Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Pang-Abay. Dito din matatagpuan ang kahulugan, mga uri at mga gawain patungkol sa paksang Pang-Abay
2. Pang-Abay
Ito ay ang katawagan sa salita o lipon ng mga
salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-
uri o kapwa pang-abay
3. Uri ng Pang-Abay
Pamanahon
Panlunan
Pamaraan
Panggano
Kataga o Ingklitik
4. Pang-Abay na
Pamanahon
Ito ay nagsasaad kung kailan ginanap,
ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng
pandiwa sa pangungusap
May tatlong uri ang pang-abay ng
pamanahon: may pananda, walang pananda
at nagsasaad ng dalas
5. Pang-Abay na
Pamanahon
Pananda – gumagamit ng mga salitang nang,
sa, noon/noong, kung, kapag, tuwing, buhat,
mula/simula, umpisa at hanggang
Walang Pananda – gumagamit ng mga
salitang kahapon, kanina, bukas, ngayon,
mamaya, sandali, atbp.
6. Pang-Abay na
Pamanahon
Nagsasaad ng dalas – gumagamit ng mga
sumusunod na ekspreksyong: araw-araw,
tuwing umaga, tuwing Lunes, tuwing gabi,
taun-taon, atbp.
7. Pang-Abay na
Panlunan
Ito ay nagsasaad kung saan ginanap,
ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng
pandiwa sa pangungusap. Ito ay kakabit sa
pariralang sa.
8. Pang-Abay na
Pamaraan
Ito ay sumasagot sa tanong paano ginagap,
ginaganap, o gaganapin ang sinasabi ng
pandiwa sa pangungusap.
10. Pang-Abay na Kataga o
Ingklitik
Ito ay ang mga katagang sumusunod sa
unang salita ng pangungusap.
Mga kataga:
(man, kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy,
lamang/lang, din/rin, ba, pa, muna, pala, na,
naman, daw/raw)