Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Lider na katanggap tanggap
1. Ang lider na katanggap-
tanggap
Darren E. Dumaop, M.A.
Pamantasang De La Salle-Dasmariñas at Maynila
*Paunawa: Ang mga sumusunod na larawan ay di pagmamay-ari ng
may-akda.
**Ang pag-aaral na ito ay bahagyang pinondohan ng University
Research Office ng Pamantasang De La Salle-Dasmariñas
3. Mga paglalarawan sa Pilipinong
lider
• Malakas ang loob (Talisayon &
Ramirez, 1997)
• Mapagmalasakit, mapag-alaga
(Agpalo, 1981; Jocano, 1990)
• Mapagtanggol, makatao
(Salazar, 1997)
• Mapanghikayat, mapilit,
nangingibabaw, matapang
(Mercado, 1977)
4. Impirikal na pag-aaral sa pagkalider
Lupdag (1984)
• Impluwensya,
palakaibigan,
katiyagaan
Dumaop (2013)
• Mas mayabang,
mas palakaibigan,
mas
mapagmalasakit,
mas di maayos
• Lalake
5. Hypotesis ng kasalukuyang pag-
aaral
Mas tinatanggap ang mga lider na
dominante at palakaibigan.
Iba ang antas ng pagtanggap sa babae at
lalakeng lider.
6. Kalahok
• 79 na mag-aaral ng Pamantasang De
La Salle-Dasmariñas
• 55 babae, 24 lalake
• Edad 18-26; M=19.47, SD=1.22
• 46 ang nagsabing lider sila
7. Instrumento
• Panukat ng pagtanggap sa pagkalider
batay sa Cheng et al. (2004)
• Inangkop ayon sa kalagayan ng lider sa
classroom (Walong aytem, α=.75)
• Halimbawa:
– “Kung isa ako sa kanyang kamag-aral, ganap
akong susunod sa kanya.”
– “Nakahanda akong sumunod sa kanya hindi
man ako sang-ayon sa kanyang pasya.”
8. Pagsasagawa
Ibinahagi ang mga kalahok sa walong
istorya tungkol sa isang lider
Kabuuan
N=79
Babae
(38)
Lalake
(41)
Dominante
(44)
Hindi
dominante
(35)
Dominante Hindi
dominante
Palakaibigan
(39) 11 8 11 9
Hindi
palakaibigan
(40)
11 11 11 7
9. Kwento para sa dominante at
palakaibigan
Class president ng section 18 si Angelica/Joshua. Siya ay
kaakit-akit at matalino. Kilala niya at binabati ang lahat, lalo
na kapag dumarating siya sa umaga. Madalas siyang
gumagawa ng paraan para mapansin. Siya ang
nagpapasimula ng mga usapan at madalas siyang may
kausap. Kapag may pagtatalo, iginigiit ang kanyang opinyon.
Malugod niyang tinatanggap ang mga bagong classmate at
bisita. Kapag may gawain na pambuong klase, ipinadarama
niya sa lahat na siya ang dapat masunod.
10. Kwento para sa di dominante at di
palakaibigan
Class president ng section 18 si Angelica/Joshua. Siya ay
kaakit-akit at matalino. Hindi niya kilala ang lahat at hindi
siya masyadong palabati. Madalas, iniiwasan niyang
mapansin. Hindi siya nagpapasimula ng usapan at
karaniwang nakikipag-usap lamang sa mga kaibigan niya.
Kapag may pagtatalo, sinasadya niyang magwagi ang iba.
Minsan, hindi niya napapansin ang mga bagong classmate
at bisita. Kapag may gawain na pambuong klase, iniiwasan
niyang maramdaman ng iba na siya ang dapat masunod.
11. Resulta
• Inantas ang personalidad ng mga tauhan sa
kwento batay sa tig-4 na piling aytem ng
Modesty (α=.53) at Friendliness (α =.85) scale
mula sa IPIP (www.ipip.ori.org)
• Ang tauhan na nasa dominanteng kondisyon
ay may kaugnayan sa modesty (r=-.36,p<.01)
ngunit wala sa friendliness (r=.15,p>.05)
• Ang tauhan na nasa palakaibigang kondisyon
ay may kaugnayan sa friendliness
(r=.72,p<.001) ngunit wala sa dominance
(r=.15,p>.05)
12. Resulta
• Hindi mapagkakatiwalaan ang
pagkakaiba ng pagtanggap sa mga lider
na dominante at hindi, F(1,71)=0.25,p>.05
• Hindi mapagkakatiwalaan ang
pagkakaiba ng pagtanggap sa mga lider
na babae at lalake, F(1,71)=0.06,p>.05
• Walang mapagkakatiwalaang interaction
effect
14. Resulta
Pagkumpara sa mga mean ng pagiging palakaibigan
Mean
Mean±0.95 Conf. IntervalFriendly Non-friendly
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
Pagtanggapsalider
15. • Mahalaga ang pagiging
palakaibigan sa lider sa
classroom
• Di nagkakaiba ang
pagtanggap sa dominante
at di dominante, babae at
lalakeng lider
• Mahalaga ang personal
na relasyon sa pagitan ng
lider at tagasunod
Ano na nga ba pinag-
uusapan natin?
16. Limitasyon
• Batay ito sa mga mag-aaral, ngunit na
kumpirma nito ang aking pag-aaral na
batay sa mga lider pulitiko
• Replikasyon ng datos na ito ang kailangan:
Mas malaking grupo; Sa ibang setting
17. Maraming salamat sa pagdalo
Darren E. Dumaop, M.A.
De La Salle University
Manila
darren.dumaop@dlsu.edu.ph
Dasmariñas
dedumaop@dlsud.edu.ph
Twitter: @dedumaop