POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
kinagisnang-balon-ni-andres-cristobal-cruz-docx
1. Kinagisnang Balon
Andres Cristobal Cruz
Tagapagsalaysay (TG)
Narsing (NC)
Tandang Owenyong Aguwador (OW)
Nana Pisyang (PS)
Enyang (EN)
Tiyo ni Narsing (TN)
Intsik (IT)
Mga kapatid (2)
kapitbahay
Tagpuan: Sa purok ng Tibag. Makikita ang dalawang matanda at isang may
kagulangan na nag-uusap di
kalayuan sa balon kung saan nag-iigib si tandang owenyo.
Tagapagsalaysay: Sa purok ng Tibag ay may isang malaki at matandang balong
tisa na bahagi na ng buhay ng
mga tao roon—mula sa paghuhugas ng lampin, pagluto ng pagkain, paghugas ng
pinggan, paliligo, inumin,
hanggang sa pagbendisyon sa mga namatay.
Ayon sa matatanda ay noong panahon pa ng Kastila nahukay ang balong iyon sa
Tibag. Sabi ng iba ay
noong panahon pa ng Amerikano. Walang nakatitiyak kung kailan talaga ngunit
pinaniniwalaan na ang
balon ay solusyon sa kolera.
Ayon pa rin sa mga matatanda, ay may malignong lumalabas sa balon kapag gabi
at patay ang buwan.
Minsan ay magandang babae, minsan naman da’y kung anu-anong hayop. Ngunit
pawang imbensyon
lamang ito ng matandang nakikipagligawan sa balon tuwing gabi.
Maraming masasayang pangyayari sa balon na iyon. At sa Tibag, ang buhay-
buhay, tulad ng matandang
balon, ay siya nilang kinagisnan, kinamulatan ng kanila paring mga anak at
mamanahin parin ng mga anak
ng mga ito.
2. Isa sa mga makapagpapatunay ay si Tandang Owenyong Aguwador. May maikli
at kulay abong buhok na
laging nakakamisetang mahaba ang manggas at kapit sa katawan.
Kapitbahay1: ‘yang si Tandang Owenyo? Noon pa man ay nag-iigib na yan. Aba’y
katipuno lang nyan noon.
Kapitbahay2: Ba’t naman di magkakagan’on e sa banat ang kanyang buto sa
pagsalok n’on pa man.
Kapitbahay3: Di ba’t ang ama nyang si Ba Meroy ay `aguwador din?
Kapitbahay1: Aba, sya nga ano?
Kapitbahay3: Minana na niya ang upisyong iyan. E si Nana Pisyang Hilot? Di ba
sa balon din sila…
Kapitbahay2: A, oo! Doon niligawan ni Tandang Owenyo si Nana Pisyang.
Kapitbahay3: Labandera na noon si Nana Pisyang?
Kapitbahay2: Labandera na. Ang ipinag-iigib ni Tandang Owenyo ang syang
ipinaglalaba naman ni Nana
Pisyang. Kaya nga maganda ang kanilang istorya, e.
Kapitbahay3: E si Da Felisang Hilot?
Kapitbahay2: Aba, eh labandera rin yon, tinuruan naman nyang manghilot ang
kanyang anak na si Nana
Pisyang.
Kapitbahay1: Buhay nga naman…Sa Amerika ba merong ganyan?
Kapitbahay3: Pilipinas naman to, e! Syempre dito sa atin pasalin-salin ang
hanapbuhay.
Kapitbahay1: Mana-mana ang lahat.
Kapitbahay1: Si Ba Meroy ay aguwador, pwes, ang anak niyang si Tandang
Owenyo aguwador din.
Kapitbahay2: At si Nana Pisyang ng Da Felisa, labandera.
Kapitbahay3: Pero si Nana Pisyang ay humihilot din.
Kapitbahay1: Eh di naman araw-araw may nanganganak kasi.
Kapitbahay3: At ngayon may pamamanahan na sila ng hanapbuhay…diba’t si
Enyang ni Nana Pisyang ay
3. katulong na sa paglalaba’t paghahatid ng damit…
Kapitbahay2: At si Narsing nila?
Kapitbahay1: Si Narsing ba? Sayang. Tapos ng hayskul, di na nakapagpatuloy.
Me ulo pa naman. Laging me
dalang libro e. Minsan nakita kong may kipkip na libro,tinanong ko kung ano—
Florante at Laura daw.
Sayang na bata. Balita ko’y ayaw mag-aguwador.
(Darating si Narsing sa balon at iigib din)
Kapitbahay3: Baka nahihiya. Kita mo nga naman muntik makapagkolehiyo
aguwador lang ang bagsak.
Samantalang yung ibang karabaw inglis lang ang alam tente bonete na.
Kapitbahay1: Para naman kayong di taga-Pilipinas. Pa’no me malakas na kapit
‘yon!
Kapitbahay2: ‘Di aguwador din ang bagsak ni Narsing?!
TG: Naghihimagsik si Narsing sa kanyang kalooban. Lalo na kapag naririnig nya
ang pag-uusap ng mga tao na
kung papasan sya ng pingga ay mapagkakamalan syang ang amain noong araw.
Narsing: Ayoko ngang pumasan ng pingga! Mag-iigib lang ako para panggamit
namin. Mas gusto ko pa ngang
bitbitin ang mga balde e. Siguro papayagan ako ng ina kung magbabakasyon
muna ko kay tiyo sa Tondo
para makahanap ng mas magandang trabaho.
Tagpuan: sa bahay ni Tandang Owenyo. Nag-aagahan ang sina Nana Pisyang at
si Narsing
NC: Inay, balak ko sanang bumisita kay tiyo sa Tondo. Magbabakasakali akong
makatagpo ng trabaho doon.
Kung maaari sana e, payagan ninyo ako.
Nana Pisyang: Bakit hindi … Hayaan mo bibigyan kita ng babaunin mo mamaya.
Ayusin mo na gamit mo.
Mag-ingat ka do’n
4. TG: Punong puno ang sampayan nina Nana Pisyang noon na pamaya-maya’y
wala nang laman. Naubos pati
ang kakukula pa lamang na mga damit at nasimot lahat ng talbos at upo sa
bakuran nila.
PS: O, heto. Baon mo. Mag-iingat ka ha.
NC: Salamat, teka, saan niyo po kinuha ito?
Enyang: Ipon yan ni inay para sa pasukan sana namin. Pero sige kuya, gamitin
mo muna. Tutal marami naman
kaming napaglabhan at nabentang upo kanina.
NC: Salamat inay. Pagbubutihan kop o ang paghahanap ng trabaho. Alis na po
ako.
Tagpuan: sa tirahan ng Tiyo ni Narsing
NC: Magandang gabi po tiyo. Pasensya na po kung biglaan ang pagdating ko.
Nais ko lamang po sanang
makipagsapalaran para sa magandang hanapbuhay rito.
Tiyo: Tuloy ka Narsing, ituring mo na rin ‘tong bahay mo. Wag kang mahihiyang
magtanong ng kailangan mo
rito ha.
NC: Wag po kayong mag-alala tiyo, hindi po ako magiging pabigat pagkat buong
araw akong mawawala sa
paghahanap ng mapagtatrabahuhan. Binigyan din po ako ng sariling pera ni inay.
Tiyo: Ano ka ba, malugod kitang tinatanggap dito. Kumusta na nga pala kayo
doon sa probinsya?
TG: Nagkumustahan ang magtiyo magdamag. Kinabukasan, humayo na si
Narsing para gawin ang mismong
pakay.
NC: Ang hirap palang maghanap ng trabaho. Kung hindi “NO VACANCY” ang
nakalagay sa pinto,
“WALANG BAKANTE” naman. Maswerte pa ko ng lagay na to. Kawawa naman
yung mga tapos ng
5. kolehiyo na nakasabay ko kanina. Meron pa man ding rekomendasyon ng
pulitiko. Kahit ata si Haring Pilato
pumirma dun wala rin kaming mapapala.
TG: Sa kalalakad, napadpad siya sa isang gulayan ng intsik.
NC: Masubukan nga ito...(papasok sa gulayan si Narsing, kakausapin ang intsik
na may pasang dalawang
lalagyanan ng tubig)…magandang hapon ho. Kailangan ninyo po ba ng
trabahador? (tumango ang intsik)...
Kailangan ko po ng trabaho ngayon. Pwede po akong magpala, magpiko o mag-
alis ng uod sa pananim.
Intsik: Hene puwede. Hang lan akyen tlamaho. Nahat-nahat na yan akyen lang
tanim, dilig.
NC: O paano, talagang wala?
IT: Ikaw gusto pala ngayon lang alaw ha, (mangingiti ang intsik) Akyen gusto lang
tulong sayo.
NC: O sige, ano?
IT: Ikaw, kuha tubig, salok balon, dilig konti, ikaw na gusto? (Ibibigay ang pingga)
Tagpo: Kinabukasan sa bahay ng Tiyo
NC: Tiyo, maraming salamat po sa pagpapatuloy sakin dito sa inyong tahanan.
TN: Desidido ka na ba talagang umuwi sa inyo? Wala ka pa namang napapalang
trabaho a.
NC: Uuwi na po ako ngayong hapon sa atin sa Tibag. Siguro nga po ay di ako
mapalad magkatrabaho.
TN: O sige, bumalik ka minsan a.
NC: (Sasakay sa trak at mag-iisip) Paano ko ba maiiwasan ang pag-aaguwador?
Sana pala di nalang ako
nakapag-aral
TG: Pagdating ni Narsing, dinumog siya ng mga paslit, nanghihinging
pasalubong. Ngunit isang tahimik na
iling lamang ang sagot niya.
6. Tagpo: Sa kusina ni Tandang Owenyo. Nag-hahapunan ang mag-anak. Naghahain
si Enyang.
PS: Sige anak, kain lang.
TG: Tatanaw-tanaw si NC sa kanyang ama, habang nakatingin lang ang mag-
asawa sa anak, tila naghihintay na
makarinig ng karanasan ng anak doon. Biglang mag-aagawan ang mga kapatid sa
ulam, habang tipid na
tipid ang pagkain ng ama’t ina’t halos inom na lang ng inom. Sasawayin ni Nana
pisyang ang mga bata.
Tagpo: sa hagdan
NC: Subukan ko kayang magtanim ng gulay…
Tandang Owenyo: Gayon din lamang at gusto mong maghanapbuhay, subukin
mong umigib. Al-
NC: Ano ba naman kayo! Aguwador na nga kayo, gusto nyo pa pati ako maging
aguwador! (patakbong darating
si PS)
OW: Walanghi…Bakit? Anong masama sa pag-aaguwador? Dyan ko kayo
binuhay?
TG: Sa pagtayo ni Narsing ay nasampal sya ng ama. Sinampal syang muli ngunit
nasangga niya ito. Sumigaw
na umiiyak si Nana Pisyang, akapin si Narsing, aawatin at sasabihing huwag
itong lumapastangan. Pati ang
mga maliliit na kapatid ay nag-iyakan.
OW: Nag-aral ka pa naman, sayang, oy, kung may gusto kang gawin, sige, di kita
pinipigil. Maranasan mo rin
balang araw…mararanasan mo rin.
TG: Iba’t ibang tsismis ang kumalat sa purok. Mula noon, ay wala nang
pumapansin kay Narsing kapag nagiigib
ito.
Naaksidente sa balon si Tandaang Owenyo isang linggo pagkatapos ng sabwatan
nilang mag-ama.
7. Nagkasakit at napilayan ito sa balikat matapos madulas at humampas and dibdib
sa balde. Dahil dito,
nakiigib ang mga iniigiban ng matanda sa iba. Hindi na malaman ng ina ang
gagawin sa lalong lumalaking
utang nila sa tindahan ni Da Utay.
Isang hapon, habang umiigib si Narsing, may nagtanong kung magaling na ang
ama nito. Bakit daw hindi pa
siya sumalok. Sayang naman kung mapupunta pa sa iba ang dapat kinikita ng
ama. Napaisip si Narsing.
Kinabukasan, maghapong umigib si Narsing. Walang nagtawa sa gawa niyang ito.
Kinagabihan, hindi siya
makatulog sa sakit ng katawan. Nakikita niya ang mga bituin, mga hayop, siya na
nagpapasan ng pingga at
ang bakurang inuupahan na lamang nila.
Kinabukasan. Maagang gumising si Narsing. Umigib ulit siya. At noong hapon…
(habang nakapila si Narsing sa balon)
Mga Dalaga at Binata: Binyagan si Narsing! (At nagsabuyan sila ng tubig.)