2. Panahon ng Katutubo
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang
sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino.
Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga
bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na
anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan
at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang
anyo ng dula sa bansa.
Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ring
nasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na
bato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo
(archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito
ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito
ay gawa ng demonyo.
3. Pananakop ng Kastila
• Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang
tatlong Gs – GOD, GOLD at GLORY. Dumating sila
na ang pangunahing layunin ay ihasik ang
Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong
mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng
kanilang nasasakop.
Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong
ito: una ay pamaksang pananampalataya at
kabutihang-asal at ang ikalawa ay ang panitikang
panrebolusyon.
4. Dahil sa pananampalataya ang pangunahing
pakay ng mga Kastila, karamihan sa mga
unang akdang nalikha sa panahong ito ay
halos paksang pananampalataya. Halimbawa
aytulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rin
ang nagpakilala ng konseptong maharlika o
dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid
sa mga akdang awit na ang mga pangunahing
tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at
prinsesa – isang patunay ang awit na Florante
at Laura ni Balagtas.
5. • Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat
sapagkat wikang Kastila lamang ang kinikilala sa
ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat
sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot
at pagiging madamot ng mga Kastila.
• Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat sa
bansa; ang Doctrina Cristiana na nalimbag noong
1953 na isang panrelihiyong aklat.
Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na
makarelihiyon.
6. Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa
panahon ng pananakop ng Kastila, karamihan sa mga panitikang
nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang
Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-
uudyok na kalabanin ang pamahalaan.
Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing
diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mga
kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa
pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila.
Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikang
nagrerebolusyon. Nalathala ang mga pahayagang propagandista na
pinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 na
naglalayong “matamo ang pagbabagong kailangan ng bansang
bilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang-
ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan ng bansa sa
ilalim ng pamamalakat ng mga Kastila at upang pairalin ang
kalayaan at demokrasya.”
7. • Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga
manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-panulat upang
maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang
Kastila at upang patuloy na makasulat.
Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-
panulat na Laong Laan ay naging bahagi ng pahayagang La
Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa
Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na
mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga
sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa
Mga Kabataang Dalaga sa Malolos.
Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-
panulat na PLARIDEL), Graciano Lopez-Jaena, Antonio
Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio
Jacinto, Apolinario Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat
din.
8. Pananakop ng Amerikano
Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga
Kastila, naging tagapagsagip ang mga Amerikano nang
dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa
pamahalaang Kastila.
Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa
Pilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamana
ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga
ilang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at
Tagalog.
9. Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano
sa bansa, sumulat ang mga Pilipino sa
Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan.
Nagsimula lamang umusbong ang mga panitikan
sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang
na manunulat.
Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina
si Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Makata
ng Pag-ibig at may mga panulat-sagisag na
‘Huseng Batute’ at ‘Huseng Sisiw’ dahil sisiw ang
ipinababayad kapag nagpapagawa sa kanya ng
10. Pananakop ng Hapon
• Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang
Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor noong Disyembre
7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos
kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa
karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang
panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos
ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng
namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at
itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga
katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na
nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng
kanluraning ideya ang panitikang nililikha.
11. • Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng
panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng
Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga
Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng
panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at
paniniwalang Pilipino sa mga ito.
Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong
taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5 sa
taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga
(maikling tulang may apat na taludtod at ang bilang
ng pantig ay 7-7-7-7)
12. KASALUKUYANG PANAHON
• Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan noong
Hulyo 4, 1946 mula sa kamay ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring
sumigla ang kalayaang pampanitikan ng bansa.
Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang uri sa panahong ito
ay ang pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat: Mga Piling
Katha at Mga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong Tagalog ni
Teodoro Agoncillo, Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at marami pang iba.
Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang panlalawigan dahil sa mga
inilunsad na mga pambansang pananaliksik at pagsasaling-wika ng panitikan ng
Pilipinas.
Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos Palanca
Memorial Awards for Litetature.
Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong
nagsisimula ang dekada ’80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio
Almario (na may sulat-panulat na Rio Alma) at Quintin Perez.
13. • Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa
mga pahayagan, magazine at aklat, hindi lamang sa anyo ng
pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y programang
panradyo; kundi sa pamamagitan din ng hi-technology – ang
Internet. Dahil sa internet nagkaroon ng blogging, video
clipping at audio airing na patuloy na bumubuhay sa panitikan
hindi lang ng Filipino kundi ng ibang lahi mandin.
Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa iba’t
ibang anyo at uri ng panitikan gamit ang iba’t ibang media
dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga universidad at
kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa
mga kinakikitaang husay na mga mamamayan. Ngunit ang
kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan
lamang ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat;
kailangan din ang pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga
mambabasa na katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.
•