4. ANOBAANG
Ito ay isang maikling buod ng artikulo,
ulat at pag-aaral na inilalagay bago ang
introduksiyon. Ito ang siksik na bersiyon
ng mismong papel.
Abstrak?
5. “Pagkagumon sa
Internet: Isang Abstrak”
Tinatalakay sa
artikulong ito ang isyu
ng pagkagumon sa
internet o internet
addiction bilang sakit
ng milyon-milyong
kabataang Pilipino.
Kasabay nito,
itinampok ang indie
film na “Unfriend” ni
Joselito Artalejos sa
Berlinale International
Film Festival sa
Germany.
Halimbawa
6. Ito ay naglalarawan sa negatibong epekto ng
internet at social media na naging rason ng
depresyon ng binatilyong bumaril sa kasintahan sa
isang mall sa Pampanga sa nasabing pelikula. Dagdag
pa rito, nakipagpanayam ang State of the Nation ng
GMA sa isang babaeng dati nang nagumon sa
internet. Nagsimula ang kaniyang mga internet vices
noong ikalimang baitang pa lamang siya. Mula sa
simpleng chatting, ang madalas na paggamit ng
internet mula pagkagising, pagkain, at pagtulog
ay nagbigay daan sa pakikipag-away o bashing
at cyberbullying na nagbunga ng depresyon
at muntikang pagkitil ng buhay.
7. Ayon sa sikolohistang si
Prof. Gerald Abersos,
maaaring magtayo ng
iba‟t ibang pagkatao ang
mga gumagamit ng
internet na siyang
nagiging basehan ng
pagtingin sa sarili. Ito ay
kalimitang nagreresulta
ng depresyon at
mababang pagtingin sa
katauhan.
Sa patuloy na paggamit
ng internet ay
nawawalan ang isang tao
ng privacy dahil
ibinabahagi niya sa
mundo ang kaniyang
pagkatao. Ang patuloy na
paggamit ng internet ay
nagbibigay pa ng mas
malalang epekto sa
pisikal, mental,
emosyonal, at sosyal na
aspeto ng isang tao.
8. BIONOTE
Impormatibong talata na nagpapaalam sa
mga mambabasa kung sino ka o ano-ano
ang mga nagawa mo bilang propesyunal.
9. ROLANDO A. BERNALES. Siya ay
nakapagtapos ng BSE Filipino bilang cum
laude at ng Graduate Certificate katumbas
ng Master of Arts in Teaching sa
Linggwistikang Filipino sa Philippine
Normal University. Nakamit naman niya
ang digring Ed.D. sa Educational
Management sa University of Makati. Sa
parehong unibersidad, limang taon siyang
namalagi bilang Puno ng Departamento
ng Filipino habang isang taon naman
bilang Puno ng Departamento ng
Lenggwahe at Literatura.
Halimbawa
10. Siya ay kasalukuyang Propesor II at
Executive Director ng Center for
Innovative Education and Sciences
sa larangan ng literatura. Siya ay
ulirang awtor, ko-awtor, editor, at
consultant ng hindi kukulangin sa
70 mga aklat sa wika, pagbasa, at
panitikan sa lahat ng antas ng
edukasyon. Siya ay isang malikhaing
manunulat ng tula, kwento, at
sanaysay. Isa rin siyang
akademikong konsultant ng Mutya
Publishing House Inc.
11. Siya ay nakatanggap ng prestihiyosong
Palanca Award. Isa rin siya sa
nakatanggap ng gantimpala bilang Ten
Outstanding Students of the
Philippines sa taong 1989.
Pinarangalan siya ng Award for
Exemplary Performance as a Public
Servant noong 2000 mula sa
Pamahalaang Lungsod ng Makati.
Panghabambuhay siyang kasapi ng
Pambansang samahan sa Linggwistika
at Literaturang Filipino at miyembro
ng KAGURO, SANGFIL, at APNIEVE.
14. “Ang pagdagdag ng karahasan
sa isa pang karahasan ay
magreresulta lamang ng hindi
matapos-tapos na serye ng
karahasan.”
D E A T H P E N A L T Y
15. na paglaganap ng gabundok na krimen sa ating
lipunan, naipasa ng administrasyong Duterte ang
House Bill 4727 na naglayong buhayin ang death
penalty bilang solusyon sa umaalingawngaw na mga
isyu. Ang tanong, solusyon nga ba talaga ang death
penalty upang mapuksa ang makamandag na mga
krimen?
Ang krimen ay isa sa pangunahing isyung
tinututukan at kinatatakutan ng lipunan ngayon.
Tinututukan dahil halos bawat segundo ay nangyayari
ito saan mang sulok ng bansa. Kinatatakutan dahil
nakasisira ito ng pamilya, pagkakaibigan, relasyon,
ari-arian, at maging ng buhay. Bunsod ng patuloy
16. Ako‟y hindi sang-ayon dito
sa tatlong kadahilanan:
Una, ang death penalty ay
hindi moral at hindi makatao. Ito ay
labag sa pinakapangunahing
karapatang pantao sa kahalagahan
ng buhay na dapat na pangalagaan
at pagyamanin. Ang 1987
Konstitusyon ay nagtataguyod ng
karapatang pantao at ang
pagpapanukala ng death penalty ay
taliwas sa ating Saligang Batas. Ang
pagpatay sa mga kriminal ay hindi
isang uri ng hustisya kundi isang
madilim na anyo ng paghihiganti.
Pangalawa, ang
pagpapanukala ng death penalty ay
hindi nakakapagpababa ng krimen sa
bansa. Tayo ay bumalik sa panahong
sariwa pa ang unang pagsasabatas ng
death penalty sa taong 1993. Si Leo
Echegaray ang pinakaunang
napatawan ng death penalty sa anyo
ng lethal injection dahil sa kasong rape.
Pagkatapos ni Echegaray ay lumobo
parin ang dami ng krimen sa bansa.
Ayon sa mga kriminolohista, walang
malinaw na ebidensya na ang death
penalty ay nakakapagpababa ng
criminal rates. Kaya‟t sa kasalukuyan,
tinatayang 142 bansa na ang umayaw
sa panukalang ito.
17. Bagama‟t ang death penalty
ay kinikilala bilang ultimatong
kasagutan sa napakabigat ng
mga krimeng patuloy na
lumalaganap sa ating bansa,
hindi pa rin natin
maipagkakaila na hangga‟t
may buhay ang isang tao,
may pag-asa pa ring
magbago ito. Hangga‟t hindi
pa siya nalalagutan ng
hininga, maaari pa siyang
gumawa ng kabutihan at
magsisi sa kaniyang
kasalanan. Bagkus, ang
solusyon ay hindi pagkitil ng
buhay kundi ang pagbigay ng
pag-asang magbago sa
pamamagitan ng matinding
rehabilitasyon. Tunay nga na
hindi matatapos ang
karahasan kapag dadagdagan
pa natin ng karahasan.
At panghuli, ang
death penalty ay
maaaring magresulta ng
pagparusa sa maling
identidad at kapag
naipataw na‟y hindi na
mababawi pang muli.
Kunin nalang nating
halimbawa si Mateo
Bersebal na hindi umano‟y
pinagtataga ang isang
lalake at sinunog na
parang uling. Tao lang po
ang mga husgado at
nagkakamali din ang mga
ito. Pito sa sampung
desisyon ng korte laban
kay Mateo ay mali-mali
at palaisipan. Ito ay
natuklasan ngunit
napatawan na siya ng
parusang kamatayan.
18. Anobaang
Ito ay isang salaysay na
naglalahad ng kuru-kuro hinggil
sa isang paksa at karaniwang
isinulat ng may-akda o ng
nakatukoy na entidad, gaya ng
isang partido politikal.
Posisyong
Papel
20. Ang kasal ay isang
sagradong pangyayari sa
pagitan ng isang lalake at
babae kung saan pinagbuklod
ang mga ito sa mata ng
Diyos, ng batas, at ng mga
tao. Ngunit bunsod ng mga
kalapastanganan sa
pagsasama ng mag-asawa,
pangangaliwa, pang-aabuso,
at marami pang isyu tungkol
sa pag-aasawa, ang diborsyo
ay itinuturong ultimatong
kasagutan sa mga isyung ito.
Ang diborsyo ay unti-unting
nagtatangkang ibahin ang
kultura at pagpapahalaga ng
mga Pilipino. Ito‟y usap-
usapan sa balita at laman na
ng mga pahayagan.
Kamakailan lamang,
naipasa ni Senador Risa
Hontiveros ang Senate Bill
2134 o mas kilala bilang
bilang “Divorce Act of
2018.” Nakasaad sa
panukalang ito na ang mag-
asawa ay maaaring magfile
ng legal na separasyon o
dissolution of marriage kung
ang kasal ay nagreresulta na
ng pang-aabuso at labis na
malalaswang asal. Ngunit sa
kabila ng panawagan ng
kongreso at ng senado na
isabatas ang diborsya,
makatarungan nga ba ito?
Ako ay hindi sang-
ayon dito sa tatlong
kadahilanan.
21. Una, ang pagsasabatas ng
diborsyo sa ating bansa ay hindi
naaayon sa 1987 Konstitusyon.
Nakasaad sa Artikulo XV, Seksyon II
ng Konstitusyon ng Pilipinas na ang
kasal ay isang “unviolable social
institution, (is) the foundation of the
family and shall be protected by the
state.” Ito ay nangangahulugang ang
kasal ay hindi kailanman dapat na
buwagin, labagin, at bastusin. Kaya
naman ang paggawa ng mga ito ay
hindi makatarungan at taliwas sa
Saligang Batas.
22. Pangalawa, ang diborsyo
ay hindi naaayon sa salita ng
Poong Maykapal. Nakapaloob sa
Bibliya, sa markos 10:9 ang mga
salita ni Hesus na kung ano ang
ipinagsama at ipinagbuklod ng
Diyos ay hindi dapat buwagin ng
kahit na sino. Ayon kay Christina
del Reys, miyembro ng Christian
Family Movement sa ulat ng
AsiaNews, ang kasal ay hindi
isang simpleng kontrata
o union kundi isang sakramento,
isang tipan sa mata ng Diyos. At
dahil kinikilala bilang isang
Katolikong bansa ang Pilipinas,
mahigit 77 na mga organisasyon
ang nagkapit-bisig na tumutol sa
Philippine Divorce sa ilalim ng
panawagan ni Pope Francis na
labanan ito. Inilalarawan ito ng
Papa na isang “ideological
colonization that seeks to destroy
the family.”
23. Pangatlo, ang diborsyo ay anti-
children. Ito ay naghahatid ng
pangmatagalang epekto na nakasasama
sa paghubog ng persona ng mga bata.
Ayon kay John T. Chirban, isang
sikolohista na nagsulat ng, “Saving Your
Children From Being a Statistic of
Divorce” sa website ng Psychology Today,
maraming pag-aaral ang nagpapatunay
na ang mga batang nakaranas ng
diborsyo ng mga magulang ay
nagkakaroon ng deperensyang pisikal,
emosyonal, sosyal at espiritwal. Kung
babanggitin ang ilan sa mga ito,
mahinang kalusugan, depresyon,
mababang akademikong pagganap,
mataas na pagkakataong magdrop-out
sa pag-aaral, at kahirapan sa pagtatag
ng pulidong relasyon ang kabilang sa
mga posibleng epekto.
24. Panghuli, ang diborsyo ay
hindi dapat na maging huling
opsiyon sa ating bansa. Nabibilang
sa sakop ng diborsyo ang domestic
violence o pang-aabuso sa asawa. Sa
halip ng gawing kahuli-hulihang
takbuhan ang diborsyo, nariyan ang
mas angkop at espisipikong mga
batas. Kabilang na dito ang Republic
Act No. 9262 o mas kilala bilang
“The Anti-Violence Against Women
and Their Children Act of 2004”
na naglalayong protektahan ang
mga kababaihan at kanilang mga
anak sa anumang puwersang pisikal
at pagbuhat ng kamay.
25. Sa kabilang
banda, isa sa mga
counterargument ng
pagsasabatas ng diborsyo
ay ang “kaginhawaang”
dala nito kung
ihahambing sa
annulment. Hindi tulad
ng annulment na
masakit sa bulsa at ang
saklaw ay limitado
lamang, ang proseso ng
diborsyo ay mas
pinamura, mas pinadali,
at mas pinalawak na
sakop. Ito malamang ang
tatangkilikin ng mga mag-asawang gusto nang maghiwalay.
Ngunit hindi natin maipagkakaila na kapag naging ganap na
batas ang diborsyo sa Pilipinas, napakadali na lang sa mga
mag-asawa na kumalas sa pagsasamang pinagbuklod ng Diyos
kung nahaharap sila sa pagsubok. Sa halip na, “Til death do us
na, part” ang sumpaang
binitawan sa altar ay
hahantong na lang ito sa,
“Til divorce, let us part.”
26. Pang
habam
buhay?
Sa huli, dapat
mabatid ng mga mag-
asawa na hindi talaga
madali ang hamon ng
kasal. Ngunit dapat din
nilang malaman na ang
pangakong hanggang
kamatayan na kanilang
binigkas at binitawan sa
isa‟t isa ay batid ng Diyos.
27. Saksi ang Poong Maykapal sa mga salitang
ito. Kung nahaharap man sa pagsubok o
inaatake ng tukso, balikan ang araw na sila‟y
nagsumpaan. Nariyan ang family counseling
upang matulungan ang mga mag-asawang
magtayo ng pulidong pamilya. Maaari ring
makilahok ang mga ito sa mga organisasyong
pampamilya nang sa gayon ay mapalakas
ang koneksyon at relasyon ng pamilya sa isa‟t
isa. Ngunit wala pa ring tatalo sa pagbuo ng
mag-asawa ng relasyon na ang sentro ay ang
Diyos. Siya lamang ang may kapangyarihang
palakasin ang relasyon at punuin ng
pagmamahal ang pamilya at lalo na ang
mag-asawa.
28. Sintesis
Ito ay ang paglalahad ng anumang
kaisipan at natutunang
impormasyong nakuha mula sa
tekstong binasa sa pagkakasunod
sunod na pangyayari.
30. Pamagat: Implasyon
Uri: Background Synthesis
Anyo: Explanatory
Pamamaraan: Paghahalimbawa, Paghahambing, Konsesyon
Layunin: Layunin ng sintesis na ito na mapatunayan na nakadaragdag sa
kahirapan ang implasyon
Thesis Statement: Ang implasyon ay nakadaragdag sa kahirapan ng mga tao.
31. Paghahalimbawa:
Ayon sa The Philippine Star (2018),
ang mataas na antas ng implasyon o ang
pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin at
serbisyo ang dahilan sa kahirapan ng
dalwang milyong Pilipino. Ayon kay Rhonda
Campbell, isang negosyante, ilan sa mga
halimbawa nito ay ang kahirapan ng mga
tao na gumastos para sa kanilang pang-
araw-araw na gastusin. Dahil sa pagtaas ng
presyo, mas nagiging mahirap para sa
kanila na makabili ng kanilang mga
pangangailangan. Nahihirapan ding ibalanse
ng mga tao ang kanilang buhay. Ang mga
taong may mababang sahod ay
magtatrabaho ng mas matagal kaysa sa
ordinaryong oras at kahit pa man ganoon,
hindi pa rin garantisado na makalilikom
ang mga ito ng sapat na pera pang-ipon.
Ilan lamang ang mga banggit sa mga
epekto ng implasyon sa buhay ng mga tao.
32. Paghahambing:
Ayon kay Nagarajan Srenivas(2013), ang
implasyon ay naghahatid lamang ng masamang
epekto sa mga mahihirap. Ang mas malala pa‟y
maaari nila itong madala habambuhay.
Mapipilitan ang mga tao, lalo na ang mga
mahihirap ng ilaan halos ang kabuuan ng kanilang
mga kinikita na pera para sa pangunahing
pangangailangan. Sa kabilang banda, ayon kay
Candice Elliot (2018), kahit itinuturing na
masama ang implasyon, mas nakakasama para sa
ekonomiya ang kabaligtaran nito – ang deplasyon.
Ang deplasyon ay nangyayari kapag ang presyo
ng mga bilihin ay bumababa. Kung patuloy na
bababa ang mga presyon ng bilihin, patuloy na
gugustuhin ng mga tao na gumasta. Ngunit
hihintayin ng mga ito na mas maging mura pa
ang mga bilihin. Kaya hindi muna sila gagastos.
Ang hindi paggastos ng mga tao ay magbibigay
daan sa mababang demand, maliit na
produksiyon, at hahantong sa pagbawas ng mga
negosyo ng mga manggagawa. Ang deplasyon ay
magreresulta ng unemployment na isang
malaking dagok sa ekonomiya ng bansa.
33. Ayon kay Dennis Mapa, Dean ng Univerdity of the Philippines School of
Statistics (2018), ang mataas na presyo lalo na ang mga presyo ng pagkain
katulad ng nakikita ng mga tao ngayon, napakasakit ito sa mga mahihirap
dahil 60 porsiyento ng kanilang badyet ay ginugugol sa pagkain. Sa mga
panahong tumataas ang implasyon katulad noong 2009, makikita na ang
antas ng kahirapan ay hindi bumaba. Hindi naman talaga maipagkakaila na
nakakasama ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na‟t labis na
naaapektuhan ang mga mahihirap. Tunay nga na nagdudulot ng masamang
epekto ang implasyon lalo na sa mga kabataang katulad ko. Nagiging mas
mahirap sa aming gumastos sa mga panahong ito. Sa mga nakikita ko,
marami sa mga Pilipino ang namomroblema sa matinding pagtaas ng presyo
ng bilihin at sila‟y nagbabakasakaling madinig ng pamahalaan ang kanilang
mga hinaing.
34. Konsesyon:
Ayon kay Kimberly Amadeo
(2018), mabuti ang dala ng
implasyon sa mga mamimili. Kapag
tumaas ang presyo ng mga bilihin,
magiging daan ito sa pagbili ng mga
tao ng maraming mga produkto sa
takot na tataas muli ang mga
presyo ng bilihin. Ito ang nagbibigay
daan sa pagtaas ng emand sa mga
produkto. Bilang resulta,
nadadaragdagan ang mga produkto
sa mga pamilihan. Ito ang
nagbibigay daan sa paga-arkila ng
mas maraming manggagawa upang
makipagsabayan sa demand. Hindi
natin maipagkakaila na mas
kailangan ng mga tao ng trabaho at
maaaring maging isang oportunidad
upang kumita ang mga tao.
35. Pamagat: Implasyon
Uri: Thesis-driven
Anyo: Argumentative
Pamamaraan: Paghahalimbawa, Paghahambing, Konsesyon
Layunin: Layunin ng sintesis na ito na mapatunayan na
nakadaragdag sa kahirapan ang implasyon
Thesis Statement: Ang implasyon ay nakadaragdag sa kahirapan
ng mga tao.
36. Paghahalimbawa:
Ayon kay Tijvan Pettinger (2017), ang
pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pagbaba ng
demand, at kahirapan sa pagkuha ng kalidad na
serbisyo at bilihin ang ilan sa mga negatibong
epektong dala ng implasyon. Marami sa mga tao
ang naghihirap dahil sa mga ito. Kung ating
iisipin, nakakalungkot ang realidad na
napakababa parin ang bahagdan ng mga
maykaya sa buhay. Kahit pa sinasabi ng
pamahalaan ang kalaguan ng ekonomiya,
marami parin sa mga ito ang hindi
nakakaramdam ng paglago.
37. Paghahambing:
Ayon kay Julian Arriola (2017), ang
minor na lebel ng implasyon sa pagitan ng
2-4 na bahagdan ay nagpapahiwatig na ang
ekonomiya ay nasa maayos na kalagayan.
Kung ihahambing ito sa deplasyon, mas
tinatangkilik ng mga ekonomista ang
implasyon dahil nagpapakita ito ng pagtaas
ng demand at nagdadala ng indikasyong
lumalago ang ekonomiya. Sa kabilang banda,
mas mabuting magkaroon ng implasyon sa
paghubog ng ekonomiya kung ikukumpara sa
deplasyon sa kadahilanang nakakapagpababa
ito ng performans ng ekonomiya. Mabuti rin
naman na magkakaroon ng mga pagbabago
sa ekonomiya ngunit hindi dapat umabot ito
sa lebel kung saan nagdudulot na ito ng
perwisyo sa mga ito.
38. Konsesyon:
Ayon kay Kimberly Amadeo ng The Balance (2018),
nakabubuti din naman ang implasyon kung ang mga mamimili ay
tinitingala na agad ang pagtaas ng presyo. Kungmangyayari ang
pagtaas ng presyo
ng mga bilihin, bibili ang mga tao ng mas marami sa kasalukuyan
sa takot na mag-iba ang presyo sa susunod. Kaya naman tataas
ang demand sa mga produkto. Ito malamang ang magbibigay
ddan na umarkila ng mas maraming manggagawa upang
matustusan ang demand sa mga produkto. Ito naman ay isang
mabuting epekto sa ganitong paraan, mabibigyan ng oportunidad
ang taong walang trabaho. Mabibigyan sila ng pagkakataong
kumita ng pera at matustusan ang kanilang mga
pangangailangan.
39. Lakbay isang uri ng di pormal na sanaysay na
makakapagbalik tanaw sa paglalakbay na
ginawa ng manunulat at mas madami ang
teksto kaysa sa mga larawan.
Sanaysay
41. Ika-21 ng Hulyo, 2014. Ito ang araw na hinding-hindi ko malilimutan kailanman.
Isang maulan na umaga ang bumungad sa aking mga mata. Nag-impake ang buong
pamilya at nagtungo sa daungan ng Dumaguete. Bumuhos pa rin ang ulan at
kabado ang mga miyembro ng pamilya pati na rin ako sa maaaring kahihinatnan sa
gitna ng laot. Isang oras ang lumipas lulan ng fast craft at nakatapak na kami sa
Siquijor Port. Nakuha agad ang aking atensiyon sa putting buhanging pamapalibot
sa isla.
42. Ngunit
bakit nga ba kami
napadpad sa isla ng
Siquijor? Ang aking lola ay
isang “Siquihudnon” isang tu-
bong Maite, San Juan, Siquijor.
Kaya may dugo din akong taga-Si-
quijor. Nakatanggap kami ng tawag mula
sa aking pinsan na ikakasal na. Kaya na-
man malaking galak ang aming nadama
dahil isang panibagong paglalak bay na
naman ang paparating sa amin.
43. Habang kami ay naglalakad palabas ng daungan,
bumungad ang isang malaking karatola na nagsasabing,
“Welcome to Siquijor, Isla del Fuego!”
“Isla del Fuego?” Ako‟y napatanong.
“Island of Fire ang ibig sabihin niyan,” sabi ng aking
ama na lumaki sa isla.
“Bakit po?” Dagdag ko.
At nagsimula ang aming pag-uusap na unti-unti
kong nalaalan ang kasaysayan ng lugar na sinilangan ng
aking ama. Bantog palang tawagin ang Siquijor na “Isla del
Fuego” o “Island of Fire.” Nagsimula ito noong panahon ng
pananakop ng mga Kastila. Nakita ng mga ito ang
nakasisilaw na liwanag mula sa napakaraming tutubing
namamahay sa mga puno molave. Inakala ng mga
mananakop na nasusunog ang isla. Doon nagsimulla ang
tanyan na pangalan ng Siquijor.
44. Nakarating ang aming pamilya sa bahay ng aking tiyahin.
Nanggigil akong makita ang kanilang mga cottage at syempre naman
ang dagat! Maganda nga taaga ang dalampasigan ng Siquijor. Purong-
puro at napakaputi ng buhangin. Sa araw ng kasal ng aking pinsan,
idinaos ang kasal sa simbahan ng San Juan. Ito‟y malapit lang sa
Capilay Spring Park, pampublikong pool ng naturang munisipalidad.
Habang kami‟y napadaan. Nakita namin na dinarayo ito ng maraming
mga tao ngunit napapanatili pa rin ng mga Siquihudnon ang kalinisan
at kaligtasan sa lugar. Pagkatapos, ay dinala kami sa Coco Grove Beach
Resort. Nakakamangha na makita ang mga niyog na nakapalibot sa
lugar. Ang mga gusali naman ay idinisenyo na kinuha ang imahe ng
mga niyog bilang inspirasyon.
45. Akala ko‟y pagkatapos ng mga pangyayari
ay uuwi agad kami ngunit dahil may after party
pa sa gabi, inilaan namin ang panahong iyon na
magbonding kasama ang aking mga pinsan at
pamilya sa dalampasigan. Sariwa ang hangin
haang dala nito ang amoy ng karagatan at
kami‟y nagbonfire sa ilalim ng buwan. Hindi
namin inakala na mabibigyan pa kami ng
pagkakataong makakita ng magagandang
tanawin. Kinaumagahan, nagsimula ang Road
Trip de Siquijor ng taon! Una‟y pumunta kami sa
simbahan ng San Juan upang magpasalamat
nanaman sa panibagong araw. Nilibot namin ang
buong isla. Habang kami‟y napadaan sa Siquijor,
Siquijor, nakita namin ang malaking mga
letrang, “WELCOME TO SIQUIJOR!” sa maliit na
sandali ay nagpapicture kami at tumungo na rin
sa susunod na destinasyon.
46. Habang sumisikat ang araw,
nakakamanghang tingnan ang kumikinang na
dagat na malapit lang sa daanan. Nilibot namin
ang buong Larena sakay ng “easy ride” patungong
Enrique Villanueva. Umarangkada ang pamilya sa
Maria kung saan naroon ang Salagdoong Beach.
Malayo rin pala mula sa daan ang naturang beach.
Ngunit hindi namin pinagsisihan dahil nadaanan
namin ang Salagdoong Forest. Napakaraming puno
na iba‟t iba ang lahi. Nakakapigil-hininga na
makita ang luntiang paligid na nakakapakalma ng
mata. Ang Salgdoong Beach ay tila Boracay sa
kagandahan. Hindi aakalain ng mga tao na sa
napakasukal na gubat ay may nakatagi rin palang
paraiso. Mayroong malalaking bato na tinayuan ng
malaking slide at ginawa ring diving spot. Ang
dagat ay parang salamin dahil nakikita mo talaga
ang iyong repleksiyon.
47. Ang mas maganda pa ay pwede kang
maligo nang nakabasketbol shorts at t-shirt kahit
na maraming nagpapabonggahan ng swimsuit.
Tumungo naman kami sa Lazi, Siquijor at
huminto sa isa sa mga matatandang simbahan sa
buong Pilipinas. Ang mas nakakatuwa pa ay
magkapareho ang patron ng Lazi at
Zamboanguita. Ang San Isidro Labrador Church
ng pook ay idineklara bilang National Cultural
Treasure ng National Museum of the Philippines.
Nilibot namin ang simbahan na gawa sa coral
stones at puldong mga kahoy. Malapit sa
simbahan nakatirik ang signboard na may sabing,
“To Cambugahay Falls.” Naglakbay kami sa bukid
at naglakad ng mahigit 200 na hakbang tungong
Cambugahay Falls ng Lazi. Ito‟y kinikilala bilang
isa sa pinakagandang waterfalls sa Pilipinas.
Maraming tao ang naglakas ng loob na subukan
ang higanteng swing. Nagmala-Tarzan kaming
tumalon pabagsak sa maginaw na tubig-tabang.
48. Siyempre, sino
bang makakalimot sa
pagkain? Sa aming
paglalakbay, marami
akong nakilalang
masasarap na pagkaing
patok sa Isla ng Apoy.
Naroon ang bantog na
torta de siquijor,
manamis-namis na uri
ng panghimagas ng hugus
bituin. Nariyan din ang
lato, isang halamang
dagat na inaasinan at
nilalagyan lang ng suka
ay go na go na agad.
Hindi mawawala ang
mga pagkaing-dagat
mula sa isda maging ang
makamandag na
“tuyom” ay kinakain din
ang laman.
Hindi mabubuo
ang isla kung wala ang
mga Siquihudnon. Sang
katangian na
nakakatuwa sa mga
taga-Siquijor ay
masayahin at maalaga
ang mga ito. Taliwas ito
sa haka-haka ng iba na
nangbabarang daw ang
mga ito. Marami ang
natatakot na
makisalamuha sa mga
Diquihudnon dahil dito.
Naalala ko pa, isang araw
na ako‟y nagising nang
maaga. Lumabas ako
upang makalanghap ng
sariwang hangin at
nakasalubong ko ang
kapitbahay ng aking
tiyahin.
49. “Neng, sayu-a lage kang nimata.
Pamahaw na! (Neng, ang aga mo namang
nagising. Mag-almusal ka na!)” Sabi ni
Manang sa akin.
“Sige, Ante. Mamahaw na ko ron.
(Sige po. Mag-aalmusal ako maya-maya).”
Pangiti kong sabi sa kaniya.
Hindi ko maiwasang mapangiti
bukod sa nalaman kong ang tawag ng mga
nakatatanda sa aming mga nakababata ay
“Ineng” kapag babae at “Noy” kapag
lalake, ay nakakatawa ang tono at paraan
ng kanilang pagbigkas. Kung kaming mga
Zamboangnon ay mabagal sa pantigan,
tong mga taga-Siquijor ay may pabirit na
punto at diin at mabilis na pagbigkas ng
pantig. Ganun pa man, napakabusilak pa
rin ng kanilang mga puso.
50. Natapos ang araw ng aming road tripna punong-
puno ng kasiyahan at magagandang aral. Labag man sa
aking kalooban ay nagbihis na akong upang umuwi na sa
Negros. Gustuhin ko mang mamalagi ng ilan pang araw ay
kailangan na talagang lumisan. Habang ako‟y paakyat na
ng barkong MV Maria Clara papuntang Dumaguete, ako‟y
napatingin ulit sa purong buhangin. Napagtanto kong
napakamalikhain ng Panginoon. Hinulma Niya ang pulo na
parang paraiso! Ako‟y mas nagalak dahil kung nilikha ng
Diyos ng kayganda-ganda ang Siquijor, ako pa kaya na
hinulma sa Kaniyang larawan? Habang papalayo ang barko
sa isla, paliit nang paliit ito. Mas lalo kong nabatid na ang
kagandahan ng isla ay hindi lamang nagmula sa likas na
kayamanan at magagandang tanawin nito. nanggaling din
ang kagandahan ng isla mula sa mga tao. Sila ang
nagpapanatili at nagpoprotekta sa mga yamang likas.
Baon-baon din namin ang kaalamang nakuha mula sa isla
kasama na ang kayamanan ng kasaysayan nito.
napabulong ako sa aking sarili, “Babalik akong muli.
Paalam muna sa ngayon, Siquijor.”
53. “Pansariling Kabiguan”
(Mga bagay na hindi ko nagawa sa abot ng aking
makakaya, mga kompetisyong hindi ko
napanalunan, ang pagkabigo kong maging mas
mahusay at maayos na bersiyon ng aking sarili,
ang pagkabigo kong gawin kung ano ang nararapat
at umiwas na gawin ang mali kahit na alam ko
namang mali)
54. Mga Katanungan:
1. Ginagawa ko ba talaga
ang aking “pinaka” sa
tuwing binibigyan ako ng
mga pagsubok o ang
inaakala kong best ko ay
hindi pa pala ang best
ko?
2. Natatakot ba akong
magkamali o mabigo?
3. Natatakot ba akong
makita ng mga tao na
naghihirap na ako sa
aking pagkalugmok?
4. Kailangan ko ba talagang
madapa o bumagsak at
maghirap habang
nagagawa ng iba ang
mga ginagawa ko nang
walang kapawis-pawis?
5. Bakit ako nahihiyang
humngi ng tulong sa iba
sa tuwing ako‟y
nahihirapan?
6. Bakit ako naiinggit sa iba
sa tuwing binibiyayaan
ang iba ng mas malaki pa
sa biyayang aking
natatanggap?
7. Kung mahal ako ng
Panginoon, bakit Niya ako
hinahayaang makaranas
ng pagdurusa dito sa
mundo?
8. Ang itinuturing ko bang
tagumpay sa buhay na ito
ay parte ng purpose o
layunin ko kung bakit
nandito ako sa mundo?
55. 9. Nahihirapan ba akong tanggapin
na hindi ko kailangan ang
approval at opinyon ng ibang tao
upang ako‟y maging ako?
10.Natatakot ba akong mawalan ng
silbe at halaga sa mata ng iba
kung darating man ang panahon
na nakararanas muli ako ng
kabiguan?
11.Kung hindi ko naranasang
madapa, magiging pareho pa rin
ba ang buhay ko „gaya ngayon?
Kung patuloy akong
nagtatagumpay at hindi
nakaranas ng kabiguan, magiging
si Robeth, na nagtatanong gamit
ang mga tanong na ito, parin ba
ang nagtatanong ng mga tanong
na ito ngayon? Magkakaroon pa
ba ako ng mga katanungang ito?
56. DIPLOMA. Nakakabighaning tingnan ang
maririkit na toga sabay sambit ng speaker, “Summa
cum laude.” Ito ang inaasam-asam ng bawat
indibidwal, ito ang aking pangarap. “Wala namang
masamang mangarap kaya‟t kung nariyan ka na,
aba‟y itodo mo na,” sambit ng pinsan kong pulis na.
“Para ito sa pamilya natin. Ang lahat ng naabot ko
ay iniaalay ko sa inyo,” pahayag naman ng pinsan
kong CPA. Sa tuwing nagkakabuklod-buklod ang
lahat ng miyembro ng pamilya, ako‟y umuupo lamang
sa isang dulo at umiiwas sa mga katanungan. Isang
makulay na mithiin ang namumuo sa aking kalooban.
Ako‟y napapatingala sa langit at nakikita ko ang
kinabukasang gusto kong abutin. Ito‟y isang mithiing
makakapagpabago ng lahat. Makapagbibigay ng
dangal sa aking pamilya at makakasukli sa dugo at
pawis na kanilang inialay.
57. At makuha ang bagay na hindi
naibigay ng aking nakatatandang
kapatid – diploma. Kasama na rito
ang galak na hindi kailanman
naranasan ng aking mga magulang.
Ngunit bilang itinuturing na “bread
winner” ng pamilya, pinapasan ko ang
pangamba at takot na hindi
makapagbibigay ng sapat para sa
kanila. Ano nga ba ang puno‟t dulo ng
lahat? Imple lang, mga pansariling
kabiguan mula sa aking nakaraan na
patuloy na inuusig ang aking
kasalukuyan. Mga bagay na hindi ko
nagawa sa abot ng aking makakaya,
mga kompetisyong hindi ko
napanalunan, ang pagiging magnet ng
kamalian „yung tipong kahit na saan
ako dalhin ng tadhana, magkakamali
at magkakamali pa rin ako.
58. Bata pa lang ako, nasanay akong magsumikap at
gamitin ang regalong talentong ipinagkaloob sa akin ng
Panginoon. Bilang isang indibidwal na nanggaling sa
angkan ng mga guro sa iba‟t ibang asignatura, naipangaral
sa akin ang kahalagahan ng edukasyon. At hindi
nagkakamali ang aking mga magulang sa mga
pagpapahalaga at birtud na iyon. Tunay na napakahalaga
ng edukasyon sa buhay ng isang tao. Ito ang pagkain ng
isang mangmang. Ito ang nakakapagpapaangat sa isang
tao mula sa kaniyang pagkalugmok sa buhay. Ngunit
nag-iba ang ihip ng hangin. Lumaki akong hinto at
balik, hinto at balik ang kapatid ko sa kolehiyo.
Nagising na lang akong ganap na huminto na
ito fourth year college.
59. “Isa na lang, konting-konti na lang,” pagpupumilit ko ngunt
ayaw na talaga. Kaya‟t malaking dagok ito sa akin dahil
unti-unti nang naibabaon sa lupa ang mga pangaral ng mga
magulang ko. Kaya‟t mula noon, buong-buo na ang desisyon
kong magsumikap upang patuloy na mabuhay na nakaugat
sa mga pangaral nila. Nakakapanghinayang na sumuko
lalong-lalo na‟t palapit ka na sa tuktok. Ang maipasa sa
akin ang responsibilidad at ang pagiging pag-asa na
maiangat ang aking pamilya ay nakakapagdala ng kaba.
Ang takot na magkamali at mabigo ay palaging nariyan
dahil ako palagi ang tinututukan.
60. Dumadaan ang panahon, lulubog at sisikat ang
araw at napagtanto ko sa lahat ng aking mga
karanasan na ito na kaya ako naduduwag na humarap
sa mabibigat na hamon ay dahil takot akong
madismaya ang mga importanteng tao sa buhay ko.
Dahil nanggaling ako sa isang hindi kaaya-ayang
karanasan, pinipilit kong ibaon ang lahat sa limot at
magpatuloy sa aking mga mithiin. Ngunit tila ba‟y ako
ang baligtas na bersiyon niDavid na kilalang matapang.
Ako‟y hindi makaharap sa Goliath ng aking buhay. Sa
kabilang banda, nagsilbing liwanag ang Bibliya sa mga
hamon ng buhay. Natutunan kong panghawakan ang
mga bersong nakakapagpabuhay sa aking dugo.
61. Ngayon, sa tuwing inaatake ako ng
mga katanungan sa kinikimkim na
pansariling kasawian ay inaalala ko ang
mga kasagutan na nanggaling sa Diyos –
ang nakapaloob sa koleksiyon ng Kaniyang
mga liham sa pinakamamahal Niyang
mga anak.
“Do not be anxious about anything,
but in everything, pray with thanksgiving,
present your requests to God.”
“You are God‟s masterpiece.”
“For I know the plans I have for
you, plans to prosper you and not to
harm you, plans to give you hope and
future.” Itong mga berso ang nagbibigay
sa akin ng lakas. Philippians 4:13,
Ephesians 1:20, at Jeremiah 29:11 ang
nagsasabi sa aking wala akong dapat
ipangamba dahil hawak ng Diyos ang
aking buhay.
62. Alam kong ako‟y ginawa ng Diyos mula sa Kaniyang
imahe at hinulma mula sa Kaniyang imahe. Hindi rin ako
dapat mabalisa dahil may kaakibat na plano ang Diyos sa
mga nangyayari sa mundong aking ginagalawan. Ang
pagpapatuloy ko sa aking misyon sa buhay ay hindi
nangangailangan ng opinyon at persepsiyon ng iba. Ang
Panginoon lamang ang aking pinag-ugatan at Siya lamang
ang tanging hihingian ko ng pahintulot sa mga bagay.
63. Sa huli, ito lahat ay nakapaloob sa layunin ng Diyos sa aking buhay.
Alam kong ito ay bahagi ng plano ng Diyos – ang diploma dahil hindi
Niya ipararanas ang lahat kung hindi ito para sa storyang patuloy pa
Niyang sinusulat. Balang araw ay makakatanggap din ako ng diploma at
makakaakyat sa stage. Makapagbibigay ako ng saya sa aking mga
magulang pati na rin ang karangalan. Malalampasan ko rin ang lahat-
lahat ng mga balakid. Marahil ay napapatananong na kayo kung posible
ba ito. Sinasabi ko sa inyo, walang imposible sa Diyos. Kasama ng
pagsisikap, matatamasa natin ang ating mga minimithi. Anuman ang
ating nakaraan ay hindi ito importante. Ang mas mahalaga ay kung ano
tayo ngayon at kung anong sikap ang ginagawa natin upang mahulma
ang ating kinabukasan.
64. Photo
Isang koleksiyon ng mga imahe na inilagay sa isang
partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag
ang mga pangyayari, mga damdamin, at mga konsepto
sa pinakapayak na paraan.
Essay
65. “Ang Ibang Panig ng Mundo”
(Ang karimlan ay isa lamang kawalan ng liwanag)
Halimbawa
66. Ang mundo ay isang kasuklam-suklam na
lugar – laganap ang patayan, mga
kalapastangan, at mga paghihirap. Ngunit
ibuka mo ang iyong mga mata. May mabuti
pang mundong natitira.
85. Anobaang
Ito ay isang akademikong
sulatin na naglalaman ng mga
tala, rekord o
pagdodokumento ng mga
mahahalagang puntong
nailahad sa isang pagpupulong.
Katitikan
ng Pulong?
97. Memorandum
Ang memo ay isang kasulatang
nagbibigay kabatiran tungkol sa
gagawing pulong o paalala sa isang
mahalagang impormasyon, gawain,
tungkulin o utos.
98. Republic of the Philippines
Region VII, Central Visayas
Schools Division of Negros Oriental
ZAMBOANGUITA SCIENCE HIGH SCHOOL
Del Pilar St., Poblacion, Zamboanguita, Negros Oriental
Ika-11 ng Oktubre, 2019
MEMORANDUM PAMPAARALAN
Blg. ___7__, s. 2019
PAGHAHANDA PARA SA SCHOOL HALLOWEEN PARTY 2019
PARA SA Mga Pansilid-aralang Tagapayo ng Mataas na Paaralan (JHS/Grade 7-10)
Mga Pansilid-aralang Tagapayo ng Higit na Mataas na Paaralan (SHS)
Mga Floating Teachers
Mga Mag-aaral ng Junior High School at Senior High School
Halimbawa
99. 1. Ang paaralan ng Zamboanguita Science High School ay magdiriwang ng
School Halloween Party na gaganapin sa darating na Huwebes, ika-31 ng
Oktubre, 2019. Layunin ng pagdiriwang na ito na magbigay galak sa bawat
isa. Ito ay kasabay ng paggunita sa araw ng mga yumaong mahal sa buhay at
pag-alala sa mga sumakabilang-buhay.
2. Sa pagdaos ng nasabing pagdiriwang ay tampok ang iba’t ibang paligsahan
na maaaring lahukan ng mga mag-aaral mula Grade 7 hanggang Senior High
School. Ang mga sumusunod ang siyang magbibigay kulay sa nasabing
pagdiriwang:
• Mr. and Ms. Halloween 2019
• Best Filipino Mythical Creature 2019
• Spoken Poetry Competition
100. 3. Ang mga napiling kalahok sa mga nasabing kompetisyon ay
magkakaroon ng higit na malalim na pagsasanay upang mas
makapaghanda ang mga ito. Bagkus, magkakaroon ng shortened
period mula Lunes hanggang Miyerkules, ika-28 hanggang 29 ng
Oktubre. Magsisimula ang mga pagsasanay sa ganap na 2:30-5:00 ng
hapon.
4. Kinakailangan ang mainit at lubusang suporta at kooperasyon ng
mga pansilid na tagapayo. Inaanyayahan silang pahintulutan ang mga
piling mag-aaral na sumali sa mga paligsahan.
5.Ang kooperasyon at pagpapahintulot ng mga ito ay lubos na
magbibigay ng kagalakan at tatanawin ito bilang isang malaking
tulong.
101. 6. Malawak na diseminasyon ng memorandum na ito ang nais.
Inihanda ni:
ROBETH YAP BANUA
SSG President
Kinilala/Inaprubahan ni:
MELISSAA. LERO
TIII/Teacher-in-Charge