4. o Ayon kay Archibald A. Hill
Ang wika ang pangunahin at
pinakaelaboreyt ng simbolikong gawaing
pantao. Ang mga simbolo ito ay binubuo ng
mga tunog na nalilikha ng aparato sa
pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at
patern na lumilikha sa isang komplikado at
simetrikal na istraktura. Ang mga simbolong
ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo
at kontrolado ng lipunan.
5. Ayon din kay Henry Gleason
Ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos
sa paraang arbitraryo upang magamit ng
mga taong kabilang sa isang kultura..
6. 1. Ang wika ay masistemang balangkas dahil
ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog
(fonema) na kapag pinagsama-sama sa
makabuluhang sikwens ay makalilikha ng
mga salita (morfema) na bumabagay sa iba
pang mga salita (semantiks) upang makabuo
ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay
may istraktyur (sintaks) na nagiging
basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit
ng wika.
7. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng
fonema o ponema; ang fonema ay
tawag sa makabuluhang yunit ng
binibigkas na tunog sa isang wika.
Halimbawa ay ang mga fonemang
/l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/
na kung pagsama-samahin sa
makabuluhang ayos ay mabubuo ang
salitang [lumipat].
8. Morpolohiya o morfoloji – pag-
aaral ng morfema; ang morfema
ay tawag sa pinamakamaliit na
makabuluhang yunit ng salita sa
isang wika. Sa Filipino ang tatlong
uri ng morfema ay ang salitang-
ugat, panlapi at fonema.
-Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak,
singsing, doktor, dentista
-Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
-Fonema = a
-tauhan, maglaba, doktora
9. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay
ang tawag sa formasyon ng mga
pangungusap sa isang wika. Sa Filipino,
maaaring mauna ang paksa sa panaguri at
posible namang pagbaligtaran ito.
Samantalang sa Ingles laging nauuna ang
paksa.
Hal. Mataas ang puno.
Ang puno ay mataas.
The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the
tree.’ o ‘Tall the tree.’)
10. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita
sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang
mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay
bumabagay sa iba pang salita sa
pangungusap upang maging malinaw ang
nais ipahayag.
Hal. Inakyat niya ang puno.
Umakyat siya sa puno.
Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang
panghalip ng aktor sa pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa
paksa ay [ang]. Samantalang sa ikalawang pangungusap ang
pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto ito sa
panghalip ng aktor na dati’y [niya] ngayo’y [siya] na. Imbis na
pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa].
Nagkaiba na ang kahulugan ng dalawang pangungusap.
12. 2. Ang wika ay sinasalitang tunog.
Hindi lahat ng tunog ay wika sapakat
hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa
tao, ang pinakamakahulugang tunog na
nalilikha natin at kung gayo’y
kasangkapan ng komunikasyon sa halos
lahat kung hindi man lahat ng pakakataon
ay ang tunog na sinasalita. Samakatwid,
ito ang mga tunog na nalilikha ng ating
aparato sa pagsasalita na nagmumula sa
hanging nanggagaling sa baga o ang
pinanggagalingan ng lakas o enerji,
nagdaraan sa pumapalag na bagay na
lumilikha ng tunog at minomodifay ng
resonador.
13. Bawat wika ay may kanya-kanyang set ng mga
makahulugang tunog o fonema. Makahulugan
ang wika kapag ito ay nagtataglay ng
kahulugan.
ang wikang pilipino ay may dalawampu’t
isang fonema napapangkat sa dalawa:
1. Fonemang katinig ay mailalarawan sa
pamamagitan ng punto ng artikulasyon o
kung saang bahagi isinasagawa ang pagbigkas
ng fonema at sa paraan ng artikulasyon o
paraan ng pagpapalabas ng hangin sa
pagbikas ng fonema ay may tunog o walang
tunog.
2. Fonemang pantinig mailalarawan sa
pamamagitan ng posisyonnng ng dila sa
pagbikas ng mga ito at sa kung saang bahagi
ng dila nagaganap ang pagbikas ng bawat isa.
14. 3. ANG WIKA AY PINIPILI AT ISINASAAYOS.
Upang tayo’y maunawaan ng ating
kausap. Hindi maaaring ipagpilitan natin
gamitin ang isang wikang hindi
naunawaan ng ating kausap at gayundin
ang ating kausap, hindi niya maaaring
ipagpalitan ang wikang hindi natin batid.
Tayo o ang ating kausap ay kaylangang
pumili ng komong wika kung saan
makakaunawaan. Samantala para maging
epektibo ang ating komunikasyon
kailangan natin isaayos ang paggamit ng
wika.
15. 4. ANG WIKA AY ARBITRARYO.
Ayon kay Archibad Hill kunng gayon,
ang isang taong walang ugnayan sa isang
komunidad ay hindi matututong magsalita
kung paanong ang mga naninirahan sa
komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat
ang esensya nw wika ay panlipunan.
Samantalang ang bawat komunidad ay
nakabubuo ng mga sariling pagkakakilanlan
sa paggamit ng wika na ikinaiiba nila sa
ibang komunidad,bawat individual ay
nakadedevelop din ng sariling
pagkakakilanlan sa pagsasalita na
ikinakaiiba niya sa lahat.
16. 5. ANG WIKA AY GINAGAMIT.
Ang wika ay kasangkapan sa
komunikasyon at katulad ng iba pang
kasangkapan. Ang isang kasangkapang
hindi na ginagamit ay nawawala na ng
saysay. Gayon din sa wika, idagdag pa
kapag ang wika ay hindi na ginagamit ito
ay unti-unting mawawala at tuluyang
mamatay.
17. 6. ANG WIKA AY NAKABATAY SA KULTURA.
dahil hindi maaaring paghiwalayin ang
wika at kultura sapagkat sa pamamagitan ng
wika, nasasalamin ang kultura ng isang
bansa.
7. ANG WIKA AY NAGBABAGO.
Hindi ito tumangi magbago. Ang isang
wikang stagnant ay maaaring mamatay
tulad ng hindi paggamit nito. At maaari din
nadaragdagan ang vokabularyo, bunga ng
pagiging malikhain ng mga tao, maaaring
sila ay nakakalikha ng bagong salita. At
yung mga salitang balbal ay isa ding
dahilan.
19. Unang Yugto: Sa paghahangad ng mga
Hebreo na sila'y kilalanin at katakutan ng
ibang lahi ay binalak nilang magtayo ng
isang tore na aabot hanggang sa langit
upang maipakita sa lahat ang kanilang lakas
at kapangyarihan. Dahil sa dami ng kanilang
bilang sila ay nagtulong-tulong upang
mabilis na maisagawa ang kanilng balak.
Ikalawang Yugto: Dahil sa pagtatayo ng tore
ay madali nilang nalalaman kung may
pararating na mga kaaway, sa ganitong
kaparaanan ay madali nilang matatalo ang
sinomang ibig sumakop sa kanila. Dahil dito
ay lalo silang naging
20. mapagmataas at mapagmalaki, inisip nila na ito
ay dahil sa kanilang lakas at kapangayarihan.
Nakarating sa harapan ng Panginoon ang mga
kasamaan ng kanilang mga puso bunga ng
kanilang mga pagmamataas kung kaya't
ipinasya ng Dios na silay parusahan.
Ikatlong Yugto: Ginulo ng Dios ang pagkakaisa ng
mga taong laban sa kanya sa pamamagitan ng
pagbabago ng kanilang mga wika, tinawag nila
itong Babel sapagkat doon sila pinangalat ng
Panginoon. Sila ay tumigil sa pagtatayo dahil sa
kalituhan bunga ng pagkakaibaiba ng kanilang
wika, dito nagpasimulang mangalap ang ibat-
ibang lahi ng tao na may ibat-ibang wika na
sinasalita.
21. TEORYANG BOW-BOW. Ayon sa teoryang ito,
maaari ang wika raw ng tao ay mula sa mga
tunog ng kalikasan.
halimbawa. Ang insektong tuko na
tinawag na tuko dahil sa tunog nalilikha
nito.
TEORYANG POOH-POOH. Ayon sa teoryang
ito natutong magsalita ang mga tao nang
hindi sinasadya ay nabulalas sila bunga ng
mga masisidhing damdamin tulad ng sakit,
tuwa, sarap, kalungkutan at iba pa.
halimbawa. Pansinin Kapag ang Pinoy
napapabulalas sa sakit napapa-ARAY! Ang
mga Americano napapa-OUCH!
22. TEORYANG YO-HE-HO. Ang paniniwala sa
teoryang ito ang mga tao natuto mag salita
dahil sa pwersang fisikal.
halimbawa. Anong tunog ang nalilikha
natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabigat
na bagay, kapag tayoy’y sumusuntok o
nangangarate o kapagang mga ina ay
nanganganak.
TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY. Ayon sa
teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-
ugat sa mga tunog na nalilikha sa mga
ritwal na ito ay kalauna’y nagpapabagu-
bago at nilapatan ng ibat ibang kahulugan.
23. TEORYANG TA-TA. Ayon naman sa teoryang
ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na
kanyang ginagawa sa bawat partikular na
okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng
pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at
kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-ta
na sa wikang Pranses ay nangangahulugang
paalam o goodbye sapagkat kapag ang
isang tao nga namang nagpapaalam ay
kumakampay ang kamay nang pababa at
pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na
galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang
ta-ta.
24. TEORYANG DING-DONG. Kahawig ng
teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika
ang tao, ayon sa teoryang ito, sa
pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng
mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang
teoryang ito ay hindi limitado sa mga
kalikasan lamang kungdi maging sa mga
bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito,
lahat ng bagay ay may sariling tunog na
siyang kumakatawan sa bawat isa at ang
tunog niyon ang siyang ginagad ng mga
sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago
at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
26. ANG ANTAS NG WIKA SA KATEGORYANG
FORMAL at INFORMAL
A. FORMAL. Ito ang mga salitang istandard
dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng
higit na nakakarami lalo na ng mga nakapag-
aral ng wika.
- PAMBANSA. Mga salitang karaniwang
ginagamit sa mga aklat pangwika o
pambalarila sa lahat ng mga paaralan,
at kadalasan ginagamit sa pamahalaan.
-PAMPANITIKAN O PANRETORIKA. Ito
naman ang salita ay ginagamit ng mga
manunulat sa mga akdang pampanitikan.
Ito ang mga salita karaniwang
matatayog, malalalim, makulay at
masining.
27. B. INFORMAL. Ang mga salitang karaniwan,
palasak at pang-araw-araw na madalas natin
ginagamit sa pakikipag-usap at pakikipag
talastasan sa mga kakilala at kaibigan.
-LALAWIGANIN. Gamitin ang mga salitang
ito sa mga partikular na pook o lalawigan
lamang. Makilala rin ito sa pakakaroon ng
kakaibang tono o ang tinatawag na marami
na punto.
-KOLOKYAL. Ito ang araw-araw na salita
ginagamit sa mga pakakataon informal.
Maaaring may kagaspangan nang kaunti ang
salitang ito ngunit maaari rin ito maging
refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita.
28. -BALBAL(SLANG). Nagmula ito sa mga
pankat-pangkat upang makaroon sila ng
sariling codes. Mababang antas ng wika ito.
At sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang
pinakadinamiko. Maaari kasi ang usong
salitang balbal ngayon ay laos na bukas.
30. Ano ang itatawag ninyo sa wikang ginagamit
ninyo? Tagalog? Pilipino? Filipino?
WIKANG TAGALOG
Tagalog ang wika sa Bulacan, Batangas, Rizal,
Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro, ilang parte ng
Nueva Ecija, Puerto Princesa at pati sa Metro
Manila.
Ito, kung gayon ay wikang natural, may sariling
mga katutubong tagapagsalita.
Isang partikular na wika na sinasalita ng mga
etnolingwistikong grupo sa bansa ang tagalog. Ng
dumating si Miguel Lopez de Legazpi noong
1565 sa Maynila ay napuna na nilang ito ng
maraming Pilipino.
31. WIKANG TAGALOG BILANG WIKANG
PAMBANSA
Nasangkot ang Tagalog sa pambansang
arena nang ideklara ni Presidente Manuel
L. Quezon ang wikang pambansa batay sa
Tagalog noong Disyembre 30,1935
(Executive Order no.139).
Mula noong 1940, itinuro ito sa lahat ng
eskwelahang publiko at privado.
32. WIKANG PILIPINO
Ang wikang Pilipino ay ang Filipino
National Language(noong 1943) na batay sa
tagalog mula noong 1959, nang ipasa ang
Department Order No. 7 ng noo’y Sec. Jose
Romeo, ng Department of Education.
Ito din ang tinawag na wikang ofisyal,
wikang pampagtuturo at asignatura sa
Wikang Pambansa mula 1959.
Natigil ito ng pagtibayin ang Filipino bilang
wikang pambansa. Filipino din ang itinawag
sa wikang pambansa sa Konstitusyon ng
1987.
33. Ang komunikasyon ay proseso ng
pagpapadala at pagtanggap ng mga
mensahe sa pamamagitan ng mga
simbolikong cues na maaaring verbal o di-
verbal.
1. KOMUNIKASYONG INTRAPERSONAL.ito ay
tumutukoy sa komunikasyong pansarili.
Sangkod dito ang pag-iisip, pag-alala at
pagdama, mga prosesong nagaganap sa
internal nating katauhan.
34. 2. KOMUNIKASYONG INTERPERSONAL. Ito ay
komunikasyong nagaganap sa pagitan ng
dalawang tao. Ang uri ng komunikasyong
ito ang humuhubog ng ating ugnayan o
relasyon sa ating kapwa.
3. KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO. Ito naman
ang komunikasyong nagaganap sa pagitan
ng isa at malaking pangkat ng mga tao.
Ang isang tao nakikipag talumpati sa
harap ng mga tagapaking ay
nakikipagtalumpati sa publiko.
35. KOMUNIKASYONG VERBAL
Ang simbolizasyon ay isang proseso ng
pagtutumbas ng ideya, pangyayari, lugra o
bagay. Ang simbololik na prosesong ito ay
maaaring sa pamamagitan ng verbal na
simbolo, di-verbal na simbolo o sa
magkasabay o kumbinasyunal na paggamit
ng dalawa.
36. KOMUNIKASYONG DI-VERBAL
Madalas ay gumagamit tayo ng mga di-
verbal na anyo o di kaya’y kumbinasyon ng
verbal at di-verbal na anyo ng
komunikasyon.
Halimbawa:
kapag nahuli ang isang ina ang
kanyang batang anak, hindi maililihim ng
bata ang kanyang kasalanan sa kanyang
mukha, kilos ng katawan, kumpas ng kamay
sa kabila ng kanyang matigas na pagtanggi.
40. HEARING AT LISTENING.
Malaki ang pagkakaiba ng hearing at
listening sa wikang ingles. Ang hearing ay
limitado lamang sa pagtanggap ng pandinig
sa mga tunog, samantala ang listening ay
kinapapalooban din ng pagkilala sa mga
tunog, pag-alala sa naririnig at pagbibigay
kahulugan o pag-iinterpret sa tunog na
narinig. Pero sa wikang Filipino iisa lang
ang katumbas ng listening at hearing ito ay
PAKIKINIG.
42. ORAS- ang oras na mainam o mabisang
makinig ay UMAGA. sapagkat nakapagpahinga
na ang isip at katawan. Ang hapon at gabi ay
hindi na masyadong mabisa kasi pagod na rin
ang isip at katawan sa buong araw na
pakiking.
CHANNEL. ang daluyan ng mensahe.
halimbawa ang paggamit ng celpon o
pakikinig sa radyo dipende na yun sayo kung
papano mo aadjust para maging malinaw ang
tunog o salita galing sa radio o celpon.
43. EDAD. Ang bata ay maikli pa lamang ang
interes sa pakikinig. di tulad ng matanda ay
mas may mahaba ang konsentrasyon o
binibigay na atensyon sa pakikinig.
KASARIAN. Kapag ang babae ang nag-
sasalita ay medyo mahaba parang walang
katapusan kaya ang mga lalake ay minsan
ay hindi pinapansin pero kapag ang lalake
ang nagsasalita ay tipid lamang o maikli at
tuwiran lang.
KULTURA. sa isang tagapagsalita dapat din
mayroon siyang kaalaman sa lugar kung
saan ang pinaggalingan ng kanyang mga
tagapagpakinig upang mas lalong mabigyan
ng linaw ang kanyang mga sasabihin.
44. KONSEPTO SA SARILI. higit na mabisa ang
isang pakikinig kung ang tagapagsalita ay
gumagamit ng sariling estilo sa kanyang
pagpapahayag.
45. URI NG TAGAPAKINIG
Eager Beaver- tagapakinig na ngiti ng ngiti
o tangu ng tango ngunit hindi talaga
naiintindihan ang pinakikinggan.
Sleeper- tagapakinig na inaantok.
tiger- tagapakinig na laging handang
magreak sa anumang sasabihin ng
nagsasalita.
Bewildered- tagapakinig na kahit anong
pilit ay walang maintindihan sa naririnig.
Frowner- tagapakinig na wari bang lagi na
lang may tanong at pagdududa.
46. Relaxed - tagapakinig na hindi kakikitaan
ng anumang reaksyon habang nakikinig.
Busy Bee - tagapakinig na abala sa ibang
gawain habang nakikinig.
Two-Eared Listener- tagapakinig na
ginagamit ang utak sa pakikinig.
49. • Dating pangulo ng Estados Unidos, ay natanyag at
nagiwan ng hindi na mabuburang bahagi sa
kasaysayan hindi lamang sa Amerika kundi maging sa
buong mundo.
• Hindi ,mataas ang pinag-aralan sapagkat wala siyang
pormal na edukasyon at siya’y mahirap na
mamamayan lamang.
• Ang tagumpay ni Lincoln ay maiuugnay sa kanyang
determinasyon na linangin at paunlarin ang kanyang
kakayahang magsalita sa harap ng publiko
• Dahil sa kakulangan ng “speech schools”, matamang
inobserbahan at pinakinggan ni Lincoln ang paraan
ng pagsasalita ng ibang tao kahit noong bata pa
lamang siya.
• Hanggang sa kasalukuyan, ipinapalagay na ang
kanyang Gettysburg Address at ikalawang Inaugural
Speech ay ilan sa natatanging pinakamahusay na
talumpati sa buong kasaysayan ng daigdig.
51. • Nanatali sa White House nang apat na
sunud-sunod na termino mula 1923-
1945.
• Nilinang niya ang kanyang kakayahan sa
pagsasalita sa pamamagitan ng
pagbibigay ng matamang atensyon sa
mga malalayang simulain ng pagsasalita.
• Halos lahat ng kanyang talumpati sa
radyo ay praktisado ng lubusan.
• Maging ang kanyang mga kalaban sa
pulitika ay umaming ang kanyang sunud-
sunod na tagumpay ay nakaugat sa
kanyang impluwensya sa kanyang
tagapakinig.
53. •Isa sa mga susi ng kanyang
tagumpay ay ang husay na ipinakita
niya sa serye ng mga debateng
ipinalabas ng mga programang
pantelebisyon.
• Dahil sa Kanyang epektib na
pagsasalita, tinalo niya si Nixon sa
nasabing halalalan.
55. • tanyag na isang dakilang orador.
• Pautal magsalita ngunit tinuruan
niya ang kanyang sarili magsalita
nang tuluy-tuloy at tuwid sa
pamamagitan ng pagtatalumpati sa
harap ng hampas ng alon sa
dalampasigan.
• Madalas na nagsusubo siya ng
maliit na bato upang maituwid
lamang ang kanyang pananalita.
56. KAALAMAN
•Upang maging epiktibo sa
pagsasalita Kinakailangang
alam na alam ng nagsasalita
Ang kanyang saloobin.
KASANAYAN
•Ito ay makakamtan
kung may malawak
na talasalitaan At
kaalaman sa paksa.
TIWALA SA SARILI
•Naipapamalas ang kasanayan sa
pagsasalita kapag batid Ang wastong
pagbigkas at paggamit sa tanang
salita, Naihahanay nang maayos,
malinaw at pagbigkas at Paggamit sa
tamang salita.
PANGANGAILA-
NGAN
SA MABISANG
PAGSASALITA
57. TINIG-Bilang isang tagapagsalita lalo sa
Harap ng madla, mahalagang linangin
nito ang tinig
KILOS-Ang galaw ay pagkilos ng bahagi
ng katawan Upang lalong maging
Malinaw ang mensaheng Nais iparating.
KUMPAS NG KAMAY-Ang Kumpas ng
kamay ay mahalaga rin sa pagsasalita.
Ang kumpas ng Kamay ay kailangan para
maging angkop sa diwa ng salita o mga
salitang sinasambit .
58. BIGKAS-Napakahalagang maging wasto
ang bigkas ng isang nagsasalita.
Kailangan maging matatas at malinaw
ang pagbigkas niya sa mga salita .
TINDIG-Ito ay repleksyon nang kung
gaano kahanda at kamportable ang
mambibigkas .
59. Ang pinakamabuting paraan ng paglaban sa
takot , kung gayon, ay ang pagharap, at
hindi ang pagtalikod dito.
Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla
ay tinatawag na “XENOPHOBIA” o “STAGE
FRIGHT” . Ito ang takot na mapagtawanan
bunga ng maling gramar, maling bigkas, o
masagwang tindig o postyur.
61. Ang pagbasa ay pagkilala at
pagkuha ng mga ideya at kaisipan
sa mga sagisag na nakalimbag. Isa
ito sa mga makrong kasanayang
pangwika at isa sa mga
pinakagamitin sa lahat.
62. Bunga ng knowledge explosion, naging
lalong mahalaga ang pagbasa sa
sangkatauhan. Ang sumusunod ay ilan sa
mga halaga ng pagbasa:
1. Nakapagdudulot ito ng kasiyahan at
nakalulunas ng pagkabagot,
2. Pangunahing ito kasangkapan sa
pagtugklas ng kaalaman sa ibat ibang
larangan ng buhay,
3. Gumaganap ito ng mahalagang tungkulin
sa ating pang-araw-araw na buhay,
63. 4. Nalalakbay natin ang mga lugar na
hindi nararating, nakikilala ang mga
taong yumao na o hindi na kilala,
5. Naiinfluwensyahan nito ang ating
saloobin at palagay hinggil sa ibat
ibang bagay at tao, at
6. Nakatutulong ito sa paglutas ng ating
mga suliranin at sa pagpapataas ng
kalidad ng buhay ng tao.
64. Dahil ang pagbasa ay hindi lamang gawaiing
sensori kundi higit sa lahat, isang gawaing
pangkaisipan , mayroon itong sinusunod na
kronolojikal na hakbang. Ito ay ang mga
sumusunod:
1. Persepsyon o pagkilala sa mga nakalimbag
na simbolo,
2. Pag-unawa sa kaisipang nakapaloob sa
mga nakalimbag na simbolo,
3. Reaksyon o paghatol ng kawastuhan,
kahusayan at halaga ng tekstong binasa,
at
4. Asimilasyon/integrasyon ng binasang
teksto sa mga karanasan ng mambabasa.
65. ANG PAGBASA AY MAAARING MAURI BATAY
SA LAYUNIN, ITO AY MAAARING SKIMMING AT
SCANNING.
SKIMMING-Ang pinaka mabilis na pagbasa.
Ginagamit ito sa paghahanap ng pangalan sa
board exam passer.
SCANNING-Ito naman ay ang paghahanap ng
isang tiyak na informasyon sa isang pahina.
66. ANG PAGBASA AY MAUURI SA TAHIMIK O
PASALITA.
TAHIMIK NA PAGBASA-Sa tahimik na pagbas
Mata lang ang ginagamit at walang maririnik
na tunog.
PASALITANG PAGBASA- Sa pasalitang
pagbasa gumagamit din ng bibig, bukod sa
mga mata kaya may tunog at pagsasalita.
67. URI NG PAGBASA BATAY SA BILIS O TULIN
STUDY SPEED- Ito ang pinaka mabagal na
pagbasa at ginagamit ito sa mga mahihirap
na seleksyon.
MATULIN NA PAGBAS-Dito mahahalagang
bahagi lamang ng isang teksto ang binabasa
batay sa layunin ng bumabasa.
69. Ang pagsulat ay kapwa isang fisikal at
mental na aktiviti ginagawa para sa iba’t
ibang layunin. Ito ay fisikal na aktiviti sapakat
ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa
papel, o sa pagpindot ng mga keys ng
tayprayter ng o keyboard ng kompyuter.
Ginagamit din sa pagsulat ang mga mata
upang imonitor ang anyo ng writing output
kahit pa ito’y handwriting lamang o rejister
sa monitor ng kompyuter o print-out
na.Mental na activiti rin ang pagsulat sapakat
ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga
ideya.
Notes de l'éditeur
Ang wika ay masistemang balangkas.
Ano mang wika sa daigdig at sistematikong Nakasaayos sa isang tiyak na balangkas. Walang wika ang hindi nakaayon sa balangkas na ito. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog.
-Fonema ang tawag sa makahulugang tunog ng isang wika samantalang fonoloji naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga ito.kapag ang fonemang ito ay pinagsama, maaaring makabuo ng maliit na yunit ng salita na tinatawagna morfema.
Ang Morfema mabubuo ay maaaring isang salitang-ugat, panlapi o morfemang fonema katulad ng fonemang /a/ na sa wika natin ay maaaring magpahiwatig ng kasariang pambabae.Morfoloji naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ngmga morfema. Samantala, kapag ang mga salita ay ating pinag-ugnay, maaari naman tayong makabuo ng mga pangungusap.
-Sintaks naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap. Kapag nagkaroon na ng makahulugang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit pang tao ay nagkakaroon na ng tinatawag na diskors
Ang wika ay sinasalitang tunog.
Hindi lahat ng tunog ay wika sapakat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakahulugang tunog na nalilikha natin at kung gayo’y kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat kung hindi man lahat ng pakakataon ay ang tunog na sinasalita. Samakatwid, ito ang mga tunog na nalilikha ng ating aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga o ang pinanggagalingan ng lakas o enerji, nagdaraan sa pumapalag na bagay na lumilikha ng tunog at minomodifay ng resonador.