Ce diaporama a bien été signalé.
Le téléchargement de votre SlideShare est en cours. ×

ESP 5 COT 2022.pptx

Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Chargement dans…3
×

Consultez-les par la suite

1 sur 32 Publicité

Plus De Contenu Connexe

Diaporamas pour vous (20)

Similaire à ESP 5 COT 2022.pptx (20)

Publicité

Plus récents (20)

ESP 5 COT 2022.pptx

  1. 1. ESP 5 Marlo B. Baleroso Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino 1.1 nakikisama sa kapwa Pilipino 1.2 tumutulong/lumalahok sa bayanihan at palusong 1.3 magiliw na pagtanggap ng mga panauhin (EsP5PPP- IIIa- 23)
  2. 2. Ano ang ating gagawin upang maging maayos ang ating klase ngayon? Dahil pandemic ngayon, ano naman ang ating gagawin upang maiwasan ang Covid-19 virus?
  3. 3. Balik-Aral: Alin sa mga ito ang nagpapakita ng tamang gawain. 1. Iniiwasang magpasaway kapag may sakit ang magulang. 2. Pinagtawanan ni Abel ang nakasalubong na pilay. 3. Pagsasabi ng “po” at “opo” sa nakatatanda
  4. 4. Anong mga bilang ang nagpapakita ng tamang gawain? Anong kaugaliang ipinapamalas sa una at pangatlong pangungusap? “Paggalang sa Kapwa” - Bilang 1 at 3
  5. 5. Unang grupo (Care): pagpapalakpak ng mga kamay Ikalawang grupo(Love): pagpadyak ng paa Pangatlong grupo(Like): pagtapik sa lamesa
  6. 6. Sa inyong aralin sa musika, ano ang tawag sa pulso na nadarama natin sa awitin na maaaring gawin sa pagpapalakpak, pagpadyak at pagtapik sa lamesa at iba pa?
  7. 7. BEAT - ang tawag sa pulso na nadarama natin sa musika. Maaari itong iparamdam sa pamamagitan ng kilos tulad ng pagpalakpak, pagtapik, pagpadyak at iba pa.
  8. 8. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinapakita sa video? Pagiging MAGALANG
  9. 9. “MGA KAUGALIANG PILIPINO”
  10. 10. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Anong ugaling Pilipino ang ipinapakita sa bawat sitwasyon? Isang miyembro ng bawat pangkat ang pupunta sa laptop at i- type ang tamang sagot. 1. Unang araw ng pasukan. Napansin ni Angelo na tahimik lamang ang kanyang bagong kaklase. Nilapitan niya ito at kinausap at kinaibigan. Anong ugali ang ipinakita ni Angelo? PALAKAIBIGAN
  11. 11. PAKIKISAMA SA KAPWA - palakaibigan at may maayos na relasyon sa kapwa
  12. 12. 2. Si Julia ay maagang nagising at bitbit niya ang walis para sa paglilinis sa kanilang kapilya. Anong ugali ang ipinakita ni Julia? MATULUNGIN
  13. 13. Pagtulong o Paglahok sa Bayanihan/Palusong - nagtutulungan kahit kailan o saan man
  14. 14. 3. Dumating ang tita ni Paulo mula sa Maynila. Tinulungan niya ang kanyang ate sa paghahanda ng matutulugan ng kanilang tita. Ano naman ang ipinakitang ugali nina Paulo at ng kanyang ate? MAASIKASO
  15. 15. Pagtanggap ng mga Panauhin o Bisita - mahusay at maasikasong pagtanggap sa mga bisita o pagiging “hospitable”
  16. 16. Pangkat 1: Pumili sa mga kaugaliang Pilipino at ipakita sa isang maikling pagsasadula. Pangkat 2: Panuto: Gamit ang graphic organizer, isulat ang mga natutunan mong kanais-nais na kaugaliang Pilipino. Pangkat 3: Tingnan ang larawan. Sumulat ng isang pangungusap at salungguhitan ang “salitang kilos/galaw
  17. 17. RUBRIK Pamantayan PUNTOS KABUUAN 3 2 1 KASAGUTAN Tama ang mga sagot sa gawain May isang mali na sagot May dalawa o higit pang maling sagot KABILISAN Unang natapos sa gawain Pangala-wang natapos sa gawain Pangatlong natapos sa gawain
  18. 18. Ano ang tawag sa salitang nagsasaad ng kilos o galaw? PANDIWA
  19. 19. Basahin ang sumusunod na mga sitwasyon. Ano ang inyong sagot sa bawat katanungan? 1.Nagkaroon ng sunog sa kabilang barangay. May ibang pamilya na walang gamit na nakuha. Ano ang iyong maitutulong?
  20. 20. 2. Bibisita ang mga kasamahan sa trabaho ng iyong tatay. Paano mo sila tatanggapin? 3. May bago kayong kaklase. Paano mo maipapakita ang pakikisama sa iyong kapwa?
  21. 21. Tungkol saan ang pinag-aralan natin ngayon? - Mga kaugaliang Pilipino Sino ang makapagbigay ng mga kaugaliang taglay ng mga Pilipino na natutunan ninyo ngayon?
  22. 22. Mga Kaugaliang Taglay ng mga Pilipino ◦Pakikisama sa Kapwa ◦Pagtulong o Bayanihan ◦Pagtanggap sa Bisita
  23. 23. ◦Bakit mahalagang matutunan at gawin natin ang mga kaugaliang Pilipino?
  24. 24. ◦Maliban sa ESP, saang asignatura pa kaya matatalakay ang mga Kaugalian ng mga Pilipino? Araling Panlipunan at Filipino
  25. 25. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot 1. Hindi maiangat ng munting mag-aaral ang kanyang bag pababa sa hagdanan. Ano ang iyong gagawin? a. Magkunwaring di nakikita b. Lalapitan ang bata at tulungan c. Sabihin mo sa iyong kasama na siya nalang ang tumulong d. Lalayo ako sa lugar na iyon
  26. 26. 2. May dumaang bulag na pulubi sa inyong tahanan at nanghingi siya ng pagkain. Alam mo namang may natirang pandesal sa mesa. Ano ang iyong gagawin? a. Ipahahabol ko siya sa aming aso b. Magkunwari na hindi siya napansin c. Papaupuin ko siya at bibigyan ng pagkain d. Sasabihin ko doon na lang siya sa kapitbahay pumunta
  27. 27. 3. Nakita mong patawid sa kalsada ang isang babaeng matanda at marami siyang dala-dalang gamit. Ano ang gagawin mo? a. Pabayaan ko lang siya, matanda na siya b. Titingnan ko lang siya c. Tutulungan ko siya sa pagbitbit at pagtawid d. Sasabihin ko sa traffic enforcer na tulungan ang matanda
  28. 28. 4. Anong dapat gawin upang malaman kung karapat- dapat bang tulungan ang isang tao? a. Kilatisin kung tunay na nangangailangan ang tutulungan b. Pagbigyan na lamang upang di na mangulit pa c. Hayaan na kahit na ano pa ang kanilang gagawin sa bagay na binigay d. Magsasawalang kibo na lang ako
  29. 29. 5. Magbigay ng isang kaugaliang Pilipino. Pakikisama sa Kapwa Pagtulong o Bayanihan Pagtanggap sa Bisita
  30. 30. Takdang - Aralin Sagutin ang tanong: Paano mo maipapakita ang iyong mga kanais-nais na ugali bilang isang batang Pilipino? Sa Bahay Sa Paaralan sa pamayanan

Notes de l'éditeur

  • Magandang umaga mga bata, ako nga pala sir Teacher Marlo ang inyong guro sa ESP 5. Sa umagang ito, kayo’y inaasahang:


    Magsigpagtayo muna ang lahat para sa panalangin.
  • Magsipagtayo muna ang lahat para sa panalangin. Sabayan natin ang nasa slide.
  • Bago natin simulan ang ating aralin, may mga katanungan muna ako. Lahat ng sagot niyo ay tama. Limang bagsak para sa lahat.
  • Magaling, atin munang balikan ang nakaraang aralin. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng tamang gawain.
  • Ngayon ay ating sasabayan sa pagkanta ang nasa video. Bago yan, papangalanan muna natin ang bawat grupo, Care group, Love Group at Like Group.
    Bibigyan natin ng pulso ang awitin sa pamamagitan ng:
    Handa na ba ang lahat? Simulan na natin!
  • Bigyang ng award ang makasagot.
  • Magaling, kaya sa umagang ito maliban sa Pagiging Magalang, atin pang matututunan ang iba pang mga
    “Mga Kaugaliang Pilipino”

    Maaari bang sagutin ng buong pangungusap.
  • Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Anong ugaling Pilipino ang ipinapakita sa bawat sitwasyon?. Isang miyembro ng bawat pangkat ang pupunta sa laptop at i-type ang tamang sagot. Bigyan ng award pagkatapos…
  • Ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan? Binubuhat nilang bahay patungo sa lugar na lalapitan ng pamilya.
  • Ngayon ay magkakaroon kayo ng group activity. Bawat grupo ay may gawain. Ipresenta agad sa harapan kapag tapos na ang gawain.
    May isang batang may ADHD (Attention Deficit Hyperactivity Disorder) sa klase, ito ang kanyang mga gawain:
    - Ipasali sa role playing o pagsasadula
    - Pagbibigay ng coloring activity
  • Give claps after the groups presented their outputs.
    Frog clap. 1 kokak, 2 kokak, kokak, 3 kokak kokak kokak
    Bird clap. 12 twit twit, 12 twit twit, 12 twit twit twit
    Good Job Clap. 123, 123 GOOD JOB, Good Job!

    Bigyan ng puntos ang bawat grupo pagkatapos ng presentasyon.

  • Itatanong ito after sa presentation ng pangatlong grupo.
    Ano ang tawag sa salitang nagsasaad ng kilos o galaw? Pandiwa
  • Good Job clap para sa lahat!
  • Good Job clap para sa lahat!
  • Ihanda ang ball pen para sa pagsusulit… Kung tapos na exchange your papers.
  • Okay bilangin niyo kung ilang emojis ang nakukuha ninyo upang malaman natin kung sinong grupo ang nakakuha ng First, 2nd at Third Place.
    Magbigay ng karagdagang puntos sa bawat grupo. Kung may oras pa bigyang pansin ang ginawa ng batang may ADHD.

×