1. BAITANG 9
DETAILED LESSON
LOG
Paaralan
Mataas na Paaralang Nasyonal ng Las
Piñas-Gatchalian Annex Baitang
9
Guro Andrelyn E. Diaz
Asignatura Edukasyon sa
Pagpapakatao
Petsa ng
Pagtuturo
Oras
December 7, 2018
2:50-3:50 (Rizal) 4:10-5:10 (Bonifacio)
5:10-6:10 (Luna) 6:10-7:10 (Mabini)
Markahan
Ikatlo
Ikalawang Sesyon
I. LAYUNIN
A. Pamantayang
Pangnilalaman
(Content Standard)
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng
kasipagan sa paggawa
B. Pamantayan sa
Pagganap
(Performance
Standard)
Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga hakbang upang
mapanatili ang kasipagan sap ag-aaral o takdang Gawain sa
tahanan
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto (Learning
Competencies)
Pangkaalaman:
Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag at
nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid at pinamamahalaan ang
naimpok
Pagsusuri ng mga larawan na nagpapakita ng kasipagan,
pagpupunyagi, at pagtitipid.
Pagsagot sa mga sitwasyon kung naipamamalas o hindi ang
kasipagan, pagpupunyagi at pagtitipid
Pangkasanayan:
Nakapag-susuri ng mga sitwasyon na nagpapakita ng kasipagan,
pagpupunyagi at pagtitipid at wastong pamamahala ng naimpok
Pag-aaral sa comic strips ng mga sitwasyon na nagpapakita
ng kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid at wastong
pamamahala ng naimpok at pagsulat ng sagot sa speech
balloon.
Pang-unawa:
Napatutunayan na:
A. Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at
produktibong Gawain na naaayon sa itinakdang layunin
ay kailangan upang umunlad ang sariling pagkatao,
kapuwa, lipunan at bansa
B. Ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng
pagpupunyagi tungo sa pagtupad ng itinakdang
mithiin.S
C. Bilang isang birtud, ang pagtitipid ay nagtuturo sa tao
na hindi lamang mamuhay nang masagana, kundi
gamitin ang perang natipid upang makatulong sa mga
nangangailangan.
D. Ang wastong pamamahala sa naimpok ay isang
obligasyon sa sarili dahil ito ang makapagbibigay ng
masaganang kinabukasan at seguridad sa panahon ng
pagreretiro
Pagtalakay ng nilalaman ng pagpapalalim, pagsagot sa mga
tanong sa Tayahin ang iyong Pagunawa, at pagbuo at
pagpapaliwanang ng tatlong batayang konsepto
Pagsasabuhay:
2. Nakagagawa ng chart ng pagsunod sa hakbang upang matupad
ang itinakdang Gawain nang may kasipagan at pagpupunyagi
Pagbuo sa mga hakbang upang matupad ang itinakdang
Gawain
Pagpapakita ng patunay na naisagawa ang Gawain
Paggawa ng daily log na makatutulong na Makita kung
naisagawa ang Gawain araw-araw
Tiyak na Layunin
Pang-unawa:
Napatutunayan na:
E. Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at
produktibong Gawain na naaayon sa itinakdang layunin
ay kailangan upang umunlad ang sariling pagkatao,
kapuwa, lipunan at bansa
F. Ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng
pagpupunyagi tungo sa pagtupad ng itinakdang
mithiin.S
G. Bilang isang birtud, ang pagtitipid ay nagtuturo sa tao
na hindi lamang mamuhay nang masagana, kundi
gamitin ang perang natipid upang makatulong sa mga
nangangailangan.
H. Ang wastong pamamahala sa naimpok ay isang
obligasyon sa sarili dahil ito ang makapagbibigay ng
masaganang kinabukasan at seguridad sa panahon ng
pagreretiro
Pagtalakay ng nilalaman ng pagpapalalim, pagsagot sa mga
tanong sa Tayahin ang iyong Pagunawa, at pagbuo at
pagpapaliwanang ng tatlong batayang konsepto
II. NILALAMAN
MODYUL 11: KASIPAGAN, PAGPUPUNYAGI, PAGTITIPID AT
WASTONG PAMAMAHALA SA NAIMPOK
III. KAGAMITANG
PANTURO (Learning
Resources)
A. Sanggunian
(References)
1. Mga Pahina sa abay ng
Guro(Teacher’s guide
pages)
Gabay ng guro pahina 88-93
2. Mga Pahina sa Kaga-
mitang Pang-mag-aaral
(Learner’s module pages)
Modyul ng Mag-aaral Pahina 162-177
3. Mga Pahina sa teksbuk
(Textbook pages)
4. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
(Teacher’s guide pages)
Manila paper, Movie clip, powerpoint, mga larawan
B. Iba pang Kagamitang
Panturo (Other Learning
Resources)
Lapel, whiteboard marker, laptop, speaker
IV. PAMAMARAAN
3. (Procedures)
A. Balik-aral sa
nakaraang aralin at /o
pagsisimula ng aralin
(Review previous
lesson)
(5 minutes)
Kilala nyo ba kung sino sya?
Siya si Mr. Chinkee Tan, kilala
Siya bilang isang matagumpay
Na negosyante.
B. Paghahabi ng layunin
sa aralin
(Establishing purpose
for the Lesson)
(5 minutes)
Ano ang inyong masasabi sa kasabihan?
Naranasan nyo rin ba ito? Ano kaya ang
Mangyayari kapag patuloy na nagging
Masigasig sila sa kanilang ginagawa?
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
(Presenting
examples/instances of
the new Lesson)
(5 Minutes)
Pagbasa ng Tula:
Marami ang nagtuturing mahirap daw itong buhay,
Araw-araw ay paggawang tila din walang humpay;
Datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay;
“Tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay.”
Ang sandali’y mahalaga hindi dapat na sayangin,
Kasipagay isagawa at itanim sa damdamin;
Kapag ito’y inugali walang liwag na kakamtin
Ang ginhawang inaasam at bungkos na pangarapin.
Hindi dapat na mahiya itong palad ay kumapal
Kung gawain ay mabuti at hangarin ay marangal;
Pagsisikap na may tiyaga, kasipagan ang kakambal
Ay sandatang pananggalang…pamuksa sa kahirapan.
Paalala’t pagunita sa diwa mo, kabataan…
Sa tuwina’y isaisip, sana’y laging tandaan:
“Kasipaga’y ugaliin at gawin mong pamantayan
Upang kamtin ang masaya at magandang kapalaran.”
www.pinoyedition.com/mga-tula/kasipagan-/
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at
paglalahad ng bagong
kasanayan #1
(Discussing new
Concept and
Practicing Skills #1)
Mga Palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan
1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
2. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain
Pakikinig ng awiting “Pagsubok”
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at
Pangkatang gawain, Pahina 172-176
4. paglalahad ng bagong
kasanayan #2
(Discussing new
concept and Practicing
Skills #2)
Unang pangkat-gagawa ng sariling likhang tula
Pangalawang pangkat- gagawa ng skit patungkol sa
wastong pamamaraan ng paggamit ng oras
Ikatlong pangkat-Pagrereport kung bakit kailangang mag-
impok
F. Paglinang sa
Kabihasnan
(Formative
Assessment)
(10 minutes)
Tayahin ang iyong pag-unawa
Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok
ang lalim ng iyong naunawaan sagutin mo ang sumusunod na
tanong sa iyong kuwaderno:
1. Ano ang kahulugan ng kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid
at wastong pamamahala sa naimpok?
2. Bakit mahalaga na ito ay taglayin ng lahat ng tao?
Ipaliwanag.
3. Ano-ano ang mga indikasyon ng taong nagtataglay ng
kasipagan, pagpupunyagi, pagiging matipid at wastong
pinamamahalaan ang naimpok?
4. Paano makatutulong sa tao ang mga katangian na ito lalo
na pagdating sa trabaho?
5. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa tao pag hindi niya
pinagsikapan na linangin ito sa kaniyang sarili? Bakit?
Ipaliwanag
G. Paglalapat ng aralin sa
pang araw-araw na
buhay
(Finding Practical
Applications of
Concepts and Skills in
Daily Living)
(10 minutes)
Panonood ng videoclip
https://youtu.be/9xUR3PRRqGk?t=6
Ang kasipagan at pagpupunyagi ay mababalewala kung ito
ay hindi lalakipan ng pagtitipid at wastong pamamahala sa
naimpok.
H. Paglalahat ng aralin
(Generalizations)
(5 Minutes
I. Pagtataya ng Aralin
(Evaluating Learning
Assessment)
Panuto:
1. Gumawa ng chart at isulat ang mga itinakdang gawain sa araw-
araw at kung ito ay natutupad ng may kasipagan at pagpupunyagi.
Isulat ang mga hakbang kung paano
Bakit mahalaga ang
kasipagan, pagpupunyagi,
pagtitipidat wastong
pamamahalasa naimpok?
Paanoito
makatutulongsa
iyong sarili at
lipunang pag-unlad?
5. (5 minutes) mo ito isasagawa.
2. Gumawa ng daily log na nagpapakita ng iyong gawain.
Mga Kakailanganing Kagamitan (website, software, mga aklat,
worksheet)
J. Karagdagang Gawain
para sa takdang
aralin/remediation
(Additional Activities
for Application and
Remediation)
(3 minutes)
1. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o
layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, at
determinasyon.
a. Kasipagan b. Katatagan c. Pagsisikap d. Pagpupunyagi
2. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na
gamitin ito upang higit na makapagbigay sa iba.
a. Pag-iimpok c. Pagtulong b. Pagtitipid d. Pagkakawanggawa
3. Ano ang naglalarawan sa pinakmahalagang paraan ng
pagtitipid?
a. maging mapagkumbaba at matutong makuntento
b. maging mapagbigay at matutong tumulong
c. maging maingat sa paggastos at matutong maging simple
d. maging masipag at matutong maging matiyaga
4. Ano ang sinasabi ng Teorya ni Maslow, The Heirarchy of
Needs tungkol sa pera?
a. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-arawna
kailangan.
b. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin.
c. Ang pera ay tumutulong sa tao na maramdaman ang
kaniyang seguridad sa buhay lalo na sa hinaharap.
d. Ang pera ay nagbibigay sa tao ng kasiguraduhan upang ang
kaniyang buhay ay maging maayos sa hinaharap.
5. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na
mag-impok ang tao ayon kay, Francisco Colayco maliban sa:
a. Para sa pagreretiro
b. Para sa mga hangarin sa buhay
c. Para maging inspirasyon sa buhay
d. Para sa proteksyon sa buhay
6. Hindi dapat taglayin ng tao ang katamaran. Ang mga
sumusunod na pangungusap ay nagbibigay ng kahulugan nito
malibansa:
a. Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho.
b. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
c. ito ay maaaring sumira sa ating kinabukasan.
d. Ito ay magdadala ng panganib sa buhay.
III. MGA TALA
IV. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
___Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% pataas
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng
iba pang Gawain para
sa remediation.
___ Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong baa ng
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
____ OO ____HIINDI
____ Bilang ng mga mag-aaral na nakaunawa sa aralin
6. D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloysa
remediation?
____ Bilang ng mag-aaral na nagpatuloy sa remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
____ Pagsasadula
____ Kolaboratibong pagkatuto
____ Iba’t-ibang pagtuturo
____ Lektyur
____ Pangkatan
Iba pa ___________________________________________________
F. Anong aralin ang aking
naranasan na
solusyonan sa tulong
ng aking punong-guro
at superbisor?
____ Bullying sa pagitan ng nga nag-aaral
____ Pah-uugali/Gawi ng mga pag-aaral
____ Masyadong kulang sa IMs
____ Kakulangan sa kagamitang panteknolohiya
____ Kompyuter
____ internet
Iba pa ____________________________________________________
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa
guro?
____ Lokal na bidyo
____ Resaykel na kagamitan
Iba pa ___________________________________________________
Inihanda ni: Binigyang-pansin ni:
Andrelyn E. Diaz VIOLETA M. GONZALES
Guro, Baitang 9 Chief, CID/OIC-ASDS
Officer-in-Charge