3. BANDILA NG LAHI
Hayun, lumilipad sa kaitaasan;
Ang ating bandilang kay gandang
pagmasdan.
Kay ganda ng kulay: pula, puti,
bughaw;
May tatlong bituin, sa gitna ay araw.
Kapag itinataas ang ating bandila,
Iyong maririnig, awit na pambansa.
Ang bandilang ito ay dapat mahalin,
Katulad din nitong Inang Bayan
natin.