2. RATIONALE
• Naatasan ipatupad ang 9
na taon paglalakbay
tungo sa Makabagong
Ebanghelisasyon bilang
pinakatampok na gawain
ng Taon ng Hubileyo
2021, ang paggunita sa
ika-5 Centenaryo ng
unang pagbibigyan at
pagdiriwang ng misa sa
Pilipinas.
3. 9 major pastoral priorities of new
evangelization
• Integral Faith Formation (2013)
• The Laity (2014)
• The Poor (2015)
• The Eucharist and the Family (2016)
• The Parish as a Communion of Communities
(2017)
• The Clergy and Religious (2018)
• The Youth (2019)
• Ecumenism and Inter-Religious Dialogue (2020)
• Missio ad gentes [mission to the nations] (2021)
4. Year 2015: THE POOR
• To commit ourselves more firmly to our vision of
becoming truly a Church of the Poor.
• How far have we journeyed to our vision of
Church?
• How shall we assist the materially poor to face
the challenges of hunger and poverty etc...
• The whole Church, rich and poor, powerful and
powerless, have to be in solidarity in the work of
restoring integrity and truth, justice and peace –
love – in our benighted land
5. Layunin
• Malaman at maunawaan ang sitwasyon ng
karukhaan o kahirapan sa ating panahon.
• Makita at mapagnilayan ang mga katuruan ng
Inang Simbahan tungkol sa karukhaan o
kahirapan ayon sa Banal na Kasulatan.
• Maging gabay at pamantayan sa pagninilay
ang mga katuruang ito para sa mga gawaing
pastoral at paglilingkod sa mga dukha.
• Maipagdiwang ang Taon ng mga Dukha.
6. Santiago 2: 1-7
• 1 Mga kapatid ko, bilang mga mananampalataya kay Jesu-
Cristo na ating maluwalhating Panginoon, dapat maging pantay-
pantay ang tingin ninyo sa lahat ng tao. 2 Kung may pumasok sa
inyong kapulungan na isang lalaking may mga singsing na ginto at
nakadamit nang magara, at dumating din doon ang isang mahirap
na puro sulsi ang damit, 3 at inasikaso ninyong mabuti ang
nakadamit nang magara at sinabi sa kanya, "Dito kayo maupo," at
sinabi naman ninyo sa mahirap, "Tumayo ka na lang diyan," o
kaya'y, "Sa sahig ka na lang umupo," 4 nagtatangi na kayo at
humahatol nang mali.
• 5 Mga kapatid kong minamahal, tingnan ninyo nang mabuti!
Hindi ba't ang pinili ng Diyos ay ang mga mahihirap sa mundong
ito upang maging mayaman sa pananampalataya at maging
kasama sa kahariang ipinangako niya sa mga umiibig sa kanya? 6
Ngunit hinahamak ninyo ang mahihirap. Hindi ba't ang mayayaman
ang umaapi sa inyo at sila ang nagsasakdal sa inyo sa hukuman? 7
Hindi ba't sila rin ang lumalait sa marangal na pangalang ibinigay
sa inyo ng Diyos?
7.
8. Kawikaan 30:7-9
• 7 Diyos ko, may hihilingin akong dalawang
bagay bago ako mamatay: 8 Huwag akong
hayaang maging sinungaling. Huwag mo
akong payamanin o paghirapin. Sapat na
pagkain lamang ang ibigay mo sa akin. 9
Baka kung managana ako ay masabi kong
hindi na kita kailangan. Baka naman kung
maghirap ako'y matutong magnakaw, at
pangalan mo'y malapastangan.
9. Mga mukha ng karukhaan sa ngayon
• PAGKAGUTOM
• Food waste = 33% ( can feed 3 billion people)
• Global Shame (food – new gold)
• 2050 (9 billion population); climate change: increasing food price (financial
crisis)
10. • Ang paglubo ng populasyon
Mga mukha ng karukhaan sa ngayon
• The world’s population will double to 14 billion by 2050
• Housing-inadequate; hunger/poverty-rise massively; increase in
large cities-more problems, crimes, waste; war-people will fight
for resources
12. • Digmaan/Alitan ng mga bansa
Mga mukha ng karukhaan sa ngayon
• Money – spend on weapons instead of education,
health, agriculture
• Destroys school, infrastructure and hospitals etc.
13. • Utang
Mga mukha ng karukhaan sa ngayon
Gov't debt hits $129.2
B by Feb.
(philstar.com) | Updated April 18, 2013 -
11:30pm
MANILA, Philippines (Xinhua) - The
national government debt hit P5.325
trillion ($129.2 billion) as of the end
of the last February, the Philippine
Bureau of Treasury (BOT) said
Thursday.
14. • Maling estruktura at pangangasiwa ng
mga likas na yaman at ekonomiya.
• Mababang pasahod
• Graft and corruption/Pulitika
• Maling pagtingin sa paggawa o
pagtatrabaho.
• Bunga na mga personal na
pagkakasala
Mga mukha ng karukhaan sa ngayon
15.
16.
17. CLASS SITUATION IN THE
PHILIPPINES IN 2005
2006McCannInter-GenerationStudy
Class AB (2% of population)
The most affluent group whose homes and lifestyle
exude a lack of economizing.
HH Income:P100,000 or more/moor P3,300/day
Class C (7 % of population)
Upper/middle class households whose homes and lifestyle
reflect comfortable living and the capacity to indulge in
a few luxuries.
HH Income P30,00 to P50,000/mo or P1,000 to P1600/day
(C2); P50,000 to P100,000/mo
18. CLASS SITUATION IN THE PHILIPPINES IN 2005
Class D (68% of population)
Households who have some comfort and means but
basically thrive on hand-to-mouth existence.
HH income: P7,000/mo to P3000/mo or P230/day to P100/day
Class E (23% of population)
Those who face great difficulties in meeting their basic
survival needs.
HH income: P7,000/mo to as low as P1,500/mo or P230/day to
P50/day.
20. Ang pinagmulan ng karukhaan
• Saan ba nagmula ang
karukhaan?
• Bakit may paghihirap?
• Gen. 3;1-24
• KASALANAN – pinag-
ugatan ng KAHIRAPAN
• Kung ang kasalanan ay
pagbalewala sa utos ng
Diyos at pagrerebelde
laban sa Diyos, ang
katumbas nito na bunga
ay KARUKHAAN.
21. Kahulugan ng salitang Dukha (Poor)
• Dukha (poor) – adj. having little money, few
possesion and no luxuries
• Karukahaan/kahirapan (poverty) – n. the
condition or quality of being poor,
unproductiveness, deficiency in or inadequate
supply of something.
• Kasalatan sa materyal na bagay (material
poverty) - madalas na pagkaunaunawa sa
kahirapan
22. Anawim
• “Anawim” = Hebrew for poor, humble,
afflicted
• Those who could not trust in their own
strength but had to rely in utter
confidence upon God
• Victims of injustice
• Remained faithful to Yahweh, & continue to hope
for salvation in spite of everything
• They were also poor in spirit – totally dependent
on God.
• Opposite of Anawim = the proud and
self-sufficient who showed no need of
God
23. Mga sanhi ng karukhaan ayon sa
Banal na Kasulatan
• Ang kahirapan ay nararanasan bunga ng 3
kadahilanan.
1. OPRESYON – pagmamalabis sa kapwa
2. SAKUNA/KALAMIDAD – mga katotohanan
di hawak ng tao
3. KASALANAN – mga personal o communal
na kahianaan ng tao bunga ng pagtalikod sa
Diyos.
24. OPRESYON – pagmamalabis sa kapwa
1. Deuteronomio 24:14-15 – hindi pagbibigay nang
nararapat na pasweldo o makatarungang
pasahod.
2. Nehemias 5:1-11 – pagpapautang ng may
malaking patubo, pagpataw ng di
makatarungang pagbubuwis, pagkamkam ng
mayayaman at makapangyarihan sa mga bukirin
ng mga mahihina.
3. Levitico 25:39 – pagpapabili sa sarili dahil sa
labis na kahirapan
4. Amos 2:6-8 – ipanagbibili bilang alipin dahil
hindi makabayad ng utang.
25. SAKUNA/KALAMIDAD – mga
katotohanan di hawak ng tao
1. Ruth 1:1 – tagtuyot at taggutom upang
maghirap sina Ruth at Noime.
2. Ruth 1:5 – pagkamatay ng asawa at mga
anak.
3. Nehemias 1:1-3 – paghihirap at paghihikahos
dulot ng digmaan.
4. Nehemias 4:6 – pagdurusa ng mga Israelita
bunga ng panlalait at panggigipit ng mga
kalapit na bansa.
5. Job 1:13-21 – kamalasan hatid ni Satanas
26. KASALANAN – mga personal o
communal na kahinaan
1. Kawikaan 10:4 - paghihirap bunga ng katamaran
“ang kamay na tamad ay tiyak na magdarahop”
2. Kawikaan 23:19-21 – kawalan ng disiplina, “ang
pakikisama sa mga lasenggo at masisiba sa
pagkain ay masasadlak sa kahirapan”
3. Kawikaan 11:24-25 – pagiging maramot “ang
taong mapagbigay ay lalong yayaman ngunit
naghihirap ang tikom ang kamay”
4. Duet. 28:47-48 – ang paghihirap ay bunga ng
pagsuway sa Diyos.
5. Hagai 1:9 – paglimot sa mga gawain para sa
Diyos, “hindi pagpapalain ang abalang-abala sa
gawain ngunit nalimot ang para sa Diyos.
27. Ang Bibliya ay nagpapatotoo sa
realidad ng kahirapan sa mundo
1. Deut. 15:11 - Kailanma'y hindi
kayo mawawalan ng mga
kababayang mangangailangan,
kaya sinasabi ko sa inyong
ibukas ninyo ang inyong mga
palad sa kanila.
2. Mat. 26:11 - Sapagkat habang
panaho'y kasama ninyo ang mga
mahihirap, ngunit ako'y hindi
ninyo kasama habang panahon.
28. (Lk 7, 20-21) "Kaya't sinabi niya sa mga sugo
ni Juan, "Bumalik kayo kay Juan at sabihin ninyo
sa kanya ang inyong nakita at narinig;
nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang
mga pilay, gumagaling at lumilinis ang mga
ketongin, nakakarinig ang mga bingi, muling
nabubuhay ang mga patay, at ipinapangaral sa
mga mahihirap ang Magandang Balita.”
Ito ang tanda na ibinigay ni Hesus, na siya
ang Mesiyas, ang kanyang mismong ginawa at
ipinakita sa mga dukha at inaapi.
29. Tayo ay inaanyayahan maging kaisa
ng mga dukha, sapagkat:
1. Sila ay mas higit na
nangangailangan.
2. Sila ang bumubuo ng
malaking bahagdan ng
ating pamayanan.
3. Ito ang halimbawa na
iniwan sa atin ni Kristo.
30. Mga katuruan ng Inang Simbahan
• Vat II – pagbubukas
ng pinto at bintana
ng simbahan para sa
makabagong
mundo.
• Agiornamento,
updating, renewal
• Structure:
hierarchical to
communion model
31. • Lumen Gentium - # 1, Si Kristo ang Liwanag
ng sanlibutan. …ang ipahayag ang Mabuting
Balita sa lahat ng mga nilalang, ang dalhin ang
liwanag ni Kristo sa lahat ng tao, ang
maningning na ilaw sa mukha ng Simbahan.
• Gaudium et Spes - # 1 – ang sigla at pag-asa,
ang dalamhati at agam-agam ng mga tao
ngayon, lalo’t higit ng mga dukha, ito ang mga
sigla at pag-asa, dalamhati at agam-agam
ng lahat ng mga tagasunod ni Kristo.
33. Integral Renewal
• Ang maging
Kumunidad ng
mga Alagad
• Ang maging
Simbahan ng mga
Dukha
• PCPII #122 – tinatawag
tayo na Diyos na
paglingkuran ang mga
dukha at
nangangailangan. (1/2
populasyon-dukha)
• Vat II, GS#68 – ang bawat
tao ay may karapatan na
mag-angkin ng sapat na
yaman ng daigdig para sa
sa kanyang ikabubuhay at
para sa kanyang pamilya.
34. Ang Simbahan ng mga Dukha
• St. Pope John II – “Huwag ninyong sasabihin
na nais ng Diyos na manatili kayo sa
katatayuan ng pagiging dukha, may
karamdaman, walang matuloyan, sapagkat
taliwas ito sa inyong tinataglay na dangal
bilang tao.”
• Sa Banal na Kasulatan, pinagpala ang mga
dukha (Lk. 6:20)
35. PCPII #123
• Pinagpapala ang dukha hindi dahil sa salat sila
sa mga materyal na bagay o mas
nakalalamang sa paningin ng Diyos kaysa sa
mga nananagana.
• Pinagpala ang mga dukha, sapagkat sa
kasaysayang ng pagliligtas ang kanilang abang
kalagayan ang siyang naging daan para ibuhos
ng Diyos ang biyaya ng kaligtasan.
• Upang lubosan nating makamtan ang pag-
ibig ng Diyos, kinakailangan tayong maging
Simbahan ng mga Dukha (PCPII#124)
36. Ano ang katuturan ng pagiging Simbahan ng mga Dukha?
Pagmamahal na may pagtangi sa mga dukha, pero di
eksklusibo. #126-7.
Inaalam ang sitwasyon, at ibinabashagi ang resources
sa kanila #129
Hindi hinahamak ang mga dukha, bagkus
ipinaglalaban ang mga karapatan nito. #131
Pagbibigay ng natatanging paggalang sa dukha. #134.
Simbahan ng mga Dukha – inuunawa ang
karukhaan dahil sa malalim na pagmamahal at
pagtangi sa kanila. (preferential option for the poor)
37. Simbahan ng mga Dukha – may malalim na
pakikiisa sa mga dukha… (Solidarity)
Nakikipagtulungan sa mga dukha para iangat
ang kanilang kondisyon #130
Kinikilala ng mga tagapagpahayag ang
kakayanan ng mga dukha. #132
Tanggap at mulat sa pakikiisa sa buhay at
misyon ng simbahan. #136
Ano ang katuturan ng pagiging Simbahan ng mga Dukha?
38. Pinahahalagahan at isinasabuhay ang
karukhaan ayon sa Ebanghelyo #125
Sumusunod kay Kristo sa karukhaan at
paghihirap #135
Nagbabahaginan, walang kompetisyon #133
Simpleng pamumuhay #133
Ano ang katuturan ng pagiging Simbahan ng mga Dukha?
Simbahan ng mga Dukha – isang dukha na
simbahan (poor church)
39. SIMBAHAN NG MGA DUKHA
Tunay na dito lamang ang simbahan
magiging isang ganap na
kumunidad, simbolo at instrumento
ng pagkakaisa ng lahat ng mga
Filipino. #136
Isang Simbahang PARA , KASAMA at NA SA dukha.
40. 2010 – Evaluation of PCP II Dream
Bakit hanggang sa kasalukuyan di pa rin
naabot ang pangarap na Simbahan ng mga
Dukha?
Mahinang pormasyon at edukasyon
Kawalan ng takdang planong programang pastoral
Pagiging bantulot sa kung anong nararapat na
gawi at pamantayan ng buhay
Kahinaan ng estruktura
41. Ilan sa mga kapamaraanan ginawa ng Simbahan
tagapamagitan
Kinukulit ang
gobyerno
Mababaw na
pagkaunawa sa
kapangyarihan at
opurtunidad na mayroon
sila
tagapagtanggol mga rally
Di pa rin matumbok at
masulosyonan ang
kahirapan
tagapagpalimos
namamalimos sa
ngalan ng mga
Dukha
Agam-agam na
maging personal
tagasubaybay Corruption/PDAF
Di pa rin nasulosyonan ang
di patas na pghahati ng
benepisyo
Tagapag-ayos ethics/pastoral letter Walang monitoring etc.
42. Ano ang panawagan ng Simbahan ng
mgaDukha?
1. Recogniton/pagkilala sa mga dukha – di pa rin
natin sila kilala, ang tunay na kalagayan ng
kanilang buhay…
2. Compassion/Malasakit – San. 2:16, Kung
sasabihin ninyo sa kanya, "Patnubayan ka nawa
ng Diyos; magbihis ka't magpakabusog," ngunit
hindi naman ninyo siya binibigyan ng kanyang
kailangan, may mabuti bang naidudulot sa kanya
iyon?
3. Pagkilos – pananampalatayang may gawa.
Pananmpalatayang ipinamamalas sa diwa ng
katarungan. Our sin of omission and neglect.
43.
44. Pope Francis
I hope that all
communities will devote
the necessary effort to
advancing along the path
of a pastoral and
missionary conversion
which cannot leave things
as they are. “Mere
administration” can no
longer be enough.
Throughout the world, let
us be “permanently in a
state of mission”. (EG
#25)
45. Simulan natin ang ating misyon…
Nelson Mandela
Overcoming poverty is not
a gesture of charity. It is an
act of justice. Poverty is
not natural; it is man-made
and can be eradicated by
the actions of human
beings.
46. Simulan natin ang ating misyon…
BEST KEPT
SECRET
OF THE CHURCH
CATHOLIC SOCIAL TEACHINGS
47.
48.
49.
50.
51.
52. Puntos ng pagninilay…
1. Anong personal na pagbabago ang maaring
kong gawin, upang maging kaisa ng Simbahan
ng mga Dukha?
2. Sino ang ating mga kaibigan?
3. Pinaguusapan ko lang ba ang mga dukha o
kinakausap ko sila?
4. Ano ang initial reaction natin sa tuwing may
lumalapit sa atin mga pulubi?
5. Kumusta ang aking lifestyle?
53. Kunlusyon…
• Ang karukhaan ay hindi isang “birtud”. Bagkus isa
itong paanyaya para maging mulat sa pagtulong
sa kapwa. Ang Panginoong Jesu-Cristo, kahit na
mayaman, naging mahirap siya upang
mapayaman tayo sa pamamagitan ng kanyang
pagiging mahirap. Tayong lahat bilang mga anak
ng Diyos ay tagapagmana ng lahat ng kanyang
mga nilikha, subalit inaasahan maging isang
mabuting katiwala. Salamat sa patuloy na
paggabay ng Simbahan, sa patuloy na paganyaya
sa ating sa kabanalan, tunay na ang kahirapan ay
ay bunga ng kasalanan.
54. The Church of the Poor begins with CONVERSION.
In order to be renewed as a Church, we must
leave behind many ways of thinking, speaking
and acting which no longer effectively serve and
perhaps even obstruct our evangelizing mission.
This will mean unsettling pain, a disengagement
from what is cherished but is now obsolete or
obstructive, a dying to what is sinful, that we
may come to newness of life. (#143)