2. Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa mga
ponema (tunog), paghinto (juncture), pagtaas-
pagbaba ng mga pintig (pitch), diin (stress) at
pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening).
Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog.
May dalawang uri ng ponema: ang segmental at ang
suprasegmental.
Ano ang Ponolohiya?
3. Ang ponemang segmental ay binubuo ng
ponemang katinig at patinig.
a) Labing-lima (25) ang orihinal na kasama sa
palabaybayan ngunit isinama ang impit na
tunog o glottal stop (?) sapagkat at ay
itinuturing na isang ponemang katinig dahil
napagbabago nito ang kahulugan ng isang
salita. Ang dating bigkas nito ay malumi o
maragsa.
Ano ang ponemang segmental?
4. b) /p, t, k, ?, b, d, g, m, n, ŋ, s, h
, f, v, z, l, r, j, w, y/ ang bumubuo sa
ponemang katinig
Halimbawa:
ba : tah – housedress tu : bo - pipe
ba : ta? – child tub : bo? – profit
c) Ang ponemang patinig ay lima:
a, e, i, o, u.
Ano ang ponemang segmental?
5. d) May mga salitang nagkakapalit ang
ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /l/ at /e/
ngunit hindi nagbabago ang kahulugan ng
salita.
Halimbawa:
babae – babal kalapati – kalapate
lalaki – lalake noon - nuon
Ano ang ponemang segmental?
6. e) Mayroon din namang mga salitang
itinuturing na hiwalay na ponema ang
/u/, /o/, /i/, at /e/ dahil nagbibigay ito ng
magkaibang kahulugan at hindi
maaaring pagpalitin.
Halimbawa:
uso – modern mesa - table
oso – bear misa - mass
Ano ang ponemang segmental?
7. Tatlong Salik sa Pagsasalita
1. Enerhiya (Energy) – nilikhang presyon ng
papalabas na hiningang galing sa baga.
2. Artikulador (Articulator) – nagpapakatal sa
mga babagtinga ng pantinig.
3. Resenador (Resonator) – nagmomodipika ng
tunog. Ang bibig at guwang ng ilong ang
itinuturing na resonador.
Ponolohiya
8. Ang ponema ay isang makabuluhang tunog.
Ang Filipino ay may 20 ponema: 15 ang katinig at 5 ang patinig.
Mga katinig:
* 1. Panlabi – dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas /p,b,m/.
2. Pangngipin – dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas ang dulo ng dila /t,d,n/.
3. Panlabi-Pangngipin – dumidiit ang ibabang labi sa mga itaas na ngipin /f,v/.
4. Panggilagid – ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid
/s,z,l,r/.
5. Palatal – lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng
punong dila /y/.
6. Velar – dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong
dila /k,g,ŋ,w/.
7. Panlalamunan – ang likurang bahagi ng dila ay dumidiit sa lalamunan /j/.
8. Glottal – lumalapit o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hinaharang ang
presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga at pagkatapos ay pakakawalan upang
bumuo ng paimpit o pasutsot na tunog /?,h/.
* Mga patinig:
A, E, I, O, U
Ponolohiya ng Filipino
9. Paraan ng artikulasyon/ paraan ng pagbigkas:
1. Panlabi – dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas /p,b,m/.
2. Pangngipin – dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas ang dulo ng dila /t,d,n/.
3. Panlabi-Pangngipin – dumidiit ang ibabang labi sa mga itaas na ngipin /f,v/.
4. Panggilagid – ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong
gilagid /s,z,l,r/.
5. Palatal – lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw
ng punong dila /y/.
6. Velar – dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw
ng punong dila /k,g,ŋ,w/.
7. Panlalamunan – ang likurang bahagi ng dila ay dumidiit sa lalamunan /j/.
8. Glottal – lumalapit o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hinaharang
ang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga at pagkatapos ay
pakakawalan upang bumuo ng paimpit o pasutsot na tunog /?,h/.
Ponolohiya ng Filipino
10. Ang diptonggo ay alin mang patinig na sinusundan ng
malapatinig na w at y.
Halimbawa:
aw, iw, ay, ey, iy, oy, at uy
Halimbawang salita:
bahaw, bahay, okoy, baliw
* Ang morpolohiya ay pag-aaral ng mga morpema ng isang
wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng
salita.
* Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita
na nagtataglay ng kahulugan. Ito ay maaaring salitang ugat
o panlapi.
Diptonggo, Morpolohiya, at Morpema
11. 1. Asimilasyon – pagbabagong nagaganap sa huling
posisyon dahil sa impluwensiya ng kasunod na
ponema. Kung ang ponemang ‘pang’ ay ikinakabit sa
salitang-ugat na nagsisimula sa b, p ang n ay nagiging
m.
Halimbawa:
pang + balabal = pambalabal
pang + panitikan = pampanitikan
pang + kuha = panguha
pang + tabas = pantabas
Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
12. 2. Metasis – ang salitang ugat na nagsisimula sa L, O, Y pag
nilagyan ng panliping (in) ay nagkakapalit ng posisyon.
Halimbawa:
in + layo = nilayo
in + yakap = niyakap
3. Pagpapalit ng ponema – kapag ang ponema ay nasa
unahan ng salitang (d) ito ay karaniwang nagpapalitan ng
ponemang (r) kapag ang huling ponema ng unlapi ay
patinig.
Halimbawa:
ma + damot = maramot
ma + dungis = marungis
Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
13. 4. Paglilipat-diin – ang mga salita ay nagbabago ng diin
kapag nilalapian.
Halimbawa:
basa + hin = basahin
laro + an = laruan
5. Pagkakaltas ng ponema – nagaganap kung ang huling
ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawala kapag
nilalagyan ng hulapi.
Halimbawa:
takip + an = takipan – takpan
sara + han = sarahan – sarhan
Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko