SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  10
Télécharger pour lire hors ligne
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
May-akda: Raquel Dizon-Poliquit
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla
FILIPINO
(Pagbasa tungo sa Pananaliksik)
Ikatlong Markahan-Modyul 10:
Pagsulat ng Reaksyong Papel
SHS
1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.
Aralin 1 – Pagsulat ng Reaksyong Papel
Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang
sumusunod:
A. napagbabalik-aralan ang pagsulat ng reaksyong papel
B. nakasusulat ng reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon
sa katangian at kabuluhan nito sa pamilya, komunidad, bansa
at daigdig.
Isulat ang iyong reaksyon kaugnay ng sumusunod na mga pahayag.
1. Mapapaamo ang anomang uri ng hayop ngunit hindi ang dila ng tao.
-Pilipinas
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. May ilang libong landas tungo sa bawat pagkakamali.
-Poland
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Mas mainam na ang bumalik kaysa maligaw
-Russia
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Aralin
1
Pagsulat ng Reaksyong Papel
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagsulat ng reaksyong papel batay sa
binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa pamilya, komunidad,
bansa at daigdig. Malilinang ito kung maisasagawa mo nang matapat ang mga
gawain.
Subukin
Alamin
2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Balik-aralan mo ang mahahalagang gabay sa pagsulat ng reaksyong papel.
Gawin ito sa pamamagitan ng paglalagay ng letrang “T” kung ang isinasaad ng
pangungusap ay tumutukoy sa pagsulat ng reaksyong papel at letrang “M” kung
hindi.
_____1. Magdagdag ng mga kawili-wiling pangungusap sa bawat talata para
makabuo ng komprehensibong kongklusyon.
_____2. Iugnay ang bawat talata sa mga sinundang pahayag.
_____3. Pagpasiyahan ang uri o lebel ng pagbabalangkas.
_____4. Siguraduhing maayos ang estruktura ng panimula na nagtatapos sa tesis
na pahayag.
_____5. Magkaroon ng malinaw na panimulang talata.
_____6. Tiyakin kung paano ilalahad nang maayos ang mga ideya. Ang
pagsasaayos ng mga ideya ay maaaring kronolohikal, ayon sa heograpiya,
o bahagi na ibig linawin.
_____7. Humanap ng makakausap upang ipasuri ang planong paksa.
_____8. Bawat talata ay naglalaman ng katibayan (halimbawa, direktang sipi,
katotohanan).
_____9. Siguraduhing makikita ang katotohanan ng tesis na pahayag kapag
nabasa ang kabuuan ng sulatin.
_____10. Isulat ang paksang pangungusap sa bawat talata.
A. Panimula
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano para sa iyo ang reaksiyong papel? Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, ano ang kabuluhan ng pagsulat ng reaksyong papel?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Paano magagamit sa pagsulat ng reaksyong papel ang mga impormasyong
iyong nakuha sa teksto?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Tuklasin
Balikan
3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
B. Pagbasa
Basahin at unawaing mabuti ang akda. Suriin at bigyang-pansin ang
mga pahayag sa teksto
Militarisasyon sa Kampus
ni Neil Ambion
February 1, 2021
“Itirik ang barikada! Ang sigaw ng mga estudyante noong Diliman Commune
ng 1971. Muling handa ang komunidad ng UP at iba pang inaatakeng kampus na
ipaglaban ang kanilang kalayaag akademiko at karapatan”.
Maaaring kasuhan ng paglabag sa Anti-Terrorism Law ang mga mag-aaral,
guro at pamunuan ng University of the Philippines. Ito’y kung pagbabatayan lang
ang mga akusasyon ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., tagapagsalita ng National Task
Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac).
Giit kasi ni Parlade, napakaraming nagaganap na paglabag sa batas kontra-
terorismo. Tumutulong umano ang ilang taga-UP sa mga “underground” na
aktibidad gaya ng mga anibersaryo ng New People’s Army (NPA), ang armadong
puwersa ng Communist Party of the Philippines (CPP) na itinuturing na terorista
ng gobyernong Duterte.
Nagpapalaganap din umano ang mga taga-UP ng materyales sa propaganda
na nanghihikayat sa mga tao na ibagsak ang gobyerno at maging paglilimbag ng
materyales sa paggawa ng bomba. “Nangyayari lahat ito sa mga kampus. Matagal
na nilang ginagawa yan,” giit ni Parlade.
Pero hindi umano sila makapagsampa ng kaso laban sa mga taga-UP dahil
kulang ang kanilang ebidensiya mula sa intelligence na mayroon sila.
“Hindi namin kayang gawin iyon. Kailangan pang dumaan sa tamang
proseso,” ani Parlade.
Itinuturing niyang sagabal ang kasunduan sa pagitan ng UP at Department
of National Defense (DND) nagbabawal sa pagpasok ng mga armadong puwersa ng
gobyerno sa mga kampus nang walang koordinasyon sa pamunuan ng UP.
Matagal nang iginigiit ng mga tutol sa Anti-Terror Law na gagamitin lang
ang batas para supilin ang mga kritiko ng pamahalaan.
Noong 2020, sunud-sunod ang mga protesta laban sa maling pagtugon ng
gobyerno sa pandemya at laban sa pagpasa ng Anti-Terror Law ang idinaos sa loob
ng mga kampus ng UP.
Bukod sa UP, naglabas din kamakailan ang NTF-Elcac ng listahan ng 37 iba
pang paaralan na pinararatangan nilang pugad ng rekrutment ng NPA kabilang
ang Polytechnic University of the Philippines, Ateneo de Manila University,
University of Santo Tomas, Far Eastern University at De La Salle University.
-https://pinoyweekly.org/2021/02/militarisasyon-sa-kampus/
C. Pag-unawa sa Binasa
1. Sa iyong sariling pagkakaunawa, tungkol saan ang nilalaman ng teksto?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Ano-anong tanong ang lumitaw sa iyong isipan pagkatapos basahin ang
teksto?
______________________________________________________________________
4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
________________________________________________________________________
3. Anong kaisipan ang nakapukaw sa iyo habang binabasa ang teksto?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Ano ang kaugnayan o kabuluhan ng tekstong iyong binasa sa mga
sumusunod:
pamilya,
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
komunidad
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
bansa at daigdig
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Paano sinasalamain ng paksa ng teksto ang kasalukuyang mga
pangyayari sa lipunan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Iba’t iba ang dahilan kung bakit tayo ay nagsusulat. Maaaring ito ay bunga
ng ating obserbasyon sa ating paligid, nabasa o napapanood sa iba’t ibang uri ng
midya o maging sa mga taong ating nakakasalamuha sa araw-araw. Anoman ang
dahilan, palagi tayong may reaksyon. Ito ang rason kung bakit mahalaga na
magkaroon ang bawat isa ng kabatiran sa pagsulat ng reaksyon bilang
pamamaraan ng ating pagpapahayag.
Pagsulat ng Reaksyong Papel
 Laman ng akademikong sulating ito ang reaksiyon sa isang napapanahong
isyu. Ang reaksyon ay nagmula sa paniniwalaang panig ng manunulat. Masusi na
tinimbang-timbang ang mga maaaring maging bunga ng isyung iikutan ng
reaksyong papel.
 Napapalawak ang lalamaning reaksyon dahil sa dating kaaalaman o iskema
ng manunulat. Ang dating kaalaman ay bunga ng kabatirang ibinigay ng mga iba
pang babasahin, napanood, napakinggan, at higit sa lahat mga naranasan.
Madaling maisagawa ang pagbuo ng reaksyong papel sapagkat nakasandig ito sa
opinyon ng indibiduwal.
 Madaling maipahayag ang opinyon lalo na kung ito ay interes ng manunulat.
Kaya naman ang reaksiyong papel ay umiikot sa paninindigan o pananaw ng
manunulat. Mas maigsi itong maituturing sa ibang akademikong sulatin. Subalit
hindi matatawaran ang bias nito bilang akademikong sulatin
Suriin
5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
sapagkat mababakas dito ang kaalaman, kasanayan, at paninindigan sa usapin ng
pagsulat ng may-akda.
Mga Bahagi ng Reaksyong Papel
1. Panimula
 Isinasagawa rito ang pagpapakilala ng paksa. Introduksiyon ito at
pinupukaw ang interes ng mga mambabasa. Marapat na pagbutihin ang
pagkakasulat nito upang mahikayat ang mga mambabasa na magpatuloy sa
pagbabasa hanggang wakas. Karaniwan nang nagsisimula ito sa pangkalahatang
pangungusap tungkol sa paksa Ang huling pangungusap sa panimula ay ang tesis
na pahayag ng pangunahing ideya. Inilalahad din dito ang authorial stance o
pananaw ng may-akda.
2. Katawan
 Isinasaad din dito ang nilalaman ng teksto kung saan pinagsama-sama ang
mga kaisipang magkakasing-uri at isinasaayos ang mga kaisipan sa isang
makatuwirang pagkakasunod-sunod. Ang bawat talata ay may sariling simula,
gitna, at wakas upang makabuo ng mas malawak na kabuoan.
3. Wakas
 Ito ang pinakabuod o kongklusyon ng teksto. Depende ang haba nito sa
haba ng buong teksto. Maituturing na kongklusyon ang wakas kung nakapaghain
ka ng mga katibayan at pangangatuwiran sa iyong sulatin.
-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa
Pananaliksik nina L. Badril, A.Bautista, D. Palmes, V. Villanueva
Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Sumulat ng isang reaksyong
papel ayon sa katangian at kabuluhan nito sa pamilya, komunidad, bansa at
daigdig.
Sining sa mga Kuko ng Terror Law
ni Roma Estrada
Enero 22, 2021
Hindi nagpasindak sa lantarang pasismo ang maraming artista!
Hindi pandemya ang hadlang sa paglikha ng sining sa panahong ito.
Patunay ang pagpapatuloy nito sa mga platapormang online sa kabila ng
pagkaudlot ng iba’t ibang festival o tuluyang pagsasara ng mga espasyo. Online na
ang mga pagtatanghal, panonood ng sine, pagbebenta ng libro, mga panayam at
iba pang anyo ng pagtitipon. Maging ang nilalaman ng mga palabas ay nag-adjust
din tulad ng isang soap operang nag-viral dahil ang multong karakter dito ay naka-
face shield.
6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Kamakailan lang ay inilabas na ang Implementing Rules and Regulations
(IRR) ng Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020. Nakasaad dito na hindi ituturing na
terorismo ang mga malikhaing pagtitipon at inisyatiba KUNG hindi ito nagdudulot
ng karahasan o naglalagay sa peligro sa nakararami. Ang kondisyong ito ng ATA
2020 ang tunay na hadlang sa paglikha ng sining mula kasalukuyan hanggang sa
hinaharap.
Atake sa lumilikha- Wala pang nakakasuhang artista dahil sa kaniyang
sining sa ilalim ng ATA 2020–sa ngayon.
Ngunit matagal nang may mga pag-atake sa mga artista bago pa man
maipasá ang Terror Law noong Hulyo. Noong 2019 ay bayolenteng dinampot ng
mga pulis ang ilang kasapi ng Panday Sining dahil sa kanilang mga graffiti sa mga
pader ng Maynila. Karahasan ang naging katumbas ng kaunting pintura, papel, at
pandikit na gamit sa pagpapahayag ng saloobin.
Lalong umigting ang mga pag-atake ngayong panahon ng pandemya. Hindi
na ganoon kalaya ang malayang pamamahayag na siyang batayang pundasyon ng
masining na paglikha. Patunay diyan ang hindi pag-renew sa prangkisa ng ABS-
CBN, ang pinakamalaking broadcast network sa Pilipinas. Kasabay nito ang
sunod-sunod na pag-aresto noong mga unang buwan ng lockdown dahil umano sa
pagpapakalat ng maling balita na labag sa Bayanihan to Heal As One Act. Biktima
nito si Bambi Beltran, isang artista sa Cebu na nagpaskil ng satirikal na content sa
kaniyang Facebook account. Kung hindi nauunawaan ng rehimeng Duterte ang
street art at satire, paano pa kaya ang ibang anyo ng masining na pagpapahayag?
Maging ang mga monumentong nagpapaalala sa ating kasaysayan ay pinag-
iinitan din ng kasalukuyang rehimen. Noong 2018, sa reklamo ng Embahada ng
Hapon ay ipinatanggal ang Comfort Woman statue na nasa kahabaan ng Roxas
Boulevard. Tinanggal na rin ang monumento nina Macliing Dulag na nagbuwis ng
buhay laban sa Chico Dam sa Kordilyera noong panahon ng Batas Militar.
Gamit ang bilyon-bilyong pondo ng National Task Force to End Local
Communist Armed Conflict (NTF-Elcac), red-tagging na ng mga artista ang
pinagkakaabalahan ng rehimeng Duterte ngayon. Kabilang sa mga biktima
sina Angel Locsin, Catriona Gray, at Liza Soberano. Pinatungkulan din ng isang
nagpakilalang witness sa isang hearing ang National Artists na sina Lino
Brocka at Ishmael Bernal.
-https://pinoyweekly.org/2021/sining-sa-mga-kuko-ng-terror-law
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Malinaw ang nilalaman ng reaksyong papel
na isinulat
10 puntos
Malinaw na naiugnay ang binasang teksto sa
pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
10 puntos
Sumusunod sa wastong balarila, baybay at
mga panuntunan sa pagsulat ng angkop,
wasto ang paggamit ng salita.
10 puntos
Kabuoan 30 puntos
7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bakuna vs. Covid-19 sa Pilipinas Sierra Madre at Kaliwa Dam
Death Penalty
Ang pagsulat ng reaksyong papel ay hindi lamang tumutukoy sa pagpuri
ng mga kalakasan o pagpuna sa kahinaan ng isang tekstong nakahain. Bagkus ay
kinapapalooban din ito ng mga elemento o sangkap upang mas maging
makatarungan at katanggap-tanggap ang binuo mong reaksyon.
Sa puntong pedagohikal, maituturing na mga pahayag ang paggamit ng
wika bilang instrumento sa mabisang paglalahad ng pansariling reaksyon,
impluwensiyang rehiyunal, at kaligirang kultural. Nagpapakita rin ito ng
kagustuhang mapaunlad ang bokabularyo ng salita.
Proseso sa Pagsulat ng Reaksyong Papel:
-Brainstorming
-Pagsulat ng mga panimulang pahayag
-Rebisyon
-Pinal na Pagsulat
Magsaliksik at magbasa ng isang teksto tungkol sa mga paksa na nasa
ibaba. Sumulat ng isang reaksyong papel batay sa napili mong paksa. Isaalang-
alang ang pamantayan sa pagsulat na makikita sa bahaging “Pagyamanin” ng
modyul na ito.
Ngayong naunawaan mo na ang ating aralin, susukatin natin ang iyong
natutuhan. Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Base sa ginawang pagtalakay, pumili ng isang dahilan kung bakit nagsusulat ng
reaksyong papel. Ipaliwang ang iyong sagot.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Paano mo magagamit ang mga impormasyon mula sa binasang teksto para sa
pagsulat ng isang reaksyong papel?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Isaisip
Tayahin
Isagawa
8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Lalo pang palawakin ang iyong kakayahan kaugnay sa aralin. Gawin ang
sumusunod:
1. Magsaliksik o humanap ng teksto na tumatalakay sa isang kasalukuyang
usaping panlipunan. Basahin ito at suriin.
2. Sumulat ng maikling reaksyong papel sa tekstong binasa. Gawing
pamantayan sa pagsulat ang rubrik na nasa bahaging “Pagyamanin” ng
modyul na ito.
Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-aaral.
Binabati kita! Sige, hanggang sa muli!
Aguilar, J., Cañega, J., Aguilar, H., Fallarcuna, EG., 2016 Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Filipino. JENHER Publishing House
Cantillo, ML., Gime, A., Gozales, A. 2016. Sikhay: Aklat sa Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Filipino para sa Ika-11 Baitang. Quezon City.
St. Bernadette Publishing House Corporation
Dayag, M.at del Rosario, MG 2017 Pinagyamang Pluma (K to 12) Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino. Quezon City: Pheonix Publishing House., Inc.
Jocson, M. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino. Quezon City:
Vibal Group Inc.
https://pinoyweekly.org/2021/02/militarisasyon-sa-kampus/
https://pinoyweekly.org/2021/sining-sa-mga-kuko-ng-terror-law
Karagdagang Gawain
Sanggunian
Susi ng Pagwawasto
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Raquel Dizon-Poliquit (Guro, MSHS)
Mga Editor: Gladys P. Rafols (Guro, FHS)
Christian Paul I. Camposano (Guro, CISSL)
Tagasuri- Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)
Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala
Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala
Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino
Ivy Coney A. Gamatero
Superbisor sa LRMS

Contenu connexe

Tendances

mabisang paraan ng pagpapahayag.pptx
mabisang paraan ng pagpapahayag.pptxmabisang paraan ng pagpapahayag.pptx
mabisang paraan ng pagpapahayag.pptxAnaMarieRavanes2
 
Tekstong impormatibo
Tekstong impormatiboTekstong impormatibo
Tekstong impormatiboREGie3
 
Kahulugan ng Tekstong Argumentatibo
Kahulugan ng Tekstong ArgumentatiboKahulugan ng Tekstong Argumentatibo
Kahulugan ng Tekstong ArgumentatiboArdan Fusin
 
Pagbasa at Uri ng Pagbasa
Pagbasa at Uri ng PagbasaPagbasa at Uri ng Pagbasa
Pagbasa at Uri ng Pagbasajoy Cadaba
 
ANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptx
ANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptxANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptx
ANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptxROBERTDCCATIMBANG
 
Kompan 1st Long Test
Kompan 1st Long TestKompan 1st Long Test
Kompan 1st Long TestTine Lachica
 
Mga Modelo ng Komunikasyon
Mga Modelo ng KomunikasyonMga Modelo ng Komunikasyon
Mga Modelo ng Komunikasyondeathful
 
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nitoTatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nitoSarah Jane Reyes
 
Aralin 4 abma tekstong deskriptibo (group3)
Aralin  4 abma tekstong deskriptibo (group3)Aralin  4 abma tekstong deskriptibo (group3)
Aralin 4 abma tekstong deskriptibo (group3)Edberly Maglangit
 
Proseso at-yugto-ng-pagsulat
Proseso at-yugto-ng-pagsulatProseso at-yugto-ng-pagsulat
Proseso at-yugto-ng-pagsulatsjbians
 
Pagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptx
Pagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptxPagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptx
Pagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptxCherryLaneLepura1
 
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptxQ4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptxRamjenZyrhyllFrac
 
MGA-AKADEMIKONG-SULATIN.pptx
MGA-AKADEMIKONG-SULATIN.pptxMGA-AKADEMIKONG-SULATIN.pptx
MGA-AKADEMIKONG-SULATIN.pptxJulesChumanew
 

Tendances (20)

mabisang paraan ng pagpapahayag.pptx
mabisang paraan ng pagpapahayag.pptxmabisang paraan ng pagpapahayag.pptx
mabisang paraan ng pagpapahayag.pptx
 
Tekstong impormatibo
Tekstong impormatiboTekstong impormatibo
Tekstong impormatibo
 
Kahulugan ng Tekstong Argumentatibo
Kahulugan ng Tekstong ArgumentatiboKahulugan ng Tekstong Argumentatibo
Kahulugan ng Tekstong Argumentatibo
 
Pagbasa at Uri ng Pagbasa
Pagbasa at Uri ng PagbasaPagbasa at Uri ng Pagbasa
Pagbasa at Uri ng Pagbasa
 
Kakayahang Sosyolinggwistiko
Kakayahang SosyolinggwistikoKakayahang Sosyolinggwistiko
Kakayahang Sosyolinggwistiko
 
Pagsulat ng Reaksiyon
Pagsulat ng ReaksiyonPagsulat ng Reaksiyon
Pagsulat ng Reaksiyon
 
ANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptx
ANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptxANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptx
ANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptx
 
Kompan 1st Long Test
Kompan 1st Long TestKompan 1st Long Test
Kompan 1st Long Test
 
Mga Modelo ng Komunikasyon
Mga Modelo ng KomunikasyonMga Modelo ng Komunikasyon
Mga Modelo ng Komunikasyon
 
Akademikong Pagsulat
Akademikong PagsulatAkademikong Pagsulat
Akademikong Pagsulat
 
PICTORIAL-ESSAY.pptx
PICTORIAL-ESSAY.pptxPICTORIAL-ESSAY.pptx
PICTORIAL-ESSAY.pptx
 
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nitoTatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
 
Aralin 4 abma tekstong deskriptibo (group3)
Aralin  4 abma tekstong deskriptibo (group3)Aralin  4 abma tekstong deskriptibo (group3)
Aralin 4 abma tekstong deskriptibo (group3)
 
Proseso at-yugto-ng-pagsulat
Proseso at-yugto-ng-pagsulatProseso at-yugto-ng-pagsulat
Proseso at-yugto-ng-pagsulat
 
Pagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptx
Pagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptxPagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptx
Pagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptx
 
Photo essay
Photo essayPhoto essay
Photo essay
 
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptxQ4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
 
Kakayahang pragmatiko
Kakayahang pragmatikoKakayahang pragmatiko
Kakayahang pragmatiko
 
Pagsulat ng Reaksyong Papel.pptx
Pagsulat ng Reaksyong Papel.pptxPagsulat ng Reaksyong Papel.pptx
Pagsulat ng Reaksyong Papel.pptx
 
MGA-AKADEMIKONG-SULATIN.pptx
MGA-AKADEMIKONG-SULATIN.pptxMGA-AKADEMIKONG-SULATIN.pptx
MGA-AKADEMIKONG-SULATIN.pptx
 

Similaire à Final filipino11 q3_m10

Mabisang pagsusulat
Mabisang pagsusulatMabisang pagsusulat
Mabisang pagsusulaticgamatero
 
Pagsulat aKADEMIK SHS ppt
Pagsulat aKADEMIK SHS pptPagsulat aKADEMIK SHS ppt
Pagsulat aKADEMIK SHS pptallan capulong
 
scribd.vpdfs.com_pagbasa-aralin-10.pdf
scribd.vpdfs.com_pagbasa-aralin-10.pdfscribd.vpdfs.com_pagbasa-aralin-10.pdf
scribd.vpdfs.com_pagbasa-aralin-10.pdfhuhumam
 
SLM_MET1_L2.-Deskriptibo-at-Naratibo.pdf
SLM_MET1_L2.-Deskriptibo-at-Naratibo.pdfSLM_MET1_L2.-Deskriptibo-at-Naratibo.pdf
SLM_MET1_L2.-Deskriptibo-at-Naratibo.pdfJeffersonMontiel
 
Mapanuring pagbasa sa akademiya
Mapanuring pagbasa sa akademiyaMapanuring pagbasa sa akademiya
Mapanuring pagbasa sa akademiyaRochelle Nato
 
Pagbasa at pagsulat by dashlyn
Pagbasa at pagsulat by dashlynPagbasa at pagsulat by dashlyn
Pagbasa at pagsulat by dashlynBrianDaiz
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNRenzlorezo
 
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpatiFilipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpatiMARIA KATRINA MACAPAZ
 
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptxPagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptxferdinandsanbuenaven
 
433372192-Pagbasa-at-Pagsusuri.pptx
433372192-Pagbasa-at-Pagsusuri.pptx433372192-Pagbasa-at-Pagsusuri.pptx
433372192-Pagbasa-at-Pagsusuri.pptxLlemorSoledSeyer1
 
M4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptx
M4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptxM4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptx
M4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptxNoryKrisLaigo
 
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docxOnline Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docxMangalinoReyshe
 
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teskto
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang tesktobatayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teskto
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang tesktotimelesscontent91
 
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.docPagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.docJONALIZA BANDOL
 

Similaire à Final filipino11 q3_m10 (20)

Mabisang pagsusulat
Mabisang pagsusulatMabisang pagsusulat
Mabisang pagsusulat
 
Pagsulat aKADEMIK SHS ppt
Pagsulat aKADEMIK SHS pptPagsulat aKADEMIK SHS ppt
Pagsulat aKADEMIK SHS ppt
 
scribd.vpdfs.com_pagbasa-aralin-10.pdf
scribd.vpdfs.com_pagbasa-aralin-10.pdfscribd.vpdfs.com_pagbasa-aralin-10.pdf
scribd.vpdfs.com_pagbasa-aralin-10.pdf
 
COT grade 8 sy 2020- 2021.docx
COT grade 8 sy 2020- 2021.docxCOT grade 8 sy 2020- 2021.docx
COT grade 8 sy 2020- 2021.docx
 
SLM_MET1_L2.-Deskriptibo-at-Naratibo.pdf
SLM_MET1_L2.-Deskriptibo-at-Naratibo.pdfSLM_MET1_L2.-Deskriptibo-at-Naratibo.pdf
SLM_MET1_L2.-Deskriptibo-at-Naratibo.pdf
 
SANAYSAY.pptx
SANAYSAY.pptxSANAYSAY.pptx
SANAYSAY.pptx
 
Mapanuring pagbasa sa akademiya
Mapanuring pagbasa sa akademiyaMapanuring pagbasa sa akademiya
Mapanuring pagbasa sa akademiya
 
Pagbasa at pagsulat by dashlyn
Pagbasa at pagsulat by dashlynPagbasa at pagsulat by dashlyn
Pagbasa at pagsulat by dashlyn
 
FPL ppt Q4 W1.pptx
FPL ppt Q4 W1.pptxFPL ppt Q4 W1.pptx
FPL ppt Q4 W1.pptx
 
GRADE 6 FILIPINO.docx
GRADE 6 FILIPINO.docxGRADE 6 FILIPINO.docx
GRADE 6 FILIPINO.docx
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
 
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpatiFilipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
 
Komunikasyon modyul
Komunikasyon modyulKomunikasyon modyul
Komunikasyon modyul
 
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptxPagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptx
 
Q1-M1.pptx
Q1-M1.pptxQ1-M1.pptx
Q1-M1.pptx
 
433372192-Pagbasa-at-Pagsusuri.pptx
433372192-Pagbasa-at-Pagsusuri.pptx433372192-Pagbasa-at-Pagsusuri.pptx
433372192-Pagbasa-at-Pagsusuri.pptx
 
M4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptx
M4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptxM4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptx
M4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptx
 
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docxOnline Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
 
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teskto
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang tesktobatayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teskto
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teskto
 
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.docPagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
 

Dernier

Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxPanunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxJohnMarkAlarconPunta
 
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralinErickaCagaoan
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptxKaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptxTalisayNhs1
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
Isang Libo't Isang Gabi _DLP. o banghay aralin
Isang Libo't  Isang Gabi _DLP. o banghay aralinIsang Libo't  Isang Gabi _DLP. o banghay aralin
Isang Libo't Isang Gabi _DLP. o banghay aralinErickaCagaoan
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
esp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptx
esp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptxesp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptx
esp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptxVielMarvinPBerbano
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaChristineJaneWaquizM
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoChristineJaneWaquizM
 
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvcharlyn050618
 
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxShierAngelUrriza2
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxjudilynmateo2
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxKimberlyValdez19
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoPAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoRheaRoseCapuz
 
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxBlessGely
 

Dernier (20)

Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxPanunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
 
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptxKaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
Isang Libo't Isang Gabi _DLP. o banghay aralin
Isang Libo't  Isang Gabi _DLP. o banghay aralinIsang Libo't  Isang Gabi _DLP. o banghay aralin
Isang Libo't Isang Gabi _DLP. o banghay aralin
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
esp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptx
esp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptxesp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptx
esp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptx
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
 
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
 
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoPAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
 
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
 

Final filipino11 q3_m10

  • 1. City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE May-akda: Raquel Dizon-Poliquit Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla FILIPINO (Pagbasa tungo sa Pananaliksik) Ikatlong Markahan-Modyul 10: Pagsulat ng Reaksyong Papel SHS
  • 2. 1 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin. Aralin 1 – Pagsulat ng Reaksyong Papel Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang sumusunod: A. napagbabalik-aralan ang pagsulat ng reaksyong papel B. nakasusulat ng reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa pamilya, komunidad, bansa at daigdig. Isulat ang iyong reaksyon kaugnay ng sumusunod na mga pahayag. 1. Mapapaamo ang anomang uri ng hayop ngunit hindi ang dila ng tao. -Pilipinas __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 2. May ilang libong landas tungo sa bawat pagkakamali. -Poland __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 3. Mas mainam na ang bumalik kaysa maligaw -Russia __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ Aralin 1 Pagsulat ng Reaksyong Papel Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagsulat ng reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa pamilya, komunidad, bansa at daigdig. Malilinang ito kung maisasagawa mo nang matapat ang mga gawain. Subukin Alamin
  • 3. 2 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE Balik-aralan mo ang mahahalagang gabay sa pagsulat ng reaksyong papel. Gawin ito sa pamamagitan ng paglalagay ng letrang “T” kung ang isinasaad ng pangungusap ay tumutukoy sa pagsulat ng reaksyong papel at letrang “M” kung hindi. _____1. Magdagdag ng mga kawili-wiling pangungusap sa bawat talata para makabuo ng komprehensibong kongklusyon. _____2. Iugnay ang bawat talata sa mga sinundang pahayag. _____3. Pagpasiyahan ang uri o lebel ng pagbabalangkas. _____4. Siguraduhing maayos ang estruktura ng panimula na nagtatapos sa tesis na pahayag. _____5. Magkaroon ng malinaw na panimulang talata. _____6. Tiyakin kung paano ilalahad nang maayos ang mga ideya. Ang pagsasaayos ng mga ideya ay maaaring kronolohikal, ayon sa heograpiya, o bahagi na ibig linawin. _____7. Humanap ng makakausap upang ipasuri ang planong paksa. _____8. Bawat talata ay naglalaman ng katibayan (halimbawa, direktang sipi, katotohanan). _____9. Siguraduhing makikita ang katotohanan ng tesis na pahayag kapag nabasa ang kabuuan ng sulatin. _____10. Isulat ang paksang pangungusap sa bawat talata. A. Panimula Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano para sa iyo ang reaksiyong papel? Ipaliwanag ang iyong sagot. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Sa iyong palagay, ano ang kabuluhan ng pagsulat ng reaksyong papel? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Paano magagamit sa pagsulat ng reaksyong papel ang mga impormasyong iyong nakuha sa teksto? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Tuklasin Balikan
  • 4. 3 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE B. Pagbasa Basahin at unawaing mabuti ang akda. Suriin at bigyang-pansin ang mga pahayag sa teksto Militarisasyon sa Kampus ni Neil Ambion February 1, 2021 “Itirik ang barikada! Ang sigaw ng mga estudyante noong Diliman Commune ng 1971. Muling handa ang komunidad ng UP at iba pang inaatakeng kampus na ipaglaban ang kanilang kalayaag akademiko at karapatan”. Maaaring kasuhan ng paglabag sa Anti-Terrorism Law ang mga mag-aaral, guro at pamunuan ng University of the Philippines. Ito’y kung pagbabatayan lang ang mga akusasyon ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac). Giit kasi ni Parlade, napakaraming nagaganap na paglabag sa batas kontra- terorismo. Tumutulong umano ang ilang taga-UP sa mga “underground” na aktibidad gaya ng mga anibersaryo ng New People’s Army (NPA), ang armadong puwersa ng Communist Party of the Philippines (CPP) na itinuturing na terorista ng gobyernong Duterte. Nagpapalaganap din umano ang mga taga-UP ng materyales sa propaganda na nanghihikayat sa mga tao na ibagsak ang gobyerno at maging paglilimbag ng materyales sa paggawa ng bomba. “Nangyayari lahat ito sa mga kampus. Matagal na nilang ginagawa yan,” giit ni Parlade. Pero hindi umano sila makapagsampa ng kaso laban sa mga taga-UP dahil kulang ang kanilang ebidensiya mula sa intelligence na mayroon sila. “Hindi namin kayang gawin iyon. Kailangan pang dumaan sa tamang proseso,” ani Parlade. Itinuturing niyang sagabal ang kasunduan sa pagitan ng UP at Department of National Defense (DND) nagbabawal sa pagpasok ng mga armadong puwersa ng gobyerno sa mga kampus nang walang koordinasyon sa pamunuan ng UP. Matagal nang iginigiit ng mga tutol sa Anti-Terror Law na gagamitin lang ang batas para supilin ang mga kritiko ng pamahalaan. Noong 2020, sunud-sunod ang mga protesta laban sa maling pagtugon ng gobyerno sa pandemya at laban sa pagpasa ng Anti-Terror Law ang idinaos sa loob ng mga kampus ng UP. Bukod sa UP, naglabas din kamakailan ang NTF-Elcac ng listahan ng 37 iba pang paaralan na pinararatangan nilang pugad ng rekrutment ng NPA kabilang ang Polytechnic University of the Philippines, Ateneo de Manila University, University of Santo Tomas, Far Eastern University at De La Salle University. -https://pinoyweekly.org/2021/02/militarisasyon-sa-kampus/ C. Pag-unawa sa Binasa 1. Sa iyong sariling pagkakaunawa, tungkol saan ang nilalaman ng teksto? ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 2. Ano-anong tanong ang lumitaw sa iyong isipan pagkatapos basahin ang teksto? ______________________________________________________________________
  • 5. 4 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE ________________________________________________________________________ 3. Anong kaisipan ang nakapukaw sa iyo habang binabasa ang teksto? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 4. Ano ang kaugnayan o kabuluhan ng tekstong iyong binasa sa mga sumusunod: pamilya, ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ komunidad ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ bansa at daigdig ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 5. Paano sinasalamain ng paksa ng teksto ang kasalukuyang mga pangyayari sa lipunan? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ Iba’t iba ang dahilan kung bakit tayo ay nagsusulat. Maaaring ito ay bunga ng ating obserbasyon sa ating paligid, nabasa o napapanood sa iba’t ibang uri ng midya o maging sa mga taong ating nakakasalamuha sa araw-araw. Anoman ang dahilan, palagi tayong may reaksyon. Ito ang rason kung bakit mahalaga na magkaroon ang bawat isa ng kabatiran sa pagsulat ng reaksyon bilang pamamaraan ng ating pagpapahayag. Pagsulat ng Reaksyong Papel  Laman ng akademikong sulating ito ang reaksiyon sa isang napapanahong isyu. Ang reaksyon ay nagmula sa paniniwalaang panig ng manunulat. Masusi na tinimbang-timbang ang mga maaaring maging bunga ng isyung iikutan ng reaksyong papel.  Napapalawak ang lalamaning reaksyon dahil sa dating kaaalaman o iskema ng manunulat. Ang dating kaalaman ay bunga ng kabatirang ibinigay ng mga iba pang babasahin, napanood, napakinggan, at higit sa lahat mga naranasan. Madaling maisagawa ang pagbuo ng reaksyong papel sapagkat nakasandig ito sa opinyon ng indibiduwal.  Madaling maipahayag ang opinyon lalo na kung ito ay interes ng manunulat. Kaya naman ang reaksiyong papel ay umiikot sa paninindigan o pananaw ng manunulat. Mas maigsi itong maituturing sa ibang akademikong sulatin. Subalit hindi matatawaran ang bias nito bilang akademikong sulatin Suriin
  • 6. 5 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE sapagkat mababakas dito ang kaalaman, kasanayan, at paninindigan sa usapin ng pagsulat ng may-akda. Mga Bahagi ng Reaksyong Papel 1. Panimula  Isinasagawa rito ang pagpapakilala ng paksa. Introduksiyon ito at pinupukaw ang interes ng mga mambabasa. Marapat na pagbutihin ang pagkakasulat nito upang mahikayat ang mga mambabasa na magpatuloy sa pagbabasa hanggang wakas. Karaniwan nang nagsisimula ito sa pangkalahatang pangungusap tungkol sa paksa Ang huling pangungusap sa panimula ay ang tesis na pahayag ng pangunahing ideya. Inilalahad din dito ang authorial stance o pananaw ng may-akda. 2. Katawan  Isinasaad din dito ang nilalaman ng teksto kung saan pinagsama-sama ang mga kaisipang magkakasing-uri at isinasaayos ang mga kaisipan sa isang makatuwirang pagkakasunod-sunod. Ang bawat talata ay may sariling simula, gitna, at wakas upang makabuo ng mas malawak na kabuoan. 3. Wakas  Ito ang pinakabuod o kongklusyon ng teksto. Depende ang haba nito sa haba ng buong teksto. Maituturing na kongklusyon ang wakas kung nakapaghain ka ng mga katibayan at pangangatuwiran sa iyong sulatin. -Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik nina L. Badril, A.Bautista, D. Palmes, V. Villanueva Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Sumulat ng isang reaksyong papel ayon sa katangian at kabuluhan nito sa pamilya, komunidad, bansa at daigdig. Sining sa mga Kuko ng Terror Law ni Roma Estrada Enero 22, 2021 Hindi nagpasindak sa lantarang pasismo ang maraming artista! Hindi pandemya ang hadlang sa paglikha ng sining sa panahong ito. Patunay ang pagpapatuloy nito sa mga platapormang online sa kabila ng pagkaudlot ng iba’t ibang festival o tuluyang pagsasara ng mga espasyo. Online na ang mga pagtatanghal, panonood ng sine, pagbebenta ng libro, mga panayam at iba pang anyo ng pagtitipon. Maging ang nilalaman ng mga palabas ay nag-adjust din tulad ng isang soap operang nag-viral dahil ang multong karakter dito ay naka- face shield.
  • 7. 6 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE Kamakailan lang ay inilabas na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020. Nakasaad dito na hindi ituturing na terorismo ang mga malikhaing pagtitipon at inisyatiba KUNG hindi ito nagdudulot ng karahasan o naglalagay sa peligro sa nakararami. Ang kondisyong ito ng ATA 2020 ang tunay na hadlang sa paglikha ng sining mula kasalukuyan hanggang sa hinaharap. Atake sa lumilikha- Wala pang nakakasuhang artista dahil sa kaniyang sining sa ilalim ng ATA 2020–sa ngayon. Ngunit matagal nang may mga pag-atake sa mga artista bago pa man maipasá ang Terror Law noong Hulyo. Noong 2019 ay bayolenteng dinampot ng mga pulis ang ilang kasapi ng Panday Sining dahil sa kanilang mga graffiti sa mga pader ng Maynila. Karahasan ang naging katumbas ng kaunting pintura, papel, at pandikit na gamit sa pagpapahayag ng saloobin. Lalong umigting ang mga pag-atake ngayong panahon ng pandemya. Hindi na ganoon kalaya ang malayang pamamahayag na siyang batayang pundasyon ng masining na paglikha. Patunay diyan ang hindi pag-renew sa prangkisa ng ABS- CBN, ang pinakamalaking broadcast network sa Pilipinas. Kasabay nito ang sunod-sunod na pag-aresto noong mga unang buwan ng lockdown dahil umano sa pagpapakalat ng maling balita na labag sa Bayanihan to Heal As One Act. Biktima nito si Bambi Beltran, isang artista sa Cebu na nagpaskil ng satirikal na content sa kaniyang Facebook account. Kung hindi nauunawaan ng rehimeng Duterte ang street art at satire, paano pa kaya ang ibang anyo ng masining na pagpapahayag? Maging ang mga monumentong nagpapaalala sa ating kasaysayan ay pinag- iinitan din ng kasalukuyang rehimen. Noong 2018, sa reklamo ng Embahada ng Hapon ay ipinatanggal ang Comfort Woman statue na nasa kahabaan ng Roxas Boulevard. Tinanggal na rin ang monumento nina Macliing Dulag na nagbuwis ng buhay laban sa Chico Dam sa Kordilyera noong panahon ng Batas Militar. Gamit ang bilyon-bilyong pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac), red-tagging na ng mga artista ang pinagkakaabalahan ng rehimeng Duterte ngayon. Kabilang sa mga biktima sina Angel Locsin, Catriona Gray, at Liza Soberano. Pinatungkulan din ng isang nagpakilalang witness sa isang hearing ang National Artists na sina Lino Brocka at Ishmael Bernal. -https://pinoyweekly.org/2021/sining-sa-mga-kuko-ng-terror-law PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA Malinaw ang nilalaman ng reaksyong papel na isinulat 10 puntos Malinaw na naiugnay ang binasang teksto sa pamilya, komunidad, bansa at daigdig. 10 puntos Sumusunod sa wastong balarila, baybay at mga panuntunan sa pagsulat ng angkop, wasto ang paggamit ng salita. 10 puntos Kabuoan 30 puntos
  • 8. 7 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE Bakuna vs. Covid-19 sa Pilipinas Sierra Madre at Kaliwa Dam Death Penalty Ang pagsulat ng reaksyong papel ay hindi lamang tumutukoy sa pagpuri ng mga kalakasan o pagpuna sa kahinaan ng isang tekstong nakahain. Bagkus ay kinapapalooban din ito ng mga elemento o sangkap upang mas maging makatarungan at katanggap-tanggap ang binuo mong reaksyon. Sa puntong pedagohikal, maituturing na mga pahayag ang paggamit ng wika bilang instrumento sa mabisang paglalahad ng pansariling reaksyon, impluwensiyang rehiyunal, at kaligirang kultural. Nagpapakita rin ito ng kagustuhang mapaunlad ang bokabularyo ng salita. Proseso sa Pagsulat ng Reaksyong Papel: -Brainstorming -Pagsulat ng mga panimulang pahayag -Rebisyon -Pinal na Pagsulat Magsaliksik at magbasa ng isang teksto tungkol sa mga paksa na nasa ibaba. Sumulat ng isang reaksyong papel batay sa napili mong paksa. Isaalang- alang ang pamantayan sa pagsulat na makikita sa bahaging “Pagyamanin” ng modyul na ito. Ngayong naunawaan mo na ang ating aralin, susukatin natin ang iyong natutuhan. Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Base sa ginawang pagtalakay, pumili ng isang dahilan kung bakit nagsusulat ng reaksyong papel. Ipaliwang ang iyong sagot. __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 2. Paano mo magagamit ang mga impormasyon mula sa binasang teksto para sa pagsulat ng isang reaksyong papel? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ Isaisip Tayahin Isagawa
  • 9. 8 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE Lalo pang palawakin ang iyong kakayahan kaugnay sa aralin. Gawin ang sumusunod: 1. Magsaliksik o humanap ng teksto na tumatalakay sa isang kasalukuyang usaping panlipunan. Basahin ito at suriin. 2. Sumulat ng maikling reaksyong papel sa tekstong binasa. Gawing pamantayan sa pagsulat ang rubrik na nasa bahaging “Pagyamanin” ng modyul na ito. Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-aaral. Binabati kita! Sige, hanggang sa muli! Aguilar, J., Cañega, J., Aguilar, H., Fallarcuna, EG., 2016 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino. JENHER Publishing House Cantillo, ML., Gime, A., Gozales, A. 2016. Sikhay: Aklat sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino para sa Ika-11 Baitang. Quezon City. St. Bernadette Publishing House Corporation Dayag, M.at del Rosario, MG 2017 Pinagyamang Pluma (K to 12) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino. Quezon City: Pheonix Publishing House., Inc. Jocson, M. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino. Quezon City: Vibal Group Inc. https://pinoyweekly.org/2021/02/militarisasyon-sa-kampus/ https://pinoyweekly.org/2021/sining-sa-mga-kuko-ng-terror-law Karagdagang Gawain Sanggunian Susi ng Pagwawasto
  • 10. City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Raquel Dizon-Poliquit (Guro, MSHS) Mga Editor: Gladys P. Rafols (Guro, FHS) Christian Paul I. Camposano (Guro, CISSL) Tagasuri- Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino) Tagasuri Panlabas: Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS) Tagalapat: Tagapamahala: Sheryll T. Gayola Pangalawang Tagapamanihala Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala Elisa O. Cerveza Hepe – Curriculum Implementation Division Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala Galcoso C. Alburo Superbisor sa Filipino Ivy Coney A. Gamatero Superbisor sa LRMS