2. Ang medyebal na pananawa na ang
mundo ang gitna ng kalawakan ay
kombinasyon ng turo ng simbahan,
at nina Aristotle at Ptolemy.
3. Ayon kay Ptolemy umiikot sa mundo
ang pitong “planeta” – buwan, araw,
Mercury, Venus, Mars, Jupiter, at
Saturn.
4. Ito ay tinatawag na teoryang
geocentric, sinusuportahan nito ang
pananawa ng simbahan na nilikha ng
Diyos ang kalakawan para sa mga
tao.
5. Ayon naman kay Aristotle, mayroong
apat na elemento – lupa, tubig, apoy,
at hangin.
6. Kinontra ni Nicolaus Copernicus,
isang Polish churchman, doktor at
astronomer ang teoryang geocentric
7. Ipinakilala ni Copernicus ang teoryang
heliocentric, kung saan ang araw ang
sentro ng kalawakan. Nakapaloob ito
sa kanyang libro na On the
Revolutions of the Heavenly Spheres.
8. Pinaniwalaan ng siyentipiko at
matematisyan na si Galileo Galilei
ang teorya ni Copernicus matapos
niyang obserbahan ang kalawakan.
9. Binigyan ng halaga ni Galileo ang
matematika, sukat, at pag-
eeksperimento. Ang kaniyang pag-
eeksperimento ay isa sa pinaka-unang
pagtatangka na gamitin ang
“scientific method”
10.
11. Kinontra ng mga obserbasyon ni
Galileo ang mga paniniwala noong
panahong medyebal na ang mga
bagay sa kalawakan ay perpekto,
nakaayos, at di nagbabago.
12. Sa kaniyang pag-oobserba, natuklasan
niya na ang Jupiter ay may mga
satellites na umiikot dito, kagaya ng
pag-ikot ng buwan sa mundo.
Nilalabanan nito ang sinasabi ng
simbahan na ang mga bagay sa
kalawakan ay sa mundo lamang
umiikot.
13. Noong 1620’s pinayagan ng papa na
sumulat si Galileo ng aklat na nag-
kukumpara sa sistemang Ptolemaic at
Copernican. Ngunit matapos itong
mailathala noong 1632. Nilitis at
ikinulong sa kang tahanan si Galileo.
Pinagbawal at itinigil ang paglalathla ng
kaniyang mga gawa.
14. Hindi nag-iisa si Galileo sa
paghahanap ng mga bagong teory.
Ilan sa mga kasama niya ay sina
Tycho Brahe mula sa Denmark at
Johannes Kepler mula sa Germany.
15. Ipinagawa ni Brahe ang isa sa
pinakaunang modernong
obserbatoryo, ang Uraniborg na ang
ibig sabihin ay “kastilyo sa
kalangitan”
16. Mayroong tatlong batas si Kepler
tungkol sa pag-galaw ng mga planeta.
Una, ang orbita ng mga planeta ay
hindi bilog kundi ellipse.
17. Ikalawa, ang mga planeta ay mabilis
kung ito ay mas malapit sa araw.
Ikatlo, may matematikal na relasyon
ang distansya ng planeta sa araw, at
ang tagal ng pag-ikot nito sa kanyang
orbita.
18. Si Isaac Newton isang matimatisyan at
siyentipikong Ingles, ay nakagawa ng
mga importanteng tuklas sa larangan
ng pisika, astronomya, at matematika.
19. Ayon kay Newton ang mga bagay sa
mundo, ang buwan, bituin, at mga
planeta ay sinusunod ang iisang batas
ng paggalaw. Ipinaliwanag niya ito
bilang gravity at inertia.
20. Sa paliwanag ni Newton, gagalaw ang
mga planeta sa deretsong linya, at ang
pumipigil lamang dito ay ang
gravitational pull ng araw na
nagpapanatili sa mga planeta sa
kanilang orbita.
21. Mula sa aklat ni Newton na
Mathematical Principles of Natural
Philosophy o Principia, ang
kalawakan ay isang higanteng orasan
22. Naniniwala si Newton na ang Diyos
ang lumikha at arkitekto ng pagkaka-
ayos ng kalawakan. Ang gumawa ng
orasan na nagpapagalaw sa lahat ng
bagay.
23. Si Andreas Vesalius isang Flemish na
doktor ang nanguna sa pag-aaral ng
anatomya. Pinag-aralan niya ang
katawan ng mga patay at kalansay, na
noon ay ipinag-babawal ng simbahan.
24. Si William Harvey isang doktor na
Ingles ang nakatuklas at
nakapagpaliwanag tungkol sa
sirkulasyon ng dugo at kung paano
gumagana ang puso.
25. Si Anton Van Leeuwenhoek ang
nakatuklas ng mikroskopyo. Gamit
ito natuklasan niya ang mundo ng
mga one-celled organisms na hindi
nakikita ng ating mga mata.
26. Noong ika-18 siglo isang Swedish na
naturalista na si Carolus Linnaeus
ang masusing pinag-aralan ang
halaman at hayop. Siya ang
nagpangalan sa mahigit 4,000 na
hayop gamit ang salitang Latin.
27. Si Francis Bacon na isang Ingles na
estadista at manunulat, ang humikayat sa
mga siyentipiko na gumawa ng mga
masususing obserbasyon at
eksperimento upang maging basehan ng
kanilang mga teorya. Gusto niyang
magamit siyensya para mas maging
kompartable ang pamumuhay ng mga
tao
28. Sa Pransya, si Rene Descartes isang
henyo sa matematika, ang sumulat ng
Discourse on Method. Ang
nagpaliwanag ng mga problema sa
siyensya at pilosopiya sa matematikal
na pamamaraan.
29. Book:
Perry, Marvin. A History of the World: Revised
Edition:1989
Internet:
http://ap_history_online.tripod.com/apeh6.html