1. Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula
Komedya
• Katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema, at ang mga tauhan ay laging
nagtatagumpay sa wakas.
Trahedya
• Kung ang tema nito’y mabigat o nakasasama ng loob kaya nakakaiyak, nakalulunos ang
mga tauhan, karaniwang sila ay nasasadlak sa kamalasan, kabiguan, kawalan, at maging
sa kamatayan, kaya nagwawakas na malungkot.
• Melodrama o Soap Opera
• Kung ito’y sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala ng masayang bahagi
sa buhay ng tahanan kundi pawang problema na lamang ang nangyayari sa araw-araw.
Ito’y karaniwang mapanonood sa mga de seryeng palabas.
Tragikomedya
• Kung magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare na
laging may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa,
subalit sa huli’y nagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida o ang mga
bida.
Mga Elemento ng Tula
a. Tugma
- nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma
1. Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig
2. Mga nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r, y
b. Sukat
- tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod
c. Paksa
- maraming maaaring maging paksa ang isang tula
d. Tayutay
- paggamit ng pagwawangis (simile) pagtutulad (metaphor) pagtatao (personification) ay ilang
paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula
e. Tono/Indayog
- dapat isaalang-alang ang diwa ng tula
f. Persona
- tinutukoy nito ang nagsasalita sa tula
- una, ikalawa o ikatlong panauhan
g. Kariktan ng tula
- nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa
2. Ang Malayang taludturan - Isang tula na isinulat nang walang sinusunod na patakaran
kung hindi ang ano mang naisin ng sumusulat.Ito ay ang anyo ng tula, maaaring
makalikha ng tula na walang sukat at walang tugma. Gnunit dapat manatili ang karikatan,
ito ay ang paggamit ng matatalinhagang pahayag
Ang Tradisyonal na Tula - Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga
salitang may malalim na kahulugan.
Ang Dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan
at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay
maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.
Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang
iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa
isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.
Sangkap ng dula
• Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula
• Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari;
ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
• Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan
ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan
ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin
ang isang dula
• Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan
• Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang
paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-
patong na tunggalian ang isang dula
• Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng
dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa
pinakakasukdulan ang tunggalian
• Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga
tunggalian
• Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian
sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa
panig ng mga manonood
Elemento ng Dula
• Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip
• Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip;
sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang
pinanonood na tauhan sa dula
• Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na
tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan
ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
3. • Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-
interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa
paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng
direktor sa iskrip
• Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood
ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag
sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood
Eksena at tagpo - Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang
tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.