Ito ay isang powerpoint presentation na nakatuon sa pagtalakay ng depinisyon o kahulugan ng wika batay na rin sa iba't-ibang iskolar mula sa iba't-ibang panig ng mundo. Kasama rin dito ang kahulugan ng linggwistiks.
2. DESKRIPSYON NG
KURSO:
Ito ay isang kursong nakatuon para sa pag-aaral
tungo sa pananaliksik patungkol sa kalikasan,
katangian, pag-unlad, gamit at paggamit ng Wikang
Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural
sa lipunang Pilipino.
4. WIKA:
Ayon kay Henry Gleason, “ang wika ay isang
masistemang pagbalangkas na sinasalitang tunog
na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura.”
5. WIKA:
Ayon sa mga edukador na sina Pamela C.
Constantino at Galileo S. Zafra, “ang wika ay isang
kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng
pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan
o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao”
6. WIKA:
Ayon kay Todd (1987), “ang wika ay isang kalipunan
ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon at
hindi lamang ito binibigkas kundi ito’y isinusulat din.”
7. WIKA:
Ito ay isang sistema na binubuo nang pag-unlad at
paggamit ng sistemang pang-komunikasyon na
pwedeng daan sa pakikipag-ugnayan at pagkakaisa
ng mga tao.
8. LINGGWISTIKS
Ito ay ang siyentipikong pag-aaral at pag-unawa
ng wika. Kabilang sa mga pinag-aaralan sa
larangang ito ay ang semantika, ponolohiya, at
balarila.
9. LINGGWISTIKS
UNIBERSAL
Ito ay isang padron (pattern) na sistematikong
dumadaloy sa lahat ng wika sa buong mundo.
Halimbawa ng linggwistiks unibersal:
Kapag sinambit ang isang uri ng wika, mayroon
itong patinig at katinig.