3. Gawain
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at ayusin ang mga
ginulong letra upang mabuo ang tamang salita sa loob ng
panaklong .
1. Dahil sa lawak at laking lupain, napabilang ang Pilipinas
sa bansang ___________________.(kulturalagri)
2. Ang ____________ ay nakatutulong sa pagsuplay ng karne at
iba pang pagkain.(hayupanpagha)
3. Nagpatupad ng programa at ________________ang
pamahalaan bilang suporta sa sektor ng agrikultura.(satab)
4. Ang ___________ay pagpapalit ng mga kagubatan upang
gawing lupang sakahan.(verconsion)
5. Ang _________ ay uring pangingisda na gumagamit ng
bangka na may kapasidad na tatlong tonelada.(yalkomers)
4. Sektor ng Agrikultura
Ang agrikultura ay isang
agham, sining at gawain ng
pagpoprodyus ng pagkain at
hilaw na mga produkto,
pagtatanim at pagaalaga ng
hayop na tumutugon sa
pangangailangan ng tao.
5. Sektor ng Agrikultura
● Humigit kumulang na
7,100 isla ang bumubuo
sa Pilipinas.
● Dahil sa lawak at dami ng
mga lupain, napabilang
ang Pilipinas sa mga
bansang agrikultural
7. Sektor ng Agrikultura
Nahahati ang Sektor ng
Agrikultura sa:
paghahalaman (Farming),
paghahayupan (Livestock),
pangingisda (Fishery), at
paggugubat (Agro-forestry).
9. Paghahalaman
● Paghahalaman (Farming). -Ito ang sining ng
pagsasaayos at pagtatanim ng mga halaman tulad ng
ornamental, gulay, at punong-kahoy.
● Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad
ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape,
mangga, tabako, at abaka.
10. Paghahalaman
● Ayon sa National Statistical Coordination Board
(NSCB), umabot sa ₱797,731 bilyon noong 2012 ang
kabuuang kita na nagmula sa mga produktong palay,
mais, produksiyon ng gulay, halamanggubat, at
halamang mayaman sa hibla (fiber), mani, kamoteng
kahoy, kamote, bawang, sibuyas, kamatis, repolyo,
talong, at kalamansi.
12. Paghahayupan
● Paghahayupan (Livestock). Ang paghahayupan
naman ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka,
kambing, baboy, manok, pato, at iba pa.
● Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang
kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop
● Mayroon ding mga pribadong korporasyon na nasa
ganitong hanapbuhay.
14. Pangingisda
● Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may
pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo.
15. Pangingisda.
● Samantala, ang pangingisda ay
nauuri sa tatlo –
1. komersiyal- tumutukoy sa
uri ng pangingisdang
gumagamit ng mga bangkang
may kapasidad na hihigit sa
tatlong tonelada para sa mga
gawaing pangkalakalan.
17. Pangingisda.
3. Aquaculture ay tumutukoy sa
pag-aalaga at paglinang ng mga
isda at iba pang uri nito mula sa
iba’t ibang uri ng tubig
pangisdaan na may
pinakamalaking kabuuang
produksiyon
19. Paggugubat
● Isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor
ng agrikultura ang paggugubat
● Bagama’t nililinang ang ating mga kagubatan, tayo ay
nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman
nito.
● Ito ay pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veneer,
rattan,nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta
ng almaciga.
22. Kahalagahan ng Agrikultura
● Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at
taas ng kita ng mga sektor ng ekonomiya. Mahalagang
mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lahat ng
sektor, partikular ang agrikultura sapagkat dito
nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa
pangangailangan ng mamamayan
23. Kahalagahan ng Agrikultura
● Dahil dito, ang Agrikultura ay nararapat na bigyang-
pansin upang mapalakas at maging katuwang ang
pamahalaan sa pagkakamit ng kaunlaran ayon sa
sumusunod na kahalagahan:
25. Kahalagahan ng Agrikultura
Ang lupain ng Pilipinas ay akma na tamnan ng
mga produktong tulad ng palay, mais, tubo,
patatas, at iba pa. Mayroon ding inaaning mga
prutas tulad ng mangga, pinya, kopra, at saging.
26. Kahalagahan ng Agrikultura
Mainam din ang temperatura dito bilang
lokasyon sa pag-aalaga ng mga hayop na
ginagamit sa mga pang-araw-araw na
pangangailangan ng mga tao.
27. Kahalagahan ng Agrikultura
Mayroon ding sapat na mapagkukunan ng
mga pagkaing mula sa katubigan. Ang Agrikultura
ay isang napakahalagang sektor sa bansa dahil ito
ang pinagmumulan ng pagkain ng mamamayan.
29. Kahalagahan ng Agrikultura
Nagmumula sa sektor na ito ang mga hilaw
na sangkap mula sa kagubatan, kabukiran, at
karagatan na maaaring gamitin sa produksyon.
30. Kahalagahan ng Agrikultura
Halimbawa, ang puno na pinagmumulan ng
goma ay gamit para sa paggawa ng gulong; bulak at
halamang mayaman sa hibla para sa tela at sinulid;
kahoy para sa mga muwebles; at dahoon at ugat para
sa pagkain, kemikal, o gamot.
32. Kahalagahan ng Agrikultura
Isang mahalagang pinagkukunan ng dolyar ng
Pilipinas ay mula sa mga produktong agrikultural na
naibebenta sa pandaigdigang pamilihan. Kabilang sa
iniluluwas ng bansa na pinagmumulan ng kitang
dolyar ay ang kopra, hipon, prutas, abaka, at iba
pang mga hilaw na sangkap na ginagamit sa pagbuo
ng iba’t-ibang produkto.
34. Kahalagahan ng Agrikultura
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA)
para sa taong 2012, 13% ng mga Pilipinong may
trabaho ay nabibilang sa sektor ng agrikultura.
Karaniwan silang nagtatrabaho bilang magsasaka,
mangingisda, minero, o tagapag-alaga sa
paghahayupan.
35. Kahalagahan ng Agrikultura
Sa taong 2020, 24.8 % ng mga Pilipino ay may trabahong
nabibilang sa sector ng agrikultura.
36. Kahalagahan ng Agrikultura
5. Pinagkukunan ng
Sobrang Manggagawa
mula sa Sektor
Agrikultural patungo
sa Sektor ng Industriya
at Paglilingkod.
37. Kahalagahan ng Agrikultura
Sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya na
ginagamit sa agrikultura at ang patuloy na pagliit ng
lupa para sa pagtatanim dahil sa paglaki ng
populasyon, ang mga sobrang manggagawa ay
pinakikinabangan ng sektor ng industriya at
paglilingkod batay sa laki ng demand nito.
38. 1. Bakit mahalaga sa pag-unlad ng ekonomiya
ang sektor ng agrikultura?
39. Panuto: Punan ng tamang salita ang pahayag upang mabuo
ang konseptong nakapaloob dito.
40. Ang 1. _______________ ay tumutukoy sa agham at sining na
may kinalaman sa pagpaparami ng mga 2. _______________at
mga 3. _______________ at 4. _______________. Malaking
bahagi ng ekonomiya ang nakadepende sa sektor ng agrikultura.
Sinasabing ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng
ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura
upang matugunan ang pangangailangan sa 5.
_______________ at mga 6. _______________ na kailangan sa
produksyon. Nahahati ang sektor ng agrikultura sa 7.
_______________, 8. _______________, 9. _______________,
at 10. _______________.
42. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
A.PAGSASAKA
● Ang patuloy na paglaki ng
populasyon, paglawak ng
panirahan, komersiyo, at industriya
ay nagdudulot ng pagliit ng mga
takdang lupain para sa pagsasaka.
43. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
● Kaakibat ng suliraning ito
ang conversion o pagpapalit
ng mga kagubatan at
kabundukan upang maging
pansakahan.
44. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
● Nagiging dahilan din
ito sa pagkasira ng
natural na tahanan
(natural habitat) ng
mga hayop at halaman
(Adler,2002).
45. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
2. Paggamit ng teknolohiya.
Makabagong kaalaman sa
paggamit ng mga pataba,
pamuksang peste,at makabagong
teknolohiya sa pagtatanim ay
magiging kapaki-pakinabang lalo
na sa hamon ng lumalaking
populasyon.
46. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
Ayon kay Cielito Habito
(2005), ang pagpapatatag sa
antas ng teknolohiya sa
sektor ng agrikultura ay
nangangailangan ng
agarang atensiyon ng
pamahalaan.
47. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
3. Kakulangan ng mga pasilidad at
imprastruktura sa kabukiran.
● Kakulangan sa mga
imprastrukturang magagamit ng
ating mga magsasaka
48. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
● Ang Batas Republika 8435
(Agriculture and Fisheries
Modernization Act of 1997) ay
naghahangad ng modernisasyon at
matutugunan ang ilang suliranin sa
irigasyon, farm-tomarket-road, at
iba pa.
49. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
4.Kakulangan ng suporta mula sa
iba pang sektor.
● Ang pagtutulungan sa loob at
labas ng sektor ay magtutulak
upang higit na maging matatag ang
agrikultura.
50. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
● Ayon sa Batas Republika
8435, ang pagtutulungan ng
iba’t ibang ahensya ng
pamahalaan ay makatutulong
sa implementasyon ng
modernisasyon sa agrikultura.
51. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
5.Pagbibigay-prayoridad sa
sektor ng industriya.
● Pagbibigay ng bigat sa industriya
ang nagpahina sa agrikultura.
● Mas binibigyan ng pamahalaan
ng maraming proteksiyon at
pangangalaga ang industriya.
52. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
● Nawawalan ng mga
manggagawa at mamumuhunan
sa sector ng agrikultura.
● Mas pipiliin pa nila ang pumunta
sa industriya dahil sa mga
insentibo rito na nagbunga sa
pagbaba ng produksiyon at kita
sa agrikultura
53. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
6.Pagdagsa ng mga dayuhang
kalakal.
● Isang malaking kompetisyon ang
kasalukuyang hinaharap ng
bansa dulot ng pagdagsa ng mga
dayuhang kalakal.
54. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
● Maraming magsasaka ang
nahihirapang makipaglaban sa
presyo ng mga murang produkto
mula sa ibang bansa bunga ng
pagpasok ng World Trade
Organization(WTO).
55. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
7.Climate Change
● Ang patuloy na epekto ng Climate
Change ay lubhang nakaaapekto
sa bansa tulad ng pagdating ng
bagyong Yolanda na may
pambihirang lakas noong 2013.
Milyon – milyong piso ang halaga
ng mga nasirang kabuhayan at
personal na mga gamit.
56. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
B. PANGISDAAN
1.Mapanirang operasyon ng
malalaking komersiyal na
mangingisda.
● Ang malalaki at komersiyal na
barko na ginagamit sa paghuli ng
mga isda ay nakaaapekto at
nakasisira sa mga korales,
Balitao et.al (2012)
57. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
● Thrawl fishing, pamamaraang
ginagamit ng mga mangingisdang
gumagamit ng malalaking lambat
na may pabigat. Hinihila ito
upang mahuli ang lahat ng isdang
madaanan, maliit man o malaki.
58. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
● Mga korales na nagsisilbing
itlugan at bahay ng mga isda ay
nasisira din.
● Kapag hindi magbabago at
mapipigilan ang mga
mangingisdang ito, darating ang
panahong mauubos ang mga
isda.
59. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
2. Epekto ng polusyon sa
pangisdaan.
● Ayon nina Balitao, et. al (2012),
ang patuloy na pagkasira ng
Laguna de Bay at Manila Bay ay
dahil sa mga polusyon na
nagmumula sa mga tahanan,
agrikultura, at industriya.
60. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
● Mga dumi ng tao, mga kemikal na
sangkap sa mga abono o pataba
na gamit sa pagtatanim, at mga
kemikal na mula sa mga pabrika
ay pumapatay sa mga anyong-
tubig ng bansa.
61. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
3.Lumalaking populasyon sa
bansa.
● Nagdudulot ng mataas na
pressure sa yamang tubig ng
bansa at sa lahat ng yamang-
likas.
● Mahihirapang makaagapay ang
bansa sa lumalaking
pangangailangan ng
mamamayan.
62. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
● Magdulot ng kahirapan na sa
kalaunan ay kakulangan sa
pagkain.
63. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
4.Kahirapan sa hanay ng mga
mangingisda.
● Kabilang sila sa may
pinakamababang sahod na
natatanggap.
● Nabibilang sa mga pangkat na
hikahos sa buhay.
64. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
● Ang mababang kita sa uri na ito
ng hanapbuhay ayon kay Jose
Ramon Albert (2013) ay hindi
nakahihikayat sa mga batang
miyembro ng kanilang pamilya na
manatili sa sektor.
65. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
● Karaniwang makikita sila sa mga
kalunsuran upang
makipagsapalaran.
66. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
C. PAGGUGUBAT
● Mabilis na pag kaubos ng mga
likas na yaman lalo na ang
kagubatan.
67. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
C. PAGGUGUBAT
● Malawakan ang paggamit sa ating mga likas na yaman.
Mabilis na nauubos ito dahil sa mga pangangailangan sa mga
hilaw na sangkap sa produksiyon tulad ng mga troso at
mineral. Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng
pagguho ng lupa. Sa pagkawala ng mga kagubatan,
nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya hindi sila
makapagparami
69. Mga Batas Sa Lupa
1. 1902 LAND
REGISTRATION ACT
● Ito ay sistemang Torrens sa
panahon ng pananakop ng
mga Amerikano na kung
saan ang mga titulo ng lupa
ay ipinatalang lahat.
70. Mga Batas Sa Lupa
2. Public Land Act ng 1902
● Nakapaloob dito ang pamamahagi
ng mga lupaing pampublilko sa
mga pamilya na nagbubungkal ng
lupa. Ang bawat pamilya ay
maaaring magmay-ari ng hindi
hihigit sa 16 na ektarya ng lupain
71. Mga Batas Sa Lupa
3. Batas Republika Bilang
1160
● Nakapaloob dito ang pagtatatag sa
National Resettlement and
Rehabilitation Administration
(NARRA) na pangunahing
nangangasiwa sa pamamahagi ng
mga lupain para sa mga rebelde
nagbalik loob sa pamahalaan.
72. Mga Batas Sa Lupa
4. Batas Republika Blg. 1190
ng 1954
● Ito ay batas na
nagbibigayproteksiyon laban sa
pangaabuso, pagsasamantala, at
pandaraya ng mga may-ari ng lupa
sa mga manggagawa.
73. Mga Batas Sa Lupa
5. Agricultural Land Reform
Code
● Ito ay simula ng isang
malawakang reporma sa
lupa na nilagdaan ng dating
Pangulong Diosdado
Macapagal noong ika-8 ng
Agosto 1963.
74. Mga Batas Sa Lupa
5. Agricultural Land Reform
Code
● Ayon sa batas na ito, ang
mga nagbubungkal ng lupa
ang itinuturing na tunay na
mayari nito. Kabilang din sa
inalis ng batas ang
sistemang kasama.
75. Mga Batas Sa Lupa
5. Agricultural Land Reform
Code
● Ang pagbili ng pamahalaan sa
mga lupang tinatamnan ng mga
magsasaka ay sinimulan. Ang mga
lupang ito ay muling ipinagbili sa
mga magsasaka sa paraang
hulugan at katulad ng presyong
ibinayad ng pamahalaan sa may-
ari ng lupa.
76. Mga Batas Sa Lupa
6. Atas ng Pangulo Blg.2 ng
1972
● Itinadhana ng kautusan na
isailalim sa reporma sa lupa
ang buong Pilipinas noong
panahon ni dating
Pangulong Marcos.
77. Mga Batas Sa Lupa
7. Atas ng Pangulo Blg. 27
● Kaalinsabay ng Atas ng
Pangulo Blg. 2 ay ipinatutupad
ang batas na ito na sinasabing
magpapalaya sa mga
magsasaka sa tanikala ng
kahirapan at paglilipat sa kanila
ng pagmamay-ari ng lupang
sinasaka.
78. Mga Batas Sa Lupa
7. Atas ng Pangulo Blg. 27
● Sinakop nito ang lahat ng lupa
na tinatamnan ng palay at
mais. Hindi kasama rito ang
malalawak na lupain na
tinatamnan ng niyog, tubo,
pinya, at iba pang pananim.
79. Mga Batas Sa Lupa
7. Atas ng Pangulo Blg. 27
● Ang mga magsasaka ay
binigyan ng pagkakataong
magmay-ari ng limang ektarya
ng lupa kung walang patubig at
tatlong ektaryang lupa kapag
may patubig. Ito ay kanilang
bubungkalin.
80. Mga Batas Sa Lupa
8. Batas Republika Blg. 6657 ng
1988
● Kilala sa tawag na
Comprehensive Agrarian
Reform Law (CARL) na
inaprobahan ni dating
Pangulong Corazon Aquino
noong ika-10 ng Hunyo,
1988.
81. Mga Batas Sa Lupa
8. Batas Republika Blg. 6657 ng
1988
● Ipinasailalim ng batas na ito
ang lahat ng publiko at
pribadong lupang
agrikultural. Ito ay
nakapaloob sa
Comprehensive Agrarian
Reform Program (CARP)
82. Mga Batas Sa Lupa
8. Batas Republika Blg. 6657 ng
1988
● Ipinamamahagi ng batas ang
lahat ng lupang agrikultura
anoman ang tanim nito sa
mga walang lupang
magsasaka. May hangganan
ang matitirang lupa sa mga
may-ari ng lupa.
83. Mga Batas Sa Lupa
8. Batas Republika Blg. 6657 ng
1988
● Sila ay makapagtitira ng di hihigit
sa limang ektarya ng lupa. Ang
bawat anak ng may-ari ay bibigyan
ng tatlong ektarya ng lupa kung
sila mismo ang magsasaka nito.
Ang pamamahagi ng lupa ay
isasagawa sa loob ng 10 taon.
84. Mga Batas Sa Lupa
8. Batas Republika Blg. 6657 ng
1988
● Hindi sakop ng CARP ang
ginagamit bilang:
● liwasan at parke , mga gubat at
● reforestration area , mga
palaisdaan , tanggulang
pambansa , paaralan , simbahan ,
sementeryo , templo , watershed,
at iba pa
86. PATAKARAN AT PROGRMA SA
PANGINGISDA
1. Pagtatayo ng mga
daungan.
● Upang higit na mapadali ang
pagdadala sa mga huling
isda sa pamilihan o tahanan,
nagsisilbing sentro o
bagsakan ng mga ito ang
mga daungan.
87. PATAKARAN AT PROGRMA SA
PANGINGISDA
2. Batas Republika Blg. 8435
(Agriculture and Fisheries
Modernization Act) AFMA
● paunlarin ang subsectors na
pangingisda
88. PATAKARAN AT PROGRMA SA
PANGINGISDA
2. Batas Republika Blg. 8435
(Agriculture and Fisheries
Modernization Act) AFMA
● pagmomodernisa ng mga kagamitan,
paglinang ng paggamit ng
teknolohiya sa mga gawain,
paghikayat sa pakikilahok ng
maraming mangingisda at
magsasaka, gayundin ang pribadong
sector upang matiyak ang seguridad
sa pagkain ng ating bansa
89. PATAKARAN AT PROGRMA SA
PANGINGISDA
3. Philippine Fisheries Code of
1998
● ito ang itinadhana ng
pamahalaan na naglilimita
at naglalayon ng wastong
paggamit sa yamang
pangisdaan ng Pilipinas.
90. PATAKARAN AT PROGRMA SA
PANGINGISDA
4. Fishery research
● Ang pananaliksik at
pagtingin sa potensiyal ng
teknolohiya tulad ng
aquaculture marine
resources development, at
post-harvest technology
92. MGA PATAKARAN AT PROGRAMA SA
PAGTOTROSO
1. Community Livelihood
Assistance Program (CLASP)
● paglilipat teknolohiya o
pagtuturo sa mga
mamamayan ng wastong
paglinang sa mga likas na
yaman ng bansa.
93. MGA PATAKARAN AT PROGRAMA SA
PAGTOTROSO
● Halimbawa, ang
mangrove farming sa
Bohol, plantasyon ng
kawayan sa La Union, at
plantasyon ng mga
halamang medisinal sa
Penablanca, Cagayan.
94. MGA PATAKARAN AT PROGRAMA SA
PAGTOTROSO
2. National Integrated
Protected Areas System
(NIPAS)
● ito ay programa na ang
pangunahing layunin ay
maingatan at protektahan ang
kagubatan. Ito ay paraan
upang mailigtas ang mga
hayop at pananim dito.
95. MGA PATAKARAN AT PROGRAMA SA
PAGTOTROSO
3. Sustainable Forest
Management Strategy
● ito ay pamaraan upang
matakdaan ang permanente at
sukat ng kagubatan. Ito ay
estratehiya ng pamahalaan
upang maiwasan ang suliranin
ng squatting, huwad at ilegal
na pagpapatitulo ng lupa at
pagpapalit ng gamit sa lupa.
97. Sangay ng Pamahalaan na Tumutulong
sa Sektor ng Agrikultura
● Department of
Agriculture (DA)
98. Sangay ng Pamahalaan na Tumutulong
sa Sektor ng Agrikultura
● Bureau of
Fisheries and
Aquatic Resource
99. Sangay ng Pamahalaan na Tumutulong
sa Sektor ng Agrikultura
● Bureau of Animal
Industry
100. Sangay ng Pamahalaan na Tumutulong
sa Sektor ng Agrikultura
● Ecosystem
Research and
Development
Bureau
101. Sangay ng Pamahalaan na Tumutulong
sa Sektor ng Agrikultura
● Ecosystem
Research and
Development
Bureau
102. Performance Task
● Panuto: Gumawa ng isang advocacy campaign sa
pamamagitan ng isang maikling video upang
mahikayat ang lahat na suportahan , pahalagahan at
paunlarin ang pagsasaka, pangingisda,
paghahayupan at paggugubat ng bansa sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga batas, programa
at patakaran ng sektor ng Agrikultura.
103. Performance Task
● Ipost ito sa social networking sites upang maipabatid
sa nakakarami ang papel ng bawat isa sa
pangangalaga sa likas na yaman ng bansa. Sundin
ang rubric sa ibaba.
108. Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong letra mula sa
kahon.
1.Pagpapalit ng mga kagubatan at kabundukan upang
gawing sakahan.
● Conversion
109. Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong letra mula sa
kahon.
2. Pamamaraan ng pangingisda na kung saan ang mga
mangingisda ay gumagamit ng malalaking lambat na may
pabigat.Ito ay hinihila upang mahuli ang lahat ng isdang
madaanan, maliit man o malaki.
● Thrawl Fishing
110. Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong letra mula sa
kahon.
3. Ayon sa batas na ito, kailangang magtulungan ang iba’t ibang
ahensiya ng pamahalaan bilang suporta sa implementasyon ng
modernisasyon ng agrikultura.
● Batas Republika 8435
111. Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong letra mula sa
kahon.
4.Nasira ang dalawang look na ito dahil sa mga polusyon na
nagmumula sa tahanan, agrikultura at industriya.
● Manila de Bay
● Laguna de Bay
112. Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong letra mula sa
kahon.
5 .Isa sa mga dahilan ng pagkaubos ng kagubatan.
● Pagguho ng Lupa
113. Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong letra mula sa
kahon.
6. Sila ang may pinakamababang sahod na natatanggap.
● Mangingisda at magsasaka
114. Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong letra mula sa
kahon.
7. Pag-aalaga at paglinang ng mga isda.
● Aquaculture
115. Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong letra mula sa
kahon.
9. Ang sektor na ito ay katuwang ng pamahalaan sa
pagpapalakas at pagtugon sa mga pangunahing
pangangailangan ng mamamayan mula sa mga pagkain
hanggang sa mga sangkap ng produksiyon.
● Agrikultura
116. Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong letra mula sa
kahon.
10. Ang Pilipinas ay binubuo ng humigit kumulang na
_______mga pulo. Dahil sa lawak at dami ng mga lupain,
napabilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultural.
● 7100
117. Ikampanya Mo Na ‘Yan !
Panuto: Gumawa ng isang advocacy campaign sa
pamamagitan ng isang maikling komersyal upang mahikayat
ang lahat na suportahan , pahalagahan at paunlarin ang
pagsasaka, pangingisda, paghahayupan at paggugubat
ng bansa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas,
programa at patakaran ng sektor ng Agrikultura.