Publicité
Publicité

Contenu connexe

Publicité
Publicité

Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

  1. Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin Pakitang-Turo ni Gng. Maria Lourdes C. Rosario Guro III - GLGMNHS
  2. Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin Naganap noong ika-15 hanggang ika-17 siglo Ito rin ang panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo. Ang eksplorasyon ang nagbigay- daan sa kolonyalismo.
  3. Kolonyalismo Ay ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.
  4. Imperyalismo Ay ang panghihimasok, pag- impluwensiya, o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Maaari itong tuwiran at di- tuwirang pananakop.
  5. 3 bagay Motibo ng Kolonyalismo Paghahanap ng kayamanan Paglaganap ng Kristiyanismo Paghahangad ng katanyagan at karangalan kilala sa 3 G’s – na ibig sabihin ay God, Gold and Glory
  6. Mga Salik sa Eksplorasyon 1. Mga Unang Ruta ng Kalakalan Ang mga kalakal sa Asya ay nakarating sa Europa sa pamamagitan ng tatlong ruta. Hilagang Ruta: Peking -> disyerto sa Gitnang Asya -> Samarkand at Bokhara -> Caspian Sea at Black Sea -> Constantinople
  7. Mga Ruta sa Kalakalan Panggitnang Ruta: India -> Ormus sa Persian Gulf -> Antioch, Aleppo, Damascus
  8. Mga Ruta sa Kalakalan Timog na Ruta: India - > Indian Ocean -> Arabia -> Red Sea - > Cairo o Alexandria, Egypt
  9. 2. Limitadong Kaalaman ng mga Kanluranin sa Asya Kaunti lamang ang nalalaman ng mga kanluranin tungkol sa Asya. Ilan sa mga akda tungkol sa Asya ay isinulat ng mga nakilahok sa krusada (1096-1273) Ang pinakatanyag na akda ay isinulat ni Marco Polo. Tinawid niya ang Gitnang Asya hanggang sa China kasama ang kanyang ama at tiyuhin ayon sa kanyang aklat na The Travels of Marco Polo.
  10. Paglalakbay ni Ibbn Batuta
  11. 3. Kayamanan Dahil sa patakarang Merkantilismo nais ng mga Europeo na magkaroon ng maraming bullion o ginto at pilak.
  12. Kayamanan Naghangad ng mga pagkaing pampalasa gaya ng paminta,nutmeg,luya at cinammon na tinatawag na spices.
  13. Kayamanan Monopolyo ng Kalakalan – ang mga mangangalakal na Venetian ang nagkontrol ng pamilihan sa Europa dahil nagbibigay sila ng mataas na buwis sa mga Seljurk Turkong Muslim na sumakop ng mga ruta ng kalakalan. Kaya naghanap ng bagong ruta ang mga bansa sa Europa sa tulong ng mga Bourgeosie at Hari.
  14. 4. Relihiyon Nasakop ng mga Muslim ang Spain,Hilagang Africa at Silangang Mediterranean Sea kaya naglungsad ang Portugal at Spain ng Reconquista upang mabawi ang Iberian Peninsula.
  15. Relihiyon Paglungsad ng Krusada upang mabawi ang Jerusalem sa mga Muslim.
  16. Relihiyon Ninais nila na palaganapin ang Kristiyanismo kaya sa bawat ekspedisyon ay may mga misyonerong paring kasama na naging tagatala nila ng mga nangyari sa kanilang paglalakbay.
  17. Relihiyon New world- ito ang bagong konsepto ng mga Europeo na mga teritoryong lampas sa kanilang kinagisnang daigdig ang Europa. Ito rin ay tumutukoy sa North and South America.
  18. 6. Katanyagan Malaki ang ginampanan ng Renaissance sa paghahangad ng mga manlalakbay na Europeo na makarating sa mga bagong lupain dahil nakasentro ito sa galing ng isang tao na may tiwala sa sarili na hangad niyang matanyag siya at pati na ang kanyang bansa.
  19. 7. Pag-unlad ng Teknolohiya Nagkaroon ng pag-unlad sa paggawa ng mga sasakyang pandagat tulad ng caravel at instrumento pangnabigasyon tulad ng compass(tinuturo ang direksyon) at astrolabe(para malaman ang layo ng barko mula ekwador at latitude sa pamamagitan ng pagtingin sa mga bituin ,araw at buwan.
  20. Mga Pagbabago sa Paglalayag caravel: modern stronger sail
  21. Pag-unlad ng Teknolohiya Nakatulong din ang suporta ng mga hari sa ekspedisyon ng mga Europeong manlalakbay. Halimbawa ang patron ng mga Manlalakbay na si Prinsipe Henry the Navigator ng Portugal na ang layunin ay mapalaya ang mga kristiyano na naging alipin ng mga Muslim sa Africa. Kaya ang Portugal ang unang bansang naglungsad ng Ekspedisyon.
  22. Ibigay ang paksa na ating napag- aralan?
  23. Maraming Salamat sa pakikinig! Ang pag-aaral ay kina –kareer!
  24. Day 2 Mga Tanyag na Manlalayag
  25. Balik-Aral 1. Ano ang kolonyalismo at imperyalismo? 2. Ibigay ang 3 motibo ng kolonyalismo. 3. Ibigay ang mga salik ng eksplorasyon.
  26. Ibigay ang mga sumusunod na emojin flags
  27. Mga Europeong Nanguna sa Eksplorasyon 1. Ang mga Portuguese 2. Ang mga Espanyol 3. Ang mga Dutch 4. Ang mga English 5. Ang mga French
  28. Portugal Ang Portugal ang unang bansang nanguna sa Ekspedisyon. Kabilang ang Portugal sa Iberian Peninsula gaya rin ng Spain. Pinaunlad nito ang tradisyong pandagat.
  29. Portugal Naging sentro ng kalakalan ang Lisbon at Oporto. Ang suporta ni Prinsipe Henry the Navigator sa mga mandaragat na Portuguese. Pinangunahan ni Prinsipe Henry (Portugal) ang paggalugad sa baybayin ng Africa. Ito ay nagbunga ng pagkakatuklas sa Azores, Canary, at Cape Verde.
  30. Vasco de Gama Kilalang manlalayag ay si Vasco de Gama na narating ang Cape of Good Hope noong 1498. Siya ang unang Europeong nakarating sa India sa pamamagitan ng paglalakbay sa dagat.
  31. Bartholomeu Dias 1488 – narating ni Bartholomeu Dias ang dulo ng Africa Tinawag na Cape of Good Hope
  32. Mga Nasakop ng Portugal Hormuz sa dulo ng Persian Gulf Goa sa India Malacca sa Timog-Silangang Asya na tinuturing na Spice Island
  33. Portugal Aden sa Red Sea, Cochin sa India,Malacca at Ternate sa Moluccas, at Macao sa China Karaniwan sa nasakop ay mga baybayingdagat Mga nanguna sa pananakop: Francisco de Almeida Alfonso de Albuquerque
  34. Alfonso de Albuquerque
  35. Portugal Dumating ang ibang mga Europeo naglaho na rin ang pangunguna nito sa kalakalang pandagat. Nasakop ng Spain noong 1580 kaya di na naipagtanggol ang kanyang mga kolonyal.
  36. Ang mga Espaῇol Christopher Columbus – isang manlalayag na Italyano na nakarating sa America o New World noong 1492. Nakakuha ng suporta kay Reyna Isabella na nagnanais na palaganapin ang Kristiyanismo sa Asya.
  37. Espanya Naglayag si Columbus na pakanluran at narating ang Carribean Islands noong Oktubre 12, 1492 na inakala niya na nasa India siya dahil ang mga tao doon ay kayumanggi ang kulay ng balat hindi niya alam na ito ang America na tinawag na New World.
  38. Christopher Columbus Tatlong buwan ang inilagi niya sa kanilang paglalakbay ng maabot ang Hispaniola (Haiti at Dominican Republic)at ang Cuba. Maraming gintong silang natagpuan. Pagbalik sa Spain si Columbus ay binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea,Viceroy at Gobernador ng mga isla na kanyang narating.
  39. Christopher Columbus Tatlo pang ekspedisyon ang kanyang pinamunuan bago siya namatay noong 1506.Narating niya ang Caribbean at South America pero bigo sa paghahanap ng bagong ruta sa Silangan.
  40. Treaty of Tordesillas Nagkaroon ng iringan ang Portugal at Spain sa paglalayag ni Christopher Columbus kaya hinati ang mundo ni Papa Alexander VI na ang silangang bahagi ay sa Portugal at kanluran naman sa Espanya.
  41. Amerigo Vespucci Isang Italyanong nabigador na nagpaliwanag na ang narating ni Columbus ay bagong mundo kaya ang America ay pinangalan sa kanya. Ang kapital ng United States of America ay Washington DC ay pagpupugay sa kanya dahil ang DC ay District of Colombia.
  42. Mga Nasakop ng Spain Nasakop ng mga conquistador ang Aztec (Mexico ngayon) noong 1519 ni Hernando Cortez. Nasakop ni Francisco Pizarro ang mga Inca o peru ngayon noong 1532.
  43. Ekspedisyon ni Ferdinand Magellan Ang kauna-unahang nakagilid sa buong daigdig sa pamamagitan ng dalawang ekspedisyon. Natuklasan ang Strait of Magellan. Nagbigay ng pangalan sa Karagatang Pasipiko dahil ng dumaan ang kanyang mga barko ito ay mapayapa. Natuklasan ang Pilipinas.
  44. Mga Nasakop ng Espanya Pilipinas Chile Mexico American West – California, Nevada,Utah, Arizona,New Mexico at Texas
  45. Ang mga Dutch (Netherlands) Inagaw ng mga Dutch ang Moluccas sa Portugal at nagkaroon ng sistemang plantasyon. Nagkaroon ng kolonyal sa America na tinawag na New Amsterdam na naging New York. Kilalang manlalayag nito ay si Henry Hudson
  46. Ang mga Ducth Hindi agad nakapagsimula sa pakikipagsapalaran sa Asya dahil sa tunggalian laban sa Spain Bumuo ng Dutch East India Company Moluccas, Formosa (Taiwan), Batavia (Jakarta)
  47. Henry Hudson Isang manlalakbay na Ingles nanilbihan sa mga Dutch. Natuklasan ang New Netherland at New Amsterdam ngayon ay New York na nagkaroon ng isang trade outpost noong 1624. Nakatuklas ng Hudson Strait, Hudson Bay at Hudson River
  48. Ang mga English Noong 1600 binigyan ng England ang English East India Company ng karapatang makapagsulong ng interes na pangkalakalan at monopolyo sa Africa,East Indies,Virginia at iba pang bahagi ng America. Natanggalan sa digmaan sa Spain kaya hindi nakapagtatag agad ng kolonya sa America.
  49. Nasakop ng English at naging kolonyal Roanoke Island Carribean at North America na naging batayan ng Imperyong British Nagkaroon ng kolonyal sa East Indies ( kapuluan sa Timog-Silangang Asya) at West Indies (Timog-Silangang Bahagi ng North America at hilagang bahagi ng South America.
  50. Nasakop ng English at naging kolonyal Naagaw sa mga Espanyol ang Jamaica Jamestown sa Virginia ang unang kolonya sa America hanggang sa naging 13 . Virginia, Maryland,North Carolina,South Carolina, Georgia, Delaware,New Jersey,Pennsylvania, New York, Rhode Island,Connecticut,Massachusetts,at New Hampshire.
  51. Ang Nasakop ng France Jacques Cartier- noong 1534 naabot niya ang St. Lawrence River at isinailalim sa France ang silangang bahagi ng Canada.
  52. Ang mga France Samuel de Champlain – noong 1608 itinatag niya ang Quebec bilang unang permanenteng kolonyal ng French at sentro ng kalakalan ng fur o produktong gawa sa balahibo ng hayop.
  53. Ang mga French Louis Jolliet- noong 1673, naabot niya at misyonerong Heswita na si Jacques Marquette ang Mississippi River at naglakbay hanggang Arkansas River.
  54. Louis Jolliet
  55. Ang mga French Rene-Robert Cavelier o Sieur de LaSalle Kanyang pinangunahan noong 1628 ang ekdpedisyon sa Mississippi hanggang sa Gulf of Mexico. Ang lahat ng lupaing ito ay inalay kay Haring Louis XIV ng France kaya tinawag itong Louisiana kaya nagkaroon ng paligsahan sa pagitan ng France at England.
  56. Tungkol saan ang ating Pinag- aralan sa Araw na ito?
  57. Day 3 Balik-Aral Ibigay ang 5 kanluraning Bansang nanakop ng mga bansa sa mundo. Siya ang natatuklas ng America. Siya ang nakatuklas ng Pacific Ocean.
  58. Day 3
  59. Mga Epekto ng Eksplorasyon 1.Una naging sentro ng kalakalang pandaigdig ang Europe. 2. Bumagsak ang mga Imperyong Aztec at Inca kaya nagkaroon ng malawakang lupain ang mga Espanyol. 3. Sa Europe makikita ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin dahil sa pagkakaroon ng mas maraming ginto at pilak.
  60. Mga Epekto ng Eksplorasyon 4. Dumami ang mga uri ng pagkain at populasyon sa Europe. 5. Lumaganap ang mga sakit gaya ng bulutong, yellow fever,tigdas o tipus. 6. nagkaroon ng Columbian Exchange o pagpapalitan ng mga halaman,hayop o sakit. 7. nagkaroon ng bagong lahi tinatawag na mestizo.
  61. Mga Epekto ng Eksplorasyon Ang mga Eksplorasyon na pinangungunahan ng mga Espanyol at Portuguese ay nagbigay-daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupain hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyon na hindi pa natutuklasan. Ito rin ang naglakas sa ugnayang silangan at kanluran.
  62. Mga Epekto ng Eksplorasyon Nakapukaw ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa silangan.
  63. Mga Epekto ng Eksplorasyon Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad ng kawalan ng kasarinlan, paninikil at pagsasamantala sa kanilang likas na yaman.
  64. Mga Epekto ng Eksplorasyon Nagkaroon ng pagbabagosa ecosystem sa daigdig na nagresulta ng palitan ng mga hayop,halaman,pati mga sakit sa Old World (Asya,Europe at Africa) at New World (North and South America)
  65. Mga Epekto ng Eksplorasyon Nagkaroon ng kalakalan ng mga alipin na galing Africa upang tustusan ng lakas paggawa sa North at South America dahil sa marami sa mga katutubo ang namatay sa mga sakit. Nasira ang kultura ng mga Africa at nabawasan ang popilasyon ng Africa.
  66. Maraming Salamat Ang Pag-aaral ay kinakareer!
Publicité