SlideShare a Scribd company logo
1 of 19
Download to read offline
Report sa ve (magandang bukas, handog sa iyo) with story
Report sa ve (magandang bukas, handog sa iyo) with story
Pagsulong   at   pag-unlad…   ang   gandang
                            pakinggan, di ba? Sa mga nakikita mo sa iyong paligid
                            at sa kabuuan ng ating lipunan, masasabi mo bang
                            makakmit natin ito? Ano ang ngaing batayan mo sa
                            iyong sagot?
        Kung sa tingin mo ay malayo pa tayo sa landas ng kaunlaran, anu-ano
kaya ang mga hakbang na dapat nating gawin upang makamit ito?
        Kung ikukumpura sa ibang mga bansa, masasabing higt tayong
pinagpala. Mayaman tayo sa mga likas na yaman yamang pantao. Ngunit ang
nakapgtataka ay bakit tila ba napg-iiwanan na tayo ng atin mga kalapit-bansa.
Narinig mo na ba ang sustainable development? Sa iyong patunghay sa
aralin at gawain ng araling ito, higit mong mauunawaan ang konseptong ito.
Inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kanayan at pagpapahalaga:


1. Nasusuri ang kahalagahan ng wastong pamamahala sa mga materyal na
   bagay sa pagkakamit ng pag-unlad.
2. Nakagagawa ng planong pangkaunlaran na isinasaalang-alang ang wastong
   paggaamit at pangangalaga ng mga yamang kaloob ng Diyos.
3. Natutukoy ang mga hakbang tungo sa likas kayang pag-unlad. (sustainable
   development)


             ---Pagbabasa ng storyang “Ang Mahiwagang Lawa”---
Mga Tanong:
1. Ano ang aral na makukuha sa kuwento?


2. Naging mapanagutan ba ang mga tao sa pagkakataong ipnagkaloob sa
   kanila? Patunayan.


3. Paano maiuugnay ang kuwento sa mga sulirang pangkapaligirang nagaganap
   sa kasalukuyan?


4. Anong pagpapahalaga ang nararapat pairalin upang higit na pakinabangan
   ng mga susunod na henerasyon ang biyaya buhat sa lawa.
Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi lamang masusukat sa dami ng
kita ng mga mamamayan at nagtataasang mga gusali.
        Ang tunay na pag-unlad ay holistiko. Makikita rito ang pag-unlad hindi
lamang ng antas ng kabuhayan kundi maging ang pagtaas ng antas ng moralidad
at espirituwalidad ng mga tao. Nakapaloob din dito ang pamamaraan ng
pagtugon sa mga pangangailangan sa kasalukuyan na hindi naman naisasakripisyo
ang kinabukasan ng mga susunod pang henerasyon.
        Nararapat dito ang matalinong paggamit ng mga likas-yaman upang
patuloy nitong matugunan ang pangangailangan ng tao hindi lamang ngayon
kundi sa mga taon pang darating.
        May mga likas na yaman na kapag naubos o inabuso ay hindi na
mapapalitan pa. Sabi nga sa awitin, “Hindi masama ang pag-unlad kung hindi
nakasisira sa kapaligiran.” Nagpapahiwatig ito ng kahalagahan ng mapanagutang
pamamahala sa mga materyal na bagay na kaloob sa atin ng Diyos.
Ang lahat sa daigdig ay magkakaugnay. Naniniwala ka ba rito? Anuman
ang gawin nating sa kalikasan at sa lahat ng materyal na bagay na ipinagkaloob
ng Diyos sa atin ay tiyak na babalik din sa atin.
         Pamilyar ka marahil sa red tide, landslide, at iba pang sulirang
pangkapaligiran. Hindi ba’t resulta ang mga ito ng hindi wastong pamamahala sa
likas na yamang ipinagkaloob sa atin?
         Hindi dapat maisakrapisyo ang likas na yaman kapalit ng pag-unlad.
Maaari namang makamit ang pag-angat ng kabuhayan nang hindi isinasakripisyo
ang kalikasan.
         Makikita sa pahayag ni Punsalan kung paano matatamo ng likas kayang
pag-unlad ang pagsasabuhay ng mapanagutang pamamahala sa materyal na
bagay. Ang mga ito ang mga sumusunod:
1. Pagbabago ng pananaw sa pamamagitan ng pagtataguyod sa kahalagahan
   ng simpleng pamumuhay at hindi maaksayang pagkonsumo.
2. Wastong paggamit at tamang pangangalaga sa kalikasan, paggalang at
   pagtataguyod ng pagpapalit ng mga nagamit na bahagi ng kalikasan.
3. Pakikibahagi sa paglutas ng mga suliraning pangkapaligiran.
4. Paggamit ng mga teknolohiyang hindi nakakasira sa kalikasan.
5. Pagtataguyod ng responsableng pamumuno sa lahat ng antas ng pamayanan
   o bansa.
6. Pagtulong sa maliliit na pamayanan o bansa na magkaroon ng mga
   programang tutugon sa kanilang pangangailangan.
7. Pagkuha ng suporta mula sa malalaking sektor ng lipunan tulad ng mga
   industriya, pamahalaan, mga institusyon, at media.
Narito ang sipi ng Kontrata sa Mundo. Basahin ito at sikaping isabuhay ang
mga isinasaad dito.



                              KONTRATA SA MUNDO
                          Kasunduang Pangmamamayan
                  Para sa Pangkalahatang Kaligtasan ng Ekolohiya

                                     PREAMBLE

                 Kami, mga mamamayan ng daigdig ay nagalak
                 Sa kagandahan at kahiwagaan ng lupa, langit,
                        Tubig, at buhay na iba’t ibang uri.
                        Ang Daigdig ang aming tahanan.
            Ibahabahagi namin ito sa iba pang nabubuhay na nilalang.

              Subalit magagawa naming ang daigdig ay maging hindi
                  Karapat-dapat na pamayanan o tirahan ng tao
                           at iba bang uri ng nilalang.
Nababaog ang mga lupain, dumudumi ang mga papawirin,
               Nalalason ang mga tubigan.

      Naririnig sa buong mundo ang hinaing ng mga taong
      may nawawasak na lupain, kabuhayan, at kalusugan.

  Ang daigdig mismo ang nananawagan upang tayo’y gisingin.

Tayo at ang lahat ng nabubuhay na nilalang ay umaasa sa daigdig
  at sa bawat isa para sa ating pangkalahatang pangkabuhayan,
                     Kapakanan at kaunlaran.

   Ang ating kunabukasa’y nakabataya sa muling pagsisiyasat
            ng ating mga pinakabatayang paniniwala
         hinggil sa relasyon ng sangkatauhan sa daigdig.
 Kailangang buuin natin ang pangkalahatang prinsipyo at sistema
   Upang hubugin ang ating kinabukasan alinsunod sa daigdig
MGA PRINSIPYO AT
                   PANATANG PANGKAPALIGIRAN

        Bilang pakikipagsundo sa bawat isa at sa ngalan ng buong
pamayanan ng daigdig, itinatalaga namin ang aming sarili sa
sumusunod na prinsipyo at aksiyon.

        Relasyon sa daigdig. Bawat buhay ay sagrado. Bawat tao ay
isang natatangi at integral na bahagi ng pamayanan ng buhay sa
daigdig at may isang tanging responsibilidad na pangalgaan ang
buhay sa iba’t ibang anyo nito.

         Samakatuwid, kikilos tayo at mamumuhay sa isang paraang
magpapanatili sa likas na mga proseso ng buhay sa daigdig at
igagalang namin ang lahat ng uri ng nilalalang at ang kanilang
paninirahan. Kikilos tayo upang mapigil ang pagkawasak ng ekolohiya.
Reaksyon sa bawat isa. Bawat tao ay may karapatan para sa
isang kapaligirang angkiop sa kalusugan at sa mga pagkakataong
matamo ang biyaya ng daigdig. Bawat isa rin ay may patuloy na
tungkuling gumawa para sa katuparan ng mga karapatang ito para sa
kasalukuyan at sa susunod pang salinlahi.

        Samakatuwid, dahil sa pagmamalaki ng bawat tao ay
magkakaron ng pagkain, tahanan, malinis na hangin, malinis na tubig,
edukasyon, hanapbuhay, at lahat ng kailangan upang lubos na
matamasa ang mga karapatang pantao. Tayo’y kikilos para sa higit na
pantay-pantay na mga pagkakataon sa mga pinagkukunang-yaman
ng daigdig.

        Relasyon sa kaligtasang pang-ekonomiya at pang-ekolohiya.
Sapagkat ang buhay ay nakabatay sa likas na proseso ng daigdig, ang
kaunlarang pang-ekonomiya, upang maging matatag, ay dapat
magpanatili ng nagbibigay-buhay na sistema ng daigdig.
Samakatuwid, gagamitin natin ang mga teknolohiyang
nagbibigay-proteksyon sa kapaligiran at tutulong upang mapalaganap
ang mga iyon sa mga tao sa bawat panig ng daigdig. Kung nag-
aalinlangan ukol sa kalalabasan ng mga layuning pang-ekonomiya at
ng mga teknlohiya hinggil sa kapaligiran, tututulan nating ang
karagdagang hakbangin para sa pangangalaga sa kalikasan.

         Pamamahala     at   kaligtasang pang-ekonomiya.   Ang
pangangalaga at pagpapalawig ng buhay sa daigdig ay
nangangailangan ng sapat na mga sistemang panlehislatura, pang-
administrasyon, at panghudikatura sa mga angkop- na antas lokal,
pambansa, panrehiyon at pandaigdig.

       Upang maging mabisa aqng sistemang ito ay kaialangang
mabigyan ng kapangyarihan o kinatawan, may pakikilahok, at
nakabatay sa pagiging bukas ng mga impormasyon.
Samakatuwid, kikilos tayo para sa pagpapatupad ng mga
batas na nagangalaga sa kapaligiran at itataguyod ang pagtalima
samga iyon sa pamamagitan ng mga gawaing pang-edukasyon,
pampulitikia, at panlegal. Isusulong natin ang mga patakaran sa
pagpigil or prevention sa halip na reaksiyon lamang sa pagkapinsala sa
ekolohiya.

         Nagpapahayag ng ating pakikipagsunod sa isa’t isa at sa
daigdig. Sumusumpa tayong magiging tapat sa mga nabanggit na
pangata.

                                            ______________________,
                                                    Lagda
Report sa ve (magandang bukas, handog sa iyo) with story
Report sa ve (magandang bukas, handog sa iyo) with story
Report sa ve (magandang bukas, handog sa iyo) with story
Report sa ve (magandang bukas, handog sa iyo) with story
Report sa ve (magandang bukas, handog sa iyo) with story

More Related Content

Viewers also liked

Report sa VE (Magandang Bukas, Handog Sa Iyo)
Report sa VE (Magandang Bukas, Handog Sa Iyo)Report sa VE (Magandang Bukas, Handog Sa Iyo)
Report sa VE (Magandang Bukas, Handog Sa Iyo)Omegaxis26
 
Sona2012 120723130848-phpapp01
Sona2012 120723130848-phpapp01Sona2012 120723130848-phpapp01
Sona2012 120723130848-phpapp01Carla Mayol
 
Laboratory apparatus
Laboratory apparatusLaboratory apparatus
Laboratory apparatusAlyssa Vicera
 
1.4 Laboratory Equipment: Names & Uses
1.4 Laboratory Equipment:  Names & Uses1.4 Laboratory Equipment:  Names & Uses
1.4 Laboratory Equipment: Names & UsesCheryl Bausman
 

Viewers also liked (6)

Report sa VE (Magandang Bukas, Handog Sa Iyo)
Report sa VE (Magandang Bukas, Handog Sa Iyo)Report sa VE (Magandang Bukas, Handog Sa Iyo)
Report sa VE (Magandang Bukas, Handog Sa Iyo)
 
Sona2012 120723130848-phpapp01
Sona2012 120723130848-phpapp01Sona2012 120723130848-phpapp01
Sona2012 120723130848-phpapp01
 
Ang sekswalidad ng tao
Ang sekswalidad ng taoAng sekswalidad ng tao
Ang sekswalidad ng tao
 
Ekonomiks lm yunit 4 (2)
Ekonomiks lm yunit 4 (2)Ekonomiks lm yunit 4 (2)
Ekonomiks lm yunit 4 (2)
 
Laboratory apparatus
Laboratory apparatusLaboratory apparatus
Laboratory apparatus
 
1.4 Laboratory Equipment: Names & Uses
1.4 Laboratory Equipment:  Names & Uses1.4 Laboratory Equipment:  Names & Uses
1.4 Laboratory Equipment: Names & Uses
 

Similar to Report sa ve (magandang bukas, handog sa iyo) with story

Pagmamahal sa Kalikasan.pptx
Pagmamahal sa Kalikasan.pptxPagmamahal sa Kalikasan.pptx
Pagmamahal sa Kalikasan.pptxFareedGuiapal1
 
Araling Panlipunan-q2- WEEK4- DAY1.powerpoint
Araling Panlipunan-q2- WEEK4- DAY1.powerpointAraling Panlipunan-q2- WEEK4- DAY1.powerpoint
Araling Panlipunan-q2- WEEK4- DAY1.powerpointMariaTheresaSolis
 
ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangang...
ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangang...ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangang...
ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangang...EDITHA HONRADEZ
 
KAHALAGAHAN NG KAPALIGIRAN SA TAO AT SA IBA PANG BAGAY NA MAY BUHAY.pptx
KAHALAGAHAN NG KAPALIGIRAN SA TAO AT SA IBA PANG BAGAY NA MAY BUHAY.pptxKAHALAGAHAN NG KAPALIGIRAN SA TAO AT SA IBA PANG BAGAY NA MAY BUHAY.pptx
KAHALAGAHAN NG KAPALIGIRAN SA TAO AT SA IBA PANG BAGAY NA MAY BUHAY.pptxEmyCords
 
G7 AP Q1 Week 6 Pangangalaga sa Timbang na Kapaligiran.pptx
G7 AP Q1 Week 6 Pangangalaga sa Timbang na Kapaligiran.pptxG7 AP Q1 Week 6 Pangangalaga sa Timbang na Kapaligiran.pptx
G7 AP Q1 Week 6 Pangangalaga sa Timbang na Kapaligiran.pptxJerickSoriano3
 
Pagsulat ng Sanaysay.pptx
Pagsulat ng Sanaysay.pptxPagsulat ng Sanaysay.pptx
Pagsulat ng Sanaysay.pptxBenilynPummar
 
Sali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunan
Sali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunanSali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunan
Sali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunanReyesErica1
 
filipino at kultura. pptx
filipino at kultura.                pptxfilipino at kultura.                pptx
filipino at kultura. pptxmellowysunshine
 
Modyul 22 populasyo
Modyul 22   populasyoModyul 22   populasyo
Modyul 22 populasyo南 睿
 
AP Week 1 updated.pptx
AP Week 1 updated.pptxAP Week 1 updated.pptx
AP Week 1 updated.pptxMitsukeMitsuke
 
AP Week 1 updated.pptx
AP Week 1 updated.pptxAP Week 1 updated.pptx
AP Week 1 updated.pptxmaryrose918742
 

Similar to Report sa ve (magandang bukas, handog sa iyo) with story (20)

Pagmamahal sa Kalikasan.pptx
Pagmamahal sa Kalikasan.pptxPagmamahal sa Kalikasan.pptx
Pagmamahal sa Kalikasan.pptx
 
Araling Panlipunan-q2- WEEK4- DAY1.powerpoint
Araling Panlipunan-q2- WEEK4- DAY1.powerpointAraling Panlipunan-q2- WEEK4- DAY1.powerpoint
Araling Panlipunan-q2- WEEK4- DAY1.powerpoint
 
ESP 10 KALIKASAN_.pptx
ESP 10 KALIKASAN_.pptxESP 10 KALIKASAN_.pptx
ESP 10 KALIKASAN_.pptx
 
Aralin 7
Aralin 7Aralin 7
Aralin 7
 
ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangang...
ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangang...ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangang...
ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangang...
 
KAHALAGAHAN NG KAPALIGIRAN SA TAO AT SA IBA PANG BAGAY NA MAY BUHAY.pptx
KAHALAGAHAN NG KAPALIGIRAN SA TAO AT SA IBA PANG BAGAY NA MAY BUHAY.pptxKAHALAGAHAN NG KAPALIGIRAN SA TAO AT SA IBA PANG BAGAY NA MAY BUHAY.pptx
KAHALAGAHAN NG KAPALIGIRAN SA TAO AT SA IBA PANG BAGAY NA MAY BUHAY.pptx
 
lead.pptx
lead.pptxlead.pptx
lead.pptx
 
G7 AP Q1 Week 6 Pangangalaga sa Timbang na Kapaligiran.pptx
G7 AP Q1 Week 6 Pangangalaga sa Timbang na Kapaligiran.pptxG7 AP Q1 Week 6 Pangangalaga sa Timbang na Kapaligiran.pptx
G7 AP Q1 Week 6 Pangangalaga sa Timbang na Kapaligiran.pptx
 
Pagsulat ng Sanaysay.pptx
Pagsulat ng Sanaysay.pptxPagsulat ng Sanaysay.pptx
Pagsulat ng Sanaysay.pptx
 
Sali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunan
Sali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunanSali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunan
Sali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunan
 
filipino at kultura. pptx
filipino at kultura.                pptxfilipino at kultura.                pptx
filipino at kultura. pptx
 
DLL_AP2_Q3_W3.docx
DLL_AP2_Q3_W3.docxDLL_AP2_Q3_W3.docx
DLL_AP2_Q3_W3.docx
 
Q3_Mod3-4_DLL_AP.docx
Q3_Mod3-4_DLL_AP.docxQ3_Mod3-4_DLL_AP.docx
Q3_Mod3-4_DLL_AP.docx
 
Esp 4 yiii a8
Esp 4 yiii a8Esp 4 yiii a8
Esp 4 yiii a8
 
Ecosystem ng Asya
Ecosystem ng AsyaEcosystem ng Asya
Ecosystem ng Asya
 
Presentation1
Presentation1Presentation1
Presentation1
 
Modyul 22 populasyo
Modyul 22   populasyoModyul 22   populasyo
Modyul 22 populasyo
 
AP WEEK 4 DAY1.pptx
AP WEEK 4 DAY1.pptxAP WEEK 4 DAY1.pptx
AP WEEK 4 DAY1.pptx
 
AP Week 1 updated.pptx
AP Week 1 updated.pptxAP Week 1 updated.pptx
AP Week 1 updated.pptx
 
AP Week 1 updated.pptx
AP Week 1 updated.pptxAP Week 1 updated.pptx
AP Week 1 updated.pptx
 

More from Alyssa Vicera

More from Alyssa Vicera (6)

Report sa ve (katarungan o karahasan)
Report sa ve (katarungan o karahasan)Report sa ve (katarungan o karahasan)
Report sa ve (katarungan o karahasan)
 
Pagsunod
PagsunodPagsunod
Pagsunod
 
Life cycle of fern
Life cycle of fernLife cycle of fern
Life cycle of fern
 
Anaerobic respiration
Anaerobic respirationAnaerobic respiration
Anaerobic respiration
 
Principle of arts
Principle of artsPrinciple of arts
Principle of arts
 
Principle of arts
Principle of artsPrinciple of arts
Principle of arts
 

Report sa ve (magandang bukas, handog sa iyo) with story

  • 3. Pagsulong at pag-unlad… ang gandang pakinggan, di ba? Sa mga nakikita mo sa iyong paligid at sa kabuuan ng ating lipunan, masasabi mo bang makakmit natin ito? Ano ang ngaing batayan mo sa iyong sagot? Kung sa tingin mo ay malayo pa tayo sa landas ng kaunlaran, anu-ano kaya ang mga hakbang na dapat nating gawin upang makamit ito? Kung ikukumpura sa ibang mga bansa, masasabing higt tayong pinagpala. Mayaman tayo sa mga likas na yaman yamang pantao. Ngunit ang nakapgtataka ay bakit tila ba napg-iiwanan na tayo ng atin mga kalapit-bansa.
  • 4. Narinig mo na ba ang sustainable development? Sa iyong patunghay sa aralin at gawain ng araling ito, higit mong mauunawaan ang konseptong ito. Inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kanayan at pagpapahalaga: 1. Nasusuri ang kahalagahan ng wastong pamamahala sa mga materyal na bagay sa pagkakamit ng pag-unlad. 2. Nakagagawa ng planong pangkaunlaran na isinasaalang-alang ang wastong paggaamit at pangangalaga ng mga yamang kaloob ng Diyos. 3. Natutukoy ang mga hakbang tungo sa likas kayang pag-unlad. (sustainable development) ---Pagbabasa ng storyang “Ang Mahiwagang Lawa”---
  • 5. Mga Tanong: 1. Ano ang aral na makukuha sa kuwento? 2. Naging mapanagutan ba ang mga tao sa pagkakataong ipnagkaloob sa kanila? Patunayan. 3. Paano maiuugnay ang kuwento sa mga sulirang pangkapaligirang nagaganap sa kasalukuyan? 4. Anong pagpapahalaga ang nararapat pairalin upang higit na pakinabangan ng mga susunod na henerasyon ang biyaya buhat sa lawa.
  • 6. Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi lamang masusukat sa dami ng kita ng mga mamamayan at nagtataasang mga gusali. Ang tunay na pag-unlad ay holistiko. Makikita rito ang pag-unlad hindi lamang ng antas ng kabuhayan kundi maging ang pagtaas ng antas ng moralidad at espirituwalidad ng mga tao. Nakapaloob din dito ang pamamaraan ng pagtugon sa mga pangangailangan sa kasalukuyan na hindi naman naisasakripisyo ang kinabukasan ng mga susunod pang henerasyon. Nararapat dito ang matalinong paggamit ng mga likas-yaman upang patuloy nitong matugunan ang pangangailangan ng tao hindi lamang ngayon kundi sa mga taon pang darating. May mga likas na yaman na kapag naubos o inabuso ay hindi na mapapalitan pa. Sabi nga sa awitin, “Hindi masama ang pag-unlad kung hindi nakasisira sa kapaligiran.” Nagpapahiwatig ito ng kahalagahan ng mapanagutang pamamahala sa mga materyal na bagay na kaloob sa atin ng Diyos.
  • 7. Ang lahat sa daigdig ay magkakaugnay. Naniniwala ka ba rito? Anuman ang gawin nating sa kalikasan at sa lahat ng materyal na bagay na ipinagkaloob ng Diyos sa atin ay tiyak na babalik din sa atin. Pamilyar ka marahil sa red tide, landslide, at iba pang sulirang pangkapaligiran. Hindi ba’t resulta ang mga ito ng hindi wastong pamamahala sa likas na yamang ipinagkaloob sa atin? Hindi dapat maisakrapisyo ang likas na yaman kapalit ng pag-unlad. Maaari namang makamit ang pag-angat ng kabuhayan nang hindi isinasakripisyo ang kalikasan. Makikita sa pahayag ni Punsalan kung paano matatamo ng likas kayang pag-unlad ang pagsasabuhay ng mapanagutang pamamahala sa materyal na bagay. Ang mga ito ang mga sumusunod:
  • 8. 1. Pagbabago ng pananaw sa pamamagitan ng pagtataguyod sa kahalagahan ng simpleng pamumuhay at hindi maaksayang pagkonsumo. 2. Wastong paggamit at tamang pangangalaga sa kalikasan, paggalang at pagtataguyod ng pagpapalit ng mga nagamit na bahagi ng kalikasan. 3. Pakikibahagi sa paglutas ng mga suliraning pangkapaligiran. 4. Paggamit ng mga teknolohiyang hindi nakakasira sa kalikasan. 5. Pagtataguyod ng responsableng pamumuno sa lahat ng antas ng pamayanan o bansa. 6. Pagtulong sa maliliit na pamayanan o bansa na magkaroon ng mga programang tutugon sa kanilang pangangailangan. 7. Pagkuha ng suporta mula sa malalaking sektor ng lipunan tulad ng mga industriya, pamahalaan, mga institusyon, at media.
  • 9. Narito ang sipi ng Kontrata sa Mundo. Basahin ito at sikaping isabuhay ang mga isinasaad dito. KONTRATA SA MUNDO Kasunduang Pangmamamayan Para sa Pangkalahatang Kaligtasan ng Ekolohiya PREAMBLE Kami, mga mamamayan ng daigdig ay nagalak Sa kagandahan at kahiwagaan ng lupa, langit, Tubig, at buhay na iba’t ibang uri. Ang Daigdig ang aming tahanan. Ibahabahagi namin ito sa iba pang nabubuhay na nilalang. Subalit magagawa naming ang daigdig ay maging hindi Karapat-dapat na pamayanan o tirahan ng tao at iba bang uri ng nilalang.
  • 10. Nababaog ang mga lupain, dumudumi ang mga papawirin, Nalalason ang mga tubigan. Naririnig sa buong mundo ang hinaing ng mga taong may nawawasak na lupain, kabuhayan, at kalusugan. Ang daigdig mismo ang nananawagan upang tayo’y gisingin. Tayo at ang lahat ng nabubuhay na nilalang ay umaasa sa daigdig at sa bawat isa para sa ating pangkalahatang pangkabuhayan, Kapakanan at kaunlaran. Ang ating kunabukasa’y nakabataya sa muling pagsisiyasat ng ating mga pinakabatayang paniniwala hinggil sa relasyon ng sangkatauhan sa daigdig. Kailangang buuin natin ang pangkalahatang prinsipyo at sistema Upang hubugin ang ating kinabukasan alinsunod sa daigdig
  • 11. MGA PRINSIPYO AT PANATANG PANGKAPALIGIRAN Bilang pakikipagsundo sa bawat isa at sa ngalan ng buong pamayanan ng daigdig, itinatalaga namin ang aming sarili sa sumusunod na prinsipyo at aksiyon. Relasyon sa daigdig. Bawat buhay ay sagrado. Bawat tao ay isang natatangi at integral na bahagi ng pamayanan ng buhay sa daigdig at may isang tanging responsibilidad na pangalgaan ang buhay sa iba’t ibang anyo nito. Samakatuwid, kikilos tayo at mamumuhay sa isang paraang magpapanatili sa likas na mga proseso ng buhay sa daigdig at igagalang namin ang lahat ng uri ng nilalalang at ang kanilang paninirahan. Kikilos tayo upang mapigil ang pagkawasak ng ekolohiya.
  • 12. Reaksyon sa bawat isa. Bawat tao ay may karapatan para sa isang kapaligirang angkiop sa kalusugan at sa mga pagkakataong matamo ang biyaya ng daigdig. Bawat isa rin ay may patuloy na tungkuling gumawa para sa katuparan ng mga karapatang ito para sa kasalukuyan at sa susunod pang salinlahi. Samakatuwid, dahil sa pagmamalaki ng bawat tao ay magkakaron ng pagkain, tahanan, malinis na hangin, malinis na tubig, edukasyon, hanapbuhay, at lahat ng kailangan upang lubos na matamasa ang mga karapatang pantao. Tayo’y kikilos para sa higit na pantay-pantay na mga pagkakataon sa mga pinagkukunang-yaman ng daigdig. Relasyon sa kaligtasang pang-ekonomiya at pang-ekolohiya. Sapagkat ang buhay ay nakabatay sa likas na proseso ng daigdig, ang kaunlarang pang-ekonomiya, upang maging matatag, ay dapat magpanatili ng nagbibigay-buhay na sistema ng daigdig.
  • 13. Samakatuwid, gagamitin natin ang mga teknolohiyang nagbibigay-proteksyon sa kapaligiran at tutulong upang mapalaganap ang mga iyon sa mga tao sa bawat panig ng daigdig. Kung nag- aalinlangan ukol sa kalalabasan ng mga layuning pang-ekonomiya at ng mga teknlohiya hinggil sa kapaligiran, tututulan nating ang karagdagang hakbangin para sa pangangalaga sa kalikasan. Pamamahala at kaligtasang pang-ekonomiya. Ang pangangalaga at pagpapalawig ng buhay sa daigdig ay nangangailangan ng sapat na mga sistemang panlehislatura, pang- administrasyon, at panghudikatura sa mga angkop- na antas lokal, pambansa, panrehiyon at pandaigdig. Upang maging mabisa aqng sistemang ito ay kaialangang mabigyan ng kapangyarihan o kinatawan, may pakikilahok, at nakabatay sa pagiging bukas ng mga impormasyon.
  • 14. Samakatuwid, kikilos tayo para sa pagpapatupad ng mga batas na nagangalaga sa kapaligiran at itataguyod ang pagtalima samga iyon sa pamamagitan ng mga gawaing pang-edukasyon, pampulitikia, at panlegal. Isusulong natin ang mga patakaran sa pagpigil or prevention sa halip na reaksiyon lamang sa pagkapinsala sa ekolohiya. Nagpapahayag ng ating pakikipagsunod sa isa’t isa at sa daigdig. Sumusumpa tayong magiging tapat sa mga nabanggit na pangata. ______________________, Lagda