aralin 1 fiilipino 11.pptx

aralin 1 fiilipino 11.pptx
TAGALOG
CEBUANO WARAY
TAUSUG
KAPAMPANGAN
ILONGGO
ILOKANO
BICOLANO
Biblical (Tore ng Babel) Malinaw na ipinahayag sa
bibliya na ang wika ay kaloob ng Diyos. Batay din
sa istorya ng Bibliya, matapos ang matinding
pagbaha noong panahon ni Noah, binigyan uli ng
pagkakataon ng Diyos ang mga tao na magbago.
Iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t
walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao.
Ngunit, mayroon silang lider, si Nimrod, na naging
maramot at nais makita ang kaharian ng Diyos sa
alapaap. Naghangad din ang tao na higitan ang
kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at
nag-ambisyong maabot ang langit.
Hinimok ni Nimrod ang mga tao na gumawa ng
tore para maabot ang kaharian ng Diyos. Nagtayo
ng pagkataas-taas na tore ang mga tao. Nang
nalaman ito ng Diyos, nagalit Siya na naging
ganid, mapangahas at mayabang na ang mga tao.
Pinatunayan ng Diyos na higit siyang
makapangyarihan kaya sa pamamagitan ng
kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore at
nahulog ang mga tao. Ginawa ng Diyos na
magkakaiba ang wika ng bawat isa, hindi na
magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa
wikang sinasalita. (Genesis 11:1-9)
Ayon kay Sapir (1961), tanging tao
lamang ang nakagagawa ng wika, at
dahil dito likas niyang naipapahayag
ang kanyang kaisipan, damdamin at
mga ninanais sa pamamagitan ng
mga sadyang isinagawang simbolona
kinokontrol nila. Ito ang kakayahang
nagpatangi sa tao sa iba pang nilikha,
at ang ikinaiba niya sa mga hayop.
Ang tao sa tulong ng wika ay nakabubuo ng mga
paraan upang maiangkop ang sarili sa kanyang
kapaligiran. Mahalaga sa kanya ang wika bilang di-
pangkaraniwang bahagi ng kultura.
Sa pamamagitan ng wika, nakagagawa rin siya
ng mga pamantayang magiging gabay sa
pakikitungo sa kapwa o sa isa’t isa sa institusyon o
lipunan.
Dahil sa wika naipahayag ang kaugalian,
kaisipan at damdamin ng bawat pangkat ng tao.
Ano ang nagtulak sa Diyos upang
pag-iba-ibahin Niya ang wika ng
sangkatauhan?
Bakit mahalaga ang wika sa tao?
Magsaliksik ng isang kuwento o alamat
tungkol sa wika. Ibahagi ito
pagkatapos ilahad ang inyong sariling
pananaw o konklusyon tungkol dito.
1. Bakit kaya ginawa ng Diyos na may
iisang wika lamang ang sangkatauhan
noong unang panahon?
2.Ano kaya ang maaaring mangyari kung
hindi pinag- iba-iba ng Diyos ang wika
ng sangkatauhan?
ANO NGA BA ITO?
WIKA- nagmula sa salitang Latin na
“lengua” na ang kahulugan ay dila.
Ito’y isang masistemang gamit sa
pakikipagtalastasan na binubuo ng
mga simbolo at panuntunan.
Ito’y paraan ng pagpapahayag
ng damdamin at opinyon sa
pamamagitan ng mga salita
upang magkaunawaan ang mga
tao (Panganiban).
Henry Gleason: Ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura.
George Lakoff: Ang wika ay politika,
nagtatakda ng kapangyarihan, kumukontrol
ng kapangyarihan kung paanong magsalita
ang tao at kung paano sila maunawaan.
Jose Villa Panganiban: Ang wika ay paraan ng
pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa
pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan
ang mga tao.
Nenita Papa: wika ang ginagamit natin upang
malayang maipahayag ang ating iniisip at nadarama.
Pamela Constantino at Monico Atienza: ang wika
ay mahalagang kasangkapan sa pag-unlad kapwa
ng indibidwal at ng bansa.
Ayon kay Archibal A. Hill sa kanyang
papel na What is Language? Na
binanggit sa aklat ni Alcomtiser P.
Tumangan et.al., ang wika ay
pangunahing anyo ng simbolikong
gawaing pantao. Ang mga simbolong ito
ay binubuo ng mga tunog na nililikha ng
aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa
mga klase at patern na lumilikha sa
isang komplikado at simetrikal na
istruktura.
Sa depinisyon ni Gleason na binanggit sa aklat ni
Rolando A. Bernales et.al, ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog. Lahat ng wika ay
nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na
ang maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na
ponolohiya. Kapag ang ponema ay pinagsama-
sama, maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng
salita na tinatawag na morpema. Sintaksis naman
ang tawag sa makaagham na pinag-ugnay-ugnay na
mga pangungusap. Diskors naman kapag nagkaroon
ng makahulugang palitan ng dalawa o higit pang
tao.
Ayon sa pagsusuri ni Gordon Wells, ang
wika ay may limang tungkulin:
1.Pagkontrol sa kilos at gawi ng iba.
2.Pagbabahagi ng damdamin.
3.Pagpapanatili sa pakikipagkapwa at
pagkakaroon ng intensyon sa kapwa.
4.Pangarap at paglikha.
5.Pagbibigay o pagkuha ng impormasyon.
Gawain:
- Itala ang mga salitang magkakatulad sa mga
kahulugang ibinigay sa wika ng mga dalubwika.
WIKA
1. BOW WOW- Kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha
ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagad
ng tao.
2. DING-DONG- Bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na
ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may sariling
tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay.
Tinawag ito ni Max Muller na simbolismo ng
tunog.
3. POOH POOH- Tao. Ipinalalagay na ang tao ang
siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng
kahulugan. Dahil sa hindi sinasadya ay napabulalas
sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng
sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla,
atbp.
4. YO-HE-HO- Pinaniniwalaan ng linggwistang si A. S.
Diamond (2003) na ang tao ay natutong magsalita
bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.
5.TA-TA- sa mga kumpas at galaw ng kamay na
ginagawa ng mga tao sa mga partikular na okasyon
ay ginaya ng dila hanggang ito ay mag-produce ng
tunog at natutong magsalita ang mga tao. Ang
tawag dito ay ta-ta na sa France ay paalam o
goodbye.
6. SING-SONG- Inimungkahi ng linggwistang si
Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro,
pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw.
Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya,
ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at
musikal, at hindi bulalas.
7. TA-RA-RA-BOOM-DE-AY- sa mga tunog na galing
sa mga ritwal ng mga sinaunang tao ang naging
daan upang matutong magsalita ang tao. Ang mga
sayaw, sigaw, incantation at mga bulong ay
binigyan nila ng kahulugan at sa pagdaan ng
panahon ito ay nagbago-bago.
8. HOCUS-POCUS – Nayon kay Boeree (2003),
maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng
mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng
ating ninuno.
9.EUREKA!- sadyang inimbento ang wika ng ating mga
ninuno.
10.RENE DESCARTES- hindi pangkaraniwang hayop
ang tao kung kaya’t likas sa kaniya ang gumamit ng
wika na aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao.
May aparato ang tao lalo na sa kaniyang utak
gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas
at komplikadong antas ng wika.
11.PLATO- nalikha ang wika bunga ng
pangangailangan. Necessity is the mother of all
invention. Sa paniniwalang ito, gaya ng damit,
tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan
din ng tao ang wika kung kaya’t naimbento ito ng
tao.
12.CHARLES DARWIN- nakikipagsapalaran ang tao
kung kaya’t nabuo ang wika. Survival of the fittest,
elimination of the weakest. Ito ang simpleng batas
ni Darwin. Upang mabuhay ang tao, kailangan niya
ng wika. Ito ay nakasaad sa aklat ni Lioberman
(1975) na may pamagat na “On the Origin of
Language”.
ANTAS NG WIKA
1. PABALBAL/BALBAL- may katumbas itong “slang” sa
Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika.
-Mga salitang pangkalye o panlansangan.
-Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat
bawat panahon ay may nabubuong mga salita.
-Pinakamababang antas ng wika na karaniwang
ginagamit sa lansangan.
Halimbawa:
parak- pulis
eskapo- takas sa bilangguan
istokwa- naglayas
tiboli- tomboy
balbonik- taong maraming balahibo
lobat- lupaypay
2. KOLOKYAL/PAMBANSA- mga salitang ginagamit sa
pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga
salita.
-Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito
subalit maari rin naman maging repinado batay sa
kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang
kinakausap.
Halimbawa: yorme,erpat,rokmapu,utol,
atsay, tisay
3. LALAWIGANIN- ang wikang ito ay ginagamit sa
isang rehiyon at ang mga tagaroon lamang ang
nakauunawa nito kung ang pagbabatayan ay ang
wikang pambansa.
Halimbawa:
TAGALOG ILOKANO CEBUANO BIKOLANO
aalis pumanaw molakaw mahali
kanin inapoy Kan-on maluto
alikabok tapok abug alpog
paa saka tiil bitis
ibon bilit langgam gamgam
aralin 1 fiilipino 11.pptx
WIKANG PAMBANSA
Ang pinakamalawak na
gamitin o lingua franca ng mga
mamamayan.
Filipino ang opisyal na wika
dito sa Pilipinas.
■ Ayon kayVirgilio Almario (2014) ang wikang opisyal
ay itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na
talastasan ng pamahalaan.
■ Ibig sabihin, ito ang wikang maaring gamitin sa
anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong
nakasulat, sa loob at labas ng alinmang sangay o
ahensiya ng gobyerno.
■ Ang wikang panturo naman ang opisyal sa wikang
ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang
ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga
eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at
kagamitang panturo sa mga silid-aralan.
“Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang
mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t
walang ibang itinadhana ang batas , Ingles. Ang mga
wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang
opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong ng
mga wikang panturo roon”
Saligang Batas ng 1987, Art.XIV, Sek.7
■ Sa pangkalahatan nga ay Filipino at
Ingles ang mga opisyal na wika at
wikang panturo sa mga paaralan.
■ Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum,
ang MotherTongue o unang wika
ng mga mag- aaral ay naging
opisyal na wika mula Kindergarten
hanggang Grade 3 sa mga
paaralang pampubliko at pribado
man. Tinawag itong Mother
Tongue-Based
Multi-Lingual Education (MTB-
MLE).
■ Ayon kay DepEd Secretary
Bro. Armin Luistro, FCS,
“ang paggamit ng wikang
ginagamit din sa tahanan sa
mga unang baitang ng pag-
aaral ay makatutulong na
mapaunlad ang wika at
kaisipan ng mga mag-aaral
at makapagpapatibay rin sa
kanilang kamalayang sosyo-
kultural.”
1. Tagalog
2. Kapampangan
3. Pangasinense
4. Chavacano
5. Ilokano
6. Bikol
7. Cebuano
8. Hiligaynon
9. Waray
10. Tausug
11. Maguindanaoan
12. Meranao
13. Ivatan
14. Sambal
15. Aklanon
16. Kinaray-a
17. Yakan
18. Surigainon
19. Ybanag
19 na wika at dayalekto na
itinadhana ng DepEd:
 Ang wikang Filipino at Ingles ay gagamitin at ituturo parin sa paaralan
 Ang magiging pokus ng Kindergarten at unang baitang ay katatasan sa
pasalitang pagpapahayag.
 SaGrade 2 hanggangGrade 6 ay bibigyang diin ang iba’t iba pang component ng
wika tulad ng pagpapakinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat.
 Sa mataas na baitang ay Filipino at Ingles pa rin ang pangunahing wikang
panturo o medium instruction.
n
MGA BARAYTI NG WIKA
“Mga barayti ng wika’y mahalagang matutuhan
Makatutulong ito upang tayo’y higit na magkaunawaan.”
MAHALAGANG TANONG
▪ Bakit mahalagang matutuhang tanggapin at
igalang ng isang tao ang iba’t- ibang barayti ng
wikang ginagamit ng iba’t- ibang tao sa paligid?
▪ Sa paanong paraan maaring makatulong ang
ganitong pagtanggap?
WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN
‘PINAS?
MAGNANAKAW:
Holdap, make bigay all your thingies! Don’t
make galaw or I will make tusok you!
PULIS:
Make suko, we made you napapaligiran!
WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN
‘PINAS?
IMPEACHMENT TRIAL:
You are so asar! I’m galit na to you!
REYALISTA:
Let’s make baka, don’t be takot! Don’t be
sossy, join the rally!
WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN
‘PINAS?
NEWS CASTER:
Oh my gosh, I have hot balita to everyone!
PARI:
You’r so bad, see ka ni God!
WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN
‘PINAS?
KARPINTERO:
Can I hammer the pokpok?
COSTUMER:
Pa- buy ng water, yung naka shachet!
WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN
‘PINAS?
PASAHERO 1:
Sir, payment!
PASAHERO 2:
Manong, faster please! I’m nagmama-hurry!
WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN
‘PINAS?
TSISMOSA 1:
I was like this, he was like all that, and I was
like what’s your problem?
TSISMOSA 2:
OMG that is like sooo bad!
WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN
‘PINAS?
TSISMOSA 1:
I was like this, he was like all that, and I was
like what’s your problem?
TSISMOSA 2:
OMG that is like sooo bad!
WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN
‘PINAS?
MAGTATAHO:
Taho! Make bili na while it;s init. I’ll make it
with extra sago!
BUMILI NG TAHO:
It is sarap? Pwede pa- have?
WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN
‘PINAS?
PULUBI:
Knock- knock, pa- beg!
JANITOR:
Ekkk! Kill the ipis, please don’t step on it ha,
I don’t like to feel sound!
PALAWAKIN PA NATIN
1.Ano kaya ang mangyayari kung sa ganitong
paraan ng pagsasalita ang lahat ng mga
Pilipino? Ipaliwanag.
2.Paano kaya kung ang newscaster ka na ng
isang respetadong news and public affairs
program sa telebisyon subalit ganito ka
magsalita: “Oh my gosh, I have hot balita to
everyone!” Paano maaapektuhan nito ang
kredibilidad mo bilang newscaster?
▪ Ang wika ay namamatay o nawawala rin.
Mangyari ito kung hindi naa ginagamit at
nawala na ang pangangailangan dito ng
linguwistikang komunidad na dating
gumagamit nito.
▪ Maari ding namatay ang wika kapag marami
nang tao ang nandayuhan sa isang lugar at
napalitan na ang salitang dala nila ang
mga dating salita sa lugar.
▪ Minsan nama’y may mga bagong salitang
umusbong para sa isang bagay na higit
na ginagamit ng mga tao kaya’t kaluna’y
nawawala o namamatay na ang orihinal na
salita para rito.
Ilan sa mga Salitang Filipino na Nawala
alimpuyok amoy o singaw ng kaning
nasunog
anluwage karpintero
awangan walang hanggan
hidhid maramot
hudhod ihaplos
napangilakan nakolekta
salakat pag- krus ng mga binti
Homogenous at
Heterogeneous na Wika
▪ Homogenous
Ito ang pare- parehong magsalita ang lahat na
gumagamit ng isang wika.
Heterogeneous
Ito ang pagkaiba- iba ng wika sanhi ng iba’t-
ibang Sali panlipunan tulad ng edad,
hanapbuhay o trabaho, antas ng pinag-
aralan, kalagayang lipunan, rehiyon o lugar,
pangkat- etniko o tinatawag ding
etnolingguwistikong komunidad.
BARAYTI NG WIKA
▪DAYALEK
DAYALEK
▪ Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng
partikular na pangkat ng mga tao mula sa
isang partikular na lugar tulad ng lalawigan,
rehiyon, o bayan.
▪ Maaring gumamit ang mga tao ng isang wikang
katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang
punto o tono, may magkaibang katawagan para
sa iisang kahulugan, iba ang gamit ng salita para
sa bagay, o magkaiba ang pagbuo ng mga
pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek
ng lugar sa iba pang lugar.
DAYALEK
Halimbawa:
Ang isang bisayang nagsasalita ngTagalog o
Filipino ay may tonong hawig sa Bisaya at
gumagamit ng mga leksikon o ilang
bokabularyong may pinagsamangTagalog at
Bisaya na tinatawag ding “TagBis”.
Pinapalitan ang panlaping “um” ng “mag”
▪MAGkain tayo sa mall- (Tagalog- Bisaya)
▪“kUMain tayo sa mall- (Tagalog sa Maynila)
Ilang Bokabularyo na Ginamit ng Taong
Pare- parehong Nag- sasalita ng isang
wika:
TAGALOGSA RIZAL Tagalog saTeresa,
Morong, Cardona at
Baras
palita
w
diladila
mongo balatong
ate kaka
lola inda, pupu, nanang
lolo amba
timba sintang
latek kalamay hati
BARAYTI NG WIKA
▪IDYOLEK
IDYOLEK
Ito ang dayalek na sinasalita ng pangkat ng mga
tao na
mayroong pansariling paraan ng pagsasalita ang
bawat isa.
Napatunayan nito na hindi homogenous ang wika
sapagkat may pagkakaiba ang paraan ng
pagsasalita ng isang tao sa iba pang tao batay na
rin sa kaniya- kanyang inbidwal na estilo o paraan
ng paggamit ng wika kung saan higit siyang
komportableng magpahayag.
Ilang kilala na Gumagamit ng Idyolek
MARC CLOGAN- kilala sa paggamit ng
makatutugmang salita sa mga nakatatawang pahayag.
PabebeGirls-
Noli De
Castro-
Mike
Enriquez-
Nakilala at ginaya nang marami sa nausong
dub smash dahil sa kanilang “pabebeng”
idyolek.
“Magandang gabi Bayan”
“Hindi kayo tatantanan”
MarengWennie- “Bawal ang pasaway kay Mareng
Wennie
KrisAquino- “Aha, ha, ha! Nakakaloka!Okey!Darla”.
Ruffa MaeQuinto”To the highest level na talaga
itoh!”
Pen pen de
sarapen
De kutsilyo, de
almasen Haw,
haw de karabaw
de batuten
Sayang pula, tatlong pera
Sayang puti, tatlong
salapi
Sipit namimilipit
Ginto’t pilak
Sa tabi ng dagat
Pen pen de chervaloo
De kemerloo de eklavoo
Hao hao de chenelyn
de batuten
Shoyang fula, talong na fula
Shoyang fute, talong na mafute
Sriti dapay iipit
Goldness filak chumochurva
Sa tabi ng chenes
Bubuka ang bulaklak
Papasok ang Reyna
Sasayaw ng Cha- cha
Ang saya- saya
Boom tiyaya boom
Tiyayaboom yeh! yeh
Boom tiyaya boom
Tiyayaboom yeh! Yeh!
Bubukesh ang floweret
Jojosok ang reynabelz
Shochurva ng chacha
Pa jempot jempot fah
Boom tiyayavush
tiyayabush chenes
Boom tiyayavush
tiyayabush chenes
BARAYTI NG WIKA
▪SOSYOLEK
SOSYOLEK
 Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas
panlipunan o dimesiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
 Kapansi- pansin ang mga tao nagpapangkat- pangkat batay sa ilang
katangian tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala,
oportunidad, kasarian, edad, atbp.
 Magka- iba ang barayti ng nakapag- aral sa hind; ng babae o sa
lalaki; ng matanda sa mga kabataan; ng may kaya sa mahirap; ang
wika ng tindera sa palengke at iba pang pangkat.
SOSYOLEK
▪ Ayon kay Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay na
palatandaan ng istrapikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad
sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito
batay sa kaniang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang
kinabibilangan.
Mga Sosyolek na Wika
1. Wika ng Beki oGay Lingo
Ito’ y isang halimbawa ng grupong nais mapanatili ang kanilang
pagkakakilanlan kaya naman binago nila ang tunog o
kahulugan ng salita.
Halimbawa: churchchill- sosyal
Indiana Jones- nang- indyan
bigalou- Malaki
Givenchy- pahingi
JuliAndrew- Mahuli
Mga Sosyolek na
Wika
2. Coñoc (Coñoctic oConyospeak)
Ito isang baryant ngTaglish na may ilang
salitang Ingles na I nihalo sa Filipino kaya’t
masasabing code switching na nagyayari.
Naririnig sa mga kabataang may kaya at
nakapag-aral sa eksklusibong paaralan.
Halimabawa: Kaibigan 1: Let’s make kain na.
Kaibigan 2:Wait lang. I’m calling
Ana.
Mga Sosyolek na Wika
3. JOLOGS 0 “JEJEMON”
Ito ay nagmula saltang “jejeje” na isang paraan ng pagbaybay
ng “hehehe” at ng salitang Hapon na”pokemon”.
Ito ay nakabatay sa wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat
nang may pinaghaha- halong numero, simbolo, at Malaki at maliit
ang tinatawag
na titik kayat mahirap o intindihin lalo na hindi pamilyar
na jejetyping.
Halimbawa: Nandito na ako- “D2 na me’
MuZtaH
iMisqcKyuH
aQcKuHh iT2h
- “Kamusta?”
- “I miss you”
- “Akoito”
`
Mga Sosyolek na Wika
4. JARGON
Ito ang mga natatanging bokabularyo ng
partikular na pangkat ay may pagkilala sa
kanilang trabaho o gawain.
Halimbawa: Exhibit,Appeal,Compliant
(Abogado)
BARAYTI NG WIKA
▪ ETNOLEK
ETNOLEK
ETNOLEK
Ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek na
taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng
kanilang pagkakakilanlan ng isang pangkat- etniko.
Halimbawa:
Vakkul- Pantakip sa ulo
Bulanon- full moon
Kalipay- tuwa o
ligaya
Palangga- mahal o minamahal
BARAYTI NG WIKA
REGISTER
REGISTER
▪ Ito ang barayti ng wika kung saan naiiangkop ng isang
nagsasalita ang uri ng wikang ginamit niya sa sitwasyon at
sa kausap.
▪ Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita
kung ang kausap niya ay isang taong may mataas na
katungkulan o kapangyarihan, nakakatanda, o hindi niya
masyadong kakilala.
▪ Pormal na wika ang ginagamit sa mga pormal na
pagdiriwang o pangyayari tulad ng pagsimba o pagsamba,
sa mga seminar o pagpupulong, sa mga talumpati, sa
korte, sa paaralan atbp.
▪ Di- pormal na pagsalita naman ang ginagamit kapag ang
kausap kaibigan, malalapit na pamilya, mga kaklase, o mga
kasing edad, at matagalna kakilala.
BARAYTI NG WIKA
▪PIDGIN
o
CREOLE
CREOLE O PIDGIN
▪ Pidgin ang tawag sa umusbong na bagong
wika o tinatawag sa Ingles na “nobody’s
native language” o katutubong wika na di
pag- aari ninuman.
▪ Nangyari kapag may dalawang taong nakikipag-
usap subalit pareho silang may magkaibang unang
wika kaya’t ‘di magkaintindihan dahil hindi nila
alam ang wika ng isa’t- isa.
▪ Creole naman ang tawag sa wikang nagmula sa
isang pidgin at naging unang wika ng mga batang
isinilang sa komunidad kapag ito’y nabuo
hanggang sa magkaroon ng pattern o mga
tuntuning sinusunod ng karamihan.
HALIMBAWA NG CREOLE
1 sur 73

Recommandé

Wika at sosyolohiya par
Wika at sosyolohiyaWika at sosyolohiya
Wika at sosyolohiyaJhestonie Pacis
2.6K vues22 diapositives
Aralin 4 gamit ng wika sa lipunan par
Aralin 4   gamit ng wika sa lipunanAralin 4   gamit ng wika sa lipunan
Aralin 4 gamit ng wika sa lipunanjohnmarklaggui1
1.5K vues34 diapositives
Paraan ng pagbabahagi ng wika par
Paraan ng pagbabahagi ng wikaParaan ng pagbabahagi ng wika
Paraan ng pagbabahagi ng wikaaiksrusco
11.1K vues16 diapositives
Lingguwistikong komunidad.pptx par
Lingguwistikong komunidad.pptxLingguwistikong komunidad.pptx
Lingguwistikong komunidad.pptxmechilledelacruz1
680 vues17 diapositives
WEEK 1-wikang-pambansa-opisyal-at-panturo.ppt par
WEEK 1-wikang-pambansa-opisyal-at-panturo.pptWEEK 1-wikang-pambansa-opisyal-at-panturo.ppt
WEEK 1-wikang-pambansa-opisyal-at-panturo.pptAnnaleiTumaliuanTagu
11.7K vues40 diapositives
6 naparaan ng pagbabahagi ng wika par
6 naparaan ng pagbabahagi ng wika6 naparaan ng pagbabahagi ng wika
6 naparaan ng pagbabahagi ng wikaREGie3
66.1K vues8 diapositives

Contenu connexe

Tendances

Wika par
WikaWika
Wikayani-yanyan
42.6K vues21 diapositives
Activity sa sitwasyong pangwika par
Activity sa sitwasyong pangwikaActivity sa sitwasyong pangwika
Activity sa sitwasyong pangwikapukaksak
11.7K vues7 diapositives
ARALIN 1 KPWKP - Mga Konseptong Pangwika.pptx par
ARALIN 1 KPWKP - Mga Konseptong Pangwika.pptxARALIN 1 KPWKP - Mga Konseptong Pangwika.pptx
ARALIN 1 KPWKP - Mga Konseptong Pangwika.pptxRicaVAlcantara
1.1K vues36 diapositives
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Gamit ng Wika sa... par
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Gamit ng Wika sa...Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Gamit ng Wika sa...
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Gamit ng Wika sa...Juan Miguel Palero
5.5K vues11 diapositives
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.pptx par
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.pptxKomunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.pptx
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.pptxEliezeralan11
37.7K vues206 diapositives
Antas ng Wika ayon sa Pormalidad.pptx par
Antas ng Wika ayon sa Pormalidad.pptxAntas ng Wika ayon sa Pormalidad.pptx
Antas ng Wika ayon sa Pormalidad.pptxChrisAncero
670 vues10 diapositives

Tendances(20)

Activity sa sitwasyong pangwika par pukaksak
Activity sa sitwasyong pangwikaActivity sa sitwasyong pangwika
Activity sa sitwasyong pangwika
pukaksak11.7K vues
ARALIN 1 KPWKP - Mga Konseptong Pangwika.pptx par RicaVAlcantara
ARALIN 1 KPWKP - Mga Konseptong Pangwika.pptxARALIN 1 KPWKP - Mga Konseptong Pangwika.pptx
ARALIN 1 KPWKP - Mga Konseptong Pangwika.pptx
RicaVAlcantara1.1K vues
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Gamit ng Wika sa... par Juan Miguel Palero
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Gamit ng Wika sa...Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Gamit ng Wika sa...
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Gamit ng Wika sa...
Juan Miguel Palero5.5K vues
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.pptx par Eliezeralan11
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.pptxKomunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.pptx
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.pptx
Eliezeralan1137.7K vues
Antas ng Wika ayon sa Pormalidad.pptx par ChrisAncero
Antas ng Wika ayon sa Pormalidad.pptxAntas ng Wika ayon sa Pormalidad.pptx
Antas ng Wika ayon sa Pormalidad.pptx
ChrisAncero670 vues
Batayang Kaalaman sa Wika par Hanna Elise
Batayang Kaalaman sa WikaBatayang Kaalaman sa Wika
Batayang Kaalaman sa Wika
Hanna Elise27.5K vues
Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang pilipino (1).pptx par RicheleRValencia
Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang pilipino (1).pptxKomunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang pilipino (1).pptx
Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang pilipino (1).pptx
RicheleRValencia580 vues
Register barayti ng wika par Gladys Digol
Register barayti ng wikaRegister barayti ng wika
Register barayti ng wika
Gladys Digol26.5K vues
Ponemang suprasegmental par Abbie Laudato
Ponemang suprasegmentalPonemang suprasegmental
Ponemang suprasegmental
Abbie Laudato132.6K vues
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo par Joeffrey Sacristan
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Joeffrey Sacristan71.6K vues
Teorya ng pinagmulan ng wika par John Lester
Teorya ng pinagmulan ng wikaTeorya ng pinagmulan ng wika
Teorya ng pinagmulan ng wika
John Lester22.2K vues

Similaire à aralin 1 fiilipino 11.pptx

aralin 1 fiilipino 11.pptx par
aralin 1 fiilipino 11.pptxaralin 1 fiilipino 11.pptx
aralin 1 fiilipino 11.pptxferdinandsanbuenaven
59 vues27 diapositives
aralin 1 fiilipino 11.pptx par
aralin 1 fiilipino 11.pptxaralin 1 fiilipino 11.pptx
aralin 1 fiilipino 11.pptxferdinandsanbuenaven
215 vues75 diapositives
wika-170620021158.pptx par
wika-170620021158.pptxwika-170620021158.pptx
wika-170620021158.pptxferdinandsanbuenaven
109 vues34 diapositives
Konseptong Pangwika par
Konseptong PangwikaKonseptong Pangwika
Konseptong PangwikaReyvher Daypuyart
409.4K vues34 diapositives
Filipino 101 par
Filipino 101Filipino 101
Filipino 101Kelly Alviar
174.9K vues71 diapositives
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101 par
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101Shirley Veniegas
131K vues268 diapositives

Similaire à aralin 1 fiilipino 11.pptx(20)

Wika todo par nheyyhen
Wika todoWika todo
Wika todo
nheyyhen106.3K vues
wikapptx-180514035231.pdf par hyperpj80
wikapptx-180514035231.pdfwikapptx-180514035231.pdf
wikapptx-180514035231.pdf
hyperpj804 vues
UNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptx par EverDomingo6
UNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptxUNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptx
UNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptx
EverDomingo680 vues

Plus de ferdinandsanbuenaven

aralin8-angakingpag-ibig-190930035105.pptx par
aralin8-angakingpag-ibig-190930035105.pptxaralin8-angakingpag-ibig-190930035105.pptx
aralin8-angakingpag-ibig-190930035105.pptxferdinandsanbuenaven
24 vues36 diapositives
Romantic-Music-G9 (1).pptx par
Romantic-Music-G9 (1).pptxRomantic-Music-G9 (1).pptx
Romantic-Music-G9 (1).pptxferdinandsanbuenaven
10 vues24 diapositives
fil 10.pptx par
fil 10.pptxfil 10.pptx
fil 10.pptxferdinandsanbuenaven
2 vues32 diapositives
inaantok-na-po-ako-huhuhuhu.pptx par
inaantok-na-po-ako-huhuhuhu.pptxinaantok-na-po-ako-huhuhuhu.pptx
inaantok-na-po-ako-huhuhuhu.pptxferdinandsanbuenaven
14 vues26 diapositives
Noli-me-tangere.pptx par
Noli-me-tangere.pptxNoli-me-tangere.pptx
Noli-me-tangere.pptxferdinandsanbuenaven
5 vues23 diapositives
pagsangayonatpasalungat-2nd q.pptx par
pagsangayonatpasalungat-2nd q.pptxpagsangayonatpasalungat-2nd q.pptx
pagsangayonatpasalungat-2nd q.pptxferdinandsanbuenaven
82 vues33 diapositives

Plus de ferdinandsanbuenaven(20)

aralin 1 fiilipino 11.pptx

  • 3. Biblical (Tore ng Babel) Malinaw na ipinahayag sa bibliya na ang wika ay kaloob ng Diyos. Batay din sa istorya ng Bibliya, matapos ang matinding pagbaha noong panahon ni Noah, binigyan uli ng pagkakataon ng Diyos ang mga tao na magbago. Iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Ngunit, mayroon silang lider, si Nimrod, na naging maramot at nais makita ang kaharian ng Diyos sa alapaap. Naghangad din ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit.
  • 4. Hinimok ni Nimrod ang mga tao na gumawa ng tore para maabot ang kaharian ng Diyos. Nagtayo ng pagkataas-taas na tore ang mga tao. Nang nalaman ito ng Diyos, nagalit Siya na naging ganid, mapangahas at mayabang na ang mga tao. Pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore at nahulog ang mga tao. Ginawa ng Diyos na magkakaiba ang wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis 11:1-9)
  • 5. Ayon kay Sapir (1961), tanging tao lamang ang nakagagawa ng wika, at dahil dito likas niyang naipapahayag ang kanyang kaisipan, damdamin at mga ninanais sa pamamagitan ng mga sadyang isinagawang simbolona kinokontrol nila. Ito ang kakayahang nagpatangi sa tao sa iba pang nilikha, at ang ikinaiba niya sa mga hayop.
  • 6. Ang tao sa tulong ng wika ay nakabubuo ng mga paraan upang maiangkop ang sarili sa kanyang kapaligiran. Mahalaga sa kanya ang wika bilang di- pangkaraniwang bahagi ng kultura. Sa pamamagitan ng wika, nakagagawa rin siya ng mga pamantayang magiging gabay sa pakikitungo sa kapwa o sa isa’t isa sa institusyon o lipunan. Dahil sa wika naipahayag ang kaugalian, kaisipan at damdamin ng bawat pangkat ng tao.
  • 7. Ano ang nagtulak sa Diyos upang pag-iba-ibahin Niya ang wika ng sangkatauhan? Bakit mahalaga ang wika sa tao? Magsaliksik ng isang kuwento o alamat tungkol sa wika. Ibahagi ito pagkatapos ilahad ang inyong sariling pananaw o konklusyon tungkol dito.
  • 8. 1. Bakit kaya ginawa ng Diyos na may iisang wika lamang ang sangkatauhan noong unang panahon? 2.Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi pinag- iba-iba ng Diyos ang wika ng sangkatauhan?
  • 9. ANO NGA BA ITO?
  • 10. WIKA- nagmula sa salitang Latin na “lengua” na ang kahulugan ay dila. Ito’y isang masistemang gamit sa pakikipagtalastasan na binubuo ng mga simbolo at panuntunan.
  • 11. Ito’y paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao (Panganiban).
  • 12. Henry Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. George Lakoff: Ang wika ay politika, nagtatakda ng kapangyarihan, kumukontrol ng kapangyarihan kung paanong magsalita ang tao at kung paano sila maunawaan.
  • 13. Jose Villa Panganiban: Ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao. Nenita Papa: wika ang ginagamit natin upang malayang maipahayag ang ating iniisip at nadarama. Pamela Constantino at Monico Atienza: ang wika ay mahalagang kasangkapan sa pag-unlad kapwa ng indibidwal at ng bansa.
  • 14. Ayon kay Archibal A. Hill sa kanyang papel na What is Language? Na binanggit sa aklat ni Alcomtiser P. Tumangan et.al., ang wika ay pangunahing anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nililikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istruktura.
  • 15. Sa depinisyon ni Gleason na binanggit sa aklat ni Rolando A. Bernales et.al, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na ponolohiya. Kapag ang ponema ay pinagsama- sama, maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Sintaksis naman ang tawag sa makaagham na pinag-ugnay-ugnay na mga pangungusap. Diskors naman kapag nagkaroon ng makahulugang palitan ng dalawa o higit pang tao.
  • 16. Ayon sa pagsusuri ni Gordon Wells, ang wika ay may limang tungkulin: 1.Pagkontrol sa kilos at gawi ng iba. 2.Pagbabahagi ng damdamin. 3.Pagpapanatili sa pakikipagkapwa at pagkakaroon ng intensyon sa kapwa. 4.Pangarap at paglikha. 5.Pagbibigay o pagkuha ng impormasyon.
  • 17. Gawain: - Itala ang mga salitang magkakatulad sa mga kahulugang ibinigay sa wika ng mga dalubwika. WIKA
  • 18. 1. BOW WOW- Kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagad ng tao. 2. DING-DONG- Bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Tinawag ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog. 3. POOH POOH- Tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Dahil sa hindi sinasadya ay napabulalas
  • 19. sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla, atbp. 4. YO-HE-HO- Pinaniniwalaan ng linggwistang si A. S. Diamond (2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. 5.TA-TA- sa mga kumpas at galaw ng kamay na ginagawa ng mga tao sa mga partikular na okasyon ay ginaya ng dila hanggang ito ay mag-produce ng tunog at natutong magsalita ang mga tao. Ang tawag dito ay ta-ta na sa France ay paalam o goodbye.
  • 20. 6. SING-SONG- Inimungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw. Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi bulalas. 7. TA-RA-RA-BOOM-DE-AY- sa mga tunog na galing sa mga ritwal ng mga sinaunang tao ang naging daan upang matutong magsalita ang tao. Ang mga sayaw, sigaw, incantation at mga bulong ay binigyan nila ng kahulugan at sa pagdaan ng panahon ito ay nagbago-bago.
  • 21. 8. HOCUS-POCUS – Nayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating ninuno. 9.EUREKA!- sadyang inimbento ang wika ng ating mga ninuno. 10.RENE DESCARTES- hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya’t likas sa kaniya ang gumamit ng wika na aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sa kaniyang utak gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong antas ng wika.
  • 22. 11.PLATO- nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all invention. Sa paniniwalang ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya’t naimbento ito ng tao. 12.CHARLES DARWIN- nakikipagsapalaran ang tao kung kaya’t nabuo ang wika. Survival of the fittest, elimination of the weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao, kailangan niya ng wika. Ito ay nakasaad sa aklat ni Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”.
  • 23. ANTAS NG WIKA 1. PABALBAL/BALBAL- may katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika. -Mga salitang pangkalye o panlansangan. -Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga salita. -Pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan.
  • 24. Halimbawa: parak- pulis eskapo- takas sa bilangguan istokwa- naglayas tiboli- tomboy balbonik- taong maraming balahibo lobat- lupaypay
  • 25. 2. KOLOKYAL/PAMBANSA- mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita. -Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maari rin naman maging repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap. Halimbawa: yorme,erpat,rokmapu,utol, atsay, tisay
  • 26. 3. LALAWIGANIN- ang wikang ito ay ginagamit sa isang rehiyon at ang mga tagaroon lamang ang nakauunawa nito kung ang pagbabatayan ay ang wikang pambansa. Halimbawa: TAGALOG ILOKANO CEBUANO BIKOLANO aalis pumanaw molakaw mahali kanin inapoy Kan-on maluto alikabok tapok abug alpog paa saka tiil bitis ibon bilit langgam gamgam
  • 28. WIKANG PAMBANSA Ang pinakamalawak na gamitin o lingua franca ng mga mamamayan. Filipino ang opisyal na wika dito sa Pilipinas.
  • 29. ■ Ayon kayVirgilio Almario (2014) ang wikang opisyal ay itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. ■ Ibig sabihin, ito ang wikang maaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno. ■ Ang wikang panturo naman ang opisyal sa wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan.
  • 30. “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinadhana ang batas , Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong ng mga wikang panturo roon” Saligang Batas ng 1987, Art.XIV, Sek.7
  • 31. ■ Sa pangkalahatan nga ay Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan. ■ Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang MotherTongue o unang wika ng mga mag- aaral ay naging opisyal na wika mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man. Tinawag itong Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB- MLE).
  • 32. ■ Ayon kay DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, FCS, “ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag- aaral ay makatutulong na mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo- kultural.”
  • 33. 1. Tagalog 2. Kapampangan 3. Pangasinense 4. Chavacano 5. Ilokano 6. Bikol 7. Cebuano 8. Hiligaynon 9. Waray 10. Tausug 11. Maguindanaoan 12. Meranao 13. Ivatan 14. Sambal 15. Aklanon 16. Kinaray-a 17. Yakan 18. Surigainon 19. Ybanag 19 na wika at dayalekto na itinadhana ng DepEd:
  • 34.  Ang wikang Filipino at Ingles ay gagamitin at ituturo parin sa paaralan  Ang magiging pokus ng Kindergarten at unang baitang ay katatasan sa pasalitang pagpapahayag.  SaGrade 2 hanggangGrade 6 ay bibigyang diin ang iba’t iba pang component ng wika tulad ng pagpapakinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat.  Sa mataas na baitang ay Filipino at Ingles pa rin ang pangunahing wikang panturo o medium instruction. n
  • 35. MGA BARAYTI NG WIKA “Mga barayti ng wika’y mahalagang matutuhan Makatutulong ito upang tayo’y higit na magkaunawaan.”
  • 36. MAHALAGANG TANONG ▪ Bakit mahalagang matutuhang tanggapin at igalang ng isang tao ang iba’t- ibang barayti ng wikang ginagamit ng iba’t- ibang tao sa paligid? ▪ Sa paanong paraan maaring makatulong ang ganitong pagtanggap?
  • 37. WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN ‘PINAS? MAGNANAKAW: Holdap, make bigay all your thingies! Don’t make galaw or I will make tusok you! PULIS: Make suko, we made you napapaligiran!
  • 38. WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN ‘PINAS? IMPEACHMENT TRIAL: You are so asar! I’m galit na to you! REYALISTA: Let’s make baka, don’t be takot! Don’t be sossy, join the rally!
  • 39. WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN ‘PINAS? NEWS CASTER: Oh my gosh, I have hot balita to everyone! PARI: You’r so bad, see ka ni God!
  • 40. WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN ‘PINAS? KARPINTERO: Can I hammer the pokpok? COSTUMER: Pa- buy ng water, yung naka shachet!
  • 41. WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN ‘PINAS? PASAHERO 1: Sir, payment! PASAHERO 2: Manong, faster please! I’m nagmama-hurry!
  • 42. WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN ‘PINAS? TSISMOSA 1: I was like this, he was like all that, and I was like what’s your problem? TSISMOSA 2: OMG that is like sooo bad!
  • 43. WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN ‘PINAS? TSISMOSA 1: I was like this, he was like all that, and I was like what’s your problem? TSISMOSA 2: OMG that is like sooo bad!
  • 44. WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN ‘PINAS? MAGTATAHO: Taho! Make bili na while it;s init. I’ll make it with extra sago! BUMILI NG TAHO: It is sarap? Pwede pa- have?
  • 45. WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN ‘PINAS? PULUBI: Knock- knock, pa- beg! JANITOR: Ekkk! Kill the ipis, please don’t step on it ha, I don’t like to feel sound!
  • 46. PALAWAKIN PA NATIN 1.Ano kaya ang mangyayari kung sa ganitong paraan ng pagsasalita ang lahat ng mga Pilipino? Ipaliwanag. 2.Paano kaya kung ang newscaster ka na ng isang respetadong news and public affairs program sa telebisyon subalit ganito ka magsalita: “Oh my gosh, I have hot balita to everyone!” Paano maaapektuhan nito ang kredibilidad mo bilang newscaster?
  • 47. ▪ Ang wika ay namamatay o nawawala rin. Mangyari ito kung hindi naa ginagamit at nawala na ang pangangailangan dito ng linguwistikang komunidad na dating gumagamit nito. ▪ Maari ding namatay ang wika kapag marami nang tao ang nandayuhan sa isang lugar at napalitan na ang salitang dala nila ang mga dating salita sa lugar. ▪ Minsan nama’y may mga bagong salitang umusbong para sa isang bagay na higit na ginagamit ng mga tao kaya’t kaluna’y nawawala o namamatay na ang orihinal na salita para rito.
  • 48. Ilan sa mga Salitang Filipino na Nawala alimpuyok amoy o singaw ng kaning nasunog anluwage karpintero awangan walang hanggan hidhid maramot hudhod ihaplos napangilakan nakolekta salakat pag- krus ng mga binti
  • 49. Homogenous at Heterogeneous na Wika ▪ Homogenous Ito ang pare- parehong magsalita ang lahat na gumagamit ng isang wika. Heterogeneous Ito ang pagkaiba- iba ng wika sanhi ng iba’t- ibang Sali panlipunan tulad ng edad, hanapbuhay o trabaho, antas ng pinag- aralan, kalagayang lipunan, rehiyon o lugar, pangkat- etniko o tinatawag ding etnolingguwistikong komunidad.
  • 51. DAYALEK ▪ Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. ▪ Maaring gumamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit ng salita para sa bagay, o magkaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar.
  • 52. DAYALEK Halimbawa: Ang isang bisayang nagsasalita ngTagalog o Filipino ay may tonong hawig sa Bisaya at gumagamit ng mga leksikon o ilang bokabularyong may pinagsamangTagalog at Bisaya na tinatawag ding “TagBis”. Pinapalitan ang panlaping “um” ng “mag” ▪MAGkain tayo sa mall- (Tagalog- Bisaya) ▪“kUMain tayo sa mall- (Tagalog sa Maynila)
  • 53. Ilang Bokabularyo na Ginamit ng Taong Pare- parehong Nag- sasalita ng isang wika: TAGALOGSA RIZAL Tagalog saTeresa, Morong, Cardona at Baras palita w diladila mongo balatong ate kaka lola inda, pupu, nanang lolo amba timba sintang latek kalamay hati
  • 55. IDYOLEK Ito ang dayalek na sinasalita ng pangkat ng mga tao na mayroong pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Napatunayan nito na hindi homogenous ang wika sapagkat may pagkakaiba ang paraan ng pagsasalita ng isang tao sa iba pang tao batay na rin sa kaniya- kanyang inbidwal na estilo o paraan ng paggamit ng wika kung saan higit siyang komportableng magpahayag.
  • 56. Ilang kilala na Gumagamit ng Idyolek MARC CLOGAN- kilala sa paggamit ng makatutugmang salita sa mga nakatatawang pahayag. PabebeGirls- Noli De Castro- Mike Enriquez- Nakilala at ginaya nang marami sa nausong dub smash dahil sa kanilang “pabebeng” idyolek. “Magandang gabi Bayan” “Hindi kayo tatantanan” MarengWennie- “Bawal ang pasaway kay Mareng Wennie KrisAquino- “Aha, ha, ha! Nakakaloka!Okey!Darla”. Ruffa MaeQuinto”To the highest level na talaga itoh!”
  • 57. Pen pen de sarapen De kutsilyo, de almasen Haw, haw de karabaw de batuten Sayang pula, tatlong pera Sayang puti, tatlong salapi Sipit namimilipit Ginto’t pilak Sa tabi ng dagat Pen pen de chervaloo De kemerloo de eklavoo Hao hao de chenelyn de batuten Shoyang fula, talong na fula Shoyang fute, talong na mafute Sriti dapay iipit Goldness filak chumochurva Sa tabi ng chenes
  • 58. Bubuka ang bulaklak Papasok ang Reyna Sasayaw ng Cha- cha Ang saya- saya Boom tiyaya boom Tiyayaboom yeh! yeh Boom tiyaya boom Tiyayaboom yeh! Yeh! Bubukesh ang floweret Jojosok ang reynabelz Shochurva ng chacha Pa jempot jempot fah Boom tiyayavush tiyayabush chenes Boom tiyayavush tiyayabush chenes
  • 60. SOSYOLEK  Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimesiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.  Kapansi- pansin ang mga tao nagpapangkat- pangkat batay sa ilang katangian tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad, atbp.  Magka- iba ang barayti ng nakapag- aral sa hind; ng babae o sa lalaki; ng matanda sa mga kabataan; ng may kaya sa mahirap; ang wika ng tindera sa palengke at iba pang pangkat.
  • 61. SOSYOLEK ▪ Ayon kay Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng istrapikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kaniang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan.
  • 62. Mga Sosyolek na Wika 1. Wika ng Beki oGay Lingo Ito’ y isang halimbawa ng grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman binago nila ang tunog o kahulugan ng salita. Halimbawa: churchchill- sosyal Indiana Jones- nang- indyan bigalou- Malaki Givenchy- pahingi JuliAndrew- Mahuli
  • 63. Mga Sosyolek na Wika 2. Coñoc (Coñoctic oConyospeak) Ito isang baryant ngTaglish na may ilang salitang Ingles na I nihalo sa Filipino kaya’t masasabing code switching na nagyayari. Naririnig sa mga kabataang may kaya at nakapag-aral sa eksklusibong paaralan. Halimabawa: Kaibigan 1: Let’s make kain na. Kaibigan 2:Wait lang. I’m calling Ana.
  • 64. Mga Sosyolek na Wika 3. JOLOGS 0 “JEJEMON” Ito ay nagmula saltang “jejeje” na isang paraan ng pagbaybay ng “hehehe” at ng salitang Hapon na”pokemon”. Ito ay nakabatay sa wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may pinaghaha- halong numero, simbolo, at Malaki at maliit ang tinatawag na titik kayat mahirap o intindihin lalo na hindi pamilyar na jejetyping. Halimbawa: Nandito na ako- “D2 na me’ MuZtaH iMisqcKyuH aQcKuHh iT2h - “Kamusta?” - “I miss you” - “Akoito”
  • 65. `
  • 66. Mga Sosyolek na Wika 4. JARGON Ito ang mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay may pagkilala sa kanilang trabaho o gawain. Halimbawa: Exhibit,Appeal,Compliant (Abogado)
  • 68. ETNOLEK ETNOLEK Ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng kanilang pagkakakilanlan ng isang pangkat- etniko. Halimbawa: Vakkul- Pantakip sa ulo Bulanon- full moon Kalipay- tuwa o ligaya Palangga- mahal o minamahal
  • 70. REGISTER ▪ Ito ang barayti ng wika kung saan naiiangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginamit niya sa sitwasyon at sa kausap. ▪ Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakakatanda, o hindi niya masyadong kakilala. ▪ Pormal na wika ang ginagamit sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari tulad ng pagsimba o pagsamba, sa mga seminar o pagpupulong, sa mga talumpati, sa korte, sa paaralan atbp. ▪ Di- pormal na pagsalita naman ang ginagamit kapag ang kausap kaibigan, malalapit na pamilya, mga kaklase, o mga kasing edad, at matagalna kakilala.
  • 72. CREOLE O PIDGIN ▪ Pidgin ang tawag sa umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na “nobody’s native language” o katutubong wika na di pag- aari ninuman. ▪ Nangyari kapag may dalawang taong nakikipag- usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t ‘di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t- isa. ▪ Creole naman ang tawag sa wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika ng mga batang isinilang sa komunidad kapag ito’y nabuo hanggang sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinusunod ng karamihan.