2. Talaan ng Paggamit ng Aklat
Paaralan: __________________________________________________________________
Purok: ____________________________________________________________________
Sangay: ___________________________________________________________________
Rehiyon: __________________________________________________________________
Kailan natanggap sa paaralan: _________________________________________________
Pangalan ng Humiram
(Pangalan ng Guro)
Kailan
Ipinahiram
Kondisyon Kailan Isinauli Kondisyon
Gamitin ang sumusunod na mga titik sa pagtatala ng kondisyon ng aklat:
A (Bago)
B (Gamit na ngunit maayos pa)
C (May kaunting sira)
D (Maraming sira)
3. Ingatan ang Iyong Aklat
Mga Dapat Gawin:
1. Pabalatan ang aklat ng plastik o manila paper. Maaari ding
gamitin ang lumang diyaryo o magasin.
2. Tiyaking malinis ang iyong kamay kapag binubuklat ang mga
pahina.
3. Sa unang paggamit ng aklat, ihiga ito at buklatin nang isa-isa
ang mga pahina. Bahagyang diinan ang bahaging pinagdikitan
ng mga pahina habang binubuklat.
4. Gumamit ng panandang papel o cardboard sa pagitan ng mga
pahina.
5. Idikit at ayusin ang mga punit na bahagi ng aklat.
6. Pag-ingatan ang aklat kapag ito ay hinihiram o pinapahiram.
7. Itago ang aklat sa malinis at tuyong lugar.
8. Ipagbigay-alam kaagad sa iyong guro kapag ito ay nawala.
Mga Di Dapat Gawin:
1. Huwag itupi ang mga pahina.
2. Huwag sulatan ang balat at mga pahina nito.
3. Huwag gupitin ang mga larawan dito.
4. Huwag punitin o pilasin ang mga pahina.
5. Huwag hayaang nakabukas ang aklat kapag hindi ito ginagamit.
6. Huwag gumamit ng lapis, bolpen, o iba pang makapal na bagay
sa pagitan ng mga pahina para pananda.
7. Huwag isiksik ang aklat sa bag na masikip.
8. Huwag gamitin ang aklat na pantakip sa ulo kapag umuulan.
9. Huwag upuan ang aklat.
4. ISBN: 978-971-9981-54-1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o
tumawag sa:
DepEd-Bureau of Elementary Education, Curriculum
Development Division
2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA)
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347
E-mail Address: bee-deped@pldtdsl.net,
bee_director@yahoo.com
6. 1
Yunit 1: Kamalayan sa Ating
Katawan
Modyul 1: Ang Katawan
Alam mo ba na kahanga-hanga ang ating
katawan?
Binubuo ito ng ulo, leeg, katawan, dalawang braso,
at dalawang hita.
7. 2
Kaya mong tumayo nang tuwid,
maglakad,
gamitin ang mga braso sa pagdadala
at pagbubuhat,
pagtulak, at paghila,
8. 3
at mga kamay sa paghawak at paghagis ng mga
bagay.
Makapagbibigay ka ba ng mga kilos na nagagawa
ng iba’t ibang bahagi ng iyong katawan?
Huwag mag-alala kung hindi mo pa kaya ngayon.
Pagkatapos ng modyul na ito, tiyak na magiging
masaya ka dahil magagawa mo na ang
sumusunod:
Makikilala at mailalarawan ang iyong ulo,
balikat, leeg, likod, dibdib, beywang, braso,
siko, pulso, kamay, daliri, tuhod, bukong-
bukong, paa, at talampakan.
Makalilikha ng mga hugis gamit ang kilos di-
lokomotor.
Makababalanse gamit ang isa hanggang
limang bahagi ng katawan.
Maililipat ang bigat ng katawan.
9. 4
Handa ka na bang magsimula?
Tingnan ang larawan at pagdugtungin ng linya ang
bahagi ng katawan at ang pangalan nito.
ulo
pulso
kamay
daliri
katawan
braso
Arms
leeg
Torso
k
dibdib
balikat
balakang
paa
tuhod
hita
10. 5
Sa pagpapalakas ng katawan, hinati sa apat na
bahagi ang ehersisyo.
Simulan sa ulo at igalaw ang leeg, pataas, pababa,
pakaliwa at pakanan.
Kasunod ay ang katawan, igalaw ang dibdib
pababa sa beywang,
Sa itaas na bahagi, itaas ang kanan at kaliwang
kamay at braso,
Sa ibabang bahagi, igalaw ang kanan at kaliwang
hita.
11. 6
Natatandaan mo ba ang awiting ‖Paa,Tuhod?‖
Lalapatan natin ng kilos ang awiting ito.
Panimulang Posisyon: Pagdikitin ang mga Paa.
Awitin at gawin ang bilang 1-4 ng tatlong beses.
1. Paa Ituro sa harapan ang kanang
paa.(gawin din ito sa
kaliwang paa)
2. Tuhod Pagdikitin ang
kanan at kaliwang
tuhod at ibaluktot.
3. Balikat Paikutin ang mga balikat.
4. Ulo Igalaw ang ulo,iunat
ang leeg-pataas,
pababa, pakaliwa
at pakanan.
5.Magpalakpakan
tayo.
Ipalakpak ang dalawang
kamay.
12. 7
Ano ang masasabi mo sa gawain?
Nais mo bang lumikha ng sarili mong kilos para sa
awit?
Awiting muli ang kanta at lumikha ng kilos.
Nasiyahan ka ba?
Gawain 1- Kilos ng Katawan
Panuto: Iguhit ang kilos o ilarawan ang kilos na
nalikha mo para sa awit.
1. Paa
2. Tuhod
3. Balikat
4. Ulo
(ULITIN ANG 1-4 NG TATLONG BESES)
5. Magpalakpakan tayo.
13. 8
Gawain 2 - Mga Bahagi ng Katawan
Panuto: Iguhit o gumupit at idikit ang larawan ng
iyong katawan sa loob ng kahon. Isulat ang
pangalan ng bawat bahagi.
14. 9
Gawain 3 - Hugis ng Katawan
Panuto: Gamitin ang mga bahagi ng katawan
upang makabuo ng hugis. Ipakita ito.
1. Siko
2. Beywang
3. Ulo
4. Paa
5. Daliri
15. 10
Gawain 4 - Katawang Tulay
Panuto: Tuklasin ang iba’t ibang paraan kung
paanong ang katawan ay magagamit na tulay sa
tulong ng paggawa ng mga hugis gamit ang iyong
katawan.
1. Malapad na tulay 4. Mahabang tulay
2. Makitid na tulay 5. Mababang tulay
3. Maigsing tulay 6. Mataas na tulay
Ilan sa mga tulay na ito ang nagawa mo?
Bigyan ng grado ang sarili sa pamamagitan ng
paglagay ng () sa kahon.
Pagpapayamang Gawain:
Maaring gawin ang tulad ng nasa itaas nang:
1. May kapareha
2. Pangkatan
Nagawa
nang tama
ang 5-6 na
tulay sa loob
ng 5 minuto
Nagawa
nang tama
ang 4 na
tulay sa loob
ng 5 minuto
Nagawa
nang tama
ang 3-2
tulay sa
loob ng 5
minuto
Nagawa
nang tama
ang 1 tulay
sa loob ng
5 minuto
16. 11
Gawain 5 – Pagbalanse ng Katawan
Panuto: Subukan ang sumusunod na kasanayan sa
pagbalanse.
Dalawang braso, isang hita
isang braso, dalawang
hita.
Pagtayo sa isang paa na
nakataas ang dalawang
braso at pantay ang
balikat.
17. 12
Mula sa patayong posisyon, itaas nang bahagya
ang isang paa sa unahan,tagiliran, at likuran.
Pagdikitin ang mga paa at igalaw ang katawan,
pakanan, pakaliwa, papunta sa unahan at likuran.
18. 13
Gawain 6 - Pagbabalik-Kaalaman
Panuto: Pag-ugnayin ang bahagi ng katawan sa
kilos na kayang gawin nito. Maaaring mag-ulit ng
sagot.
1. Braso
2. Hita
3. Ulo
4. Balikat
5. Katawan
6. Kamay
7. Paa
19. 14
Modyul 2: Awiting May Kilos
Alamin ang awit at lumikha ng kilos batay sa sinasabi
ng awit.
Unang awit Kilos
Malalim,malawak,
Malalim,malawak.
May bangka sa isang
dagat.
Mataas,mababaw
Mataas,mababaw,
May Bangka sa isang
dagat.
Malalim,malawak,
Mataas,mababaw,
May mga bangka sa
isang dagat.
20. 15
Ikalawang awit Kilos
Bip, bip, maliit na dyip
Tumatakbo sa daan
Hinto, tingin, makinig ka
Hinto, tingin, makinig ka
Bip, bip, maliit na dyip
Tumatakbo sa daan
21. 16
Gawain 7 - Paggaya sa mga Kilos o Galaw
Panuto: Tingnan ang larawan at gayahin ang galaw
nito.
Paano mo naisagawa ang mga kilos? Bilugan ang
iyong grado.
Pinakamagaling Magaling
Di gaanong magaling Di magaling
22. 17
Gawain 8 - Karera ng Hayop
Panuto:
1.Magpalabunutan ang bawat pangkat kung anong
hayop ang isasakilos.
2.Ang bawat kasapi ng pangkat ay gagayahin ang
kilos ng hayop mula sa panimulang guhit pa ikot
sa poste.
3.Pagbalik ng naunang manlalaro ay susunod
naman ang ikalawa hanggang matapos ang lahat
ng kasapi ng pangkat.
4.Ang unang matatapos ang mananalo.
Pangkat 1 Pangkat 2
Halimbawa : pilay na aso alimango
Panimulang Guhit
pakurba
tuwid
sigsag
pakanan
pakaliwa
Katapusan ng Guhit
Iguhit ang iyong damdamin matapos ang laro.
23. 18
Gawain 9 - Pagbabalik Kaalaman
Panuto: Ipakita kung paano gumagalaw ang
sumusunod
1. Tren
2. Ahas
3. Raket
4. Kamay ng orasan
5. Escalator
6. Elevator
7. Kangaroo
8. See-saw
24. 19
Modyul 3: Tiwala sa Sarili
Ano ang nais ipahiwatig ng larawan sa itaas?
Makapagbibigay ka ba ng gawaing nagawa mo
na?
Mahilig ka bang maglaro?
Alam mo ba na ang paglalaro at pakikilahok sa
mga gawaing pisikal ay mabuti sa iyong kalusugan?
Halika! Magsuot ng damit panlaro.
Handa ka na ba?
25. 20
Gawain 10 - Pagkilala sa Mga Direksiyon
Panuto: Tingnan ang orasan. Pag-aralan ang bilang
at ang katumbas nitong direksiyon.
Hamon 1: Isipin na ikaw ay nakatayo sa gitna ng
orasan at nakaharap sa hilaga(12:00).
Sa hudyat ng guro, gawin ang sumusunod:
Humarap sa silangan na kinaroroonan ng
palengke .Humarap muli sa hilaga.
Humarap sa kaliwa sa kinaroroonan ng
palaruan. Humarap muli sa hilaga.
Umikot sa kanan paharap sa iyong bahay.
Ipagpatuloy ang pag-ikot sa kanan hanggang
mapaharap sa hilaga sa kinaroroonan ng iyong
paaralan.
HILAGA
KANLURAN SILANGAN
TIMOG
12
9
6
3
26. 21
Gawain 11 - Awiting May Kilos
Panuto: Pag-aralan ang awit . Hahatiin kayo ng
guro sa 3-4 na pangkat.
Hamon 2: Sampung Batang Pilipino
Tono: (Ten Little Indian Boys)
Isa ,dalawa,tatlong Pilipino
Apat, lima anim na Pilipino
Pito, walo, siyam na Pilipino
Sampung batang Pilipino.
Sila’y lumundag, bangka ay tumaob
Sila’y lumundag, bangka ay tumaob
Sila’y lumundag, bangka ay tumaob
Sampung batang Pilipino.
Tinawid ang ilog at nagtayo ng kubo
Tinawid ang ilog at nagtayo ng kubo
Tinawid ang ilog at nagtayo ng kubo
Sampung batang Pilipino.
Sumayaw sila at sumigaw ng MABUHAY
Sumayaw sila at sumigaw ng MABUHAY
Sumayaw sila at sumigaw ng MABUHAY
Sampung batang Pilipino.
27. 22
Gawain 12 - Payak na Sayaw
Panuto: Ituturo ng guro ang sayaw. Pag-aralan ang
mga salitang gagamitin ng guro sa sayaw.
Unahan at likuran
Saludo
Pagpalakpak ng kamay at ng sa kapareha
I-swing ang kapareha
Pag-ikot pakanan at pakaliwa
Gawain 13 – Pagbabalik- Kaalaman
Panuto: Ibigay ang nawawalang letra upang mabuo
ang tamang salita.
1. Ang araw ay sumisikat sa __ I L A N G A N.
2. Lumulubog ang araw sa K __ N L U R A N.
3. Matatagpuan ang Baguio sa H __ L A G A .
4. Ang Bulkang Mayon ay nasa T __M O G.
5. P A __K O T ang galaw ng mga kamay ng
orasan.
28. 23
Yunit 2: Pag-alam sa Espasyong
Gagalawan
Modyul 4: Pag-alam sa Pansarili at
Panlahat na Espasyo
Masdan ang mga larawan at gayahin.
Yumuko sa harapan, iunat ang mga binti,
paikutin ang beywang Ipaling sa kanan at kaliwa
at paikutin pakanan at pakaliwa
29. 24
Ang mga kilos na iyong ginawa ay mga kilos di
lokomotor. Ito ay kilos na isinasagawa nang hindi
umaalis sa lugar o espasyo. Maaari mo itong gawin
sa kahit anong bahagi ng katawan mo habang
nakatayo, nakaupo, nakaluhod, o nakahiga.
Tingnan ang larawan sa ibaba at sabihin kung ano
ang ginagawa nila.
Ilan ang naglalakad? ___
Ilan ang tumatakbo? ___
Ilan ang lumulundag? ___
Ang mga nabanggit na kilos ay ilan lamang sa
kilos-lokomotor. Ang kilos lokomotor ay maaaring
gawin sa panlahat na espasyo o kahit saang pook
na maaari mong galawan.
Ang mga kilos lokomotor ay paglakad,
pagtakbo, paglundag, pagpapadulas, pag-igpaw,
paglukso at pagkandirit.
30. 25
Handa ka na bang tuklasin ang pansarili at
panlahat na espasyo gamit ang iba’t ibang gawain
sa modyul na ito?
Matapos isagawa ang mga gawaing ito, ikaw
ay:
Makakikilos kasama ang mas malaking
pangkat nang hindi kayo
nagkakabanggaan o bumabagsak habang
nagsasagawa ng ibang kilos lokomotor
Maglalakbay sa tuwid, paliko, mataas, at
mababang lebel
Maisasagawa ang kilos lokomotor gaya ng
paglakad, pagtakbo, paglukso, paglundag,
at pag-igpaw
Makalilikha ng kilos habang umaawit.
Masisiyahan sa mga karaniwang laro.
31. 26
Gawain 14 - Pakiusap, Walang Bungguan
Panuto: Gawin ang sumusunod na gawain nang
hindi kayo nagkakabungguan ng iyong kamag-aral.
Unang hamon: Lumakad, tumakbo, lumundag,
umigpaw nang mabagal, katamtaman, at mabilis
sa alinmang direksiyon.
Pangalawang hamon: Maglakad sa tuwid, paliko,
at pasigsag na daan na may mataas at mababang
lebel.
Paano mo susukatin ang iyong kakayahan matapos
isagawa ang mga gawain?
Bilugan ang salitang angkop sa iyong ginawa.
Pinakamagaling Magaling
Di gaanong magaling Di magaling
32. 27
Gawain 15 - Mapa ng Kayamanan
Nakakita ka na ba ng mapa?
Ano ang impormasyon na makikita dito?
Magagamit ba ito sa paghahanap ng isang
natatagong kayamanan?
Panuto : Pakinggang mabuti ang panuto ng guro.
1 Bumuo ng pangkat na may 4-5 kasapi.
2 Pumili ng lider.
3 Kunin ng lider ang mapa sa guro.
4 Pumila ang mga kasapi ng pangkat sa likuran
ng lider.
5 Gayahin ng mga kasapi ang lahat ng kilos ng
lider.
6 Sa hudyat, gagamitin ng lider ang mapa
upang makita ang nakatagong kayamanan.
Unang kard
Kunin ang kayamanan na sinusundan ang daan sa mapa. Gayahin ang galaw ng
eroplano
33. 28
Nakita ba ninyo ang kayamanan?
Paano ninyo naisagawa ang paghahanap gamit
ang mapa?
Pinakamagaling
Magaling
Di gaanong magaling
Di magaling
Pangalawang kard
Magsimula rito
Katapusanng linya
5 beses maghula hoop lumakad sa
ilalim ng
mababang tulay
Lumundag sa ibabaw magpadulas
ng patpat
34. 29
Gawain 16 - Pagbabalik – Kaalaman
Panuto: Bilugan ang letra ng wastong sagot.
1. Pagdaan o pag-ikot (rotonda)
A. tuwid B. paliko C. sigsag
2. Pagtawid sa tulay
A.
B.
C.
D.
A. tuwid B. paliko C. sigsag
3. Pag-iwas sa mga sagabal
A. tuwid B. paliko C. sigsag
Bilang ng tamang sagot : ___3 ___2 ___ 1
35. 30
Modyul 5: Nakalulugod na mga Payak na
Laro
Kayo ba ay mahilig maglarong mag-isa o
makipaglaro sa isang kaibigan o sa isang pangkat
ng mga kaibigan?
Ang paglalaro ay nakatutulong upang maging
malakas ang iyong katawan.
Lagyan ng () ang larong nasubukan mo na.
Ilang laro ang nasubukan mo na? _____________
Isulat ang larong naiibigan mo._________________,
________________,________________, ______________.
)
36. 31
Gawain 17 - Hilahan ng mga Bahagi ng
Katawan
Panuto: Ang bawat manlalaro ay maaaring hilahin o
tapikin gamit ang kamay. Pakinggan ang guro.
Sasabihin niya ang bahaging hihilahin o tatapikin.
Kung ikaw o ang bahagi ng katawan mo ang
natapik, maghintay na ikaw ay tapikin ng iyong
kakampi.
Maaaring tapikin o hilahin ang…..
1. Kanan at kaliwang kamay
2. Kanan at kaliwang siko
3. Kanan at kaliwang tuhod
4. Kanan at kaliwang
balakang
37. 32
Gawain 18 - Karera sa Pagtakbo
Panuto: Makinig nang mabuti sa panuto ng guro.
Unang Hamon : Isahang Karera
Pumili ng kamag-aral para sa unahan sa pagtakbo.
Itatakda ng guro ang distansiya.
Mula sa 3 hamon, ilang beses ka ng nanalo?____
Ikalawang Hamon: Pangkatang Karera
Bumuo ng pangkat na may 5 kasapi . Tumayo nang
magkakalapit sa isa’t isa . Sa hudyat, tatakbo ang
unang manlalaro at iikot sa bilog. Babalikan ang
ikalawang manlalaro at iikot muli. Gagawin ito
hanggang sa ikalimang manlalaro.
Ang unang matatapos ang panalo.
38. 33
Panuto: Magpapatugtog ang guro ng musika na
isasayaw mo. Galingan mo ang pagsayaw. Malay
mo, baka ikaw ang manalo.
Gawain 19 - Pagbabalik – Kaalaman
Panuto: Balikan ang mga larong alam mo. Sagutan
ang sumusunod. Bilugan ang letrang iyong sagot.
Maaaring mahigit sa isa ang sagot.
1. Ano ang gagawin mo upang di ka maging taya?
a. Tumakbo nang mabilis.
b. Mabagal at iba ang direksiyon.
2. Anong bahagi ng katawan ang maaaring
hawakan para mataya?
a. kamay b. siko
3. Ano ang kailangan para manalo sa isang karera?
a. bilis b. direksiyon
4. Ano ang ginawa ng inyong pangkat para
magwagi sa isang laro?
a. kanya-kanya b. pagkakaisa
5. Ano ang nadama mo matapos manalo sa laro?
a. masaya b. malungkot
6. Ano ang nadama mo noong natalo kayo?
a. masaya b. malungkot
39. 34
Yunit 3: Mapaglikhang Paggalugad
Gusto mo bang makagalaw na may hawak na
bagay tulad ng nasa itaas na larawan? Maaaring
mahirap sa una subalit kapag madalas at wasto ang
gawain, ito’y matututuhan din hanggang sa maging
perpekto. Subukin ang mga gawaing kabilang sa
susunod na aralin, magagawa mo at
maisasakatuparan ang sumusunod:
Makagalaw nang mabagal, mabilis, at
nagpapakita na may hawak na mabigat at
magaan;
Maunawaan ang pagkakaiba ng
malaya at di malayang paggalaw;
40. 35
Maisagawa ang mga larong may
kaugnayan sa gawain habang umaawit;
Makilahok sa mga payak o simpleng laro
na may kapareha at may hawak na bagay o
gamit; at
Makilahok sa masasaya at mahihirap na
gawaing pampalakas ng katawan.
Modyul 6: Mga Ritmo
Naaalala mo ba kung gaano ka kasaya kapag
naglalaro? Naisip mo bang maging isang diwata,
superhero, alagang hayop, bulaklak, paruparo,
eroplano, makina, at iba pang nilikha dahil sa iyong
malikhaing imahinasyon?
Paganahin ang iyong imahinasyon upang magawa
ang mga susunod na pagsasanay.
Gawain 20 – Madramang Ritmo
Panuto: Lumikha ng galaw sa saliw ng musika na
nagsasakilos ng sumusunod. Gumalaw nang
mabagal o mabilis, galaw na nagpapakita na may
magaan o mabigat na dala sa isang maluwag o
masikip na espasyo.
1. Pagtatayo ng bahay
2. Pagpapalipad ng saranggola
3. Paglalakbay sa kalawakan
4. Pagbibigay-kahulugan kina Darna, Dyesebel,
Captain Barbel, Panday, at Lastikman
41. 36
Gaano mo kahusay na naisagawa ang gawain?
Iguhit o ilarawan ang iyong damdamin sa
kuwaderno.
Gawain 21 – Malikhaing Ritmo
Panuto: Magdala ng isang lobo, maliit na bola, laso,
pamaypay, o anumang bagay na maaari mong
gamitin sa gawaing ito.
Iguhit ang ginawa mong galaw kasama ang bagay
na iyong dinala.
Mabagal ba o mabilis ang ginawa mong galaw?
42. 37
Naipakita mo ba ang paggalaw na may mabigat o
magaang dala?
Paano ka gumalaw kapag magaan ang dala mo?
Kung mabigat naman?
Ano ang naramdaman mo sa gawaing ito?
___ Pinakamagaling ___ Magaling
____ Di gaanong Magaling _____Di Magalaing
Gawain 22 – Awiting may Kilos
Panuto: Alalahanin ang awit na ―Magtanim ay Di
Biro‖
Unang Hamon : Lumikha ng kilos para sa awit.
Magtanim ay Di Biro
Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di naman makatayo
Di naman makaupo
(Ulitin)
Halina, halina mga kasama
Tayo'y magsipag-unat-unat
Magpanibago tayo ng lakas
Para sa araw ng bukas.
43. 38
Pangalawang Hamon: Kumuha ng kapareha at
lumikha ng sariling tono ng awit. Palitan ang salitang
may salungguhit at bigyan ng kaukulang kilos.
Ano ang naramdaman mo sa gawaing ito?
___ Pinakamagaling ___ Magaling
____ Di gaanong Magaling _____Di Magalaing
Gawain 23 – Pagsusuri sa Natutuhan
Panuto: Tingnan ang mga larawan at sabihin kung
ang galaw ay mabagal, mabilis o nagpapakita na
may magaan o mabigat na dala.
______________________________ ___________________________
______________________________ ___________________________
44. 39
Yunit 4: Mga Larong
Pangkalusugan at Pangkasayahan
Anong mga laro ang madalas ninyong ginagawa ng
iyong mga kaibigan at kamag-aral?
45. 40
Sa yunit na ito:
Ipakikita mo ang ibig sabihin ng nasa ilalim,
nasa ibabaw, nasa likod, nasa tabi, nasa
pagitan, kanan, kaliwa, pataas, pababa,
pasulong, paatras, at nasa harap, sa
pamamagitan ng paggamit ng katawan at
bagay.
Tatalon ka nang sunod-sunod at ilang ulit sa
ibabaw ng isang bagay na hindi gumagalaw,
gamit ang kilos na pasulong-paatras at
patagilid.
Makikilahok ka sa mga payak o simpleng
pangkatang laro.
Masisiyahan ka sa pakikilahok sa mahihirap na
gawaing pisikal.
Gagalaw ka nang mabagal at mabilis habang
may hawak na bagay, at maipakikita ang
kilos kapag may magaan o mabigat na dala.
Makaaawit ka ng habang naglalaro.
Makikilahok ka sa mga payak o simpleng laro na
may kapareha at gumagamit ng mga bagay.
46. 41
Modyul 7: Pagsunod sa mga Babala
Ano ang ibig sabihin ng mga babala na nasa
itaas?
Saan mo ito kadalasang nakikita?
Bakit mahalagang sundin ang mga babala?
Tama ka kapag sinabi mong, ang pagsunod sa
mga babala ay nakatutulong upang maiwasan ang
aksidente, maisaayos ang mga bagay, at mapanatili
ang kapayapaan at kaayusan.
47. 42
Gawain 24 – Sabihin kung Ano
Panuto: Tingnan ang mga larawang ipapakita ng
guro at ibigay ang kahulugan ng mga ito.
1. Kulay
_________ _________ _________
2. Panturong direksiyon
_________ _________ _________ _________
3. Simbolo
__________ ________ ___________ _________
Pula Dilaw Berde
48. 43
Gawain 25 – Pasahang Bola sa Itaas at
Ibaba
Panuto: Sa larong ito, kayo ay magpapangkat-
pangkat.
Makinig sa panuto ng guro. Kailangan ng bola ng
bawat pangkat. Gagawa kayo ng isang hanay.
Tingnan ang larawan sa ibaba.
Ang mga manlalaro ay nakatayo sa likod ng
bawat isa.
Ang unang manlalaro ng bawat hanay ay may
hawak ng bola.
Kung narinig ang hudyat, ipapasa ng unang
manlalaro sa ikalawang manlalaro ang bola.
Ipapasa ito sa itaas ng ulo.
1 2
3 4
49. 44
Ipapasa naman ng ikalawang manlalaro ang
bola sa ikatlong manlalaro. Ipapasa ito sa
ibaba, sa pagitan ng dalawang hita. Ipapasa
naman ng ikatlong manlalaro sa susunod na
manlalaro sa itaas ng ulo. Samakatuwid,
halinhinan ang paraan ng pagpapasa.
Hahawakan ng huling manlalaro ang bola sa
itaas ng kanyang ulo upang ipakitang tapos nila
ang laro.
Gawain 26 – Lumukso sa Patpat at Hula
Hoop
Panuto : Kumuha ng kapareha. Tumayo nang
magkatabi at gawin ang sumusunod na gawain.
Tingnan ang larawan sa ibaba.
50. 45
Hawakan ang kamay ng kapareha.
Sabay na lumukso nang pasulong at paatras sa
unang patpat.
Muling lumukso pasulong sa una at ikalawang
patpat. Pagkatapos, lumukso nang paurong sa
ikalawang patpat.
Lumukso sa loob ng hula hoop, bitawan ang
kamay ng kapareha at umikot paharap sa
simulang guhit.
Pulutin ang hula hoop at sabay na lumabas sa
loob nito. Lumukso pabalik sa una at ikalawang
patpat hanggang makarating sa simulang
guhit.
Ilang beses kayong lumukso ng iyong kapareha?
Naisagawa ba ninyo nang sabay ang gawain?
51. 46
Gawain 27 – Mga Gawaing Gumagamit
ng Laso at Lobo
Panuto:
Gawing Mag-isa:
1. Lumikha ng iba’t ibang hugis gamit ang laso.
Gamitin ang mabagal at mabilis na galaw ng
braso sa paglikha ng iba’t ibang hugis.
Gawin nang may kapareha :
1. Hawakan ang lobo ng dalawang kamay.
Magkahiwalay ang mga paa.
2. Ipasa ito paitaas sa iyong kapareha.
Ganoon din ang gagawin ng iyong kapareha.
Maaring ipasa ito gamit ang ;
siko-sa-siko
tuhod-sa-tuhod
ulo-sa-ulo
Nagawa mo ba ito? _________ Oo. ________ Hindi.
Nasiyahan ka ba sa gawain?______ Oo. _____ Hindi.
8
52. 47
Modyul 8 – Mga Larong may Awit
Anong laro ang pinakagusto ninyong
magkakaibigan? Naaalala mo ba ang mga awit na
may kilos o action song na inyong kinagigiliwan?
Ano namang laro na may bilang o number games
ang gusto ninyo?
Ang larong ―Sino ang Ibong Dumapo sa Sanga‖
ay masayang laro . Maari mo itong laruin sa
tahanan kasama ng pamilya o sa paaralan. Bago
magsimula ang laro, bibigyan ng bilang ang bawat
manlalaro ng ayon sa pagkakasunod-sunod nito.
Tatayo nang pabilog ang mga manlalaro.
53. 48
Gawain 28 - “Sino ang Ibong Dumapo sa
Sanga?”
Panuto: Pag-aralan ang paraan sa paglalaro.
Pumili ng lider na siyang magsisimula ng laro.
Gagawa siya ng kilos at tunog na may ritmo,
halimbawa, pagpalakpak at pagtapik sa hita.
Sabihin:‖Sino ang ibong dumapo sa sanga?‖
Sasabihin ng guro na si Ibon 1 ang dumapo sa
sanga.
Sasagot ang batang si Ibon 1 ―Sino? Ako ba ?
Ang lahat ng manlalaro ay sasagot nang sabay-
sabay, ―Oo ikaw nga.‖
Sasagot ang batang si Ibon 1, ―Pero, hindi ako.‖
Sasagot nang sabay-sabay ang manlalaro ‖Kung
hindi ikaw, sino?‖
Muling sasagot si Ibon 1, ‖Si Ibon 2 ang dumapo sa
sanga.‖
Ituloy ang pagsasagawa ng laro hanggang sa
makapagsalita ang lahat ng manlalaro.
Layunin ng larong ito na magkaroon ng patuloy na
ritmo o tuloy-tuloy na pagsasalita ang mga
manlalaro.
Subukin Mo
Nasiyahan ka ba sa laro? Iguhit ang iyong
damdamin sa sagutang papel.
54. 49
Gawain 29 - Sawsaw Suka Mahuli Taya
Panuto: Makilahok sa larong ito upang masubukan
kung gaano ka kabilis tumugon.
Sawsaw Suka Mahuli Taya
Binubuo ang laro ng isang ‖taya‖ at mga manlalaro.
Sabay-sabay silang aawit ng, ―sawsaw suka mahuli
taya.‖
Habang nakabukas ang isang palad ng taya at
nakasawsaw ang mga hintuturo ng mga manlalaro.
Pagkatapos ng awit, isasara ng taya ang kanyang
palad upang makahuli ng mga daliring nakasawsaw
dito. Ang mahuling daliri ang susunod na magiging
―taya.‖
55. 50
Gawain 30 – Pagsukat sa Kaalaman
Gumuhit ng berdeng kahon kung ikaw ay sang-
ayon at pulang kahon kung di sang-ayon sa
sagutang papel.
Nagtago ang bata
sa ilalim ng mesa.
Sa babala sa trapiko,
ang ibig sabihin ng pula
ay ―GO.‖
Ang ―Sawsaw Suka
Mahuli Taya‖ ay
sumusukat ng iyong
memorya.
Tawiran ang ibig sabihin
ng babalang Pedestrian
Crossing
Malilikha ng laso ang
ganitong hugis sa
pamamagitan nang mabilis
na galaw ng mga braso.
8
57. 52
YUNIT 1. TAMANG PAGKAIN
Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay
sarisari
Singkamas at talong,
sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.
Kundol, patola, upo't
kalabasa
At saka mayroon pa,
labanos, mustasa,
Sibuyas, kamatis, bawang,
at luya
Sa paligid-ligid ay puno ng
linga.
58. 53
Anong mga pagkain ang nakapagpapalusog sa
atin?
Subukin Natin
A.Gumuhit ng kahon sa kuwaderno at kulayan ng;
berde kung ang pagkain ay mula sa
halaman.
pula kung mula sa hayop.
1. Saging
2. Manok
3. Keso
4. Gatas
5. Mais
59. 54
B. Isulat sa kuwaderno ang bilang ng mga
pagkaing pampalusog.
1. 2.
french fries prutas
3. 4.
tinapay ice candy
5.
Lollipop
C. Iguhit ang sa sagutang papel kung ang
tinutukoy ay dulot ng masustansiyang pagkain.
Iguhit ang kung ito ay dulot ng hindi
masustansiyang pagkain.
1. Makinis na balat
2. Bulok na ngipin
3. Pagtangkad
4. Mahinang katawan
5. Sobrang timbang ng bata
60. 55
D. Tingnan ang mga larawan.
Isulat ang letra ng mga pagkaing
pampalusog. Gawin sa papel.
1.
tubig soda
2.
repolyo hotdogs
3.
Cake pineapple
4.
sopas kape
5.
Pizza mga prutass
61. 56
Aralin 1. Pagkaing mula sa Halaman at Hayop
Pag-aralan Natin:
Gawain 1: Mula sa Halaman o sa Hayop?
Lagyan ng berdeng tsek () ang bilang kung mula
sa halaman.
Lagyan ng pulang tsek () ang bilang kung mula sa
hayop. Gawin sa kuwaderno.
1. 2. 3.
5. 6.
4.
7. 8. 9.
62. 57
Gawain 2: Mula sa Halaman o sa Hayop?
Isulat ang bilang 1 kung ang pagkain ay mula sa
halaman at 2 kung sa hayop.
Gawin sa hiwalay na papel.
Tandaan:
ANG MGA HALAMAN AT HAYOP
AY NAGBIBIGAY SA ATIN NG PAGKAIN
63. 58
Aralin 2: Masustansiya o Hindi Masustansiya?
Gawain: Masustansiya o Hindi Masustansiya
Lagyan ng tsek () ang masustansiyang pagkain.
Lagyan ng ekis (X) ang hindi masustansiyang
pagkain. Gawin sa papel.
Tandaan:
Kumain ng masustansiyang pagkain,
kailangan ito ng ating katawan!
64. 59
Aralin 3: Kumakain Ka ba sa Tamang Oras?
Pag-aralan Natin
Gawain 1: Gustong-gusto Kong Mag-almusal
Lahat tayo ay dapat mag-almusal.
Ito’y nagpapalaki, nagpapasigla at
nagpapatalino.
_________ ang paboritong almusal ko.
Sumasaya ang araw ko.
Gawain 2: Masayang Mag-almusal
Mag-unahan tayo sa pagkuha ng mga
masustansiyang pagkain sa ating Breakfat Mobile
65. 60
Gawain 3: Gustong-gusto Kong Magtanghalian
Pumili ng apat na pagkain na gusto mo para sa
tanghalian.Isulat ang letra sa papel.
66. 61
Gawain 4: Gustong-gusto Kong Mag-hapunan
Sipiin ang letra sa kuwaderno ng larawan na
angkop na pagkain sa hapunan.
Larawan Letra
G
G
I
T
M
67. 62
Gawain 5: Bigyan Mo Ako ng Tubig
Ano ang iniinom niya?
ANG TUBIG AY KAILANGAN UPANG SUMIGLA
ANG KATAWAN!
68. 63
Gawain 6: Masustansiya ang Gatas
Ngipin ko’y tumitibay
Buto ko’y lumalakas
Dahil sa palaging
Pag-inom ng gatas
69. 64
Gawain 9: Masustansiyang Pagkain o Sitsirya?
Lagyan ng tsek () ang masustansiyang pagkain.
Lagyan ng ekis (X) ang hindi masustansiyang
pagkain. Gawin sa inyong kuwaderno.
_________1.
bananacue
_________2. rice cake
_________3. potato chips
_________4. gata
_________5. cola/soda
Tandaan:
IWASAN ANG SOFTDRINKS AT MGA SITSIRYA.
70. 65
Gawain 10: Piliin kung ano ang dapat nating kainin.
Lagyan ng tsek () kung dapat ba nating kainin.
Lagyan ng ekis (X) kung hindi dapat kainin.
Gawin sa inyong kuwaderno.
Tandaan:
SA BAWAT KAGAT,
TAMANG PAGKAIN ANG DAPAT.
71. 66
Aralin 4: Tandaan ang Wastong Gawi
Pag-aralan Natin
Gawain 1: Bakit kailangang gawin ang wastong
gawi sa hapag-kainan?
Wastong gawi sa hapag-kainan
1. Maghugas ng kamay
bago kumain.
2. Umupo nang maayos.
3. Mag-usap tungkol sa
magagandang bagay
habang kumakain.
4. Magsabi ng "pakiusap‖
kapag nagpapaabot ng
pagkain.
5. Iwasang magsalita kung
may laman ang bibig.
6. Nguyain ang pagkain nang
nakasara ang bibig.
7. Kumain nang dahan-dahan upang malasahang mabuti
ang pagkain.
72. 67
Ang Aking Pangako
Wastong gawi sa hapag-kainan,
sa loob ng isang araw dapat isakatuparan.
Gagawin ko ito araw-araw,
nang ako’y magkaroon nang wastong gawi
sa hapag-kainan.
Lagda ng Magulang
_______________________
Tandaan
1. Maghugas ng kamay bago kumain.
2. Umupo nang maayos.
3. Mag-usap tungkol sa magagandang bagay
habang habang kumakain.
4. Magsabi ng "pakiusap‖ kapag nagpapaabot
ng pagkain.
5. Iwasang magsalita kung may laman ang
bibig.
6. Nguyain ang pagkain nang nakasara ang
bibig.
7. Kumain nang dahan-dahan upang
malasahang mabuti ang pagkain.
73. 68
Pagtataya
A. Halaman o Hayop?
Isulat sa kuwaderno ang Hn kung ang pagkain ay
mula sa halaman.
Isulat ang Hp kung ang pagkain ay mula sa hayop.
___________1. isda
___________2. itlog
___________3. carrot
___________4. mais
___________5. manok
B. Pampalusog o Hindi Pampalusog?
Isulat ang tsek() kung nagpapalusog ang pagkain
at ekis (x) ang hindi .Gawin sa sagutang papel.
gatas lollipop doughnut soda
isda carrot
74. 69
C. Iguhit sa sagutang papel ang iyong sagot.
1. Aling pagkain ang dapat kainin sa almusal?
2. Aling pagkain ang dapat kainin sa tanghalian?
3. Aling prutas ang dapat kainin sa almusal?
4. Aling inumin ang angkop sa mga bata?
5. Alin ang dapat kainin sa hapunan?
75. 70
D. Sino ang may wastong gawi sa hapag kainan?
Iguhit ang sa papel.
Nanalo ako sa
paligsahan!!!
77. 72
Gusto mo bang maging malusog?
Subukin Natin
A. Alin ang larawang nagpapakita ng wastong gawi
sa kalusugan?
Isulat ang letra ng angkop na larawan sa
kuwaderno.
A B C D
E F G H
I J
78. 73
B. Isulat ang letra ng angkop na larawan sa
kuwaderno.
1. Ginagamit sa paghuhugas ng paa.
A. B. C.
2. Tinatakpan ang bibig kapag umuubo.
A. B. C.
3. Ginagawa pagkatapos gumamit ng
palikuran.
A. B. C.
4. Ginagawa pagkagising.
A. B. C.
5. Ginagamit pagkatapos maligo.
A. B. C.
79. 74
Ako’y may mga Kamay
Ako’y may mga kamay
Kaliwa at kanan
Itaas mo man ito’y
Malilinis naman
Ipalakpak, ipalakpak
Itong mga kamay
Ipalakpak, ipalakpak itong
mga kamay
C. Isulat sa inyong kuwaderno kung alin ang
tamang pangungusap.
1. Magsuot ng malinis na damit.
2. Matulog ng marumi ang paa.
3. Maglaro sa labas kahit mainit.
4. Punasan ang iyong mukha ng malinis na
tuwalya.
5. Maghugas ng kamay bago at pagkatapos
kumain.
Aralin 1. Kamay na Malinis
Pag-aralan Natin
Gawain 1
Awit tungkol sa ating mga kamay (sa tono ng ―Maliliit
na Gagamba‖)
Awitin Natin
80. 75
Kumusta? Rica ang
pangalan ko.
Ito ang aking mga kamay.
Nakagagawa ako ng
maraming bagay sa tulong
ng aking mga kamay.
Taglay na kalinisan, kay
gandang pagmasdan
’Pagkat ito'y laging
hinuhugasan.
Ikaw, paano mo
inaalagaan ang
iyong kamay?
Siya si Rica.
Ipinakikita niya sa atin
ang kanyang mga
kamay.
Anong sinasabi
niya?
Kailangang hugasan ang ating mga
kamay.
Kailan dapat hugasan ang ating mga
kamay?
Kapag ito ay marurumi.
Bago at pagkatapos kumain.
81. 76
Pagkatapos gumamit ng palikuran.
Pagkatapos pakainin ang alagang aso.
Kapag umubo at bumahin.
Pagkatapos maglaro sa labas.
Pagsasanay 1
Sino ang dapat maghugas ng kamay?
Isulat sa kuwaderno ang bilang ng larawan.
1. 2. 3.
4. 5.
82. 77
2. Gumamit ng sabon
at kuskusin ng 15-20
minuto.
Gawain 3: Ito ang Paraan
Hugasan natin ang ating mga kamay.
Gawin natin ito.
Hugasan nang wasto ang ating mga kamay.
Sinasabi sa awit ang tamang paraan.
Awitin natin. (sa tono ng ―Ang Piyera ni Juan‖)
May wastong paraan ng paghuhugas ng kamay
Pag-aralan natin.
Ito ang Paraan
Ito ang paraan ng paghuhugas
ng kamay,
paghuhugas ng kamay,
paghuhugas ng kamay
Ito ang paraan ng paghuhugas
ng kamay
upang sakit ay maiwasan.
1. Basain ng tubig na
malinis.
83. 78
3. Kuskusing mabuti
ang lahat ng
bahagi.
4. Banlawan ng
malinis na tubig.
5. Tuyuin ng malinis na
tuwalya.
6. Gumamit ng
tuwalya sa
pagsasara ng gripo.
Tandaan Natin
Ang Aking Pangako
Lagda ng Magulang: _______________________
Petsa: _______________________
Hugasan nang wasto ang ating mga kamay.
Nangangako ako na huhugasan ko nang
wasto ang aking mga kamay.
84. 79
Aralin 2. Paang Malinis
Pag-aralan Natin
Gawain 1
Isulat ang letra ng tamang sagot sa papel
A
B
Tingnan si Biboy.
Naglalaro siya sa baha.
Ang dumi-dumi niya.
Ano ang dapat niyang gawin
pagkatapos maglaro?
Dapat bang maglaro si Biboy sa
tubig-baha?
85. 80
Kailan dapat hugasan ang ating paa?
Kapag ito ay marumi.
Bago tayo matulog.
Pagkatapos
magtampisaw sa baha.
Gawain 2: Kailangang hugasan nang wasto ang
ating paa.
Narito ang wastong paraan ng paghuhugas.
1. Gumamit ng tubig at sabon.
Hindi sapat na tubig lamang
ang gamitin sa paghuhugas
ng paa. Gumamit ng sabon.
Kuskusing mabuti ang buong
bahagi.
86. 81
2. Tuyuing mabuti ang mga paa.
Gumamit ng malambot na
pamunas o tuwalya. Tuyuin
ang pagitan ng mga daliri.
Ang natitirang dumi ang
nagiging sanhi ng
mabahong amoy at
impeksiyon sa paa.
Gawain 3
Tingnan ang mga larawan
Sino ang dapat maghugas ng paa?
Isulat ang letra ng tamang sagot sa papel.
a. b. c.
d. e.
87. 82
“Sa maruruming paa, sakit ay makukuha,
kaya alagaan sa tuwi-tuwina.”
Gawain 4
Naglaro si Kiko kasama ang kanyang kamag-aral.
Napansin niyang marumi ang kanyang mga paa.
Nais niyang hugasan ang mga ito.
Tulungan si Kiko na makarating sa poso.
Guhitan sa hiwalay na papel ang dadaanan ni
Kiko papunta sa poso.
Gawain 5: Masayang mga Paa
88. 83
Aralin 3. Wastong Gawi sa Pag-ubo at
Pagbahin
Pag-aralan Natin
Masama ang pakiramdam ni Ramil.
Bigla siyang napabahin sa kanyang kamay.
Naku, Ramil!
Huwag kamay ang
gamitin mo na
pantakip sa pagbahin.
Ipagpaumanhin
mo, Rita.
Simulan
na natin…
Ayos lang, Ramil.
Hayaan mong turuan
kita kung paano
umubo at bumahin
nang tama.
89. 84
Gawin Natin
Gawain 1: Wastong Pagbahin
Takpan ang bibig kapag umuubo at bumabahin:
gamit ang iyong braso gamit ang panyo o
tissue paper.
Itapon ang tissue paper sa:
basurahan at hugasan ang kamay.
Kung ikaw ay may sipon:
magsuot ng surgical mask.
Hindi dapat gamitin ang kamay na pantakip sa bibig
kapag umuubo.
90. 85
Sa pag-ubo at pagbahin,
bibig ay takpan
upang sakit ay maiwasan.
Gawain 2: Wastong Gawi sa Kalusugan
Tingnan ang larawan.
Iguhit ang sa kuwaderno kung wastong gawi
sa kalusugan.
Iguhit ang kung hindi wastong gawi sa
kalusugan.
Tandaan Natin
1. 2. 3.
91. 86
Aralin 4. Magsuot ng Malinis na Damit
Pag aralan Natin
Gawain 1: Malinis o Marumi
Boy Roy
Sino ang malinis tingnan?
Bakit?
Gawain 2: Malinis na Damit
Malinis na Damit
Malinis na damit
ang laging isuot,
nang maging kaaya-aya
sa tuwi-tuwina.
92. 87
Gawain 3: Gawin Natin Ito
Magpalit ng damit pagkatapos maligo.
Magpalit ng damit kung ito ay marumi na.
Magpalit ng damit bago matulog sa gabi.
Ugaliin ang madalas na pagpapalit ng damit
panloob.
93. 88
Gawain 4: Anong Isinusuot Natin sa Iba’t ibang
Pagkakataon?
Iba’t iba ang isinusuot nating damit.
Bawat isa ay may sariling gamit.
1. Magsuot ng uniporme sa paaralan.
2. Magsuot ng damit panlaro kapag
naglalaro.
Ito rin ang isinusuot kapag nasa
bahay.
Ang mga damit na ito ay simple at
maginhawa sa katawan.
3. Magsuot ng angkop na
damit sa pook-dalanginan.
Magsuot din ng angkop na
damit sa mga pagtitipon.
4. Magsuot ng damit pantulog kapag
matutulog. Ito ay maluwag at
maginhawa sa katawan.
5. Gumamit ng damit panloob.
94. 89
Gawain 5. Anong Damit ang Dapat Isuot?
Tingnan ang mga larawan. Isulat ang letra ng
tamang larawan.
1. Alin ang dapat isuot sa paaralan?
2. Alin ang dapat isuot na panloob sa damit?
3. Alin ang dapat isuot kung maglalaro?
4. Alin ang dapat isuot sa pook-dalanginan?
5. Alin ang dapat isuot kapag matutulog?
95. 90
Gawain 6: Kulayan ang Damit
Kilalanin sina Ali at Sara.
Tulungan silang magbihis. Iguhit sa papel at
kulayan ang damit nina Ali at Sara.
Tandaan
Magsuot ng malinis na damit araw-
araw.
Magpalit ng damit:
pagkatapos maligo
kapag marumi na
bago matulog sa gabi
• Magsuot ng iba’t ibang uri ng
damit.
uniporme
damit panlaro
damit para sa pagtitipon
damit pantulog
damit panloob
• Magsuot ng malinis na damit
panloob.
96. 91
Aralin 5: Ang Aking Pagtulog
Gawain 1: Kailangan Kong Magpahinga
Maglakad tayo.
Tumakbo tayo.
Kapag pagod na tayo,
tayo’y magpahinga.
Gawain 2: Gaano Ka Katagal Matulog?
Ang pagtulog at pagpapahinga ay tumutulong
upang tayo ay lumaki at lumusog.
Gaano katagal matulog si Nina?
97. 92
Bilangin ang bituin.
Tingnan ang orasan.
Ika-8:00 na ng gabi.
Natutulog si Nina tuwing ika-8:00 ng gabi.
Gumigising siya tuwing ika- 7:00 ng umaga.
Natutulog siya ng 11 oras.
Ikaw, anong oras ka natutulog?
Anong oras ka gumigising?
Natutulog ako sa ganap na _____.
Gumigising ako sa ganap na ______.
Natutulog ako ng _________.
Gawain 3: Matulog nang Maaga
Matulog at gumising
nang maaga,
para maging malusog
at masigla.
Anong oras ka natutulog?
Anong oras ka gumigising?
Anong mangyayari sa iyo
kapag sapat ang iyong
pagtulog?
Bakit?
98. 93
Gawain 4: Inaayos Ko ang Aking Tulugan
Pagmasdan ang larawan A at B
A B
Alin sa dalawang batang lalaki ang iyong gusto?
Bakit?
Gawain 5: Handa na Akong Matulog
Basahin ang kuwento.
Leo, mukhang
inaantok ka
na.
Nakapaglinis
ka na ba ng
sarili mo?
Opo nanay.
Inaantok na po
ako. Gusto ko
na pong
matulog.
Malinis na po
ako.
Naghugas na po
ako ng paa.
Nagpalit na po
ako ng damit.
99. 94
Kailangan ng katawan nating
magpahinga.
Kailangan ng isipan nating
magpahinga.
Nakakapahinga tayo kapag
natutulog .
Ang pagpapahinga ay
nagpapalusog ng ating katawan.
Kaya kailangan natin nang sapat
na tulog
Maayos na
ba ang
tulugan
mo?
Opo nanay.
Maayos na
po ang
tulugan ko.
Malinis po
ang kumot at
unan ko.
Wow,
magaling!
Isa kang
magaling na
bata!
Salamat po nanay
at magandang
gabi po.
100. 95
.
1. Palitan ang kobre-kama linggo-linggo.
2. Palitan ang punda linggo-linggo.
Tandaan
Kailangan natin ng sapat na oras sa
pagtulog.
Ang pagtulog ay nagpapalusog.
Mahimbing ang tulog natin kapag
malinis ang kobre-kama.
Mahimbing ang tulog natin kapag
malinis ang mga unan at kumot.
101. 96
Gawain 6: Ang Aking Gamit sa Pagtulog
Ano-ano ang ginagamit mo sa pagtulog?
Idrowing ang tamang sagot sa inyong kuwaderno.
102. 97
Tumayo nang Tuwid
Tumayo nang tuwid
Tumayo nang tuwid
Tumayo nang tuwid
Mahal kong kamag-aral
Tumayo nang tuwid
Tumayo nang tuwid
Mahal kong kamag-aral
Aralin 6: Ang Aking Tindig
Pag-aralan Natin
Gawain 1: Tumayo nang Tuwid
1. Tumayo nang tuwid sa
tabi ng dingding.
2. Hayaang nakalapat ang
ulo sa dingding.
3. Hayaang nakalapat ang
balikat sa dingding.
4. Hayaang nakalapat ang
likod sa dingding.
5. Tumingin nang diretso.
6. Ituwid ang tuhod.
7. Iliyad ang dibdib.
8. Huwag iliyad ang tiyan.
Nagawa mo ba?
103. 98
Gawain 2: Umupo nang Tuwid
1. Umupo nang tuwid sa silya.
2. Isandal ang likod sa silya.
3. Umupo nang tuwid ang balikat.
4. Hayaang dumikit ang ibabang
bahagi ng katawan sa silya.
5. Umupo nang nakaayos ang
tuhod at balakang.
6. Ilapat ang paa sa sahig.
7. Huwag pagpatungin ang dalawang binti.
Gawain 3: Wastong Paglakad
1. Tumayo nang tuwid.
2. Tumingin nang tuwid at hindi
nakatungo.
3. Itaas ang baba.
4. Huwag iliyad ang tiyan.
5. Lumakad paharap.
6. Hayaang gumagalaw ang braso.
7. Ibaluktot nang bahagya ang
tuhod.
104. 99
Gawain 4: Pulutin ang Iyong Gamit
Kung may pupulutin o may ilalagay na bagay sa
ibaba:
1. Ibaluktot ang tuhod kasabay ng hita.
2. Iwasang yumuko.
Kung may ilalagay sa ibaba:
1. Ibaluktot ang binti at balakang.
2. Patigasing bahagya ang kalamnan ng tiyan.
3. Gamitin ang kalamnan ng binti.
4. Ibaba ang bagay.
Gawain 5: Sino ang may Maayos na Tindig?
Piliin ang letra ng tamang sagot. Gawin sa
kuwaderno.
1. Sino ang nakaupo nang maayos?
A B
2. Sino ang nakatayo nang tuwid?
A B
105. 100
Tumayo nang tuwid
Umupo nang tuwid.
Maglakad nang wasto.
Pulutin ang mga bagay nang buong ingat.
3. Sino ang may wastong tindig sa paglalakad?
A B
Tandaan:
106. 101
Huling Pagtataya
A. Alin ang ginagamit natin sa paghuhugas ng
kamay at paa?
Iguhit sa iyong papel ang tamang sagot.
107. 102
B. Paano tayo naghuhugas ng ating kamay?
Lagyan ng bilang ang larawan ayon sa wastong
pagkakasunod-sunod.Gawin sa kuwaderno.
108. 103
C. Piliin ang letra ng maling larawan sa kuwaderno.
1. Pagtatakip ng bibig at ilong kapag umuubo at
bumabahin.
A. B. C.
2. Wastong pag-upo
A. B. C.
3. Wastong pangangalaga sa katawan.
A. B. C.
D. Isulat ang Oo kung tama ang gawain at Hindi
kung mali sa iyong papel.
________ 1. Maglalaro ako nang buong araw.
________ 2. Matutulog ako sa tamang oras.
________ 3. Tatayo ako nang tuwid.
________ 4. Matutulog ako sa malinis na banig.
________5. Magpapalit ako ng damit linggo-linggo.
109. 104
Mayroon tayong mga bahagi ng
katawan na pandama:
Nakakikita ako gamit ang aking mga mata.
Nakaririnig ako gamit ang aking tainga.
Nakaaamoy ako gamit ang aking ilong.
Nakalalasa ako ng pagkain gamit ang dila.
Nararamdaman ko ang init at lamig dahil
sa aking balat.
YUNIT 3: ANG AKING MGA PANDAMA
110. 105
Pag-aralan Natin:
Basahin ang tula.
Iguhit ang sagot sa iyong kuwaderno.
Ang Aking Maliliit na Katulong
ni Evelina M. Vicencio
Ako ay may dalawang ____________________ upang
makita ang mga bagay sa aking paligid.
Ako ay may dalawang ____________________upang
marinig ang tunog, malayo man o malapit.
Ako ay may isang ___________________ na pang-amoy
sa mabaho o mabango.
Ako ay may isang____________________ upang malaman
kung ang pagkain ay matamis o maalat .
Ako ay may dalawampung ____________________ na
pangkagat at pangnguya.
Mayroon din akong ____________________ para ang init
at lamig ay aking madama.
111. 106
Aralin1: Malilinaw na Mata
Pag-aralan Natin:
Gawain 1: Hindi ito biro
Kailangan mo ng : lapis
malaking panyo
1. Gumuhit ng masayang mukha sa inyong
kuwaderno.
2. Markahan ito ng A.
3. Takpan ng panyo ang iyong mata.
4. Gumuhit muli ng masayang mukha sa inyong
kuwaderno.
5. Markahan ito ng B.
Pagkumparahin ang iyong mga iginuhit. Alin sa
iyong iginuhit ang mas maganda? Bakit?
112. 107
Gawain 2:
Nakakikita tayo gamit ang ating mga mata.
Nakikita natin ang iba’t ibang bagay.
Nakikita natin ang mga bagay na ating gusto.
Pinananatili tayong ligtas ng ating mata.
Napakahalaga ng ating mga mata.
113. 108
Ang Ating Kahanga-hangang Mata
Basahin natin ang tula.
Ang Aking Kahanga-hangang Mata
ni Teodora Conde
May dalawa akong
kahanga-hangang
mata,
Na nakakikita ng
liwanag at ganda.
Kapag ako’y
napapagod aking
pinapahinga,
Tanging sa liwanag ako
nagbabasa.
Gawain 3: Pangangalaga sa mga Mata
Pangalagaan ang iyong mata.
Narito kung paano —
Kumain ng
masusustansiyang pagkain.
Punasan ang iyong mata
ng malinis na panyo.
Huwag kamutin.
114. 109
WASTONG GAWI PARA MANATILING
MALUSOG ANG ATING MATA.
Manood nang malayo mula
sa telebisyon.
Magbasa nang may sapat
na liwanag
Ipahinga ang mata kapag ito ay
pagod na.
Tandaan:
115. 110
Gawain 4: Pangalagaan ang Iyong Mata
Pag-aralan ang larawan.
Alin sa ginagawa nila ang mali?
Bakit mali ang kanilang ginagawa?
Isulat ang bilang ng larawan na hindi dapat gawin.
Gawain 5: Sakit sa Mata
Sore eye Kuliti
Tandaan
Mahalaga ang malusog na mata.
Alagaang mabuti ang ating mata.
Ugaliin ang wastong gawi upang
mapanatiling malusog ang ating
mata.
1. 2.
3. 4.
116. 111
Kopyahin ang drowing ng mukha sa ibaba sa inyong
kuwaderno. Lagyan ng dalawang mata ang mukha.
117. 112
Aralin 2: Matalas na pandinig
Pag-aralan Natin
Gawain 1: Ano ang nasa kahon?
Gawain 2: Pagsusuri sa Tunog
May ilang bagay na lumilikha ng kaaya-ayang
tunog.
118. 113
A. Anong bagay ang lumilikha ng kaaya-ayang
tunog? Isulat ang bilang sa iyong kuwaderno.
B. Anong mga bagay ang lumilikha ng hindi
kaaya-ayang tunog?
Isulat ang bilang sa iyong kuwaderno.
1. 2. 3.
4. 5. 6.
7. 8. 9.
119. 114
Tandaan:
Iwasan natin ang ingay.
Hindi ito mabuti sa ating tainga.
Pangalagaan ang ating tainga sa ingay.
Gawain 3: Pangalagaan Natin ang Ating Tainga
Inaalagaan ng mga bata ang kanilang tainga.
Paano nila ito ginagawa?
Suminga nang wasto.
Panatilihing bukas ang
magkabilang butas ng
ilong.
Makinig sa malumanay
na musika.
Linisin ang tainga ng
malinis na tuwalya.
Magsalita ng
mahinahon.
120. 115
Para sa Tainga o Hindi
Tingnan ang mga larawan.
Iguhit ang mga ginagamit na panlinis ng tainga sa
kuwaderno.
Pangalagaan ang
tainga sa malalakas
na ingay.
Tuyuin ng tuwalya ang
iyong tainga.
121. 116
Tandaan
Ang malakas na tunog ay masama
sa ating tainga.
Pangalagaan natin ang ating tainga.
Linising palagi nang buong ingat ang
ating tainga gamit ang tuwalya.
Huwag lagyan ng matutulis at kung
ano-anong bagay ang ating tainga.
Aralin 3: Ingatan ang Iyong Ilong
Pag-aralan Natin
Ang ilong ay para sa paghinga.
Ang ilong ay pang-amoy rin.
Ang ilong ay pang-amoy ng mabango.
Ang ilong ay pang-amoy rin ng mabaho.
122. 117
Gawain 2: Mabango at Mabaho
Anong amoy ang mabuti para sa ilong?
Piliin at iguhit ang sagot sa inyong kuwaderno.
Panatilihing malinis ang ating ilong.
Panatilihing malusog ang ating ilong.
123. 118
Gawain 3: Pangangalaga sa Ilong
Ang malinis na ilong ay nakapagpapalusog sa atin.
Mahalaga ang malusog na ilong.
Bakit dapat panatilihing malinis ang ilong?
124. 119
Tandaan:
Ating Ilong
Tono: Leron-leron Sinta
ni Teodora D. Conde
Ating ilong ay panghinga
Ating ilong ay pang-amoy
Amuyin ang mabango.
Huwag amuyin ang mabaho.
Panatilihing malinis ang ilong.
Panatilihing malusog ang ilong.
Suminga nang dahan-dahan.
Linisin nang mabuti.
Aralin 4: Dila na Panlasa
Pag-aralan Natin
Ang ating dila ay nasa loob ng bibig.
Ang ating dila ay nakalalasa ng pagkain.
Ang ating dila ang tumutulong upang tayo ay
makapagsalita.
Ang ating dila ang nagpapanatiling malinis ang
ngipin.
125. 120
Gawain 1: Dila na Panlasa
Ano ang lasa ng pagkain?
Isulat sa kuwaderno ang A kung matamis, B-maasim,
C-maalat, D-mapait.
1. 2. 3.
4. 5. 6.
7. 8. 9.
10.
126. 121
Gawain 2 :Pangangalaga sa Iyong Dila
Sino sa mga bata ang inaalagaan ang kanilang
dila? Piliin ang bilang ng iyong sagot.
Isulat sa inyong kuwaderno.
1 2 3
Alagaan ang ating dila.
Sepilyuhin qng ating dila pagkatapos magsepilyo ng
ngipin.
Uminom ng maligamgam na inumin.
Huwag uminom ng mainit na inumin.
Huwag kumain ng mainit na pagkain.
Huwag ding kumain ng maanghang na pagkain.
Tandaan:
Ang Aking Dila
ni Evelina M. Vicencio
Ang aking dila ay nakalalasa ng pagkain:
mapait, maalat, maasim, at matamis;
tumutulong din itong bumati
sa aking mga kaibigan kapag kami’y nagkikita;
nililinis nito ang tirang pagkain
sa aking ngipin kapag ako’y kumakain.
eating pepper
127. 122
Aralin 5: Masayang Ngiti, Malusog na Bibig
Pag-aralan Natin
Gawain 1: Masayang Ngiti
Sino ang may masayang ngiti?
Ang Ating Bibig
Ang bibig ay ginagamit sa pagkain.
Ang bibig ay ginagamit din sa pagsasalita.
Ang bibig ay may ngipin at dila.
Ang ngipin ang dumudurog ng ating kinakain.
Ang dila naman ang tumutulong sa paglulon.
Ang mga ito ay sama-samang gumagawa.
Kaya kailangan nating pangalagaan.
128. 123
Gawain 2: Ang Aking Milk Teeth
1. Tumingin sa salamin.
2. Ibuka ang iyong bibig.
3. Bilangin ang iyong ngipin.
4. Ilan ang iyong ngipin?
5. Mayroon ka bang nawawalang ngipin?
6. Ilan ang iyong nawawalang ngipin?
7. Tingnan ang larawan ng baby teeth.
Kopyahin sa inyong kuwaderno
Lagyan ng ekis (X) ang iyong nawawalang
ngipin.
Mawawala rin ang iyong baby teeth.
Pagkatapos, magkakaroon ka ng bagong ngipin
Ang mga ito ang iyong permanenteng ngipin.
129. 124
Ang Ating Ngipin
Mayroon tayong dalawang uri ng tumutubong
ngipin.
Ang unang uri ay ang baby teeth.
Tinatawag din itong milk teeth.
Ang mga bata ay may dalawampung baby teeth.
Ang pangalawang uri ay ang permanenteng ngipin.
Ang mga nasa wastong gulang na ay may
tatlumpu’t dalawang permanenteng ngipin.
Gawain 3: Magsepilyo Tayo
Nagsesepilyo ka ba?
Ang pagsesepilyo ang paraan upang maging
malinis ang ating bibig.
Pinananatili nitong malinis ang ating ngipin at dila.
Pinananatili rin nitong malinis ang ating gilagid.
Ang pagsesepilyo ay isang paraan upang
tayo’y maging malusog.
130. 125
Mga kailangan
sepilyo toothpaste o asin
basong may tubig dental floss o malinis na
maliit na tuwalya sinulid
1. Kunin ang sepilyo.
2. Basain ang sepilyo ng malinis
na tubig.
3. Maglagay ng kaunting
toothpaste sa sepilyo.
Kailan ka
nagsesepilyo ng
ngipin?
Magsepilyo ng ngipin
bago at pagkatapos
kumain. Ganito ang
tamang paraan ng
pasesepilyo
131. 126
4. Magsepilyo nang paikot ang
galaw.
5. Magsepilyo mula kaliwa
patungong kanan.
6. Sepilyuhin din ang dila.
7. Siguraduhing malinis
lahat ng gilid.
8. Idura ang mga natitirang
laway at toothpaste.
9. Banlawan ang iyong
sepilyo nang mabuti.
10. Panatilihing malinis ang
iyong sepilyo.
11. Ilagay ito sa tuyong
lugar.
12. Punasan ang bibig ng
malinis na tuwalya.
132. 127
Huwag Kalimutang Mag-floss
Huwag
kalimutang
mag-floss
pagkatapos
magseipilyo...
Ano po ang
floss?
Ang Dental floss ay isang manipis
na string na inilalagay sa pagitan
ng ngipin. Ginagamit ito sa pag-
aalis ng mga tirang pagkain sa
ngipin. Narito ang paraan ng
paggamit ng dental floss.
Mga kailangan: dental floss
basong may tubig
1. Ipulupot ang dental floss sa
dalawang daliri.
2. Isingit ang floss sa pagitan ng
ngipin at gilagid.
3. Dahan-dahang igalaw ang floss.
4. Ipulupot sa ngipin.
5. Itaas-baba ang floss.
6. Linisin ang pagitan ng bawat
ngipin.
7. Huwag sugatan ang gilagid.
8. Magmumog ng tubig.
133. 128
Tandaan
Magsesepilyo ako ng ngipin pagkatapos kumain.
Sa pagsesepilyo, gumagamit ako ng toothpaste.
Gagamit ako ng floss.
Sa paggamit ng floss, gumagamit ako ng malinis na
sinulid.
Pupunta ako sa aking dentista .
134. 129
Pangangalaga ng Ating Bibig at Ngipin
Gawain 1:MABUTI O MASAMA?
Tingnan ang mabuting gawi.
Piliin ang bilang ng iyong sagot.
Isulat sa inyong kuwaderno.
7. 8.
5. 6.
1. 2.
3. 4.
135. 130
Gawain 2: Masusustansiyang Pagkain para sa
Bibig
Panatilihing malinis ang ating ngipin.
Tayo’y magsepilyo ng ngipin.
Tayo’y mag-floss ng ngipin.
Tayo’y kumain ng masusustansiyang pagkain.
Masama ang masyadong matamis na pagkain.
Maaaring masira ang ating ngipin.
Iguhit ang kung masustansiyang pagkain.
Iguhit ang kung hindi masustansiyang pagkain.
Gawin sa inyong kuwaderno.
136. 131
Gawain 3: Wastong Gawi para sa Masayang Ngiti
Tingnan ang mga larawan.
Tukuyin ang dapat at hindi dapat gawin.
Gawin Huwag Gawin
Magsepilyo pagkatapos Uminom at kumain ng
kumain matatamis na pagkain
nang sobra
Uminom at kumain ng Ilagay ang laruan
masustansiyang pagkain sa bibig
137. 132
Palaging mag-floss Kumagat ng matigas
na pagkain at bagay
Pumunta sa dentista Ilagay ang daliri sa
dalawang beses sa bibig
isang taon
138. 133
Tandaan
Panatilihing malinis ang
bibig.
Kapag malinis ang
ngipin, malusog din ang
bibig.
Ang pagsesepilyo at
pagpo-floss ay
nakalilinis ng ngipin.
Mga paraan kung paano mapananatiling malinis
ang bibig:
Huwag masyadong kumain ng matatamis na
pagkain.
Uminom at kumain ng masustansiyang pagkain.
Pumunta sa dentista dalawang beses sa isang
taon.
Huwag kumagat ng matitigas na pagkain at
bagay.
Palaging magsepilyo pagkatapos kumain.
Palaging mag-floss pagkatapos kumain.
Malusog na Bibig
(Tono: London Bridge)
ni Teodora D. Conde
Ang ating bibig ay may malusog na ngipin,
Mamula-mulang dila at mabangong hininga;
Alagaan ang ating bibig at ngipin
Huwag masyadong kumain ng matatamis.
139. 134
Aralin 6: Makinis na Balat
Pag-aralan Natin:
Gawain 1: Mga Bagay na Nagpapanatili sa Ating
Malinis
Tingnan ang mga larawan na tumutulong para
tayo’y manatiling malinis at ligtas.
Iugnay ang bagay sa bahagi ng katawan na nalilinis
nito. Isulat ang letra sa inyong kuwaderno.
1.
A.
2.
3. B.
4. C.
5.
6.
D.
paa
kuko
buhok
katawan
suklay
sapatos
Nail cutter
tuwalya
tsinelas
sabon
140. 135
Gawain 2: Ako ay Malinis Araw-araw,
Ang tubig ay panghugas.
Ang sabon ay panlinis ng katawan.
Maghilamos ng mukha araw-araw.
Maligo araw-araw.
Mga Kailangan:
bimpo o labakara
tuwalya
palanggana at tabo
sabon at habonera
Maligo araw araw.
1. Gumamit ng malinis na
tubig.
Gumamit ng sariling
sabon.
Basain at lagyan ng
shampoo ang buhok.
Banlawang mabuti.
2. Lagyan ng sabon ang
bimpo o labakara. Kuskusin
ang mukha at leeg.
141. 136
Kuskusin ang labas ng tainga.
Kuskusin ang kilikili.
Kuskusin ang braso.
Kuskusin ang binti.
Banlawang mabuti
ang mukha at leeg.
Banlawan ang
bimpo o labakara.
Kuskusin ng bimpo o
labakara ang labas ng tainga.
Kuskusin ang iyong kilikili.
Banlawan ang braso.
Banlawan ang binti.
Banlawan ang buong
katawan.
3. Patuyuin ang iyong
buhok, mukha, at katawan
gamit ang tuwalya.
142. 137
4. Magsuot ng malinis na damit araw-araw.
Pantakip ito sa ilang bahagi ng ating katawan.
Magsuot ng komportableng kasuotan.
Magsuot ng
wastong kasuotan
ayon sa panahon.
Magsuot ng tsinelas o
sapatos.
5. Magsuklay ng
buhok.
6. Panatilihing malinis
ang kamay at paa.
Maggupit ng kuko.
Magpatulong sa
nakatatanda.
143. 138
Nangangati ka ba?
Dapat ay mayroon kang sariling –
Suklay, bimpo o labakara, tuwalya, damit
Alam mo ba kung ano ang maliliit na hayop na
ito?
kuto surot
Kuto at surot ang tawag sa mga ito.
Ang kuto ay nasa ulo.
Ang surot ay kumakapit sa balat.
Nagpapakati ng ulo ang kuto.
Nagpapakati ng balat ang surot.
Anong gagawin mo kapag ikaw ay nangati?
Kumanta Habang Naglilinis
Ito ang paraan ng paghihilamos ng mukha
Hilamos ng mukha, hilamos ng mukha.
Pagkagising sa umaga.
Ito ang paraan ng paglilinis ng buhok…
144. 139
Ito ang paraan ng paliligo…
Ito ang paraan ng paglilinis ng tainga…
Ito ang paraan ng paghihilamos ng
mukha…
Ito ang paraan ng paghuhugas ng
kamay …
Ito ang paraan ng pagsesepilyo…
Ito ang paraan ng paglilinis ng braso…
Ito ang paraan ng paghuhugas ng
paa…
Ito ang paraan ng paglilinis ng
katawan…
Ito ang paraan ng pagpuputol ng kuko…
145. 140
Panapos na Pagsusulit
A. Tama o Mali?
Basahing mabuti ang bawat pangungusap.
Lagyan ng tsek () kung tama at ekis (X) kung
mali. Gawin ito sa inyong kuwaderno.
1. Uminom ng gatas.____
2. Suminga nang dahan-dahan. ____
3. Maligo araw-araw. ____
4. Panatilihing malinis ang labas ng tainga. ____
5. Ang gulay ay masustansiyang pagkain. ____
6. Magsepilyo nang isang beses sa isang linggo. __
7. Ang matatamis ay mabuti sa ngipin. ___
8. Linisin ng cotton buds ang tainga.___
9. Linisin ng tissue paper ang ilong. ___
10. Kamutin ang mata kapag ito’y nangangati. __
Tandaan
Ang malinis na katawan ay
nagpapalusog sa atin.
Sundin natin ang mga wastong
gawi sa kalinisan.
Panatilihin nating malinis ang ating
katawan.
Simulan sa ulo hanggang paa.
Linisin ang bawat bahagi ng
katawan. Gumamit ng malilinis na
damit at bagay.
146. 141
B. Ano ang Dapat Gamitin
Pagugnayin ang gawain at larawan.
Maaaring madoble ang sagot.
Isulat ang letra sa inyong kuwaderno.
1. Pagmumumog
2. Paglilinis ng mata
3. Paglilinis ng tainga
4. Pantakip kapag bumabahin
5. Pagsesepilyo ng ngipin
a.
c.
b.
e.
d.
147. 142
Sariling Pagsusuri
Lagyan ng tsek ang kaya mong gawin sa
sagutang papel.
Wastong Gawi
Araw-
araw Minsan
Hindi
kailanman
1. Naliligo ako.
2. Nililinis ko ang aking
tainga.
3. Nagsusuklay ako ng
buhok.
4. Naghuhugas ko ng
kamay.
5. Nagsusuot ako ng
malinis na damit.
6. Nagsesepilyo ako
pagkatapos kumain.
7. Gumagamit ako ng
floss pagkatapos
magsepilyo.
8. Hindi ako naglalaro sa
kainitan ng araw.
9. Kapag ako’y umuubo,
nagtatakip ako ng
aking braso.
10. Naghuhugas ako ng
kamay bago at
pagkatapos kumain.
149. 144
Ligtas ka ba kahit ikaw ay nag-iisa?
Ating Subukin
A.Aling mga bagay ang maaaring makasakit o
magdulot ng kapahamakan?
Lagyan ito ng ekis (X). Gawin sa inyong
kuwaderno.
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
150. 145
B. Tingnan ang mga larawan.
Alin ang ligtas gawin?
Lagyan ang larawang nagpapakita ng ligtas
Na gawain ng / at x kung hindi sa papel.
1. 2.
3. 4.
5. 6.
151. 146
C.Tingnan ang mga larawan.
Sino ang ligtas?
Lagyan ng bituin ang larawang
nagpapakita na ligtas ang bata at kung
hindi. Gawin sa inyong kuwaderno.
6.
8.
2.
4.
.
1.
7.
3.
5.
.
152. 147
Aralin 1: Paghingi ng Tulong
Gawain 1
Naku!
Kahapon, pumunta kami sa palengke
Bumili kami ni nanay ng krayola;
Habang kami’y naglalakad
Ako’y naglaro at tumakbo palayo.
Hindi ko na makita si nanay.
Naku! Nawawala ako! Nanay, nasaan ka na?
153. 148
Gawain 2: May Tiwala ako sa Inyo!
Nawawala ka, sino ang hihingan mo ng tulong?
Piliin ang titik ng tamang sagot. Gawin sa inyong
kuwaderno.
A. B.
C. D.
E. F.
154. 149
Gawain 3: Tutulungan Kita
Sino ang mga taong tutulong sa iyo?
Kilalanin natin sila.
Sila ang mga taong tutulong sa atin.
Ako ay
isang___
___.
___
Ako ay
isang___
__.
___
Ako ay
isang___
__.
Ako ay
isang ___
_______
_.
Ako ay
isang
_______
_.
Ako ay
isang __Ako ay
isang_ Ako ay
isang___.
155. 150
Gawain 4: Ang Aking ID
Gumawa tayo ng ID Card.
Punan ng impormasyon ang ID Card.
Gawin sa kuwaderno.
Ingatan ang iyong ID.
Lagi itong dalhin.
Ipakita ito kapag ikaw ay nawawala.
Ipakita lamang ito sa taong may tiwala ka.
Tandaan:
Humingi ng tulong sa taong kilala mo.
Huwag kausapin ang taong hindi mo
kilala.
Laging dalhin ang iyong ID Card.
Ang Aking ID Card
Pangalan: _______________________________________ Edad: ___
Tirahan: _________________________________________
Numero ng Telepono: ______________________________
Pangalan ng Ama: _______________ Trabaho: _________
Pangalan ng Ama: _______________ Trabaho: _________
156. 151
Aralin 2: Ligtas Ako sa Loob ng Tahanan
Gawain 1: Ayoko ng Sunog!
Ano ang mga bagay sa inyong tahanan na nag-
aapoy?
Gumuhit ng apat na bagay sa loob ng kahon.
Gawin ito sa isang papel.
157. 152
Gawain 2: Balita! Balita!
Basahin natin ang balita.
Bagong-bagong Balita!
Magkakaroon ng brownout
sa loob ng tatlong oras.
Lahat ay maghanda ng kandila.
Mag-ingat at manatiling ligtas!
Lagyan ng ekis (X) ang gawaing hindi ligtas.
Gawin ito sa inyong kuwaderno.
A. B.
Huwag maglaro ng apoy.
Baka mapaso ka.
Baka may bagay na masunog.
Baka masunog ang inyong bahay.
158. 153
Gawain 3: Huwag Hawakan!
Ang mga bagay na ito ay kapaki-pakinabang .
Pero maaari ring makasakit.
Nagdudulot ito ng kapahamakan.
Isulat ang letra sa kuwaderno ng mga bagay na
hindi ligtas gamitin.
A B C
1.
2.
3.
4.
159. 154
Ang matutulis na bagay ay nakasusugat.
Madulas ang basang sahig.
Madudulas tayo at masasaktan.
May mga bagay sa tahanan na nakalalason.
Huwag itong hawakan o tikman.
Tandaan:
Mga Alituntunin upang Maging Ligtas sa Tahanan
Huwag maglaro ng apoy.
Huwag maglaro ng matutulis na bagay.
Panatilihing tuyo ang sahig.
Huwag hawakan ang mga bagay na hindi
mo alam kung ano ito.
Huwag tikman ang mga bagay na hindi
pamilyar sa iyo.
160. 155
Aralin 3: Ligtas Ako sa Paaralan
Gawain 1: Saan ito?
Saang lugar ito sa paaralan?
Isulat ang letra ng pangalan ng lugar na nasa
larawan sa inyong kuwaderno.
A. B.
A. B.
A. B.
A. B.
silid-aralan palikuran
palaruan silid-aklatan
halamanankantina
kantinatanggapan
161. 156
Gawain 2: Ito ang Aking Trabaho
Sino ang nangangalaga sa atin sa paaralan?
Pagugnayin ang tao at ang kanilang trabaho na
makikita sa larawan.Isulat ang letra ng tamang sagot
sa inyong kuwaderno.
A.
B.
C.
D.
E.
Doktor
Dyanitor
Nars
Guwardiya
Guro
1.
2.
3.
4.
5.
162. 157
Gawain 3: “Modelong Bata”
Mabait ka ba?
Lagyan ng bituin ang bilang ng batang mabait.
Gawin ito sa isang papel.
Tandaan:
Nagkakaroon din ng aksidente sa paaralan.
Sundin ang alituntunin ng paaralan.
Laging magpakabait.
1.
7.
3.
5.
2.
8.
4.
6.
163. 158
Aralin 4: Ligtas Akong Naglalakbay
Gawain 1: Masayang Paglalakbay
Ang mga mag-aaral ay naglakbay-aral.
Tingnan ang larawan.
Lakbay-aral ng Baitang 1
Talatakdaan
8:00-10:00 a.m. Zoo
10:00-12:00 noon Museo
12:00-2:00 p.m. Tanghalian
2:00-4:00 p.m. Parke
4:00-6:00 p.m. Oras ng Pag-uwi
164. 159
Gawain 2: Magmaneho Tayo
Paano ka nakararating sa paaralan?
Ano ang iyong sinasakyan?
Pagugnayin ang nasa Hanay A sa Hanay B.Isulat sa
papel ang titik ng tamang sagot.
A. B.
1. A.
2. B.
3. C.
4. D.
5.
E.
bangka
bisikleta
bus
jeep
tricycle
165. 160
Gawain 3: Tama ba ito?
Paano ka sumasakay sa sasakyan?
Ano ang DAPAT mong gawin?
Ano ang HINDI DAPAT gawin?
Iguhit ang kung tama ang nasa larawan at
kung hindi. Gawin ito sa inyong kuwaderno.
Tandaan
Manatiling ligtas sa loob ng sasakyan.
Huwag maglaro o gumawa ng ingay.
Kumilos nang tama kapag nasa sasakyan.
1.
8.7.
6.5.
4.3.
2.
166. 161
Aralin 5: Aray! Masakit!
Gawain 1:
Tingnan ang larawan.
Basahin ang tula.
Naku! May Dugo!
ni Mark Kenneth S. Camiling
Sikat ng araw ay kayganda
Maghapon akong naglaro sa kalsada.
Hay! Araw na kayganda!
Bigla akong nadapa
Sa bako-bakong kalsada!
Naku! May dugo!
Sugat, sugat, gumaling ka
agad sana!
167. 162
Gawain 2: Matalas Iyan!
Tingnan ang mga bagay.
Alin ang makasasakit sa iyo?
Lagyan ng ekis (X) ang matatalas na bagay at
tsek() kung hindi.
Gawin sa inyong kuwaderno.
1. 2.
3. 4.
5. 6.
7. 8.
168. 163
Gawain 3: Linisin Natin!
Linisin ang maliit na sugat o hiwa.
Sundin ang sumusunod na hakbang.
Pagkatapos itong gawin, humingi ng tulong sa
nakatatanda upang matakpan ang sugat.
2. Hintaying mawala
ang dugo.
1. Linisin ng tubig ang
sugat.
3. Hugasan at sabunin.
Gumamit ng
banayad na sabon.
5. Tuyuin ng malinis na
tuwalya.
4. Banlawang mabuti.
169. 164
Tandaan:
Mag-ingat sa paggamit ng matatalas na
bagay.
Huwag maglaro ng larong maaaring
magkasakitan .
Huwag mabahala kapag nasugatan.
Sundin ang mga hakbang sa paglilinis ng maliit
na sugat.
Laging humingi ng tulong.
170. 165
Aralin 6: Ligtas Ako sa Aking mga Alaga
Gawain 1: Pakinggan Mo Ako
May alaga ka bang hayop?
Ano ang paborito mong alaga?
Pakingggan natin ang tunog at gayahin.
Aw! Aw!
Meow!
Meow!
Meee!
Meee!
OInk!
Oink!
171. 166
Kumusta, Aking Kaibigan!
Sila ang ating mga alagang hayop.
Pakinggan ang kanilang sinasabi.
Tandaan:
Hindi naman masamang makipaglaro sa
alagang hayop.
Huwag saktan ang mga hayop.
Maaari ka ring saktan ng mga ito.
Ako ay aso.
Alagaan ninyo ako.
Huwag ninyo akong saktan.
Baka makagat kita.
Ako ay kabayo.
Alagaan ninyo ako.
Huwag ninyo akong saktan.
Baka masipa kita.
Ako ay pusa.
Alagaan ninyo ako.
Huwag ninyo akong saktan.
Baka makalmot kita.
172. 167
Aralin 7: Tamang Paghipo, Maling Paghipo
Gawain 1: Ligtas Tayo
Kilalanin ang bago nating kaibigan.
Pakinggan ang kanilang sasabihin.
Ako si Paulo.
Ako ay palakaibigan.
Puwede tayong maging magkaibigan.
Puwede kang makipagkamay sa akin.
Puwedeng magkahawak ang ating kamay,
pero huwag masyadong mahigpit.
Huwag masyadong mahigpit.
Puwede mong ilagay ang iyong kamay
sa aking balikat.
Pero huwag mong hahawakan ang aking katawan.
173. 168
Ako si Pat.
Ako ay masayahin at malambing.
Puwede tayong maging magkaibigan.
Puwede kang makipagkamay sa akin.
Puwedeng magkahawak ang ating kamay,
pero huwag masyadong mahigpit.
Huwag masyadong mahigpit.
Puwede mong ilagay ang iyong kamay
sa aking balikat.
Pero huwag mong hahawakan ang aking katawan.
174. 169
Gawain 2: Mali Ito!
Tingnan ang larawan.
Lagyan ng ekis (X) ang bilang ng larawang
nagpapakita ng maling paghipo at tsek(/) kung
tama.
Gawin sa inyong kuwaderno.
Tandaan:
Igalang natin ang ating kaibigan at kapamilya.
May tama at maling paghipo.
Tanggihan ang maling paghipo.
Huwag nating gawin ang maling paghipo.
175. 170
Aralin 8: Kumikilos Ako nang Tama at LigtasAko
Gawain 1: Tama Iyan!
Tingnan ang mga larawan.
Isulat ang letrang A kung tama at B kung mali.
Gawin ito sa hiwalay na papel.
176. 171
Suriin Natin
A.Lagyan ng ekis (X) ang bilang ng mga bagay na
nakasusugat.
Gawin ito sa inyong kuwaderno.
1. 2.
3. 4.
5. 6.
7. 8.
9. 10.
177. 172
Gawain 2: Anong Susunod na Mangyayari?
Tingnan ang mga larawan.
Ito ay masasamang kilos.
Anong susunod na mangyayari?
Anong gagawin mo?
Paano ka iiwas?
Paano ka iiwas sa marahas na kilos?
Anong dapat gawin ng ibang bata?
Tandaan:
Laging kumilos nang wasto.
Iwasan ang marahas na kilos.
Maaari kang makasakit ng iba.
Maaaring masaktan mo ang iyong sarili.
Magsabi ng ―sorry‖ kapag nakasakit ng iba.
178. 173
B. Pag-aralan ang larawan.
Kopyahin ang bilang ng nagpapakita ng wastong
ugali.
Gawin sa hiwalay na papel.
1. 2.
3. 4.
5. 6.
7. 8.
179. 174
C.Pag-aralan ang larawan. Lagyan ng ang
bilang ng larawang nagpapakitang tamang
paghipo. Gawin ito sa inyong kuwaderno.
5. 6.
3.
1. 2.
4.
7. 8.