Allan OrtizFaculty & former Subject Area Coordinator (Filipino Dept) &Cultural Arts Program Coordinator at Elizabeth Seton School à Elizabeth Seton School
Suivre
•69 j'aime•316,162 vues
Sulating pananaliksik
•69 j'aime•316,162 vues
Allan OrtizFaculty & former Subject Area Coordinator (Filipino Dept) &Cultural Arts Program Coordinator at Elizabeth Seton School à Elizabeth Seton School
1. Sulating Pananaliksik
Batayang Kaalaman
Isang komprehensibong gawain ang pananaliksik. Bunga ito ng organisadong at
sistematikong pagmamasid at pagsasagawa upang makatuklas ng mga bagong
impormasyon na magagamit sa buhay ng isang indibidwal.
Sa pagdating ng makabagong teknolohiya, lalong nagging masidhi ang pagsasagawa
ng pananaliksik. Naging magkakapit-kamay ang teknolohiya at ang paksang ibig bigyan ng
kalutasan na tutugunan ng pananaliksik.
Sa bawat galaw ng indibidwal, saan man siya bumaling, tila nakangiting nag-aanyaya
ang kanyang kapaligiran upang magsagawa ng pananaliksik.
Isang akademikong Gawain ang pananaliksik. Nabibigyan ng pagkakataon ang mag-
aaral na mapalawak ang karanasan, madagdagan ang mga kaalaman at higit sa lahat
maging kapaki-pakinabang sa kanyang sariling pag-unlad, ang nagagawa ng pananaliksik sa
mag-aaral.
Mahalagang magkaroon ang sipag at tiyaga sa pananaliksik. Kailangang mag-ukol nang
mahabang panahon upang maisagawa nang may kabuluhan ang anumang pananaliksik.
Kahulugan ng Pananaliksik
· Ayon sa dalubhasa, ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok
sa teorya o paglutas ng isang suliranin.
2. · Ayon naman kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isanmg sistematiko,
kontrolado, emperikal at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong
· haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari.
Sistematiko ang pananaliksik kapg sumusunod ito sa mga hakbang o yugto na nagsisimula,
pagtulong sa mga suliranin, pag-uugnay ng mga suliranin sa mga umiiral na teorya. Ang
sistematikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang na imbestigasyon ay
nakaplano.
· Ang pananaliksik ay isang sining. Walang iisang paraan o tamang paraan ng
pananaliksik.
Katangian ng Pananaliksik
1. Obhektibo
2. Mayaman sa mga ginagamit na datos
3. May angkop na pamamaraan o metodolohiya
4. Dokumentado
5. May sinusunod na tamang proseso sa pagsulat
6. Kritikal
Layunin
Sa pagsasagawa ng pananaliksik, dapat na alam kung ano ang layunin ng gawaing ito.
Dapat na:
Makatuklas ng mga bagong impormasyon, ideya at konsepto
Makapagbigay ng bagong pagpapakahulugan o imterpretasyon sa dati nang ideya
3. Mabigyang – linaw ang isang mahalagang isyu o paksa
Makapagbigay ng mungkahing solusyon sa problema
Makapagpatotoo o makapagpangatwiran sa tulong ng mga mapapanaligang mga
materyales o dokumento tungkol sa mga paksang nangangailangan ng paglilinaw
Nakapagbibigay ng mga ideya o mungkahi batay sa pangkasaysayang perspektibo
para sa isang pangyayari o senaryo
Tungkulin/Responsibilidad ng Mananaliksik
Gaya nga ng nabanggit na sa mga unang talakay, isang komprehensibong Gawain ang
pananaliksik lalo na sa mga mag-aaral.
Narito ang ilang tungkulin/respinsibilidad ng isang mananaliksik
1. Pagkamatiyaga
2. Pagkamaparaan
3. Pagkamasistema sa Gawain
4. Pagkamaingat
5. Pagkamapanuri o kritikal
6. Pagkamatapat
7. Pagiging responsible
Ano ang Thsesis Proposal?
4. - isang detalyadong plano na ginagamit ng mga mag-aaral bilang gabay sa
pagsasagawa ng isang pananaliksik. Ito ay nagpapakita ng lohikal at sistematikong
pagdulog ng mga mag-aaral upang maisagawa ang kanyang pananaliksik.
Halimbawa:
Mga mag-aaral ng Elizabeth Seton Taong 1975 hanggang 2005: Nasaan na sila ngayon?
Bakit nahihbirapan ang mga mag-aaral na pumili ng isang suliranin ng
pananaliksik?
1. Kinukonsidera ng mga mag-aaral ang maraming suliranin sa pananaliksik.
2. Ang kinakailangang mga datus ay mahirap makamit.
3. Hindi lahat ng mga suliraning panlipunan ay nasusukat.
4. Hindi alam ng mga mag-aaral ang isang ispesipikong suliranin.
5. Hindi batid ng mga mag-aaral ang pagkukunan ng sanggunian at impormasyon
sa isang suliraning pananaliksik.
Ano ang mga maggaandang katangian ng isang mabuting pananaliksik?
1. Ito’y dapat ispesipiko.
2. Nasususkat
3. may kinalaman sa isang praktikal na suliranin
4. napapanahon
5. 5. nahuhubog ang isang katuturan ng isang kaisipan o konsepto
6. nakalilikha o mas napabubuti ang isang gawang panukat o instrumentong
panukat sa pananaliksik sa pagkuha at pag-aaral sa mga datos
7. kinakailangan ito’y naipapakita o naipahahayag sa isang relasyon sa pagitan ng
isa o higit pang variable.
Ano ang kailangang iwasan sa isang suliraning pananaliksik?
- Mga suliraning may kinalaman sa moral na katanungan
Ang relasyon ba ng magulang ay nakaaapekto sa pagtatanghal ng mag-aaral sa klase?
- Mga katanungang na walang pagsubok na pangkaisipan
Ilang mag-aaral na lalaki ang nakapagpatala sa paaralan?
- Mga katanungang nasasagit ng “oo” o “ hindi” at tiyak na may kasagutan
Kayo ba ay tumatanggap ng may kapansanang mag-aaral sa inyong paaralan?
- Mga katanungan na may kinalaman sa kababalaghan na imposibleng makalikom ng
mga datus upang masagot ang katanungan
Naniniwala ka ba sa multo?
- Isang paghahambing sa isang kalagayan.
Anu-ano ang mga nakamit ng mga pangulo ng Pilipinas sa kanilang panunungkulan?
6. Ano ang haypotesis sa isang pananaliksik?
- ito ay isang suhestiyong kasagutan sa isang suliranin o pag-aaral
- isang lohikal, isang makabuluhang paghihinuha, upang magbigay daan sa isang
matalinong pag-aanalisa sa isang suliranin Nang magamit upang ito’y mabigyan ng
kasagutan. (Leedy)
Ano ang tinatawag na variable?
- Ito ay isang konsepto na nagpapakita ng isang kabuoan o bagay gaya ng:
Kasarian, edad, katalinuhan, klima, nakamit, marka, edukasyon, kalagayang panlipunan
- Isang símbolo na ang bilang o itinakda rito
- Anumang bagay na maaaring mabago sa halaga o bilang batay sa kasidhian o
kaantasan (MsGuian)
Ano ang pangkalahatang uri ng variable?
1. Independent Variable
- Ito ay may kakayahang magbago na nakaaapekto sa iba pang variable na tinukoy
- Ito ay tiyak na masusukat, namamanipula o maaring mapili ng isang mananaliksik
upang matukoyat makamit ang relasyon sa isang nasusuring pagbabago (Tuckman)
7. 2. Dependent Variable
- Isang mahalagang aspeto na nasusuri o naoobserbahan at masusukat upang
matukoy ang epekto nito sa isang independent variable. (Tuckman)
Halimbawa:
Anong sistemang pampagtuturo ang nakaaapekto sa isang programang pangdalubhasaan o
pang-masteral?
Independent Variable: sistemang pampagtuturo
Dependent variable: programang pangdalubhasaan o pang-masteral
Ang isang kasiyahan sa trabaho ay nakaaapekto sa kahusayan ng isang guro?
Independent Variable: kasiyahan sa trabaho
Dependent Variable: kahusayan ng isang guro
3. Interverning Variable
8. - Ito ay pagtanggap na kung saan makikita na sa parehong variable ang pagkaapekto
sa isang katangian. Ito ay maaaring makaapekto sa pagbaba o pagtaas ng isang kalagayan
ng independent variable tulad ng edad, kasarian, at edukasyon.
Uri ng Pananaliksik
1. Emperikal o mala-siyentipiko – Nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng mga
ibedensya at paktwal na datos. Ito’y nailalarawan, nasusukat, naihahambing at natutuos
upang makita ang relasyon ng hypothesis sa panukalang tesis na isang trabahong
siyentipiko.
2. Applied Research – Gumagamit ng sopistikasyon, sapagkat ito’y kalkulasyon at
estatistika. Karaniwang ito’y bunga ng madaliang pagsaagawa ayon sa hinihinging panahon.
Ang isang magaling na halimbawa nito’y sa panahon ng eleksyon. Gumagamit ito ng
prediksyon na nagkakatototoo. Ginagawa rin ito sa benta ng kalakal sa ilalim ng
advertisement. Ang mabisang resulta nito ay depende sa serbey at sa napiling sampling.
3. Pure Reseach – Ginagawa ito sa sariling kasiyahan ng isang tao upang maunawaan
ang isang bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Maaari naman itong gawin ayon sa hilig
ng mananaliksik.
Mga Paraan ng Pananaliksik
A. Palararawan (Descriptive Method) – Ito’y idinesenyo para sa mananaliksik tungkol sa
isang kalagayan sa kasalukuyan. Ipinaliwanag ni Best (1963), ang palarawang pananaliksik
ay isang imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay-kahulugan tungkol sa isang bagay o
paksa. Ito’y may kinalaman sa mga kundisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga gawaing
umiiral, mga paniniwala at prosesong nagganap, mga epektong nararamdaman o mga
kalakarangt nilinang.
Uri ng Paglalarawang Paraan
9. 1. Pag-aaral ng Kaso (Case Study) – ang paraang ito’y detalyadong pag-aaral tungkol
sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon.
2. Sarbey – Ang mga sarbey na pag-aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral na
pangyayari nang hindi nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa o
pangyayari.
Lawak ng Sarbey
2.1. Sensus – isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na populasyon.
2.2. Sarbey – ilang bahagi lamang ng populasyon.
3. Mga Pag-aaral na Debelopmental – sa paraang debelopmental, nagtatakda at
kumukuha ng mapanghahawakang impormasyon tungkol sa pangkat ng mga tao sa loob ng
mahabang panahon.
Dawalang Teknik na Ginagamit sa Pagsasagawa ng Pananaliksik na
Debelopmental
3.1. Longitudinal p Mahabang Panahong Paraan – Sa paraan ito, pinag-aaral ang
parehong sampol ng mga kalahok sa loob ng mahabang panahon.
3.2. Kros-Seksyunal na Paraan – (Cross-Sectional Method) Ito ay tungkol sa pag-aaral
ng mga kalahok na may iba’t ibang gulang at iba pang mga katangian sa parehong
panahon.
4. Mga Pasubaybay na Pag-aaral (Follow-up Studies) – Ito ay ginagamit kung ibig na
masubaybayan ang isang payak na kundisyon. Ang pasubaybay na pag-aaral ay kailangan
kung ibig tiytakin ang maaaring bunga ng isang pag-aaral.
Halimbawa: Ibig tiyakin ng mananaliksik kung ang Pre-School Education ay nakabubuti sa
mga bata sa mga asignaturang tulad ng wika, agham at matematika.
5. Dokyumentaryong Pagsusuri (Documentary Analysis) Nangangailangan ng
pagkalap ng impoirmasyon sa pammagitan ng pagsusuri ng mga nasusulat na record at
mga dokumento upang malutas ang mga suliranin. Ang isa pang katawagan ng uri ng
palarawang pag-aaral ay pagsusuri ng nilalaman. (content analysis)
10. 6. Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis) – Ito ay isang popular na paraan ng
palarawang pag-aaral na tinatawag din ng iba na feasability study. Ginagamit na datos sa
pag-aaral na ito ang mga kondisyong umiiral sa kasalukuyan.
7. Mga Pag-uugnay na Pag-aaral (Correlational Studies) Ito ay isang palarawang pag-
aaral na idinesenyo para alamin ang iba’t iang baryabol na magkakaugnay o may relasyon
sa isa’t isa sa target na populasyon.
B. Eksperimental na Paraan – Sinasabi ni Gay (1976) na ito lamang ang paraan ng
pananaliksik na tunay na makasusubok sa palagay o hypothesis tungkol sa ugnayang sanhi
at bunga.
Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na ang eksperimento ay kadalasang
itinuturing na pinakasopistikadong pamaraan ng pananaliksik para subukin ang mga
palagay o hypothesis.
Ibinigay ni Ary at iba pa ang mga katangian ng pamaraang ito:
1. Ang malayang baryabol ay maaring mabago.
2. Ang lahat ng iba pang baryabol maliban sa iba malayang baryabol ay walang
pagbabago.
3. Ang epekto ng manipulasyon ng malayang baryabol sa di malayang baryabol ay
inoobserbahan o pinag-aaralan at sinusulat.
Pamamaraan ng Pangongolekta ng Datos
A. Pamamaraan Obserbasyon – Ito ay kinapapalooban ng obserbasyon ng mananaliksik
sa sitwasyong pinag-aaralan. Sa ganitong pag-aaral, ang mannaliksik ay nakatugon sa
tuwirang paglalarawan ng sitwasyong pinag-aaralan at ang pinakamabuting paraan para
makamit ang layuning ito ay ang pagmamasid.
Apat na Elemento na Dapat sa Paggamit ng Obserbasyon Bilang Pamaraang Pangongolekta
ng mga Datos
11. 1. Mga desisyon sa pagtiyak ng mga resulta at paka o obserbasyon mismo.
2. Pagdedevelop ng gabay sa pagmamasid na siyang operasyonal na pahayag ng
mananaliksik tungkol sa paksang dinisisyunang obserbahan at ang instumentong gagamitin
sa pagtatala ng naobserbahang datos.
3. Ang mga tagamasid, ang kanilang pagkakakilanlan, recruitment at pagsasanay.
4. Interaksyon ng respondent at ng tagamasid na kinapapalooban ng mga desisyon kung
alam o hindi ng respondent na siya ay inoobserbahan.
Binanghay ni Fox (1969)ang mga sumusunod na hakbang sa pamaraang pagmamasid:
1. Paglalahad ng suliranin at hypothesis ng imbestigasyon
2. Pagpapaliwanag ng mga resulta at nilalaman ng obserbasyon
3. Pagpili ng teknik para sa obserbasyon
4. Recruitment ng mga tagamasid
5. Pagdebelop ng patnubay sa pagmamasid
6. Pagsasanay ng mga tagamasid para sa sapat na reability
7. Disenyo ng plano ng pagkuha ng datos sa obserbasyon
8. Pag-imbita sa paglahok ng piling sampol
9. Implimentasyon ng plano ng pagkuha ng datos
10. Paghahanda ng ulat
12. Mga Bahagi ng Pananalisik
Binubuo ng (5) limang kabanata ang isang pananaliksik at ito ay ang sumusunod:
Kabanata I - Suliranin at Kaligiran Nito
Kabanata II – Mga Kaugnay na Literatura ng Pag-aaral
Kabanata III – Metodolohiya / Pamamaraan
Kabanata IV – paglalahad at Pagpapakahulugan
Kabanata V – Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
Suliranin at Kaligiran Nito
Bawat pananaliksik ay nagsisimula sa isang suliranin. Sa simula, ang suliranin na napili
ay maaaring napakalawak. Kung sakali, ito ay kailangang gawing tiyak. Maaari rin na ang
pangkalahatang suliranin ay gawing maliliit at tiyak.
Ang panimula ay dapat tumatalakay nang tuwiran sa suliraning pag-aaralan. Ang ilang
mananaliksik ay nagsisimula sa bahaging ito sa pamamagitan ng paglalahad ng masaklaw
na mga kaisipan ideya. Sinisimulan ng ilan ang unang pangungusap ng panimula tulad ng
13. “Ang panglahing layunin ng pag-aaral ay _______________,” pagkatapos ay nagpapatuloy
sa paglalahad ng rasyunal ng pag-aaral. Ang bahaging ito ay maaaring magsama o
maglahad ng ilang mga naunang pananaliksik ba maaaring magpalakas o magpatatag ng
dahilan ng imbestigasyon.
Gayunman, dapat na maging maingat nang sa gayon ang tunay na pagrerebyu ng
literature ay naisasagawa sa susunod na kabanata. Ang bahaging ito ay panimula ng natural
na natural na magbibigay-daan tungo sa paglalahad ng suliranin. Gayon pa man,
isinasagawa ng ibanbg mananaliksik ang kaugnay na literature sa panimula. Sa ganitong
kaso, ang kaugnay na literature ay hindi na hiwalay sa kabanata.
Ang mga tanong ay higit na ginagamit kaysa ibang estilo ng paglalahad ng mga tiyak
na suliranin, bagaman sa ilang mga tesis o disertasyon na nirebyu ng mananaliksik, ang
mga haypotesis o hinuha ay pumapalit sa mga tiyak na tanong. Ang ganitong pag-aayos ay
tinatanggap dahil sa realidad na ang tesis/disertasyon ay sumusubok sa hinuha. Gayunman,
ang ibang mgha tesis ay naglalahad ng suliranin sa tipong pangkalahatan at tiyak na mga
layunin. Alin mang mga suliranin at ang mga hinuha ay nasusubok.
Sa panimulang bahagi ng ulat sa pananaliksik, ang mahalagang kontribusyon ng mga
pag-aaral ay dapat isaman. Ito ay sinusundan ng saklaw at mga limitasyon ng suliranin. Sa
panimula rin, may talakay sa kahulugan ng mga terminolohiyang ginamit. Ang pangunahing
layunin sa pagsasama ng mga kahulugan ay para sa maunawaan ng mambabasa kung
paano ginamit ng mananaliksik ang mga terminolohiya sa kanyang pag-aaral.
Sa Batayang Koseptwal naman, inilalahad ng mananaliksik ang mga ideya hinggil sa
pag-aaral na isinasagawa. Ipinaliliwanag din sa baahaging ito ang pagbuo ng sariling
pananaw ng mananaliksik tungkol sa isang problema. Pagkatapos mapag-aralan ng ilang
teorya na may kaugnay sa isang pananaliksik, maaaring bumuo ng isang konseptwal na
balangkas na tinuturing na pangunahingb tema, pokus o layon sa pag-aaral o pananaliksik.
Nagiging panuntunan ito sa paggawa ng alinmang pag-aaral.
Mga Kaugnay na Literatura
14. Ang bahaging ito ay nagpapakita ng antas at malawak na kaalaman ng mananaliksik.
Ang mahusay na mananaliksik ay nakapaglalahad nang sapat na kaligiran para sa suliranin,
sa magkakaugnay, makatotohanan at makabuluhang pahayag. Inaasahan na may ugnayan
ang panimulang bahagi at ang kaugnay na literature.
Karamihan sa mga sumusulat ng tesis/disertasyon ay hindi gaanong nahihirapan sa
pagsulat ng kaugnay na literature, dahil sa masistemang paraan ng paghahanap o pagsulat
nito. Ang mga sumusulat ng tesis/disertasyon ay gumagamit ng iba’t ibang sistema ng
organisasyon. Ang iba ay gumagamit ngdichotomy (o magkahiwalay) na banyaga at local na
literature. Gayundin, pinaghihiwalay ng ibang pang literature sa konseptwal at pananaliksik.
May ilan na isinulat ang kaugnay na literature sa pamamagitan ng tuwirang pagtalakay ng
mga pagkakatulad-tulad at pagkakaiba-iba ng mga nakaraang pag-aaral.
Metodolohiya/Pamamaraan
Naglalaman ang kabanatang ito ng mga pamamaraan na gagamitin sa pagkuha ng
mga datos, instrumentasyon at pagsususri sa piniling paksa sa suliraning pananaliksik
Maaaring gamiting pamaraan sa pagkalap ng mga datos o materyales sa pananaliksik
anginternet interbyu, library at iba pa.
Sinusulat ng mananaliksik ang ginamit na pamaraan tulad ng kung ang pag-aaral ay
palarawan, pangkasaysayan o eksperimento. Dito ipinaliliwanag kung bakit ang pamaraang
iyon ang ginamit. Gayunpaman, sa ilang okasyon, higit pa sa isang pamaraan ang
ginagamit. Ang sumusunod na seksyon ay tumatalakay sa mag baryabol na binigyang
konsiderasyon kasama na ang uri ng lebel ng bawat isa. Ito ay sinusundan ng target na
populasyon at ang sampling. An g target na populasyon ay dapat ilahad nang malinaw. Ang
instrumentong ginamit sa pagkuha ng mga datos ay ang sumusunod na dapat bigyan ng
pokus sa presentasyon. Ang mga tiyak na hakbang sa pagbabalideyt ng instrumento ay
dapat na ilahad, ang mga instrumentong nakahanda na ay dapat talakayin ayon sa mga
15. isinasagawang pagsubok sa baliditi at reliyyabiliti. Makatutulong din kung isasama ang
paraan ng pag-administer ng pagsusulat. Ang kasunod na inilahad ay ang disenyong
istatsitikal at ang pagsusumang ginamit sa mga datos na nakuha. Ang dahilan sa pagpili ng
istatistika ay dapat banggitin sa bahaging ito.
Paglalahad at Pgpapakahulugan ng mga Datos
Ang bahaging ito ng ulat sa pananaliksik ay naglalahad ng mga resulta at mga
pagtalakay. Inaasahan na talakayin ang dahilan ng mga resulta. Ito rin ang bahagi na dapat
ihambing ang nakuhang resulta sa mga resultang nakuha ng mga naunnag pananaliksik. Sa
kasong ito, ang mga kasalukuyang resul;ta ay maaaring kinumpirma/magpatotoo o
tumaliwas sa resulta ng mga naunang pag-aaral,
Ang mga talahanaya, grap at iba pang mga kagamitang grapik ay nakatutulong sa
kalinawan ng presentasyon. Kailangan lamang ang pag-iingat nang sa gayon ang
pagkakasunud-sunod ang mga grapik sa pagtalakay. Kung ang mga talahanayan ay maikli,
maaaring isama na laamng ang mga ito sa teksto.
Lagom, Konklusyon Rekomendasyon
Ang lagom – ay nagsasama-sama ng mga pangunahin at mahahalagang natuklasan sa
pag-aaral. Dapat na maging maingat sa bahaging ito. Hindi dapat isama ang kahit ano
lamang.
Ang konklusyon ay halaw sa buod ng mga kinalabasan at ito ay inaangkop sa mga
tanong na inimbestigahan.
16. Sa rekomendasyon naman inilalahad ang mga mungkahing maaaring makatulong sa
iniharap ng mananaliksik upang maging kapaki-pakinabang ang isinasagaswang pag-aaral.
Lagom Konklusyon Rekomendasyon
Mga payak na
pagpapahayag
ang gamitin
tungkol sa
layunin ng pag-
aaral, mga
kalahok o
respondent,
panahon ng
pag-aaral,
paraan ng
pananaliksik
instrumento at
disenyong
ginamit.
Kailangang
angkop ang
ibibigay na sagot
sa mga inilahad
na tiyak na mga
tanong
Kailangang
makita sa
konklusyon ang
mga natutuhang
patotoo sa pag-
aaral
Kailangang ilahad
ito sa isang maikli
ngunit tiyak na
paglalahad ng
mga
kinakailangang
impormasyon
Kailangang
ipahayag sa isang
daang (100%) ng
pagkamakatotoha
nan at
kawastuhan
Kailangang
kaugnay
lamang ng
tinatalakay sa
pagsisiyasat
Kailangang
magkaroon ng
modelo
paraang
praktikal at
kapani-
paniwala
Kailangang
nakatuon sa
tao, may
kakayahang
maisagawa ang
inirekomenda
Dapat na
isaalang-alang
ang
pagsisiyasat
ang
rekomendasyon
B. Paraang Pagtatanong
17. Pinakaangkop ang pagtatanong kung layunin ay humanap ng impormasyon sa
panlabas na antas. Pili at maayos na pagkakasulat ng mga tanong ang kumakatawan sa
pinakamahusay at epektibong paraan ng pagkuha ng datos.
Mga Katanian ng Epektibong Tanong
1. Dapat na maging malinaw ang lenggwaheng gagamitin.
2. Ang nilalaman o paksa ng tanong gayundin ang panahon ay dapat na tiyak. Madalas na
hindi alam ng respondent kung paano sasagutin ang tanong dahil sa ang nilalaman ay hindi
gaanong tiyak, gayundin ang tinukoy na panahon.
3. Ang tanong ay dapat nagpapakita ng isang layunin.
4. Dapat na malaya ang tanong sa anumang palagay.
5. Ang tanong ay dapat na bukas sa mungkahi.
6. Ang tanong ay dapat na may kabuuang linggwistik at konsisteng gramatikal.
Mga Paraan at Kasang kapan Para sa Pagtatanong
1. Ang Pananaliksik na Pakikipanayam – ito ay maisasagawa kung posible ang
interaksyong personal. Ang pananaliksik na pamamaraan ay kinapapalooban ng
pangonglokta ng mga datos sa pamammagitan ng tuwirang pasalitang interaksyon ng
kumakapanayan at kinakapanayam.
Dalawang Uri ng Pananaliksik na Pakikipanayam
a. Balangkas na Pakikipanayan – ang mga tanong ay nakalahad ng tiyak sa
permanenteng listahan at ang interbyuwer ay nagtatanong nang walang labis at walang
kulang ayon a pagkakasunud-sunod sa listahan.
b. Di-binalangkas na Pakikipanayan – Ang kumakapanayan ay may listahan ng mga
tanong, hindi niya kailangang sundin ang pagkakasunud-sunod nito.
18. 2. Ang kwestyoner/Talatanungan – kung hindi posible ang personal na
pakikipagtanungan, sinusulat ng mananaliksik sa papel ang mga tanong at pinasasagutan
ito sa mga respondent.
3. Ang Tseklist – binabalangkas na instrumento para sa pagtatanong
4. Ang Critical Incident Technique – nagpapahintulot sa respondent na pimili ng mga
pangyayari na mahalaga o kritikal sa kanya.
Mga Hakbang sa Paraang Pagtatanong
1. Pagtiyak na ang pamaraang patanong ay angkop sa suliranin.
2. Pagkilala sa lawak ng paksa sa pagtatanong.
3. Pagkilala sa buong lawak ng mga tiyak na mga katanungan na maaaring itanong.
4. Paunang klasipikasyon ng posibleng mga tanong na maaaring sabihing kritikal o hindi
kritikal sa pananaliksik.
5. Pagkilala sa mga kailangan sa suliranin ng mananaliksik para sa interaksyon ng
mananaliksik at respondent.
6. Pagkilala sa mga limitasyon ng pakikitungo sa respondent.
7. Pagpili ng interaksyon ng mananaliksik sa respondent.
8. Pagpapasya sa mga uri ng mga tanong na gagamitin at ang porma ng mga sagot.
9. Pagpili ng teknik o paraan ng pagtatanong.
10. Pagdedebelop ng instrumento para sa pagtatanong.
11. Mga panimulang pag-aaral para matiyak ang katangian ng instrumento.
12. Implementasyon ng plano sa pagkuha ng datos.
13. Implementasyon ng plano sa pagsusuri ng datos.
14. Paghahanda ng ulat ng pananaliksik.
19. Mga Hakbang sa Paggawa ng Sulirang Paananaliksik
Masalimuot ang paggawa ng isang sulating pananaliksik. Bunga ito ng pagbata sa init
na dulot ng pakikipambuno sa mga libro ay laybrari, pagpupudpod sa utak kung paano
gagawin o sisimulan, paghahati-hati sa panahon upang mabahaginan ng sapat na oras sa
dami ng iba pang pinagagawa.
Ang mga sumusunod ang iba’t ibang hakbang na dapat sundin:
a. pagpili ng paksa
b. pagpapahayag ng layunin
c. paggawa ng tentatibong balangkas
d. paghahanda ng bibliograpiya
e. pangangalap ng datos
f. pagpapahalaga sa mga nakalap na datos
g. paggawa ng pangwakas na balangkas
h. pagsulat ng burador
i. pagrerebisa
j. aktuwal na pagsulat ng pangwakas na papel
20. Ang Pagpili ng Paksa
Mga Panuntuan sa Pagpili ng Paksa
1. Maaaring ibigay ng guro ang saklaw ng paksang gagawan ng sulating pananaliksik.
2. Maaring sa inters ng estudyante ang paksang gagawan ng pananaliksik
3. Hindi dapat masaklaw upang kayang gampanan sa loob ng limitadong panahong
nakatakda para sa naturang pananaliksik.
4. Siguraduhing may mapagkukunan ng sapat na materyales
5. Ang lubhang teknikal na paksa ay dapat iwasan sapagkat maaaring may kahirapang
gagapin ang mga termino at hindi na angkop para sa panimulang pananaliksik.
6. Kailangang napapanahon
Pinagmulan ng Suliranin
May mga suliraning madaling malulutas subalit ang ibang suliranin ay masalimuot at
nangangailangan ng plano o hakbang na kinasasangkutan ng lugar at tao.
Kasama rin sa pinagmulan ng suliranin para sa pnanaliksik ang mga mambabasa sa
mga aklat at iba pang mga sanggunian tulad ng mga dyaryo, magasin at dyornal.
Katangian ng Isang Mahusay na Suliranin
1. Mahalaga na may interes ka dito.
2. Kailangan ay may kapaki-pakinabang na halaga ito sa iyo, sa iyong paaralan o
komunidad.
3. Dapat ay hindi pa ito lubhang nasasaliksik.
4. Ito ay dapat nagtataglay ng bagong kaisipan.
5. Kailangan ay saklaw ito ng iyong karanasan.
21. 6. Dapat na maging libre ito sa legal o moral na balakid.
Mga Halimbawa ng Suliranin o Paksa
Mga Pamagat ng Isang Sulating Pananaliksik
1. Isang Pag-aaral sa Paggamit ng Wikang Bernakular ng mga Mag-aaral sa Ikatlong Taon
sa Mataas na Paaralang Las Pinas.
2. Isang Worktext sa Pagtuturo ng mga Kasanayang Pangwika sa Sining ng Komunikasyon
Para sa mga mag-aaral ng Ama Computer College, Sangay ng Makati
3. Isang Pag-aaral sa Kasanayan ng Paggamit ng Wika ng mga Mag-aaral sa mga Sulating
Filipino ng Ikaapat na Taon sa Mataas na Paaralang Makati.
4. Isang Pagsusuri sa Pag-aaral sa Kasanayang ng Pagsusuri ng Mga Mag-aral sa Ikaapat
na Taon ng Perpetual University sa Paggamit ng mga Teoryang Pampanitikan sa mga
akdang Filipino.
Ang Pagpapahayagn ng Layunin
Matapos matiyak ang paksa o suliranin na nais saliksikin, kailangang makagawa ng
isang paunag pahayag ng layunin ng papel. Dapat na suriing mabuti ang bawat salita upang
matiyak ang kahulugan. Kahit sa bahagi pa lang na ito ay kailangan nang mabigyang-
katuturan ang mga termino. Kapag naisakatupatan na ito ay handa nang pumunta sa silid-
aklatan upang magsimula nang magsaliksik.
Paggawa ng Tentatibong Balangkas
Ang pagbabalangkas ay ang sistema ng isang maayos na paghahati-hati muna ng mga
kaisipan ayon sa tataluntuning lohikal na pagkakasunud-sunod bago ganapin ang paunlad
na pagsusulat. Ito ang pinakakalansay ng sulatin na nagsisilbing hulmahan ng kalalabasang
22. porma ng isang katha. Ito ay nagsisilbing gabay ding humahaya sa isang ganap na
matalinong paghakbang ng bawat puntong tatalakayin o ilalahad.
Mga Porma ng Balangkas:
Balangkas na may animang antas
I.
A.
1.
a.
1).
a).
b).
2).
b.
2.
B.
II.
Balangkas na may tatluhang antas
I.
A.
B.
23. 1.
2.
II.
A.
B.
1.
2.
III.
Balangkas ng Bilang
1.
1.1.
1.2.
2.
2.1.
2.2.
3.
Sa alinmang sulatin – paglalahad, komposisyon, pananaliksik, atb. – karaniwan nang
ang balangkas ay naglalaman ng mga bagay na sumusunod, at ang mga ito ay nagpapakita
na rin sa mga bahaging dapat tuntunin sa pagsulat:
Pamagat ( Paksa ng Sulating Pananaliksik)
1. Introduksyon/Panimula
1.1. Ang Layunin ng Pananaliksik
24. 1.2. Ang Kahalagayah ng Paksa o ng inyong isinusulat o sinulat
1.3. Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Paksa
2. Katawan ng Sulating Nauukolo Mismo sa mga Bagay-Bagay na Napag-alaman Tungkol sa
Paksa (Related Literature)
2.1. Unang Puntong Dapat Talakayin
2.2. Pangalawang Punto
2.3. Pangatlong Punto
3. Pamamaraan
3.1. Eksperementasyon
3.2. Ilustrasyon o Larawan
4. Pangwakas
4.1. Konklusyon
4.2. Rekomendasyon
i. Talaan ng Saggunian/Bibliograpiya
ii. Apendise
iii. Glosaryo
iv. Dahon ng Pasaalamat
Pamamaraan
25. Kung kayo’y may ideya sa inyong layunin at kahalagahan ng pag-aaral ng inyong
gawain, may direksyon na kayo sa inyong sinusulat. Ang pamamaraan sa pagkuha ng
impormasyon ay ang sumusunod:
1. Sa pagkuha ng imprenta o di naimprentang mga aklat, magasin, journal o microfilm,
kailangang angkop sa gagawing pananaliksik. makukuha ito sa mga aklat ng inyong
paaralan o pambansang aklatan.
1.1. sa pagkuha ng mga bagay-bagay na dapat isaalang-alang sa pagkuha ng mga tala:
a. gumamit ng ”5x8” (maaari ring ”4x6”, depende sa instruksyon ng guro) na indeks
kards. mas mabuti ang indeks kard kaysa sa ordinaryong papel dahil mas matibay ito at
mas madaling ayusin.
b. kailangang isang ideya lamang ang isusulat sa bawat kard. Kung kukulangin ang
isang kard ay maaaring gumamit ng iba pang kard. Maski maigsi ang naisulat sa isang kard
ay huwang magtangkang sumulat ng bagong idea sa karagdagang kard na ito.
c. maging maingat sa pagbubuod ng sinabi ng isang awtor. Kailngan di mawawala ang
tunay na kahulugan. Maaari ring kopyahing eksakto sa kung paano ang pagkakasulat at
saka na lamang desisyunan kung anu-ano ang nais talagang sipiin nag buong buo.
d. Palagom kung ang impormasyon ay sobrang haba para kopyahin nang buong-buo
ang teksto. Ito ay hindi binabantasan ng panipi ( ”... ”), lamang, tungkulin ng mananaliksik
na kilalanin ang pinagkunang aklat sa pamamagitan ng pamagat ng Aklat (Pook na
Pinaglathaaan: Tagapamahala, Taon ng Pagkakalathala), pahina (p) o mga pahina (mp/pp)
Tatlong Paraan ng Pagkuha ng Tala
26. 1. Pagbubuod (Summarizing) Isinusulat ang tala sa sariling pananalita nang hindi
nababawasan ang orihinal pagkat naroon doin ang pangunahing ideya at mga detalyeng
sumusuporta dito.
2. Paghahawig (Paraphrasing) – malayang ipinahahayag ang mga tala batay sa paliwanag
sa orihinal. Sa ganitong paraan, napipilitang mag-isip at umunawang mabuti sa kabuuang
ideya ang kumukuha ng tala na hindi nangyayari kapag kinokopya lamang ang mga tala sa
pinagkukunan.
3. Tuwirang sipi (Quotingt) – kumpletong kinokopya ang salitang pangungusap mula sa
sanggunian at ikinukulong sa panipi,
Halimbawa ng notkard
Kahulugan ngDemokrasya
Ayon kay Charles E. Merriam: ”angdemokrasya ay hindi lamang mga tinipong pormula
o plano ng pagsasaayos kundiisang buong kaisipan at pagkilos tungo sa kapakanan at
nasanakararami.”
Nangangahulugan na ang kapakanan ayhindi lamang ang mga pulitikal na gawain.
Sumasaklaw din ito nang malawakan samga materyal na layunin at ispiritwal na kaisipan
tulad ng pagtataas ng batayanng pamumuhay, pagpapayaman ng katauhan, pakikinabang
ng lahat sa kinikita ngpamahalaan na nagpapataas sa ekonimoia at sosyal na paggawa sa
buong komunidadnang hindi nabibinbin.
Stene
PublicAdministration
pp.25-26.
Feminsimo(Paksa)
“Bilang parusa sa mgababaeng ayaw tumigil sa kadaldalan… sa bawat paggalaw ng
dila nito, natatanggalang buhok sa kanyang mukha hanggang sa tuluyan nang malagas ang
lahat ng mga itoat matambad ang kanilang mga dibdib.”
27. Loline M. Antillon at Rachel L. San Miguel, SANDUGOPanitikn ng Kapuluang
Pilipinas(Quezon City: Haggai Publication, 1987), p.20
Halimbawa ng palagom
Simbolismo(Paksa)
Ayon sa paningin ni Northrope Frye, ang taglagas ay kaalinsabay ngkatandaan; ang
taglamig; kamatayan; ang tagsibol, pagkabuhay na muli; at angtag-init, buhay, pagyabong
o dili kaya’y pamumunga. Kaugnay ng panahon, ang mgabahagi ng isang buong araw ay
may sinasagisag ding kahulugan: ang umaga,halimbawa, ay kaalinsabay ng pagsilang o
kabataan; ang katanghaliang tapat,kasibulan; at ang gabi, katandaan o pagpanaw; kaya
nga, ang palasak nakasabihang “nasa papalubog na ang araw sa buhay.”
Nortrope Frye, “The Archetypes ofLiterature” inModern LiteraryCritism,Edited by Isagani
Cruz (Manila: De La Salle University Press,1984), mp.404-4017
2. Pakikipanayam sa tao – sa mga dalubhasa o sa mga sumusulat sa larangan ng inyong
pananaliksik. Ito’y pakikipag-usap sa taong pinagmulan ng datos.
3. Sa mga establisyemento o mga pagawaan – pagkuha ng impormasyon sa mismong mga
gumagawa sa pabrika. Ibabatay ang impormasyon ayon sa inyong nalalamang operasyon
ng paggawa.
4. Sarbey – pagkuha ng larawan ng kaalaman, kabatiran, asal, ikinikilos ng isang takdang
pook sa pamamagitan ng matematika at pagsusuring estatistika. Ito’y galing sa mga sagot
ng na pinakasimple o napiling populasyon, sa pamamagitan ngt pagtatanong o
pakikipanayam. Ang ganitong pamamaraan ay karaniwang ginagamit sa higit na masusing
pamamaraan ng pananaliksik.
Paggawa ng Talasanggunian o Bibliograpiya
28. Ang talasanggunian o bibliograpia ay isinusulat sa papel paalpabeto. Narito ang ilang paraan
kung paano isusulat ang talasanggunian.
1. Libro
Ang dapat isaalang-alang ay ang pangalan ng awtor, pamagat ng akda at mga tala
tungkol sa pagkakalimbag o publikasyon
a. nauuna ang paelyido na sinusundan ng kuwit at nahuhuli ang unang pangalang o
mga pangalang na sinusundan ng tuldok.
Fluid, Madil W. Level. Plymouth: Macdonal and Evans, Limited. 1993
b. Kung dalawang tao ang may-akda: ang unang awtor ay sumusunod sa tuntunin a at
ang ikalawang awtor ay mauuna ang unang pangala bago ang apelyide at sinusundan din
ng tuldok.
Downey, Glen L. at Gerald W. Smith B., Advanced Dynamics for Engineers,Pennsylvania:
International Textbook Company. 1920
c. kung sa mahigit sa dalawa ang akda ng libro, sundin ang tuntunin a at dadagdagan ng et
al.
Piits G. et al. Techinique in Engineering Design. London: The Butterworth, 1973
d. Magasin – isinusulat ang pangalan ng artikulo sa loob ng panaklong. Ang pangalan ng
magasin at sinsalungguhitan.
Lyn, Applegate E. (Me, BRAINS SEPARATION PROCESSOR) Chemical
Engineering, International News:McGraw Hill Publication, June 11, 1984
e. Artikulo – sinusunod ang tuntunin sa pagsulat ng awtor sa libro. Gawing malaki ang
unang letra ng mga mahahalagang salita at lagyan ng tuldok. Lagyan din ng dobleng panipi
29. ang unahan at dulo ng buong pamagat. Sundin ang pagpapalaking letra sa pamagat ng
artikulo. Salungguhitan ang buong pangalan o italisado. Ang bilang ng bolyum, petsa at
bilang ng pahina.
Pagtatalababa
Dalawang Uri ng Talababa
1. Talababang Kumikilala – nagsasaad ng pangalan ng pinagkunan at lahat
katungkulang di-dapat ipagwalang-bahala ng isang nananaliksik. Nagsasaad ito ng pangalan
ng pinagkunan at lahat ng mga mahahalagang dapat banggitin dito. Kung libro ay ilalagay
ang pamagat ng libro, lugar ng palimbagan, ang palimbagan, petsa at pahina. Kung
peryodikoal ay kailangan ang pangalan ng sumulat, pamagat ng akda, pangalan ng
peryodikal, bolyum, petsa at pahina.
2. Talababang Nagbibigay-kahulugan – talababang nagpapaliwanag tungkol sa
isang bahagi ng papel. Dito nakapagdadagdag ng sariling opinyon ang sumulat.
Ang pagpapabaya na gumagamit na talababang kumikilala ay maaaring magbunga ng isang
kasalanan – ang panghuhuwad o plagarism. Ito ay pag-aangkin sa kaisipan o ideya ng iba.
Kailangang killaanin ang may-ari ng isang kaisipan bilang pagssakatuparan sa isang tunay
na pananaliksik.
Mga Daglat ng Ginagamit sa Pagtatalababa
blg. bilang
bol. bolyum
cf. confer, ihambing
et al. et alili, at iba apng manunulat o tao
ibid. ibidem (in the same place), sa parehong akda na kagyat na kasunod.
30. kab. kabanata
loc cit. loco citato (in the place cited), sa parahong pinagkuna na may namamagitang iba
pang pinagkukunan. Ang apelyido lamang ng awtor ang ilalagay.
op cit. opera citato ( in the work cited) sa parehong pinagkukunan na may
namamagitang iba pang pinagkukunan pero iba ang pahina. Ang apelyido lamang ng awtor
ang ilalagay at ang bilang ng pahina.
p. mp o pp pahina o mga pahina
sal. salin
[sic] ayon sa orihinal, may napansing kamalian ang sumusulat ngunit hindi iwawasto.
Walang tuldok.
w.p. walang petsa
w.l. walang lugar na ibinigay
ser serye
MS manuskrito
passim sito at doon sa buong aklat
Tiyak na Pagahahlimbawa ng Talababa
1
Teodoro Agoncillo at Milagros Guerrero, History of the Filipino People(Quezon City:
R.P. Garcia Publishing House Co., 1970), p 68
2
Ibid.
3
Ibid., p 86
4
. Gemma N. Almendral, “The Reformists of the February Revolution”, Diliman Review,
bol. 34, blg 2, 1986, p. 7
5
Isabel dela Toree, “Secret Base in Bukidnon”,Manila Standard, Enero 13, 1989, p.3
6
Ibid
31. 7
Almendral, loc cit.
Sanggunian:
Wikang Filipino Retorika at Sulating Pananaliksik. Ligaya Tiamson – Rubin et al pp. 176-194
Sining ng Komunikasyon. Magdalena O. Jocson et al pp. 156-190
Filipino Pangkolehiyo. Arrogante pp. 175-190
Gamiting Filipino Pagbasa at Komposisyon. Kagawaran ng Filipino Dalubhasaang Normal ng
Pilipinas pp. 227-238