SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  9
Ibong
    Adarna
    Ang korido ay isang uri ng
 panitikang pilipino, isang uri ng
      tulang nakuha natin sa
 impluwensya ng mga Espanyol.
   Ito ay may sukat na walong
pantig bawat linya at may apat na
   linya sa isang saknong. Ang
      korido ay binibigkas sa
   pamamagitan ng pakantang
   pagpapahayag ng mga tula.
     Corrido at buhay na
 pinagdaanan nang tatlong
Principeng magcacapatid na
anac nang haring Fernando at
   nang reina Valeriana sa
     cahariang Berbania
Ang Ibong Adarna
• Ang Ibong Adarna ay isang koridong isinulat ni Jose dela Cruz (na kinilala
  sa taguring Huseng Sisiw) noong panahon ng Kastila na ngayon ay bahagi
  na ng Panitikan at Mitolohiyang Pilipino [1]. Noong panahon ng pananakop
  ng mga Kastila sa Pilipinas, kilala ito sa pamagat na Corrido at Buhay na
  Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring
  Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania [2]. May mala-
  epikong istilo ng pagkakasalaysay ang Ibong Adarna na tumatalakay sa
  kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan. Nakasentro ang kwento sa
  Adarna, isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na
  nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at
  marinig ang tinig nito. Umiikot din ang kwento sa pakikipagsapalaran ni
  Don Juan, isang prinsipe ng Kahariang Berbanya sa kanyang paghahanap
  sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba't ibang lupain at pakikipag-ibigan kina
  Donya Maria Blanca at Donya Leonora [3]. May ilang mga kritiko[sino?] ang
  nagsasabing maaaring ang sumulat ng Ibong Adarna ay si Jose dela Cruz o
  kilala sa tawag na Huseng Sisiw.[
Kasaysayan ng Ibong Adarna
• Bagaman ang Ibong Adarna ay isa na ngayon sa mga kinikilalang bahagi ng
  Panitikang Pilipino, ang akdang ito ay hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas
  name="harvnb|Tomas C. Ongoco |pp=1">Tomas C. Ongoco, pp. 1</ref>.
  Ito'y tulad din ng Bernardo Carpio na nagmula sa alinmang bansa sa
  Europa [1]. Sa pananakop ng mga Kastila, ang Ibong Adarna ay nakarating
  sa Mehiko at di nagkalaon ay nakaabot sa Pilipinas. Kung titingnan,ang
  Ibong Adarna ay maituturing na kwentong bayan sapagkat hindi tiyak kung
  sino talaga ang totoong umakda nito [4]. Nang isalin sa Wikang Tagalog ang
  naturang korido, ipinagpapalagay na ganito ang mga nangyari:[4]
• Ang pangalan ng orihinal na may-akda, na nagmula sa kung saan-saang
  bansa sa Europa ay hindi na isinulat ng mga sumunod na nagpalimbag,
• Ginamit ng mga tagapagsalin ang kanilang pangalan, ngunit ito'y di
  isinama sa pagpapalathala,
• Ang mga kauna-unahang salin ng akdang ito ay pawang sulat-kamay at
  nang maglaon ay hindi na kinopya ng mga sumunod pang nagsalin ang
  mga pangalan ng nauna sa kanila at,
• Sapagkat hindi nga tiyak kung sino talaga ang totoong may-akda ng
  korido, pinili na lamang ng nakararaming tagapagsalin na huwag ng
  isama ang kanilang pangalan sa pagpapalimbag.
• Nagsimulang maging popular ang Ibong Adarna sa Pilipinas nang
  ito'y isalin sa katutubong wika. Ang bawat kopya ng akdang ito ay
  ipinagbibili sa mga perya na karaniwang nagpapalipat-lipat sa mga
  bayang nagdiriwang ng pista. Marami ang hindi marunong bumasa
  kaya't iilan lamang ang mga kopyang napalimbag. Sa kabutihang-
  palad, di nagtagal ay itinanghal na ito sa mga entablado tulad ng
  komedya o moro-moro [4].
• Ang karaniwang kaanyuan ng nasabing korido na siya ngayong
  pinag-aaralan sa mga paaralan ay ang isinaayos na salin ni Marcelo
  P. Garcia noong 1949 [1].
• Sa ngayon ay may ilang nagpapalagay na si José de la Cruz (o
  Huseng Sisiw), isang makatang kaalinsabay ni Francisco "Balagtas"
  Baltazar noong panahon ng pananakop ng mga Kastila ang kumatha
  ng Ibong Adarna [5]. At dahil nga hindi katiyakan kung sino ang
  orihinal na may-akda at dahil na rin sa kasikatan nito sa Panitikang
  Pilipino, maraming nag-aakala na ang Ibong Adarna ay katutubo
  mismo sa Pilipinas.
Buod
• Noo'y may isang kahariang tinatawag na Berbanya. Ito'y pinamumunuan
  nila Haring Fernando at Reyna Valeriana kasama ng kanilang tatlong anak
  na sina Don Pedro, ang panganay, Don Diego, ang pangalawa at Don
  Juan, ang bunso na pawang mga prinsipe ng nasabing kaharian [6].
• Isang gabi'y nanaginip si Haring Fernando. Napanaginipan niyang may
  nagtapon daw kay Don Juan sa isang malalim na balon. Nang magising ang
  hari, siya'y nagsimulang magkasakit. Ipinayo ng mga manggagamot na ang
  tanging kanta lamang ng Ibong Adarna na matatagpuan sa Bundok Tabor
  ang siyang makapagpapagaling sa sakit ng hari [6].
• Unang nagtangka si Don Pedro ngunit siya'y nabigo. Nang marating niya
  ang Piedras Platas, ang punong tinitirhan ng Ibong Adarna, ay nahimbing
  siya sa awitin ng naturang ibon. Di sinasadyang naiputan siya ng ibon at
  nanigas at naging bato. Sunod na nagtangka si Don Diego ngunit sinapit
  din niya ang nangyari kay Don Pedro. Noon na tumulak sa paglalakbay si
  Don Juan na siya na lamang tanging pag-asa ng Kahariang Berbanya,bago
  umalis si Don Juan ay humingi muna siya ng basbas sa hari [6].
• Sinapit ni Don Juan ang landas patungong Bundok Tabor. Nasalubong niya
  sa daan ang isang Matandang Leproso na nagpayo sa kanya na mag-ingat
  sa nakakahalinang ganda ng punong Piedras Platas. Dahil si Don Juan ay
  may magandang kalooban, ibinigay niya ang kanyang kahuli-hulihang baon
  na tinapay sa matandang lalaki na ketongin. Dahil dito, tinulungan siya ng
  ketongin kung papaano matatagpuan ang Ibong Adarna. Iniwasan nga niya
  ang pagtigil sa nasabing puno at natanaw niya ang isang bahay kung saan
  may matandang Ermitanyong nakatira. Ito ang tumulong sa kanya upang
  makuha ang Ibong Adarna at mapabalik sa dati mula sa pagiging bato sina
  Don Pedro at Don Diego [6].
• Kapwa tinahak ng tatlong prinsipe ang daan pabalik ngunit gumawa ng
  lalang sina Don Pedro at Don Diego. Silang dalawa'y kapwa bumalik sa
  Kahariang Berbanya at iniwan si Don Juan na nakalupasay sa gitna ng daan
  bunga ng tinamong bugbog. May naparaang isang Matandang Ermitanyo.
  Samantalang sa Kahariang Berbanya ay hindi napaawit nina Don Pedro at
  Don Diego ang Ibong Adarna. Siya namang pagdating ni Don Juan na noo'y
  nanumbalik na ang dating lakas. Noon umawit ang Ibong Adarna at
  isinalaysay ang kataksilang ginawa nina Don Pedro at Don Diego kay Don
  Juan. Nawala ang sakit ni Haring Fernando at iniutos na parusahan and
  dalawang nagkasala. Sa pakiusap naman ni Don Juan ay pinatawad ng hari
  ang dalawa [6].
•   Ang Ibong Adarna ay inalagaan sa loob ng palasyo ng tatlong magkakapatid ngunit muling gumawa
    ng lalang sina Don Pedro at Don Diego. Pinakawalan nila ang ibon sa hawla nito nang minsang
    mahimbing si Don Juan na noo'y siyang nakatoka sa kasi pagbabantay bunga ng pagkakapuyat niya
    noong mga nakaraang gabi. Nang maratnan ni Don Juan na wala na ang Ibong Adarna, naglayas siya
    sa kaharian upang hanapin ang ibon. Nalaman ni Haring Fernando ang nangyari at iniutos kina Don
    Pedro at Don Diego na hanapin si Don Juan. Natagpuan nga ng dalawa si Don Juan at sumumpa ang
    tatlo na sila'y maglalagalag na lamang sa kagubatan ng Armenia [7].
•   Sa kanilang paglalagalag ay nakatuklas sila ng balon na kung saan sa ilalim nito ay may kaharian.
    Tanging si Don Juan ang nakapasok sa kaharian sa balon samantalang matiyaga namang naghintay
    sa taas sina Don Pedro at Don Diego. Ngunit sa kabila ng mga ito, naiingit si Don Pedro kay Don Juan
    at sinabi nya kay Don Diego ang kanyang masamang balak kay Don Juan para sila ay mabigyan ng
    posisyon sa kaharian. Sumang-ayon si Don Diego sa masamang balak ng kanyang kapatid. Kanilang
    sinaktan si Don Juan hanggang sya ay mawalan ng malay. Samantala, nagdasal si Don Juan dahil sa
    hindi siya halos makagapang sa bugbog na tinanggap mula sa dalawang kapatid.
•   Natagpuan ni Don Juan si Donya Juana na noo'y bihag ng isang higante. Nang mailigtas si Donya
    Juana buhat sa kuko ng higante ay iniligtas naman ni Don Juan si Donya Leonora, ang kapatid nito na
    bihag ng isang serpyenteng may pitong ulo. Nagawa ni Don Juan na matalo ang serpyente at silang
    dalawa ni Donya Leonora ay naging magkasintahan [7].
•   Muling umakyat si Don Juan kasama na ang dalawang donya palabas ng balon. Ngunit may
    naiwanang singsing si Donya Leonora na pinamana sa kanya ng kanyang mga magulang kaya't
    kinailangan muli ni Don Juan na bumalik pababa. Nang siya'y malapit ng makaahon ay gumawa na
    naman ng lalang sina Don Pedro at Don Diego na may sampung dipang lalim ang balon. Kanilang
    pinutol ang lubid na siyang kinakapitan ni Don Juan. Bumagsak si Don Juan at siya'y nagtamo ng
    matinding sugat samantalang sapilitan namang isinama ng dalawang prinsipe and dalawang donya
    patungong Berbanya. Ikinasal sina Don Diego at Donya Juana ngunit nanaghoy si Donya Leonora sa
    pagkakahiwalay nila ni Don Juan [7].
Samantalang isang lobo na alaga ni Donya Leonora ang gumamot kay Don
 Juan. Tinulungan siya nitong makaahon sa balon. Noon muli niyang nakita
   ang Ibong Adarna na nagpayo sa kanya na limutin na si Donya Leonora
  sapagkat makakakilala siya ng bagong mamahalin sa Kahariang tinatawag
 na Reino Delos Cristales. Kapagkadaka'y nalimot nga niya si Donya Leonora
ngunit patuloy niyang hinanap ang berbanya niyang mahal. Tinulungan siya
 ng tatlong ermitanyong nasalubong niya ang isa ay 100 taong gulang na at
hindi siya ito natulungan ngunit nagpayo na pumunta sa kanyang kapatid na
 500 taon gulang na ngunit sa tanda niyang iyon, hindi niya malaman kung
saan ang Reyno Delos crystales kaya't pinapunta niya ito sa kanyang kapatid
      na 800 taong gulang na at siya'y pinasakay sa isang malaking agila
     patungong Reino Delos Cristales at sinabi na sa kahariang iyon, may
  makikilala siyang dilag na laging naliligo tuwing 4 ng madaling araw, kung
kaya't kailangan niyang magmadali doon niya makikita sa kaharian ang daan
   patungong Berbanya. [7]. Nakikilala niya si Donya Maria Blanca, anak ni
    Haring Salermo. Hiningi ni Don Juan kay Haring Salermo ang kamay ni
     Donya Maria Blanca na noo'y naging magkasintahan na subalit kung
       magagawa nito ang mga pagsubok na iaatas sa kanya ng hari [8].
Pitong pagsubok ang pinagdaanan ni Don Juan at ito'y pawang matagumpay sa
 pamamagitan ng mahika ni Donya Maria Blanca. Subalit napag-alaman ni Donya
  Maria Blanca na ibig ipakasal sa isang tiya sa Inglatera ng kanyang ama si Don
 Juan. Nagkaroon ng labu-labo at nagtanan ang dalawang magkasintahan subalit
   isinumpa ni Haring Salermo na malilimot ni Don Juan si Donya Maria Blanca
       kapag may ibang babae ang unang tumingin sa mata ni Don Juan. [9].
    Nangyari nga ang sumpa ni Haring Salermo kaya't si Don Juan ay itinakdang
ipakasal kay Donya Leonora. Nagalit si Donya Maria Blanca at sa araw ng kasalan
  ay dumating itong bihis ang isang magandang kasuotan at sakay sa magarang
karosa. Sa pamamagitan ng mahika ni Donya Maria Blanca ay naalala ni Don Juan
  kung sino ang tunay niyang iniibig at hiniling na niyang silang dalawa ni Maria
   Blanca ay ipakasal. Mariing tumutol si Donya Leonora at nagkaroon ng ilang
      pagpapaliwanag at pagtatalo. Isinangguni sa arsobispo ng Berbanya ang
   naturang usapin at iminungkahi nitong dapat pakasal si Don Juan kay Donya
Leonora. Nagalit si Donya Maria Blanca at pinabaha ang buong palasyo sa tulong
   ng kanyang mahika. Si Don Juan na ang nagpasiya. Ibig niyang makasal sila ni
  Donya Maria Blanca at sina Donya Leonora at Don Pedro naman. Natuloy nga
ang kasalan at hinirang ni Haring Fernando na bagong hari at reyna ng Kahariang
    Berbanya sina Don Juan at Donya Maria Blanca. Tumutol ang huli sapagkat
 babalik daw sila sa Kahariang Reyno Delos Crystales kaya't nauwi ang trono kina
  Don Pedro at Donya Leonora. Sina Don Juan at Donya Maria Blanca ay bumalik
    nga sa Kahariang Reyno Delos Crystales at silang dalawa ang namuno roon.

Contenu connexe

Tendances

Ibong Adarna (Kabanata 1-3)
Ibong Adarna (Kabanata 1-3)Ibong Adarna (Kabanata 1-3)
Ibong Adarna (Kabanata 1-3)SCPS
 
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2Allan Ortiz
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at LauraKaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at LauraCherry An Gale
 
Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2yette0102
 
Epiko (Prinsipe Bantugan)
Epiko (Prinsipe Bantugan)Epiko (Prinsipe Bantugan)
Epiko (Prinsipe Bantugan)Erwin Maneje
 
Elemento ng balagtasan
Elemento ng balagtasan Elemento ng balagtasan
Elemento ng balagtasan Rochelle Nato
 
Mga Tauhan sa Ibong Adarna.pptx
Mga Tauhan sa Ibong Adarna.pptxMga Tauhan sa Ibong Adarna.pptx
Mga Tauhan sa Ibong Adarna.pptxPatrishaCortez1
 
Kwentong bayan
Kwentong bayanKwentong bayan
Kwentong bayanJocelle
 
Ibong adarna buod
Ibong adarna buodIbong adarna buod
Ibong adarna buodWendy Lopez
 
Tugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipan
Tugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipanTugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipan
Tugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipanMichelle Muñoz
 

Tendances (20)

Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
 
Epiko at Pangngalan
Epiko at PangngalanEpiko at Pangngalan
Epiko at Pangngalan
 
Ibong Adarna (Kabanata 1-3)
Ibong Adarna (Kabanata 1-3)Ibong Adarna (Kabanata 1-3)
Ibong Adarna (Kabanata 1-3)
 
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at LauraKaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
 
Mga relihiyon sa asya
Mga relihiyon sa asya Mga relihiyon sa asya
Mga relihiyon sa asya
 
Balagtasan
BalagtasanBalagtasan
Balagtasan
 
Ang ama
Ang amaAng ama
Ang ama
 
Birtud
BirtudBirtud
Birtud
 
Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2
 
Pangatnig
PangatnigPangatnig
Pangatnig
 
Epiko (Prinsipe Bantugan)
Epiko (Prinsipe Bantugan)Epiko (Prinsipe Bantugan)
Epiko (Prinsipe Bantugan)
 
Florante at laura buod
Florante at laura buodFlorante at laura buod
Florante at laura buod
 
Elemento ng balagtasan
Elemento ng balagtasan Elemento ng balagtasan
Elemento ng balagtasan
 
Mga Tauhan sa Ibong Adarna.pptx
Mga Tauhan sa Ibong Adarna.pptxMga Tauhan sa Ibong Adarna.pptx
Mga Tauhan sa Ibong Adarna.pptx
 
Ibong adarna ppt
Ibong adarna pptIbong adarna ppt
Ibong adarna ppt
 
Kwentong bayan
Kwentong bayanKwentong bayan
Kwentong bayan
 
Ibong adarna buod
Ibong adarna buodIbong adarna buod
Ibong adarna buod
 
Tugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipan
Tugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipanTugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipan
Tugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipan
 
Paghahambing
PaghahambingPaghahambing
Paghahambing
 

Similaire à Ibong adarna

BALANGKAS NG IBONG ADARNA.pdf
BALANGKAS NG IBONG ADARNA.pdfBALANGKAS NG IBONG ADARNA.pdf
BALANGKAS NG IBONG ADARNA.pdfRichardBinoya1
 
Ibong adarna buod ng 4 na yugto
Ibong adarna buod ng 4 na yugtoIbong adarna buod ng 4 na yugto
Ibong adarna buod ng 4 na yugtoEvelyn Manahan
 
ARALIN 4 IBONG ADARNA.pptx
ARALIN 4 IBONG ADARNA.pptxARALIN 4 IBONG ADARNA.pptx
ARALIN 4 IBONG ADARNA.pptxJess714327
 
Mga+tauhan+ng+Ibong+Adarna.docx
Mga+tauhan+ng+Ibong+Adarna.docxMga+tauhan+ng+Ibong+Adarna.docx
Mga+tauhan+ng+Ibong+Adarna.docxShennieDeFelix
 
Final ibong adarna history
Final ibong adarna historyFinal ibong adarna history
Final ibong adarna historyLemuel Estrada
 
Ibong Adarna_Mga_Tauhan_James Kurt Apolinario.pptx
Ibong Adarna_Mga_Tauhan_James Kurt Apolinario.pptxIbong Adarna_Mga_Tauhan_James Kurt Apolinario.pptx
Ibong Adarna_Mga_Tauhan_James Kurt Apolinario.pptxAnneLavigne6
 
Lesson 1 Ibong Adarna.pptx
Lesson 1 Ibong Adarna.pptxLesson 1 Ibong Adarna.pptx
Lesson 1 Ibong Adarna.pptxBeverlySelibio
 
PPT Mga Tauhan sa Ibong Adarna (1).pptx
PPT Mga Tauhan sa Ibong Adarna (1).pptxPPT Mga Tauhan sa Ibong Adarna (1).pptx
PPT Mga Tauhan sa Ibong Adarna (1).pptxIMELDATORRES8
 
WEEK1- IBONG ADARNA ARALIN 4.1.pptx
WEEK1- IBONG ADARNA ARALIN 4.1.pptxWEEK1- IBONG ADARNA ARALIN 4.1.pptx
WEEK1- IBONG ADARNA ARALIN 4.1.pptxreychelgamboa2
 
ibong adarna kabanata 1 ang hiling ng don juan kay lolo bron
ibong adarna kabanata 1 ang hiling ng don juan kay lolo bronibong adarna kabanata 1 ang hiling ng don juan kay lolo bron
ibong adarna kabanata 1 ang hiling ng don juan kay lolo bronJOhnmarkYap1
 
Ibong Adarna Aralin 00-05
Ibong Adarna Aralin 00-05Ibong Adarna Aralin 00-05
Ibong Adarna Aralin 00-05Love Bordamonte
 
Aralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong Adarna
Aralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong AdarnaAralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong Adarna
Aralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong AdarnaJoseph Cemena
 
Aralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong Adarna
Aralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong AdarnaAralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong Adarna
Aralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong AdarnaJoseph Cemena
 

Similaire à Ibong adarna (20)

IBONG ADARNA BUOD.pptx
IBONG ADARNA BUOD.pptxIBONG ADARNA BUOD.pptx
IBONG ADARNA BUOD.pptx
 
Filipino 7 4
Filipino 7 4Filipino 7 4
Filipino 7 4
 
BALANGKAS NG IBONG ADARNA.pdf
BALANGKAS NG IBONG ADARNA.pdfBALANGKAS NG IBONG ADARNA.pdf
BALANGKAS NG IBONG ADARNA.pdf
 
Ibong adarna buod ng 4 na yugto
Ibong adarna buod ng 4 na yugtoIbong adarna buod ng 4 na yugto
Ibong adarna buod ng 4 na yugto
 
ARALIN 4 IBONG ADARNA.pptx
ARALIN 4 IBONG ADARNA.pptxARALIN 4 IBONG ADARNA.pptx
ARALIN 4 IBONG ADARNA.pptx
 
PAGSUSURING PAMPANITIKAN.docx
PAGSUSURING PAMPANITIKAN.docxPAGSUSURING PAMPANITIKAN.docx
PAGSUSURING PAMPANITIKAN.docx
 
Ibong adarna
Ibong adarnaIbong adarna
Ibong adarna
 
Ang ibong adarna
Ang ibong adarnaAng ibong adarna
Ang ibong adarna
 
Mga+tauhan+ng+Ibong+Adarna.docx
Mga+tauhan+ng+Ibong+Adarna.docxMga+tauhan+ng+Ibong+Adarna.docx
Mga+tauhan+ng+Ibong+Adarna.docx
 
Final ibong adarna history
Final ibong adarna historyFinal ibong adarna history
Final ibong adarna history
 
Ibong adarna
Ibong adarnaIbong adarna
Ibong adarna
 
Ibong Adarna_Mga_Tauhan_James Kurt Apolinario.pptx
Ibong Adarna_Mga_Tauhan_James Kurt Apolinario.pptxIbong Adarna_Mga_Tauhan_James Kurt Apolinario.pptx
Ibong Adarna_Mga_Tauhan_James Kurt Apolinario.pptx
 
Lesson 1 Ibong Adarna.pptx
Lesson 1 Ibong Adarna.pptxLesson 1 Ibong Adarna.pptx
Lesson 1 Ibong Adarna.pptx
 
KABANATA 1-9.pptx
KABANATA 1-9.pptxKABANATA 1-9.pptx
KABANATA 1-9.pptx
 
PPT Mga Tauhan sa Ibong Adarna (1).pptx
PPT Mga Tauhan sa Ibong Adarna (1).pptxPPT Mga Tauhan sa Ibong Adarna (1).pptx
PPT Mga Tauhan sa Ibong Adarna (1).pptx
 
WEEK1- IBONG ADARNA ARALIN 4.1.pptx
WEEK1- IBONG ADARNA ARALIN 4.1.pptxWEEK1- IBONG ADARNA ARALIN 4.1.pptx
WEEK1- IBONG ADARNA ARALIN 4.1.pptx
 
ibong adarna kabanata 1 ang hiling ng don juan kay lolo bron
ibong adarna kabanata 1 ang hiling ng don juan kay lolo bronibong adarna kabanata 1 ang hiling ng don juan kay lolo bron
ibong adarna kabanata 1 ang hiling ng don juan kay lolo bron
 
Ibong Adarna Aralin 00-05
Ibong Adarna Aralin 00-05Ibong Adarna Aralin 00-05
Ibong Adarna Aralin 00-05
 
Aralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong Adarna
Aralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong AdarnaAralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong Adarna
Aralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong Adarna
 
Aralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong Adarna
Aralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong AdarnaAralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong Adarna
Aralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong Adarna
 

Ibong adarna

  • 1. Ibong Adarna Ang korido ay isang uri ng panitikang pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula. Corrido at buhay na pinagdaanan nang tatlong Principeng magcacapatid na anac nang haring Fernando at nang reina Valeriana sa cahariang Berbania
  • 2. Ang Ibong Adarna • Ang Ibong Adarna ay isang koridong isinulat ni Jose dela Cruz (na kinilala sa taguring Huseng Sisiw) noong panahon ng Kastila na ngayon ay bahagi na ng Panitikan at Mitolohiyang Pilipino [1]. Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, kilala ito sa pamagat na Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania [2]. May mala- epikong istilo ng pagkakasalaysay ang Ibong Adarna na tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan. Nakasentro ang kwento sa Adarna, isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito. Umiikot din ang kwento sa pakikipagsapalaran ni Don Juan, isang prinsipe ng Kahariang Berbanya sa kanyang paghahanap sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba't ibang lupain at pakikipag-ibigan kina Donya Maria Blanca at Donya Leonora [3]. May ilang mga kritiko[sino?] ang nagsasabing maaaring ang sumulat ng Ibong Adarna ay si Jose dela Cruz o kilala sa tawag na Huseng Sisiw.[
  • 3. Kasaysayan ng Ibong Adarna • Bagaman ang Ibong Adarna ay isa na ngayon sa mga kinikilalang bahagi ng Panitikang Pilipino, ang akdang ito ay hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas name="harvnb|Tomas C. Ongoco |pp=1">Tomas C. Ongoco, pp. 1</ref>. Ito'y tulad din ng Bernardo Carpio na nagmula sa alinmang bansa sa Europa [1]. Sa pananakop ng mga Kastila, ang Ibong Adarna ay nakarating sa Mehiko at di nagkalaon ay nakaabot sa Pilipinas. Kung titingnan,ang Ibong Adarna ay maituturing na kwentong bayan sapagkat hindi tiyak kung sino talaga ang totoong umakda nito [4]. Nang isalin sa Wikang Tagalog ang naturang korido, ipinagpapalagay na ganito ang mga nangyari:[4] • Ang pangalan ng orihinal na may-akda, na nagmula sa kung saan-saang bansa sa Europa ay hindi na isinulat ng mga sumunod na nagpalimbag, • Ginamit ng mga tagapagsalin ang kanilang pangalan, ngunit ito'y di isinama sa pagpapalathala, • Ang mga kauna-unahang salin ng akdang ito ay pawang sulat-kamay at nang maglaon ay hindi na kinopya ng mga sumunod pang nagsalin ang mga pangalan ng nauna sa kanila at,
  • 4. • Sapagkat hindi nga tiyak kung sino talaga ang totoong may-akda ng korido, pinili na lamang ng nakararaming tagapagsalin na huwag ng isama ang kanilang pangalan sa pagpapalimbag. • Nagsimulang maging popular ang Ibong Adarna sa Pilipinas nang ito'y isalin sa katutubong wika. Ang bawat kopya ng akdang ito ay ipinagbibili sa mga perya na karaniwang nagpapalipat-lipat sa mga bayang nagdiriwang ng pista. Marami ang hindi marunong bumasa kaya't iilan lamang ang mga kopyang napalimbag. Sa kabutihang- palad, di nagtagal ay itinanghal na ito sa mga entablado tulad ng komedya o moro-moro [4]. • Ang karaniwang kaanyuan ng nasabing korido na siya ngayong pinag-aaralan sa mga paaralan ay ang isinaayos na salin ni Marcelo P. Garcia noong 1949 [1]. • Sa ngayon ay may ilang nagpapalagay na si José de la Cruz (o Huseng Sisiw), isang makatang kaalinsabay ni Francisco "Balagtas" Baltazar noong panahon ng pananakop ng mga Kastila ang kumatha ng Ibong Adarna [5]. At dahil nga hindi katiyakan kung sino ang orihinal na may-akda at dahil na rin sa kasikatan nito sa Panitikang Pilipino, maraming nag-aakala na ang Ibong Adarna ay katutubo mismo sa Pilipinas.
  • 5. Buod • Noo'y may isang kahariang tinatawag na Berbanya. Ito'y pinamumunuan nila Haring Fernando at Reyna Valeriana kasama ng kanilang tatlong anak na sina Don Pedro, ang panganay, Don Diego, ang pangalawa at Don Juan, ang bunso na pawang mga prinsipe ng nasabing kaharian [6]. • Isang gabi'y nanaginip si Haring Fernando. Napanaginipan niyang may nagtapon daw kay Don Juan sa isang malalim na balon. Nang magising ang hari, siya'y nagsimulang magkasakit. Ipinayo ng mga manggagamot na ang tanging kanta lamang ng Ibong Adarna na matatagpuan sa Bundok Tabor ang siyang makapagpapagaling sa sakit ng hari [6]. • Unang nagtangka si Don Pedro ngunit siya'y nabigo. Nang marating niya ang Piedras Platas, ang punong tinitirhan ng Ibong Adarna, ay nahimbing siya sa awitin ng naturang ibon. Di sinasadyang naiputan siya ng ibon at nanigas at naging bato. Sunod na nagtangka si Don Diego ngunit sinapit din niya ang nangyari kay Don Pedro. Noon na tumulak sa paglalakbay si Don Juan na siya na lamang tanging pag-asa ng Kahariang Berbanya,bago umalis si Don Juan ay humingi muna siya ng basbas sa hari [6].
  • 6. • Sinapit ni Don Juan ang landas patungong Bundok Tabor. Nasalubong niya sa daan ang isang Matandang Leproso na nagpayo sa kanya na mag-ingat sa nakakahalinang ganda ng punong Piedras Platas. Dahil si Don Juan ay may magandang kalooban, ibinigay niya ang kanyang kahuli-hulihang baon na tinapay sa matandang lalaki na ketongin. Dahil dito, tinulungan siya ng ketongin kung papaano matatagpuan ang Ibong Adarna. Iniwasan nga niya ang pagtigil sa nasabing puno at natanaw niya ang isang bahay kung saan may matandang Ermitanyong nakatira. Ito ang tumulong sa kanya upang makuha ang Ibong Adarna at mapabalik sa dati mula sa pagiging bato sina Don Pedro at Don Diego [6]. • Kapwa tinahak ng tatlong prinsipe ang daan pabalik ngunit gumawa ng lalang sina Don Pedro at Don Diego. Silang dalawa'y kapwa bumalik sa Kahariang Berbanya at iniwan si Don Juan na nakalupasay sa gitna ng daan bunga ng tinamong bugbog. May naparaang isang Matandang Ermitanyo. Samantalang sa Kahariang Berbanya ay hindi napaawit nina Don Pedro at Don Diego ang Ibong Adarna. Siya namang pagdating ni Don Juan na noo'y nanumbalik na ang dating lakas. Noon umawit ang Ibong Adarna at isinalaysay ang kataksilang ginawa nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Nawala ang sakit ni Haring Fernando at iniutos na parusahan and dalawang nagkasala. Sa pakiusap naman ni Don Juan ay pinatawad ng hari ang dalawa [6].
  • 7. Ang Ibong Adarna ay inalagaan sa loob ng palasyo ng tatlong magkakapatid ngunit muling gumawa ng lalang sina Don Pedro at Don Diego. Pinakawalan nila ang ibon sa hawla nito nang minsang mahimbing si Don Juan na noo'y siyang nakatoka sa kasi pagbabantay bunga ng pagkakapuyat niya noong mga nakaraang gabi. Nang maratnan ni Don Juan na wala na ang Ibong Adarna, naglayas siya sa kaharian upang hanapin ang ibon. Nalaman ni Haring Fernando ang nangyari at iniutos kina Don Pedro at Don Diego na hanapin si Don Juan. Natagpuan nga ng dalawa si Don Juan at sumumpa ang tatlo na sila'y maglalagalag na lamang sa kagubatan ng Armenia [7]. • Sa kanilang paglalagalag ay nakatuklas sila ng balon na kung saan sa ilalim nito ay may kaharian. Tanging si Don Juan ang nakapasok sa kaharian sa balon samantalang matiyaga namang naghintay sa taas sina Don Pedro at Don Diego. Ngunit sa kabila ng mga ito, naiingit si Don Pedro kay Don Juan at sinabi nya kay Don Diego ang kanyang masamang balak kay Don Juan para sila ay mabigyan ng posisyon sa kaharian. Sumang-ayon si Don Diego sa masamang balak ng kanyang kapatid. Kanilang sinaktan si Don Juan hanggang sya ay mawalan ng malay. Samantala, nagdasal si Don Juan dahil sa hindi siya halos makagapang sa bugbog na tinanggap mula sa dalawang kapatid. • Natagpuan ni Don Juan si Donya Juana na noo'y bihag ng isang higante. Nang mailigtas si Donya Juana buhat sa kuko ng higante ay iniligtas naman ni Don Juan si Donya Leonora, ang kapatid nito na bihag ng isang serpyenteng may pitong ulo. Nagawa ni Don Juan na matalo ang serpyente at silang dalawa ni Donya Leonora ay naging magkasintahan [7]. • Muling umakyat si Don Juan kasama na ang dalawang donya palabas ng balon. Ngunit may naiwanang singsing si Donya Leonora na pinamana sa kanya ng kanyang mga magulang kaya't kinailangan muli ni Don Juan na bumalik pababa. Nang siya'y malapit ng makaahon ay gumawa na naman ng lalang sina Don Pedro at Don Diego na may sampung dipang lalim ang balon. Kanilang pinutol ang lubid na siyang kinakapitan ni Don Juan. Bumagsak si Don Juan at siya'y nagtamo ng matinding sugat samantalang sapilitan namang isinama ng dalawang prinsipe and dalawang donya patungong Berbanya. Ikinasal sina Don Diego at Donya Juana ngunit nanaghoy si Donya Leonora sa pagkakahiwalay nila ni Don Juan [7].
  • 8. Samantalang isang lobo na alaga ni Donya Leonora ang gumamot kay Don Juan. Tinulungan siya nitong makaahon sa balon. Noon muli niyang nakita ang Ibong Adarna na nagpayo sa kanya na limutin na si Donya Leonora sapagkat makakakilala siya ng bagong mamahalin sa Kahariang tinatawag na Reino Delos Cristales. Kapagkadaka'y nalimot nga niya si Donya Leonora ngunit patuloy niyang hinanap ang berbanya niyang mahal. Tinulungan siya ng tatlong ermitanyong nasalubong niya ang isa ay 100 taong gulang na at hindi siya ito natulungan ngunit nagpayo na pumunta sa kanyang kapatid na 500 taon gulang na ngunit sa tanda niyang iyon, hindi niya malaman kung saan ang Reyno Delos crystales kaya't pinapunta niya ito sa kanyang kapatid na 800 taong gulang na at siya'y pinasakay sa isang malaking agila patungong Reino Delos Cristales at sinabi na sa kahariang iyon, may makikilala siyang dilag na laging naliligo tuwing 4 ng madaling araw, kung kaya't kailangan niyang magmadali doon niya makikita sa kaharian ang daan patungong Berbanya. [7]. Nakikilala niya si Donya Maria Blanca, anak ni Haring Salermo. Hiningi ni Don Juan kay Haring Salermo ang kamay ni Donya Maria Blanca na noo'y naging magkasintahan na subalit kung magagawa nito ang mga pagsubok na iaatas sa kanya ng hari [8].
  • 9. Pitong pagsubok ang pinagdaanan ni Don Juan at ito'y pawang matagumpay sa pamamagitan ng mahika ni Donya Maria Blanca. Subalit napag-alaman ni Donya Maria Blanca na ibig ipakasal sa isang tiya sa Inglatera ng kanyang ama si Don Juan. Nagkaroon ng labu-labo at nagtanan ang dalawang magkasintahan subalit isinumpa ni Haring Salermo na malilimot ni Don Juan si Donya Maria Blanca kapag may ibang babae ang unang tumingin sa mata ni Don Juan. [9]. Nangyari nga ang sumpa ni Haring Salermo kaya't si Don Juan ay itinakdang ipakasal kay Donya Leonora. Nagalit si Donya Maria Blanca at sa araw ng kasalan ay dumating itong bihis ang isang magandang kasuotan at sakay sa magarang karosa. Sa pamamagitan ng mahika ni Donya Maria Blanca ay naalala ni Don Juan kung sino ang tunay niyang iniibig at hiniling na niyang silang dalawa ni Maria Blanca ay ipakasal. Mariing tumutol si Donya Leonora at nagkaroon ng ilang pagpapaliwanag at pagtatalo. Isinangguni sa arsobispo ng Berbanya ang naturang usapin at iminungkahi nitong dapat pakasal si Don Juan kay Donya Leonora. Nagalit si Donya Maria Blanca at pinabaha ang buong palasyo sa tulong ng kanyang mahika. Si Don Juan na ang nagpasiya. Ibig niyang makasal sila ni Donya Maria Blanca at sina Donya Leonora at Don Pedro naman. Natuloy nga ang kasalan at hinirang ni Haring Fernando na bagong hari at reyna ng Kahariang Berbanya sina Don Juan at Donya Maria Blanca. Tumutol ang huli sapagkat babalik daw sila sa Kahariang Reyno Delos Crystales kaya't nauwi ang trono kina Don Pedro at Donya Leonora. Sina Don Juan at Donya Maria Blanca ay bumalik nga sa Kahariang Reyno Delos Crystales at silang dalawa ang namuno roon.