Ang sulating pananaliksik
ay may sinusunod na mga
bahagi na ginagamit na bagay
ng mga mananaliksik.
Kontrolado ang sulating ito
kaya hindi magagawa ng
manunulat na manipulahin ito.
Narito ang mga bahagi ng
isang sulating pananaliksik.
A. Panimula
Mababasa sa panimula ang
presentasyon o paglalahad ng
suliranin. Kabahagi ng presentasyon
ang kaligirang pangkasayasayan ng
paksang napili. Nililinaw rin ang sanhi
ng pagpili ng paksa at ang
kahalagahan nito. Binabanggit din sa
bahaging ito ang saklaw ng pag-aaral
sa paksang pagtutuunan ng pag-aaral.
B. Paglalahad ng Suliranin
Ipinaliwanag sa bahagi ng panimula
ang kahalagahan ng paksang pag-
aaralan at ang kaligirang kasaysayan
nito kaya sa bahagi ng paglalahad ng
suliranin ay makikita ang
pangkalahatang suliranin ng paksang
pag-aaralan. Bukod dito, makikita rin
ang mga tiyak na katanungan na
kailangang masagot sa sulating
pananaliksik.
C. Layunin at Kahalagahan ng
Pag-aaral
Tinalakay sa bahaging ito ang
kahalagahan ng buong pag-aaral at
kung ano ang magiging kontribusyon
nito sa larangan ng edukasyon at
siyensya. Binabanggit din kung sino
ang makikinabang at ang posibleng
implikasyon ng pag-aaral na gagawin
sa mga taong tinutukoy na
makikinabang.
D. Bantayang
Konseptwal/Teoretikal
Ipinaliwanag ni Kerlinger (1973) na
teoretikal o konseptwal na balangkas
na kailangan sa isang sulating
pananaliksik ay tumutukoy sa set ng
magkakaugnay na konsepto, teorya,
kahulugan at proporsyon na
nagpapakita sa sistematikong
pananaw ng penomena sa
pamamagitan ng pagtukoy sa
relasyon o kaugnayan ng mga
baryabol sa paksang pag-aaralan.
E. Saklaw at Limitasyon ng Pag-
aaral
Inilalahad ng mananaliksik sa bahaging ito
kung sino ang tagatugon na gagamitin sa
isasagawang pag-aaral, saan at kailan ito
gagawin. Ipinaliliwanag din ng mananaliksik
ang limitasyon at hangganan ng kanyang
pag-aaral. Nakatutulong ang paglalagay ng
limitasyon at hangganan ng pag-aaral para
maging kapani-paniwala ito sa mga
mambabasa. Ipinaliliwanag nina Sevilla at
iba pa (1992) na ang limitasyon ay isang
bahagi o aspekto na pagsisisyasat na
makaiimpluwensya sa resulta ng pag-aaral
na maaaring makasama subalit hindi na ito
F. Kahulugan ng mga
Katawagan
May mga salita o konseptong
ginagamit sa pag-aaral na
kailangan isa isahin at
ipaliwanag ang kahulugan
upang maunawaan ng
mambabasa kung paano
ginamit ang salita o konsepto
sa paksang pag-aaralan.
Isa sa mahalagang bahagi ng
pananaliksik ang pag-aaral sa
mga kaugnayan na literatura. Dito
ginagawa ang paghahanap ng
mga aklat, diyornal, magasin,
tesis, desertasyon at iba pang
sanggunian na magagamit na
batayan sa pagsusuri ng mga
teorya. Nakatutulong ang mga
kaugnay na literatura sa
pagpaplano ng paksang pag-
Narito ang ilang pamantayan sa paghahanap
ng mga datos na kailangan sa pananaliksik:
Sikaping makabago at napapanahon
ang mga sangguniang gagamitin sa
pananaliksik.
Dapat na may kaugnayan sa
isasagawang pananaliksik ang mga
kukuning sanggunian.
Kailangang may sapat na bilang ng
mga sanggunian na makatutugon sa
paksang pag-aarlan.
Ipinapaliwanag ng mananaliksik sa
bahaging ito ang disenyo o metodolohiya
sa pagsasagawa ng pananaliksik na
maaaring palarawan, historikal o kaya’y
eksperimental. Ipinapakita rin dito ang
paraan ng pagkuha ng datos gaya ng
pagbuo ng talatanungan, pagsasagawa ng
survey, pagmamasid o case study.
Nakapaloob sa bahaging ito kung sino ang
target na populasyon at ang mga
gagamitin tagatugon sa paksang
sinisiyasat, gayundin ang uri ng
estadistika na ang angkop sa paksa.
Pagsusuri, Paglalahad at
Interpretasyon ng mga Datos
Tinatalakay sa bahaging ito ang
resulta ng pananaliksik. Makikita
ang paglalahad ng mga datos,
paraan ng pagsusuri nito at
pagbibigay ng interpretasyon.
Inilalatag din sa bahaging ito ang
paggamit ng talahanayan at ang
graph sa pagpapakita ng mga
datos.
Hindi lahat ng ginagawa sa
pananaliksik ay isinasama sa
bahaging ito. Pinipili lamang ang
mahalagang bahagi na punto ng pag-
aaral at inilalahad ang kongklusyon sa
pag-aaral na ginawa sa madaling
salita ang buod ay dapat na
maglaman lamang ng
pinakamahalagang bahagi ng
pananaliksik.