2. Juan Ponce Sumuroy
• isang Waray na namuno sa mga
rebolusyonaryo sa Silangan Visayas, noong
1649-1650.
• Nagsimula ang pakikipaglaban ni Sumuroy sa
bayan ng Palapag na ngayon ay Hilagang
Samar, na lumaganap sa buong rehiyon. May
nagsasabing ang pag-aaklas ni Sumuroy ay
umabot sa rehiyon Bicol at sa Mindanao. Ang
nasabing pag-aaklas ay tinawag na “Rebelyon
ni Sumuroy”.
• Ang pinag-ugatan ng pag-aaklas ni Sumuroy at
kaniyang mga kasama, nang sapilitang
pagawain ng mga Espanyol ang mga tao sa
Silangang Visayas at karatig na rehiyon, sa
pagawaan ng barko, na noon ay nasa Cavite.
Kahit naging kilala at malawakan ang aklasan
nila Sumuroy, natalo sila ng mga Espanyol.
4. Francisco Dagohoy
• Pinamunuan ni Francisco Dagohoy o si Francisco Sendrijas sa totoong buhay, ang
may pinakamatagal na rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Nagsimula ang pag-
aalsa ni Dagohoy nang tanggihan ng kura paroko na si Gaspar Morales na bigyan
ng Kristyanong libing ang kanyang kapatid na namatay. Pinatay niya ang pari at
hinikayat ang mamamayan ng Bohol na bumangon at lumaban sa mga Espanyol.
Namundok sila at nagtatag ng isang malayang pamahalaan sa kabundukan.
• Ang panglang dagohoy ay mula sa dalawang salitang bisaya na "dagon" na sa
tagalog ay agimat, at "hoyohoy" na sa tagalog naman ay hangin. Dahil sa Agimat
na ito, kaya niyang tumawid ng isang bundok, at tumawid sa tubig ng di
nababasa, kaya din niyang makakita sa madidilim na yungib at kaya din niyang
mawala ayon sa kanyang kagustuhan.
• Inabot ang kanyang pag-aalsa ng mahigit 85 taon.Nagsimula ito noong 1744 at
nagtapos ng 1859. Ang nakatalo sa kaniya ay ang ekspedisyon ni Kapitan Manuel
Sanz. Namatay man si Dagohoy ipinagpatuloy ito ng kanyang tauhan.
6. Lakan Dula
Nobela ni Alberto Segismundo Cruz, ang Lakandula (1946) ay
hinggil sa transpormasyon ng pamayanan mulang kadakilaan tungong
kabulukan, at kung paanong bumangon ang mga tao upang baguhin
ang gayong abang kondisyon. Inilahad sa nobela ang Lakandula, na
dating makasaysayang pook at maringal, at naghunos na bulok at
marahas na pook para sa mga residente roon. Ipinakilala sa istorya si
Amelia, ang pamangkin ni Donya Mercedes, at isinaad kung paano
nahulog ang kaniyang loob kay Angel, na kinakapatid ni Tindeng.
8. Diego Silang
Si Diego Silang (1730-1763), bayani ng Ilokos, ay ang
pinuno ng isang matagumpay na pag-aalsa laban sa
mga Espanyol bago naganap ang Himagsikang Pilipino.
Siya, at ang kanyang asawa na si Gabriela Silang ang
nanguna sa landas tungo sa paglaya ng mga Pilipino.
10. Gabriela Silang
Si Maria Josefa Gabriela Cariño Silang o Gabriela
Silang, ang tinaguriang “Joan d'Arc ng Ilocos”, ay isa sa
mga kababaihan na lumaban kasama ang iba pang
Pilipino noong panahon ng rebolusyon
12. Tamblot
Siya ay isang babaylan mula sa Bohol, Pilipinas, na
siyang nagtaguyod ng Tamblot Uprising mula
1621 hanggang 1622 noong panahon ng Kastila.
Siya ay gumawa ng isang himala upang tutulan
ang kristiyanismo at maibalik ang tunay na
paniniwala ng mga Pilipino.
14. Hermano Pule
Si Apolinario de la Cruz (22 Hulyo 1814 – 4 Nobyembre
1841), na nakikilala rin bilang si Hermano
Pule ("Kapatid na Lalaking Pule") o Puli, ay
isang Pilipino na namuno ng isang pangunahing
himagsikan laban sa pamamalakad ng mga
Kastila sa Pilipinas, na batay sa isang pakikibaka para
sa kalayaang panrelihiyon at kasarinlan.
16. Magat Salamat
• Si Magat Salamat (1550-1595)ay ang prinsipe ng Kaharian ng Tondo at ang pangalawang
anak ni Raha Lakandula. Ipinagpatuloy niya ang pag-aalsa na sinimulan ni Raha Lakandula
ang kanyang ama ang himagsikan laban sa mga Kastila. Noong 1575 dumaong ang barko
ni Martin de Goiti, isang mananakop na Espanyol upang makipag-usap sa hari ng Maynila
na si Rajah Lakandula. Noong una ay nagkaroon ng maayos na negosasyon sa
magkabilang panig nina Lakandula at Martin de Goiti ngunit di nagtagal ay nagkaroon ng
isang mainit na labanan sa Bangkusay, Tondo. Sa pamumuno ni Martin de Goiti at
mahigit 500 Espanyol natalo nila ang hukbo nina Raha Lakandula at Sulayman na may
100 Pilipino lamang. Muli silang nag organisa ng isang plano laban kay Martin de Goiti
pero sa pagkakataong ito ay katulong na nila si Panday Pira, isang Pilipinong panday na
gumagawa ng mga espada, kanyon at marami pang kagamitan na may talim na
nagbabalak magtayo ng mga kanyon sa bukana ng Ilog de Maynila (Pasig River ngayon).
Sa tulong ng mahigit 5000 Pilipinong nakibahagi sa himagsikan 137 lamang ang nasawi sa
labanan. Nanalo ang panig nina Magat Salamat laban sa mga Espanyol. Namatay si Magat
Salamat habang siya ay nahimbing sa kanyang pagtulog noong taong 1595. Bilang
pagpupugay sa kanya isang mababang paaralan sa may Tondo ang ipinangalan sa kanya.