SlideShare a Scribd company logo
1 of 12
ANG TULA
PANIMULA
Ayon sa ilang makata ang tula ay:
Kay Alejandro G. Abadilla: “ang tula ay kamalayang nagpapasigasig.”
Kay Julian Cruz Balmaceda: “ Ang Tula ay isang kaisipang naglalarawan ng
kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan—ang tatlong bagay na magkakatipun-
tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula.”
Kay Inigo Ed. Regalado: “ Ang tula ay isang kagandahan, dula, katas, larawan,
at kabuuan ng tanag kariktang nakikita sa silong ng alin mang langit.”
I. ANG MGA SANGKAP NG TULA
Sa tradisyunal na tula may apat (4) na sangkap ang tinataglay nito:
1. Sukat: ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula.
Halimabawa ng mga sukat:
a. kopla (couple) f. lalabing-animin
b. aapatin(quatrain) g. lalabingwaluhin
c. aanimin h. soneto (sonnet)
d. pipituhin I. haiku (5-7-5)
e. wawaluhin (octave) j. tanaga (7-7-7-7)
TADAAN: Ang mga tradisyunal na tula ay may sesura o ang bahagyang pagtigil
sa pagbabasa ng bawat taludtod. Sa mga tulang may sukat na
lalabingdalawahin, ang sesura ay bumabagsak sa ika-6 na pantig, sa mga tulang
lalabing-animin ang sesura ay nasa ika-4 o ika-8 pantig, at para sa tulang
lalabingwaluhing pantig, ang sesura ay nasa bawat 6 na pantig ng taludtod.
2. Tugma: Ito ang pagkakasintunugan ng huling salita sa bawat taludtod. Ang
tinutukoy dito ay ang katutubong tunog ng huling pantig ng salita kung hindi pa
naangkupan. Hindi nagiging batayan sa pagtutugma sa mga sumusunod na
taludtod nalikhang tunog ay katulad ng katutbong tunog ng pantig bago ito
inangkupan.
2 URI NG TUGMAANG PANTIG
A. Tugmaang Ganap: ang huling pantig ng dulong salita ng bawat taludtod ay
magkakasintunog
at magkakatulad ng diin at tuldik.
Halimbawa:
Wala na, ang gabi ay lambong sa luksa
Panakip sa aking namumutlang mukha,
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon, ni tao’y hindi natuwa.
“Punongkahoy”
Jose Corazon de Jesus
B. Tugmaang Karaniwan: ang huling pantig ng dulong salita ng bawat taludtod
at
magkakatulad ng tunog ngunit magkakaiba sa diin.
Halimbawa:
Kung siya mong ibig na ako’y magdusa
Langit na mataas, aking mababata
Ako’y minsan-minsang mapag-alaala
Isagi mo lang sa puso ni Laura
“Florante at Laura”
Francisco Balagtas
2 URI NG TUGMAANG KATINIG
A. Unang pangkat na binubuo ng mga katinig na B, K, D, G, P, S at T at
magkakapareho ng tunog ayon sa patinig na nasa kanilang unahan.
Halimbawa:
Ang salpok ng mga alo’y sa talampas nababasag
At sa hangi’y sumasama sa rurok ng alapaap
Parang diwa ng makata kung mayroong sinusulat
Humahantong sa palasyong lundu-lundong mga ulap.
“Ang Dagat”
Rafael Sabino
B. Ikalawang pangkat ay binubuo ng mga katinig na L, M, NG, R, W, at Y at
magkakapareho ng tunog ayon sa patinig na nasa kanilang unahan.
Halimbawa:
Tao: Kilala kang sa Sangkalupaan
At tanang nlikha, ang Hari ay ikaw
Ang pag-usap mo at dunong kung minsan
Pati kay Bathala ay nagmamayabang
At talastas ko ring ang kaligayanhan
Ay siya mong mithi habang nabubuhay
“Nangungusap ang kasaysayan”
Lope K. Santos
3. Makabuluhang Diwa: Tinutukoy nito ang pangkalahatang diwa o kaisipan ng
tula na nais iparating sa mga mambabasa.
4. Kagandahan o Kariktan: Tinutukoy ng sankap na ito ang paggamit ng mga
piling mga salita
sa tula upang ito’y maging maganda.
5. Tunog: Ito’y kinakasangkapan ng makata sa pagpapatingkad ng mga
karanasang inilarawan niya sa kanyang tula.
Uri ng Taludturan
Isa sa mga katangian ng tula ay ang pagkakaroon ng mga taludtod. Ang
taludtod ay ang pagkakapangkat-pangkat ayon sa pinagkaugalian nang ayos sa
tula. Ayon sa aklat na Panulaang Tagalig ni Jose Villa Panganiban, ay iba’t ibang
uri ng taludturan.
1. Kopla - kapag ang taludtod ay pinangkat sa dalawahan.
Halimbawa:
Republika ba itong busabos ka ng dayuhan?
Ang tingin sa tanikala’y busilak na kalayaan.
Kalayaa! Republika! Ang bayani’y dinudusta
Kalayaan pala itong mamatay nang abang-aba!
Republikang Basahan ni Teodoro Agoncillo
2. Triplet - Kung ang taludturan ay binubuo ng tatlong taludtod.
Halimbawa:
Aninong maitim sa mukha ng araw,
Tabing na pansangga sa ngiti ng buhay
Palagay ko’y ganyan pag may kalungkutan.
Malawak na laot na sakmal ng dilim
Mabigat na pataw na nagdudumiin,
Ganyan ang damdam ko kapag may panimdim.
Kalooban ni Jose Villa Panganiban
3. Quatrain – taludturang may apat na taludtod. Karaniwang anyo ng
taludturan sa panulaang Tagalog.
Halimbawa:
Pasikat pa lang ang araw,
nagsisimula nang araw mo
Ihanda ang alagang kalabaw
na katuwang sa pagbabanat ng buto.
Nililinang ang lupang tigang
Upang mapakinabangan
Dulot nito ay kaligayahan
Sa bawat tahana’t hapag.
Ang Magsasaka ni Allan A. Ortiz
4. Quintet – taludturang binubuo ng limang taludtod
Halimbawa:
Kung may isang ibong tuwing takip-silim
Nilalapitan ka at titingin-tingin
Kung sa iyong silid nasok na magiliw
At ika’y awitan sa gabing madilim;
Ako iyan, giliw!
(J.C. de Jesus – “Kahit Saan”)
5. Sextet – tawag sa taludturang may anim na taludtod
6. Soneto – ito naman ay tulang binubuo ng labing-apat na taludtod.
Batay sa kayarian ng taludturan ng tula, ito ay nauuri:
1. May sukat - May tugmaang taludturan. Ito ay katutubong kayarian ng
tulang Pilipino. Binubuo ng mga taludtod na may sukat at tugma.
Kapag pinag-uusapan ang tugma, ito ay ang magkakahawig na mga
tunog sa dulo ng mga taludtod sa panulaan. Kung ang huling salita ng
isang tuludtod ay kasintunog ng huling salita ng sumunod pang
taludtod, ang dalawang taludtod na ito ay sinasabing magkakatugma.
Ang tugmaan sa hulihan ng taludtod ay maaaring:
- a-a-a-a magkakatugma ang huling pantig sa apat na taludtod ng
saknong
- a-b-a-b- magkatigma ang una at ikatlong taludtod, at magkatugma
ang ikalawa at ikaapat na taludtod
- a-b-b-a magkatigma ang una at ikaapat na taludtod, at
magkatugma ang ikalawa at ikatlong taludtod
- a-a-b-b- magkatigma ang una at ikalawang taludtod, at
magkatugma ang ikatlo at ikaapat na taludtod
Sa mga salitang ang huling pantig ay may patinig, ang
magkakasintunog ay ang sumusunod:
- ab, ak, ad, ag, ap, as, at
- ib, ik, id, ig, is, it
- ob, ok, od, og, op, os, ot
- an, al, am, ar, aw, ay, ang
- on, ol, om, or, oy, ong
2. Malayang taludturan o free verse sa Ingles. Ito ang makabagong
kayarian ng mga tulang walang sukat at walang tugma. Karaniwang
walang aliw-iw, walang tugma, at walng tiyak na sukat.
3. Di-tugmaang taludturan (blank verse) Ayon kay Jose Villa
Panganiban, ito ay naging popular sa Inglatera mula noong 1557.
Bagama’t ito’y hindi gaanong kilala sa ating bansa, mahalagang
masama at pag-aralan ito bilang isang uri. Ito ay tulang may sukat
subalit walang tugma.
3 URI NG TUNOG
A. Aliterasyon: ito ay ang pag-uulit ng isang tunog ng isang katinig na ginagamit
sa magkakalapit
na salita o pantig.
Halimbawa: Sa sinayaw-sayaw at hinalik-halik sa aking paanan,
Titik kong masigla ng lumang talindaw,
“Dalampasigan”
Teodoro Agoncillo
B. Asonansya: ang pag-uulit ng tunog ng isang pantig.
Halimbawa: Ang buhay ng tao at sa taong palad
Nasa ginagaya ang halaga’t bigat
May mga mayaman na dapat umiyak
At may dukha naming magalak ang dapat
May mangmang na lagging ang mata ay dilat
At mayroong marunong na lagi nang bulag.
“ Ang Buhay ng Tao”
Jose Katindig
C. Onomatopeya: Aang pagkakahawig ng tunog ng salita at ang diwa nito.
Halimbawa: Kumaluskos ang dahon
Sumalpok ang alon
Sa luhang dumaloy
Lumagaslas ang talon
Kulog ay dumagundong
Lumalagablab ang apoy
“Harana ng Kalikasan”
6. Talinghaga: Ito ang pinakatampok na bahagi ng tula. Tinutukoy nito ang mga
sagisag, tayutay o salita at pariralang nagbibigay ng ikatlong kahulugan na nag-
uudyok sa mambabasa na mag-isip at tumakas sa diwang ipinahihiwatig ng mga
ito.
Ang mga karaniwang tayutay na likaw ay 1. simili 2. metaphor, 3. metonomi, 4.
sinekdoki 5. personipikasyon, 6. hayperboli, Ang mga tayutay na patalinghaga ay
maaaring kumatawan sa 1. paradols, 2. apostropi, 3. balintunay o irony, 4.
antitesis, 5. oksimoron.
LIKAW
a. Pagtutulad / simili – tuwirang paghahambing ng dalawang bagay.
Karaniwang isang salitang may kasamang pambuong salita tulad ng
kasing-, sing-, tulad ng, ala, gaya ng, kawangis…
hal. Siya ay kasingtigas ng bato kung manindigan
b. Pagwawangis / metaphor – patumbis na paghhambing ng dalawang
bagay sa pagtuturing o pagopapalit ng isa para sa isa.
Hal. Siya ay bato kung manindigan
c. Pagpapalit-tawag / metonomi – isang uri ng metaphor na ang ngalan ng
isang bagay o kaisipan ay ipinapalit sa isang may malapit na kaugnay
dito.
Hal. Binasa natin si Balagtas dahil sa kanyang panitik at diwa.
Ang Balagtas ay ipinalit sa kanyang mga akda.
d. Pagpapalit-saklaw / Sinekdoki – isang uri ng paghahambing na ang
bahagi ay pinagaganap para sa kabuuan. (Sa metonomi, ang kabuuan ay
ginagamit para sa bahagi)
Hal. Hiningi ni Pedring ang kamay ni Rosie.
e. Pagtatao / personipikasyon – pagbibigay ng katangian ng tao sa bagay na
di-tao.(nilikha o kaisipan)’
Hal. Sumilip ang buwan sa gilid ng ulap.
f. Paghihimig / Onomatopeya – pagbuo ng salitang katunog ng
ipinapahayag.
Hal. Ang tunog ng batingaw ay umalingawngaw sa buong nayon.
Siya’y madaling maakit sa kalansing ng salapi.
g. Pun – paglalaro sa salita na katunog ng ibig ipahayag ngunit kaiba ang
kahulugan. Ito ang pinakamababa at halos bulgar na tayutay.
Hal. Si Imaldita ay bumagsak din sa kanyang katayugan. (sa halip Imeldita)
Amain naming….sumasakumbento ka… (sa halip Ama)
h. Pagmamalabis / Hayperbole – sinasadyang pagmamalabis sa paghayag
ng katotohanan para sa pagbibigay-diin.
Hal. Sa katangis ni Florante ay nadilig ng luha ang punong kanyang
kinagagapusan.
Nagbabaga sa galit ang kanyang mga mata
i. Hambing-tao – paghahambing sa isang kilalang tao o kathang tauhan.
Hal. Siya ay si Minerva sa katalinuhan.
Isa siyang David na naharap kay Goliat.
TALINGHAGA
a. Paradoks – isang pahayag na waring taliwas sa karaniwang kinikilala
nang katotohanan o kontra sa sentido komon, ngunit kung uusigin maigi
ay lalabas na may matatag na batayan at matatanggap.
Hal. Ang edukasyon ng bata ay nagsisimula 100 taon bago ito isilang.
“Isa at isa ay isa.” (Isang patak ng tubig sa dahon ng gabi ay napatakan pa ng
isa, kayat nagging isang malaking patak na bumagsak sa lupa)
b. Panawagan / Apostrope – isang pagtawag sa isang baagy o tao na wala
sa harap ng nagsasalita o hindi makaririnig sa sinasabi ng nagsasalita.
Hal. “O, Kalayaan, ilan nang krimen ang nagagawa sa iyong pangalan?”
c. Pag-uyam / Ironiya – paraan ng pagsasalita, karaniwa’y patuya o pauyam,
na sa tunog ay kontra o salungat sa sadyang nais sabihin.
Hal. “Dakilain ang mararahas sapagkat sila ang nakagagawa” (kung ang
nagsasalita ay laban sa diktadura)
d. Antitesis – kaanak ng ironiya, ang antitesis ay nagpapahayag ng
kaisipang magkasalungat.
Hal. Ninanakawan ng kuripot ang kanyang sarili.
Binabaliw muna sa tuwa ni Bakus ang nais niyang puksain.
e. Oksimoron – paghahalo ng dalawang salitang magkasalungat na nagiging
isang katanggap-tanggap na pahayag.
Hal. Ang kanyang ginawa sa akin ay may-awang pagpatay.
Siya ay natulig sa nakabibinging katahimikan na sumalubong sa kanya.
Karagdagang tayutay
Aliterasyon – masining na pagkakasunod-sunod ng tunog ng katinig sa isang
taludtod.
Asonansya – magandanf tunog na magkakasunod na patinig.
Ang aliteraston at asonansya ay katutubo sa wikang Filipino, lalo pa’t
iisipang marami tayong salitang inuulit o mga pantig na reduplikasyon.
Taguri – paggamit ng palayaw, ambil o bansag na mapang-uri o may
paghahambing.
Hal. Kenkoy ka naman masyado.
7. Larawang-diwa: Ito ang mga salitang nakapaloob sa tula kapag binabanggit
ay nag-iiwan na ng mga larawan sa isipan at pinatatalas nila ang iba’t ibang
pandama; pang-amoy,paningin,pandinig,panlasa,at pandamdamin.
8. Simbolo: Tinutukoy nito ang paggamit ng mga salita ng mga sagisag na
maaaring larawan o mga salitang larawan na kumakatawan sa ibang bagay at
nagpapahiwatig o bumubuo ng diwa sa isip ng mambabasa.
***************************************************************************************
TULA
Ang tula ay pagpapahayag nang tapat na katotohanan na pinatining at
pinatingkad ng pananaw at pandama ng makata. Ang mga taludtod ay hindi
pumpon lamang ng mga salita kundi manapa’y salamin ng pansariling daigdig ng
mga karanasan, mithiin, adhikain at kapalaran ng tao sa kanyang paligid.
(Blamaceda 1980)
MGA SANGKAP NG TULA
ANG SUKAT. Ito ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. Sa tulang
tradisyunal, ang mga palasak at gamiting sukat ay ang labindalawa, labing-anim
at labingwalo. Ang di-tradisyunal na tula ay walang isinasaalang-alang na bilang
ng pantig sa bawat taludtud. Tinatwag itong malayang taludturan.
Sa mga tulang may sukat nna lalabindalawahin ay may bahagyang pagtigil sa
pagbabasa sa bawat ikaanim na pantig ng taludtod; samantala sa
lalabingwaluhin ay sa ikasiyam na pantig. Ang bahagyang tigil na ito ay
tinatawag na sesura.
Halimbawa ng may lalabindalawahing pantig:
Batong tuntungan mo // sa pagkadakila
Batong tuntungan ka // sa pamayapa
Talagang ganito // sa lapad ng lupa
ay bali-baliktad // lamang ang kawawa.
J. C. de Jesus. Ang Bato
Halimbawa ng may lalabingwaluhing pantig:
Minsa’y nakitako / ang isang bulaklak / sa aking lagwerta
Sa siwang ulap / ay mata ng Birheng / malamlam tumingin;
Ang aking ginawa / puso’y idinungaw / sa pinto ng dibdib
Saka ang bituin / ay kinaulayaw / sa suyo ng halik
At nang itinanong ko / sa kanya ang aking / mga panaginip
Ay sinagot akong / ang panaginip ko’y / Pag-ibig! Pag-ibig!
C.H. Panganiban, Hantungan ng Palad
ANG TUGMA. Ito ay pagkakatulad ng tunog ng huling salita sa bawat taludtod.
May tinatawag na tugmang ganap – magkakasintunog ang huling salita sa bawat
taludtod , at magkakatulad pa ang bigkas o uri ng diin (stress) o uri ng tuldik at
tugmang karaniwan – ay pareho lamang ng tunog ngunit hindi pareho ang diin sa
mga dulong salita ng taludtod.
Halimbawa ng tugmang ganap:
Wala na, ang gabi ay lambong na liksa,
Panakip sa aking mumunting mukha
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga
Ni ibon, ni tao’y hindi matuwa.
J.C. de Jesus, Punungkahoy
Halimbawa ng tugmang pareho ngunit hindi pareho ang diin
Kung magalit ka man at kusang lumayo
Na isang hinagap ang baon sa puso
May mga sandaling ang aking pantuho
Ay magiging tamis sa paninibugho
I. Regalado, Ang Ibong Nagtampo
Bukod sa tugmaang patinig, mayroon ding tugmaang katinig.
Napapangkat sa dalawa ang mga katinig para sa tugma – ang una ay b,k,d,g,p,
s, t.Ang ikalawang pangkat ay l, m. n. ng, r, w, y.
A
B
Palasak sa tradisyunal na tula na may tugmaang aaaa, abab at aabb
Halimbawa ng tugmang aaaa
Ang lumang simbaha’y nalimot ng lahat
Pinagkatakutan, kay daming nasindak
Umano kung gabi ay may namamalas
Na isang matandang doo’y naglalakad.
Halimbawa ng tugmaang abab
Kaluluwa, lagi nang malikot, Malaya
At kahit sa Diyos ay di nanganino
Ang tanging relihiyon ay pambansang wika
Na diwa ng buong baying Pilipino.
(a) (b) (c)
Alab tigib kaloob
Bitak sabik purok
Sagad bukid tanod
Dilag hilig sabog
Ulap silip dahop
Labas tamis taos
Alamat langit poot
(a) (b) (c)
Mahal butil parol
Alam dilim lagom
Ngalan sapin nayon
Tingnan tabing bubong
Altar martir bapor
Tanglaw tingin taghoy
Buhay aliw-iw aapoy
TALUDTOD - ang linya ng mga piling salita sa isang tula. Ang kalipunan o
pinangkat na taludtod ay tinatawag nating taludturan. Sa pagsulat ng tula, sa
tradisyunal na pagsulat, apat na taludturan ang tinataglay nito. Maaaring
maihalintulad sa isang talata ang taludturan. Sa istilo ng pagsulat ng tula
nagkaroon ng mga uri ng taludturan.
a. Kopla (2)
b. Triplet (3)
c. Quatrain (3)
d. Sextet (6)
e. Soneto (14)
Sa pagsulat ng tula, isa ang istilo ng manunulat sangkap sa pagbuo ng
tula. Kug ayarian ng taludturan ang pag-uusapan,masusuri natin ito batay sa
kayarian ng sukat sa taludturan. Ibig sabihin ang sukat sa taludtod ay
nagkakaroon ng baryasyon:
a-a-a-a – magkakapareho ang sukat sa bawat latudtod
a-b-a-b – ang una at ikatllo ay magkapareho ang sukat at ang ikalawa at
ikaapat ay magkapareho ng sukat.
a-a-b-b – ang una at ikalawang taludtod ay magkapareho ang sukat at ang
ikatlo at ikaapat ay magkapareho ng sukat.
a-b-b-a –ang una at ikaapat ay magkapareho ang sukat at ang ikalawa at
ikatlo ay magkapareho ng sukat sa taludtod.
Sa madalling sabi ang a-a-a-a ay isang tradisyunal na uri ng talludturan at
ang sumunod na kayarian batay sa sukat sa taludturan ay nauuri sa malayang
taludturan.
Gayundin sa tugmaan, may kayarian din ng tugmaan sa taludturan.
a-a-a-a – magkakatugma ang tunog ng huling pantig sa apat na taludtod
a-b-a-b – ang una at ikatllo ay magkakatugma ang tunog ng pantig sa dulo ng
taludtod at ang ikalawa at ikaapat ay magkapareho ang tunog ng
pantig sa dulo ng taludtod..
a-a-b-b – ang una at ikalawang taludtod ay magkatugma ng tunog sa dulo ng
taludtod at ang ikatlo at ikaapat ay magkatugma ang tunog sa dulo
ng taludtod.
a-b-b-a –ang una at ikaapat na taludtod ay magkatugma ang tunog ng pantig
at ang ikalawa at ikatlo ay magkatugma ang tunog ng pantig sa
dulo ng salita.
MAKABULUHANG DIWA. Ito ay pagkakaroon ng malalim na kaisipan o
makabuluhang diwa. Ito ang pinagkaiba ng tula sa isang karaniwang tugma. Sa
mga linya nito makikita ang matayog na kaisipan at nasa makabuluhang diwa
ang mensahe ng tula. Nakapaloob dito ang mga talinghagang likha ng
matalinong isipan, pagkukuro at guniguni ng makata.
Hindi makikita sa dami ng taludtod o haba kaya ng tula nasusukat ang pagiging
tula ng isang likha kundi sa nilalamang makabuluhang diwa at mga talinghaga
gaya ng tanaga.
Halimbawa:
Sising Alipin Iskwater
Sinusuntok ko ang langit Balon ng kadiliman
Nagalit ang bathala Tangi nilang luklukan
Aking kinaing pilit Isdang nagpipiglasan
Ang sarili kong dila. Nang makahinga lamang.
A. Tiburcio O. Pagsanhan: Kulay B
ANG KARIKITAN. Ito ay kagandahan at larawan ng kabuuan ng karikitang
nakikta ng matalas na pananaw ng makata. Gumagamit ng mga piling-piling
salita na nakagigising sa mayamang guniguni ng mambabasa. Tumitingkad ang
kahulugan ng mga salita at nakabubuo ng buhay sa buhay na larawang-diwa sa
paggamit ng simbolo at talinghaga.
ELEMENTO NG TULA
TUNOG. Sinasabing nakagaganda sa tula ang pagkakapare-pareho ng tunog ng
mga huling pantig ng mga salita, bagama’t bukod diyan ang tunog ay nagiging
kasangkapan din ng makata upang makapaghatid ng isang madamdamin,
sensuwal, at matalinong karanasan.
Halimbawa:
Iyang kamay na suulak at nagpabulas sa bulto
Iyang kamay na kumatam at kuminis sa anggulo
Iyang kamay na naglapat, nagpako at nagmartilyo
TALINGHAGA. Higit na mabuti at mabisa kung ang mga salitang ito ay ihahayag
sa iba’t ibang uri ng talinghaga. Sa panulaang Filipino, pinakagamitin na ang
pagtutulad (metaphor), pagsasatao (personification) at eksaherasyon
(hyperbole).
Halimbawa:
Pagtutulad
Ang tula ay parang bulaklak; may bango!
May bulaklak na walang bango, walng tula!
Ang tula ay parang pintura, may kulay!
May pinturang walang kulay; walang tula!
Ang Tula, Jose Corazon de Jesus
Pagsasatao
“Pumipiukit
dumidilat
ang kandila
dumidilat
pumipikit
kumakaway
tumatawag
ang kandila.”
Kandila, Fernando Monleon
Eksaherasyon
“Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral,
Nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
Nag lutuin mo ang pilak, ang salapi ay lumitaw,
Si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayo’y nagyayabang.
_Manggagawa, Jose Corazon de Jesus
LARAWANG-DIWA. “Imagery” tumutukoy sa mga salitang kapag binabanggit sa
tula ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Ang
mga salitang ito ang magpapmalas sa panlasa, pang-amoy, paningin at iba pang
persepsyon ng mambabasa.
Halimbawa:
May paambon-ambon, may tika-tikatik
na sinasabayan ng kulog at lintik;
May unos at bagyong nakatitigatig
Sa lalong payapa’t matimping dibdin
SIMBOLO. Ito ang salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng kahulugan
sa isipan ng mambabasa; halimbawa, may kahulugan ang bawat kulay: puti,
tumutukoy sa kalinisan o kawagasan, asul ay kapayapaan at pula ay
kumakatawan sa katapangan o kung minsan kaguluhan.
Iba pang simbolismo
Araw o liwanag = pag-asa
Dilim o takipsilim = suliranin o kalungkutan
Krus = relihiyon o pagtukoy sa Diyos
Sungay o ahas = para sa demonyo
Rizal = karunungan o kahinahunan
Bonifacio – tapang o lakas
Juan = Pilipino
Emmanuel = malapit sa Diyos
Hitler = kabangisan sa dogmaan
Ati-atihan, Yaman ng Diwa
Alita I. Tepace at Paquito B. Badayos Ph. D p. 40
MGA URI NG TULA AYON SA KAANYUAN
a. Tulang Pansalaysay: naglalahd ng isang kasaysayan o mga tagpo o
pangyayari.
b. Tulang Pandulaan: naglalarawan ng mga pangyayaring nahahalintulad sa
tunay na buhay. Ito
ay isinusulat upang itanghal.
c. Tulang Pandamdamin: nagsasaad ng matinding damdamin ng makata.
Karamihan halos ng mga tulang nababasa natin ngayon ay kabilang sa uring ito
ng tula.
1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) - tulad ng isang soneto o
ng isang oda, na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang
kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa
isang kanta.Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang
kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang
sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.
Uri ng Tulang Liriko
Awit - Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na
taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing
pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang
awiting ating naririnig.Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad love songs
kumbaga.
Soneto - Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at
kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
Oda - Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o
dedikado sa isang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o
nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda.
Elehiya - Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
Dalit - isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para
sa layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang
Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong
pilosopiya sa buhay.
d. Tulang Sagutan: naglalarawan ng pagtatagisan ng talino at pangangatwiran
ng dalawang mambibigkas.
2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) - isang tula na may balangkas. Ang
tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa
maaaring maging simple o kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi
madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko, ballad, idylls at lays.
Uri ng Tulang Pasalaysay
a. Epiko - ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong
paksa na naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan
ng makabuluhang sa isang kultura o bansa.
b. Awit at kurido - ay isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walong
sukat. ang tulang kurido ay kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga
bansa sa Europa tulad ng Pransya, Espana, Italya at Gresya. Ang tulang kurido
ay pasalaysay. Ang tanyag na kurido ay ang Ibong Adarna.
c. Karaniwang Tulang Pasalaysay - Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga
pangyayari sa araw-araw na buhay.
3. Tulang Patnigan (joustic poetry) - Kabilang sa uring ito ang karagatan,
duplo at balagtasan.
a. Balagtasan - Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran
sa isang paksang pagtatalunan. Ito'y sa karangalan ni Francisco "Balagtas"
Baltazar.
b. Karagatan - Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang
sa tinatawag na "libangang itinatanghal" na ang taglay na pamagat ay
nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
c. Duplo - Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at
pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga
salawikain at mga kasabihan.
4. Tulang Pantanghalan o Padula - karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay
patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng
isang awitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring
makatulad ng, o dili kaya'y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.
MGA URI NG TULA AYON SA KAYARIAN
a. Matandang Tula o Makalumang Tula: binubuo ng mga taludtod na may
sukat at tugma.
b. Malayang Taludturan o Free Verse: tulang walang sukat o tugma.
Sanggunian:
Mendiola, Venancio.Kritisismo: Teorya at Paglalapat. Rex Book Store
Santos,Bernie et. al. KAWIL 2. Rex Book Store. d. 170
Uygan, Felicitas et. al. Hiyas ng Lahi 1.Vibal Publishing House. d. 64,34,
185,209
Ibid.Hiyas ng Lahi 2. Vibal Publishing House.d. 26,64,80,84,127,184,188,294
Cabuhat, Arturo.Haraya 2.d. 112
Espiritu, Clemencia et. al. BATINGAW 2. Rex Book Store. d. 91,289,316
Inihanda ni: Martin#05
Jose Villa Panganilan. Ang Panulaang Tagalog Kasaysayan, Pagsusuri at
Paliwanag.

More Related Content

What's hot

Maikling kasaysayan ng panulaang pilipino
Maikling kasaysayan ng panulaang pilipinoMaikling kasaysayan ng panulaang pilipino
Maikling kasaysayan ng panulaang pilipinoAnne
 
Istruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoIstruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoManuel Daria
 
Lope K. Santos
Lope K. SantosLope K. Santos
Lope K. Santosclairearce
 
Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)Ceej Susana
 
Mga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmentalMga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmentalshekainalea
 
Bahagi ng pamahayagan
Bahagi ng pamahayaganBahagi ng pamahayagan
Bahagi ng pamahayaganTine Bernadez
 
Kasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentoKasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentochrisbasques
 
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng AmerikanoPanulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikanoisabel guape
 
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMOMALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMOJovelynValera
 
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, PagtawagPaghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, PagtawagCool Kid
 

What's hot (20)

Maikling kasaysayan ng panulaang pilipino
Maikling kasaysayan ng panulaang pilipinoMaikling kasaysayan ng panulaang pilipino
Maikling kasaysayan ng panulaang pilipino
 
Istruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoIstruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipino
 
Tula
TulaTula
Tula
 
Panulaang Filipino
Panulaang FilipinoPanulaang Filipino
Panulaang Filipino
 
Lope K. Santos
Lope K. SantosLope K. Santos
Lope K. Santos
 
Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)
 
Mga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmentalMga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmental
 
Ang nobela
Ang nobelaAng nobela
Ang nobela
 
Bahagi ng pamahayagan
Bahagi ng pamahayaganBahagi ng pamahayagan
Bahagi ng pamahayagan
 
Kasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentoKasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwento
 
Bahagi ng Pananalita
Bahagi ng PananalitaBahagi ng Pananalita
Bahagi ng Pananalita
 
Uri ng tula
Uri ng tulaUri ng tula
Uri ng tula
 
Pagsulat ng balita ppt
Pagsulat  ng balita pptPagsulat  ng balita ppt
Pagsulat ng balita ppt
 
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng AmerikanoPanulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
 
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMOMALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
 
Pagbabagong Morpoponemiko
Pagbabagong MorpoponemikoPagbabagong Morpoponemiko
Pagbabagong Morpoponemiko
 
Antas ng-wika-batay-sa-pormalidad
Antas ng-wika-batay-sa-pormalidadAntas ng-wika-batay-sa-pormalidad
Antas ng-wika-batay-sa-pormalidad
 
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, PagtawagPaghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
 
Indarapatra at Sulayman
Indarapatra at SulaymanIndarapatra at Sulayman
Indarapatra at Sulayman
 
Asimilasyon
AsimilasyonAsimilasyon
Asimilasyon
 

Similar to Tula Handout

Tula updated Handout
Tula updated HandoutTula updated Handout
Tula updated HandoutAllan Ortiz
 
Ang Tula at ang mga Elemento Nito .ppt
Ang Tula at ang mga Elemento Nito   .pptAng Tula at ang mga Elemento Nito   .ppt
Ang Tula at ang mga Elemento Nito .pptramelragarcia
 
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihanTula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihanMedizaTheresseTagana1
 
MGA-URI-NG-TAYUTAY.pdf
MGA-URI-NG-TAYUTAY.pdfMGA-URI-NG-TAYUTAY.pdf
MGA-URI-NG-TAYUTAY.pdfJhanaUrdaneta
 
Elemento ng tula
Elemento ng tulaElemento ng tula
Elemento ng tulaKaira Go
 
Elemento Ng Tula
Elemento Ng TulaElemento Ng Tula
Elemento Ng Tularosemelyn
 
Kabanata 7 - sining sa pagtula
Kabanata 7 - sining sa pagtulaKabanata 7 - sining sa pagtula
Kabanata 7 - sining sa pagtulaErwin Maneje
 
Malikhaing Pagsulat: Tula
Malikhaing Pagsulat: TulaMalikhaing Pagsulat: Tula
Malikhaing Pagsulat: TulaAndrea Tiangco
 
Fil 10 TULA.pdf tulaaaaaa. Grade 10 Unang MARKAHAN
Fil 10 TULA.pdf tulaaaaaa. Grade 10 Unang MARKAHANFil 10 TULA.pdf tulaaaaaa. Grade 10 Unang MARKAHAN
Fil 10 TULA.pdf tulaaaaaa. Grade 10 Unang MARKAHANGlendleOtiong
 
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaAng Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaJenita Guinoo
 
LS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang PilipinoLS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang PilipinoMichael Gelacio
 
Mga Anyo at Uri ng Panitikan
Mga Anyo at Uri ng PanitikanMga Anyo at Uri ng Panitikan
Mga Anyo at Uri ng PanitikanMARYJEANBONGCATO
 
Tula- Aralin 3-Unang Markahan
Tula- Aralin 3-Unang MarkahanTula- Aralin 3-Unang Markahan
Tula- Aralin 3-Unang MarkahanKennethSalvador4
 
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptxQ2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptxLeomarBornales1
 

Similar to Tula Handout (20)

Tula updated Handout
Tula updated HandoutTula updated Handout
Tula updated Handout
 
Ang Tula at ang mga Elemento Nito .ppt
Ang Tula at ang mga Elemento Nito   .pptAng Tula at ang mga Elemento Nito   .ppt
Ang Tula at ang mga Elemento Nito .ppt
 
TULA.pptx
TULA.pptxTULA.pptx
TULA.pptx
 
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihanTula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
 
MGA-URI-NG-TAYUTAY.pdf
MGA-URI-NG-TAYUTAY.pdfMGA-URI-NG-TAYUTAY.pdf
MGA-URI-NG-TAYUTAY.pdf
 
Powerpoint!!
Powerpoint!!Powerpoint!!
Powerpoint!!
 
Elemento ng tula
Elemento ng tulaElemento ng tula
Elemento ng tula
 
Tula elemento uri atbp
Tula elemento uri atbpTula elemento uri atbp
Tula elemento uri atbp
 
Elemento Ng Tula
Elemento Ng TulaElemento Ng Tula
Elemento Ng Tula
 
Uri ng Tula.pptx
Uri ng Tula.pptxUri ng Tula.pptx
Uri ng Tula.pptx
 
ELEMENTO NG TULA.pptx
ELEMENTO NG TULA.pptxELEMENTO NG TULA.pptx
ELEMENTO NG TULA.pptx
 
Kabanata 7 - sining sa pagtula
Kabanata 7 - sining sa pagtulaKabanata 7 - sining sa pagtula
Kabanata 7 - sining sa pagtula
 
TULA.pptx
TULA.pptxTULA.pptx
TULA.pptx
 
Malikhaing Pagsulat: Tula
Malikhaing Pagsulat: TulaMalikhaing Pagsulat: Tula
Malikhaing Pagsulat: Tula
 
Fil 10 TULA.pdf tulaaaaaa. Grade 10 Unang MARKAHAN
Fil 10 TULA.pdf tulaaaaaa. Grade 10 Unang MARKAHANFil 10 TULA.pdf tulaaaaaa. Grade 10 Unang MARKAHAN
Fil 10 TULA.pdf tulaaaaaa. Grade 10 Unang MARKAHAN
 
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaAng Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
 
LS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang PilipinoLS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang Pilipino
 
Mga Anyo at Uri ng Panitikan
Mga Anyo at Uri ng PanitikanMga Anyo at Uri ng Panitikan
Mga Anyo at Uri ng Panitikan
 
Tula- Aralin 3-Unang Markahan
Tula- Aralin 3-Unang MarkahanTula- Aralin 3-Unang Markahan
Tula- Aralin 3-Unang Markahan
 
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptxQ2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
 

More from Allan Ortiz

Pagsasaling wika new
Pagsasaling wika newPagsasaling wika new
Pagsasaling wika newAllan Ortiz
 
Followership understanding the basic of teamwork
Followership understanding the basic of teamworkFollowership understanding the basic of teamwork
Followership understanding the basic of teamworkAllan Ortiz
 
10 commandments boogie
10 commandments boogie10 commandments boogie
10 commandments boogieAllan Ortiz
 
Pagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysayPagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysayAllan Ortiz
 
Pananda sa pagwawasto ng Sulatin
Pananda sa pagwawasto ng SulatinPananda sa pagwawasto ng Sulatin
Pananda sa pagwawasto ng SulatinAllan Ortiz
 
Suring pelikula format
Suring pelikula formatSuring pelikula format
Suring pelikula formatAllan Ortiz
 
Radio broadcast 2
Radio broadcast 2Radio broadcast 2
Radio broadcast 2Allan Ortiz
 
Antas ng Wika ppt
Antas ng Wika pptAntas ng Wika ppt
Antas ng Wika pptAllan Ortiz
 
Filipino wika ng karunungan
Filipino   wika ng karununganFilipino   wika ng karunungan
Filipino wika ng karununganAllan Ortiz
 
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2Allan Ortiz
 
Sino ang dapat iboto sa halalan?
Sino ang dapat iboto sa halalan?Sino ang dapat iboto sa halalan?
Sino ang dapat iboto sa halalan?Allan Ortiz
 
Pananaliksik unang hakbang Updated File
Pananaliksik unang hakbang Updated FilePananaliksik unang hakbang Updated File
Pananaliksik unang hakbang Updated FileAllan Ortiz
 
Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Allan Ortiz
 
Pagsasalaysay o Naratibo
Pagsasalaysay o NaratiboPagsasalaysay o Naratibo
Pagsasalaysay o NaratiboAllan Ortiz
 
Maikling kuwento Handout
Maikling kuwento HandoutMaikling kuwento Handout
Maikling kuwento HandoutAllan Ortiz
 
Gabay sa Pag uulat
Gabay sa Pag uulat  Gabay sa Pag uulat
Gabay sa Pag uulat Allan Ortiz
 
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismoModyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismoAllan Ortiz
 
Liham pangangalakal
Liham pangangalakalLiham pangangalakal
Liham pangangalakalAllan Ortiz
 
Ang pagong at ang kuneho
Ang pagong at ang kunehoAng pagong at ang kuneho
Ang pagong at ang kunehoAllan Ortiz
 

More from Allan Ortiz (20)

Pagsasaling wika new
Pagsasaling wika newPagsasaling wika new
Pagsasaling wika new
 
Followership understanding the basic of teamwork
Followership understanding the basic of teamworkFollowership understanding the basic of teamwork
Followership understanding the basic of teamwork
 
10 commandments boogie
10 commandments boogie10 commandments boogie
10 commandments boogie
 
Pagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysayPagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysay
 
Pananda sa pagwawasto ng Sulatin
Pananda sa pagwawasto ng SulatinPananda sa pagwawasto ng Sulatin
Pananda sa pagwawasto ng Sulatin
 
Suring pelikula format
Suring pelikula formatSuring pelikula format
Suring pelikula format
 
Radio broadcast 2
Radio broadcast 2Radio broadcast 2
Radio broadcast 2
 
Antas ng wika 2
Antas ng  wika 2Antas ng  wika 2
Antas ng wika 2
 
Antas ng Wika ppt
Antas ng Wika pptAntas ng Wika ppt
Antas ng Wika ppt
 
Filipino wika ng karunungan
Filipino   wika ng karununganFilipino   wika ng karunungan
Filipino wika ng karunungan
 
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
 
Sino ang dapat iboto sa halalan?
Sino ang dapat iboto sa halalan?Sino ang dapat iboto sa halalan?
Sino ang dapat iboto sa halalan?
 
Pananaliksik unang hakbang Updated File
Pananaliksik unang hakbang Updated FilePananaliksik unang hakbang Updated File
Pananaliksik unang hakbang Updated File
 
Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1
 
Pagsasalaysay o Naratibo
Pagsasalaysay o NaratiboPagsasalaysay o Naratibo
Pagsasalaysay o Naratibo
 
Maikling kuwento Handout
Maikling kuwento HandoutMaikling kuwento Handout
Maikling kuwento Handout
 
Gabay sa Pag uulat
Gabay sa Pag uulat  Gabay sa Pag uulat
Gabay sa Pag uulat
 
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismoModyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
 
Liham pangangalakal
Liham pangangalakalLiham pangangalakal
Liham pangangalakal
 
Ang pagong at ang kuneho
Ang pagong at ang kunehoAng pagong at ang kuneho
Ang pagong at ang kuneho
 

Recently uploaded

Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9IvyGraceSuarezCalipe
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week moduleMera76
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxSundieGraceBataan
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxglainAE
 
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-AralinDULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralinbryandomingo8
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralinErickaCagaoan
 
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................LovelyPerladoRodrinR
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoChristineJaneWaquizM
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxZERos7
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxPanunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxJohnMarkAlarconPunta
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxNicaGobalizaEsquilon
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYYamAltib
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 

Recently uploaded (20)

Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week module
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
 
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-AralinDULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin
 
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxPanunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 

Tula Handout

  • 1. ANG TULA PANIMULA Ayon sa ilang makata ang tula ay: Kay Alejandro G. Abadilla: “ang tula ay kamalayang nagpapasigasig.” Kay Julian Cruz Balmaceda: “ Ang Tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan—ang tatlong bagay na magkakatipun- tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula.” Kay Inigo Ed. Regalado: “ Ang tula ay isang kagandahan, dula, katas, larawan, at kabuuan ng tanag kariktang nakikita sa silong ng alin mang langit.” I. ANG MGA SANGKAP NG TULA Sa tradisyunal na tula may apat (4) na sangkap ang tinataglay nito: 1. Sukat: ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula. Halimabawa ng mga sukat: a. kopla (couple) f. lalabing-animin b. aapatin(quatrain) g. lalabingwaluhin c. aanimin h. soneto (sonnet) d. pipituhin I. haiku (5-7-5) e. wawaluhin (octave) j. tanaga (7-7-7-7) TADAAN: Ang mga tradisyunal na tula ay may sesura o ang bahagyang pagtigil sa pagbabasa ng bawat taludtod. Sa mga tulang may sukat na lalabingdalawahin, ang sesura ay bumabagsak sa ika-6 na pantig, sa mga tulang lalabing-animin ang sesura ay nasa ika-4 o ika-8 pantig, at para sa tulang lalabingwaluhing pantig, ang sesura ay nasa bawat 6 na pantig ng taludtod. 2. Tugma: Ito ang pagkakasintunugan ng huling salita sa bawat taludtod. Ang tinutukoy dito ay ang katutubong tunog ng huling pantig ng salita kung hindi pa naangkupan. Hindi nagiging batayan sa pagtutugma sa mga sumusunod na taludtod nalikhang tunog ay katulad ng katutbong tunog ng pantig bago ito inangkupan. 2 URI NG TUGMAANG PANTIG A. Tugmaang Ganap: ang huling pantig ng dulong salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog at magkakatulad ng diin at tuldik. Halimbawa: Wala na, ang gabi ay lambong sa luksa Panakip sa aking namumutlang mukha, Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga, Ni ibon, ni tao’y hindi natuwa. “Punongkahoy” Jose Corazon de Jesus
  • 2. B. Tugmaang Karaniwan: ang huling pantig ng dulong salita ng bawat taludtod at magkakatulad ng tunog ngunit magkakaiba sa diin. Halimbawa: Kung siya mong ibig na ako’y magdusa Langit na mataas, aking mababata Ako’y minsan-minsang mapag-alaala Isagi mo lang sa puso ni Laura “Florante at Laura” Francisco Balagtas 2 URI NG TUGMAANG KATINIG A. Unang pangkat na binubuo ng mga katinig na B, K, D, G, P, S at T at magkakapareho ng tunog ayon sa patinig na nasa kanilang unahan. Halimbawa: Ang salpok ng mga alo’y sa talampas nababasag At sa hangi’y sumasama sa rurok ng alapaap Parang diwa ng makata kung mayroong sinusulat Humahantong sa palasyong lundu-lundong mga ulap. “Ang Dagat” Rafael Sabino B. Ikalawang pangkat ay binubuo ng mga katinig na L, M, NG, R, W, at Y at magkakapareho ng tunog ayon sa patinig na nasa kanilang unahan. Halimbawa: Tao: Kilala kang sa Sangkalupaan At tanang nlikha, ang Hari ay ikaw Ang pag-usap mo at dunong kung minsan Pati kay Bathala ay nagmamayabang At talastas ko ring ang kaligayanhan Ay siya mong mithi habang nabubuhay “Nangungusap ang kasaysayan” Lope K. Santos 3. Makabuluhang Diwa: Tinutukoy nito ang pangkalahatang diwa o kaisipan ng tula na nais iparating sa mga mambabasa. 4. Kagandahan o Kariktan: Tinutukoy ng sankap na ito ang paggamit ng mga piling mga salita sa tula upang ito’y maging maganda. 5. Tunog: Ito’y kinakasangkapan ng makata sa pagpapatingkad ng mga karanasang inilarawan niya sa kanyang tula. Uri ng Taludturan Isa sa mga katangian ng tula ay ang pagkakaroon ng mga taludtod. Ang taludtod ay ang pagkakapangkat-pangkat ayon sa pinagkaugalian nang ayos sa tula. Ayon sa aklat na Panulaang Tagalig ni Jose Villa Panganiban, ay iba’t ibang uri ng taludturan. 1. Kopla - kapag ang taludtod ay pinangkat sa dalawahan. Halimbawa: Republika ba itong busabos ka ng dayuhan? Ang tingin sa tanikala’y busilak na kalayaan.
  • 3. Kalayaa! Republika! Ang bayani’y dinudusta Kalayaan pala itong mamatay nang abang-aba! Republikang Basahan ni Teodoro Agoncillo 2. Triplet - Kung ang taludturan ay binubuo ng tatlong taludtod. Halimbawa: Aninong maitim sa mukha ng araw, Tabing na pansangga sa ngiti ng buhay Palagay ko’y ganyan pag may kalungkutan. Malawak na laot na sakmal ng dilim Mabigat na pataw na nagdudumiin, Ganyan ang damdam ko kapag may panimdim. Kalooban ni Jose Villa Panganiban 3. Quatrain – taludturang may apat na taludtod. Karaniwang anyo ng taludturan sa panulaang Tagalog. Halimbawa: Pasikat pa lang ang araw, nagsisimula nang araw mo Ihanda ang alagang kalabaw na katuwang sa pagbabanat ng buto. Nililinang ang lupang tigang Upang mapakinabangan Dulot nito ay kaligayahan Sa bawat tahana’t hapag. Ang Magsasaka ni Allan A. Ortiz 4. Quintet – taludturang binubuo ng limang taludtod Halimbawa: Kung may isang ibong tuwing takip-silim Nilalapitan ka at titingin-tingin Kung sa iyong silid nasok na magiliw At ika’y awitan sa gabing madilim; Ako iyan, giliw! (J.C. de Jesus – “Kahit Saan”) 5. Sextet – tawag sa taludturang may anim na taludtod 6. Soneto – ito naman ay tulang binubuo ng labing-apat na taludtod. Batay sa kayarian ng taludturan ng tula, ito ay nauuri: 1. May sukat - May tugmaang taludturan. Ito ay katutubong kayarian ng tulang Pilipino. Binubuo ng mga taludtod na may sukat at tugma. Kapag pinag-uusapan ang tugma, ito ay ang magkakahawig na mga tunog sa dulo ng mga taludtod sa panulaan. Kung ang huling salita ng isang tuludtod ay kasintunog ng huling salita ng sumunod pang taludtod, ang dalawang taludtod na ito ay sinasabing magkakatugma. Ang tugmaan sa hulihan ng taludtod ay maaaring: - a-a-a-a magkakatugma ang huling pantig sa apat na taludtod ng saknong - a-b-a-b- magkatigma ang una at ikatlong taludtod, at magkatugma ang ikalawa at ikaapat na taludtod - a-b-b-a magkatigma ang una at ikaapat na taludtod, at magkatugma ang ikalawa at ikatlong taludtod - a-a-b-b- magkatigma ang una at ikalawang taludtod, at magkatugma ang ikatlo at ikaapat na taludtod Sa mga salitang ang huling pantig ay may patinig, ang magkakasintunog ay ang sumusunod: - ab, ak, ad, ag, ap, as, at - ib, ik, id, ig, is, it - ob, ok, od, og, op, os, ot - an, al, am, ar, aw, ay, ang
  • 4. - on, ol, om, or, oy, ong 2. Malayang taludturan o free verse sa Ingles. Ito ang makabagong kayarian ng mga tulang walang sukat at walang tugma. Karaniwang walang aliw-iw, walang tugma, at walng tiyak na sukat. 3. Di-tugmaang taludturan (blank verse) Ayon kay Jose Villa Panganiban, ito ay naging popular sa Inglatera mula noong 1557. Bagama’t ito’y hindi gaanong kilala sa ating bansa, mahalagang masama at pag-aralan ito bilang isang uri. Ito ay tulang may sukat subalit walang tugma. 3 URI NG TUNOG A. Aliterasyon: ito ay ang pag-uulit ng isang tunog ng isang katinig na ginagamit sa magkakalapit na salita o pantig. Halimbawa: Sa sinayaw-sayaw at hinalik-halik sa aking paanan, Titik kong masigla ng lumang talindaw, “Dalampasigan” Teodoro Agoncillo B. Asonansya: ang pag-uulit ng tunog ng isang pantig. Halimbawa: Ang buhay ng tao at sa taong palad Nasa ginagaya ang halaga’t bigat May mga mayaman na dapat umiyak At may dukha naming magalak ang dapat May mangmang na lagging ang mata ay dilat At mayroong marunong na lagi nang bulag. “ Ang Buhay ng Tao” Jose Katindig C. Onomatopeya: Aang pagkakahawig ng tunog ng salita at ang diwa nito. Halimbawa: Kumaluskos ang dahon Sumalpok ang alon Sa luhang dumaloy Lumagaslas ang talon Kulog ay dumagundong Lumalagablab ang apoy “Harana ng Kalikasan” 6. Talinghaga: Ito ang pinakatampok na bahagi ng tula. Tinutukoy nito ang mga sagisag, tayutay o salita at pariralang nagbibigay ng ikatlong kahulugan na nag- uudyok sa mambabasa na mag-isip at tumakas sa diwang ipinahihiwatig ng mga ito. Ang mga karaniwang tayutay na likaw ay 1. simili 2. metaphor, 3. metonomi, 4. sinekdoki 5. personipikasyon, 6. hayperboli, Ang mga tayutay na patalinghaga ay maaaring kumatawan sa 1. paradols, 2. apostropi, 3. balintunay o irony, 4. antitesis, 5. oksimoron. LIKAW
  • 5. a. Pagtutulad / simili – tuwirang paghahambing ng dalawang bagay. Karaniwang isang salitang may kasamang pambuong salita tulad ng kasing-, sing-, tulad ng, ala, gaya ng, kawangis… hal. Siya ay kasingtigas ng bato kung manindigan b. Pagwawangis / metaphor – patumbis na paghhambing ng dalawang bagay sa pagtuturing o pagopapalit ng isa para sa isa. Hal. Siya ay bato kung manindigan c. Pagpapalit-tawag / metonomi – isang uri ng metaphor na ang ngalan ng isang bagay o kaisipan ay ipinapalit sa isang may malapit na kaugnay dito. Hal. Binasa natin si Balagtas dahil sa kanyang panitik at diwa. Ang Balagtas ay ipinalit sa kanyang mga akda. d. Pagpapalit-saklaw / Sinekdoki – isang uri ng paghahambing na ang bahagi ay pinagaganap para sa kabuuan. (Sa metonomi, ang kabuuan ay ginagamit para sa bahagi) Hal. Hiningi ni Pedring ang kamay ni Rosie. e. Pagtatao / personipikasyon – pagbibigay ng katangian ng tao sa bagay na di-tao.(nilikha o kaisipan)’ Hal. Sumilip ang buwan sa gilid ng ulap. f. Paghihimig / Onomatopeya – pagbuo ng salitang katunog ng ipinapahayag. Hal. Ang tunog ng batingaw ay umalingawngaw sa buong nayon. Siya’y madaling maakit sa kalansing ng salapi. g. Pun – paglalaro sa salita na katunog ng ibig ipahayag ngunit kaiba ang kahulugan. Ito ang pinakamababa at halos bulgar na tayutay. Hal. Si Imaldita ay bumagsak din sa kanyang katayugan. (sa halip Imeldita) Amain naming….sumasakumbento ka… (sa halip Ama) h. Pagmamalabis / Hayperbole – sinasadyang pagmamalabis sa paghayag ng katotohanan para sa pagbibigay-diin. Hal. Sa katangis ni Florante ay nadilig ng luha ang punong kanyang kinagagapusan. Nagbabaga sa galit ang kanyang mga mata i. Hambing-tao – paghahambing sa isang kilalang tao o kathang tauhan. Hal. Siya ay si Minerva sa katalinuhan. Isa siyang David na naharap kay Goliat. TALINGHAGA a. Paradoks – isang pahayag na waring taliwas sa karaniwang kinikilala nang katotohanan o kontra sa sentido komon, ngunit kung uusigin maigi ay lalabas na may matatag na batayan at matatanggap. Hal. Ang edukasyon ng bata ay nagsisimula 100 taon bago ito isilang. “Isa at isa ay isa.” (Isang patak ng tubig sa dahon ng gabi ay napatakan pa ng isa, kayat nagging isang malaking patak na bumagsak sa lupa) b. Panawagan / Apostrope – isang pagtawag sa isang baagy o tao na wala sa harap ng nagsasalita o hindi makaririnig sa sinasabi ng nagsasalita. Hal. “O, Kalayaan, ilan nang krimen ang nagagawa sa iyong pangalan?” c. Pag-uyam / Ironiya – paraan ng pagsasalita, karaniwa’y patuya o pauyam, na sa tunog ay kontra o salungat sa sadyang nais sabihin. Hal. “Dakilain ang mararahas sapagkat sila ang nakagagawa” (kung ang nagsasalita ay laban sa diktadura) d. Antitesis – kaanak ng ironiya, ang antitesis ay nagpapahayag ng kaisipang magkasalungat. Hal. Ninanakawan ng kuripot ang kanyang sarili. Binabaliw muna sa tuwa ni Bakus ang nais niyang puksain. e. Oksimoron – paghahalo ng dalawang salitang magkasalungat na nagiging isang katanggap-tanggap na pahayag. Hal. Ang kanyang ginawa sa akin ay may-awang pagpatay. Siya ay natulig sa nakabibinging katahimikan na sumalubong sa kanya. Karagdagang tayutay
  • 6. Aliterasyon – masining na pagkakasunod-sunod ng tunog ng katinig sa isang taludtod. Asonansya – magandanf tunog na magkakasunod na patinig. Ang aliteraston at asonansya ay katutubo sa wikang Filipino, lalo pa’t iisipang marami tayong salitang inuulit o mga pantig na reduplikasyon. Taguri – paggamit ng palayaw, ambil o bansag na mapang-uri o may paghahambing. Hal. Kenkoy ka naman masyado. 7. Larawang-diwa: Ito ang mga salitang nakapaloob sa tula kapag binabanggit ay nag-iiwan na ng mga larawan sa isipan at pinatatalas nila ang iba’t ibang pandama; pang-amoy,paningin,pandinig,panlasa,at pandamdamin. 8. Simbolo: Tinutukoy nito ang paggamit ng mga salita ng mga sagisag na maaaring larawan o mga salitang larawan na kumakatawan sa ibang bagay at nagpapahiwatig o bumubuo ng diwa sa isip ng mambabasa. *************************************************************************************** TULA Ang tula ay pagpapahayag nang tapat na katotohanan na pinatining at pinatingkad ng pananaw at pandama ng makata. Ang mga taludtod ay hindi pumpon lamang ng mga salita kundi manapa’y salamin ng pansariling daigdig ng mga karanasan, mithiin, adhikain at kapalaran ng tao sa kanyang paligid. (Blamaceda 1980) MGA SANGKAP NG TULA ANG SUKAT. Ito ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. Sa tulang tradisyunal, ang mga palasak at gamiting sukat ay ang labindalawa, labing-anim at labingwalo. Ang di-tradisyunal na tula ay walang isinasaalang-alang na bilang ng pantig sa bawat taludtud. Tinatwag itong malayang taludturan. Sa mga tulang may sukat nna lalabindalawahin ay may bahagyang pagtigil sa pagbabasa sa bawat ikaanim na pantig ng taludtod; samantala sa lalabingwaluhin ay sa ikasiyam na pantig. Ang bahagyang tigil na ito ay tinatawag na sesura. Halimbawa ng may lalabindalawahing pantig: Batong tuntungan mo // sa pagkadakila Batong tuntungan ka // sa pamayapa Talagang ganito // sa lapad ng lupa ay bali-baliktad // lamang ang kawawa. J. C. de Jesus. Ang Bato Halimbawa ng may lalabingwaluhing pantig: Minsa’y nakitako / ang isang bulaklak / sa aking lagwerta Sa siwang ulap / ay mata ng Birheng / malamlam tumingin; Ang aking ginawa / puso’y idinungaw / sa pinto ng dibdib Saka ang bituin / ay kinaulayaw / sa suyo ng halik At nang itinanong ko / sa kanya ang aking / mga panaginip Ay sinagot akong / ang panaginip ko’y / Pag-ibig! Pag-ibig! C.H. Panganiban, Hantungan ng Palad ANG TUGMA. Ito ay pagkakatulad ng tunog ng huling salita sa bawat taludtod. May tinatawag na tugmang ganap – magkakasintunog ang huling salita sa bawat taludtod , at magkakatulad pa ang bigkas o uri ng diin (stress) o uri ng tuldik at
  • 7. tugmang karaniwan – ay pareho lamang ng tunog ngunit hindi pareho ang diin sa mga dulong salita ng taludtod. Halimbawa ng tugmang ganap: Wala na, ang gabi ay lambong na liksa, Panakip sa aking mumunting mukha Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga Ni ibon, ni tao’y hindi matuwa. J.C. de Jesus, Punungkahoy Halimbawa ng tugmang pareho ngunit hindi pareho ang diin Kung magalit ka man at kusang lumayo Na isang hinagap ang baon sa puso May mga sandaling ang aking pantuho Ay magiging tamis sa paninibugho I. Regalado, Ang Ibong Nagtampo Bukod sa tugmaang patinig, mayroon ding tugmaang katinig. Napapangkat sa dalawa ang mga katinig para sa tugma – ang una ay b,k,d,g,p, s, t.Ang ikalawang pangkat ay l, m. n. ng, r, w, y. A B Palasak sa tradisyunal na tula na may tugmaang aaaa, abab at aabb Halimbawa ng tugmang aaaa Ang lumang simbaha’y nalimot ng lahat Pinagkatakutan, kay daming nasindak Umano kung gabi ay may namamalas Na isang matandang doo’y naglalakad. Halimbawa ng tugmaang abab Kaluluwa, lagi nang malikot, Malaya At kahit sa Diyos ay di nanganino Ang tanging relihiyon ay pambansang wika Na diwa ng buong baying Pilipino. (a) (b) (c) Alab tigib kaloob Bitak sabik purok Sagad bukid tanod Dilag hilig sabog Ulap silip dahop Labas tamis taos Alamat langit poot (a) (b) (c) Mahal butil parol Alam dilim lagom Ngalan sapin nayon Tingnan tabing bubong Altar martir bapor Tanglaw tingin taghoy Buhay aliw-iw aapoy
  • 8. TALUDTOD - ang linya ng mga piling salita sa isang tula. Ang kalipunan o pinangkat na taludtod ay tinatawag nating taludturan. Sa pagsulat ng tula, sa tradisyunal na pagsulat, apat na taludturan ang tinataglay nito. Maaaring maihalintulad sa isang talata ang taludturan. Sa istilo ng pagsulat ng tula nagkaroon ng mga uri ng taludturan. a. Kopla (2) b. Triplet (3) c. Quatrain (3) d. Sextet (6) e. Soneto (14) Sa pagsulat ng tula, isa ang istilo ng manunulat sangkap sa pagbuo ng tula. Kug ayarian ng taludturan ang pag-uusapan,masusuri natin ito batay sa kayarian ng sukat sa taludturan. Ibig sabihin ang sukat sa taludtod ay nagkakaroon ng baryasyon: a-a-a-a – magkakapareho ang sukat sa bawat latudtod a-b-a-b – ang una at ikatllo ay magkapareho ang sukat at ang ikalawa at ikaapat ay magkapareho ng sukat. a-a-b-b – ang una at ikalawang taludtod ay magkapareho ang sukat at ang ikatlo at ikaapat ay magkapareho ng sukat. a-b-b-a –ang una at ikaapat ay magkapareho ang sukat at ang ikalawa at ikatlo ay magkapareho ng sukat sa taludtod. Sa madalling sabi ang a-a-a-a ay isang tradisyunal na uri ng talludturan at ang sumunod na kayarian batay sa sukat sa taludturan ay nauuri sa malayang taludturan. Gayundin sa tugmaan, may kayarian din ng tugmaan sa taludturan. a-a-a-a – magkakatugma ang tunog ng huling pantig sa apat na taludtod a-b-a-b – ang una at ikatllo ay magkakatugma ang tunog ng pantig sa dulo ng taludtod at ang ikalawa at ikaapat ay magkapareho ang tunog ng pantig sa dulo ng taludtod.. a-a-b-b – ang una at ikalawang taludtod ay magkatugma ng tunog sa dulo ng taludtod at ang ikatlo at ikaapat ay magkatugma ang tunog sa dulo ng taludtod. a-b-b-a –ang una at ikaapat na taludtod ay magkatugma ang tunog ng pantig at ang ikalawa at ikatlo ay magkatugma ang tunog ng pantig sa dulo ng salita. MAKABULUHANG DIWA. Ito ay pagkakaroon ng malalim na kaisipan o makabuluhang diwa. Ito ang pinagkaiba ng tula sa isang karaniwang tugma. Sa mga linya nito makikita ang matayog na kaisipan at nasa makabuluhang diwa ang mensahe ng tula. Nakapaloob dito ang mga talinghagang likha ng matalinong isipan, pagkukuro at guniguni ng makata. Hindi makikita sa dami ng taludtod o haba kaya ng tula nasusukat ang pagiging tula ng isang likha kundi sa nilalamang makabuluhang diwa at mga talinghaga gaya ng tanaga. Halimbawa: Sising Alipin Iskwater Sinusuntok ko ang langit Balon ng kadiliman Nagalit ang bathala Tangi nilang luklukan Aking kinaing pilit Isdang nagpipiglasan Ang sarili kong dila. Nang makahinga lamang. A. Tiburcio O. Pagsanhan: Kulay B
  • 9. ANG KARIKITAN. Ito ay kagandahan at larawan ng kabuuan ng karikitang nakikta ng matalas na pananaw ng makata. Gumagamit ng mga piling-piling salita na nakagigising sa mayamang guniguni ng mambabasa. Tumitingkad ang kahulugan ng mga salita at nakabubuo ng buhay sa buhay na larawang-diwa sa paggamit ng simbolo at talinghaga. ELEMENTO NG TULA TUNOG. Sinasabing nakagaganda sa tula ang pagkakapare-pareho ng tunog ng mga huling pantig ng mga salita, bagama’t bukod diyan ang tunog ay nagiging kasangkapan din ng makata upang makapaghatid ng isang madamdamin, sensuwal, at matalinong karanasan. Halimbawa: Iyang kamay na suulak at nagpabulas sa bulto Iyang kamay na kumatam at kuminis sa anggulo Iyang kamay na naglapat, nagpako at nagmartilyo TALINGHAGA. Higit na mabuti at mabisa kung ang mga salitang ito ay ihahayag sa iba’t ibang uri ng talinghaga. Sa panulaang Filipino, pinakagamitin na ang pagtutulad (metaphor), pagsasatao (personification) at eksaherasyon (hyperbole). Halimbawa: Pagtutulad Ang tula ay parang bulaklak; may bango! May bulaklak na walang bango, walng tula! Ang tula ay parang pintura, may kulay! May pinturang walang kulay; walang tula! Ang Tula, Jose Corazon de Jesus Pagsasatao “Pumipiukit dumidilat ang kandila dumidilat pumipikit kumakaway tumatawag ang kandila.” Kandila, Fernando Monleon Eksaherasyon “Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral, Nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw, Nag lutuin mo ang pilak, ang salapi ay lumitaw, Si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayo’y nagyayabang. _Manggagawa, Jose Corazon de Jesus LARAWANG-DIWA. “Imagery” tumutukoy sa mga salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Ang mga salitang ito ang magpapmalas sa panlasa, pang-amoy, paningin at iba pang persepsyon ng mambabasa. Halimbawa: May paambon-ambon, may tika-tikatik na sinasabayan ng kulog at lintik; May unos at bagyong nakatitigatig Sa lalong payapa’t matimping dibdin SIMBOLO. Ito ang salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng kahulugan sa isipan ng mambabasa; halimbawa, may kahulugan ang bawat kulay: puti, tumutukoy sa kalinisan o kawagasan, asul ay kapayapaan at pula ay kumakatawan sa katapangan o kung minsan kaguluhan. Iba pang simbolismo
  • 10. Araw o liwanag = pag-asa Dilim o takipsilim = suliranin o kalungkutan Krus = relihiyon o pagtukoy sa Diyos Sungay o ahas = para sa demonyo Rizal = karunungan o kahinahunan Bonifacio – tapang o lakas Juan = Pilipino Emmanuel = malapit sa Diyos Hitler = kabangisan sa dogmaan Ati-atihan, Yaman ng Diwa Alita I. Tepace at Paquito B. Badayos Ph. D p. 40 MGA URI NG TULA AYON SA KAANYUAN a. Tulang Pansalaysay: naglalahd ng isang kasaysayan o mga tagpo o pangyayari. b. Tulang Pandulaan: naglalarawan ng mga pangyayaring nahahalintulad sa tunay na buhay. Ito ay isinusulat upang itanghal. c. Tulang Pandamdamin: nagsasaad ng matinding damdamin ng makata. Karamihan halos ng mga tulang nababasa natin ngayon ay kabilang sa uring ito ng tula. 1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) - tulad ng isang soneto o ng isang oda, na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta.Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon. Uri ng Tulang Liriko Awit - Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad love songs kumbaga. Soneto - Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. Oda - Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda. Elehiya - Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan. Dalit - isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.
  • 11. d. Tulang Sagutan: naglalarawan ng pagtatagisan ng talino at pangangatwiran ng dalawang mambibigkas. 2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) - isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring maging simple o kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko, ballad, idylls at lays. Uri ng Tulang Pasalaysay a. Epiko - ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang sa isang kultura o bansa. b. Awit at kurido - ay isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walong sukat. ang tulang kurido ay kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa sa Europa tulad ng Pransya, Espana, Italya at Gresya. Ang tulang kurido ay pasalaysay. Ang tanyag na kurido ay ang Ibong Adarna. c. Karaniwang Tulang Pasalaysay - Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay. 3. Tulang Patnigan (joustic poetry) - Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan. a. Balagtasan - Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito'y sa karangalan ni Francisco "Balagtas" Baltazar. b. Karagatan - Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na "libangang itinatanghal" na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat. c. Duplo - Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan. 4. Tulang Pantanghalan o Padula - karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya'y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. MGA URI NG TULA AYON SA KAYARIAN a. Matandang Tula o Makalumang Tula: binubuo ng mga taludtod na may sukat at tugma. b. Malayang Taludturan o Free Verse: tulang walang sukat o tugma. Sanggunian: Mendiola, Venancio.Kritisismo: Teorya at Paglalapat. Rex Book Store Santos,Bernie et. al. KAWIL 2. Rex Book Store. d. 170
  • 12. Uygan, Felicitas et. al. Hiyas ng Lahi 1.Vibal Publishing House. d. 64,34, 185,209 Ibid.Hiyas ng Lahi 2. Vibal Publishing House.d. 26,64,80,84,127,184,188,294 Cabuhat, Arturo.Haraya 2.d. 112 Espiritu, Clemencia et. al. BATINGAW 2. Rex Book Store. d. 91,289,316 Inihanda ni: Martin#05 Jose Villa Panganilan. Ang Panulaang Tagalog Kasaysayan, Pagsusuri at Paliwanag.