2. Pang-uri
Ano ang
PANG-URI?
• ang tawag sa mga
salitang naglalarawan
o nagbibigay-turing sa
mga pangngalan at
panghalip. Ito ay may
kaantasan o kasidhian.
3. KAANTASAN NG PANG-URI
LANTAY PAHAMBING PASUKDOL
Ito ay naglalarawan
lamang ng isa o payak na
pangngalan o panghalip
Nasa pinakadulong digri ng kaantasan
ang pasukdol. Ito ay maaaring positibo
o negatibo. Ang paglalarawan ay
masidhi kung kaya maaaring gumamit
ng mga katagang sobra, ubod, tunay,
talaga, saksakan, hari ng at kung
minsa’y pag-uulit ng pang-uri.
Ang pang-uring ginagamit
sa pagtutulad ng dalawang
pangngalan o panghalip.
Ito ay may dalawang uri:
A. MAGKATULAD
B. DI- MAGKATULAD
5. PAGHAHAMBING
MAGKATULAD
– ang paghahambing kung patas sa
katangian ang pinagtutulad.
Ginagamit dito ang mga panlaping
ka, magka, sing, gaya, tulad at iba
pa.
- ang paghahambing kung
nagbibigay ito ng diwa ng
pagkakait, pagtanggi o
pagsalungat.
1. PALAMANG- lalo, higit, di-hamak, mas
at iba pa
2. PASAHOL - di-gaano, di-gasino at di-
masyado
DI- MAGKATULAD
9. Halimbawa:
Pinakamabisang paraan upang ipaglaban
ang karapatan ng kababaihan ay ang
magkaroon ng sapat na kaalaman
tungkol sa kanilang karapatan.
PASUKDOL
Pinakamabisang
10. KULTURA KO, IPINAGMAMALAKI
KO !:
Panuto: Kung ikaw ay susulat ng isang
halimbawa ng epiko, anong mga
paniniwala, tradisyon o kultura ng ating
bansa ang masasalamin sa iyong akda?
Ipaliwanag bakit iyon ang nais mong
pahalagahan ng mga mambabasang
Pilipino? Ibahagi sa klase.
13. TAKDA/ KASUNDUAN
Panuto.
Pumili ng isang super hero o bayaning iyong
iniidolo. Palitan ng iyong sariling mukha
ang naibigang karakter at iapliwanag sa
loob ng 8 pangunbgusap kung bakit ito ang
iyong napili. Ilagay ang sa short bondpaper
RUBRIK SA PAGMAMARKA PUNTOS
NILALAMAN 20
KASININGAN 10
PAGPAPASA SA TAMANG
ORAS/ MEKANIKS
20
KABUUAN= 50puntos