Ce diaporama a bien été signalé.
Le téléchargement de votre SlideShare est en cours. ×

pagsangayonatpasalungat-2nd q.pptx

Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Chargement dans…3
×

Consultez-les par la suite

1 sur 33 Publicité
Publicité

Plus De Contenu Connexe

Plus par ferdinandsanbuenaven (20)

Plus récents (20)

Publicité

pagsangayonatpasalungat-2nd q.pptx

  1. 1. Mga Pahayag ng Pagsang - ayon at Pagsalungat
  2. 2. Layunin: 1. Malaman ang kahulugan ng Pagsang - ayon at Pagsalungat. 2. Makagawa ng mga pahayag na may Pagsang ayon ayon at pahayag na pagsalungat
  3. 3. Mga PahayagngPagsang- ayonat Pagsalungat Pangangatuwiran - ay isang pahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap- tanggap o kapani- paniwala
  4. 4. Layuning nitong hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ng kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatuwirang pagpapahayag.
  5. 5. Bahagi ng araw araw na pakikipag-ugnayan ng tao ang pagsang-ayon o pagsalungat sa paksang pinag-uusapan. Hindi lahat ng mga detalye o mensahe ng pahayag ng kausap ay sinasang-ayunan o tinututulan. Sa pagsasaad ng pag sang ayon o pagtutol, mahalagang maunawaan nang lubos ang pahayag upang makapagbigay ng katuwiran na magpapatibay sa ginawang pagtutol o pagsang-ayon.
  6. 6. Pahayag na may Pag sasang-ayon PANANDA: Sang-ayon ako, Tama, Iyan ang nararapat, pareho tayo ng iniisip, Ganyan din ang palagay ko, Oo, Tunay, Tumpak, talaga, tam, sumasang-ayon
  7. 7. Pahayag na may Pagsalungat PANANDA: Hindi ako sang-ayon, Mabuti sana ngunit, Ikinalulungkot ko, ngunit, Nauunawaan kita subalit, Bakit di natin, Ayaw, Hindi, ngunit, subalit, ayaw, mali at walang katotohonan
  8. 8. Pag tuunan ng pansin ang diyalogo sa ibaba. Selina: " Naniniwala akong ang tunay na pagmamahal ay walan pinipiling edad, lugar o panahon, Ito'y hindi kumukupas, walang sinoman ang makapag didikta sa dalawang pusong may pagmamahalan at paninindigan"
  9. 9. Alvin: " Sinasang-ayunan ko ang sinabi mo. Sabi nga ni Emilio Jacinto, " Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya g pag-ibig." Maraming uri ang pag-ibig, maaring pagmamahal sa kaibigan, kapatid, magulang, sa kapwa, sa itinatangi o sa Diyos."
  10. 10. Selina: " Ngunit, hindi ba't ang kasakikam ay nagkukunwari ring pag-ibig kung minsa? O ang pag ka inggit, nagiging dahilan ito upang gumawa ng mga hakbang na makakasira sa pagkakaibigan. Wala itong sinisino, at kapag ang pagkamasarili ang pinairal ng isang tao. Kunwari'y umiibig siya pero ang katotohanan, ito ay para sa kaniyang kagalingan lamang."
  11. 11. Alvin: " Sa aking palagay, hindi kailanman, maituturing na pag- ibig ang damdaming may halong pagkukunwari gayundin ang pag ibig na mapag-imbot."
  12. 12. Pahayag na Sumasang- ayon Pahayag na Pagsalungat Sagutan Natin
  13. 13. Maghanda ng 1/4 n papel. Gumawa 2 pangungusap na nagpapahayag ng Pagsalungat at 3 pangungusap para pagpapahayag sa Pagsasang- ayon P P a a g g s s u u s s u u l l i i t t
  14. 14. Takdang Aralin Ibigay ang kahulugan ng BALAGTASAN
  15. 15. Balagtasan
  16. 16. Kahulugan ng Balagtasan •Isang masining na pagtatalo sa isang masining na pamaraan. •Kinapapalooban ng mga pangangatwiran sa anyong patula.
  17. 17. Paano naging sining ang Balagtasan? •Itinuturing na sining ang balagtasan dahil sa masining na paraan ng pagbigkas . •Ang kumpas ng mga kamay at ekspresyon ng mukha. •Ang paraang ginagawa habang nagpapalitan ng matuwid.
  18. 18. Ang Pinagmulan ng Balagtasan Galing sa orihinal na apelyido ni Francisco Baltazar,angBalagtas Nabuo ito sa panahong ipagdiriwang ang anibersaryo ng kanyang kapanganakan..
  19. 19. Maikling Kasaysayan ng Balagtasan •Abril 6, 1924 apat na araw pagkatapos ipagdiwang ang Araw ni Balagtas ay ginanap ang kauna- unahang balagtasan. •Isang pagtatalong may iskrip na inihanda ang bawat sasabihin ng tagapamagitan at ng dalawang magtatalo. Ito ay nasa paraang patula.
  20. 20. Maikling Kasaysayan ng Balagtasan •Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute) at Florentino Collantes ( Kuntil- Butil) ang kaunaunahang mambabalagtas . •Oktubre 18,1925 naganap ang balagtasan sa Olympic Stadium sa Maynila. •Si Jose Corazon de Jesus ang hinirang na kauna-unahang hari ng balagtasan.
  21. 21. Ang balagtasan sa iba pang wika sa Pilipinas •Bukanegan – ng mga Ilokano hango sa apelyedo ng makatang Ilokano na si Pedro Bukaneg •Crisotan- ng mga Pampango hango sa makatang si Juan Crisostomo Soto.
  22. 22. Ang Layunin ng Balagtasan • Makapagbahagi ng kaisipan. •Makapagbigay-aliw sa tagapakinig o manonood •Malinang ang kahusayan nila sa pagbigkas. •Mapatalas ang kanilang diwa sa maagap na pagtugon sa paraang patula.
  23. 23. Ang Paksa ng Balagtasan Mga isyu: Si Manny Pacquiao at ang Politika- Dapat ba o hindi dapat sumali si Manny Pacquiao sa halalan ngayong 2010? People Power vs. GMA?- Dapat ba o hindi dapat mag People Power Revolution ang mga Pilipino upang patalsikin sa Malacanang si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo (GMA)?
  24. 24. Ang Paksa ng Balagtasan Aral at Ligaw- Dapat ba o Hindi Dapat na isabay ang panliligaw sa pag-aaral? Babae ang Magtatapat- Dapat ba o Hindi Dapat na ang babae ang manligaw sa lalaking kanyang minamahal? Matalino vs. Mayaman- Sino ang mas sikat at dapat na hangaan ang Matalino o Mayaman.
  25. 25. Ang Bumubuo ng Balagtasan Ang balagtasan ay binubuo ng isang Lakandiwa at dalawang mambibigkas na pagtatalunan ang isang paksa.
  26. 26. Ang Pamaraan ng Pagtatanghal ng Balagtasan •May paksang pagtatalunan •Ang mga kalahok ay magaling sa pag-alala ng mga tula mahahaba. •May dating (konto do porma) ang pagbigkas ng salita sa publiko.
  27. 27. Ang Pamaraan ng Pagtatanghal ng Balagtasan •Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig. •May mga hurado na magsisiyasat kung sino kung sino sa kanila ang panalo o ang may mas makabuluhang pangangatwiran.
  28. 28. Mga Katungkulan ng mga Mambabalagtas LAKANDIWA- ang siyang tagapamamagitan sa dalawang magtatalo. Iba pang katungkulan ng lakandiwa: 1. Unang magsasalita at babati sa mga tagapakinig at tagapanood. 2. Ang pormal na magbubukas ng balagtasan 3. Ang magpapakilala sa dalawang magtatalo 4. Ang magbibigay ng desisyon kung sino ang magwawagi 5. Ang magpipinid ng balagtasan
  29. 29. Mga Katungkulan ng mga Mambabalagtas Ang dalawang nagtatalo: ay kailangang magharap ng mga ebidensya at magpaliwanag nang buong husay upang makumbinsi nila ang Lakandiwa na sa kanila pumanig.
  30. 30. Halimbawa ng Balagtasan 1. Ano ang Higit na Mahalaga Kayamanan, Karunungan, o Kalusugan? 2. http://www.youtube.com/watch?v=AJ0Yrt uPG2Q Ano ang higit na Mahalaga Sipag o Talino?
  31. 31. Sanggunian: http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Balagtasan http://www.youtube.com/watch?v=AJ0YrtuPG2Q http://tl.wikipedia.org/wiki/Balagtasan http://oble.blogspot.com/2009/02/pambansang-balagtasan- 2008.html&usg http://www.scribd.com/doc/34521935/BALAGTASAN, April M . Bagon- Faeldan RS Lozano, Munting Aklat ng mga Tula at Balagtasan, 1997
  32. 32. MABUHAY

×