3. Bago pa man dumating ang mga kolonisador na
Espanyol ay may sarili ng kultura ang mga Pilipino.
Ipinakilala na sa iyo ang isang aspeto ng kulturang ito:
ang mga paniniwala ng mga sinaunang Pilipino. Sa
modyul na ito, tatalakayin ang ang buhay panlipunan.
Mayaman at makulay ang buhay sa sinaunang
panahon at dahil sa lawak nito, pag-aaralan mo dito
ang ilan lamang sulyap ng buhay panlipunan: ang
pagpapangalan ng mga anak, ang pagpapakasal sa
panahong iyon, ang hanapbuhay ng mga tao, at mga
uring panlipunan.
4. Susuriin mo sa modyul ang dalawang uri ng
primaryang sanggunian na nagbibigay ng
mahalagang impormasyon tungkol sa buhay
panlipunan sa sinaunang panahon: mga sipi mula sa
mga Espanyol na opisyal, sundalo, at prayle na
lumahok sa kolonisasyon ng Pilipinas; at mga
larawan ng iba’t ibang uring panlipunan na gawa ng
Espanyol. Sa mga sangguniang ito inilarawan ng mga
Espanyol ang kanilang nakita at naranasan noong
nanirahan at lumibot sila sa iba-ibang lugar ng
Pilipinas.
6. Makinig sa paliwanag ng bawat
kaklase tungkol sa pinanggalingan ng
kanyang pangalan. Bilang klase,
gumawa ng mga kategorya ng basehan
ng pangalan. Alin sa mga kategorya
ang pinakakaraniwan sa klase?
7. Kung ganito ang basehan ng pagpapangalan sa bata
ngayon, paano kaya noong sinaunang panahon? Ang
pagpapangalan noon ay ikinuwento ni Pedro Chirino, SJ,
isang paring Heswitang Espanyol na dumating sa Pilipinas
noong 1590. Nagsulat siya tungkol sa nakita niya sa Luzon
at Bisayas sa loob ng12 taon. Natutunan pa nga niya ang
wikang Tagalog at Bisaya upang maturuan ang mga
Pilipino ng katekismong Kristiyano. Noong 1604 inilathala
sa Roma ang kanyang salaysay, Relacion de las Islas
Pilipinas (Relation of the Phiippine Islands).
8. When a child is born, it is the mother’s duty to give it a name;
and whatever appellation she gives it must remain its name.
Thenames are most often conferred on account of certain
circumstances—as, for example, Maliuag, which means “difficult,”
because the child’s birth was such; Malacas, which signifies “a man of
strength,” because the mother thinks that the child will be strong, or
desires that it be so. At other times they name it, without any
symbolism or special reason, by the first word which occurs to them—
as, for example, Daan, which signifies “road;” Babui, whichmeans
“pig;” or Manu[k], which signifies “fowl.” All persons are called by
these names from birth, without using surnames until they are
married. The first-born son or daughter then gives his or her name to
the parents; for until they die they call the father Ama ni Coan, “father
of So-and-so,” and the mother Ina ni Coan, “mother of So-and-so.”
9. The names of the women are distinguished from
those of the men by adding “in.” Thus, while the
name of a man and of a woman may be practically
the same, that of the man is left intact, and to the
woman’s is added the [termination] “in;” for example,
[Il]og (which means “river”) being the name of two
persons of different sex, the man is called [Il]og, the
woman [Il]oguin.
10. For instance, ama means “father;” thus the son, in
speaking of him to a third person calls him ang amaco,
that is, “my father.” But the son in addressing his father
directly does not call him ama, but bapa,* which is a more
intimate and affectionate term; nor does he address his
mother as ina, but bai.* On the other hand, the father and
mother in familiar intercourse call their sons, brothers,
uncles, and other near relatives, not by the common
appellations of such relationship, but by others more
intimate and personal, which signify a like connection.
This is but another illustration of the fertility, elegance
and courtesy of the Tagal language….
11. The children of those natives were reared
in such respect and reverence for the names
belonging to their parents that they never
called them by these, whether the parents were
living or dead; they believed, moreover, that if
they uttered these names they would fall dead,
or become leprous.
Pedro Chirino, S.J., Relacion de las Islas Filipinas, 1604, sa Blair at
Robertson (eds.), The Philippine Islands 13: 200-202.
12. * Ang mga salitang bapa (para sa ama) at bai (para sa ina)
ay mula sa wikang Sanskrit na pumasok sa wikang
Malay/Indones.
Glosari
Affectionate - mapagmahal
Appellation – tawag o katawagan
Confer – gawaran
Circumstance – pangyayari
Elegance – pagkainam
Fertility – yaman
Fowl – ibon
14. Sumali sa pangkat upang suriin ang sipi at
ihambing ang mga paraan ng pagpapangalan
ngayon at sa sinaunang panahon. Gamitin ang gabay
sa ibaba.
15. Mga Susuriin Sinaunang Panahon Ngayon
a. Basehan ng pagpapangalan
b. Ang nagbibigay ng pangalan
c. Tawag ng anak sa mga
magulang kapag kausap
d. Tawag sng anak sa mga
magulang kapag pinag-
uusapan
e. Paggamit ng apelyido
f. Pagpapangalan ng babae at
lalaki
16. Sagutin ang mga sumusunod na tanong
a. Paano ipinakita ng mga anak sa
sinaunang panahon ang kanilang
paggalang sa kanilang magulang?
Tukuyin mula sa sipi ang basehan ng
iyong sagot.
b. Kung ikaw ay nabubuhay noong
sinaunang panahon, ano ang magiging
pangalan ng iyong mga magulang?
c. Ano naman ang magiging pangalan ng
iyong kapatid na lalaki o babae?
d. Ano ang nakikita mong pagkakaiba at
pagkakatulad sa pagpapangalan noon at
ngayon?
18. Pumili ng kapareha at bigyan ng pangalan base
sa kanyang magandang katangian. Bilang gawain ng
lahat, lumahok sa paggawa ng album ng klase na may
larawan ng bawat isa at ang kanyang pangalan sa
sinaunang panahon batay sa kanyang magandang
katangian.
23. Glosari
Intoxicated – nalasing
Penalty – parusa
Rigorous – mahigpit
Perpetual – panghabang-buhay
Solemnize – bigyang bisa
Tael – pagsukat ng timbang na may katumbas ng 1.3 ounces;
mula sa Tsina ang uri ng pagtimbang na ito
Wont – kinagawian
24. a. Paano pinili ang
mapapangasawa?
b. Matibay ba ang ganitong
kasunduan? Bakit mo ito
nasabi?
c. Paano nakatulong ang
komunidad upang pagtibayin
ang kasunduan?
d. Mayroon bang ipinakitang
pagpapahalaga sa kababaihan
ang ritwal ng
pakikipagkasundo? Magbigay
ng halimbawa
e. Ano sa tingin mo ang silbi ng
dowry?
25. Ibahagi sa klase ang sagot. Magtanong sa ibang
grupo o sa guro kung mayroon kang nais linawan sa
kanilang ibinahagi
26. Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa iyong
reaksyon kung gagawin ng magulang mo ang
arranged marriage sa kasalukuyan. Ipaliwanag ang
iyong palagay.
28. Ano kaya ang mga hanapbuhay ng mga Pilipino
noon? Bilang introduksyon, isulat sa pisara ang
trabaho o hanapbuhay ng iyong magulang, kamag-
anak, o taga-alaga. Tingnan sa pisara ang uri at
saklaw ng mga hanapbuhay sa kasalukuyan. Isaalang-
alang ang mga trabahong ito sa pag-aaral ng mga
hanapbuhay sa sinaunang panahon.
29. Dalawa ang primaryang sanggunian na gagamitin
sa araling ito:
• Relation of the Philippine Islands ni Miguel de Loarca,
isang sundalong Espanyol. Sinulat niya ang kanyang ulat
noong 1582.
• Sucesos de las islas Filipinas (Events of the Philippine
Islands) ni Antonio de Morga, isang Espanyol at mataas
na opisyal ng gobyernonoong 1595-1603. Inilathala ang
kanyang salaysay noong 1609.
31. Glosari
Abound – sagana
Borona at millet – mga pagkaing butil. Ang millet ay isang
uri ng maliliit na butil mula sa halaman na katulad ng
mais. Ito ay tradisyunal na pananim at pagkain sa Africa at
India
Fowl – manok at ibon
Galley, galliot at fragata – mga uri ng sasakyang pandagat
na Europeo na ginamit sa kalakalan at digmaan
Swine – baboy
Right a ship – itayo ang barko
35. Glosari
• Commodity – produkto
• Engage – lumahok
• Placer mining – pagmimina ng ginto sa pamamagitan
ng pagsasala sa buhangin at maliliit na bato sa tabing
ilog
• Penetrate – napasok
• Proficient – marunong, mahusay
• Refine – papinuhin, pakinisin
• Swamp – latian
36. a. Ilista ang mga nakita ninyong gawain at
hanapbuhay.
b. Anu-anong salik ang nakaapekto sa
naging uri ng hanapbuhay sa iba-ibang isla
ng
Pilipinas?
c. Ano ang mga gawain ng kababaihan?
d. Ano ang masasabi mo tungkol sa
ugnayan ng mga isla sa sinaunang
panahon?
e. Ano ang mahihinuha mo ukol sa lebel ng
teknolohiya sa
panahong iyon?
f. Anu-anong mga katangian ng sinaunang
Pilipino ang mahihinuha mo mula sa
impormasyon?
37. Ikumapara ang hanapbuhay at pang – araw – araw na produkto noon at ngayon
a. Ano ang mga hanapbuhay noon na
ginagawa pa ngayon?
b. Ano ang mga hanapbuhay noon na bihira
o wala na ngayon?
c. Ano ang mga produkto noon na
ginagawa at o tinatanim pa ngayon?
d. Ano ang mga produkto noon na bihira
nang itanim, gawin, o gamitin ngayon?
e. Ano sa palagay mo ang dahilan ng
pagbabago at pananatili ng mga uri ng
hanapbuhay at produkto?
40. Tingnang mabuti ang mga larawan sa ibaba. Galing
ang mga ito sa ”Boxer Codex,” isang dokumento na
tinatayang ginawa noong 1595. Ang dokumento (at mga
larawan) ay pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Luis Perez
Dasmariñas, ang Gobernador Heneral ng Pilipinas noong
1593-1596. Ang dokumento ay napunta sa koleksyon ni
Propesor Charles Ralph Boxer; kaya ipinangalan sa kanya
ang buong manuskrito.
42. Sumali sa pangkat at suriin ang mga pisikal na katangiang ipinapakita sa bawat larawan.
Ilista / ilarawan ang Larawan A Larawan B Larawan C
Mga tao sa larawan
Mga bagay
Kilos na ipinapakita
Katangian ng tao
(pananamit, palamuti
atbp.)
Posisyon ng mga tao sa
isa’t isa
43. 3. Ipaliwanag sa klase ang mga sagot ng
grupo. Pansinin kung mayroong katangiang
nakita ng iba na hindi naitala ng iyong grupo.
44. 4. Matapos talakayin ang mga nakitang
katangian, ano ang mahihinuha ng grupo
tungkol sa katayuan o katungkulan ng mga tao
sa larawan? Bakit?
46. 5. Upang matantiya kung tama ang inyong
hinuha, magkonsulta sa mga primaryang
sanggunian. Basahin ang sipi mula sa ”Customs
of the Tagalogs” ni Padre Plasencia.
47. This people always had chiefs, called by them
datos, who governed them and were captains
in their wars, and whom they obeyed and
reverenced….
48. These chiefs ruled over but few people; sometimes as
many as a hundred houses, sometimes even less than
thirty. This tribal gathering is called in Tagalo a barangay.
It was inferred that the reason for giving themselves this
name arose from the fact … that when they came to this
land, the head of the barangay, which is a boat, thus
called … became a dato. And so, even at the present day,
it is ascertained that this barangay in its origin was a
family of parents and children, relations and slaves.
49. In addition to the chiefs… there were three castes:
nobles, commoners, and slaves. The nobles were the free-
born whom they call maharlica. They did not pay tax or
tribute to the dato, but must accompany him in war, at
their own expense…. Moreover, when the dato went upon
the water those whom he summoned rowed for him. If he
built a house, they helped him, and had to be fed for it.
The same was true when the whole barangay went to
clear up his lands for tillage. The lands which they
inhabited were divided among the whole barangay,
especially the irrigated portion, and thus each one knew
his own….
50. The chiefs in some villages had also fisheries,
with established limits, and sections of the
rivers for markets. At these no one could fish, or
trade in the markets, without paying for the
privilege, unless he belonged to the chief’s
barangay or village.
51. The commoners were called aliping
namamahay. They are married, and serve their
master, whether he be a dato or not, with half
of their cultivated lands…. They accompanied
him whenever he went beyond the island, and
rowed for him. They live in their own houses,
and are lords of their property and gold. Their
children inherit it, and enjoy their property and
lands….
52. The slaves are called aliping saguiguilir. They
serve their master in his house and on his
cultivated lands, and may be sold. The master
grants them, should he see fit, and providing that
he has profited through their industry, a portion of
their harvests, so that they may work faithfully. For
this reason, servants who are born in the house of
their master are rarely, if ever, sold. That is the lot
of captives in war, and of those brought up in the
harvest fields.
Plasencia, 1589, sa Blair at Robertson 7: 173-176.
53. Glosari
Ascertain – tiyakin
Captive – taong nabihag
Caste – uring panlipunan
Infer – mahinuha
Lot – kalagayan
Summon – tawagin
Tillage – pagtanim
To reverence – igalang
54. 6. Ilista ng iyong grupo ang mga uring panlipunan sa mga Tagalog na lugar, ayon kay Plasencia,
at ipaliwanag ang tungkulin at katangian ng bawat isa.
URING PANLIPUNAN TUNGKULIN KATANGIAN
55. 7. Sa Bisayas iba ang tawag sa mga uring
panlipunan, ayon naman kay Francisco Colin,
SJ, isang Heswitang paring Espanyol na sumulat
ng Labor Evangelica, tungkol sa mga Bisaya.
Nilimbag ang kanyang salaysay noong 1663.
56. There are three kinds and classes of people:
the chiefs, whom the Visayans call dato and the
Tagalogs maginoo; the timauas, who are the
ordinary common people, called maharlica
among the Tagalogs; and the slaves, called
oripuen by the Visayans and alipin by the
Tagalogs….
57. …The most general origin of those slaveries were interest and
usury…. If payment was not made when promised, the debtor
remained a slave until he paid. That happened often, for the
interest or increase continued to accumulate just so long as the
payment was deferred…. Other slaveries were due to tyranny and
cruelty. For slave were made either in vengeance on enemies, in
the engagements and petty wars that they waged against one
another, in which the prisoners remained slaves, even though
they were of the same village and race…. The worst thing is that
all those who had been made slaves by war, or for punishment of
debts, were rigorously regarded as such, as slaves for any kind of
service or slavery, and served inside the house. The same was
true of their children, in the manner of our slaveries, and they
could be sold at will.… The Tagalogs called such true slaves
sanguiguilir, and the Visayans halon.
58. Other slaves were called namamahay, for they
did not serve their master in all capacities, nor
inside his house; but in their own houses, and
outside that of their masters. They were bound,
however, to obey their master’s summons either to
serve in his house and its repair, and in the seasons
of sowing and harvest. They [also had] to act as his
rowers when he went out in his boat, and on other
like occasions, in which they were obliged to serve
their master without any pay.
Francisco Colin, SJ, “Native Races and their Customs” mula sa Labor Evangelica, 1663,
sa Blair at Robertson 40: 86, 93, 94.
59. Glosari
Accumulate – matipon, dumami
At will – kusa
Debtor – may utang
Defer – ipagpaliban, magpaibang-araw
Petty – maliit, hindi gaanong mahalaga
Sow – magtanim
Summon – utos
Tyranny – kalupitan
Usury – labis na pagpapatubo sa utang
Vengeance – paghihiganti
Wage war – lumaban
60. 8. Basahin ang salaysyay at tumbasan ang mga terminolohiyang Tagalog at Bisaya tungkol sa
mga uring panlipunan.
TAGALOG BISAYA
61. Ayon kay Padre Colin, ang pinuno ay tinawag
na ”datu” ng mga Bisaya at ”maginoo” ng mga
Tagalog. Ngunit sa katunayan, ang ”datu” ay
gamit din ng mga Tagalog; nagmumula ang
datu sa uring panlipunan na tinawag ng mga
Tagalog na ”maginoo.”
62. SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD
a. Bakit kaya tinawag ni Plasencia na
commoner o karaniwang mamamayan ang
aliping namamahay? Alalahanin na para sa mga
Europeo, ang esklabo (slave) o alipin ay walang
karapatan, wala ring kalayaan at ariarian.
Samantala, ayon naman kay Colin, ang aliping
sanguiguilir ay ”tunay na esklabo” (”true slave”).
Ipaliwanag kung bakit.
63. SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD
b. Balikan ang mga larawan (A, B, at C) at
isulat kung ang hinuha ng grupo tungkol sa
katayuan ng mga tao sa larawan ay tama,
base sa mga binasa mong sipi. Kung mali,
iwasto ang sagot ng grupo.
64. SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD
c. Mula sa impormasyon galing kay Plasencia, ano ang
mahihinuha mo tungkol sa:
c1. Katangian ng barangay
c2. Access ng tao sa lupa at ibang likas na
yaman
c3. konspeto ng awtoridad at kapangyarihan
10. Ibahagi sa klase ang mga sagot ng grupo.
66. Matatag ang sinaunang kultura, ngunit
humarap ito sa malaking hamon sa ika-16 siglo,
nang dumating ang Espanya sa Pilipinas. Sa
susunod na modyul ay aaralin mo ang mga
primaryang sanggunian tungkol sa pagtatag ng
kolonya at mga patakaran at paraang ginamit
ng Espanya upang sakupin ang Pilipinas.