patunay sa isang katotohanan.
● Pinatutunayan = ginamit na pang-ugnay sa patunay
● ang DIHS ay isang tunay na mabuting paaralan = ang pinatunayan sa
pahayag gamit ang binanggit na detalye
FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO
DEPED DASMARINAS | PAHINA | 11
Pagsasanay: (isiset-up sa Moodle)
Panuto: Gamitin nang wasto ang pahayag na nagpapatunay sa bawat pangungusap.
Piliin ang wastong sagot sa loob ng panaklong ( ). 4-5 ang pasadong marka sa
pagsasanay na ito.
1). Ang pangalang Lanao ay nagmula sa salitang ranao na nangangahulugang
"lawa". Matatagpuan kasi rito ang Lawa ng Lanao na pinakamalaking lawa sa
Mindanao at pangalawang pinakamalaki sa buong Pilipinas, sunod sa Lawa ng
Laguna.
Ang lawa ay mahalagang bahagi ng buhay ng mga tao sa lugar na ito na
__________ (pinatutunayan, ipinahihiwatig) ng pagtawag sa mga Meranong
naninirahan dito bilang “mga tao sa lawa”.
2). Labis na abala ang mga tao sa dami ng mga bangkang nagyayao't dito
sa pagdadala ng mga paninda. Ito rin ang isa sa mga pangunahing paraan ng
transportasyon sa mga bayan ng Lanao del Sur. Ang mga gawaing ito ay __________
(nagpapatunay, nagpapakita) na ang buhay ng mga tao ay nakasentro sa lawa ng
Lanao.
3). Ang mga kagamitang pangseremonya nila ay may mga ukit na okir kung
saan pinakakilala ang sarimanok at makukulay na nagas o nakaukit na hugis ahas na
madalas makita sa hawakan o puluhan ng kanilang mga kampilan. Sa mga detalyeng
ito, ___________ (kitang-kita, kapani-paniwala) ang pagiging malikhain ng mga
Merano.
4). Batay sa mga araw-araw na ulat-panahon, hindi masyadong mainit ang klima
sa Lanao at llihis din sila sa daanan ng bagyo. Ang mga nabanggit na kadahilanang ito
ng pagkakaroon ng magandang panahon ay __________ (nagpapahiwatig,
nagpapakita) na mapalad ang mga Merano.
5). Karagdagang __________ (katunayan, kapani-paniwala) pa rito ang hindi
gaanong pananalanta ng mga bagyong dumaraan sa ating bansa.
D. Gawaing Pampagkatuto
Para sa bahaging ito ng aralin, sumulat ka ng sanaysay na nagpapatunay na
ang kuwentong-bayan ay salamin ng lugar na pinagmulan nito. Gamitin mo bilang tiyak
na halimbawa ang kuwentong-bayang natunghayan mo sa araling ito. Mahalagang
magamit mo sa sanaysay ang mga pahayag sa pagpapatunay na natutuhan mo.
Basahing mabuti ang panuto at pamantayan sa pagmamarka upang maging gabay mo
sa pagsulat.
Gawain: Pagsulat ng Sanaysay
Panuto: Patunayan mo ang pahayag sa ibaba.
“Ang kuwentong-bayan ay salamin ng lugar na pinagmulan nito.”
*Sa pagsagot, kailangang binubuo ng 40-50 salita at gumamit ng tatlong pahayag sa
pagpapatunay (Kinakailangan guhitan ang mga nagamit na pahayag sa
pagpapatunay).
*Gamitin ding gabay sa pagsagot ang pamantayan para sa tiyak na nilalaman ng iyong
sanaysay:
Pamanta
yan
Napakahusay
4
Mahusay
3
Di-gaanong
Mahusay
Nangangailang
an pa ng
FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO
DEPED DASMARINAS | PAHINA | 12
2 pagsasanay
1
Nilalama
n
(40%)
Nagbigay ng apat
hanggang limang
kaugnayan ng
kultura at tradisyon
ng lugar sa
kwentong-bayan
Nagbigay ng
tatlo
hanggang
dalawang
kaugnayan ng
kultura at
tradisyon ng
lugar sa
kwentong-
bayan
Nagbigay ng
isang
kaugnayan ng
kultura at
tradisyon ng
lugar sa
kwentong-
bayan
Walang
makikitang
kaugnayan
ang kultura at
tradisyon ng
lugar sa
kwentong-
bayan
Pagpapa
hayag sa
Pagpapa
tunay
(30%)
Nakagamit ng
tatlong pahayag sa
pagpapatunay
Nakagamit ng
dalawang
pahayag sa
pagpapatunay
Nakagamit ng
isang pahayag
sa
pagpapatunay
Hindi
nakagamit ng
pahayag sa
pagpapatunay
Wastong
gamit ng
gramatik
a (30%)
Walang mali sa
paggamit ng mga
salita
May isa-
dalawang mali
sa paggamit
ng mga salita
May tatlo –
apat na mali
sa paggamit
ng mga salita
Lampas sa
apat ang
naging
pagkakamali
sa paggamit
ng mga salita
I-post sa Class Forum 1: Patunayan Mo ang iyong naging sagot sa mga
katanungang ito.
E. Paglalahat/Repleksyon
Sa puntong ito, tiyak kong marami kang natutuhan at marami ka ring saloobing nais
ipahayag tungkol sa ating paksa, partikular na sa akdang “Si Pilandok sa Pulo ng
Pawikan” bilang isang halimbawa ng kuwentong-bayan sa Mindanao. Nais kong
malaman ang iyong opinyon sa isang tiyak na usaping kaugnay ng iyong napag-aralan,
at maibahagi rin ito sa iyong mga kaklase. Narito ang gawain:
Gawain (Forum): Pagpapalitan ng Opinyon
Panuto: May dalawang bahagi ang gawaing ito.
(A) Unang Bahagi
➔ Sagutin ang dalawang (2) tanong tungkol sa ugnayan ng akdang pampanitikan
at lugar na pinagmulan nito.
➔ Pagkatapos, sumagot ka rin sa isa (1) sa mga post ng iyong mga kaklase kung
sang-ayon ka sa kanilang ibinahagi.
➔ Tandaan lamang na hindi pinahihintulutan ang panggagaya ng sagot ng
kaklase o sipi mula sa internet o copy-paste, pakikipag-usap nang walang
kaugnayan sa paksa lalo na ang mga walang galang na tugon sa sagot ng mga
kaklase.
1. Bakit kailangang ipakita sa mga akdang pampanitikan ang kultura ng
lugar na pinagmulan nito? (gawing tiyak sa Mindanao)
2. Paano maipakikita ang kahalagahan ng kultura sa isang lugar?
(B)Ikalawa, magbigay ng maikling paglalahat o komento (3 pangungusap) tungkol
sa dalawang (2) kasagutan ng dalawang kaklase.
I-post sa Class Forum 2 ang iyong naging sagot sa mga katanungang ito.
FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO
DEPED DASMARINAS | PAHINA | 13
F. Mga Karadagang Kagamitan
- Paggamit ng mga Youtube Video Presentation
- Paggamit ng mga Word File
G. Mga Sanggunian:
Mga Aklat
1. Obrero, Rotia, et. al. (2013). Tudla 7 (Binagong Edisyon). Quezon City, Philipiines:
Sta. Teresa Publicatio, Inc.
2. Reyes, Alvin, Setubal, Jessie (2016). Diwa ng Wika at Panitikan. Makati City,
Philippines: Diwa Learning Systems, Inc.
3. Alcantara, Tolosa, Jocson. (2016). Hiyas ng Lahi: Panitikan, Gramatika at Retorika.
Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.
Mga Larawan
4. Sultan (Larawang Online). Kinuha noong Mayo 5, 2020, Mula sa
(https://www.dreamstime.com/illustration/sultan-clothes.html)
5. Ako si Pilandok (Larawang Online). Kinuha noong Mayo 5, 2020, Mula sa
(https://www.jacketflap.com/profile.asp?member=pilandok)
Mga Video
6. Sir Juan Malaya. “Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay” Abril 28, 2020. Hinango
sa https://www.youtube.com/watch?v=Qt2w-ca8nAo&feature=youtu.be
7. Sir Juan Malaya. “Kahulugan ng Kwentong Bayan” Abril 23, 2020. Hinango sa
https://www.youtube.com/watch?v=qQVBk8CK5hA&feature=youtu.be
8. Sir Juan Malaya. “Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan” Mayo 6, 2020. Hinango sa
https://www.youtube.com/watch?v=0DsdcMcKH38&feature=youtu.be
9. Axel Noble. “It’s More Fun In Mindanao”. Agosto 22, 2012. Hinango sa
https://www.youtube.com/watch?v=qrFm_uigD_8
10. DepEd Curriculum Guide 2016

More Related Content

What's hot

Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Eleizel Gaso
 
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EPIKO Baitang 7
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EPIKO Baitang 7KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EPIKO Baitang 7
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EPIKO Baitang 7Wimabelle Banawa
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminJeremiah Castro
 
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdf
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdfpangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdf
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdfReychellMandigma1
 
Aralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Aralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga PangyayariAralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Aralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga PangyayariJoseph Cemena
 
Epiko at ang mga elemento nito
Epiko at ang mga elemento nitoEpiko at ang mga elemento nito
Epiko at ang mga elemento nitoeijrem
 
Filipino 10 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 10 Curriculum Guide rev.2016Filipino 10 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 10 Curriculum Guide rev.2016Chuckry Maunes
 
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10Eldrian Louie Manuyag
 
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptxANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptxchelsiejadebuan
 
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6JodyMayDangculos1
 
FILIPINO-7..-Si-Usman-ang-alipin.pptx
FILIPINO-7..-Si-Usman-ang-alipin.pptxFILIPINO-7..-Si-Usman-ang-alipin.pptx
FILIPINO-7..-Si-Usman-ang-alipin.pptxDyacKhie
 
Konotasyon at Denotasyon.pptx
Konotasyon at Denotasyon.pptxKonotasyon at Denotasyon.pptx
Konotasyon at Denotasyon.pptxRioGDavid
 
Aginaldo ng mga Mago
Aginaldo ng mga Mago Aginaldo ng mga Mago
Aginaldo ng mga Mago Al Beceril
 

What's hot (20)

Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
 
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EPIKO Baitang 7
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EPIKO Baitang 7KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EPIKO Baitang 7
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EPIKO Baitang 7
 
Filipino 10 - Analohiya
Filipino 10 - AnalohiyaFilipino 10 - Analohiya
Filipino 10 - Analohiya
 
Klino
KlinoKlino
Klino
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdf
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdfpangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdf
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdf
 
Aralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Aralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga PangyayariAralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Aralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
 
Detailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - AnekdotaDetailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - Anekdota
 
Epiko at ang mga elemento nito
Epiko at ang mga elemento nitoEpiko at ang mga elemento nito
Epiko at ang mga elemento nito
 
Epiko grade 8
Epiko grade 8Epiko grade 8
Epiko grade 8
 
Filipino 10 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 10 Curriculum Guide rev.2016Filipino 10 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 10 Curriculum Guide rev.2016
 
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10
 
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptxANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
 
KUWENTONG-BAYAN FILIPINO 7
KUWENTONG-BAYAN FILIPINO 7KUWENTONG-BAYAN FILIPINO 7
KUWENTONG-BAYAN FILIPINO 7
 
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
 
FILIPINO-7-PABULA.pptx
FILIPINO-7-PABULA.pptxFILIPINO-7-PABULA.pptx
FILIPINO-7-PABULA.pptx
 
Aralin 1.1
Aralin 1.1Aralin 1.1
Aralin 1.1
 
FILIPINO-7..-Si-Usman-ang-alipin.pptx
FILIPINO-7..-Si-Usman-ang-alipin.pptxFILIPINO-7..-Si-Usman-ang-alipin.pptx
FILIPINO-7..-Si-Usman-ang-alipin.pptx
 
Konotasyon at Denotasyon.pptx
Konotasyon at Denotasyon.pptxKonotasyon at Denotasyon.pptx
Konotasyon at Denotasyon.pptx
 
Aginaldo ng mga Mago
Aginaldo ng mga Mago Aginaldo ng mga Mago
Aginaldo ng mga Mago
 

Similar to MODYUL 1 Filipino 7 aralin1 -Unang Linggo

DLL_FILIPINO 5_Q3_W7.docx
DLL_FILIPINO 5_Q3_W7.docxDLL_FILIPINO 5_Q3_W7.docx
DLL_FILIPINO 5_Q3_W7.docxAaronDeDios2
 
Filipino 7 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 7 Curriculum Guide rev.2016Filipino 7 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 7 Curriculum Guide rev.2016Chuckry Maunes
 
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W9_D4.docx.docx
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W9_D4.docx.docxDLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W9_D4.docx.docx
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W9_D4.docx.docxrecyann1
 
FIL 5 Q1 W1 Day1-5.pptx
FIL 5 Q1 W1 Day1-5.pptxFIL 5 Q1 W1 Day1-5.pptx
FIL 5 Q1 W1 Day1-5.pptxEnPi
 
FIL 5 Q1 W1 Day1-5.pptx
FIL 5 Q1 W1 Day1-5.pptxFIL 5 Q1 W1 Day1-5.pptx
FIL 5 Q1 W1 Day1-5.pptxJhemMartinez1
 
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar pamamagitan ng g...
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar pamamagitan ng g...Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar pamamagitan ng g...
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar pamamagitan ng g...MaryGraceRafaga3
 
MY DLL COT1 barayti ng wika.docx
MY DLL COT1 barayti ng wika.docxMY DLL COT1 barayti ng wika.docx
MY DLL COT1 barayti ng wika.docxSherrelAnislag
 
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W2.docx
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W2.docxDLL_FIILIPINO 6_Q2_W2.docx
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W2.docxAnabelleDeTorres
 
DLL FILIPINO WEEK 7 GRADE 5 DLL SY 2023-2024
DLL FILIPINO WEEK 7 GRADE 5 DLL SY 2023-2024DLL FILIPINO WEEK 7 GRADE 5 DLL SY 2023-2024
DLL FILIPINO WEEK 7 GRADE 5 DLL SY 2023-2024MariaAngelineDelosSa1
 
DLL_FILIPINO 5_Q4_W6.docx
DLL_FILIPINO 5_Q4_W6.docxDLL_FILIPINO 5_Q4_W6.docx
DLL_FILIPINO 5_Q4_W6.docxssuser32e545
 

Similar to MODYUL 1 Filipino 7 aralin1 -Unang Linggo (20)

DLL_FILIPINO 5_Q3_W9.docx
DLL_FILIPINO 5_Q3_W9.docxDLL_FILIPINO 5_Q3_W9.docx
DLL_FILIPINO 5_Q3_W9.docx
 
DLL-NARATIBO.docx
DLL-NARATIBO.docxDLL-NARATIBO.docx
DLL-NARATIBO.docx
 
Filipino1 curriculum guide 7
Filipino1 curriculum guide 7Filipino1 curriculum guide 7
Filipino1 curriculum guide 7
 
DLL_FILIPINO 5_Q3_W7.docx
DLL_FILIPINO 5_Q3_W7.docxDLL_FILIPINO 5_Q3_W7.docx
DLL_FILIPINO 5_Q3_W7.docx
 
Filipino 7 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 7 Curriculum Guide rev.2016Filipino 7 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 7 Curriculum Guide rev.2016
 
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W9_D4.docx.docx
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W9_D4.docx.docxDLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W9_D4.docx.docx
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W9_D4.docx.docx
 
FIL 5 Q1 W1 Day1-5.pptx
FIL 5 Q1 W1 Day1-5.pptxFIL 5 Q1 W1 Day1-5.pptx
FIL 5 Q1 W1 Day1-5.pptx
 
FIL 5 Q1 W1 Day1-5.pptx
FIL 5 Q1 W1 Day1-5.pptxFIL 5 Q1 W1 Day1-5.pptx
FIL 5 Q1 W1 Day1-5.pptx
 
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar pamamagitan ng g...
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar pamamagitan ng g...Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar pamamagitan ng g...
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar pamamagitan ng g...
 
GRADE 6 FILIPINO.docx
GRADE 6 FILIPINO.docxGRADE 6 FILIPINO.docx
GRADE 6 FILIPINO.docx
 
MY DLL COT1 barayti ng wika.docx
MY DLL COT1 barayti ng wika.docxMY DLL COT1 barayti ng wika.docx
MY DLL COT1 barayti ng wika.docx
 
TmLHT sa Filipino 6
TmLHT sa Filipino 6TmLHT sa Filipino 6
TmLHT sa Filipino 6
 
Ubd ap (1)
Ubd ap (1)Ubd ap (1)
Ubd ap (1)
 
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W2.docx
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W2.docxDLL_FIILIPINO 6_Q2_W2.docx
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W2.docx
 
Fil8 w1 modyul - copy
Fil8 w1 modyul - copyFil8 w1 modyul - copy
Fil8 w1 modyul - copy
 
DLL FILIPINO WEEK 7 GRADE 5 DLL SY 2023-2024
DLL FILIPINO WEEK 7 GRADE 5 DLL SY 2023-2024DLL FILIPINO WEEK 7 GRADE 5 DLL SY 2023-2024
DLL FILIPINO WEEK 7 GRADE 5 DLL SY 2023-2024
 
DLL_FILIPINO 5_Q4_W6.docx
DLL_FILIPINO 5_Q4_W6.docxDLL_FILIPINO 5_Q4_W6.docx
DLL_FILIPINO 5_Q4_W6.docx
 
Aralin 1.1.docx
Aralin 1.1.docxAralin 1.1.docx
Aralin 1.1.docx
 
Aralin 1.1.docx
Aralin 1.1.docxAralin 1.1.docx
Aralin 1.1.docx
 
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W1 (1).docx
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W1 (1).docxDLL_FIILIPINO 6_Q2_W1 (1).docx
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W1 (1).docx
 

More from Rowie Lhyn

Maikling kuwento
Maikling kuwentoMaikling kuwento
Maikling kuwentoRowie Lhyn
 
Mindanao unang araw
Mindanao unang arawMindanao unang araw
Mindanao unang arawRowie Lhyn
 
Modyul sa Grade 7
Modyul sa Grade 7Modyul sa Grade 7
Modyul sa Grade 7Rowie Lhyn
 
Magbasa at magsagot
Magbasa at magsagotMagbasa at magsagot
Magbasa at magsagotRowie Lhyn
 
Mga Unang Hakbang sa Pagbasa
Mga Unang Hakbang sa PagbasaMga Unang Hakbang sa Pagbasa
Mga Unang Hakbang sa PagbasaRowie Lhyn
 
Halika Magbasa Tayo
Halika Magbasa TayoHalika Magbasa Tayo
Halika Magbasa TayoRowie Lhyn
 
Tulangromansa 160125083805
Tulangromansa 160125083805Tulangromansa 160125083805
Tulangromansa 160125083805Rowie Lhyn
 
Bakit umuulan. pangkatang gawain
Bakit umuulan. pangkatang gawainBakit umuulan. pangkatang gawain
Bakit umuulan. pangkatang gawainRowie Lhyn
 
Figure of speech
Figure of speechFigure of speech
Figure of speechRowie Lhyn
 
Bahagi ng Pananalita
Bahagi ng PananalitaBahagi ng Pananalita
Bahagi ng PananalitaRowie Lhyn
 
Nakalbo ang datu
Nakalbo ang datuNakalbo ang datu
Nakalbo ang datuRowie Lhyn
 
Mga bahagi ng liham
Mga bahagi ng lihamMga bahagi ng liham
Mga bahagi ng lihamRowie Lhyn
 
Sanhi at bunga
Sanhi at bungaSanhi at bunga
Sanhi at bungaRowie Lhyn
 
Mga pahayag na nagbibigay patunay
Mga pahayag na nagbibigay patunayMga pahayag na nagbibigay patunay
Mga pahayag na nagbibigay patunayRowie Lhyn
 
Indarapatra at Sulayman
Indarapatra at SulaymanIndarapatra at Sulayman
Indarapatra at SulaymanRowie Lhyn
 

More from Rowie Lhyn (20)

Epiko
EpikoEpiko
Epiko
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Maikling kuwento
Maikling kuwentoMaikling kuwento
Maikling kuwento
 
Mindanao unang araw
Mindanao unang arawMindanao unang araw
Mindanao unang araw
 
Modyul sa Grade 7
Modyul sa Grade 7Modyul sa Grade 7
Modyul sa Grade 7
 
Magbasa at magsagot
Magbasa at magsagotMagbasa at magsagot
Magbasa at magsagot
 
Mga Unang Hakbang sa Pagbasa
Mga Unang Hakbang sa PagbasaMga Unang Hakbang sa Pagbasa
Mga Unang Hakbang sa Pagbasa
 
Halika Magbasa Tayo
Halika Magbasa TayoHalika Magbasa Tayo
Halika Magbasa Tayo
 
Tulangromansa 160125083805
Tulangromansa 160125083805Tulangromansa 160125083805
Tulangromansa 160125083805
 
Bakit umuulan. pangkatang gawain
Bakit umuulan. pangkatang gawainBakit umuulan. pangkatang gawain
Bakit umuulan. pangkatang gawain
 
WIKARAMBULAN
WIKARAMBULANWIKARAMBULAN
WIKARAMBULAN
 
House rules
House rulesHouse rules
House rules
 
Figure of speech
Figure of speechFigure of speech
Figure of speech
 
Bahagi ng Pananalita
Bahagi ng PananalitaBahagi ng Pananalita
Bahagi ng Pananalita
 
Nakalbo ang datu
Nakalbo ang datuNakalbo ang datu
Nakalbo ang datu
 
Mga bahagi ng liham
Mga bahagi ng lihamMga bahagi ng liham
Mga bahagi ng liham
 
Sanhi at bunga
Sanhi at bungaSanhi at bunga
Sanhi at bunga
 
Sanaysay
SanaysaySanaysay
Sanaysay
 
Mga pahayag na nagbibigay patunay
Mga pahayag na nagbibigay patunayMga pahayag na nagbibigay patunay
Mga pahayag na nagbibigay patunay
 
Indarapatra at Sulayman
Indarapatra at SulaymanIndarapatra at Sulayman
Indarapatra at Sulayman
 

Recently uploaded

ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxVALERIEYDIZON
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxANNALYNBALMES2
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanPaul649054
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-diannesofocado8
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKALovellAzucenas
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikoErwinPantujan2
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....jeynsilbonza
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1MaeganVeeu
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismMyrrhBalanayFlorida
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyCindyManual1
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxmalouevangelio1
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)SittieAlyannaZacaria1
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4MarieClaireRanesesYa
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2OlinadLobatonAiMula
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePatriciaJamesEstrada1
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxRheaGarciaPoyaoan
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfjulliennelopega1
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byjohnpaulpestada09
 

Recently uploaded (20)

ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 

MODYUL 1 Filipino 7 aralin1 -Unang Linggo

  • 1. FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO DEPED DASMARINAS | PAHINA | 1 I. PAMAGAT NG ASIGNATURA: Filipino 7 (Unang Markahan): Mga Panitikan ng Mindanao II. INTRODUKSYON SA ASIGNATURA A. Deskripyon ng Asignatura Kumusta? Ito ang unang kurso para sa asignaturang Filipino 7. Matututuhan mo rito ang mga panitikang nagmula sa Mindanao tulad ng kuwentong-bayan, pabula, epiko, maikling kuwento, at dula sa paraang interdisiplinaryo at interaktibo. Ito ay interdisiplinaryo dahil naiuugnay ito sa iba’t ibang asignatura at nasabi namang interaktibo dahil maraming mga gawaing kinakailangan ng kolaborasyon at pangkatan. Sa pagtatapos mo ng asignaturang ito, inaasahang matamo ang mga kailangang kaalaman at malinang ang mga pangunahing makro-kasanayan: pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at panonood. B. Pamantayang Pangnilalaman - Naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao. C. Pamantayan sa Pagganap - Naisasagawa ang video ng proyektong panturismo sa Mindanao. D. Mga Kasanayang Pampagkatuto - Sa pagtatapos ng kabuuang aralin, ang sumusunod na layunin ay inaasahang matamo: Aralin Kompetensi Gawaing Pampagkatuto 1.1 Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan 1.2 Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan. Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.  Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng salita ayon sa gamit sa pangungusap. (F7PT-Ia-b-1)  Nasusuri gamit ang graphic organizer ang ugnayan ng tradisyon at akdang pampanitikan sa Paglalarawan ng tauhan batay sa kanilang ikinilos, sinabi o naramdaman. (Pasulat) Pagtukoy sa pamamaraan ng pamumuhay, kaugalian at tradisyon ng Mindanao batay sa ikinilos, sinabi at naramdaman ng tauhan. (Pasulat) Pagsulat ng sanaysay gamit ang mga pahayag na nagpapatunay tungkol sa paksang ang kuwentong- bayan ay salamin ng kultura ng pinagmulan nito.
  • 2. FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO DEPED DASMARINAS | PAHINA | 2 pamamagitan ng pagtukoy sa paraan ng pamumuhay, tradisyon, paniniwala at kaugalian batay sa napanood na kuwentong- bayan. (F7PD-Ia-b-1)  Naisusulat ang mga patunay na ang kuwentong- bayan ay salamin ng tradisyon o kaugalian ng lugar na pinagmulan nito. (F7PU-Ia-b-1) 2.1 Natalo Rin Si Pilandok 2.2 Mga Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan  Nagagamit ang mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad (maaari, baka, at iba pa) (F7WG-I-cd-2)  Natutukoy at naipaliliwanag ang mahahalagang kaisipan sa binasang akda (F7PB-Ic-d-2)  Naipahahayag nang pasulat ang damdamin at saloobin tungkol sa paggamit ng mga hayop bilang mga tauhang nagsasalita at kumikilos na parang tao o vice versa. (F7PU-Ic-d-2) Pagbibigay-hinuha sa kahihinatnan ng pangyayari gamit ang Islogan (Pasulat) 3.1. Indarapatra at Sulayman 3.2 Pang-ugnay na Ginagamit sa Sanhi at Bunga Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Pagsasalaysay ng buod ng pangyayari batay sa mga naging pagpapasya at pakikipagsapalaran ng mga tauhan gamit ang fishbone teknik.
  • 3. FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO DEPED DASMARINAS | PAHINA | 3 Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari  Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa akda (F7PT-Id-e-3)  Nakikilala ang katangian ng mga tauhan batay sa tono at paraan ng kanilang pananalita (F7PN-Id-e-3)  Nagagamit nang wasto ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari ( sapagkat, dahil, kasi, at iba pa ) (F7WG-Id-e-3) Pagpapaliwanag ng sanhi at bunga ng isang suliraning panlipunang kinakaharap ng lider ng bansa gamit ang graphic organizer. 4.1 Asocena 4.2 Mga Retorikal na Pang-ugnay Naisasalaysay ang buod ng mga pangyayari sa kuwentong napakinggan Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang- ugnay na ginamit sa akda (kung, kapag, sakali, at iba pa), sa paglalahad (una, ikalawa, halimbawa, at iba pa; isang araw, samantala, at iba pa), sa pagbuo ng editoryal na nanghihikayat (totoo/tunay, talaga, pero/ subalit, at iba pa  Naiisa-isa ang mga elemento ng maikling kuwento sa pamamagitan ng panonood ng Video Pagbubuod ng Kuwentong Asocena gamit ang elemento ng maikling kuwento. Paggamit ng mga retorikal na pang-ugnay sa pagsusulit at aplikasyon.
  • 4. FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO DEPED DASMARINAS | PAHINA | 4 (F7PB-If-g-4)  Naisusulat muli ang wakas ng isang akda sa paraang binago ang katangian ng ilang tauhan. (F7PU-If-g-4)  Naibibigay ang kahulugan ng isang salita bata sa kontekstuwal na pahiwatig sa isang pangungusap (F7PT-Id-e-4) 5.1 Semento Boys 5.2 Mga Pangungusap na Walang Paksa Nasusuri ang pagka- makatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling karanasan Nagagamit ang mga pangungusap na walang tiyak na paksa sa pagbuo ng patalastas pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.  Nailalarawan ang mga gawi at kilos ng mga kalahok sa napakinggang dulang panlansangang “Semento Boys”. (F7PK-Ih-i-5)  Nagagamit sa sariling pangungusap ang mga salitang hiram na nakapaloob sa dula (F7PT-Ih-i-5) Pagsusuri sa pagka- makatotohanan ng Pangyayari sa Dula “Semento Boys” Paggamit ng mga pangungusap na walang paksa sa pagbuo ng patalastas III. DALOY NG MODYUL A. Pamagat ng Aralin: MGA PANITIKAN NG MINDANAO Aralin 1: Kuwentong Bayan Panitikan : Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan Wika at Gramatika : Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay
  • 5. FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO DEPED DASMARINAS | PAHINA | 5 B. Introduksyon sa Aralin Ang bawat aralin ay may dalawang bahagi – Panitikan, at Wika at Gramatika. Sa Aralin 1, malalaman mo ang kuwento ni Pilandok. Inaasahan sa araling ito na matukoy mo ang mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat, katangian ng tauhan batay sa kanilang usapan, pati na rin ang kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng mga tauhan sa kuwento. Matututuhan mo naman sa Gramatika ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay-patunay at magamit ito nang wasto sa pagpapatunay na ang kuwentong-bayan ay salamin ng tradisyon o kaugalian ng lugar na pinagmulan nito. Gawain: Panonood ng Video Magandang araw! Ngayon ay sisimulan na natin ang ating pag-aaral at paglalakbay sa kapuluan ng Mindanao. Handa ka na ba? Mahalagang maging masikap at masipag sa pagbabasa at paggawa ng mga inihandang gawain. Panuto: 1. Kopyahin sa iyong kwaderno ang sumusunod na mga tanong: ○ Anong lugar sa Pilipinas ang binibigyang-pansin ng awitin/video? ○ Ano ang mensahe ng awitin? ○ Ano ang mga magagandang lugar na nabanggit sa awit? ○ Ano-anong mga makukulay na pagdiriwang ang binanggit sa awitin? 2. Matapos makopya ang mga tanong, panoorin ang YouTube video na pinamagatang “It’s More Fun in MINDANAO!” 3. Pagkatapos mapanood, sagutin ang mga tanong na kinopya. Maaari mong itala sa iyong kwaderno ang sagot upang madali mo itong balikan kung kailangan mo ang impormasyon. Video link: https://www.youtube.com/watch?v=qrFm_uigD_8 C. Pagpapaunlad ng Aralin Gawain: Paglinang ng Talasalitaan Bago natin talakayin ang kuwento, mahalagang mataya muna natin ang kaalaman mo sa mga salita sa pamamagitan ng gawaing ito. Narito ang ilang mga di-pamilyar na salita na matatagpuan sa kuwentong ating pag-aaralan. Panuto: Tukuyin kung kasingkahulugan o kasalungat na kahulugan ang mga salitang may salungguhit sa bawat bilang batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Lagyan ng tsek(/) kung kasingkahulugan at ekis (X) naman kung kasalungat. Tala: ise-setup sa Moodle ang bahaging ito. 1. Sawa na si Datu Usman sa lahat ng pagkain. ( ) gusto ( ) uyam 2. Gusto niya ng naiibang pagkain. ( ) namumukod-tangi ( ) magkapareho 3. Matamlay na ikinarga ng mga kawal ang mga sisidlan sa kanilang paraw. ( ) masigla ( ) walang sigla 4. Binantayan niya ang Pulo ng Pawikan. ( ) tiningnan ( ) pinabayaan 5. Kailangang tupdin natin ang ating tungkulin sa pagbabantay sa masasama.
  • 6. FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO DEPED DASMARINAS | PAHINA | 6 ( ) sundin ( ) suwayin Wastong Sagot: Salita Kasingkahulugan Kasalungat sawa uyam Gusto naiiba namumukod-tangi Magkapareho matamlay walang sigla Masigla bnantayan Tiningnan Pinabayaan Tupdin Sundin Suwayin Aralin 1.1 PANITIKAN: Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan (Introduksyon) Bilang unang aralin sa asignatura, tutunghayan mo ang kuwentong- bayang “Si Pilandok sa Puno ng Pawikan” mula sa Mindanao. Sa kuwentong ito, makikilala mo ang mga tauhan at ang kanilang mga katangian. Bibigyang-pansin at iuugnay mo rin ang mga usapan nila sa kultura ng Mindanao na pinagmulan ng kuwento. Para mapatunayan mong salamin nga ng kultura ng Mindanao ang kuwento, malaki ang maitutulong ng aralin sa gramatika na “Pahayag sa Pagbibigay-patunay”. Tara na, oras na para simulan ng talakayan! Gawain: Panonood ng Kuwento Nakakita ka na ba ng pilandok? Alam mo ba ang katangian ng isang pilandok? Maraming akda o kuwentong-bayan mula sa Mindanao ang may pangunahing tauhan na pilandok at isa na nga rito ang panonoorin mong kuwento ngayon. Basahin mong mabuti ang mga tuntunin o panuto bago manood upang maging handang-handa ka sa pag-unawa rito. Panuto: ➔ Panoorin ang YouTube video ng kuwentong “Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan” (Narration). ➔ Habang nanonood, kilalaning mabuti ang mga tauhan at tandaan ang mga mahahalagang pangyayaring magagamit mo sa susunod pang mga gawain sa araling ito. ➔ Pagkatapos manood, sagutin ang mga gabay na tanong. Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=0DsdcMcKH38&feature=youtu.be File Link ng Kuwento: Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan.docx Tala: I-download ang word file template ng mga Gabay na tanong. Pangalanan ang file sa anyong Apelyido-GabayNaTanong1. Pagkatapos, ipadala ito sa Submission Bin. File Link ng Gabay na Tanong: Mga Gabay na Tanong.docx
  • 7. FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO DEPED DASMARINAS | PAHINA | 7 Mga Gabay na Tanong: 1. Sino ang Datu na nagpapahanap ng itlog ng mga pawikan? Bakit kailangan niya ng itlog? 2. Ano ang naging reaksiyon ni Pilandok nang marinig niya ang utos ng datu? 3. Paano ipinakita ni Pilandok ang pagmamalasakit niya sa Pulo ng Pawikan? 4. Ano ang nangyari sa mga lumba-lumba na kaibigan ni Pilandok nang dumating sa pulo ang mga mandirigma ng datu? 5. Paano naging bato ang itlog ng mga pawikan? 6. Ano ang mensahe sa kabuoan ng kuwentong pinanood/binasa? Gawain: Paglalarawan sa Tauhan Matapos mong sagutin ang mga tanong tungkol sa napanood mong kuwento, subukin naman natin kung nakilala mong mabuti ang mga tauhan batay sa panutong ibinigay sa sinundang gawain. Muli, pinaaalalahanan kang basahing mabuti ang panuto para sa tiyak at wastong pagsagot mo. Panuto: ➔ Magbigay ng paglalarawan ng dalawang pangunahing tauhan ng kuwentong “Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan”. ➔ Tatlong paglalarawan ang ibibigay kada tauhan - batay sa sinabi, naramdaman at ikinilos nito. ➔ Makikita mo rin sa template ang halimbawang paglalarawan upang maging gabay mo sa pagsagot. Tala: I-download ang word file template ng paglalarawan. Pangalanan ang file sa anyong Apelyido-PaglalarawanNgTauhan1. Pagkatapos, ipadala ito sa Submission Bin. File Link ng Kwento: Paglalarawan ng Tauhan.docx Tala: Narito ang nilalaman ng word file template - DATU USMAN PILANDOK Gawain: Kahulugan ng Kuwentong-bayan Ngayong nakilala mo na ang mga tauhan, gamitin mo naman ang oras na ito para matutuhan ang kahulugan ng Kuwentong-bayan na siyang uri ng akdang napanood mo
  • 8. FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO DEPED DASMARINAS | PAHINA | 8 sa nakaraang video. Mahalagang maunawaan mo ang katangian nito dahil ito ay may malaking kaugnayan sa mga susunod pang gawain sa pagkatuto. Panuto: ➔ Matapos mong mapanood/mabasa at masagutan ang mga gabay na tanong at makilala ang mga tauhan, alamin mo naman ang uri ng panitikan na kinabibilangan nito - ang “Kuwentong Bayan”. ➔ Alamin ang kahulugan, katangian at uri nito. ➔ Maaaring panoorin ang maikling video o kaya’y basahin ang word file tungkol dito. Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=1OeMPcyNqGs&t=216s File Link ng Kuwento: Kahulugan ng Kuwentong Bayan.docx Gawain: Kultura ng Mindanao Mahusay ang pagkakalarawan mo sa mga tauhan ng Kuwentong-bayang “Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan” batay sa kanilang ikinilos, sinabi at naramdaman. Batay na rin sa kahulugan ng kuwentong-bayan na iyong binasa sa nakaraang gawain, ito ay nagpapakita ng kaugalian at tradisyon o kultura ng pinagmulan nitong lugar, at iyon nga ay masasalamin sa mga salitaan ng mga tauhan sa bawat pangyayari. Para maunawaan mo ang ugnayan ng mga ito, basahin mo ang file tungkol sa kultura ng Mindanao na makikita sa bahaging ito. Pagkatapos, gawin mo ang nakatalagang gawaing “Kultura ng Mindanao” sa ibaba. Panuto: ➔ Pagkatapos mong sagutan ang gawain sa paglalarawan sa tauhan o character sketch at matutuhan ang katangian ng kuwenton-bayan, gawin mong batayan ang mga salitaan, damdamin at kilos ng mga tauhang natutuhan mo upang malaman mo ang kulturang nakapaloob sa akdang “Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan”. ➔ Itala mo ang kasagutan sa loob ng talahanayan. Tala: I-download ang template at doon sagutan ang bahaging ito. Ipadala sa Submission Bin ang awtput na may file name na Apelyido-Kultura1-Mindanao. File Link ng Kultura ng Mindanao: Kultura ng Mindanao.docx Tala: Narito ang nilalaman ng word file template - Paraan ng pamumuhay Paniniwala Tradisyon Kaugalian Aralin 1.2 WIKA AT GRAMATIKA: Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagpapatunay May mga salita o pahayag na ginagamit sa pagpapatunay upang maging kapani- paniwala at katanggap-tanggap ang impormasyong inilalahad mo. Ito ay maaring dugtungan o dagdagan ng mga datos o pisikal na ebidensya tulad ng larawan,
  • 9. FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO DEPED DASMARINAS | PAHINA | 9 babasahin, video, panayam, mga dokumento at marami pang iba na lalong magpapatibay sa katotohanan o impormasyong iyong pinatutunayan. Pag-aralang mabuti ang mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay sa isang video. Maaari mo ring i-download ang word file nito. Pagkatapos, sagutan ang maikling pagsusulit tungkol dito. Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=Qt2w-ca8nAo&feature=youtu.be (Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Mga Patunay By Sir Juan Malaya) Word File Link: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay.docx Tala: Narito ang nilalaman ng word file link tungkol sa Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay. MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY 1. May Dokumentaryong Ebidensiya ➔ ito ay mga patunay na maaaring nakasulat, larawan o video. Halimbawa: Pinatunayan ng “I-Witness” na sadyang maraming kabataan ang nagsusumikap sa buhay makatapos lamang ng pag-aaral. ● “I-Witness” = ang tinutukoy na dokumentaryong ebidensya ● pinatunayan = ginamit sa pagpapatunay ● maraming kabataan ang nagsusumikap sa buhay makatapos lamang ng pag-aaral. = ang pinatunayan sa pahayag 2. Kapani-paniwala ➔ sa paggamit ng salitang ito, ipinapakita na ang ebidensiya, patunay o datos ay makatotohanan at maaaring makapagpatunay. Halimbawa: Ayon sa mga nakalap na larawan, kapani-paniwala nga ang matinding problema ng Mindanao na makaapekto sa ekonomiya nito. ● “nakalap na larawan” = naging batayan upang sabihing “kapani-paniwala” ang pinatutunayan. ● “kapani-paniwala” = ginamit na salita upang pag-ugnayin ang patunay at pinatutunayan. ● “problema sa Mindanao” = ang pinatutunayan sa pahayag 3. Taglay ang Matibay na Kongklusyon ➔ ang tawag sa katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba, o impormasyong totoo. Halimbawa: Taglay ang matibay na kongklusyon, hinatulan ng Korte Suprema ang mga senador hinggil sa Pork Barrel Scam. ● Sa pahayag na ito, mapapansing hindi na binanggit ang mga ebidensyang ginamit sa pagpapatunay, kinakatawan na lamang ito ng pahayag sa pagpapatunay na “matibay na kongklusyon”. ● Ibig sabihin nito, may mga pinag-aralan at inilahad nang ebidensya at isinagawang imbestigasyon ang Korte Suprema sa pagdinig ng kaso na naghatid ng “matibay na kongklusyon” dito. ● Ang “Pork Barrel Scam” naman ang pinatunayang kinasangkutan ng mga hinatulang senador. 4. Nagpapahiwatig
  • 10. FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO DEPED DASMARINAS | PAHINA | 10 ➔ Ito ang tawag sa pahayag na hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo ang ebidensiya ngunit sa pamamagitan nito ay masasalamin ang katotohanan. Halimbawa: Ang pagtulong ng DIHS sa mga nasalanta ng bagyo ay nagpapahiwatig ng pagiging mabuti nito. ● “pagtulong ng DIHS sa mga nasalanta ng bagyo” = patunay sa “pagiging mabuti” ● “nagpapahiwatig” = nag-ugnay sa patunay at pinatutunayan ● “pagiging mabuti nito” = pinatutunayan sa pahayag 5. Nagpapakita ➔ salitang nagsasabi na ang isang kilos o pangyayari (na nakita o nasaksihan) ay patunay sa isang katotohanan. ➔ Tingnan ang halimbawang pangungusap: Halimbawa: Ang tulong mula sa iba't ibang bansa na umabot sa mahigit 14 bilyong piso ang nagpapakita sa likas na kabuting-loob ng tao anuman ang kulay ng balat at lahi mo. ● Ang pangyayari na “tulong mula sa iba’t ibang bansa” na higit pang pinatibay ng halagang “14 bilyong piso” ay patunay ng “likas na kabutihang loob” ng tao. ● Pinag-ugnay ang patunay at pinatutunayan gamit ang salitang “nagpapakita” 6. Nagpapatunay/Katunayan/Patunay ➔ Ang salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinahahayag. Halimbawa: Ang Pilipinas ay nakapaloob sa tinatawag na PacificTyphoon Belt na nangangahulugang dinaraanan ito taon-taon ng maraming bagyo. Katunayan, sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR o Philippine Area of Responsibility. ● Ang pahayag na nakasalungguhit ay pinatutunayan gamit ang datos o tala na “sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR o Philippine Area of Responsibility” ● “katunayan” = ginamit na pang-ugnay sa pagpapatunay ng impormasyon. 7. Pinatutunayan ng mga Detalye ➔ Makikita mula sa mga detalye ang patunay ng isang pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye para makita ang katotohanan sa pahayag. Halimbawa: Pinatutunayan lamang ng mga nabanggit na detalye na ang DIHS ay isang tunay na mabuting paaralan. ● Hindi na rin tinukoy kung ano ang “binanggit na detalye” ngunit nagsisilbi itong patunay sa isang katotohanan. ● Pinatutunayan = ginamit na pang-ugnay sa patunay ● ang DIHS ay isang tunay na mabuting paaralan = ang pinatunayan sa pahayag gamit ang binanggit na detalye
  • 11. FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO DEPED DASMARINAS | PAHINA | 11 Pagsasanay: (isiset-up sa Moodle) Panuto: Gamitin nang wasto ang pahayag na nagpapatunay sa bawat pangungusap. Piliin ang wastong sagot sa loob ng panaklong ( ). 4-5 ang pasadong marka sa pagsasanay na ito. 1). Ang pangalang Lanao ay nagmula sa salitang ranao na nangangahulugang "lawa". Matatagpuan kasi rito ang Lawa ng Lanao na pinakamalaking lawa sa Mindanao at pangalawang pinakamalaki sa buong Pilipinas, sunod sa Lawa ng Laguna. Ang lawa ay mahalagang bahagi ng buhay ng mga tao sa lugar na ito na __________ (pinatutunayan, ipinahihiwatig) ng pagtawag sa mga Meranong naninirahan dito bilang “mga tao sa lawa”. 2). Labis na abala ang mga tao sa dami ng mga bangkang nagyayao't dito sa pagdadala ng mga paninda. Ito rin ang isa sa mga pangunahing paraan ng transportasyon sa mga bayan ng Lanao del Sur. Ang mga gawaing ito ay __________ (nagpapatunay, nagpapakita) na ang buhay ng mga tao ay nakasentro sa lawa ng Lanao. 3). Ang mga kagamitang pangseremonya nila ay may mga ukit na okir kung saan pinakakilala ang sarimanok at makukulay na nagas o nakaukit na hugis ahas na madalas makita sa hawakan o puluhan ng kanilang mga kampilan. Sa mga detalyeng ito, ___________ (kitang-kita, kapani-paniwala) ang pagiging malikhain ng mga Merano. 4). Batay sa mga araw-araw na ulat-panahon, hindi masyadong mainit ang klima sa Lanao at llihis din sila sa daanan ng bagyo. Ang mga nabanggit na kadahilanang ito ng pagkakaroon ng magandang panahon ay __________ (nagpapahiwatig, nagpapakita) na mapalad ang mga Merano. 5). Karagdagang __________ (katunayan, kapani-paniwala) pa rito ang hindi gaanong pananalanta ng mga bagyong dumaraan sa ating bansa. D. Gawaing Pampagkatuto Para sa bahaging ito ng aralin, sumulat ka ng sanaysay na nagpapatunay na ang kuwentong-bayan ay salamin ng lugar na pinagmulan nito. Gamitin mo bilang tiyak na halimbawa ang kuwentong-bayang natunghayan mo sa araling ito. Mahalagang magamit mo sa sanaysay ang mga pahayag sa pagpapatunay na natutuhan mo. Basahing mabuti ang panuto at pamantayan sa pagmamarka upang maging gabay mo sa pagsulat. Gawain: Pagsulat ng Sanaysay Panuto: Patunayan mo ang pahayag sa ibaba. “Ang kuwentong-bayan ay salamin ng lugar na pinagmulan nito.” *Sa pagsagot, kailangang binubuo ng 40-50 salita at gumamit ng tatlong pahayag sa pagpapatunay (Kinakailangan guhitan ang mga nagamit na pahayag sa pagpapatunay). *Gamitin ding gabay sa pagsagot ang pamantayan para sa tiyak na nilalaman ng iyong sanaysay: Pamanta yan Napakahusay 4 Mahusay 3 Di-gaanong Mahusay Nangangailang an pa ng
  • 12. FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO DEPED DASMARINAS | PAHINA | 12 2 pagsasanay 1 Nilalama n (40%) Nagbigay ng apat hanggang limang kaugnayan ng kultura at tradisyon ng lugar sa kwentong-bayan Nagbigay ng tatlo hanggang dalawang kaugnayan ng kultura at tradisyon ng lugar sa kwentong- bayan Nagbigay ng isang kaugnayan ng kultura at tradisyon ng lugar sa kwentong- bayan Walang makikitang kaugnayan ang kultura at tradisyon ng lugar sa kwentong- bayan Pagpapa hayag sa Pagpapa tunay (30%) Nakagamit ng tatlong pahayag sa pagpapatunay Nakagamit ng dalawang pahayag sa pagpapatunay Nakagamit ng isang pahayag sa pagpapatunay Hindi nakagamit ng pahayag sa pagpapatunay Wastong gamit ng gramatik a (30%) Walang mali sa paggamit ng mga salita May isa- dalawang mali sa paggamit ng mga salita May tatlo – apat na mali sa paggamit ng mga salita Lampas sa apat ang naging pagkakamali sa paggamit ng mga salita I-post sa Class Forum 1: Patunayan Mo ang iyong naging sagot sa mga katanungang ito. E. Paglalahat/Repleksyon Sa puntong ito, tiyak kong marami kang natutuhan at marami ka ring saloobing nais ipahayag tungkol sa ating paksa, partikular na sa akdang “Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan” bilang isang halimbawa ng kuwentong-bayan sa Mindanao. Nais kong malaman ang iyong opinyon sa isang tiyak na usaping kaugnay ng iyong napag-aralan, at maibahagi rin ito sa iyong mga kaklase. Narito ang gawain: Gawain (Forum): Pagpapalitan ng Opinyon Panuto: May dalawang bahagi ang gawaing ito. (A) Unang Bahagi ➔ Sagutin ang dalawang (2) tanong tungkol sa ugnayan ng akdang pampanitikan at lugar na pinagmulan nito. ➔ Pagkatapos, sumagot ka rin sa isa (1) sa mga post ng iyong mga kaklase kung sang-ayon ka sa kanilang ibinahagi. ➔ Tandaan lamang na hindi pinahihintulutan ang panggagaya ng sagot ng kaklase o sipi mula sa internet o copy-paste, pakikipag-usap nang walang kaugnayan sa paksa lalo na ang mga walang galang na tugon sa sagot ng mga kaklase. 1. Bakit kailangang ipakita sa mga akdang pampanitikan ang kultura ng lugar na pinagmulan nito? (gawing tiyak sa Mindanao) 2. Paano maipakikita ang kahalagahan ng kultura sa isang lugar? (B)Ikalawa, magbigay ng maikling paglalahat o komento (3 pangungusap) tungkol sa dalawang (2) kasagutan ng dalawang kaklase. I-post sa Class Forum 2 ang iyong naging sagot sa mga katanungang ito.
  • 13. FILIPINO 7 | UNANG MARKAHAN: MGA PANITIKAN NG MINDANAO DEPED DASMARINAS | PAHINA | 13 F. Mga Karadagang Kagamitan - Paggamit ng mga Youtube Video Presentation - Paggamit ng mga Word File G. Mga Sanggunian: Mga Aklat 1. Obrero, Rotia, et. al. (2013). Tudla 7 (Binagong Edisyon). Quezon City, Philipiines: Sta. Teresa Publicatio, Inc. 2. Reyes, Alvin, Setubal, Jessie (2016). Diwa ng Wika at Panitikan. Makati City, Philippines: Diwa Learning Systems, Inc. 3. Alcantara, Tolosa, Jocson. (2016). Hiyas ng Lahi: Panitikan, Gramatika at Retorika. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc. Mga Larawan 4. Sultan (Larawang Online). Kinuha noong Mayo 5, 2020, Mula sa (https://www.dreamstime.com/illustration/sultan-clothes.html) 5. Ako si Pilandok (Larawang Online). Kinuha noong Mayo 5, 2020, Mula sa (https://www.jacketflap.com/profile.asp?member=pilandok) Mga Video 6. Sir Juan Malaya. “Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay” Abril 28, 2020. Hinango sa https://www.youtube.com/watch?v=Qt2w-ca8nAo&feature=youtu.be 7. Sir Juan Malaya. “Kahulugan ng Kwentong Bayan” Abril 23, 2020. Hinango sa https://www.youtube.com/watch?v=qQVBk8CK5hA&feature=youtu.be 8. Sir Juan Malaya. “Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan” Mayo 6, 2020. Hinango sa https://www.youtube.com/watch?v=0DsdcMcKH38&feature=youtu.be 9. Axel Noble. “It’s More Fun In Mindanao”. Agosto 22, 2012. Hinango sa https://www.youtube.com/watch?v=qrFm_uigD_8 10. DepEd Curriculum Guide 2016