2. Matthew 7:13
13 Kayo'y magsipasok sa makipot na
pintuan: sapagka't maluwang ang
pintuan, at malapad ang daang patungo
sa pagkapahamak, at marami ang doo'y
nagsisipasok.
3. Matthew 7:14
14 Sapagka't makipot ang pintuan, at
makitid ang daang patungo sa
buhay, at kakaunti ang
nangakakasumpong noon.
4. 2Timothy 4:1-4
1 Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng
Dios, at ni Cristo Jesus, na siyang huhukom
sa mga buhay at sa mga patay, sa
pamamagitan ng kaniyang pagpapakita at sa
kaniyang kaharian:
2 Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa
kapanahunan, at sa di
kapanahunan, sumawata ka, sumaway
ka, mangaral ka na may buong
pagpapahinuhod at pagtuturo.
5. 3 Sapagka't darating ang panahon na hindi
nila titiisin ang magaling na aral;
kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay
magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga
gurong ayon sa kanilang sariling mga
masasamang pita;
4 At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang
mga tainga, at mga ibabaling sa katha.
6. Luke 18:18-25
18 At tinanong siya ng isang pinuno,
na sinasabi, Mabuting Guro, anong
gagawin ko upang magmana ng walang
hanggang buhay?
19 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Bakit
mo ako tinatawag na mabuti? walang
mabuti, kundi isa, ang Dios lamang.
7. 20 Talastas mo ang mga utos, Huwag
kang mangalunya, Huwag kang pumatay,
Huwag kang magnakaw, Huwag kang
sumaksi sa di katotohanan, Igalang mo
ang iyong ama at ina.
21 At sinabi niya, Ginanap ko ang lahat
ng mga bagay na ito buhat pa sa aking
pagkabata.
8. 22 At nang marinig ito ni Jesus, ay sinabi
niya sa kaniya, Isang bagay pa ang kulang sa
iyo: ipagbili mo ang lahat mong
tinatangkilik, at ipamahagi mo sa mga
dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa
langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin.
23 Datapuwa't nang marinig niya ang mga
bagay na ito, siya'y namanglaw na lubha;
sapagka't siya'y totoong mayaman.
9. 24 At sa pagmamasid sa kaniya ni
Jesus ay sinabi, Pagkahiraphirap na
makapasok sa kaharian ng Dios ang
mga may kayamanan!
25 Sapagka't magaan pa sa isang
kamelyo ang pumasok sa butas ng
isang karayom, kay sa isang taong
mayaman na pumasok sa kaharian ng
10. Job 22:15
“Iyo bang pagpapatuluyan ang dating
daan, na nilakaran ng mga masamang
tao?
11. Proverbs 14:12
“May daan na tila matuwid sa isang
tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga
daan ng kamatayan.”
12. Act 14:22
“Na pinatitibay ang mga kaluluwa ng
mga alagad, at inaaralan sila na
magsipanatili sa pananampalataya, at
sa pamamagitan ng maraming mga
kapighatian ay kinakailangang
magsipasok tayo sa kaharian ng Dios.”