2. • Ang pag-usbong ng kabihasnan ay ang-ugat sa
mga pag-unlad na naganap sa Panahong
Neolitiko.
• Nabago ang pamumuhay ng mga tao.
• Mula sa pagiging nomad ay nagtatag ng
permanenteng mga pamayanan.
• Nagsimula ring maging bihasa ang mga tao sa
iba’t ibang larangan, sa mga institusyonng
pang-estado o pamamamahala, sa sistema ng
pagtatago ng mga talaan at dokumento at sa
makabagong mga teknolohiya.
3. • Ang pagiging isang lungsod ay hindi
nagtatapos sa pagkakaroon ng malawak na
teritoryo at malaking populasyon at pagiging
sentro ng kalakalan para sa mga magsasaka at
mangangalakal.
• Ang mga kabihasnan ay karaniwang may
sistema ng pamahalaan o estado na
namamahala rito.
• Kaalinsabay nito ang pagkakaroon g relihiyon
at paghahating panlipunan (socila
stratification).
4. • Mesopotamia – nagmula sa wikang Griyego na
mesos,ibig sabihin ay “gitna” at potamos, ibig
sabihin ay “ilog”.
• Ang Mesopotamia ay nabuo sa pagitan ng
dalawang ilog, ang ilog Tigris at ilog Euprhates.
• Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa Iraq.
• Ang mga lupain ay mataba at mayaman
sapagkat dumanas ng taunang pagbaha.
• Bahagi ng isang rehiyon na tinatawag na
Fertile Cresent
6. Sumerian (5300-2334 BC)
• Unang kabihasnang nabuo sa
Mesopotamia.
• Unang nagtatag ng mga lungsod-estado
na pinamumunuan ng mga lugal o hari.
• Ilan sa malalaking lungsod na umusbong
sa Sumer ay ang Uruk, Ur, Kish, Lagash,
Umma at Nippur.
7. Mga naging ambag ng Sumerian
• Sistema ng pagsulat na tinatawag na
cuneiform, kung saan ang mga salita ay
kinatawan ng mga simbolo o hugis,
kadalasan ay tatsulok. Ang karaniwang
gamit na panulat ay stylus o eskriba na
gawa sa reed, isang uri ng halaman, at
ang sulatan naman ay tabla na gawa sa
putik.
9. • Mas mainam na sistema ng irigasyon at
pagsasaka; gumamit ng sinaunang uri ng
araro ang Sumerian.
• Paggamit ng potter’s wheel sa pagawa ng
tapayan.
• Paggamit ng gulong bilang instrumento ng
transportasyon ng mga tao at kagamitan.
• Code of Ur-Nammu – unang saligang batas
• Sexagesimal system – sa larangan ng
matimatika.
10. • Pagtatag ng mga paaralan upang ipakalat ang
paraan ng pagsulat at makapagtago ng mga
talaan na pinamahalaan ng simbahan o
templo.
• Pagtatayo ng mga templo bilang lugar-
sambahan o ziggurat na nakalaan lamang sa
mga pari. Ang Sumerian ay naniniwala sa
maraming Diyos (politeismo) na tumutulong sa
iba’t ibang aspekto ng kanilang buhay
• Unang sistema ng pagsukat ng timbang at
distansya
• Lunar kalendaryo na may 12 buwan.
12. Akkadian (2334-2193 BC)
• Nagsimula bilang maliit na lungsod-
estado na malapit sa mga Sumerian.
• Dahil sa kanilang galing sa pakikidigma,
nagapi nila ang mga Sumerian.
• Itinuturing na unang kabihasnang
nakapagtatag ng isang imperyo at ito ay
naisakatuparan sa pamumuno ni Sargon
I.
13. Mga napagtagumpayang gawin
• Nagpasimula ng isang uri ng
pamamaraan ng paghahatid ng sulat at
mensahe
• Paggamit ng selyo na gawa sa putik para
sa mga sulat
• Pagpapangalan ng mga taon batay sa
pangalan ng haring namumuno.
14. Babylonian (1792-1595 BC)
• Nabuo ang kabihasnan ng mga
Babylonian mula sa mga labi na
naiwan ng Imperyong Akkadian.
• Itinatag ni Sumuabum ang maliit na
bayan ng Babylon hanggang sa ito ay
lumaki at naging isang imperyo sa
pamumuno ni Hammurabi.
15. Mga naging ambag ng Babylonian
• Code of Hammurabi – isang batas na may
malupit na kaparusahan para sa mga krimen
na nagawa ng mga Babylonian. Isa rin itong
gabay para magkaroon ng isang organisadong
lipunan.
• pag-aaral sa larangan ng astronomiya at
matematika.
• Epiko ni Gilgamesh – ang pinakamatandang
akdang pampanitikan na natuklasan sa
kasaysayan ng daigdig.
• Paggamit ng mga sundial at water-clock.
16. Hittite (1180-800 BC)
• Naging tanyag sa pagmina ng mineral at
paggamit ng bakal bilang materyales sa
paggawa ng mga armas at mga gamit sa
pangangaso.
• Naimbag din nila sa kabihasnan ng
daigdig ang pagkakaroon ng talaan ng
mga titulo ng lupa ng mga mamamayan
nito.
17. Assyrian (2500-608)
• Kilalang imperyo na gumapi sa mga
Hittite at Babylonian.
• Ang kanilang pinuno na si Ashurbanipal
ay naging tanyag dahil sa kaniyang
pagtatatag ng kauna-unahang
sistematikong aklatan sa lungsod ng
Ninevah.
18. Chaldean-Neo-Babylonian (626-539 BC)
• Humalili sa mga Assyrian matapos nilang
magrebelde sa pamumuno ni
Nabopolassar.
• Naipatayo ang tanyag na Hanging
Gardens of Babylon, isa sa mga
itinuturing na Seven Wonders of the
Ancient World sa ilalim ng pamumuno ni
Nebuchadnezzar.
19. Phoenician (1550-300 BC)
• Kilala bilang magagaling sa manlalayag
mula sa rehiyong Levant (Lebanon)
• Kabihasnan na lumikha ng alpabeto na
ponetika (phonetic), kung saan ang mga
tunog ng mga salita o titik ay may
kaagapay na simbolo.
• Gumamit ng ibang sistema ng pagsulat o
pictograph.
20. Lydian (2000-546 BC)
• Ay nagmula sa rehiyon ng Anatolia
(Turkey) na bahagi rin ng Fertile
Crescent.
• Tanyag sa paggamit ng mga barya
bilang uri ng salapi – kabayaran sa
pakikipagkalakalan.
21. Persian (550-330 BC)
• Kasalukuyang matatagpuan sa Iran.
• Ang Imperyong Persian o Imperyong
Achaemenid ay nagmula sa pangalan ni
Achaemenes,isa sa mga naunang pinuno ng
lungsod-estado.
• Cyrus the Great – naging isang malaking
imperyo na gumapi sa mga Imperyong
Assyrian at Chaldean at ilan pang bahagi ng
Fertile Crescent.
22. • Darius I – humalili kay Cyrus the Great.
Lumawak pa lalo ang impeyo hanggang sa
ilang bahagi ng Europa at India.
Mga naiambag ng Kabihasnang Persian
• Satrapy – pamamalakad pinamumunuan ng
isang satrap
• Zoroatrianism – relihiyong nagmula sa mga
Persian. Ito ay batay sa mga pangaral at turo
ni Zoroaster o Zarathustra. Relihiyong
naniniwala sa isang Diyos o monotheism
• Ahura Mazda – kinikilalang Diyos ng
relihiyong ito.