4. Alamin natin!
Habang unti-unting binabago ng Renaissance ang lipunan at
kultura ng mga Europeo ang mga manlalayag naman ay
nakatuklas ng mga bagong lupain na nagpabago sa kabuhayan ng
mga tao.
5. At sa huling bahagi ng ika-15 na siglo ang mga Europeo ay walang takot na
nakipagsapalarang maglayag sa karagatan na nagbigay daan sa
kolonyalismo at siyang nagpabago kailanman sa mga lumang paniniwala at
pag-iisip ng mga tao ukol sa mga hindi pa nagagalugad na bahagi ng
mundo.
6. Sa modyul na ito ay malalaman mo at
mauunawaan ang mga pangyayari sa
kasaysayan ng daigdig ukol sa paglawak ng
kapangyarihan ng Europe.
7. Sa modyul na ito ay inaasahang mapag-aaralan
mo ang:
I. Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon
II. Paghahati ng Mundo
III. Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga
Lupain
IV. Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon
9. Noong ika-15 na siglo nagsimula ang eksplorasyon –
paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng
mga Europeo.
10. Naisakatuparan ng mga Europeo ang paglalakbay at
paghahanap ng mga lupain sa malawak na karagatan dahil na rin
sa:
1) kagustuhang malaman kung ano ang mga bagay na nasa
ibang panig ng mundo.
2) pagsuporta ng mga monarkiya (hari at reyna) sa mga
manlalakbay.
11. 3) pag-unlad ng mga sasakyang pandagat (Caravels) at
mga instrumentong ginagamit sa paglalayag katulad ng
compass – nagbibigay ng tamang direksyon at astrolabe –
na ginagamit naman upang sukatin ang taas ng bituin.
13. Isa ang Asya sa mga lugar na
naging kaakit-akit sa mga Europeo
dahil na rin sa napakaraming
mayayamang lugar dito ayon kay
Marco Polo na isang manlalakbay.
14. Sa kanyang aklat na “The
Travels of Marco Polo”
inilarawan niya dito ang
yaman at kaunlarang
taglay ng China.
15. Sa talang ito ni Marco Polo nakadagdag ito sa hangarin ng mga Europeo
na maghanap ng mga bagong ruta patungo sa Asya lalo pa at kontrolado
ng mga muslim ang mga rutang dinaraanan sa Kanlurang Asya at tanging
mga manganagalakal na taga-Italya (venetians) lamang ang pinapayagang
dumaan dito at makipagkalakalan sa silangan.
16. Ang eksplorasyon ang
nagbigay daan sa
kolonyalismo – ang
pagsakop ng isang
makapangyarihang bansa
sa isang mahinang bansa.
Ang panahon ng
eksplorasyon ang
naging hudyat sa
pagsisimula ng
paglawak ng
kapangyarihan ng
Europa.
17. TATLONG PANGUNAHING MOTIBO NG
KOLONYALISMO
1. Paghahanap ng kayamanan
2. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
3. Paghahanap ng katanyagan at karangalan
18. Portugal at Spain – Dalawang
bansa sa Europe na nagpasimula ng
paglalayag
at pagtuklas ng mga bagong lupain.
19. Kauna-unahang bansang Europeo na nanguna sa paglalayag dahil kay Prinsipe Henry na
binansagang “The Navigator” dahil sa naging pangunahing itong tagapagtaguyod ng mga
paglalayag sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa mga mandaragat.
PORTUGAL
20. Maliban sa paghahanap ng mga ginto ang mga
Portuguese ay naghanap rin ng spices –
ginagamit bilang pampalasa sa pagkain at pang-
preserba ng mga karne.
PORTUGAL
22. BARTOLOMEU DIAS
Noong Agosto 1488 natagpuan
niya ang pinakatimog na bahagi
ng Africa na naging kilala sa
katawagang Cape of Good
Hope.
23. Ang paglalakbay ni Dias ay
nagpakilala na maaaring
makarating sa Silangang Asya
sa pamamagitan ng pag-ikot sa
Africa.
BARTOLOMEU DIAS
24. Samantalang noong 1497 ay
apat (4) na sasakyang
pandagat ang naglakbay na
pinamumunuan ni Vasco da
Gama mula Portugal hanggang
sa India.
VASCO DA GAMA
25. Ang nasabing ekspedisyon ay
umikot sa Cape of Good Hope,
tumigil sa ilang mga trade post sa
Africa upang makipagkalakalan at
nakarating matapos ang 10 buwan
sa Calicut, India.
VASCO DA GAMA
26. Dito natagpuan niya ang mga
Hindu at Muslim na
nakikipagkalakalan ng mahuhusay
na seda, porselana at panlasa na
pangunahing kailangan ng mga
Portuges sa kanilang bansa.
VASCO DA GAMA
27. Hinimok niya ang mga
Asyanong mangangalakal na
magkaroon ng direktang
pakikipagkalakalan sa kanila
nguni’t di siya gaanong
nagtagumpay dito.
VASCO DA GAMA
28. Sa bansang Portugal ay kinilala
siyang isang bayani at dahil sa
kaniya ay nalaman ng mga
Portuges ang yaman na mayroon
sa Silangan at ganoon din ang
maunlad na kalakalan.
VASCO DA GAMA
30. Sa panig ng mga
Español, nagsimula ito
noong 1469 nang
magpakasal si Reyna
Isabella kay Haring
Ferdinand ng Aragon. Reyna Isabella
Haring Ferdinand
31. Sila ang sumuporta sa pagpapanatili
ng kapangyarihan ng mga dugong
bughaw sa Castille.
Sa kanilang paghahari rin nasupil
ang mga Muslim sa Granada at
nagwakas ang Reconquista.
32. Christopher Columbus
Isang Italyanong manlalayag na sinoportahan ni
Haring Ferdinand at Reyna Isabella ang kanyang
ekspidisyon papuntang India ngunit nakarating
sa mga isla ng Bahamas(Amerika) na inakala
niyang India at tinawag ang mga tao dito na
Indians.
1492
33. Christopher Columbus
Noong 1492 ay tinulungan siya ni Reyna
Isabella na ilunsad ang kaniyang unang
ekspedisyon na ang kaniyang adhikain ay
makarating sa India na ang gagamiting
daanan ay ang pakanluran ng Atlantiko.
34. Christopher Columbus
Ang kaniyang ekspedisyon ay nakaranas ng
maraming paghihirap gaya ng walang
kasiguraduhan na mararating nila ang
Silangan, ang pagod at gutom sa kanilang
paglalakbay, at ang haba ng panahon na
kanilang inilagi sa katubigan.
35. Christopher Columbus
Nguni’t naabot niya ang mga isla ng
Bahamas na sa kaniyang pagkakaakala
ay ang India dahil ang kulay ng mga taong
naninirahan ay gaya ng mga taga-India
kaya tinawag niya ang mga tao dito na
Indians.
36. Christopher Columbus
Tatlong buwan pa ang inilagi nila sa
kanilang paglalakbay hanggang maabot
nila ang Hispaniola (sa kasalukuyan ay
ang mga bansa ng Haiti at Dominican
Republic) at ang Cuba.
37. Christopher Columbus
Marami siyang natagpuang ginto dito na
makasasapat na sa pangangailangan ng
Espanya nguni’t sa tingin niya ay di pa rin
niya tunay na narating ang mga kilalang
sibilisasyon sa Asya.
38. Christopher Columbus
Pagbalik niya sa Espanya ay ipinagbunyi
siya sa resulta ng kaniyang ekspedisyon at
binigyan ng titulong Admiral of the Ocean
Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang
kaniyang natagpuan sa Indies.
39. Christopher Columbus
Tatlong ekspedisyon pa ang kanyang
pinamunuan bago siya mamatay noong
1506 at narating niya ang mga isla sa
Carribean at sa South America nguni’t di
pa rin siya tagumpay sa paghahanap ng
bagong ruta patungo sa Silangan
40. Kasunduan sa Tordesillas
Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga
ekspedisyon ng Portugal at Spain ay humingi sila ng tulong sa
Papa sa Rome upang mamagitan sa kanilang mga
paglalabanan.
1492
41. Kasunduan sa Tordesillas
Si Pope Alexander VI ang naglabas ng papal bull na
naghahati sa lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at
Spain.
1492
42. Kasunduan sa Tordesillas
Isang kasunduang naganap sa pagitan ng Spain at
Portugal na kung saan
pinaghatian nila ng lubusan ang bahagi ng mundo na di pa
nararating ng mga
Europeo.
1492
43. Kasunduan sa Tordesillas
Nakasaad dito na ang lahat ng mga matatagpuang kalupaan at
katubigan sa kanlurang bahagi ng line of demarcation (hindi nakikitang
linya sa gitna ng Atlantiko) ay para sa Spain at sa Silangan bahagi
naman ng linya ay sa Portugal.
1492
45. Amerigo Vespucci 1507
Isang Italyanong manlalayag na nakabatid na ang lupain na
napuntahan ni Columbus ay isang bagong kontinente na
tinawag na New World o Bagong Daigdig na kalaunan
pinangalanan ng mga gumawa ng mapa ng Bagog Daigdig
na “Amerika” na hango sa kanyang pangalan.
47. Ferdinand Magellan
1519
Ang kanyang paglalayag ay
ang unang pag-ikot sa mundo
at itinama nito ang lumang
kaalaman ng mga Europeo
na ang mundo ay patag.
48. Tukuyin kung ang mga
sumusunod na kaganapan ay
nangyari sa kaninong
manlalakbay o manlalayag.
49. Inikot niya ang Cape of Good
Hope at nakarating sa Calicut,
India