2. KABIHASNANG ROME
• Sa pagkamatay ni Alexander the Great, unti-
unting humina ang malawak na imperyong
Macedonia ang itinuturing na huling imperyo
sa Greece.
• Ito ay napasakamay ng paumpisa pa lamang
na kabihasnang nasa kanlurang Europa, ang
ROME.
4. • Ang Italy ay isang peninsula na nakausli sa
Mediterranean Sea.
• Binubuo ito ng maraming kabundukan at ilang
mga kapatagan. Pinakamahalaga dito ang
LATIUM
• Ang ILOG TIBER ay dumadaloy sa kapatagang
ito. Istratehiko ang lokasyon ng Rome dahil sa
ilog na ito na umuugnay sa Mediterrean Sea.
6. ALAMAT NG ROMA
• Ayon sa alamat, nagsimula ang
ROME ay itinatag ng kambal
na si ROMULUS at REMUS.
• Habang sanggol pa lamang,
inilagay sila sa isang basket at
ipinaanod sa TIBER RIVER ng
kanilang amaing-hari sa takot
na angkinin ng kanyang
kambal ang kanyang trono.
7. • Ang kambal ay sinagip
at inaruga ng isang
babaing lobo.
• Nang lumaki ang dalawa
at nalaman ang kanilang
pinagmulan, inangkin
nila ang trono at
itinatag ang Rome sa
pampang ng TIBER
River.
8. ETRUSCAN
• Tribong may maitim na
balat na unang nanirahan
sa Rome.
• Sila ay magagaling sa
sining, musika at sayaw.
Dalubhasa rin sila sa
arkitektura, gawaing
metal at kalakalan.
• Tinuruan nila ang mga
Roman sa pagpapatayo ng
mga gusaling arko,
aqueducts etc.
9. ANG ROMAN REPUBLIC
• Pinatalsik ng mga Roman ang haring Etruscan
at nagtayo ng isang REPUBLIKA-isang
pamahalaang walang hari.
• Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang mga
Roman ng dalawang (2) KONSUL na may
kapangyarihang tulad ng HARI at
nanunungkulan sa loob ng ISANG TAON.
• Bawat isa ay may kapangyarihang pigilin ang
pasya ng isa (CHECK and BALANCE of POWER)
10. ANG ROMAN REPUBLIC
• Dahil sa pagkakahati ng ng kapangyarihan ng
mga konsul, humina ang sangay ng
tagapagpaganap (EXECUTIVE)
• Sa oras ng kagipitan, kinakailangang pumili ng
DIKTADOR na manunungkulan sa loob lamang
ng anim na buwan. Mas makapangyarihan ang
isang DIKTADOR kaysa sa KONSUL.
• Ang Republika ay nakalaan lamang sa mga
PATRICIAN (Mayayaman). Tanging sila lamang
maaring mahalal sa pamahalaan.
12. TAGUMPAY NG PLEBEIAN
• Naghimagsik ang mga plebeian upang makamit ang
pantay na karapatan.
• Nagmartsa sila at lumikas sa kalapit na lugar na
tinaguriang BANAL NA BUNDOK. Doon sila nagbalak
magtayo ng sariling lungsod.
• Natakot ang mga patrician na mawawalan sila ng mga
manggagawa kaya sinuyo nila ito na bumalik sa Roma.
• Ngunit may mga kondisyon:
• A. Pagpapatawad ng utang
• B. Pagpapalaya sa mga naging alipin dahil sa utang
• C. Paghalal sa mga plebeian ng 2 TRIBUNE, na
magtatanggol sa kanilang karapatan.
13. ANG TRIBUNE
• Karapatan ng isang TRIBUNE o MAHISTRADO
na humadlang sa mga hakbang ng senado na
magkasama sa mga plebeian.
• Kapag nais hadlangan ng isang tribune ang
panukalang-batas, dapat lamang nyang isigaw
ang salitang “VETO” (Tutol Ako!)
• 12 TABLES- Kauna-unahang nasusulat na batas
sa ROME, naisulat sa labidang tanso at inilagay
sa rostra ng forum upang mabasa ng lahat.
15. PAGLAGANAP NG
KAPANGYARIHAN NG ROME
• Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome sa
buong Italy matapos ang sunud-sunod na
digmaan .
• Sinunod nilang sakupin ang Greece, ngunit
nanaig ang Greece dahil tinulungan ni
Alexander the Great ang kanyang pinsang si
Haring Pyrrhus.
• Gumamit sila ng elepante na kinatatakutan ng
Rome. Itinuturing itong pinakamahal na
tagumpay kayat tinaguriang PYRRIC VICTORY.
16. • Ngunit hindi nagtagal, nagapi si Haring Pyrrhus
sa Labanan sa Beneventum at napabagsak ito
ng Rome.
• Sa kanyang tagumpay, tinawag ang ROMA
bilang “Reyna ng peninsula ng Italy”.
18. CARTHAGE VS. ROME
• Ang Digmaang PUNIC sa pagitan ng
CARTHAGE at ROME ay nag-ugat sa
pananakop ng Rome sa bahaging timog ng
Italy.
• Nagsisimula pa lamang ang Carthage noon na
maging makapangyarihan sa Mediterranean.
• Nasubok ang kapangyarihan ng Rome at
Carthage sa tatlong Digmaang PUNIC-salitang
Latin na nagmula sa pangalang PHOENICIA.
19. TAGUMPAY SA SILANGAN
• Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Punic, ang
hukbo ng Rome ay pumunta sa silangan.
• Tinalo nila ang Macedonia at ginawang
lalawigan ito.
• Sinunog din ng Rome ang Corinth.
• Simula ng napasakamay ng Rome ang
maraming lupain at baybaying Mediterranean
Sea, tinawag ng mga taga ROME ito, MARE
NOSTRUM o Aming Dagat.
20. UNANG TRIUMVIRATE
• Nagkaroon ng digmaang sibil (digmaan na
mismong mamamayan ang nagkakaroon ng
alitan at digmaan) dahil sap ag-aagawan sa
kapangyarihan.
• Upang matapos ang digmaang sibil, nagkaroon
ang Rome ng FIRST TRIUMVIRATE (pagsasama
ng tatlong makapangyarihang tao na
mangangasiwa ng pamahalaan
• Ang First Triumvirate ay binubuo nina JULIUS
CEASAR, POMPEY, AT CRASSUS.
22. • Si Crassus ang pinakamayamang tao sa Rome na
nanguna sa pagpapakalma sa isang rebelyon ng
mga alipin.
• Si Pompey ay bayani sa kanyang pagkapanalo ng
labanan sa Spain
• Habang si Julius Ceasar ay isang gobernador ng
GAUL (FRANCE) na matagumpay niyang
napalawak ang teritoryp ng Rome hanggang
France at Belgium.
• Ang Triumvirate ay nangangakong mamumuno sa
Rome ng walang inggit at kompetisyon sa bawat
isa.
• Ngunit namatay si Crassus sa isang labanan at
tanging sina Pompey at Julius Ceasar ang naghati
sa kapangyrihan ng Rome.
23. • Suportado ng Senado (mambabatas) si Pompey habang
mabango si Julius Caesar sa mga mamamayan ng Rome
dahil sa mga kabayahinang nagawa nito bilang mahusay na
mandirigma at mga mabubuting reporma sa mga
mamamayan ng Rome.
• Ilan sa mga nagawang reporma ni Julius Ceasar ay ang
pagpapababa ng buwis, pagbibigay ng lupa sa mga
retiradong sundalo.
• Dahil sa kasikatan niya sa mga tao, muling pinabalik ng
Senado si Julius Ceasar sa Rome (CROSSING THE RUBICON)
ngunit sa isang kondisyon, bumalik siya na hindi kasama ang
angkanyang hukbo. Ngunit hindi ito sinunod ni Julius Ceasar
sa nakaambang na panganib at itoy isang patibong sa
kanyang buhay. Bumalik siya kasama niya ang kanyang mga
hukbo at sa takot ng mgs kalaban niya sa kapangyarihan ay
tumakas si Pompey patungong Greece ngunit natalo ang
kanilang pwersa.
24. • Dahil sa wala ng katunggali si Julius Ceasar sa
kapangyarihan, hinirang siyang DIKTADOR ng buong
Rome.
• Ngunit nangamba ang Senate na ideklara niya ang
kanyang sarili na HARI ng rome, nagkaroon ng isang
sabwatan kasama ang kaniyang matalik na kaibigan
na si MARCUS BRUTUS. Pinatay siya ng grupo ng
senador sa pangunguna ng kaniyang matatalik na
kaibigan sa pamamagitan ng pananaksak noong
March 15, 44 BCE at kinilala ito sa kasaysayan na
“THE IDES OF MARCH”
• Bago mamatay si Julius Ceasar, ay nagtalaga na siya
ng kanyang tagapagmana, ang kanyang apo sa
pamangkin na si OCTAVIAN.
•
25. SECOND TRIUMVIRATE
• -Binuo nina MARK ANTHONY, MARCUS
LEPIDUS AT OCTAVIAN ang SECOND
TRIUMVIRATE upang ibalik muli ang kaayusan
sa Rome.
• -Sa loob ng 10 taon, naghati sa kapangyarihan
sina OCTAVIAN at MARK ANTHONY.
• Pinamunuan ni Octavian ang Rome habang si
Mark Anthony ay ang EGYPT na nakilala at
nahumaling sa ganda ni Reyna Cleopatra at
ang huling reyna ng Egypt.
27. LABANAN SA ACTIUM
• -Habang nasa Egypt si Mark Anthony ay
napamahal siya sa huling reyna ng Egypt na si
Cleopatra at nagbalak na sakupin nila ang
Rome upang sila ang maghari nito.
• -Nang nalaman ni Octavian ang balak ng
dalawa, nagpadala siya ng isang ekspedisyon
upang hindi maisakaturan ang balak nina
Mark Anthony at Cleopatra.
28. • Matapos matalo ang hukbo ni Mark Anthony,
iniwan niya ang kanyang hukbo at sumunod
kay Cleopatra. Ngunit nagpakamatay si Mark
Anthony sa pag-aakala na namatay na ang
kanyang iniibig. –Nang nalaman ni Cleopatra
ang sinapit ni Mark Anthony, sa harap ng
pagkatalo kay Octavian, nagpakamatay rin si
Cleopatra sa pamamagitan ng tuklaw ng ahas.
30. AUGUSTUS CEASAR:
UNANG EMPEROR NG ROME
• -Sa pagkatalo at pagkamatay ni Mark Anthony,
Lepidus na lang ang katunggali ni Octavian sa
kpangyarihan. Ngunit nawala sa kanyang ang
pamamahala sa Gaul at ipinatapon siya sa
Cerceii, Italy.
• -Nang bumalik si Octavian sa Rome, iginawad
ng Senate ang titulong AUGUSTUS na ang ibig
sabihin ay BANAL o HINDI PANGKARANIWAN.
Mula noong kinalala si OCTAVIAN na
AUGUSTUS.
31. PAX ROMANA (ROMAN PEACE)
• Sa pamamahala ni Augustus, napalawak niya ang
teritoryo ng Rome silangan ng Mesopotamia,
Atlantic Ocean at Sahara Desert sa Africa.
• Sa pangakalahatan ang imperyong Rome ay
nagkaroon ng tahimik at masagana ng 250 years.
Tinawag itong PAX ROMANA o Kapayapaang
ROME. Umunlad ang kalakalan, sagana sa
pagkain ang imperyo at ligtas ang mga daan,
dagat at karagatan sa mga tulisan dahil sa takot
sa Rome.
32. MGA EMPERADOR
PAGKATAPOS NI AUGUSTUS
CAESAR
• Bago namatay si Augustus Caesar (OCTAVIAN)
noong 14 CE (Common Era), nakapili na siya
na hahalili sa kanya. Si Tiberius ay ginawaran
ng SENATE ng titulo bilang IMPERATOR o
EMPERADOR.
• Pagkatapos ni Tiberius (emperador ng Rome
sa panahon ni Jesus Christ) nagkaroon ng ibat-
ibang uri ng emperador.
33. • TIBERIUS –Magaling na administrator ngunit
isang diktador.
• CALIGULA – Nilustay ang pera ng imperyo sa
maluluhang kasayahan tulad ng gladiator. May
sakit sa isip si Caligula at hinirang niya ang
kanyang kabayo bilang CONSUL at iniisip niya
na siya ay isang gladiator.
• CLAUDIUS – Isang mahusay na administrador
• NERO – Ipinapatay niya ang lahat na hindi niya
kinatutuwaan kabilang ang kanyang ina at
asawa. Inakusahan siya ng panununog sa Rome
at natutuwa pa siya habang nagaganap ito.
36. • VESPASIAN – Kilala ang kanyang panunungkulan na
may patakarang maayos sa pananalapi at
nagpatayo ng maraming imprastraktura tulad ng
public bath at amphitheater para sa mga gladiator.
• NERVA – Nagpautang sa mga magsasaka at nag
laan ng pundo para sa mga ulila
• TRAJAN – Narating ng imperyong Rome ang
pinakamalawak na hangganan.
• HADRIAN – Pinalakas ang mga hangganan ng
imperyo. Nagpatayo ng HADRIAN WALL sa England.
• ANTONINUS PIUS – Ipinagbawal ang pagpapahirap
sa mga Kristiyano.
• MARCUS AURELIUS – Isang scholar at manunulat.
37. KABIHASNANG ROME
• Sa pagsakop ng Rome sa mga lungsod estado
ng Greece, libu-libong Greek ang tumutungo
sa Italy.
• Tinangay din ng mga heneral ng Rome ang
mga gawang sining at aklat ng Greece sa
pagbabalik nila sa Rome.
• Kumalat ang kabihasnang Greece sa Italy at
maraming Roman ang tumungo sa Athens
upang mag-aral.
• Naimpluwensyahan ng Greece ang
kabihasnang Rome.
38. BATAS
• Ang mga Roman ay kilala bilang
pinakadakilang mambabatas ng sinaunang
panahon.
• Ang kahalagahan ng TWELVE TABLES ay ang
katotohanan na wala itong tinatanging uri ng
lipunan
• Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga
mamamayan at pamamaraan ayon sa batas.
39. PANITIKAN
• Ang panitikan ng Rome
karamihan ay salin lamang
sa mga tula at dula ng
Greece.
• Halimbawa nito si Livicius
Andronicus na nagsalin ng
“ODYSSEY” sa Latin.
• TERRENCE (Unang
manunulat ng Komedya)
• Cicero bilang orador at
manunulat.
44. PAMPROSESONG TANONG
• 1. ANO ANG KAUGNAYAN NG HEOGRAPIYA SA
PAG-UNLAD NG KABIHASNANG ROME?
• 2. BAKIT MAHALAGA SA ROME ANG
PAGKAPANALO SA DIGMAANG PUNIC?
• SA KABUUAN, ILARAWAN ANG PAG-UNLAD AT
PAGLKAS NG KABIHASNANG ROME?
45. Thank you!
You can use this PowerPoint template for free based on creative commons license.
Follow us on Twitter @slideh or subscribe to our mailing list
Or upload your presentation for free and share online in SlideOnline.com
www.SlideHunter.com
Upload to Slide Online.comDownload Free Templates
Notes de l'éditeur
You can remove this slide if you need. But we will strongly appreciate that you help us to spread the voice and let your colleagues and audience to download our free templates.
Here are a free resources:
Prepare your presentations: SlideHunter.com lets you download free templates for your presentations.
Share online: SlideOnline.com lets you upload presentations for free.