Ce diaporama a bien été signalé.
Le téléchargement de votre SlideShare est en cours. ×

Ang Nasyonalismo sa Asya

Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Prochain SlideShare
Aralin 10
Aralin 10
Chargement dans…3
×

Consultez-les par la suite

1 sur 9 Publicité
Publicité

Plus De Contenu Connexe

Diaporamas pour vous (20)

Les utilisateurs ont également aimé (19)

Publicité

Similaire à Ang Nasyonalismo sa Asya (20)

Publicité

Plus récents (20)

Ang Nasyonalismo sa Asya

  1. 1. Aralin 11 – ANG NASYONALISMO SA ASYA NASYONALISMO – Pagkabansa *ito ay galing sa salitang Latin na “natio” na ang ibig sabihin ay ang pagpapangkat ng mga taong may iisang lahi na masmataaskaysa pamilya ngunit mas maliit kaysa sambayanan. *pinaghahawakan na may karapatan ang isang bansa *binbigyang kahulugan ang sa etnisidad o kultura na magbuo ng isang malaya o awtonomong pamayanang pampolitika Balik aral: Sati / Suttee – pagsunog sa biyudang babae pag pumanaw na ang kanyang asawa. Female infanticide – pagpatay sa mga batang babae (powerpoint) Pinagpunyagian ng mga Asyano na makamtan ang kalayaan mula sa kapangyarihan ng Kanluranin at iba pang puwersa. PAGLINANG NG NASYONALISMONG INDIAN  Ito ay umusbong noong 18 siglo.  Ang mga maykayang Indian ay nakapag-aral sa mga paaralang British ay nagkaroon ng kaalaman tungkol sa Nasyonalismo at demokrasya.  Mula sa mga nagparal sa Kanluraning paaralan, nabuo ang 2 pangkat na naglayong mapatalsik ang dayuhang pamamahala sa India. 1. Indian National Congress – itinatag noong 1885 2. All Indian Muslim League – na itinatag noong 1906 ni Mohammed Ali Jinnah Sa kabila ng malalim na di pagkakaunawaanng 2 pangkat na ito, magkasama silang namuhay at nagtiis sa ilalim ng mga British at magkatulad ding naunawaan ang mga ideya ng demokrasya. Bunga nito, nagsanib ang puwersa upang matamo ang minithing kalayaan para sa kanilang bansa. ANG NASYONALISMONG INDIAN SA PAGTATAPOS NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG Nag-iba ang kalagayan ng India sa pagsisimula ng Word War 1, nanawagan ang mga British sa India na nais magpatala upang magsilbi sa militar ng mga British. Maraming Indian ang nagpatala kapalit ng ipinangakong reporma sa bansa na maaaring matuloy sa pagsasarili ng kanilang bansa. Sa panahon ng digmaan, pinagbigyan ng pamahalaang British ang mga Indian na makilahok sa lahat ng sangay ng pamahalaan. Sa bahagi ng mga Indian, ito ay isa nang hakbang tungo sa pagkakaroon ng boses sa pamahalaan at inaasam na tuluyang pagsasarili. 1918 – matapos ang World War1 inasahan ng mga Indian na tutuparin ng mga British ang kanilang ipinakong kasarinlan. Ngunit sila ay muling itinuring ng mga ito bilang mga second class na mamamayan. Hindi pagtupad sa pangako ng mga British sa mga Indian: 1. Itinuring silang second class na mamamayan 2. Tumaas ang buwis 3. Tumaas ang presyo ng mga bilihin 4. Nagkasakit ang maraming Indian bunsod ng lumaganap na epidemyang flu na ikinabalisa ng maraming Indian at Muslim sa bansa. 1919 – upang mapigilan ang pagtutol ng mga Indian, ipinatupad ng pamahalaang British ang Rowlatt Act. ROWLATT ACT – sa batas na ito, ang pamahalaang British ay pinagkalooban ng karapatang supilin atikulong nang 2 taong walang paglilitis ang sinumang tututol sa patakarang British. Sa panig ng mga edukadong Indian, ang batas na ito ay isang paglabag sa karapatang indibidwal. Muling sumiklab ang isang marahas na pagtutol sa Punjab, India kung saan nagmua ang higit na maraming beteranong Indian ng World War 1. ANG AMRITSAR MASSACRE Bilang pagtutol sa Rowlatt Act ang mga Muslim at Hindu ay nagtipon sa Amritsar, kabisera ng Punjab. Layon ng mga Indian: mag-ayuno, manalangin, atmaking sa mga talumpating pampolotikal ng kanilang mga nasyonalistang lider. Lingid sa karamihan ng mga dumalo, ipinagbabawal ng mga British ang pagtitipong pampubliko. Ngunit dahil sa paniniwalang lantarang sinalungat ng mga Indian ang pag-uutos na ito, kaagad ipinag-utos ni Heneral Reginald Dyer, (komandanteng British sa Amritsar) ang pagpapaputok ng ripple nang walang anumang babala sa tagal na 10 minuto. 400 na Indian ang napatay at 1,200 naman ang nasugatan. Ito ang nagpasidhi sa pagkamuhi ng mga Indian sa mga British. Sa loob lamang ng isang magdamag, ang milyong Indian ay nagmistulang mga rebolusyonaryong nasyonalista na mahigpit na humiling ng kasarinlan.
  2. 2. MOHANDAS GANDAHI AT ANG KILUSANG PANGKASARINLAN Ang pangyayari sa Amritsar ang nakahimok kay Mohandas Karamchad Gandhi upang mamuno sa kilusang pangkasarinlan ng India. Gandhi – 1. Kilala bilang Mahatma (Dakilang Kaluluwa) o Great Soul. 2. siya ay kilalang lider sa larangan ng politika sa India. Siya ang nagpasimula ng prinsipyong satyagraha – nangangahulugang walang karahasang pagtutol ng mamamayan sa anumang hindi makatarungang batas o mass civil disobedience, na nagsilbing daan tungo sa pagkamit ng kasarinlan ng India. 3. Pinarangalan bilang “Ama ng Bansang India” 4. Siya ay nanirahan sa South Africa bilang isang manananggol sa isang pamayanang Indian. 5. 1915 – bumalik siya sa India at itinatag ang samahan ng mga magsasaka at manggagawang Indian upang tutulan ang mapaniil na pagbubuwis at diskriminasyon ng mga British sa mamamayang Indian. 6. Nang siya ay maging piuno ng Indian National Congress, pinangunahan niya ang mga: a. pambansang kilusan na naglalayong mapagaan ang kahirapan, b. mabigyan ng karampatang karapatan ang mga kababaihan, c. magtatag ng maayos na ugnayan sa pagitan ng mga Hindu at Muslim, d. mapanatili ang maayos na kabuhayan para sa mga mamamayang Indian, matamo ng Hind Swaraj o kasarinlan para sa India. SATYAGRAHA NI GANDHI Satyagraha o truth force – ay isang pilosopiyang nilinang at ipinangaral ni Gnadhi. – walang karahasangpagtutol sa anumang batas ng pamahalaan upang ito ay mahikayat na lumikha ng pagbabago. Meaning non-violent resitance o civil disobedience. Ayon kay Gandhi ang walang karahasang paghihimagsik ng isang tunay na tumututol ay sapat upang mapagtagumpayan ang labanan ng tama at mali. Inilunsad niya ang kanyang CIVIL DISOBEDIENCE – upang mapahina ang kapangyarihang pampolitika at pangkabuhayan ng mga British sa bansa. Nanawagan siya sa mga Indian na tanggihan at tutulang sundin ang mga alituntuning ipinatutupad ng mga British at gawin ang sumusunod: 1. iwasang bilhin ang anumang gawa mula sa Britain 2. iwasan ang pagpaok sa mga paaralang pampubliko 3. tutulan ang pagbabayad ng buwis 4. iwasan ang pakikiisa sa halalan 5. iboykot ang kasuotang yaring Britain sa halip hinimok ni Gandhi ang mga Indian na: 1. maghabi ng sariling tela at isuot ang mga ito pinababa nito ang industriya ng pananamit ng mga British 1920 – maraming Indian ang nadakip bunga ng pakikiisa sa mga naganap na demonstrasyon at pag-aalsa. sa kabila ng civil disobedience ni Gandhi hindi naiwasang maganap ang protesta at panggugulo. ANG SALT MARCH NI GANDHI 1930 – si Gandhi ay naglunsad ng isang demonstrasyon upang ipadama ang pagsuway sa kinamumuhiang SALT ACT na ipinatupad ng mga British. Nilalaman ng SALT ACT: 1. Sa pamahalaan lamang maaaring bumili ng asin ang mga Indian at kinakailangan din nilang magbayad ng kaukulang buwis sa pagbili nito. Upang ipakita ang kanilang pagtutol sa Gandhi at ang kanyang mga tagasunod ay naglakad ng 240 milya patungong baybay dagat. Pagsapit sa baybay dagat, sumalok sila ng tubig alat at sinimulang gumawa ng asin. Bunga nito, ang mga demonstrador ay tumuloy sa pagawaa ng asin ng mga British upang tuluyan na itong isara, ngunit sila ay pinigilan ng mga armadong British. Ito ay sinudan ng maramipang demostrasyon. Bunga nito, may 60,000 indian, kabilang si Gandhi ay dinakip at ikinulong ng 2 taon. GOVERNMENT OF INDIA ACT 1935 – isinabatas ng parlamentong British ang Government of India Act 1935. 1. Ang batas na ito ay nagbigay ng higit na kalayaan sa mga lalawigang sakop ng British sa India na pinamunuan na ng mga Indian. 2. Winakasan din ng batasna ito ang dyarchy – kung saan ang pamunuan ng bansa ay nagmumula sa mga lokal na opisyal na pinamumunuan naman ng nakatataas na mga opisyal na British. 3. Pinasimulan din ng batas na ito ang tuwirang halalan na nilahukan ng 35 milyong Indian at isinaayo ang mga lalawigan. 4. Ang Burma ay tuluyan ng hiniwalay sa India.
  3. 3. Questions: 1. Naging daan nga ba ang mga dayuhang kolonyalista sa pagkakabuo ng nasyonalismong Indian? Patunayan. 2. Gaano kalakas na puwersa ng isang pangkat ng tao ang maaaring makapagtakda ng kasaysayan ng isang bansa o lipunan? 3. Sino si Mohandas Gandhi? Bakit siya tinawag na Mahatma? 4. Bakit naganap ang Amritsar Massacre? Sakaling hindi naganap ang massacre, makakayanan pa ban g mga Indian ang pamamahala ng mga British? Bakit? Naganp na ba sa ating bansa ang ganitong sitwasyon? Isalaysay. ANGPAGBAGSAK NG IMPERYALISMO SA TSINA 1900 – ang Tsina ay handa na sa isang rebolusyon Nais nilang: 1. Palakasin muli ang kanilang hukbo 2. Makapagpatayo ng mga modernong pagawaan 3. Mabago ang edukasyon ANG PAG-UNLAD NG NASYONLISMO SA ASYA Dr. Sun Yat-sen  Nakapag-aralsa Canton ngunit nanirahan at nag- aral sa Hawaii  Nagtapos ng medisina sa Hong Kong  Pagkatapos ng pag-aaralnagpunta siya sa Macau upang makapagsalubhasa ngunit hinsi siya pinahintulutan ng mga Portuguese na makapanggamot  Bumalik siya sa Hong Kong at nagkaroon ng interes sa politka dahil sa walang kakayahan ang pamahalaang Ching na ipagtanggol ang Tsina sa mga dayuhan  1895 – itinatag ni Sun ang samahang “MULING BUHAYIN ANG TSINA (REVIVE CHINA SOCIETY) – ito ay isang lihim na samahangrebolusyonaryong nagbalak na agawin ang pamahalaang Tsina mula sa pamalaang Ching  Ngunit ito ay hindi nagtagumpay at si Sun ay ipinatapon ng mga Ching sa Europa, Estados Unidos, at Japan.  Pagdating sa Japan siya ay naging pinuno ng isang samahang rebolusyonaryong Tsino  Siya ay inihalal ng 14 na lalawigan ng bansa bilang pangulo ng pamahalaang probisyonal  Kuomintang – itinatag ni Sun na isang Partido Nasyonalista  Enero 1, 1912 – opisyal na iprinoklama ni Sun Yat-Sen ang pagiging Republika ng Tsina KUOMINTANG: 1. Naniniwala sa modernisasyon at nasyonalisasyon bilang kasagutan sa pagtatagumpay ng Tsina Oktubre 10, 1911 – napabagak ng Partido Nasyonalista ang Dinastiyang Ching at idineklara ang Republic of Tsina Si Sun ang “Ama ng Nasyonalismong Tsino” Ang republika na itinatag ni Sun ay hindi nagtagal Nagpag-isip ni YUAN SHIKAI – ang pinakamangyarihang pinuno ng hukbong Ching na makipagkasundo sa mga rebolusyonaryong Nasyonalista. PUYI – ang emperador ng panahong iyon ay bumaba sa kanyang posisyon at idineklara ang Republika ng Tsina 3 prinsipyo ni Sun: (“TATLONGPRINSIPYO NGMGA TAO” o “THREE PRINCIPLES OF THE PEOPLE”) 1. Nasyonalismo 2. Demokrasya 3. Kabuhayng Pantao DIGMAANG SIBIL SA TSINA Nasyonalista vs. Komunista – nauwi sa isang mahabang panahon na digmaang sibil sa Tsina 1930 – nagsimula ang digmaang sibil sa pagitang ng pamahalaan ni Ching at ng Partido Komunista ni Mao. Hinimok ni Mao ang mga magbubukid na sumanib sa itinatag niyang Red Army at sinanay ang mga ito sa pakikipaglaban MAO TE-TSUNG (komunista) CHIANG KAI-SHEK (nayonalista) 1. Pinanatili niya ang kanilang himpilan sa mga burol ng Timog sentral ng Tsina 2. 1934 - Dahil kulang sa tauhan ang kanilang grupo ay natalo at umatras 3. Sinimulan niya ang 12,500 kms. Na paglalakbay mula Jiangxi hanggang Shaanxi upang matakasan ang pangkat ni Chiang (LONG MARCH) 4. Ang habulang ito ay tumagal nang mahigit isang taon at ang 900,000 komunistang tumakas ay umabot na lamang sa 20,000 5. Sa kabila ng pagkatalo muli niyang binuo ang 1. Sinimulan niya ang puspusang kampanya laban sa pangkat ni Mao 2. 1933 - Pinalibutan ng kanyang 700,000 na tauhan ang pangkat ni Mao
  4. 4. kanyang grupo ng mas higit pa sa nauna. ANG PANANAKOP NG JAPAN SA TSINA 1937 – inilunsad ng mga Hapones ang pananakop sa industriyalisadong lupain ng Manchurria at iba pang bahagi ng Tsina. Ang malawakang pagsasalaky na ito ng Japan ay naging sanhin ng pagkamatay ng napakaraming Tsino Napilitang magkaroon ng pansamantalang kasunduan sina Chiang Kai-shek at Mao Tse-Tsung Ang digmaang sibil ay pansamantalang inihinto ng magkabilang panig at magkasamang hinarap ang puwersa ng mga Hapones. ANG PAGTATAGUMPAY NG PARTIDO KOMUNISMO SA TSINA Nang matapos mapagtagumpayan ang digmaan laban sa mga Hapones ipinangako ng Chiang Kai-Shek ang muling pagsasakatuparan ng “Tatlong Prinsipyo ng mga Tao” ni Sun Yat-sen sa pamamaha sa Tsina. Ipinalaganap naman ni Mao “Ang Bagong Demokrasya” (The New Democracy) – sa layuning makapagtatag ng ekonomiyang sosyalista SOSYALISMO – tumutukoy sa sistemang panlipunan kung saan ang pagpoprodyus at pamamahagi ng mga ari ay pinamamahalaan ng pamahalaan na siyang nagkokontrol sa ekonomiya ng bansa Muli na namang sumiklab ang sigalot sa pagitan ng puwersa ni Mao at Chiang Sa pagkakataong ito madaling nagapi ng mga Komunista ang pangkat ni Mao Nabigo ang Nasyonalista sa pagsasakatuparan ng mga repormang maaaring makapagpasigla sa kabuhayan ng mga tao. Nabigo si Chiang Kai-shek na makapagtatag ng epektibong alituntuning panlipunan, pangkabuhayan, at pang militar. Tanong: 1. Naganap na ba ang (long march) ganitogn imahe sa bansa? Ilarawan ito. PAG-UNLAD NG NASYONALISMO SA PILIPINAS (Refer to hand out 1 of gr. 7) ILUSTRADO – pangkat ng mga Pilipinong elitist na nakapag-aral sa mga bansang Kanluranin (Europa) ANG KILUSANG PROPAGANDA  Ang pinakamahusay na paraan upang maisulong ang kanilang mga layunin ay ang pagbuo ng isang organisasyong magbibigay ng isang pampublikong imahe, hindi lamang sa kanilang mga hinaing, kundi pati na rin sa Pilipinas bilang isang bansa, at sa mga Pilipino bilang isang lahi. Circulo-Hispano-Filipino – itinatag noong 1882, binuo ng mga ilustrado. Asociacion Hispano Filipino – itinatag noong 1889, ng mga Pilipinong naninirahan sa Espanya at ilang mga Espanyol.  Hangad ng Asociacion ang pagbabago sa Pilipinas, at ginamit nila ang propaganda upang mapalaganap ang kanilang hangarin sa publiko. Sa pamamagitan ng mga organisasyong ito ay inaasahang maiimpluwensiyahn ang opinion ng publiko sa Espanya at ito ay hahantong sa pagpasa ng mga kinakailangang batas na magsisimula ng reporma sa Pilipinas. Graciano Lopez Jaena – tubong Iloilo at naging mahigpit na kritiko ng pagmamalabis ng mga prayle. Sa edad na 18 ay isinulat niya ang kuwento ng Fray Botod – na naglalarawan sa pagkagahaman ng mga prayle at pang-aapi nila sa mga katutubo.  Inusig siya ng mga prayle kaya napilitan siyang tumakas sa Maynila. Kalaunan ay nagtungo siya sa Espanya noong 1880. Nakilala sa Lopez-Jaena sa kaniyang husay sa pagsusulat at pagtatalumpati. Sa kaniyang mga gawa ay ipinagtanggol niya ang mga Pilipino at ang hangarin tungo sa reporma. Marcelo H. del Pilar – naging patnugot ng La Solidaridad noong 1889 at nakilala bilang isa sa mga pangunahing lider ng Kilusang Propaganda.  Ipinanganak sa Bulacan, nagtapos ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas.  Itinatag niya ang Diariong Tagalog nong Agosto 30, 1850. Ilan sa kanyang mga nasulat ay ang Dasalan at Tocsohan at La Soberania Monacal na pawing matitinding pagtuligsa sa mga prayle.  Ipinaaresto siya ng pamahalaan ngunit siya ay tumakas patungong Espanya noong 1888.  Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang La Solidaridad ay naging aktibong instrumento ng Kilusang Propaganda.  Sa kanyang pananaw, ang mga prayle ang siyang naghari sa lipunang Pilipino at ang kalagayang ito ay siyang nagpapahirap sa mga mamamayan. Ang “monarkismo” ng mga prayle ay kaniyang inilarawan sa isang sanaysay na inilabas noong 1889.
  5. 5. Dr. Jose Rizal – nagmula sa Calamba, Laguna at katulad ni Lopez-Jaena ay nag-aral ng medisina.  Maagang namulat si Rizal sa mga pagmamalabis ng mga Espanyol. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay naging tagasunod ni Padre Jose Burgos at lubos na naapektuhan ang magkapatid nang pinatay ang tatlong pari.  Lumutang ang kaniyang galing sa pagsusulat sa kaniyang galing sa pagsusulat sa kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na itinuturing na mga obra maestra sa paglalarawan ng mahirap na kalagayan ng Pilipinas atng mga Pilipino sa ilalim ng mga Espanyol.  Ipinaliwanag ni Rizal ang mga Pilipino sa mga Espanyol sa kaniyang mga obra. Sa serye ng mga artikulong nagpapaliwanag sa sinasabing katamaran ng mga Pilipino, ipinakita ni Rizal na ang katangiang ito ay may mas malalim na dahilang kaugnay sa pamamalakad ng mga mananakop. Antonio Luna – isa sa mga aktibong miyembro ng Kilusang Propaganda sa Espanya na nakilala hindi lamang sa kaniyang husay sa pagsusulat kundi maging sa paggamit ng armas. Mariano Ponce – itinuturing na mahusay na tagapamahala ng kilusan na nagsulat tungkol sa iba’t ibang larangan katulad ng kasaysayan, politika, edukasyon, at iba pa. Sina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo ay nagbigay ng dangal sa lahing Pilipino dahil sa kanilang natatanging likhang sining na pinarangalan sa Espanya. Spolarium ni Juan Luna ay nagkamit unang gantimpala sa Pambansang Eksposisyon sa Madrid noong 1884. Si Hidalgo naman ay nanalo ng pangalawang gantimpala sa parehong eksposisyon para sa kaniyang ipininta na pinamagatang Las Virgenes Christianas Expuestas al Populacho (Ang mga Kristiyanong Birhen na Nakalantad sa Madla) .Ang dalawang obrang ito aymga simbolikong pagpapahayag ng kahirapang dinaranas noon ng mga Pilipino. Miguel Morayta – dalubhasa sa kasaysayan at politika at isa sa mga unang kasapi ng Kilusang Propaganda. Ferdinand Blumentritt – isang Alemang propesor ng etnolohiya na naging dalubhasa sa wikang Tagalog at kulturang Pilipino bunga ng kaniyang pakikipag-ugnayan sa mga propagandista, lalong-lalo na kay Jose Rizal. Si Blumentritt ay naging matalik na kaibigan ni Rizal. RESULTA NG PROPAGANDA  Ang mga gawain ng Kilusang Propaganda ay pumukaw ng interes ng mga Espanyol ngunit hindi sapat upang makamit ang mga hinihiling nilang pagbabago. Ilang reporma ang naipasa ng pamahalaang kolonyal ngunit hindi naipatupad sa Pilipinas.  Ang kakulangan ng salapi ay naging malaking hamon sa kilusan at naging dahilan ng paghinto ng La Solidaridad noong 1895.  Nahati rin ang komunidad ng mga Pilipino sa Espanya dahil sa ilang hindi pagkakaunawaan.  Pinangunahan ni Marcelo del Pilar ang pangkat na nagsusulong na mananatili ang mga propagandista sa Espanya at patuloy na hikayatin ang pamahalaan upang ipatupad ang mga hinihinging reporma sa Pilipinas.  Naniwala si Jose Rizal na panahon na upang bumalik ang mga propagandista sa Pilipinas at doon ipagpatuloy ang pagkilos tungo sa reporma. Nagpasyang umalis si Rizal sa Espanya noong 1890 at nakabalik siya sa Pilipinas noong 1892. Ngunit sa kabila ng mga isyung humati sa Kilusang Propaganda, ang pinakamalaking dahlia ng pagkabigo ng kilusan ay ang kapangyarihan ng mga prayle na nagtagumpay na mapigilan ang mga repormang isinusulong ng mga propagandista. Mahalagang bunga ng Kilusang Propaganda:  Ang pagpapatuloy ng pagsulong ng reporma sa Pilipinas.  Ilan sa mga propagandista ay naniniwala na kailangang isulong ang paghingi ng reporma sa mismong kapuluan.  Kaialangan ding maipaalam sa mas marami ang mensahe ng reporma. Upang maisakatuparan ito, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina noong 1892 upang pangunahan ang pagoorganisa tungo sa pagbabago at linangin ang diwa ng kapatiran sa mga Pilipino. La Liga Filipina – kakaiba ito sa mga naunang samahang panreporma dahil karamihan sa mga kasapi nito ay nagmula sa masa. Pangunahing hangarin ng samahan ang pagtutulungan ng bawat miyembro at paghahanda ng kanilang sarili para sa inaasahang pagbabago sa lipunan. DASALAN AT TOCSOHAN Si Marcelo H. del Pilar ay sumulat ng isang koleksiyon ng mga dasal na isinulat sa estilo ng parodiya. Parodiya – ay ang panggagaya ng isang bagay na hinahaluan ng pagpapatawa o pang-uuyam.  Naging popular ang kaniyang mga isinulat sa publiko dahil ang mga dasal ay bahagi ng katekismo at pangkaraniwang dinarasal ng mga Katoliko. Umani ng matinding pagbatikos mula sa Simbahang Katoliko ang isinulat ni Marcelo H. del Pilar at siya ay kinodena ng Arsobispo ng Maynila. Ang Dasalan at Tocsohan ay isang halimbawa ng paggamit ng isang popular na teksto upang ipalaganap ang isang kaisipan. PAGSIKLAB NG NASYONALISMO SA BURMA 1896 – nang maging kolonya ng Britain ang Burma Ito ay pinamahalaan ng mga British bilang isang lalawigan ng India. General Council of Burmese Association – ay naitatag ng mga Burmese upang makuha ang suporta ng magkakaibang pangkat-etniko ng bansa sa isang kilusang magbubuklod sa kanila laban sa dayuhang British. 1937 – pinamunuan ng mga mag-aaral na nagmula sa Rangoon ang kilusang DOBAMA ASIAYONE (WE
  6. 6. BURMESE ASSOCIATION) mula sa katawagang THAKINS – na ang ibig sabihin ay “panginoon” U AUNGSAN – ang isa sa mga namuno sa samahang WE BURMESE ASSOCIATION Slogan: “Ang Burma ang aming Bansa; panitikang Burmese ang aming panitikan; wikang Burmese ang aming wika”. U AUNG SAN: -siya ang itinalaga bilang kauna-unhang punong ministro ng Republic of Burma. -ngunit namatay siya kasama ang ilang opisyal ng kanyang gabinete sa isang ambush na pinaniniwalaang kagagawan ng kanyang karibal sa politika. BURMA ACT 1935 – ito ay ipinatupad ng mga British matapos mamatay ni U ANG SAN,kung saan sa ilalim ng Saligang Batas, ang bansa ay inilagay sa ilaim ng direktang pamamahala ng mga British ngunit ang ilang posisyon sa pamahalaan ay ibinigay sa mga nakapag- aral ng Burmese. Activity: 1. Paanonakatulong ang mga sumusunod na lider sa pag-usbong ng nasyonlaismo sa kanila-kanilang bansa? a. Jose Rizal b. Andres Bonifacio c. Mohandas Gandhi d. U Aung Sun 2. Ano ang kaya mong gawin upang maipakita ang iyong pagmamahal sa iyong bansa? Ano ang kaya mong gawin upang mapagtibay ang pagkakakilanlang Asyano bilang Pilipino? 3. Ano ang nais mong tumimo/matanim sa isipan ng mga kabataan tungkol dito? 4. Kung ikaw ay kabataan noong dakong 1892, bubuhayin mo bang muli ang nalansag na La Liga Filipina o sasanib ka sa Katipunan? NASYONALISMO SA TIMOG SILANGANG ASYA (East Indies) INDONESIA 1890 – ang lumalalang kondisyon sa Java ang siyang nagtulak sa mga Olandes upang magkaroon ng pagbabagong administratibo (Ethical Policy). Humigpit ang control ng mga Olandes sa mga lokal na kalakalan, particular sa Java na siyang pinakasentro ng ekonomiya. Ang mahigpit na pagkontrol ng mga Olandes ang nagpabago ng balance sa pagitan ng mga Europeo at elitista. (kolonyal na Olandes) Ang mga kabataang nakapagtamo ng edukasyong Kanluranin sa Indonesia ang nagsimulang magtatag ng unang samahang nasyonalista sa bansa – BUDI UTOMO – “dakilang pagpupunyagi” o (glorious endeavor) – Layunin ng samahan na ito na ibangon ang kalagayan ng mga magbubukid na Javanese. Wahidin Sudirobusodo – ang nagtatag ng samahang BUDI UTOMO noong 1908. 1912 – itinatag ni HAJI UMAR SAID COKROAMINOTO ang unang organisasyong Islamiko sa Indonesia. Ang SAREKAT ISLAM (Islamic Association). Layunin ng samahan na ito ang pagkakaroon ng repormang pangkapayapaan at pangkabuhayan. Dumami ang mga paaralan para sa wikang Olandes, naging mabagal naman ang pagbubuo ng isang legal na sistema at estrukturang political na may pamamaraang Olandes. 1918 – itinatag ang isang Volksraad (People’s Council) at isang probisyonal na pamamahala ang ipinakilala bilang modelo ng Netherlands. 1869 – ang pagbubukas ng Suez Canal na siyang nakapaglapit sa Kanlurang Asya at Europa. Nalantad sa mga Indones na Muslim ang repormistang kilusan ng Islam sa Kanluran at iba pang lugar. 1921 – nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng pangkat ng konserbatibo at komunista sa samahang SAREKAT ISLAM. Ang pangkat ng komunista o PARTAI KOMUNIS INDONESIA (PKI) ay naglunsad ng pag- aalsa sa Java sa Kanlurang Sumatra. Ang pagkatalo ng pag-aalsa ng komunista ay nagbukas ng daan sa pagtatatag ng bagong kilusan at noong 1926 – itinatag ang samahang General Study Club na di naglaon ay naging Nationalist Party of Indonesia sa ilalim ng pamumuno ni Sukarno. 1926 – 2 taon matapos ideklara ang Mecca bilang banal na kabesera ng Saudi mahigit 50,000 Indones ang naglakbay patungo roon. Bilang pagtutol sa modernisasyon ng Islam, ang mga konserbatibo ay bumuo ng samahang NAHDATUL ULAMA (Awakening of the Ulama) at itinuturing ito bilang pinakamalakas na samahan sa liblib ng Java. NASYONALISMO SA VIETNAM (pranses naman ang nakasakop sa kanila)  Ang tradisyonal na pagpapahalga ng mga Pranses sa panlipunan at pampolitikal na pananaw a nagbibigay- halga sa karaparatang pantao at kalagayang indibidwal ang nagtanim sa mgaVietnamese ng damdaming nasyonalismo.  Matapos ang World War 1, mas higit na sama ng loob ang naramdaman ng Vietnamese bunga ng mahigpit na pamamahalang pangkabuhayan ng mga Pranses sa kanilang bansa. 1920 – NGUYEN AI QUOC – siya ay umanib sa Partido Komunista ng Pransiya. Siya ay nagtungo at nanirahan sa Pransya, Rusya, at Tsina. Hanggang sa palitan niya ang kanyang pangalan ng HO CHI MINH. Itinatag ni HO CHI MINH ang INDO-CHINESE COMMUNIST PARTY noong 1930.
  7. 7. Nagawa ng Indo Chinese Communist Party 1. Pinagisa ng lahat ng samahang nasyonalista sa ilalim ng League for the Independence of Vietnam na kilala bilang Viet Minh. ANG PAGLAGANAP NG NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA  Noon pa man natuklasan na mayroong langis sa kanlurang rehiyon ng Asya  Nang matuklasan ng taoang kahalagahan ng langis, dito na nagsimulang dumayo ang mga karatig-bansa upang makakuha ng suplay nito.  Samantala ang mga bansang malapit sa rehiyon ay nag- unahang sakupin ang bansang mayaman sa langis. ANG MGA TURK  Nang matapos ang Worl War 1 ang Turkey lamang ang naiwan mula sa Imperyong Ottoman. Bumubuo sa Ottoman: 1. Anatolia (isang makitid na lupain sa paligid ng Constantinople (Istanbul sa kasalukuyan) 1919 – nilusob at madaling nasakop ng mga hukbong Griyego ang Turkey. 1839 – unang ipinhayg ng SAMAHANG TURKANIAN (TURKANIAN SOCIETY) na mapagbuklod ang mamamayang Turkic ng imperyong Rusya. TURAN – salita na nagmula sa pangalan ng isang lupain sa Persia na matatagpuan sa silangang bahagi ng Iran kung saan naninirahan ang mga Turkic at Turan. Nang bumagsak ang Imperyong Ottoman, ang mga Muslim sa imperyo ay nagtatag din ng sarili nilang samahan, ang IDEOLOHIYANG KEMALIST (KEMALIST IDEOLOGY) KEMALISM – anim na palaso (six arrows) – ang bumubuo sa katangian ng Republic of Turkey. Ito ay nilinang ng Kilusan ng mga Kabataang Turk sa ilalim ng pamumuno ni MUSTAFA KEMAL ATATURK. Sa ilaim ng pamumuno ni MUSTAFA KEMAL ATATURK: 1. Ipinagpatuloy ng mga Turk ang pakikipaglaban sa kanilang kalayaan sa pamamagitan ng Kasunduan sa Lausanne 2. 1921 – natamo ng mga Turk ang kanilang kalayaan. 3. 1923 – itinatag ni MUSTAFA KEMAL ang REPUBLIC OF TURKEY – ito ang kauna- unahang republika sa Kanlurang Asya. 4. Mabilis siyang nagpatupad ng kanyang mga reporma upang matamo ang layuning mabago ang Turkey patungo sa isang modernong bansa. 5. Itinatag niya ang Republikang Sekular – isang uri ng pamahalaang hindi nakaugnay sa relihiyon. 6. Pinaghiwalay niya ang batasng Islam atbatas ng bansa. 7. Inalis niya ang hukumang panrelihiyon at nagtatag ng panibagong sistemang legal na nakabatay sa panibagong sistemang legal na nakabatay sa batas Europeo. 8. Ipinatupad niya ang edukasyong Kanluranin sa bansa. 9. Inilunsad niya ang programang industriyal upang mapaunlad ang Turkey bilang industriyalisadong bansa. 10. Siya ang nagtalaga ng pagbabago sa pananamit ng mga Turk. 1938 – nang namatay si Kemal. Siya ang kinilala ng mga Turk bilang si ATATURK “AMA NG MGA TURK” ANG MGA ARAB PAN-ARABISM – ito ang modernong salita gamit para sa pag-iisang political ng mga bansang Arab sa Middle East  Upang makapagtatag ng malakas na samahan ng mga estadong Arab sila ay umanib sa mga British noong World War 1.  Matapos ang digmaan hiniling ng mga Arab ang gantimpalang pangakong binitiwan ng mga British at Pranses na kasarinlan para sa lahat ng lalawigan Arab sa ilalim ng Imperyong Ottoman.  Ngunit ang pangako ito ay hindi natupad.  Bunga nito, ang Arab ay nagsimulang mag-alsa. Matapos ang World War 2 itinatag ng mga Arab ang mga samahan na: 1. Arab League 2. Arab Federation 3. Arab Union 4. United Arab Emirates 5. Arab Maghreb Union MODERNISASYON, WESTERNISASYON, AT SEKULARISASYON NG IRAN Ang Great Britain at Rusya ay nakapagtaag na ng saklaw na impluwensiya sa sinaunang Persia. 1925 – isang opisyal ng hukbong Persian ang iniluklok sa kapangyarihan bilang SHAH o HARI NG PERSIA, matpaos niyang agawin ang kapangyarihan mula sa dating Shah Pahlavi. REZA – namuno bilang isang dictator at pinutungan ng korona bilang “HARI NG MGA HARI”
  8. 8. KEMAL – siya ang naglunsad ng mga programang modernisasyon, westernisasyon, at sekularisasyon sa bansang Iran. Mga nagawa ni KEMAL: 1. Nagpatayo ng mga paaralang pampubliko 2. Nagpagawa ng mga lansangan, daang-bakal 3. Pinaunlad ang mga industriya ng bnasa 4. Pinalawig ang karapatan ng mga kababaihan 1935 – pinalitan ni REZA SHAH PAHLAVI ang pangalan ng Persia ng IRAN. Ang pamumuno ni Reza Shah Pahlavi ay hindi naging popular sa bansa lalo na sa mga TRADITIONALIST. (narrow-minded) Napilitan siyang bumaba sa trono at pinalitan ng kanyang anak na si MOHAMMAD REZA PAHLAVI. Ipinagpatuloy nito ang programang modernisasyon ng bansa hanggang sa ito ay pigilan ng kilusang oposisyon AYATOLLAH RUHOLLAH KHOMEINI – namuno sa oposisyon na sapilitang ipinababalik ang prinsipyo ng Islam sa pamahalaan ng bansa. 1979 – sapilitang inagaw ni KHOMEINI ang pamahalaan at sapilitang pinababa sa trono si MOHAMMAD REZA. ANG ISRAEL AT ANG KILUSANG ZIONISM Ang awayan sa pagitan ng mga JEW at ARAB ay nagsimula noon pa man. JEW / Isralites (believe in teachings of Moises) PALESTINE (arab) Ang pag-angkin ng mga JEW sa lupaing Palestine ay nagsimula may 3,000 taon na ang nakararaan. Legal nilang nakuha ang lupa mula sa United Nations noong 1948. Para sa mga Palestine ang lupain ay pag-aari na nila mula pa noong mapaalis ang mga JEW noong 135 BCE. Marami sa kanilang kapwa Arab ang matagal ng nakatira doon bago pa man sila patalsikin ng mga Zionist lupa ang pinagaawayan. Maraming conspiracy theories sa pagitan ng Israel at Palestine. Kine-claim ng mga Palestinian Arabs na sila ang rightful owner ng buong land of Palestine na ngaun ay majority ng territory ay occupied na ng Israel, at ninakaw lang ng mga European Jews o mga Zionists. Ang claim naman ng Israel ay legal nilang nakuha ang lupa mula sa United Nations noong 1948. Claim ng mga Palestinian Arabs na sila ang majority ng population na nakatira sa lupang un bago sila patalsikin ng mga Zionists. Claim naman ng mga Zionists,konti lang ang tao dun at majority mga Jews (na nanatili sa lugar kahit pagkatapos ng Babylonian captivity) nung nagsisimula pa lang ang Zionism noong 18th century at pakana lang ng mga Arab countries na marami ng mga Palestinian Arabs nang naninirahan doon nung magbalik sila dun noong 18th century. Ayon sa Mandate of Palestine, 56% ng lupa ay dapat sa Israel at 44% ay dapat sa Palestine pero ngaun halos 90% ng lupa ay occupied na ng Israel. Inalis na ng Israellahat ng settlements nila sa Gazapero meron pa rin silang mga settlements sa West Bank. Inaakusahan ng Palestine ang Israel ng genocide o pagmasaker sa mga inosenteng Palestinians. Inaakusahan naman ng Israel ang Palestine ng paggamit sa mga Palestinian civilizians bilang human shields kaya marami lagi ang casualties sa bawat atake nila. Inaakusahan din ng Israel ang Palestine na di tumutupad sa ceasefire at peace agreements at siyang nagsisimula lagi ng gulo. Inaakusahan din ng Israel ang Palestine na tinuturuan ang mga Palestinian children na maging terorista at patayin ang mga Jews. Mas marami lagi ang casualties sa Palestine sa tuwing magsasalpukan angdalawang bansakaya terrorist state ang turing sa Israel. Considered terrorist organization naman ng maraming bansa ang Hamas, ang government ng Palestine. Israel ang may kontrol sa supply ng electricity at water sa Gaza at limited lang ang fishing zone na binigay ng Israel sa kanila. Gusto ng Palestine mabuwag na ang State of Israel at tuluyang mawala na ang mga Jews sa Middle East.Hindi naman nila maisakatuparan ito dahil Israel ang may 4th best military sa buong mundo. Kaya parang wala ng solusyon ang problema sa Middle East hanggang di nawawala ang isa sa kanila. Ang claim ng mga Jews, sila ang unang nanirahan dun. Wala pang Islam, wala pang mga Arabo, wala pang Palestine, mga Hudyo na ang naninirahan sa lupaing un 3000 years ago. Pinatalsik lang sila dun nung panahon ng Babylonian captivity kaya napunta sila sa Europe. Pero ung ibang Jews nanatili sa lugar na un. Sa maraming centuries, mga Romans, Ottomans at British ang nagmamayari ng lupaing un at hindi ang mismong mga naninirahan dun hanggang noong 1920s nga napagpasyahang ibigay sa Israelang 56% ng lupa.18th century nagsimula ang Zionism o pagbabalik ng mga European Jews sa lupaing un at ang sinasabi rin nila nung unang magpunta sila dun, wala pang masyadong tao dun. Pakana lang daw ng mga Arab countries na may bansa na doon para mapatalsik ang mga Jews. Philistine is Goliath, hindi Palestinian. Pagan o idol worshipper ang mga Philistine. Arab at Muslim naman ang mga Palestinian. Wala pang Islam noong panahon ng mga Philistine. Iba rin ang mga Israelite sa mga Jew at Israeli. Ang mga Israelite ay lahat ng tao mula sa 12 tribes ni Jacob. Ang mga Jew naman ay mula lang sa tribe ni Judah. At ang mga Israeli naman ay mga citizen ng Israel mapa Jew, Arab, Muslim o Christian man. Israel ang may highest standard of living at nagiisang democratic country sa Middle East. Lahat ng bansa sa Middle East puro kingdom at dictatorship maliban sa Israel. Liberal at tolerant na state ang Israel. Hindi pinagbabawal ang paninirahan ng mga Arabo sa Israel.
  9. 9. Sa katunayan, 1.6 million ng population ng Israel ay mga Arabo. Mga Arab at Islamic countries lang talaga ang antagonistic towards Israel. Bawal ang mga Hudyo sa mga Arab countries at hindi rin nila pinapayagan ang mga citizens nila na makapasok sa Israel. Theodore Herzl (isang manunulat mula sa Vienna)– pinuno ng kilusang Zionism kung saan nagnanais sila na magkaroon ng sariling bansa sa Palestine para maiwasan ang mga taong nang-uusig sa kanilang pananalig. Upang masimulan ang layunin nilang makapang-angkin ng kapirasong teitoryo sa Palestine, ang ilang pangkat ng mga Jew na kaanib ng Zionism ay nagsimulang manirahan sa Palestine. (9th century) Ang Palestine ay bahagi pa ng Imperyong Ottoman na piamumunuan ng mga Turk Performance Task: 1. Gumawa ng mga flyer na naghahayag ng iyong pakikiisa sa pagsugpo ng korapsyon sa pamahalaan. 2. Gumawa ng isang panukala para sa iyong barangay na makatutulong upang kumita ang mga kabataang di nagsisipag-aral. Tanong: 1. Kung ikaw ay kabataan noong dakong 1892, bubuhayin mo bang muli ang nalansag na La Liga Filipina o sa sanib ka sa Katipunan? 2. Sa iyong palagay, makatwiran ba ang pagkontrol ng mga Komunistang Tsino tungkol sa Confucianismo sa pangunguna ni Mao Tse Tung? 3.

×