SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  37
1
Gr. 3 Tagalog
Science
2
YUNIT 1: Matter
3
Kabanata 1: Ang mga Solid
Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa mga katangian
ng mga solids ayon sa kulay, hugis, sukat at tekstura. Ang
mga solids ay may tiyak na katangian na nagpapakita nang
iba-ibang katangian o pagkakatulad sa bawat isa.
Aralin 1: Katangian ng mga solid
Gawain 1: Ano ang mga katangian ng solid?
Layunin
1. Nailalarawan ang iba-ibang bagay na nasa hardin
ng paaralan.
2. Nauuri ang mga bagay ayon sa katangian
Kagamitan
Iba-ibang bagay na makikita sa hardin ng paaralan
Pamamaraan
1. Bumisita sa hardin ng paaralan. Manguha ng iba-
ibang solid.
2. Magtala ng 10 solid na iyong nakuha.
3. Ilarawan ang mga solid ayon sa katangian.
4. Isulat sa tamang hanay ang ngalan ng mga solid
na iyong nakuha. Gawin ito sa iyong kuwadeno.
maliit malaki magaspang makinis bilog parisukat itim puti
Sa inyong kuwaderno o papel, sagutin ang
sumusunod:
4
1. Paano mo ilalarawan ang solids?
2. Ano-ano ang katangian ng solids?
3. Ano ang iba pang katangian ng solids?
Aralin 2: Mga Katangian ng solid ayon sa kulay
Gawain 2: Paano mailalarawan ang mga solid ayon sa
kulay?
Layunin
Nailalarawan ang solid ayon sa kulay.
Kagamitan
Mga larawan at hangga`t maaari ay tunay na hinog at
hilaw na papaya, hinog na manga, hinog na kamatis,
hilaw na kamatis,talong at uling
Pamamaraan
1. Pag-aralan ang mga larawan ng solids.
2. Isulat ang kulay ng solid sa talaan.
Solid Kulay
Hinog na manga
Hilaw na kamatis
Hinog na
kamatis
5
Hilaw na papaya
Hinog na papaya
pakwan
Talong
Uling
Sa iyong kuwaderno, sagutin ang sumusunod:
1. Paano mo inilarawan ang mga bagay?
2. Lahat ba ng solid ay may tiyak na kulay?
3. Ano-ano ang kanilang mga kulay?
4. Ang mga solid ba ay may tiyak na kulay?
Aralin 3: Katangian ng Solid ayon sa Hugis
Gawain 1:Mabuting Pagkakahugis ng mga solid
6
Layunin
Nakikilala ang mga solid ayon sa hugis
Kagamitan
bola, pambura, kalamansi, plato, bayabas,
kuwaderno, tatsulok (instrumento ng Musika)
Pamamaraan
1. Kumuha ng 6 na bagay sa kahon.
2. Masdan ang hugis ng mga ito.
3. Isulat ang ngalan ng mga bagay ayon sa tamang
hanay.
Bilog Parihaba Tatsulok
Sa iyong kuwaderno o papel, sagutin ang sumusunod:
1. Paano mo inuri ang mga solid?
2. Ano-ano ang mga hugis ng solid?
3. Ang mga solid ba ay may tiyak na hugis?
Aralin 4: Katangian ng mga Solid ayon sa laki o sukat.
Gawain: Nakikilala ang mga solid ayon sa laki o sukat.
Layunin
1.Nakikilala ang mga solid ayon sa laki o sukat.
2.Nasusukat ang mga solid gamit ang ruler.
Kagamitan
bag na may lamang solid,ruler
Pamamaraan
1. Kunin ang mga solid sa iyong bag.
7
2. Kilalanin ang mga solid ayon sa kanilang sukat, lagyan
ng tsek (/) ang angkop na hanay sa ibaba.
3. Itala ito sa iyong kuwaderno.
1. Sukatin ang solid gamit ang ruler.
2. Itala ang tamang sukat sa kuwaderno.
Solid Sukat (tamang sukat)
Sagutin ang sumusunod:
1. Paano mo nalaman ang mga sukat ng mga solid?
2. Ano ang iyong ginamit sa pagkuha ng sukat?
3. Nakuha mo ba ang tamang sukat ng solid? Paano?
4. Mayroon bang tiyak/tamang sukat ang mga solid?
Aralin 5: Katangian ng mga Solid ayon sa Tekstura
Gawain 1: Uriin ang solid ayon sa tekstura
Layunin
Nauuri ang mga solid ayon sa tekstura
Kagamitan
Bag o kahon na may lamang bato, bulak, buhangin,
saging, karton, papel de liha, rambutan, balat ng
langka
Pamamaraan
1. Kunin ang laman ng inyong mga bag.
Mga Kagamitan/Solid Laki
Maliit Malaki
8
2. Sa iyong kuwaderno, isulat ang ngalan nang mga
solid.Uriin ito batay sa tekstura at isulat sa angkop na hanay
sa ibaba.
Bagay Makinis Magaspang Malambot Matigas
Sagutin ang sumusunod:
1. Paano mo pinangkat ang mga solid?
2. Ano ang mga katangian ng solid na nakita mo?
3. Nailarawan mo ba nang wasto ang mga solid ?
Bakit?
4. Anong mahahalagang bagay ang natutunan mo
sa gawain?
5. Ang mga solid ba ay may tiyak na tekstura?
Kabanata 2: Ang mga Liquid
Ang kabanatang ito ay tatalakay sa liquids bilang
bagay na may bigat o timbang, paraan nang pagdaloy
nito, paano nagiging katulad ang hugis nang kanilang
pinaglagyan, paraan kung paano sila nakakukuha ng
lugar/espasyo sa sisidlan, at kung ito ay may lasa o amoy.
Aralin 1: Katangian ng Liquids
Gawain 1: Pangalanan ang iba-ibang liquids
Layunin
Natutukoy ang pangalan ng mga bagay na liquid
Kagamitan
Liquids na may iba-ibang katangian ng paraan
ng pagdaloy, sumusunod sa hugis ng lalagyan,at
lasa at amoy
9
Pamamaraan:
1. Pumunta sa kantina ng paaralan.
2. Itanong sa tauhan ng kantina ang mga liquids na
makikita dito.
3. Pangalanan ang bawat liquid.
4. Suriin ang liquid batay sa kung paano ito dumaloy, sa
hugis ng pinaglalagyan nito, at sa espasyo na
nakukuha ng mga bahagi nito.
5. Tikman ang lasa o amuyin ang mga liquid nang
may pag-iingat (Kailangan ng gabay ng guro
6. Itala ang inyong nakita sa iyong kuwaderno.
Aralin 2: Paglalarawan ng Pagdaloy ng mga Liquid
Gawain 1: Paano dumaloy ang liquids?
Layunin
Nailalarawan kung papaano dumadaloy ang liquids.
Kagamitan
Gatas na kondensada, toyo, suka,shampoo,tubig,langis,
2 kutsara, silag na mangkok
Pamamaraan
1. Kumuha ng 2 kutsara.
2. Hawakan ng kamay ang bawat kutsara tulad ng
nasa larawan.
3. Sumalok ng isang kutsarang tubig at isang
kutsarang suka.
4. Hawakan ang bawat kutsara nang kapantay ng
siko.
5. Itagilid ang dalawang kamay ng sabay tulad ng
makikita sa larawan.
10
6. Itala ang iyong napansin sa iyong kuwaderno. Alin ang
mabilis na dumaloy, tubig o suka?
7. Gawin muli ang pamamaraan mula 2 hanggang 6
gamit ang iba pang liquids na ipapares sa tubig.
(Tandaan: Tubig ang magsisilbing pagtutularan ng bilis
ng daloy ng likido.)
Pangalan ng
Liquid
Mabagal
bang
dumaloy?
Mabilis
bang
dumaloy?
Napakabilis
bang
dumaloy?
1. tubig
2.toyo
3. suka
4. shampoo
5. langis
6. gatas na
kondensada
Tanong
1. Magkasabay bang dumaloy ang liquid?
2. Aling liquid ang mas mabilis dumaloy?
3. Aling liquid ang mabagal dumaloy?
Aralin 3: Paglalarawan sa Liquid Ayon sa Uri ng Hugis
ng Lalagyan Nito
Gawain 1: May hugis ba ang mga liquid?
Layunin
Nailalarawan kung paano nakukuha ng liquid ang
hugis ng lalagyan/sisidlan
Kagamitan
Lalagyan/sisidlan na may iba-ibang hugis
liquid
11
Pamamaraan
1. Ilarawan ang 3 hugis ng lalagyan/sisidlan.
2. Kumuha ng 3 uri ng liquids.
3. Ilagay ang bawat liquid sa tig-iisang
lalagyan/sisidlan.
4. Sa inyong kuwaderno, Itala ang iyong nakita.
Pangalan ng liquid Hugis ng liquid na ibinuhos sa
lalagyan
1. Ano ang nangyari nang ibuhos ang liquids sa lalagyan?
2. Magkapareho ba ang hugis ng mga liquid?
3. Anong katangian ng liquid ang iyong nakita?
4. Anong kaisipan ang ipinahahayag ng gawaing ito tungkol
sa hugis ng liquid?
5.May tiyak na hugis ba ang likido?
Aralin 4: Paglalarawan ng Liquid Kung Paano Nakakukuha
ng espasyo/lugar ang mga Liquid
Gawain 1: Nakakukuha ba ng espasyo ang liquid?
Layunin
Nailalarawan kung paano nakakukuha ng
espasyo/lugar ang liquid
Kagamitan
Bato, tubig, beaker, basahan
Pamamaraan
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Lagyan ng tubig ang beaker.
12
3. Dagdagan ng tubig ang beaker.
4.Masdan ang mangyayari habang dinadagdagan ng tubig
ang beaker.
5. Lagyan ng bato ang beaker na may tubig.
6. Masdang muli ang mangyayari.
7. Itala/Iguhit ang nakita sa kuwaderno.
Sa iyong kuwaderno, sagutin ang sumusunod:
1. Ano ang nangyari sa tubig ng iyong dinagdagan? Bakit?
2. Nang lumubog ang bato, ano ang iyong nakita sa ilalim
ng baso?
3. Ano ang nangyari sa tubig? Bakit?
4. Ang tubig ba ay nakakukuha ng lugar/espasyo? Bakit?
5. Totoo ba na ang liquid ay nakakukuha ng espasyo/lugar?
Aralin 5: Paglalarawan ng Liquid Batay sa Lasa
Gawain 1: May lasa ba ang liquid?
Layunin
Nailalarawan ang lasa ng mga liquid.
Kagamitan
Gatas, juice, tubig, suka, hot sauce, softdrinks,ketsup,
patis
Pamamaraan
1. Tikman ang bawat liquid.
2. Ilarawan ang lasa nito.
3. Lagyan ng tsek ang tsart ayon sa lasa.
Liquid Matamis Maalat Maasim Mapait Maanghang Walang
lasa
13
Sa iyong kuwaderno, sagutin ang sumusunod:
1. Paano mo ilalarawan ang lasa ng iba-ibang liquid?
2. Ano ang lasa ng iba-ibang liquid?
3. Magkakapareho ba ang lasa ng lahat ng liquid?
4. Ano ang dapat nating gawin upang maiwasan ang
pagkalason kung titikman ang liquid?
Aralin 6: Paglalarawan sa Liquids Ayon sa Amoy Nito
Gawain 1: May amoy ba ang mga liquid?
Layunin
Nailalarawan ang amoy ng mga liquid.
Kagamitan
Patis, pabango, alkohol, ketsup, coke, hand sanitizer,
shampoo, liquid na sabon
Pamamaraan
1. Ihanda ang mga kagamitan. Kilalanin ang mga
liquid.
2. Amuyin ang bawat liquid.Ilarawan ang amoy.
( Paalaala: Mag-ingat sa pag-amoy sa mga
liquid. Huwag ilapit sa ilong na mabuti ang mga
liquid dahil maaaring makapagdulot ito ng
iritasyon.)
3. Itala ang iyong nakita.Gamitin ang talaan sa ibaba.
Liquid Mabahong Amoy Mabangong Amoy
Sa inyong kuwaderno, sagutin ang sumusunod:
1. Ano-anong katangian ang naaamoy mo sa liquids?
2. Paano mo pinangkat ang mga ito?
14
3. Magkakapareho ba ang amoy ng lahat ng liquid?
4. Kumunot ba ang iyong noo nang maamoy mo ang
mabahong liquid? Bakit?
5. May amoy ba ang mga liquid?
Kabanata 3: Ang Mga Gas
Ang hangin ay gas. Hindi ito nakikita ng ating mga
mata ngunit ito ay ating nadarama dahil ang molecules ng
gas ay magkakalayo.
Tatalakayin sa kabanatang ito ang mga kaisipan na
ang gas ay walang tiyak na hugis ngunit sumusunod sa hugis
na lalagyan; nakakukuha ng espasyo, walang lasa at
walang amoy.
Aralin 1: Paglalarawan sa Paraan ng Pagsunod ng Gas sa
Hugis ng Lalagyan Nito
Gawain 1: May hugis ba ang mga gas?
Layunin
Nailalarawan na ang gas ay sumusunod sa hugis ng
sisidlan
Kagamitan
Iba-bang hugis ng lobo (walang hangin), tali
Pamamaran
1. Kumuha ng lobong may iba-iba ang hugis.
2. Hipan ito upang magkaroon ng hangin at talian ang
bahaging malapit sa butas nito.
3. Ilarawan ang hugis ng hangin sa bawat lobo.
4. Isulat ang iyong nakita.
5. Iguhit ang hugis ng hangin na nasa lobo.
Sa inyong kuwaderno, sagutin ang mga tanong:
15
1. Ano ang nangyayari sa lobo habang hinihipan mo?
2. Umayon ba ang hangin sa hugis ng lobo?Ang hangin
ba ay may hugis?
3. Anong katangian ng hangin ang ipinapakita sa
gawain?
4. Ano ang hugis ng hangin sa loob ng pinaglalagyan
nito? Kailan nagkakaroon ng hugis ang hangin?
Aralin 2: Paglalarawan na ang Gas
ay Nakakukuha ng Lugar o Espasyo
Gawain 2 : Nakakukuha ba ng lugar o espasyo ang gas?
Layunin
Nailalarawan na ang gas ay nakakukuha ng lugar o
espasyo
Kagamitan
tissue,basong inuman,malaking mangkok na puno ng
tubig
Pamamaraan
1. Ihanda ang basong inuman.
2. Ilagay ang tissue sa pinakailalim na bahagi sa loob
ng basong inuman upang di mahulog kapag
binaligtad.
3. Lagyan ng tubig ang malaking mangkok.
4. Hawakan ang baso ng pabaligtad at mabilis na
ilubog sa tubig.
5. Bumilang ng 1-10 habang hawak ang baso na
nakalubog sa tubig.
6. Dahan-dahang alisin ang baso sa tubig. Siguraduhin
na ang baso ay pantay na nakatayo habang inaalis sa
tubig.
7. Masdan. Ano ang nangyari sa tissue?
16
Sa isang kuwaderno, sagutin ang sumusunod:
1. Ano ang nasa loob ng baso?
2. Ano ang nangyari sa tissue?
3. Ano ang ipakikita ng gawain?
Aralin 3: Paglalarawan na ang Hangin, isang Uri ng Gas, ay
Walang Kulay
Gawain 3: Walang Kulay ang Hangin (Gas)
Layunin
Nakapagbibigay ng hinuha na walang kulay ang gas.
Kagamitan
Pamaypay na papel,lobo,salamin
Pamamaraan
1. Ihanda ang set-up.
2. Hipan ang iyong kamay. Mayroon ka bang
naramdaman?
3. Hipan ang lobo. Ilarawan ang hangin nasa loob nito.
4. Kumuha ng kapareha, paypayan ang bawat isa.
Ilarawan ang hangin na nagmula sa pamaymay.
Panuto
1. Iguhit kung paano mo hinipan ang iyong kamay upang
mapatunayan na ang hangin ay walang kulay.
2. Ilarawan ang hangin na lumipat sa loob ng lobo at sa
salamin.
17
3.Sa tatlong pangungusap, ilarawan ang kulay ng hangin
na iyong naramdaman habang pinapaypayan ang sarili at
ang kapareha.
Mga Tanong
1. Ano ang naramdaman mo pagkatapos mong hipan ang
iyong kamay? May hangin ka bang nakita na lumabas sa
iyong bibig?
2. Nakita mo ba ang hangin sa loob ng lobo?
3. Ano ang iyong naramdaman nang paypayan ka ng
iyong kapareha? Nakita mo ba ang kulay ng hangin
habang isinasagawa ito?
4. Anong katangian ng gas ang ipinakita sa gawain?
Kabanata 4: Ligtas na Paggamit ng Karaniwang
Solid, Liquid at Gas sa Tahanan at Paaralan
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa solid, liquid at
gas na karaniwang matatagpuan sa bahay at paaralan
tulad ng solid,liquid at gas. Nararapat na ilagay natin ang
mga ito sa tamang lugar at markahan ang mga lalagyan
nito ng angkop na pangalan.
Aralin 1: Mga Karaniwang Solid, Liquid, at Gas sa
Bahay at Paaralan
Gawain 1: Talaan ng mga Karaniwang Produkto na
Makikita sa Tahanan at Paaralan
Layunin
1.Nakakikilala ang karaniwang solid, liquid at gas na
makikita sa tahanan at paaralan.
2. Tukuyin ang gamit ng mga karaniwang bagay na
makikita sa tahanan
Kagamitan
Papel, pen,manila paper
18
Pamamaraan
1. Gumawa ng listahan ng mga karaniwang bagay na
makikita sa paaralan at tahanan. Pangkatin ang mga gamit
ang talaan sa ibaba.
Solid Liquid Gas
2. Pagpangkatin ang mga bagay na nakatala sa Bilang 1
gamitin ang talahanayan sa ibaba.
Pagkain Pagluluto
Pagpapa-
-ganda
ng bahay
Pagpapa-
ganda
Paglilinis
Ng
bahay
Paglilinis
ng
katawan/
sarili
Pamatay
kulisap/
peste
 Ano-ano ang mga karaniwang bagay sa tahanan at
paaralan?
 Ano – ano ang gamit ng mga bagay na makikita sa
tahanan at sa paaralan?
Gawain 2: Masasamang Dulot ng mga Karaniwang Bagay
na Matatagpuan sa Bahay at Paaralan
Layunin
Nakikilala ang mga masasamang dulot ng mga bagay
na makikita sa tahanan at sa paaralan
Kagamitan
Pinaglagyan/pinagbalutan na mga bagay ng
kagamitan
Pamamaraan
19
1. Basahin ang mga label ng karaniwang
produkto/kagamitan na makikita sa tahanan at
tingnan ang sumusunod na simbolo.
Nagliliyab Toxic
Nakalalason Nakasisira
Narito ang ilan sa mga halimbawa.
20
2.Gamit ang talaan sa ibaba, pangkatin ang mga
kagamitan ayon sa mga nakapipinsalang epekto nito sa
tao, at iba pang may buhay.
3. Isulat ang iyong sagot sa sanayang kuwaderno.
Nakalalason Toxic Nagliliyab Nakasisira
Gawain 3. Mga Gawain Upang Maging Ligtas sa Paggamit
ng mga Mapaminsalang Bagay
Layunin
Nailalarawan ang wastong paraan ng paghawak at
paggamit ng mapaminsalang bagay.
Kagamitan
Larawan ng wastong paraan ng paghawak at
paggamit ng mapaminsalang bagay
Pamamaraan
1. Tingnan ang mga larawan.
2. Isulat sa sagutang papel ang letra ng larawan na
nagpapakita ng tamang paggamit ng mga
nakapipinsalang bagay.
a. b.
Lagyan ng pangalan ang iba-
ibang kemikal at ilagay ang
mga ito sa lugar na hindi
maaabot ng mga bata
Magsuot ng guwantes sa kamay
at gas masks kung gagamit ng
mga pamatay sa insekto.
21
c. d.
Tanong
Susundin mo ba ang mga gawaing pangkaligtasan sa
paghawak at paggamit ng mga nakapipinsalang bagay?
Bakit?
Kabanata 5: Mga Pagbabagong Nagaganap sa mga Solid,
Liquid, Gas
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagbabagong
nagaganap sa solids, liquids, gases kapag ginamitan o
sinasalang sa init.Tatalakayin din dito ang mga mga
pamamaraan sa pagkuha ng temperatura gamit ang
laboratory thermometer.
Aralin 1: Pagsusukat ng Temperatura ng mga Bagay
Gawain 1: Mainit ba o Malamig?
Layunin
Nasasabi kung ang bagay ay mainit o malamig
Kagamitan
manila paper, marker/pentel pen
Palagiang tingnan ang tangke na
ginagamit sa pagluluto.
Siguraduhing ito ay nakasara
nangmahigpit.
Ilagay ang mga bagay na
maaring lumiyab malapit
sa lutuan
22
Pamamaraan
1. Tingnan at suriin ang bawat larawan sa ibaba.
Tukuyin kung ang larawan ay nagpapakita ng
mainit o malamig na bagay.
2. M
a
g
b
i
g
a
y
n
g
i
b
a
p
a
n
g
h
a
l
i
m
(1) (2)
Gamit/Bagay
(3)
Mainit ba?
(4)
Malamig
ba?
1
ningas ng kandila
2
sorbetes
3
kumukulong tubig
4
kumukulong
sopas
5
iced tea
23
bawa ng mainit at malamig na bagay. Isulat ang mga
ito sa angkop na hanay sa talaan.
Mainit na mga bagay Malamig na mga bagay
Tanong
1. Kailan mo masasabi na mainit ang bagay?
2. Kailan mo masasabi na malamig ang isang bagay?
Gawain 2: Pagsukat sa Temperatura ng Mainit/Maligamgam
na Bagay
Layunin
1.Nasusukat ang mga temperatura ng tubig galing sa
gripo at tubig na mainit/maligamgam gamit ang
thermometer.
2.Nababasa nang wasto ang temperatura na
nakasaaad sa thermometer.
3.Napaghahambing ang temperatura ng tubig galing
sa gripo at tubig na mainit/maligamgam.
Kagamitan
2 beakers/magkaparehong babasaging lalagyan
tulad ng baso
laboratory thermometer
magkaparehong dami ng mainit/maligamgam na
tubig at tubig galing sa gripo
Pamamaraan
1. Pag-aralang mabuti ang laboratory thermometer.
24
2.Suriin ang mga tanda na makikita sa thermometer.
- Ano ang pinakamaliit na bilang sa thermometer?
Saang bahagi ito matatagpuan?
- Ano ang pinakamataas na bilang sa
thermometer?
- Saang bahagi ito matatagpuan?
- Anong yunit ng panukat ang ginamit?
- Anong simbolo ang ginamit upang maipahayag
ang sukat ng temperature?
3. Lagyan ng kalahating dami ng tubig ang beaker
galing sa gripo.
4. Hawakan ng patayo ang thermometer, siguraduhin
na ang bahagi ng bulb nito ang siyang nasa ilalim.
Ilubog ang thermometer sa beaker na may galling sa
gripo. Ilubog lamang ang bahaging mayroong bulb upang
masukat ang temperatura ng tubig.
5.
Tuku
yin ang sukat ng temperatura ng tubig sa thermometer.
Kunin ang tanda na katapat ng lebel ng pulang liquid sa
thermometer at itala ito sa Talaan 1.
a.Ano ang temperatura ng tubig galing sa gripo?
(Ito ay Temperatura ng tubig galing sa gripo na ayon
temperature sa loob ng silid-aral)
Paalala: Sa pagbasa ng thermometer, sikaping
kapantay ng iyong mata ang lebel ng tubig sa
thermometer.
Paalala: Huwag hawakan ang may kulay na pulang liquid
sa loob ng thermometer. At huwag hayaang lumapat sa
ilalim ng beaker.
25
6. Lagyan ng kalahating dami ng mainit /maligamgam na
tubig ang beaker.
7. Ilubog naman ang thermometer sa
loob ng beaker na may
mainit/maligamgam na tubig.
8.Suriin ang nangyayari sa lebel ng pulang liquid sa loob
thermometer.
3. Tukuyin ang temperatura ng mainit /maligamgam na
tubig pagkalipas ng 5 minuto, isulat ang temperatura sa
Talaan 1 sa ibaba.
- Ano ang temperatura ng mainit/maligamgam na
tubig?
Paalala: Maging maingat sa pagsasalin ng
mainit/maligamgam na tubig sa lalagyan. Maaaring ikaw
ay mapaso o maaksidente. Hingin ang tulong ng guro.
26
Talaan 1: Temperatura ng tubig galing sa gripo at
mainit/maligamgam na tubig
Kagamitan Temperatura (0C)
Tubig galing sa gripo
Mainit/Maligamgam na tubig
1.Paghambingin ang mga temperatura ng tubig na
galing sa gripo at tubig na mainit/maligamgam.
- Paano mo mapaghahambing ang temperatura ng
tubig galing sa gripo at tubig na
mainit/maligamgam?
2. Ilarawan ang epekto ng init sa tubig.
- Ano ang epekto ng init sa tubig?
Tanong
Ano ang iyong gagawin kung kailangan mo ng mainit o
malamig na tubig sa bahay?
Gawain 3: Pagsusukat ng Temperatura ng Malamig na
Bagay
Layunin
1. Nasusukat ang temperatura ng tubig na galing sa
gripo at ng malamig na tubig gamit ang thermometer.
2. Nababasa nang wasto ang temperatura gamit ang
thermometer.
3. Napaghahambing ang temperatura ng tubig galing
sa gripo at ng malamig na tubig.
27
Kagamitan
2 beakers/magkaparehong babasaging lalagyan,
laboratory thermometer,magkaparehong dami ng
tubig na malamig at tubig na galing sa gripo,ice cubes
Pamamaraan
1. Lagyan ang beaker ng kalahati ng tubig galing sa
gripo.
2. Ilubog ang
thermometer sa
beaker na may
tubig galing sa
gripo. Hawakan ito
nang patayo.
3. Suriin ang sukat ng tubig sa thermometer.
4. Sukatin ang temperatura ng tubig galing sa gripo.
(Basahin ang tanda katapat ng sukat ng pulang likido sa
loob ng thermometer). Itala ang temperatura sa Talaan
-Ano ang temperatura ng tubig galing sa gripo?
Paalala:
Huwag hawakan
ang bulb ng
thermometer. At
huwag hayaang
lumapat sa ilalim
ng lalagyan.
28
(Temperatura ng tubig galing sa gripo ayon sa
temperatura sa silid-aralan)
Paalala: Sa pagbabasa ng thermometer, dapat
kapantay ng inyong mata ang lebel ng pulang
liquid sa thermometer.
5. Lagyan ng kalahating dami ng malamig na tubig ang
beaker.(Lagyan ng kaunting maliliit na yelo upang
maging malamig ang tubig).
6. Ilubog ang thermometer sa loob ng beaker na may
malamig na tubig.
7. Suriing muli ang sukat ng pulang liquid sa thermometer.
29
8. Basahin ang temperatura ng tubig na malamig.
Pagkalipas ng 5 minuto, itala ang temperatura sa Talaan
2 sa ibaba.
-Ano ang temperatura ng tubig na malamig?
Talaan 2. Temperatura ng tubig galling sa gripo at tubig na
malamig
Kagamitan Temperatura (0C)
Tubig galing sa gripo
Tubig na malamig
9. Paghambingin ang mga temperatura ng tubig galing sa
gripo at tubig na malamig.
- Paano mo paghahambingin ang temperatura ng
tubig galing sa gripo sa tubig na malamig?
10. Ilarawan ang epekto ng pag-aalis ng init sa tubig.
- Ano ang epekto ng kawalan ng init sa tubig?
Aralin 4: Pagbabagong Nagaganap sa mga Bagay Sanhi
ng Temperatura
Gawain 1: Ano ang Mangyayari Kapag ang Kandila ay
Nainitan o Lumamig?
Layunin
Nailalarawan kung ano ang mangyayari sa kandila
kapag ito ay nainitan at lumamig.
Kagamitan
maliliit na piraso ng kandila,1 kutsara, makapal na tela,
platitong seramik , 1 piraso kandila,posporo
Pamamaraan
30
1.Balutin ang hawakan ng kutsara ng makapal na tela.
Ilagay ang piraso ng maliit na kandila sa kutsara. Tingnan
ang nasa larawan.
2. Nasa anong anyo (solid, liquid, gas) ang
maliliit na piraso ng kandila?
3. Itayo ang kandila sa isang platitong seramiks at sindihan
tulad ng nasa larawan.
4. Hawakan ang kutsara at ilagay sa tapat ng may sinding
kandila.
5. Initin ang kutsara na may lamang maliliit na piraso ng
kandila ng limang (5) minuto. Tingnan at pag-aralan ang
mangyayari sa kandila.
- Ano ang nangyari sa maliliit na piraso ng kandila?
- Mayroon bang nagbago sa anyo ng kandila?
Anong anyo mayroon ito ngayon?
-Ano ang dahilan ng pagbabago ng anyo ng kandila?
- Ano ang epekto ng init sa kandila?
6. Alisin ang kutsara sa tapat ng may sinding kandila.
7. Maghintay ng ilang minuto hanggang lumamig ang
kandila.
Suriin at alamin kung ano ang mangyayari sa kandila.
- Anong nangyari sa kandila ng lumamig?
- Mayroon bang pagbabago sa anyo ng
kandila? Anong pagbabago ang nangyari?
Paalala: Ang kutsara ay iinit. Mag-ingat sa
paghawak.
31
- Bakit nangyari ang pagbabago?
- Ano ang epekto ng pag-alis ng init sa kandila?
- Mayroon bang nagbago nang sindihan ang kandila?
Gawain 2: Ano ang Mangyayari Kapag ang Tubig ay Ininit?
Layunin
Nailalarawan ang mangyayari sa tubig habang
tumataas ang temperatura o habang naiinitan ang
tubig
Kagamitan
beaker,tubig,pangguhit/pananda
Pamamaraan
1.Lagyan ng 10 ml na tubig ang beaker. Markahan ang
beaker ayon sa antas ng dami ng tubig sa loob.
2. Ilagay ang beaker na may tubig sa ilalim ng init ng araw
sa loob ng 15 minuto. Tingnan at pag-aralan kung ano ang
mangyayari.
3. Markahan muli ang lebel ng tubig sa loob nito.
a.May nakita ba kayong pagbabago sa antas ng
dami ng tubig?
32
b. Ano ang ipinakita ng pagsusuri na ito?
c. Ano ang epekto ng sikat ng araw sa tubig?
d. Nasubukan mo na bang maglagay ng palanggana
na may tubig sa ilalim ng init ng araw? Anong
nangyayari sa dami ng tubig?
Gawain 3: Ano ang Mangyayari sa Water Vapor Kapag
Lumalamig?
Layunin
Nailalarawan ang nangyayari sa water vapor kapag
lumamig.
Kagamitan
ice cubes,kutsara,garapon na may takip, orange juice
Pamamaraan
1. Hawakan nang dalawang kamay ang walang
laman na garapon.
- Ano ang iyong naramdaman?
2. Lagyan ng orange juice ang garapon (lampas ng
kalahati nito) katulad ng nasa larawan sa ibaba.
3. Lagyan ng ice cubes. Pagkatapos, mahigpit na
ilagay ang takip ng garapon.
4. Aluging mabuti ang garapon nang ilang segundo.
5. Hawakan ang ibabaw ng lalagyan ng ilang minuto.
-Ano ang iyong naramdaman?
- May hangin bang nakapalibot sa garapon?
- Mayroon bang water vapor na nakapalibot sa
garapon?
- Saan nanggaling ang water vapor ?
6. Ipatong muna ang garapon sa ibabaw ng mesa sa
loob ng dalawang minuto.
33
7. Pagkatapos ng dalawang minuto, tingnan at suriing
mabuti ang garapon.Hawakan ang ibabaw ng
garapon ng ilang minuto.
- Ano ang iyong naramdaman at nakita sa ibabaw ng
garapon?
- Ano ang kinalabasan nang pagsusuri mong ito?
Gawain 4: Ano ang Mangyayari sa Naphtalene Ball Kapag
Nainitan?
Layunin
Nailalarawan ang nangyari sa naphthalene ball kapag
nainitan o inilagay sa lugar na may mataas na temperatura.
Kagamitan
maliit na piraso ng naphthalene ball
2 magkaparehong may kulay na platito, piraso ng
bato, piraso ng damit
34
Pamamaraan
1. Kumuha ng isang piraso ng naphthalene ball. Ilagay
ito sa isang kapirasong damit tulad ng nasa larawan.
Napthalene ball
2. Ibalot ito sa kapirasong damit.
3. Durugin ang naphthalene ball sa maliliit na bahagi sa
pamamagitan ng bato.
4. Hatiin ang durog na naphthalene ball sa dalawang
bahagi.
5. Ilagay ang durog na naphthalene ball sa isang platito
at ang kalahati ay sa isang platito.
35
- Nasa anong anyo ang napthtalene ball (solid,
liquid, gas)?
6. Ilagak ang isang (1) platito sa loob ng silid.
7. Ang isa naman na platito ay sa labas ng silid na
nasisikatan ng araw tulad ng nasa larawan.
8. Pagkalipas nh 10 minuto, tingnan at suriin ang
naphthalene ball sa una at ikalawang platito.
Ilarawan ang iyong obserbasyon.
- Ano ang iyong napansin?
- May nakita ka bang pagbabago sa kaanyuan ng
naphthalene ball sa dalawang platito?
- Ano ang sinasabi ng nakita mo?
- Ano ang epekto o dulot ng init sa naphthalene ball?
- May kaalaaman ba kayo sa camphor ball?
(komersiyal na ngalan ng naphthalene ball)
Gawain 5: Ano ang Mangyayari sa Hangin na Nasa Loob ng
Bote at Lobo kung Ito ay Mainitn o Palalamigin?
Layunin
Nailalarawan kung ano ang mangyayari sa hangin sa loob
ng bote/lobo kung ito ay paiinitin at palalamigin
36
Kagamitan
babasaging bote (may makipot na bunganga),lobo
2 maliit na palanggana,mainit na tubig,malamig na tubig
Pamamaraan
1. Kumuha ng lobo. Banatin ang
butas at ipasok sa bibig
ng bote tulad ng nasa larawan.
- May hangin ba sa loob ng bote?
- May hangin ba sa loob ng lobo?
2. Ilagay ang bote sa palanggana na may mainit na tubig.
Masdan at suriin ito pagkalipas ng 3 minuto.
- Anong nangyari sa lobo?
- Ano ang epekto ng mainit na tubig sa hangin sa loob
ng bote?
3. Ilipat ang bote sa palanggana na may malamig na
tubig. Masdan at suriin itong muli ang gawain pagkalipas
ng 3 minuto.
37
- Anong nangyari sa lobo?
- Ano ang epekto ng malamig na tubig sa hangin sa
loob ng bote?

Contenu connexe

Tendances

Science Learning Plan (Making shadows and Shadow shapes)
Science Learning Plan (Making shadows and Shadow shapes)Science Learning Plan (Making shadows and Shadow shapes)
Science Learning Plan (Making shadows and Shadow shapes)Mavict De Leon
 
Grade 3 Science Teachers Guide
Grade 3 Science Teachers GuideGrade 3 Science Teachers Guide
Grade 3 Science Teachers GuideLance Razon
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
K to 12 Grade 3 Science LM Hiligaynon Quarter 4
K to 12 Grade 3 Science LM Hiligaynon  Quarter 4K to 12 Grade 3 Science LM Hiligaynon  Quarter 4
K to 12 Grade 3 Science LM Hiligaynon Quarter 4Jen Rapista
 
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
EPP4_q1_mod-11_Pagtukoy-ng-mga-Hayop-Na-Maaaring-Alagaan-sa-Tahanan_v3.docx
EPP4_q1_mod-11_Pagtukoy-ng-mga-Hayop-Na-Maaaring-Alagaan-sa-Tahanan_v3.docxEPP4_q1_mod-11_Pagtukoy-ng-mga-Hayop-Na-Maaaring-Alagaan-sa-Tahanan_v3.docx
EPP4_q1_mod-11_Pagtukoy-ng-mga-Hayop-Na-Maaaring-Alagaan-sa-Tahanan_v3.docxssuserc9970c
 
Lesson 3 - One-half and One-fourth of a Whole
Lesson 3  - One-half and One-fourth of a WholeLesson 3  - One-half and One-fourth of a Whole
Lesson 3 - One-half and One-fourth of a WholeYolanda N. Bautista
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)LiGhT ArOhL
 
Edukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manual
Edukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manualEdukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manual
Edukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manualJane Basto
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOK TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOLiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3
Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3
Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3Glydz Ubongen
 
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd  QuarterFilipino 3 Learner's Manual 2nd  Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd QuarterEDITHA HONRADEZ
 
K to 12 esp III complete objectives & Subject matter
K to 12 esp III complete objectives & Subject matterK to 12 esp III complete objectives & Subject matter
K to 12 esp III complete objectives & Subject matterAlcaide Gombio
 
Pe gr-1-teachers-guide-q12
Pe gr-1-teachers-guide-q12Pe gr-1-teachers-guide-q12
Pe gr-1-teachers-guide-q12EDITHA HONRADEZ
 

Tendances (20)

Science Learning Plan (Making shadows and Shadow shapes)
Science Learning Plan (Making shadows and Shadow shapes)Science Learning Plan (Making shadows and Shadow shapes)
Science Learning Plan (Making shadows and Shadow shapes)
 
Grade 3 Science Teachers Guide
Grade 3 Science Teachers GuideGrade 3 Science Teachers Guide
Grade 3 Science Teachers Guide
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Grade 6 1st Quarter Week 1
Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Grade 6 1st Quarter Week 1Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Grade 6 1st Quarter Week 1
Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Grade 6 1st Quarter Week 1
 
K to 12 Grade 3 Science LM Hiligaynon Quarter 4
K to 12 Grade 3 Science LM Hiligaynon  Quarter 4K to 12 Grade 3 Science LM Hiligaynon  Quarter 4
K to 12 Grade 3 Science LM Hiligaynon Quarter 4
 
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE (Q1-Q4)
 
Ang Uhaw na Uwak
Ang Uhaw na UwakAng Uhaw na Uwak
Ang Uhaw na Uwak
 
EPP4_q1_mod-11_Pagtukoy-ng-mga-Hayop-Na-Maaaring-Alagaan-sa-Tahanan_v3.docx
EPP4_q1_mod-11_Pagtukoy-ng-mga-Hayop-Na-Maaaring-Alagaan-sa-Tahanan_v3.docxEPP4_q1_mod-11_Pagtukoy-ng-mga-Hayop-Na-Maaaring-Alagaan-sa-Tahanan_v3.docx
EPP4_q1_mod-11_Pagtukoy-ng-mga-Hayop-Na-Maaaring-Alagaan-sa-Tahanan_v3.docx
 
Lesson 3 - One-half and One-fourth of a Whole
Lesson 3  - One-half and One-fourth of a WholeLesson 3  - One-half and One-fourth of a Whole
Lesson 3 - One-half and One-fourth of a Whole
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
 
Edukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manual
Edukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manualEdukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manual
Edukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manual
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOK TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
 
Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3
Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3
Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3
 
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd  QuarterFilipino 3 Learner's Manual 2nd  Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
 
K to 12 esp III complete objectives & Subject matter
K to 12 esp III complete objectives & Subject matterK to 12 esp III complete objectives & Subject matter
K to 12 esp III complete objectives & Subject matter
 
Art 5 Grade 5 1st Quarter Lesson 1
Art 5 Grade 5 1st Quarter Lesson 1Art 5 Grade 5 1st Quarter Lesson 1
Art 5 Grade 5 1st Quarter Lesson 1
 
Pe gr-1-teachers-guide-q12
Pe gr-1-teachers-guide-q12Pe gr-1-teachers-guide-q12
Pe gr-1-teachers-guide-q12
 

En vedette

Science 3 tg draft 4.10.2014
Science 3 tg draft 4.10.2014Science 3 tg draft 4.10.2014
Science 3 tg draft 4.10.2014EDITHA HONRADEZ
 
Science 3 tg draft 4.10.2014
Science 3 tg draft 4.10.2014Science 3 tg draft 4.10.2014
Science 3 tg draft 4.10.2014EDITHA HONRADEZ
 
Science 3 tg draft 4.10.2014
Science 3 tg draft 4.10.2014Science 3 tg draft 4.10.2014
Science 3 tg draft 4.10.2014EDITHA HONRADEZ
 
Grade 3 Science Learners Module
Grade 3 Science Learners ModuleGrade 3 Science Learners Module
Grade 3 Science Learners ModuleLance Razon
 
YUNIT III ARALIN 8:Mga Programang Pangkalusugan
YUNIT III ARALIN 8:Mga Programang PangkalusuganYUNIT III ARALIN 8:Mga Programang Pangkalusugan
YUNIT III ARALIN 8:Mga Programang PangkalusuganEDITHA HONRADEZ
 
YUNIT III ARALIN 9Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
YUNIT III ARALIN 9Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa BansaYUNIT III ARALIN 9Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
YUNIT III ARALIN 9Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa BansaEDITHA HONRADEZ
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB)K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCEK TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCELiGhT ArOhL
 
Paghihiwalay ng kapangyarihan at check and balance sa mga sangay ng pamahalaan
Paghihiwalay ng kapangyarihan  at check and balance  sa mga sangay ng pamahalaanPaghihiwalay ng kapangyarihan  at check and balance  sa mga sangay ng pamahalaan
Paghihiwalay ng kapangyarihan at check and balance sa mga sangay ng pamahalaanEDITHA HONRADEZ
 

En vedette (11)

Science 3 tg draft 4.10.2014
Science 3 tg draft 4.10.2014Science 3 tg draft 4.10.2014
Science 3 tg draft 4.10.2014
 
Science 3 tg draft 4.10.2014
Science 3 tg draft 4.10.2014Science 3 tg draft 4.10.2014
Science 3 tg draft 4.10.2014
 
Science 3 tg draft 4.10.2014
Science 3 tg draft 4.10.2014Science 3 tg draft 4.10.2014
Science 3 tg draft 4.10.2014
 
Gr.3 science tagalog q1
Gr.3 science tagalog q1Gr.3 science tagalog q1
Gr.3 science tagalog q1
 
Grade 3 Science Learners Module
Grade 3 Science Learners ModuleGrade 3 Science Learners Module
Grade 3 Science Learners Module
 
Grade 3 science quiz bee
Grade 3 science quiz beeGrade 3 science quiz bee
Grade 3 science quiz bee
 
YUNIT III ARALIN 8:Mga Programang Pangkalusugan
YUNIT III ARALIN 8:Mga Programang PangkalusuganYUNIT III ARALIN 8:Mga Programang Pangkalusugan
YUNIT III ARALIN 8:Mga Programang Pangkalusugan
 
YUNIT III ARALIN 9Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
YUNIT III ARALIN 9Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa BansaYUNIT III ARALIN 9Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
YUNIT III ARALIN 9Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB)K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB)
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCEK TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE
 
Paghihiwalay ng kapangyarihan at check and balance sa mga sangay ng pamahalaan
Paghihiwalay ng kapangyarihan  at check and balance  sa mga sangay ng pamahalaanPaghihiwalay ng kapangyarihan  at check and balance  sa mga sangay ng pamahalaan
Paghihiwalay ng kapangyarihan at check and balance sa mga sangay ng pamahalaan
 

Similaire à Gr.3 science tagalog q1

daily lesson plan of mother tongue based
daily lesson plan of mother tongue baseddaily lesson plan of mother tongue based
daily lesson plan of mother tongue basedKIMBERLYROSEFLORES
 
Monday june 8 mam lolit lp june 22,26 2015
Monday june 8 mam lolit lp june 22,26 2015Monday june 8 mam lolit lp june 22,26 2015
Monday june 8 mam lolit lp june 22,26 2015EDITHA HONRADEZ
 
ESP4 Yunit2 ARALIN 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko.pptx
ESP4 Yunit2 ARALIN 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko.pptxESP4 Yunit2 ARALIN 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko.pptx
ESP4 Yunit2 ARALIN 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko.pptxROMELITOSARDIDO2
 
ESP4 Yunit2 ARALIN 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko.pptx
ESP4 Yunit2 ARALIN 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko.pptxESP4 Yunit2 ARALIN 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko.pptx
ESP4 Yunit2 ARALIN 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko.pptxDen Zkie
 
Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko
Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko
Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko EDITHA HONRADEZ
 
WLP-Q1-WEEK-3-MAPEH.docx
WLP-Q1-WEEK-3-MAPEH.docxWLP-Q1-WEEK-3-MAPEH.docx
WLP-Q1-WEEK-3-MAPEH.docxRHEAJANEMANZANO
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)LiGhT ArOhL
 
WLP-_G10_Q1-Week-1-8.pdf
WLP-_G10_Q1-Week-1-8.pdfWLP-_G10_Q1-Week-1-8.pdf
WLP-_G10_Q1-Week-1-8.pdfGinalynRosique
 
ESP 5 PPT Q4 W9 - Pagtulong sa Kapwa, Pagmamahal sa Dakilang Lumikha.pptx
ESP 5 PPT Q4 W9 - Pagtulong sa Kapwa, Pagmamahal sa Dakilang Lumikha.pptxESP 5 PPT Q4 W9 - Pagtulong sa Kapwa, Pagmamahal sa Dakilang Lumikha.pptx
ESP 5 PPT Q4 W9 - Pagtulong sa Kapwa, Pagmamahal sa Dakilang Lumikha.pptxRonaPacibe
 
TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdf
TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdfTG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdf
TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdfJosePRizal2
 
Grade 6 PPT_Filipino_Q3_W4.pptx
Grade 6 PPT_Filipino_Q3_W4.pptxGrade 6 PPT_Filipino_Q3_W4.pptx
Grade 6 PPT_Filipino_Q3_W4.pptxNursimaMAlam1
 
Ap teacher's guide (q1&2) gr.1
Ap teacher's guide (q1&2) gr.1Ap teacher's guide (q1&2) gr.1
Ap teacher's guide (q1&2) gr.1JAmes NArbonita
 
DLL_Edukasyon sa pagkakatao 5_Q1_W8.docx
DLL_Edukasyon sa pagkakatao  5_Q1_W8.docxDLL_Edukasyon sa pagkakatao  5_Q1_W8.docx
DLL_Edukasyon sa pagkakatao 5_Q1_W8.docxshevidallo
 
Grade 5 DLL Filipino Q2 Week 1.docx
Grade 5 DLL Filipino Q2 Week 1.docxGrade 5 DLL Filipino Q2 Week 1.docx
Grade 5 DLL Filipino Q2 Week 1.docxMyleneDiaz5
 

Similaire à Gr.3 science tagalog q1 (20)

daily lesson plan of mother tongue based
daily lesson plan of mother tongue baseddaily lesson plan of mother tongue based
daily lesson plan of mother tongue based
 
Monday june 8 mam lolit lp june 22,26 2015
Monday june 8 mam lolit lp june 22,26 2015Monday june 8 mam lolit lp june 22,26 2015
Monday june 8 mam lolit lp june 22,26 2015
 
ESP4 Yunit2 ARALIN 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko.pptx
ESP4 Yunit2 ARALIN 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko.pptxESP4 Yunit2 ARALIN 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko.pptx
ESP4 Yunit2 ARALIN 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko.pptx
 
ESP4 Yunit2 ARALIN 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko.pptx
ESP4 Yunit2 ARALIN 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko.pptxESP4 Yunit2 ARALIN 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko.pptx
ESP4 Yunit2 ARALIN 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko.pptx
 
Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko
Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko
Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko
 
WLP-Q1-WEEK-3-MAPEH.docx
WLP-Q1-WEEK-3-MAPEH.docxWLP-Q1-WEEK-3-MAPEH.docx
WLP-Q1-WEEK-3-MAPEH.docx
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)
 
WLP-_G10_Q1-Week-1-8.pdf
WLP-_G10_Q1-Week-1-8.pdfWLP-_G10_Q1-Week-1-8.pdf
WLP-_G10_Q1-Week-1-8.pdf
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
ESP 5 PPT Q4 W9 - Pagtulong sa Kapwa, Pagmamahal sa Dakilang Lumikha.pptx
ESP 5 PPT Q4 W9 - Pagtulong sa Kapwa, Pagmamahal sa Dakilang Lumikha.pptxESP 5 PPT Q4 W9 - Pagtulong sa Kapwa, Pagmamahal sa Dakilang Lumikha.pptx
ESP 5 PPT Q4 W9 - Pagtulong sa Kapwa, Pagmamahal sa Dakilang Lumikha.pptx
 
DLL_FILIPINO 5_Q1_W7.docx
DLL_FILIPINO 5_Q1_W7.docxDLL_FILIPINO 5_Q1_W7.docx
DLL_FILIPINO 5_Q1_W7.docx
 
Q1-Wk1-Day-1.docx
Q1-Wk1-Day-1.docxQ1-Wk1-Day-1.docx
Q1-Wk1-Day-1.docx
 
TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdf
TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdfTG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdf
TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdf
 
Grade 6 PPT_Filipino_Q3_W4.pptx
Grade 6 PPT_Filipino_Q3_W4.pptxGrade 6 PPT_Filipino_Q3_W4.pptx
Grade 6 PPT_Filipino_Q3_W4.pptx
 
DLL_FILIPINO_5_Q2_W1.docx
DLL_FILIPINO_5_Q2_W1.docxDLL_FILIPINO_5_Q2_W1.docx
DLL_FILIPINO_5_Q2_W1.docx
 
Ap teachers-guide-q12
Ap teachers-guide-q12Ap teachers-guide-q12
Ap teachers-guide-q12
 
Ap teacher's guide (q1&2) gr.1
Ap teacher's guide (q1&2) gr.1Ap teacher's guide (q1&2) gr.1
Ap teacher's guide (q1&2) gr.1
 
SCIENCE-3.docx
SCIENCE-3.docxSCIENCE-3.docx
SCIENCE-3.docx
 
DLL_Edukasyon sa pagkakatao 5_Q1_W8.docx
DLL_Edukasyon sa pagkakatao  5_Q1_W8.docxDLL_Edukasyon sa pagkakatao  5_Q1_W8.docx
DLL_Edukasyon sa pagkakatao 5_Q1_W8.docx
 
Grade 5 DLL Filipino Q2 Week 1.docx
Grade 5 DLL Filipino Q2 Week 1.docxGrade 5 DLL Filipino Q2 Week 1.docx
Grade 5 DLL Filipino Q2 Week 1.docx
 

Plus de EDITHA HONRADEZ

Plus de EDITHA HONRADEZ (20)

Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
 
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awitFilipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
 
Mapeh quarter 2 [autosaved]
Mapeh quarter 2 [autosaved]Mapeh quarter 2 [autosaved]
Mapeh quarter 2 [autosaved]
 
Health quarter 2 aralin 1
Health quarter 2 aralin 1Health quarter 2 aralin 1
Health quarter 2 aralin 1
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
 
Epp he aralin 19
Epp he aralin 19Epp he aralin 19
Epp he aralin 19
 
Epp he aralin 15
Epp he aralin 15Epp he aralin 15
Epp he aralin 15
 
Epp he aralin 13
Epp he aralin 13Epp he aralin 13
Epp he aralin 13
 
Epp he aralin 12
Epp he aralin 12Epp he aralin 12
Epp he aralin 12
 
Epp he aralin 10
Epp he aralin 10Epp he aralin 10
Epp he aralin 10
 
Epp he aralin 9
Epp he aralin 9Epp he aralin 9
Epp he aralin 9
 
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindigEpp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
 
Epp he aralin 6
Epp he aralin 6Epp he aralin 6
Epp he aralin 6
 
Epp he aralin 5
Epp he aralin 5Epp he aralin 5
Epp he aralin 5
 
Epp he aralin 4
Epp he aralin 4Epp he aralin 4
Epp he aralin 4
 
Epp he aralin 3
Epp he aralin 3Epp he aralin 3
Epp he aralin 3
 
EPP HE ARALIN 2
EPP HE  ARALIN 2EPP HE  ARALIN 2
EPP HE ARALIN 2
 
Ap aralin 6
Ap aralin 6Ap aralin 6
Ap aralin 6
 
Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 2Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 2
 

Dernier

G7 AP Q4 Week 6-7Nasyonalismo sa Timog At Kanlurang Asya.pptx
G7 AP Q4 Week 6-7Nasyonalismo sa Timog At Kanlurang Asya.pptxG7 AP Q4 Week 6-7Nasyonalismo sa Timog At Kanlurang Asya.pptx
G7 AP Q4 Week 6-7Nasyonalismo sa Timog At Kanlurang Asya.pptxSamuelAgnote
 
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................ferdinandsanbuenaven
 
Kabanata 11---------------------------.pdf
Kabanata 11---------------------------.pdfKabanata 11---------------------------.pdf
Kabanata 11---------------------------.pdfcompwatch556
 
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at KuwentoAng Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwentolyzaamper93
 
Alibughang Anak.pdf Kwento ng isang anak na matigas ang ulo.
Alibughang Anak.pdf Kwento ng isang anak na matigas ang ulo.Alibughang Anak.pdf Kwento ng isang anak na matigas ang ulo.
Alibughang Anak.pdf Kwento ng isang anak na matigas ang ulo.JudyAnnRazonCobol
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANJullianeOrtiz
 
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1AngelRgndlaa
 
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxPanunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxJohnMarkAlarconPunta
 
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASSektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASJamaerahArtemiz
 
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvcharlyn050618
 
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptx
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptxNASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptx
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptxLoudimsMojica
 
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxdigmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxSundieGraceBataan
 
FINAL Pagbibigay-Kahulugan-ng-Pamilyar-at-Di-Pamilyar-na-mga-Salita.pptx
FINAL Pagbibigay-Kahulugan-ng-Pamilyar-at-Di-Pamilyar-na-mga-Salita.pptxFINAL Pagbibigay-Kahulugan-ng-Pamilyar-at-Di-Pamilyar-na-mga-Salita.pptx
FINAL Pagbibigay-Kahulugan-ng-Pamilyar-at-Di-Pamilyar-na-mga-Salita.pptxMaricrisLanga1
 
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxLesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxReniaPimentel1
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxRoseAnneOcampo1
 
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxBlessGely
 
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....JEANELLEBRUZA
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttJuliaFaithMConcha
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhcharlyn050618
 
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanSimuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanChristineJaneWaquizM
 

Dernier (20)

G7 AP Q4 Week 6-7Nasyonalismo sa Timog At Kanlurang Asya.pptx
G7 AP Q4 Week 6-7Nasyonalismo sa Timog At Kanlurang Asya.pptxG7 AP Q4 Week 6-7Nasyonalismo sa Timog At Kanlurang Asya.pptx
G7 AP Q4 Week 6-7Nasyonalismo sa Timog At Kanlurang Asya.pptx
 
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
 
Kabanata 11---------------------------.pdf
Kabanata 11---------------------------.pdfKabanata 11---------------------------.pdf
Kabanata 11---------------------------.pdf
 
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at KuwentoAng Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
 
Alibughang Anak.pdf Kwento ng isang anak na matigas ang ulo.
Alibughang Anak.pdf Kwento ng isang anak na matigas ang ulo.Alibughang Anak.pdf Kwento ng isang anak na matigas ang ulo.
Alibughang Anak.pdf Kwento ng isang anak na matigas ang ulo.
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
 
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
 
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxPanunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
 
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASSektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
 
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
 
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptx
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptxNASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptx
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptx
 
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxdigmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
 
FINAL Pagbibigay-Kahulugan-ng-Pamilyar-at-Di-Pamilyar-na-mga-Salita.pptx
FINAL Pagbibigay-Kahulugan-ng-Pamilyar-at-Di-Pamilyar-na-mga-Salita.pptxFINAL Pagbibigay-Kahulugan-ng-Pamilyar-at-Di-Pamilyar-na-mga-Salita.pptx
FINAL Pagbibigay-Kahulugan-ng-Pamilyar-at-Di-Pamilyar-na-mga-Salita.pptx
 
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxLesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
 
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
 
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
 
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanSimuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
 

Gr.3 science tagalog q1

  • 3. 3 Kabanata 1: Ang mga Solid Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa mga katangian ng mga solids ayon sa kulay, hugis, sukat at tekstura. Ang mga solids ay may tiyak na katangian na nagpapakita nang iba-ibang katangian o pagkakatulad sa bawat isa. Aralin 1: Katangian ng mga solid Gawain 1: Ano ang mga katangian ng solid? Layunin 1. Nailalarawan ang iba-ibang bagay na nasa hardin ng paaralan. 2. Nauuri ang mga bagay ayon sa katangian Kagamitan Iba-ibang bagay na makikita sa hardin ng paaralan Pamamaraan 1. Bumisita sa hardin ng paaralan. Manguha ng iba- ibang solid. 2. Magtala ng 10 solid na iyong nakuha. 3. Ilarawan ang mga solid ayon sa katangian. 4. Isulat sa tamang hanay ang ngalan ng mga solid na iyong nakuha. Gawin ito sa iyong kuwadeno. maliit malaki magaspang makinis bilog parisukat itim puti Sa inyong kuwaderno o papel, sagutin ang sumusunod:
  • 4. 4 1. Paano mo ilalarawan ang solids? 2. Ano-ano ang katangian ng solids? 3. Ano ang iba pang katangian ng solids? Aralin 2: Mga Katangian ng solid ayon sa kulay Gawain 2: Paano mailalarawan ang mga solid ayon sa kulay? Layunin Nailalarawan ang solid ayon sa kulay. Kagamitan Mga larawan at hangga`t maaari ay tunay na hinog at hilaw na papaya, hinog na manga, hinog na kamatis, hilaw na kamatis,talong at uling Pamamaraan 1. Pag-aralan ang mga larawan ng solids. 2. Isulat ang kulay ng solid sa talaan. Solid Kulay Hinog na manga Hilaw na kamatis Hinog na kamatis
  • 5. 5 Hilaw na papaya Hinog na papaya pakwan Talong Uling Sa iyong kuwaderno, sagutin ang sumusunod: 1. Paano mo inilarawan ang mga bagay? 2. Lahat ba ng solid ay may tiyak na kulay? 3. Ano-ano ang kanilang mga kulay? 4. Ang mga solid ba ay may tiyak na kulay? Aralin 3: Katangian ng Solid ayon sa Hugis Gawain 1:Mabuting Pagkakahugis ng mga solid
  • 6. 6 Layunin Nakikilala ang mga solid ayon sa hugis Kagamitan bola, pambura, kalamansi, plato, bayabas, kuwaderno, tatsulok (instrumento ng Musika) Pamamaraan 1. Kumuha ng 6 na bagay sa kahon. 2. Masdan ang hugis ng mga ito. 3. Isulat ang ngalan ng mga bagay ayon sa tamang hanay. Bilog Parihaba Tatsulok Sa iyong kuwaderno o papel, sagutin ang sumusunod: 1. Paano mo inuri ang mga solid? 2. Ano-ano ang mga hugis ng solid? 3. Ang mga solid ba ay may tiyak na hugis? Aralin 4: Katangian ng mga Solid ayon sa laki o sukat. Gawain: Nakikilala ang mga solid ayon sa laki o sukat. Layunin 1.Nakikilala ang mga solid ayon sa laki o sukat. 2.Nasusukat ang mga solid gamit ang ruler. Kagamitan bag na may lamang solid,ruler Pamamaraan 1. Kunin ang mga solid sa iyong bag.
  • 7. 7 2. Kilalanin ang mga solid ayon sa kanilang sukat, lagyan ng tsek (/) ang angkop na hanay sa ibaba. 3. Itala ito sa iyong kuwaderno. 1. Sukatin ang solid gamit ang ruler. 2. Itala ang tamang sukat sa kuwaderno. Solid Sukat (tamang sukat) Sagutin ang sumusunod: 1. Paano mo nalaman ang mga sukat ng mga solid? 2. Ano ang iyong ginamit sa pagkuha ng sukat? 3. Nakuha mo ba ang tamang sukat ng solid? Paano? 4. Mayroon bang tiyak/tamang sukat ang mga solid? Aralin 5: Katangian ng mga Solid ayon sa Tekstura Gawain 1: Uriin ang solid ayon sa tekstura Layunin Nauuri ang mga solid ayon sa tekstura Kagamitan Bag o kahon na may lamang bato, bulak, buhangin, saging, karton, papel de liha, rambutan, balat ng langka Pamamaraan 1. Kunin ang laman ng inyong mga bag. Mga Kagamitan/Solid Laki Maliit Malaki
  • 8. 8 2. Sa iyong kuwaderno, isulat ang ngalan nang mga solid.Uriin ito batay sa tekstura at isulat sa angkop na hanay sa ibaba. Bagay Makinis Magaspang Malambot Matigas Sagutin ang sumusunod: 1. Paano mo pinangkat ang mga solid? 2. Ano ang mga katangian ng solid na nakita mo? 3. Nailarawan mo ba nang wasto ang mga solid ? Bakit? 4. Anong mahahalagang bagay ang natutunan mo sa gawain? 5. Ang mga solid ba ay may tiyak na tekstura? Kabanata 2: Ang mga Liquid Ang kabanatang ito ay tatalakay sa liquids bilang bagay na may bigat o timbang, paraan nang pagdaloy nito, paano nagiging katulad ang hugis nang kanilang pinaglagyan, paraan kung paano sila nakakukuha ng lugar/espasyo sa sisidlan, at kung ito ay may lasa o amoy. Aralin 1: Katangian ng Liquids Gawain 1: Pangalanan ang iba-ibang liquids Layunin Natutukoy ang pangalan ng mga bagay na liquid Kagamitan Liquids na may iba-ibang katangian ng paraan ng pagdaloy, sumusunod sa hugis ng lalagyan,at lasa at amoy
  • 9. 9 Pamamaraan: 1. Pumunta sa kantina ng paaralan. 2. Itanong sa tauhan ng kantina ang mga liquids na makikita dito. 3. Pangalanan ang bawat liquid. 4. Suriin ang liquid batay sa kung paano ito dumaloy, sa hugis ng pinaglalagyan nito, at sa espasyo na nakukuha ng mga bahagi nito. 5. Tikman ang lasa o amuyin ang mga liquid nang may pag-iingat (Kailangan ng gabay ng guro 6. Itala ang inyong nakita sa iyong kuwaderno. Aralin 2: Paglalarawan ng Pagdaloy ng mga Liquid Gawain 1: Paano dumaloy ang liquids? Layunin Nailalarawan kung papaano dumadaloy ang liquids. Kagamitan Gatas na kondensada, toyo, suka,shampoo,tubig,langis, 2 kutsara, silag na mangkok Pamamaraan 1. Kumuha ng 2 kutsara. 2. Hawakan ng kamay ang bawat kutsara tulad ng nasa larawan. 3. Sumalok ng isang kutsarang tubig at isang kutsarang suka. 4. Hawakan ang bawat kutsara nang kapantay ng siko. 5. Itagilid ang dalawang kamay ng sabay tulad ng makikita sa larawan.
  • 10. 10 6. Itala ang iyong napansin sa iyong kuwaderno. Alin ang mabilis na dumaloy, tubig o suka? 7. Gawin muli ang pamamaraan mula 2 hanggang 6 gamit ang iba pang liquids na ipapares sa tubig. (Tandaan: Tubig ang magsisilbing pagtutularan ng bilis ng daloy ng likido.) Pangalan ng Liquid Mabagal bang dumaloy? Mabilis bang dumaloy? Napakabilis bang dumaloy? 1. tubig 2.toyo 3. suka 4. shampoo 5. langis 6. gatas na kondensada Tanong 1. Magkasabay bang dumaloy ang liquid? 2. Aling liquid ang mas mabilis dumaloy? 3. Aling liquid ang mabagal dumaloy? Aralin 3: Paglalarawan sa Liquid Ayon sa Uri ng Hugis ng Lalagyan Nito Gawain 1: May hugis ba ang mga liquid? Layunin Nailalarawan kung paano nakukuha ng liquid ang hugis ng lalagyan/sisidlan Kagamitan Lalagyan/sisidlan na may iba-ibang hugis liquid
  • 11. 11 Pamamaraan 1. Ilarawan ang 3 hugis ng lalagyan/sisidlan. 2. Kumuha ng 3 uri ng liquids. 3. Ilagay ang bawat liquid sa tig-iisang lalagyan/sisidlan. 4. Sa inyong kuwaderno, Itala ang iyong nakita. Pangalan ng liquid Hugis ng liquid na ibinuhos sa lalagyan 1. Ano ang nangyari nang ibuhos ang liquids sa lalagyan? 2. Magkapareho ba ang hugis ng mga liquid? 3. Anong katangian ng liquid ang iyong nakita? 4. Anong kaisipan ang ipinahahayag ng gawaing ito tungkol sa hugis ng liquid? 5.May tiyak na hugis ba ang likido? Aralin 4: Paglalarawan ng Liquid Kung Paano Nakakukuha ng espasyo/lugar ang mga Liquid Gawain 1: Nakakukuha ba ng espasyo ang liquid? Layunin Nailalarawan kung paano nakakukuha ng espasyo/lugar ang liquid Kagamitan Bato, tubig, beaker, basahan Pamamaraan 1. Ihanda ang mga kagamitan. 2. Lagyan ng tubig ang beaker.
  • 12. 12 3. Dagdagan ng tubig ang beaker. 4.Masdan ang mangyayari habang dinadagdagan ng tubig ang beaker. 5. Lagyan ng bato ang beaker na may tubig. 6. Masdang muli ang mangyayari. 7. Itala/Iguhit ang nakita sa kuwaderno. Sa iyong kuwaderno, sagutin ang sumusunod: 1. Ano ang nangyari sa tubig ng iyong dinagdagan? Bakit? 2. Nang lumubog ang bato, ano ang iyong nakita sa ilalim ng baso? 3. Ano ang nangyari sa tubig? Bakit? 4. Ang tubig ba ay nakakukuha ng lugar/espasyo? Bakit? 5. Totoo ba na ang liquid ay nakakukuha ng espasyo/lugar? Aralin 5: Paglalarawan ng Liquid Batay sa Lasa Gawain 1: May lasa ba ang liquid? Layunin Nailalarawan ang lasa ng mga liquid. Kagamitan Gatas, juice, tubig, suka, hot sauce, softdrinks,ketsup, patis Pamamaraan 1. Tikman ang bawat liquid. 2. Ilarawan ang lasa nito. 3. Lagyan ng tsek ang tsart ayon sa lasa. Liquid Matamis Maalat Maasim Mapait Maanghang Walang lasa
  • 13. 13 Sa iyong kuwaderno, sagutin ang sumusunod: 1. Paano mo ilalarawan ang lasa ng iba-ibang liquid? 2. Ano ang lasa ng iba-ibang liquid? 3. Magkakapareho ba ang lasa ng lahat ng liquid? 4. Ano ang dapat nating gawin upang maiwasan ang pagkalason kung titikman ang liquid? Aralin 6: Paglalarawan sa Liquids Ayon sa Amoy Nito Gawain 1: May amoy ba ang mga liquid? Layunin Nailalarawan ang amoy ng mga liquid. Kagamitan Patis, pabango, alkohol, ketsup, coke, hand sanitizer, shampoo, liquid na sabon Pamamaraan 1. Ihanda ang mga kagamitan. Kilalanin ang mga liquid. 2. Amuyin ang bawat liquid.Ilarawan ang amoy. ( Paalaala: Mag-ingat sa pag-amoy sa mga liquid. Huwag ilapit sa ilong na mabuti ang mga liquid dahil maaaring makapagdulot ito ng iritasyon.) 3. Itala ang iyong nakita.Gamitin ang talaan sa ibaba. Liquid Mabahong Amoy Mabangong Amoy Sa inyong kuwaderno, sagutin ang sumusunod: 1. Ano-anong katangian ang naaamoy mo sa liquids? 2. Paano mo pinangkat ang mga ito?
  • 14. 14 3. Magkakapareho ba ang amoy ng lahat ng liquid? 4. Kumunot ba ang iyong noo nang maamoy mo ang mabahong liquid? Bakit? 5. May amoy ba ang mga liquid? Kabanata 3: Ang Mga Gas Ang hangin ay gas. Hindi ito nakikita ng ating mga mata ngunit ito ay ating nadarama dahil ang molecules ng gas ay magkakalayo. Tatalakayin sa kabanatang ito ang mga kaisipan na ang gas ay walang tiyak na hugis ngunit sumusunod sa hugis na lalagyan; nakakukuha ng espasyo, walang lasa at walang amoy. Aralin 1: Paglalarawan sa Paraan ng Pagsunod ng Gas sa Hugis ng Lalagyan Nito Gawain 1: May hugis ba ang mga gas? Layunin Nailalarawan na ang gas ay sumusunod sa hugis ng sisidlan Kagamitan Iba-bang hugis ng lobo (walang hangin), tali Pamamaran 1. Kumuha ng lobong may iba-iba ang hugis. 2. Hipan ito upang magkaroon ng hangin at talian ang bahaging malapit sa butas nito. 3. Ilarawan ang hugis ng hangin sa bawat lobo. 4. Isulat ang iyong nakita. 5. Iguhit ang hugis ng hangin na nasa lobo. Sa inyong kuwaderno, sagutin ang mga tanong:
  • 15. 15 1. Ano ang nangyayari sa lobo habang hinihipan mo? 2. Umayon ba ang hangin sa hugis ng lobo?Ang hangin ba ay may hugis? 3. Anong katangian ng hangin ang ipinapakita sa gawain? 4. Ano ang hugis ng hangin sa loob ng pinaglalagyan nito? Kailan nagkakaroon ng hugis ang hangin? Aralin 2: Paglalarawan na ang Gas ay Nakakukuha ng Lugar o Espasyo Gawain 2 : Nakakukuha ba ng lugar o espasyo ang gas? Layunin Nailalarawan na ang gas ay nakakukuha ng lugar o espasyo Kagamitan tissue,basong inuman,malaking mangkok na puno ng tubig Pamamaraan 1. Ihanda ang basong inuman. 2. Ilagay ang tissue sa pinakailalim na bahagi sa loob ng basong inuman upang di mahulog kapag binaligtad. 3. Lagyan ng tubig ang malaking mangkok. 4. Hawakan ang baso ng pabaligtad at mabilis na ilubog sa tubig. 5. Bumilang ng 1-10 habang hawak ang baso na nakalubog sa tubig. 6. Dahan-dahang alisin ang baso sa tubig. Siguraduhin na ang baso ay pantay na nakatayo habang inaalis sa tubig. 7. Masdan. Ano ang nangyari sa tissue?
  • 16. 16 Sa isang kuwaderno, sagutin ang sumusunod: 1. Ano ang nasa loob ng baso? 2. Ano ang nangyari sa tissue? 3. Ano ang ipakikita ng gawain? Aralin 3: Paglalarawan na ang Hangin, isang Uri ng Gas, ay Walang Kulay Gawain 3: Walang Kulay ang Hangin (Gas) Layunin Nakapagbibigay ng hinuha na walang kulay ang gas. Kagamitan Pamaypay na papel,lobo,salamin Pamamaraan 1. Ihanda ang set-up. 2. Hipan ang iyong kamay. Mayroon ka bang naramdaman? 3. Hipan ang lobo. Ilarawan ang hangin nasa loob nito. 4. Kumuha ng kapareha, paypayan ang bawat isa. Ilarawan ang hangin na nagmula sa pamaymay. Panuto 1. Iguhit kung paano mo hinipan ang iyong kamay upang mapatunayan na ang hangin ay walang kulay. 2. Ilarawan ang hangin na lumipat sa loob ng lobo at sa salamin.
  • 17. 17 3.Sa tatlong pangungusap, ilarawan ang kulay ng hangin na iyong naramdaman habang pinapaypayan ang sarili at ang kapareha. Mga Tanong 1. Ano ang naramdaman mo pagkatapos mong hipan ang iyong kamay? May hangin ka bang nakita na lumabas sa iyong bibig? 2. Nakita mo ba ang hangin sa loob ng lobo? 3. Ano ang iyong naramdaman nang paypayan ka ng iyong kapareha? Nakita mo ba ang kulay ng hangin habang isinasagawa ito? 4. Anong katangian ng gas ang ipinakita sa gawain? Kabanata 4: Ligtas na Paggamit ng Karaniwang Solid, Liquid at Gas sa Tahanan at Paaralan Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa solid, liquid at gas na karaniwang matatagpuan sa bahay at paaralan tulad ng solid,liquid at gas. Nararapat na ilagay natin ang mga ito sa tamang lugar at markahan ang mga lalagyan nito ng angkop na pangalan. Aralin 1: Mga Karaniwang Solid, Liquid, at Gas sa Bahay at Paaralan Gawain 1: Talaan ng mga Karaniwang Produkto na Makikita sa Tahanan at Paaralan Layunin 1.Nakakikilala ang karaniwang solid, liquid at gas na makikita sa tahanan at paaralan. 2. Tukuyin ang gamit ng mga karaniwang bagay na makikita sa tahanan Kagamitan Papel, pen,manila paper
  • 18. 18 Pamamaraan 1. Gumawa ng listahan ng mga karaniwang bagay na makikita sa paaralan at tahanan. Pangkatin ang mga gamit ang talaan sa ibaba. Solid Liquid Gas 2. Pagpangkatin ang mga bagay na nakatala sa Bilang 1 gamitin ang talahanayan sa ibaba. Pagkain Pagluluto Pagpapa- -ganda ng bahay Pagpapa- ganda Paglilinis Ng bahay Paglilinis ng katawan/ sarili Pamatay kulisap/ peste  Ano-ano ang mga karaniwang bagay sa tahanan at paaralan?  Ano – ano ang gamit ng mga bagay na makikita sa tahanan at sa paaralan? Gawain 2: Masasamang Dulot ng mga Karaniwang Bagay na Matatagpuan sa Bahay at Paaralan Layunin Nakikilala ang mga masasamang dulot ng mga bagay na makikita sa tahanan at sa paaralan Kagamitan Pinaglagyan/pinagbalutan na mga bagay ng kagamitan Pamamaraan
  • 19. 19 1. Basahin ang mga label ng karaniwang produkto/kagamitan na makikita sa tahanan at tingnan ang sumusunod na simbolo. Nagliliyab Toxic Nakalalason Nakasisira Narito ang ilan sa mga halimbawa.
  • 20. 20 2.Gamit ang talaan sa ibaba, pangkatin ang mga kagamitan ayon sa mga nakapipinsalang epekto nito sa tao, at iba pang may buhay. 3. Isulat ang iyong sagot sa sanayang kuwaderno. Nakalalason Toxic Nagliliyab Nakasisira Gawain 3. Mga Gawain Upang Maging Ligtas sa Paggamit ng mga Mapaminsalang Bagay Layunin Nailalarawan ang wastong paraan ng paghawak at paggamit ng mapaminsalang bagay. Kagamitan Larawan ng wastong paraan ng paghawak at paggamit ng mapaminsalang bagay Pamamaraan 1. Tingnan ang mga larawan. 2. Isulat sa sagutang papel ang letra ng larawan na nagpapakita ng tamang paggamit ng mga nakapipinsalang bagay. a. b. Lagyan ng pangalan ang iba- ibang kemikal at ilagay ang mga ito sa lugar na hindi maaabot ng mga bata Magsuot ng guwantes sa kamay at gas masks kung gagamit ng mga pamatay sa insekto.
  • 21. 21 c. d. Tanong Susundin mo ba ang mga gawaing pangkaligtasan sa paghawak at paggamit ng mga nakapipinsalang bagay? Bakit? Kabanata 5: Mga Pagbabagong Nagaganap sa mga Solid, Liquid, Gas Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagbabagong nagaganap sa solids, liquids, gases kapag ginamitan o sinasalang sa init.Tatalakayin din dito ang mga mga pamamaraan sa pagkuha ng temperatura gamit ang laboratory thermometer. Aralin 1: Pagsusukat ng Temperatura ng mga Bagay Gawain 1: Mainit ba o Malamig? Layunin Nasasabi kung ang bagay ay mainit o malamig Kagamitan manila paper, marker/pentel pen Palagiang tingnan ang tangke na ginagamit sa pagluluto. Siguraduhing ito ay nakasara nangmahigpit. Ilagay ang mga bagay na maaring lumiyab malapit sa lutuan
  • 22. 22 Pamamaraan 1. Tingnan at suriin ang bawat larawan sa ibaba. Tukuyin kung ang larawan ay nagpapakita ng mainit o malamig na bagay. 2. M a g b i g a y n g i b a p a n g h a l i m (1) (2) Gamit/Bagay (3) Mainit ba? (4) Malamig ba? 1 ningas ng kandila 2 sorbetes 3 kumukulong tubig 4 kumukulong sopas 5 iced tea
  • 23. 23 bawa ng mainit at malamig na bagay. Isulat ang mga ito sa angkop na hanay sa talaan. Mainit na mga bagay Malamig na mga bagay Tanong 1. Kailan mo masasabi na mainit ang bagay? 2. Kailan mo masasabi na malamig ang isang bagay? Gawain 2: Pagsukat sa Temperatura ng Mainit/Maligamgam na Bagay Layunin 1.Nasusukat ang mga temperatura ng tubig galing sa gripo at tubig na mainit/maligamgam gamit ang thermometer. 2.Nababasa nang wasto ang temperatura na nakasaaad sa thermometer. 3.Napaghahambing ang temperatura ng tubig galing sa gripo at tubig na mainit/maligamgam. Kagamitan 2 beakers/magkaparehong babasaging lalagyan tulad ng baso laboratory thermometer magkaparehong dami ng mainit/maligamgam na tubig at tubig galing sa gripo Pamamaraan 1. Pag-aralang mabuti ang laboratory thermometer.
  • 24. 24 2.Suriin ang mga tanda na makikita sa thermometer. - Ano ang pinakamaliit na bilang sa thermometer? Saang bahagi ito matatagpuan? - Ano ang pinakamataas na bilang sa thermometer? - Saang bahagi ito matatagpuan? - Anong yunit ng panukat ang ginamit? - Anong simbolo ang ginamit upang maipahayag ang sukat ng temperature? 3. Lagyan ng kalahating dami ng tubig ang beaker galing sa gripo. 4. Hawakan ng patayo ang thermometer, siguraduhin na ang bahagi ng bulb nito ang siyang nasa ilalim. Ilubog ang thermometer sa beaker na may galling sa gripo. Ilubog lamang ang bahaging mayroong bulb upang masukat ang temperatura ng tubig. 5. Tuku yin ang sukat ng temperatura ng tubig sa thermometer. Kunin ang tanda na katapat ng lebel ng pulang liquid sa thermometer at itala ito sa Talaan 1. a.Ano ang temperatura ng tubig galing sa gripo? (Ito ay Temperatura ng tubig galing sa gripo na ayon temperature sa loob ng silid-aral) Paalala: Sa pagbasa ng thermometer, sikaping kapantay ng iyong mata ang lebel ng tubig sa thermometer. Paalala: Huwag hawakan ang may kulay na pulang liquid sa loob ng thermometer. At huwag hayaang lumapat sa ilalim ng beaker.
  • 25. 25 6. Lagyan ng kalahating dami ng mainit /maligamgam na tubig ang beaker. 7. Ilubog naman ang thermometer sa loob ng beaker na may mainit/maligamgam na tubig. 8.Suriin ang nangyayari sa lebel ng pulang liquid sa loob thermometer. 3. Tukuyin ang temperatura ng mainit /maligamgam na tubig pagkalipas ng 5 minuto, isulat ang temperatura sa Talaan 1 sa ibaba. - Ano ang temperatura ng mainit/maligamgam na tubig? Paalala: Maging maingat sa pagsasalin ng mainit/maligamgam na tubig sa lalagyan. Maaaring ikaw ay mapaso o maaksidente. Hingin ang tulong ng guro.
  • 26. 26 Talaan 1: Temperatura ng tubig galing sa gripo at mainit/maligamgam na tubig Kagamitan Temperatura (0C) Tubig galing sa gripo Mainit/Maligamgam na tubig 1.Paghambingin ang mga temperatura ng tubig na galing sa gripo at tubig na mainit/maligamgam. - Paano mo mapaghahambing ang temperatura ng tubig galing sa gripo at tubig na mainit/maligamgam? 2. Ilarawan ang epekto ng init sa tubig. - Ano ang epekto ng init sa tubig? Tanong Ano ang iyong gagawin kung kailangan mo ng mainit o malamig na tubig sa bahay? Gawain 3: Pagsusukat ng Temperatura ng Malamig na Bagay Layunin 1. Nasusukat ang temperatura ng tubig na galing sa gripo at ng malamig na tubig gamit ang thermometer. 2. Nababasa nang wasto ang temperatura gamit ang thermometer. 3. Napaghahambing ang temperatura ng tubig galing sa gripo at ng malamig na tubig.
  • 27. 27 Kagamitan 2 beakers/magkaparehong babasaging lalagyan, laboratory thermometer,magkaparehong dami ng tubig na malamig at tubig na galing sa gripo,ice cubes Pamamaraan 1. Lagyan ang beaker ng kalahati ng tubig galing sa gripo. 2. Ilubog ang thermometer sa beaker na may tubig galing sa gripo. Hawakan ito nang patayo. 3. Suriin ang sukat ng tubig sa thermometer. 4. Sukatin ang temperatura ng tubig galing sa gripo. (Basahin ang tanda katapat ng sukat ng pulang likido sa loob ng thermometer). Itala ang temperatura sa Talaan -Ano ang temperatura ng tubig galing sa gripo? Paalala: Huwag hawakan ang bulb ng thermometer. At huwag hayaang lumapat sa ilalim ng lalagyan.
  • 28. 28 (Temperatura ng tubig galing sa gripo ayon sa temperatura sa silid-aralan) Paalala: Sa pagbabasa ng thermometer, dapat kapantay ng inyong mata ang lebel ng pulang liquid sa thermometer. 5. Lagyan ng kalahating dami ng malamig na tubig ang beaker.(Lagyan ng kaunting maliliit na yelo upang maging malamig ang tubig). 6. Ilubog ang thermometer sa loob ng beaker na may malamig na tubig. 7. Suriing muli ang sukat ng pulang liquid sa thermometer.
  • 29. 29 8. Basahin ang temperatura ng tubig na malamig. Pagkalipas ng 5 minuto, itala ang temperatura sa Talaan 2 sa ibaba. -Ano ang temperatura ng tubig na malamig? Talaan 2. Temperatura ng tubig galling sa gripo at tubig na malamig Kagamitan Temperatura (0C) Tubig galing sa gripo Tubig na malamig 9. Paghambingin ang mga temperatura ng tubig galing sa gripo at tubig na malamig. - Paano mo paghahambingin ang temperatura ng tubig galing sa gripo sa tubig na malamig? 10. Ilarawan ang epekto ng pag-aalis ng init sa tubig. - Ano ang epekto ng kawalan ng init sa tubig? Aralin 4: Pagbabagong Nagaganap sa mga Bagay Sanhi ng Temperatura Gawain 1: Ano ang Mangyayari Kapag ang Kandila ay Nainitan o Lumamig? Layunin Nailalarawan kung ano ang mangyayari sa kandila kapag ito ay nainitan at lumamig. Kagamitan maliliit na piraso ng kandila,1 kutsara, makapal na tela, platitong seramik , 1 piraso kandila,posporo Pamamaraan
  • 30. 30 1.Balutin ang hawakan ng kutsara ng makapal na tela. Ilagay ang piraso ng maliit na kandila sa kutsara. Tingnan ang nasa larawan. 2. Nasa anong anyo (solid, liquid, gas) ang maliliit na piraso ng kandila? 3. Itayo ang kandila sa isang platitong seramiks at sindihan tulad ng nasa larawan. 4. Hawakan ang kutsara at ilagay sa tapat ng may sinding kandila. 5. Initin ang kutsara na may lamang maliliit na piraso ng kandila ng limang (5) minuto. Tingnan at pag-aralan ang mangyayari sa kandila. - Ano ang nangyari sa maliliit na piraso ng kandila? - Mayroon bang nagbago sa anyo ng kandila? Anong anyo mayroon ito ngayon? -Ano ang dahilan ng pagbabago ng anyo ng kandila? - Ano ang epekto ng init sa kandila? 6. Alisin ang kutsara sa tapat ng may sinding kandila. 7. Maghintay ng ilang minuto hanggang lumamig ang kandila. Suriin at alamin kung ano ang mangyayari sa kandila. - Anong nangyari sa kandila ng lumamig? - Mayroon bang pagbabago sa anyo ng kandila? Anong pagbabago ang nangyari? Paalala: Ang kutsara ay iinit. Mag-ingat sa paghawak.
  • 31. 31 - Bakit nangyari ang pagbabago? - Ano ang epekto ng pag-alis ng init sa kandila? - Mayroon bang nagbago nang sindihan ang kandila? Gawain 2: Ano ang Mangyayari Kapag ang Tubig ay Ininit? Layunin Nailalarawan ang mangyayari sa tubig habang tumataas ang temperatura o habang naiinitan ang tubig Kagamitan beaker,tubig,pangguhit/pananda Pamamaraan 1.Lagyan ng 10 ml na tubig ang beaker. Markahan ang beaker ayon sa antas ng dami ng tubig sa loob. 2. Ilagay ang beaker na may tubig sa ilalim ng init ng araw sa loob ng 15 minuto. Tingnan at pag-aralan kung ano ang mangyayari. 3. Markahan muli ang lebel ng tubig sa loob nito. a.May nakita ba kayong pagbabago sa antas ng dami ng tubig?
  • 32. 32 b. Ano ang ipinakita ng pagsusuri na ito? c. Ano ang epekto ng sikat ng araw sa tubig? d. Nasubukan mo na bang maglagay ng palanggana na may tubig sa ilalim ng init ng araw? Anong nangyayari sa dami ng tubig? Gawain 3: Ano ang Mangyayari sa Water Vapor Kapag Lumalamig? Layunin Nailalarawan ang nangyayari sa water vapor kapag lumamig. Kagamitan ice cubes,kutsara,garapon na may takip, orange juice Pamamaraan 1. Hawakan nang dalawang kamay ang walang laman na garapon. - Ano ang iyong naramdaman? 2. Lagyan ng orange juice ang garapon (lampas ng kalahati nito) katulad ng nasa larawan sa ibaba. 3. Lagyan ng ice cubes. Pagkatapos, mahigpit na ilagay ang takip ng garapon. 4. Aluging mabuti ang garapon nang ilang segundo. 5. Hawakan ang ibabaw ng lalagyan ng ilang minuto. -Ano ang iyong naramdaman? - May hangin bang nakapalibot sa garapon? - Mayroon bang water vapor na nakapalibot sa garapon? - Saan nanggaling ang water vapor ? 6. Ipatong muna ang garapon sa ibabaw ng mesa sa loob ng dalawang minuto.
  • 33. 33 7. Pagkatapos ng dalawang minuto, tingnan at suriing mabuti ang garapon.Hawakan ang ibabaw ng garapon ng ilang minuto. - Ano ang iyong naramdaman at nakita sa ibabaw ng garapon? - Ano ang kinalabasan nang pagsusuri mong ito? Gawain 4: Ano ang Mangyayari sa Naphtalene Ball Kapag Nainitan? Layunin Nailalarawan ang nangyari sa naphthalene ball kapag nainitan o inilagay sa lugar na may mataas na temperatura. Kagamitan maliit na piraso ng naphthalene ball 2 magkaparehong may kulay na platito, piraso ng bato, piraso ng damit
  • 34. 34 Pamamaraan 1. Kumuha ng isang piraso ng naphthalene ball. Ilagay ito sa isang kapirasong damit tulad ng nasa larawan. Napthalene ball 2. Ibalot ito sa kapirasong damit. 3. Durugin ang naphthalene ball sa maliliit na bahagi sa pamamagitan ng bato. 4. Hatiin ang durog na naphthalene ball sa dalawang bahagi. 5. Ilagay ang durog na naphthalene ball sa isang platito at ang kalahati ay sa isang platito.
  • 35. 35 - Nasa anong anyo ang napthtalene ball (solid, liquid, gas)? 6. Ilagak ang isang (1) platito sa loob ng silid. 7. Ang isa naman na platito ay sa labas ng silid na nasisikatan ng araw tulad ng nasa larawan. 8. Pagkalipas nh 10 minuto, tingnan at suriin ang naphthalene ball sa una at ikalawang platito. Ilarawan ang iyong obserbasyon. - Ano ang iyong napansin? - May nakita ka bang pagbabago sa kaanyuan ng naphthalene ball sa dalawang platito? - Ano ang sinasabi ng nakita mo? - Ano ang epekto o dulot ng init sa naphthalene ball? - May kaalaaman ba kayo sa camphor ball? (komersiyal na ngalan ng naphthalene ball) Gawain 5: Ano ang Mangyayari sa Hangin na Nasa Loob ng Bote at Lobo kung Ito ay Mainitn o Palalamigin? Layunin Nailalarawan kung ano ang mangyayari sa hangin sa loob ng bote/lobo kung ito ay paiinitin at palalamigin
  • 36. 36 Kagamitan babasaging bote (may makipot na bunganga),lobo 2 maliit na palanggana,mainit na tubig,malamig na tubig Pamamaraan 1. Kumuha ng lobo. Banatin ang butas at ipasok sa bibig ng bote tulad ng nasa larawan. - May hangin ba sa loob ng bote? - May hangin ba sa loob ng lobo? 2. Ilagay ang bote sa palanggana na may mainit na tubig. Masdan at suriin ito pagkalipas ng 3 minuto. - Anong nangyari sa lobo? - Ano ang epekto ng mainit na tubig sa hangin sa loob ng bote? 3. Ilipat ang bote sa palanggana na may malamig na tubig. Masdan at suriin itong muli ang gawain pagkalipas ng 3 minuto.
  • 37. 37 - Anong nangyari sa lobo? - Ano ang epekto ng malamig na tubig sa hangin sa loob ng bote?