2. Panimula
• Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang
kahulugan at palatandaan ng kaunlaran.
Kaugnay nito, ating kikilalanin at aalamin
ang kalagayan ng mga sektor ng ekonomiya
na batayan sa pagsukat ng mga produkto at
serbisyo na nagagawa ng bansa, gayundin
ang kontribusyon ng mga ito sa pagtatamo
ng kaunlaran.
5. Sektor ng Agrikultura
• Ang agrikultura ay isang agham, sining at
gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at
hilaw na mga produkto, pagtatanim at pag-
aalaga ng hayop na tumutugon sa
pangangailangan ng tao.
6. Sektor ng Agrikultura
• Humigit kumulang na 7,100 isla ang
bumubuo sa Pilipinas. Dahil sa lawak at
dami ng mga lupain, napabilang ang
Pilipinas sa mga bansang agrikultural dahil
malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga
gawaing pang-agrikultura. Sa katunayan,
malaking bilang ng mga mamamayan ang
nasa sektor na ito ng ekonomiya .
11. Paghahalaman
• Maraming mga pangunahing pananim ang
bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo,
saging, pinya, kape, mangga, tabako, at
abaka. Ang mga pananim na ito ay
karaniwang kinokonsumo sa loob at labas
ng bansa. Ayon sa National Statistical
Coordination Board (NSCB), tinatayang
umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang
sektor na ito sa Php797.731 bilyon noong
2012. Ito ay nagmula sa mga produktong
palay, mais, at iba pang pangunahing
pananim ng Pilipinas.
16. Paghahayupan
• Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag-
aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy,
manok, at pato. Ang paghahayupan ay
nakatutulong sa pag-supply ng ating mga
pangangailangan sa karne at iba pang
pagkain. Ang paghahayupan ay gawaing
pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga
tagapag-alaga ng hayop. Mayroon ding mga
pribadong korporasyon na nasa ganitong
hanapbuhay.
20. Pangingisda.
• Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga
pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong
mundo. Isa sa pinakamalalaking daungan ng
mga huling isda ay matatagpuan sa ating
bansa. Samantala, ang pangingisda ay
nauuri sa tatlo - komersiyal, munisipal at
aquaculture.
21. Pangingisda.
• Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa
uri ng pangingisdang gumagamit ng mga
bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong
tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o
pagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay 15
kilometro sa labas ng nasasakupan ng
pamahalaang bayan.
• Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa
loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at
gumagamit ng bangka na may kapasidad na
tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi
nangangailangan na gumamit ng mga fishing
vessel.
22. Pangingisda.
• Ang pangisdang aquaculture naman ay
tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga
isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri
ng tubig pangisdaan - fresh (tabang), brackish
(maalat-alat) at marine (maalat). Ang
aquaculture ang pinakamalaki ang naitala sa
kabuuang produksiyon ng pangisdaan na
umabot sa Php92,289.9 bilyon noong 2012.
Bahagi din ng gawaing pangingisda ay ang
panghuhuli ng hipon, sugpo, at pag-aalaga ng
mga damong dagat na ginagamit sa paggawa
ng gulaman.
26. Paggugubat
• Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-
ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura.
Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan
bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng
pagkaubos ng mga yaman nito. Mahalaga itong
pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at
veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto,
pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw,
kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.
29. PAGGAWA NG AKROSTIK
Pamantayan 1 2 3 Sarili Pangkat
SALITANG
GINAMIT
Di-angkop ang mga
salitang ginamit.
Angkop ang mga salitang
ginamit.
Angkop na angkop ang mga
salitang ginamit.
KAUGNAYAN NG
PAHAYAG SA
PAKSA
Di-kaugnay ang mga
pahayag na ginamit sa
paksa.
Magkaugnay ang mga
pahayag na ginamit sa
paksa.
Magkaugnay na magkaugnay
ang mga pahayg na ginamit
sa paksa.
PAGSUNOD SA
PANUTO
Di nakasunod sa panutong
ibinigay.
Nakasunod sa ilang
panutong ibinigay.
Nakasunod sa lahat ng
panutong ibinigay.
KAWASTUHAN
NG MGA
SALITANG
GINAMIT
Di wasto ang salitang
ginamit
Wasto ang ilang mga
salitang ginamit.
Wastong-wasto ang lahat ng
ginamit na salita.
KALINISAN AT
KAAYUSAN NG
PAGKAKAGAWA
O
PAGKAKASULAT
Di gaanong malinis at
maayos ang pagkakagawa
at pagkakasulat.
Malinis at maayos ang
pagkakagawa at
pagkakasulat.
Napakalinis at napakaayos
ng pagkakagawa at
pagkakasulat.
Kabuuang Puntos
31. 1.Ang agrikultura ay pangunahing
pinagmumulan ng pagkain.
Ang lupain ng Pilipinas ay akma na tamnan ng
mga produktong tulad ng palay, mais, tubo,
patatas, at iba pa. Mayroon ding inaaning mga
prutas tulad ng mangga, pinya, kopra, at
saging. Mainam din ang temperatura dito
bilang lokasyon sa pag aalaga ng mga hayop
na ginagamit sa mga pang-araw-araw na
pangangailangan ng mga tao. Mayroon ding
sapat na mapagkukunan ng mga pagkaing
mula sa katubigan.
32. 2. Pinagkukunan ng materyal para makabuo
ng bagong produkto.
Nagmumula sa sektor na ito ang mga hilaw na
sangkap mula sa kagubatan, kabukiran, at
karagatan na maaaring gamitin sa produksiyon.
Halimbawa, ang puno na pinagmumulan ng goma
ay gamit para sa paggawa ng gulong; bulak at
halamang mayaman sa hibla para sa tela at
sinulid; kahoy para sa mga muwebles; at dahon
at ugat para sa pagkain, kemikal, o gamot.
33. 3. Pinagkukunan ng kitang panlabas.
Isang mahalagang pinagkukunan ng
dolyar ng Pilipinas ay mula sa mga
produktong agrikultural na naibebenta
sa pandaigdigang pamilihan. Kabilang
sa mga iniluluwas ng bansa na
pinagmumulan ng kitang dolyar ang
kopra, hipon, prutas, abaka, at iba pang
mga hilaw na sangkap na ginagamit sa
pagbuo ng iba’t ibang produkto.
34. 4. Pangunahing nagbibigay ng
trabaho sa mga Pilipino.
Ayon sa National Statistics Office
(NSO) para sa taong 2012, 32% ng
mga Pilipinong may trabaho ay
nabibilang sa sektor ng agrikultura.
Karaniwan silang nagtatrabaho bilang
mga magsasaka, mangingisda, minero,
o tagapagalaga sa paghahayupan.
35. 5.Pinagkukunan ng Sobrang Manggagawa
mula sa Sektor Agrikultural patungo sa
Sektor ng Industriya at Paglilingkod.
Sa patuloy na pagunlad ng teknolohiya na
ginagamit sa agrikultura at ang patuloy na pagliit
ng lupa para sa pagtatanim dahil sa paglaki ng
populasyon, ang mga sobrang manggagawa ay
pinakikinabangan ng sektor ng industriya at
paglilingkod batay sa laki ng demandsa mga ito.
36. PERFORMANCE TASK
PAGGAWA NG ADVOCACY CAMPAIGN:
LAYUNIN Maisulong ang agrikultura at makatulong
sa paglutas sa mga hamon sa agrikultura.
Panuto:
Bawat pangkat ay gagawa ng maikling advocacy
campaign hinggil sa pagsulong sa nakaatas
sakanilang sub-sektor ng ekonomiya.
38. PAGTATAYAPanuto: Isulat kung tama o mali ang mga sumusunod na pahayag.
1. Ang Pilipinas ay pinagkalooban ng mahigit 3,000 isla sa buong parte ng
bansa.
2. Napabilang ang bansang Pilipinas sa mga bansang agrikultural dahil sa
malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang-agrikultura.
3. Nahahati ang sector ng agrikultura sa paghahayupan, paghahalaman,
pag-aartista, at pangingisda.
4. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain.
5. Para makabuo ng produkto, kinakailangan ang sector ng agrikultura para
sa mga gagamiting hilaw na materyales.
6. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lahat ng sektor,
partikular ang agrikultura sapagkat dito nagmumula ang mga pagkain na
tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.
7. Ang pangingisda ay nauuri sa tatlo - komersiyal, espesyal at aquaculture.
8. Bahagi din ng gawaing pangingisda ay ang panghuhuli ng hipon, sugpo, at
pag-aalaga ng mga damong dagat na ginagamit sa paggawa ng gulaman.
9. Ang agrikultura ay nagpapasok ng dolyar sa bansa.
10. Ang agrikultura ay nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan.
39. TAKDANG-ARALIN
• Ano ang sektor ng Industriya?
• Anu-ano ang mga kinapapalooban sa
sektor ng Industriya?
• Ano ang dalawang pangunahing
kahinaan ng sektor ng industriya?
• Sanggunian: Ekonomiks ni Jodi Mylene
Lopez, et.al; pahina mula 175-180.
40. References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para
sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
Notes de l'éditeur
Pangunahing nagtutustos ng pagkain tulad ng bigas, isda, gulay, prutas, at karne ng hayop. Dahil halos ng kalahati ng kita ng pamilyang Pilipino ay inilalaan sa pagkain, maraming salapi ang napupunta sa sektor ng agrikultura
Maraming Pilipino ang nabibigyan ng hanapbuhay ng sektor ng agrikultura. Noong Abril 2014, 30.7 (11,870,155) ng mga Pilipino ang nasa pagsasaka, pangingisda, paggugubat, at paghahayupan.
Sa paggugubat nagmumula ang mga hilaw na materyal, para sa industriya ng konstruksyon tulad ng table. Sa pagsasaka at pangingisda naman nagmumula ang mga hilaw na materyal para sa industriya ng pagpoproseso ng pagkain.
Ang mga yaring produkto tulad ng mga makinarya, damit, at kasangkapan sa bahay ay di-kayang tugunan ng agrukultura ay matutugunan ng sektor ng industriya.