Ce diaporama a bien été signalé.
Nous utilisons votre profil LinkedIn et vos données d’activité pour vous proposer des publicités personnalisées et pertinentes. Vous pouvez changer vos préférences de publicités à tout moment.
PAUNLARIN
Panuto: Suriin ang dayagram at
sagutin ang mga katanungan.
Pamprosesong tanong
1. Sa mga pamanang inilahad sa dayagram,
al...
GAWAIN 5: Burgis ka!
Malaki ang bahaging ginampanan ng mga
bourgeoisie sa paglakas ng
Europe. Gusto mo ba silang makilala?...
PAG-USBONG NG BOURGEOISIE
Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay
sa mga mamamayan ng mga
bayan sa medieval France na binub...
Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga
bourgeoisie sa pamumuhay ng aristokrasya,
mga magsasaka, o ng mga pari. Ang daig...
Sa huling bahagi ng ika-17 siglo, naging
isang makapangyarihang puwersa ang
bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga
man...
Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay bunga
ng kayamanan at pakikipag-alyansa sa hari
laban sa mga landlord. Subalit ang kan...
Nagkaroon lamang ng politikal na
kapangyarihan ang mga bourgeoisie
pagdating ng ika-19 na siglo. Nagkamit
sila ng karapata...
Dahilan ng Paglakas ng
Kapangyarihang Bourgeoisie
Kasabay ng pag-unlad ng mga bayan at
lungsod sa Europa, lumaganap ang
mg...
Nang dumami ang mga produktong likha ng mga
manggagawa, dumami rin ang mga tagapamahagi
nito. Ang kaganapang ito ang nagbu...
Pagbabagong Isinulong ng
Bourgeoisie
Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay
unti-unting yumabong nang binigyan
sila ng hari n...
Bagamat nabigyan sila ng ganitong prebilehiyo
sa konseho ay hindi pa rin ito
sapat upang kalimutan ng bourgeoisie ang
kani...
kanilang kahalagahan sa pag-unlad at paglago
ng lipunan.
Ang mga tinatamasang kapangyarihan ng mga
bourgeoisie ay nagkaroo...
Tandaan Mo!
Ang bourgeoisie ay ang panggitnang uri ng
lipunan na binuo ng mga mangangalakal, may-
ari ng mga bangko, abuga...
Hinadlangan man ng mga maharlika
ang mga adhikain ng bourgeoisie,
naging mahalagang pangkat din ng
lipunan, bilang panggit...
Pamprosesong tanong:
1. Sino-sino ang itinuturing na kabilang sa
pangkat ng bourgeoisie?
2. Ano-ano ang katangian ng bourg...
Modyul 3 AG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG:TRANSPORMASYON TUNGO SA PAGBUO NG PANDAIGDIGANG KAMALAYAN
Modyul 3 AG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG:TRANSPORMASYON TUNGO SA PAGBUO NG PANDAIGDIGANG KAMALAYAN
Modyul 3 AG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG:TRANSPORMASYON TUNGO SA PAGBUO NG PANDAIGDIGANG KAMALAYAN
Modyul 3 AG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG:TRANSPORMASYON TUNGO SA PAGBUO NG PANDAIGDIGANG KAMALAYAN
Modyul 3 AG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG:TRANSPORMASYON TUNGO SA PAGBUO NG PANDAIGDIGANG KAMALAYAN
Prochain SlideShare
Chargement dans…5
×

Modyul 3 AG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG:TRANSPORMASYON TUNGO SA PAGBUO NG PANDAIGDIGANG KAMALAYAN

PAG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG:TRANSPORMASYON TUNGO SA PAGBUO NG PANDAIGDIGANG KAMALAYAN

  • Identifiez-vous pour voir les commentaires

Modyul 3 AG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG:TRANSPORMASYON TUNGO SA PAGBUO NG PANDAIGDIGANG KAMALAYAN

  1. 1. PAUNLARIN
  2. 2. Panuto: Suriin ang dayagram at sagutin ang mga katanungan. Pamprosesong tanong 1. Sa mga pamanang inilahad sa dayagram, alin sa mga ito pinakamahalaga? Bakit? 2. Sa iyong palagay, paano makaaapekto ang mga pamanang ito sa paglakas ng Europe?
  3. 3. GAWAIN 5: Burgis ka! Malaki ang bahaging ginampanan ng mga bourgeoisie sa paglakas ng Europe. Gusto mo ba silang makilala? Panuto: Basahin at unawain mo ang teksto tungkol sa bourgeosie. Iyong itala ang mahahalagang datos na nakapaloob dito at punan ang cloud call out at concept map ng nasabing datos tunkol sa bourgeoisie.
  4. 4. PAG-USBONG NG BOURGEOISIE Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan sa medieval France na binubuo ng mga artisan at mangangalakal. Ang mga artisan ay mga manggagawang may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring may partikular na gamit o pandekorasyon lamang.
  5. 5. Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bourgeoisie sa pamumuhay ng aristokrasya, mga magsasaka, o ng mga pari. Ang daigdig nila ay hindi ang manor o simbahan kundi ang pamilihan. Hindi nakatali ang mga kasapi ng uring ito sa mga panginoong may lupa. Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi sa industriya at kalakalan. Ang mga artisan, halimbawa, ay naninirahan sa mga nabuong pamayanan. Hindi sila nakadepende sa sistemang piyudal at binanayaran sila sa kanilang paggawa.
  6. 6. Sa huling bahagi ng ika-17 siglo, naging isang makapangyarihang puwersa ang bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker (nagmamay-ari o namamahala ng bangko), mga shipower (nagmamay-ari ng mga barko), mga pangunahing mamumuhunan, at mga negosyante. Hindi na kabilang sa kanila ang mga artisano na sa panahong ito ay maiuuri na sa mga manggagawa.
  7. 7. Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay bunga ng kayamanan at pakikipag-alyansa sa hari laban sa mga landlord. Subalit ang kanilang kapangyarihan sa nasabing panahon ay pang- ekonomiya lamang. Maiuugat ang English Revolution, American Revolution, at French Revolution sa pagnanais ng bourgeoisie na palayain ang sarili mula sa anino ng piyudalismo, sa pakikialam ng monarkiya sa personal na kalayaan, at sa karapatan sa kalakalan at pagmamay-ari.
  8. 8. Nagkaroon lamang ng politikal na kapangyarihan ang mga bourgeoisie pagdating ng ika-19 na siglo. Nagkamit sila ng karapatang politikal, panrelihiyon, at sibil sa pamamagitan ng pagtataguyod ng liberalismo.
  9. 9. Dahilan ng Paglakas ng Kapangyarihang Bourgeoisie Kasabay ng pag-unlad ng mga bayan at lungsod sa Europa, lumaganap ang mga pagbabago sa gawaing pangkabuhayan. Karamihan ng mga mamamayan ay tumigil sa pagsasaka at sa halip ay nagpakadalubhasa sa paghahabi ng tela at paggawa ng sapatos, mga alahas, at mga kasangkapan sa bahay.
  10. 10. Nang dumami ang mga produktong likha ng mga manggagawa, dumami rin ang mga tagapamahagi nito. Ang kaganapang ito ang nagbunsod sa isang bagong uri ng mga mamamayan na bumuo ng panggitnang-uring pangkat sa lipunan na tinatawag na bourgeoisie. Naging makapangyarihan ang grupong ito ng mga mangangalakal at negosyante. Itinuring silang kapakipakinabang hindi lamang sa aspeto ng kabuhayan, kundi maging sa pangangailangan din ng mga hari. Ang mga bourgeoisie ay nagtustos ng mga pondong kakailanganin ng mga hari para sa isasagawang digmaan.
  11. 11. Pagbabagong Isinulong ng Bourgeoisie Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay unti-unting yumabong nang binigyan sila ng hari ng posisyon sa pamahalaan bilang katumbas na kanilang boto at representasyon sa konseho dahil sa kanilang pagpapautang at pagtulong sa pag-unlad ng kaharian.
  12. 12. Bagamat nabigyan sila ng ganitong prebilehiyo sa konseho ay hindi pa rin ito sapat upang kalimutan ng bourgeoisie ang kanilang pangarap at pagnanais na maalis sa ikatlong estado na kinabibilangan ng mga ordinaryong mga mamamayan at magbubukid. Ipinilit ng mga bourgeoisie na mapabilang sa ikalawang estado na kinabibilangan ng mga mayayaman at mga maharlika o noble. Sa ganitong kalagayan ay ninais ng mga bourgeoisie na mabago ang kanilang estadong kinabibilangan sapagkat nakikita nila ang
  13. 13. kanilang kahalagahan sa pag-unlad at paglago ng lipunan. Ang mga tinatamasang kapangyarihan ng mga bourgeoisie ay nagkaroon ng limitasyon. Bagamat mayroong silang kayamanan at edukasyon, tunutulan ng mga maharlika na mapasama sila sa pangalawang uri. Sibalit sa paghadlang ng mga maharlika upang mapabilang sila sa unag uri, binigyang pansin ng bourgeoisie ang kaisipang pagkakapantay- pantay at kalayaan na taliwas sa kaisipang awtokratiko ng mga maharlika.
  14. 14. Tandaan Mo! Ang bourgeoisie ay ang panggitnang uri ng lipunan na binuo ng mga mangangalakal, may- ari ng mga bangko, abugado, doktor, manunulat at iba pang propesyunal. Noong ika-18 na siglo, lumaki ang impluwensiya ng mga bourgeosie sa publiko sa ginamit nila ang kanilang sa kanilang propesyon upang makagawa ng mga reporma sa pamahalaan at mapalaganap ang pagkakapantay-paatay sa Europa.
  15. 15. Hinadlangan man ng mga maharlika ang mga adhikain ng bourgeoisie, naging mahalagang pangkat din ng lipunan, bilang panggitnang-uri, ang bourgeoisie. Napasimulan nila ang layunin tungo sa pagkakapantay- pantay ng tao sa lipunan.
  16. 16. Pamprosesong tanong: 1. Sino-sino ang itinuturing na kabilang sa pangkat ng bourgeoisie? 2. Ano-ano ang katangian ng bourgeoisie? 3. Ano ang naging papel nila sa paglakas ng Europe? 4. Sino ang maituturing natin na Bourgeoisie sa kasalukuyan? 5. Paano nakatutulong ang bourgeoisie sa kasalukuyan sa ating bansa at maging sa daigdig?

×