SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  3
. Mga salitang pangnilalaman (mga content word)
1. Mga nominal
a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook,
katangian, pangyayari, atbp.
b. Panghalip (pronoun) - mga salitang panghahali sa pangngalan
2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon
ng mga salita
3. Mga panuring (mga modifier)
a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at
panghalip
b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa,
pang-uri at kapwa nito pang-abay
B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)
1. Mga Pang-ugnay (Connectives)
a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o
sugnay
b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan
c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang
salita
2. Mga Pananda (Markers)
a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o
panghalip
b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa (o
simuno) at panaguri
Hindi na isinama ang Pandamdam (interjection; mga salitang nagsasaad ng matinding
damdamin) sapagkat ayon sa mga may-akda ng Makabagong Balarila ay maaaring magamit
bilang pandamdam ang kahit anong salita kung bibigkasin nga ng may matinding damdamin.
Samantala, sa Balarilang Ingles ay may walong tradisyunal na bahagi ng pananalita bagama't
higit pa itong nahahati sa iba't ibang kaurian sang-ayon na rin sa mga pag-aaral ng mga
kasalukuyang lingguwistiko. Ito ay ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay,
pangatnig, pang-ukol at pandamdam.
Mga sanggunian
 Santos, Lope K. (1944), Balarila ng Wikang Pambansa (2nd ed.), Lungsod ng
Maynila: Kawanihan ng Palimbagan
 Santiago, Alfonso O.; Tiangco, Norma G (2003), Makabagong Balarilang Filipino
(2nd ed.), Sta. Mesa Heights, Lungsod ng Quezon: Rex Book Store, Inc., pp. 121-
126, 164, 174, 199, 213, 221, 224-225, 228-232
 Raflores, Ester (2006), Bagong binhi, Lungsod ng Valenzuela: JO-ES Publishing
House.,, pp. 77, 112, 181, 219 ,232 , 286, 326, 338, 351
 oun - pangngalan
 pronoun - panghalip
 adverb - pang-abay
 verb - pandiwa
 adjective - pang-uri
 preposition - pang-ukol
 interjection - pang-angkop
 conjunction -pangatnig
Pangngalan ang tawag sa bahagi ng pananalita na nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, lunan,
hayop, o pangyayari. Mga uri:
Pantangi
Ito ang twag sa uri ng mga tangi at tiyak na ngalan ng tao, bagay, lunan, o pangyayari. Isinusulat
sa malaking titik ang unang titik ng mga pangngalang pantangi.
Pambalana
Ito ang pangkalahatang pangngalan ng tao, bagay, lunan, hayop, o pangyayari. Ito ay isinusulat
sa maliit na titik, maliban kung ginagamit na mga pamagat o simula ng pangungusap.
Panghalip ang tawag sa mga salitang panghalili sa mga nabanggit nang pangngalan upang
maiwasan ang pag-uulit ng mga ito. Mga uri:
Panao, ay ginagamit na panghalili sa ngalan ng tao.
1. unang panauhan: ako, ko, akin, amin, tayo
2. ikalawang panauhan: ka, ikaw, inyo, kayo, ninyo
3. ikatlong panauhan: siya, niya, nila, sila, kanya
Pananong, ay salitang kumakatawan sa ngalan ng tao o bagay sa paraang patanong.
1. isahan: alin, sino, saan, ano, kailan, gaano
2. maramihan: alin-alin, sinu-sino, saan-saan, anu-ano, kai-kailan, gaa-gaano
Pamatlig, ay humahalili sa mga pangngalan at nagtuturo ng mga tao, bagay, lunan, o pangyayari.
1. malapit sa nagsasalita: ito, nito, dito
2. malapit sa kinakausap: iyan, diyan, hayan
3. malayo sa nag uusap: yaon, doon, ganoon
panaklaw, ay sumasaklaw sa bilang o dami.
1. iba, bawat, balana, isa pa, madla, lahat, tanan
Pang-uri ay nagbibigay turing sa pangngalan o panghalip. Mga uri:
Panlarawan, kapag naglalahad ng katangian, kalagayan, hugis, o laki ng isang pangngalan o
panghalip.
Pamilang, kapag nagsasaad ng bilang o kabuuan ng isang pangngalan o panghalip.
Pandiwa ang tawag sa bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o gawa. Mga aspekto:
Perpektibo o naganap na
Imperperktibo o nagaganap na
Kontemplatibo o gaganapin pa.
Pang-abay ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Mga uri:
Pang-agam, nagsasaad ng pag-aalinlangan at d-katiyakan sa gawain ng pandiwang binibigyang-
turing nito.
Pamanahon, nagsasabi ng panahon o kung kailan ang kilos ng pandiwa; isinasaad din nito ang
dalas ng pagkakaganap ng pandiwa.
Panlunan, tumutukoy sa pook kung saan naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos ng
pandiwa.
Panang-ayon, nagsasaad ng pagsang-ayon
Pananggi - nagsasaad ng pagtanggi.
Pang-ugnay ang tawag sa mga kataga at salitang ginagamit na tagapag-ugnay ng mga salita,
kaisipan at mga pahayag sa pangungusap.
Pang-angkop - nag-uugnay ng salita sa kapwa salita upang maging madulas ang pagbigkas.
1. -ng, pangatnig
2. -na, katinig
3. -g, letrang n
Pang-ukol, nag-uugnay ng pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap.
1. para, tungkol, ukol, hinggil, ayon, laban, alinsunod, (sa / kay)
2. kay / kina
3. ng / sa
4. ni / nina
Pangatnig, nagpapahayag ng kaugnayan ng isang salita o mga salita, sa kapwa salita o mga salita
ng isang kaisipan sa kapwa kaisipan.
1. Pamukod, ginagamit ito kung sa dalawa o higit pang kaisipan, ang isa ay ibig itangi o pinag-
aalinlangang piliin. Hal: dili, man, kaya, o
2. Paninsay, ginagamit ito kapag sa pangungusap ang unang bahagi ay sinasalungat ng ikalawa.
Hal: ngunit, subalit, datapwat, sukdang, maliban, natangi, bagkus, habang
3. Panlinaw, ginagamit ito kung nais na lalong paliwanagin ang mga bagay na nasabi na. Hal:
samaktwid, tahasang sabi, anupa't, sa halip, kung gayon, alalaon man lamang
1. 4. panubali, nagpapahayag ng pagkukurong may pasumala o pag-aalinlangan. Hal:
sapagkat, kung, kapag

Contenu connexe

Tendances (20)

Mga Prinsipal na Sangkap sa Pananalita
Mga Prinsipal na Sangkap sa PananalitaMga Prinsipal na Sangkap sa Pananalita
Mga Prinsipal na Sangkap sa Pananalita
 
Ako ang Daigdig
Ako ang DaigdigAko ang Daigdig
Ako ang Daigdig
 
Ponolohiya
PonolohiyaPonolohiya
Ponolohiya
 
Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
 
Mga Istruktura ng Wikang Filipino
Mga Istruktura ng Wikang FilipinoMga Istruktura ng Wikang Filipino
Mga Istruktura ng Wikang Filipino
 
Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
Uri ng Pagbabagong MorpoponemikoUri ng Pagbabagong Morpoponemiko
Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
 
Fil1 morpema
Fil1 morpemaFil1 morpema
Fil1 morpema
 
Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Uri at mga Aspekto ng PandiwaMga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
 
Asimilasyon
AsimilasyonAsimilasyon
Asimilasyon
 
Pangungusap(uri)
Pangungusap(uri)Pangungusap(uri)
Pangungusap(uri)
 
Mga pagbabagong morpoponemiko
Mga pagbabagong morpoponemikoMga pagbabagong morpoponemiko
Mga pagbabagong morpoponemiko
 
Mga tuntunin sa pagbabaybay
Mga tuntunin sa pagbabaybayMga tuntunin sa pagbabaybay
Mga tuntunin sa pagbabaybay
 
Yunit 3 istruktura ng wika
Yunit 3  istruktura ng wikaYunit 3  istruktura ng wika
Yunit 3 istruktura ng wika
 
Sintaksis
SintaksisSintaksis
Sintaksis
 
Ang Paglinang ng Kurikulum
Ang Paglinang ng KurikulumAng Paglinang ng Kurikulum
Ang Paglinang ng Kurikulum
 
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
 
Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
 
Ang sugnay
Ang sugnayAng sugnay
Ang sugnay
 
mga gamit ng ng at nang at iba pa
mga gamit ng ng at nang at iba pamga gamit ng ng at nang at iba pa
mga gamit ng ng at nang at iba pa
 
Ponolohiya
PonolohiyaPonolohiya
Ponolohiya
 

Similaire à Bahagi ng pananalita

FLT_705_REYMARK_PERANCO_Sintaktsis_Semantiks_Pragmatiks_.pptx
FLT_705_REYMARK_PERANCO_Sintaktsis_Semantiks_Pragmatiks_.pptxFLT_705_REYMARK_PERANCO_Sintaktsis_Semantiks_Pragmatiks_.pptx
FLT_705_REYMARK_PERANCO_Sintaktsis_Semantiks_Pragmatiks_.pptxReymarkPeranco2
 
LS 1 Ang ABC ng mga Hugnayang Pangungusap
LS 1 Ang ABC ng mga Hugnayang PangungusapLS 1 Ang ABC ng mga Hugnayang Pangungusap
LS 1 Ang ABC ng mga Hugnayang PangungusapMichael Gelacio
 
Pangngalan ni Joemel M. Rabago
Pangngalan ni Joemel M. RabagoPangngalan ni Joemel M. Rabago
Pangngalan ni Joemel M. RabagoJoemel Rabago
 
Filipino Gramatika (Module 2 Aralin 2.1-2.5)
Filipino Gramatika (Module 2 Aralin 2.1-2.5)Filipino Gramatika (Module 2 Aralin 2.1-2.5)
Filipino Gramatika (Module 2 Aralin 2.1-2.5)Eemlliuq Agalalan
 
pdfcoffee.com_bahagi-ng-pananalita-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_bahagi-ng-pananalita-pdf-free.pdfpdfcoffee.com_bahagi-ng-pananalita-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_bahagi-ng-pananalita-pdf-free.pdfAprilG6
 
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.pptKOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.pptELLAMAYDECENA2
 
Mga Bahagi Ng Pananalita
Mga Bahagi Ng PananalitaMga Bahagi Ng Pananalita
Mga Bahagi Ng PananalitaMingMing Davis
 
Ang Estruktura at Kayarian ng Wika.pptx
Ang Estruktura at Kayarian ng Wika.pptxAng Estruktura at Kayarian ng Wika.pptx
Ang Estruktura at Kayarian ng Wika.pptxRyanRodriguez98
 
G6_Kakayahang-Diskorsal.pptx
G6_Kakayahang-Diskorsal.pptxG6_Kakayahang-Diskorsal.pptx
G6_Kakayahang-Diskorsal.pptxTayronMelos
 
Filipino-Gen-ed-March-2019 (2).pptx
Filipino-Gen-ed-March-2019 (2).pptxFilipino-Gen-ed-March-2019 (2).pptx
Filipino-Gen-ed-March-2019 (2).pptxKentDaradar1
 
Filipino retorika, tayutay at idyoma
Filipino   retorika, tayutay at idyomaFilipino   retorika, tayutay at idyoma
Filipino retorika, tayutay at idyomaArneyo
 
filipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdf
filipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdffilipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdf
filipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdfSemajojIddag
 

Similaire à Bahagi ng pananalita (20)

Filipino grace
Filipino graceFilipino grace
Filipino grace
 
FLT_705_REYMARK_PERANCO_Sintaktsis_Semantiks_Pragmatiks_.pptx
FLT_705_REYMARK_PERANCO_Sintaktsis_Semantiks_Pragmatiks_.pptxFLT_705_REYMARK_PERANCO_Sintaktsis_Semantiks_Pragmatiks_.pptx
FLT_705_REYMARK_PERANCO_Sintaktsis_Semantiks_Pragmatiks_.pptx
 
LS 1 Ang ABC ng mga Hugnayang Pangungusap
LS 1 Ang ABC ng mga Hugnayang PangungusapLS 1 Ang ABC ng mga Hugnayang Pangungusap
LS 1 Ang ABC ng mga Hugnayang Pangungusap
 
Pangngalan ni Joemel M. Rabago
Pangngalan ni Joemel M. RabagoPangngalan ni Joemel M. Rabago
Pangngalan ni Joemel M. Rabago
 
Filipino Gramatika (Module 2 Aralin 2.1-2.5)
Filipino Gramatika (Module 2 Aralin 2.1-2.5)Filipino Gramatika (Module 2 Aralin 2.1-2.5)
Filipino Gramatika (Module 2 Aralin 2.1-2.5)
 
BAHAGI NG PANALITA.pdf
BAHAGI NG PANALITA.pdfBAHAGI NG PANALITA.pdf
BAHAGI NG PANALITA.pdf
 
Retorika at Gramatika
Retorika at GramatikaRetorika at Gramatika
Retorika at Gramatika
 
pdfcoffee.com_bahagi-ng-pananalita-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_bahagi-ng-pananalita-pdf-free.pdfpdfcoffee.com_bahagi-ng-pananalita-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_bahagi-ng-pananalita-pdf-free.pdf
 
Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
 
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.pptKOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
 
Mga Bahagi Ng Pananalita
Mga Bahagi Ng PananalitaMga Bahagi Ng Pananalita
Mga Bahagi Ng Pananalita
 
Mga Bahagi Ng Pananalita
Mga Bahagi Ng PananalitaMga Bahagi Ng Pananalita
Mga Bahagi Ng Pananalita
 
Ang Estruktura at Kayarian ng Wika.pptx
Ang Estruktura at Kayarian ng Wika.pptxAng Estruktura at Kayarian ng Wika.pptx
Ang Estruktura at Kayarian ng Wika.pptx
 
G6_Kakayahang-Diskorsal.pptx
G6_Kakayahang-Diskorsal.pptxG6_Kakayahang-Diskorsal.pptx
G6_Kakayahang-Diskorsal.pptx
 
Filipino-Gen-ed-March-2019 (2).pptx
Filipino-Gen-ed-March-2019 (2).pptxFilipino-Gen-ed-March-2019 (2).pptx
Filipino-Gen-ed-March-2019 (2).pptx
 
Panghalip
PanghalipPanghalip
Panghalip
 
BAHAGI NG PANANALITA
BAHAGI NG PANANALITABAHAGI NG PANANALITA
BAHAGI NG PANANALITA
 
Bahagi ng Pananalita
Bahagi ng PananalitaBahagi ng Pananalita
Bahagi ng Pananalita
 
Filipino retorika, tayutay at idyoma
Filipino   retorika, tayutay at idyomaFilipino   retorika, tayutay at idyoma
Filipino retorika, tayutay at idyoma
 
filipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdf
filipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdffilipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdf
filipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdf
 

Bahagi ng pananalita

  • 1. . Mga salitang pangnilalaman (mga content word) 1. Mga nominal a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, atbp. b. Panghalip (pronoun) - mga salitang panghahali sa pangngalan 2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita 3. Mga panuring (mga modifier) a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words) 1. Mga Pang-ugnay (Connectives) a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita 2. Mga Pananda (Markers) a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at panaguri Hindi na isinama ang Pandamdam (interjection; mga salitang nagsasaad ng matinding damdamin) sapagkat ayon sa mga may-akda ng Makabagong Balarila ay maaaring magamit bilang pandamdam ang kahit anong salita kung bibigkasin nga ng may matinding damdamin. Samantala, sa Balarilang Ingles ay may walong tradisyunal na bahagi ng pananalita bagama't higit pa itong nahahati sa iba't ibang kaurian sang-ayon na rin sa mga pag-aaral ng mga kasalukuyang lingguwistiko. Ito ay ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pangatnig, pang-ukol at pandamdam. Mga sanggunian  Santos, Lope K. (1944), Balarila ng Wikang Pambansa (2nd ed.), Lungsod ng Maynila: Kawanihan ng Palimbagan
  • 2.  Santiago, Alfonso O.; Tiangco, Norma G (2003), Makabagong Balarilang Filipino (2nd ed.), Sta. Mesa Heights, Lungsod ng Quezon: Rex Book Store, Inc., pp. 121- 126, 164, 174, 199, 213, 221, 224-225, 228-232  Raflores, Ester (2006), Bagong binhi, Lungsod ng Valenzuela: JO-ES Publishing House.,, pp. 77, 112, 181, 219 ,232 , 286, 326, 338, 351  oun - pangngalan  pronoun - panghalip  adverb - pang-abay  verb - pandiwa  adjective - pang-uri  preposition - pang-ukol  interjection - pang-angkop  conjunction -pangatnig Pangngalan ang tawag sa bahagi ng pananalita na nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, lunan, hayop, o pangyayari. Mga uri: Pantangi Ito ang twag sa uri ng mga tangi at tiyak na ngalan ng tao, bagay, lunan, o pangyayari. Isinusulat sa malaking titik ang unang titik ng mga pangngalang pantangi. Pambalana Ito ang pangkalahatang pangngalan ng tao, bagay, lunan, hayop, o pangyayari. Ito ay isinusulat sa maliit na titik, maliban kung ginagamit na mga pamagat o simula ng pangungusap. Panghalip ang tawag sa mga salitang panghalili sa mga nabanggit nang pangngalan upang maiwasan ang pag-uulit ng mga ito. Mga uri: Panao, ay ginagamit na panghalili sa ngalan ng tao. 1. unang panauhan: ako, ko, akin, amin, tayo 2. ikalawang panauhan: ka, ikaw, inyo, kayo, ninyo 3. ikatlong panauhan: siya, niya, nila, sila, kanya Pananong, ay salitang kumakatawan sa ngalan ng tao o bagay sa paraang patanong. 1. isahan: alin, sino, saan, ano, kailan, gaano 2. maramihan: alin-alin, sinu-sino, saan-saan, anu-ano, kai-kailan, gaa-gaano Pamatlig, ay humahalili sa mga pangngalan at nagtuturo ng mga tao, bagay, lunan, o pangyayari. 1. malapit sa nagsasalita: ito, nito, dito 2. malapit sa kinakausap: iyan, diyan, hayan 3. malayo sa nag uusap: yaon, doon, ganoon panaklaw, ay sumasaklaw sa bilang o dami. 1. iba, bawat, balana, isa pa, madla, lahat, tanan Pang-uri ay nagbibigay turing sa pangngalan o panghalip. Mga uri: Panlarawan, kapag naglalahad ng katangian, kalagayan, hugis, o laki ng isang pangngalan o panghalip. Pamilang, kapag nagsasaad ng bilang o kabuuan ng isang pangngalan o panghalip.
  • 3. Pandiwa ang tawag sa bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o gawa. Mga aspekto: Perpektibo o naganap na Imperperktibo o nagaganap na Kontemplatibo o gaganapin pa. Pang-abay ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Mga uri: Pang-agam, nagsasaad ng pag-aalinlangan at d-katiyakan sa gawain ng pandiwang binibigyang- turing nito. Pamanahon, nagsasabi ng panahon o kung kailan ang kilos ng pandiwa; isinasaad din nito ang dalas ng pagkakaganap ng pandiwa. Panlunan, tumutukoy sa pook kung saan naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos ng pandiwa. Panang-ayon, nagsasaad ng pagsang-ayon Pananggi - nagsasaad ng pagtanggi. Pang-ugnay ang tawag sa mga kataga at salitang ginagamit na tagapag-ugnay ng mga salita, kaisipan at mga pahayag sa pangungusap. Pang-angkop - nag-uugnay ng salita sa kapwa salita upang maging madulas ang pagbigkas. 1. -ng, pangatnig 2. -na, katinig 3. -g, letrang n Pang-ukol, nag-uugnay ng pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap. 1. para, tungkol, ukol, hinggil, ayon, laban, alinsunod, (sa / kay) 2. kay / kina 3. ng / sa 4. ni / nina Pangatnig, nagpapahayag ng kaugnayan ng isang salita o mga salita, sa kapwa salita o mga salita ng isang kaisipan sa kapwa kaisipan. 1. Pamukod, ginagamit ito kung sa dalawa o higit pang kaisipan, ang isa ay ibig itangi o pinag- aalinlangang piliin. Hal: dili, man, kaya, o 2. Paninsay, ginagamit ito kapag sa pangungusap ang unang bahagi ay sinasalungat ng ikalawa. Hal: ngunit, subalit, datapwat, sukdang, maliban, natangi, bagkus, habang 3. Panlinaw, ginagamit ito kung nais na lalong paliwanagin ang mga bagay na nasabi na. Hal: samaktwid, tahasang sabi, anupa't, sa halip, kung gayon, alalaon man lamang 1. 4. panubali, nagpapahayag ng pagkukurong may pasumala o pag-aalinlangan. Hal: sapagkat, kung, kapag